Chapter 1
Maaga pa lang ng
magising si Rina para sa pagpasok sa kanyang eskwela. Ang nanay naman niyang si
Aling Menang ay abala sa paglalaba at sila ay mag-uusap.
"Ay ineng,
may naitabi ka gang kwarta diyan?" Tanong ni Aling Menang kay Rina habang
abala sa pagkukusot. Kukuhain ni Rina ang pitaka at pagkatapos ay bibilangin.
"Naku nay,
ay sapat pa naman ho ang pera ko." Tugon ni Rina.
"Anak,
masama ang lagay ng dagat ngayon at mahina ang huli ng isda kaya di gaanong
kumikita ang tatay mo eh. Ito namang kinikita ko sa paglalabada, kulang na
kulang at para lang ito sa pangkain natin. Pagpasensiyahan mo na kung wala
akong maibibigay sa'yo ngayon pagkat tayo'y kinakapos. Sa panahon ngayon ay
kailangan nating maghigpit ng Sinturon."
"Inay, ano
ga kayo, naiintindihan ko ho at saka huwag niyo ho kami alalahanin, may pera pa
naman kami ni Myla at nakarami kami ng benta ng Bote at Lata kahapon eh. Ang
alalahanin ninyo ho ang inyong kalusugan, subsob na subsob na kayo sa
pagtatrabaho ni itay at wala na kayong pahinga, ay siya at baka kayo
magkasakit." Mapuntong sabi ni Rina.
"Naku, wala
iyon ineng. Saka tingnan mo kami, ang lulusog at halata gang magkakasakit pero
alam mo, hindi niyo dapat ire dinadanas, kung nagsumikap lamang kami at hindi
ako nagmadali. Ay kasalanan ko 'to, nagsisi ako kasi agad-agad kumerengkeng
kaya iyan at di tuloy nakapagtapos ng pag-aaral at maagang nakabuo ng pamilya.
Kaya kayo ha, huwag ninyo kaming tularan, maiging tapusin niyo muna pag-aaral
bago iyang pag-ibig at pakikipagrelasyon. Mahirap na kapag lumagay ka sa ganyan
at masiraan ng tuktok, di mo mapipigilan ang sarili sa kanya at ito ay
lubos-lubos hanggang sa dumating ang panahong mabuntis ka ng walang malay at
kapag nangyari iyon, ay sige ka, titigil ka na sa pag-aaral at habang buhay ka
ng Instant nanay gaya ko. Sinasabi ko 'to sa'yo dahil ayaw kong matulad kayo sa
amin."
"Ay oho inay, ikaw naman nanermon na agad
at tatapusin ko ho muna ang pag-aaral at di tutulad sa ibang kabataan diyan na
kay kakati ng laman at di na nakapag-aral dahil maagang naging magulang. May
pangarap ako sa buhay at di ko hahayaang gumuho iyon dahil dun at pangako nay,
di ako tutulad sa inyo, kaming tatlo magkakapatid ang mag-aahon sa ating
kahirapan. Oh siya inay, kailangan ko ng gumayak."
"Paalam
ineng at ika'y mag-ingat ah." Pangiting pagpapaalam sa anak.
Pagkapasok ni
Rina sa paaralan at ng oras na ng kanilang kainan, hindi siya makakabili ng
pagkain dahil kulang na kulang ang kanyang pera.
"Oh Rina,
nagsilabasan na ang mga kamag-aral mo, narine ka pa? Wala ka gang balak
kumain?" Tanong ng kanyang guro na si Ms. Cruz.
"Wala ho
Ma'am at saka hindi po ako nagugutom eh." Pangiting tugon ni Rina kay Ms.
Cruz kahit mababakas na sa mukha ang kagutuman.
"Ay siya
nga ga? Ay kasi tingin ko, kailangan mo ng kumain." Hindi magsasalita si
Rina samantalang iaabot ni Ms. Cruz ang pera.
"Oh ire at
bumili ka."
"Naku Ma'am
huwag na ho, nakakahiya at para sa inyo yan." Patumanggi umano ni Rina sa
alok ng kanyang guro.
"Sige na,
tanggapin mo na. Alam mo ga ay nangbabagsak ako ng estudyanteng mahilig
tumanggi sa akin eh. Ay siya, gusto mo gang gawin ko iyon sa'yo, Ineng? Kaya
sige na, huwag ka diyan madungo." At tinanggap nga ni Rina ang pera.
"Ay salamat
Ma'am at kabait niyong maestra sa 'kin."
"Sino pa ga
ang magtutulungan kundi tayo lang. Basta kapag may kailangan ka, huwag kang
magdalawang isip na lumapit sa akin."
Nang matanggap
ni Rina ang pera ay dali-dali itong lumabas. Hindi pa nakakarating ng Canteen
si Rina ng biglang lumapit sa kanya si Enzo at tila bang may mahalaga itong
sasabihin.
"Rina,
Rina! Ang kapatid mo." Hingal na hingal na sambit ni Enzo. Kakabahan si
Rina sa kanyang malalaman.
"Oh Enzo,
naparine ka, ano ga ang nangyari sa kapatid ko?" May pag-aalalang tanong
ni Rina.
"Yung
kapatid mo, isinugod sa Clinic. Ay masakit daw ang tiyan. "
"Ha ano!
Ano pang hinihintay nata? Bilisan na nata at baka kung mapano pa ang
Myla."
May pagmamadali
ang dalawa sa pagkilos patungong Clinic. Pagkadako ay nadatnan nilang nakaratay
si Myla kasama ang guro at ilan nitong kamag-aral na nagsugod sa kanya at labis
nitong iniinda ang pananakit ng tiyan.
"Ay ano
gang nakain mo at nagkaganyan ang sikmura mo?"
"Wala pa
ate at saka di pa ko nakain magmula pa kanina eh." Sabi ni Myla na hirap
na hirap ng magsalita dahil sa iniindang sakit. Sisingit bigla ang guro ni Myla
na si Ms. Pacheco sa kanilang pag-uusap.
"Ah ineng,
ikaw ga ang kanyang kapatid?" Tanong ni Ms. Pacheco."
"Oho
Maestra."
"Kanina ko
pa kasi napapansin, matamlay ang kapatid mo at di nasalita eh. Tapos ng Recess,
tinanong ko siya. Iyon pala ay kanina pa raw nagugutom at masakit na din ang
tiyan. Ang sabi ko sa kanya, huwag
siyang magpapalipas ng gutom kasi masama iyon sa kalusugan." Paglalahad ni
Ms. Pacheco.
"Totoo ga
ang sinabi ng maestra mo? Ay pambihira kang Myla ka, hindi ga sinabi ko na
sa'yo na huwag mong gugutumin ang sarili mo, ikaw ga'y magpapakamatay? Ay
kaulaga mo naman ire. Ay hindi baleng ako ang magutom, huwag lang ikaw."
"Ate kaya
ko naman ho ginawa iyon gawa na nagtitipid ako para sa mga project namin. Hindi
ako nabigyan ng inay gawa na wala raw maibibigay at kapos na kapos sila
eh."
"Oh ire ang
pera, ipambili mo ng pagkain para mawala ang pananakit ng tiyan mo. Kung di mo
kaya, magpasama ka sa akin ha." Ibibigay ni Rina ang pera subalit
tatanggihan ni Myla.
"Ay hindi
na ate at saka pawala naman ang sakit ng tiyan ko, itutulog ko na lamang
ire."
"Ay huwag
ng magtigasan ang ulo at saka nagkakaproblema na nga sa bahay, dadagdagan mo
pa. Ay siya sulong na!"
"Magagawa
kong tanggapin iyan pero ipakiusap mo, huwag mong masambit kila inay ang
tungkol sa nangyari sa akin. Ayaw ko silang mag-alala." Pakiusap ni Myla
kay Rina at sinunod nga iyon ni Rina.
Magkasabay na
umuwi ang magkapatid na Rina at Myla at pagkalapag ng gamit ay kaagad ng inihanda
ni Rina ang sako upang mangalakal subalit hindi ito kaagad makaalis dahil sa
pangungulit ng kapatid na isama siya.
"Ano ga
ate, ay kagaling lang natin ng paaralan, mangangalakal ka nanaman?"
"Myla,
kailangan kong kumita ngayon para may baon tayong dalawa sa darating na Lunes
at di na manghingi kila inay, kung di ako kikilos ngayon, pano na tayo, ano
habang buhay gang gagapang tayo sa hirap."
"Ay hindi
ka pa nakain ate, kumain ka muna kaya."
"Hindi ako
gutom at saka anong kakainin ko, eh wala nga tayong nadatnang ulam. Oh siya,
una na ko."
"Teka
hintay, sama ako ate sa gayak mo, please." Nagmamakaawang sambit ni Myla.
"Alay di
pwede, magpahinga ka diyan at magpalakas."
"Sige na
ate at tingnan mo ayos na ko."
"Pagkatigas
ng iyong bungo, sinabi na ngang hindi pwede! Hindi ka ga nakakaunawa at baka
kung mapaano ka pang muli! Dine ka lang sa balay!" Pasigaw na turan ni
Rina kay Myla.
Habang
sinisigawan ni Rina si Myla ay biglang dadating ang kanilang ama na si Mang
Lukring at inalam ang tungkol sa nangyari kay Myla subalit pinagtakpan ni Rina
sa kagustuhang ayaw na niya silang mag-alala.
"Uy, ano
'yan at maririnig kong nagtataasan kayo ng tinig?" Tanong ni Mang Lukring
sa dalawa.
"Wala ho
itay, nag-uusap lamang kami ng Myla." Sabi ni Rina.
"At saka
ano ang nasabi mo kay Myla na baka kung mapaano ka muli, bakit may nangyari ga
sa kapatid mo kanina? May bagay ga kayong hindi nasabi sa akin? Ay magtapat
kayo."
"May
nangyari kay....Myla? Oho itay may nangyari nga kay Myla."
"Ate ano ga
iyan?" Pabulong ni Myla.
"Ano ang
nangyari, umimik ka!" Pasigaw na tanong ni Mang Lukring. Hindi agad
makakapagsalita si Rina sapagkat nag-iisip ng sasabihin upang mapagtakpan si
Myla.
"Ay naku
tay, dahil sa di pag-iingat ni Myla kanina sa paglalakad, nagsungaba ho siya
pero ayos na ngayon at sa kabutihang palad, di naman siya nasugat. Hindi ko
lang siya pinapasama sa aking gayak kasi kailangan niyang magpahinga."
"Totoo ga
ang sinabi ng iyong kapatid?"
"Totoo ho
itay na nadapa ako." Sagot ni Myla na halatang kabado pa rin.
"Sige itay,
susulong na at mangangalakal." Kukuhain ang sako at pagkatapos ay aalis
na. Maiiwan ang mag-amang Mang Lukring at Myla at mag-uusap.
"Ikaw
ineng, ikaw ga'y ayos lang?" Pag-aalalang tanong ni Mang Lukring.
"Alay si
itay naman eh nag-aalala pa, eh samantalang di naman ako nagalusan, tingnan mo
nga. Ay teka tay, mukhang nakarami ka ng huli ng isda ahh."
"Oo anak,
at saka ito ang pagsasaluhan natin ngayong hapunan. Mabuti nga at malakas na
ang huli ngayon matapos ang ilang araw at makakabawi na ko sa inyo. Paano
ineng, ikuha mo nga ko ng sangkalan at kutsilyo, at ako'y magluluto na.."
"Yes
itay." Nasasabik ng kumain si Myla.
Kinabukasan at
dahil wala silang pasok at sa kagustuhang makalikom ng pera para sa
pangangailangan ng kanilang pag-aaral, kahit tirik ng husto ang araw ay
maghapon silang nangalakal at di inalintana ang init ng panahon at tagaktak ng
pawis. Ng hapong iyon at habang abala sa panguguha ng lata at bote ang
magkapatid ay magbabadyang sumungit ang panahon at makakaramdam ng takot si Myla.
"Alay bakit
natigilan ka diyan?"
"Ay ate uwi
na tayo, uulan na." Pakiusap ni Myla sa kapatid.
"Ay di pa
nga napupuno ang sako nata, uwi na agad. Bakit pagod ka na ga? Saka di pa naman
naulan "
"Eh basta,
gusto ko ng umuwi."
"Ahah, alam
ko na, kaya gusto mong umuwi kasi nadilim muli ang kalangitan noh, nasisindak
kang kumulog at kumidlat? Myla naman, dalaginding ka na pero hanggang ngayon
matatakutin ka pa rin diyan."
"Nagpapakatapang
ako ate pero natatakot pa rin ako sa kulog at kidlat." Biglang magliliwanag
ang kalangitan sa talim ng kidlat at susundan ng dagundong ng kulog. Tatakpan
ang teynga at magtatago si Myla sa likuran ni Rina na balisang-balisa.
"Ate! Ate!
Sige na umuwi na tayo." Nanginginig na sambit ni Myla.
"Ay parang
kulog at kidlat lang takot ka na, pagkaduwag mo." Guguhit muli ang matalim
na kidlat sa kalangitan na siyang magpapalala sa takot ni Myla.
"Eh pano ka
matatakot, pagkatalim ng kidlat at baka tayo tamaan. Uulan na kaya uwi na tayo
ate." At ilang sandali pa ang lumipas ay bumuhos na ang malakas na ulan,
titigil ang dalawa sa pangagalakal at sisilong. Patuloy na mararanasan ni Myla
ang takot at iiyak.
"Sige na
tumahan ka na, narine lang ako, di kita iiwan. Pagmatakutin mo talaga eh, di
naman natama ire." Sambit ni Rina sa kapatid na takot na takot.
Pagpatak ng
Lunes ng umaga at sa pagpasok ni Rina ay muli silamg magkikita ni Ms. Cruz.
Tatanungin ni Ms. Cruz si Rina tungkol sa perang ibinigay niya.
"Uy ineng, ipinanggasta mo ga ng pagkain
ang kwarta ibinigay ko sa'yo?" Pagsisiyasat na tanong ni Ms. Cruz subalit
di kaagad makakaimik si Rina sa takot sa magiging reaksyon ng kanyang guro.
"Ah eeeeh
Ma'am, ang totoo ho, hindi ko ho naigasta ng pagkain ang perang ibinigay niyo
sa akin. Sumakit ho kasi ang tiyan ng kapatid ko dahil sa gutom, eh naawa na ho
ako sa kanya at di naman kakayanin ng konsensiya ko kapag pinabayaan siya,
labag man sa kalooban ay kinailangan ko ng ibigay ang pera sa kanya para may
ipambili siya ng pagkain. Alam niyo ho Ma'am gagawin ko ho ang lahat, para sa ikakabuti
ng kanyang lagay, kahit magsakripisyo pa ako. Kasi ho, ganun ko siya kamahal
eh."
"Wow ineng,
ako'y napukaw sa sinambit mo at huwag kang mag-alala, di naman ako nagagalit.
Sa katunayan ay natutuwa pa nga ko dahil napakatindi ng pagmamalasakit mo sa
iyong kapatid at hinahangaan kita. Isa pa ay di ka nagyabang sa akin. Ang di mo
lang alam, nabalitaan ko kay Ms. Pacheco ang tungkol sa nangyari kay Myla at
kahit gutom na gutom ka na, nagawa mo pa rin unahin ang kapatid mo. Pagpalain
ka nawa ng Diyos sa iyong kabukalan at ituloy mo lang ito, ineng."
"Ma'am,
maraming salamat ho sa sinabi niyo at saka ire nga pala ang utang ko sa inyo
kahapon." Iaabot ang perang kinita sa pangangalakal.
"Ay Huwag
na, para sa'yo yan at saka di iyon utang, bigay ko na 'yun."
Pagsapit ng
hapon at pagkauwi ni Rina sa bahay, nadatnan niyang abala sa paglalaba ang
kanyang ina. May sasabihin ito na tiyak na ikatutuwa ng ina.
"Kamusta ga
ang pag-aaral mo ineng? Nakakasagot ka naman ga sa tanong ng iyong
maestra?"
"Nakakasagot
naman ho Nay at saka ako ho ay may goodnews sa inyo."
"Ano naman
ang goodnews mo? Sabihin mo na dali." Nasasabik ng malaman.
"Alay,
iyang kinikita niyo ni itay sa paglalabada at pangingisda, hindi niyo na
kailangang ilaan sa aming pangmatrikula pagkat sagot na ni Ma'am Cruz ang
pag-aaral namin ni Myla hanggang sa makapagtapos kami ng High School. Tapos ang
Kaka naman na nahinto sa pag-aaral, makakapagkolehiyo na rin sa tulong ni
Ma'am."
"Teka nga
anak, ay hindi ga malaking abala iyon sa kanya ha? Sa halip na mapunta ang
sinasahod niya para sa kanyang pangangailangan o ng pamilya niya, mapupunta pa
sa inyo, di ba nakakahiya."
"Naiisip ko
nga rin iyon nay kaya ng una ay tumatanggi pa ko sa kanyang alok, kaso sadya
siyang mapilit at gustong-gusto niyang makatulong."
"Kay palad
mo naman at naging maestra mo siya pagkat kabait niya. Hulog siya ng langit sa
atin."
"Ay tama ka
diyan inay, kung may goodnews, may badnews naman ho ako." Biglang tumamlay
ang pagsasalita ni Rina.
"Ano ga
'yan at may badnews pa, ano ga yan ineng?"
"Si Myla na
lang po ang tutulong sa inyo sa paglalabada kasi nagpresinta ako kay Ma'am na
magkatulong sa kanila, para di po nakakahiya at bilang utang na loob ko na rin
po sa kanyang mga tulong. Huwag kayong mag-alala inay, Sabado't Linggo lang ako
wala sa dito at Lunes hanggang Biyernes ay makakasama niyo pa rin ako.
Kailangan ko din itong gawin para sa aming pag-aaral, tatlo." Mahinahong
paglalahad ni Rina. Titigil sa pagkusot si Aling Menang at kokopromtahin si
Rina.
"Kung
ganyan lang ineng ang mangyayari at mahihiwalay ka sa amin, maigi pang tumanggi
ka na sa alok ni Ma'am Cruz at kami pa rin ang magpapaaral sa inyo! Kung
kinakailangan, dodoblehin ko ang kayod, makapag-aral lamang kayo at wala akong
pakialam kung ako'y mapagod. Sisiguraduhin kong makakapagtapos kayo ng walang
tulong ng iyong maestra at di mo na kailangang magkatulong."
"Inay,
hindi mo ko maintindihan, gagawin ko ire di lamang sa amin, kundi sa kapakanan
nating lahat. Gusto ko hong makaangat-angat tayo kahit papaano, gusto kong
makatulong, Nay! Dalawang araw lang naman ako mawawala kada isang linggo at
walang magbabago, mahirap ba iyon! Sige na inay, payagan mo na ko."
Pinipilit kumbinsihin ni Rina subalit nagmamatigas.
"Hindi,
hindi! Basta sinabi ko iyon ang susundin mo." Sa kanyang binitawan ay tila
wala ng makakapagbago sa desisyon. Makakaramdam ng tampo si Rina kaya hindi na
magsasalita pa at aalis.
Kahit tutol na
tutol si Aling Menang sa alok ni Ms. Cruz at sa kagustuhan ni Rina magkatulong
ay di pa rin siya napanghinaan ng loob na kumbinsihin ang kanyang ina subalit
parating nababalewala ang pagkukumahog niya. Ilang araw din silang hindi
nagkikibuan at nagpapansinan dahil may tampo sa isa't isa. Nang mapansin ni
Aling Menang na lumalayo na ang loob ng anak sa kanya at mapag-isipang tama ang
pasya ni Rina, hindi naglaon ay pinagbigyan na niya ito.
"Ineng,
pumarine ka nga at mag-usap tayo." Nakakaramdam pa rin ng tampo si Rina
kaya magdadalawang isip itong lumapit.
"Ineng,
sabing pumarine ka!" Pagpupumilit di umano ni Aling Menang at saka tutungo
sa kanya si Rina.
"Ano ho ga
iyon inay? May ginagawa ako."
"Ikaw ga'y
desidido ng magkatulong, kasi kung buo na iyan at di na talaga mababago, wala
na kong magagawa kasi pumapayag na ko." Ngingiti si Rina na parang
mabubuhayan ng loob.
"Talaga
inay? Payag kayo, naku salamat." Masayang tanong nito sa kanyang ina.
"Ayaw mo ga
ha? At saka tinatanggap ko na rin ang alok ng maestra mo na siya ang
magpapaaral sa inyong tatlo. Pero ipangako mong pag-aaral muna ang atupagin mo
at tutuparin ang 'yong mga pangarap. Inaasan ko kayong tatlo at huwag na huwag
kang magkamaling lumandi, may gatas ka pa sa labi."
"Ay ah ah,
si inay naman parang gagawin ko 'yun. Susundin ko kung ano ang bilin niyo at
pangako, ako ang mag-aahon sa ating karalitaan at di ako magpapabaya sa
pag-aaral. Ay na-miss ko kayo nay. I love you inay! " Hahalikan sa
pisngi.
"I love you
din ineng." Uundayan ng yapak at magyayakapan.
Chapter 2
Simula ng makipag-ayos si Rina at
Aling Menang ay namasukan na si Rina bilang kasambahay sa bahay ni Ms. Cruz.
Kahit kasambahay lamang ang katayuan ni Rina, maayos pa rin siyang
pinakitunguhan ng pamilya ni Ms. Cruz at itinuring na kapantay lamang nila.
Kapag may pangangailangan si Rina lalong-lalo na sa pag-aaral at pinansyal ay
agad naman natutugunan ng kanyang amo subalit hindi lahat ay natututukan dahil
sadya siyang mahiyain at ayaw niyang makaabala ng madalas. Bukod kay Rina ay
may iba pa siyang kasamang kasambahay at doon niya nakilala si Graizel na
pitong taon ng naninilbihan sa kanila. Hindi naman mahirap kay Rina na
pakitunguhan si Graizel at sa katunayan ay naging matalik pa silang
magkaibigan.
"Alah eh, ay kalawak at
ganda pala ng bahay niyo, para akong nasa mansyon. Hindi ko ho akalain na
makakatungtong sa gantong kagarang bahay." Namamanghang wika ni Rina na
halatang naninibago.
"Ay siya sige at lumibot ka
pa, marami ka pang makikita na tiyak na ikagagalak mo. Graizel!" Tatawagin
ang katulong.
"Yes Madam, ano ho ang
ipag-uutos ninyo?" Nakangiting tanong nito kay Ms. Cruz.
"Pakiaakyat nga ang gamit ni
Rina." Kukuhain ni Graizel ang dalang bagahe ni Rina at iaakyat.
"Rina at dahil baguhan ka
lamang dito bilang katulong, si Graizel ang bahala sa'yo ha at ituturo niya
sa'yo ang ilang gawaing bahay. Ay wag kang mag-alala, simple lang ito kaya
madali mo naman matututuhan."
"Wala hong mahirap sa akin
Ma'am at kahit anong ipagawa niyo sa akin ay di ako magrereklamo, kasi po para
ire sa pamilya ko at sa tulong naibibigay ninyo sa amin."
"Kay palad nila at nagkaroon
sila ng ganyang kabait na supling na tulad mo. Alam mo ga, hindi mo na dapat
ito ginagawa kasi handa pa rin kitang tulungan kahit di mo ko pagsilbihan. Ang
mga taong gaya mong may malinis na kalooban at matulungin ay karapat-dapat tulungan
at handugan ng pagpapala."
"Ma'am, ako po ang
nagdesisyon, di ho kayo at ayaw kong magkamit ng bagay na di ko napaghihirapan
at napagsusumikapan at isa po iyon sa dahilan. Kada tulong na ibibigay niyo sa
amin ay dugo at pawis ang igaganti ko sapagkat ganon po ako tumanaw ng utang na
loob. Kaya Ma'am, handa po akong manilbihan hangga't sa gusto niyo."
"Kung gayon ay mag-akyat ka
na at magbihis, magsisimula ka na ngayon. Basta kung may kailangan ka o ng
pamilya mo, huwag kang madungong pumarine sa 'kin at bukas ang pinto para sa
kanila." At umakyat na nga si Rina.
Nang makaakyat si Rina ay saktong nadatnan si
Graizel at nakipagkilala sa kanya. Matapos makipagkilala sa isa't isa,
sinimulan ng turuan ni Graizel si Rina ng ilang gawaing bahay. Bukod pa roon ay
tinuruan di siya kung paano gumamit ng ilang bagay na gamit sa gawaing bahay
tulad ng Plantsa, Washing Machine, Vaccuum Cleaner at iba pa at kaagad naman
natutuhan ni Rina na gumamit ng mga iyon. Dahil sa may angking talino at
mabilis matuto, hindi nagtagal ay nakakaya ng gampanan ni Rina ang obligasyon
bilang katulong ng walang tulong ni Graizel. Kapwa sila katulong kaya madalas
ay nagkakasundo at nagkakaintindihan sa lahat ng bagay hanggang sa mapalapit
ang loob sa isa't isa at mapamahal. Kapag may ipapabili si Ms. Cruz o may lakad
ay madalas isama ni Graizel si Rina at para silang pinagbiyak na bunga kung
magsama.
"Rina, uy! Pumarine ka
nga." Pasutsot na tawag ni Graizel habang nakasakay sila ng Escalator.
"Aba'y paano tayo naakyat,
di naman tayo nalakad?"
"Ay kaulaga mo naman, ano
gang kala mo sa Escalator, hagdanan at saka di mo kailangang maglakad kasi kusa
tayo niyan iaakyat o ibababa." Natatawang sambit ni Graizel.
"Ay alam mo ga, First time
ko lang kasi makapunta sa sinasabi niyong mall at kadami pala dineng makikita
at mapapasyalan eh. Ay sa aming lugar, malayo kasi ang mga mall at grocery at
liblib na liblib pa. Hindi naman kami nakakapunta ng bayan gawa na kapos na
kapos sa kwartang pamasahe." Paglalahad ni Rina na bakas sa mukha ang pagkamangha.
"Ay oo, halatang First time
kasi dami mong di alam dine eh at nangangapa-ngapa ka pa. Ay napalakas ang
halakhak ko sayo ng nasa CR tayo, biruin nagsalok ka pa ng tubig pambuhos, eh
may Flash naman. Ay dinaig mo pa ang nagpapanik ng di mo masilayan ang dram. Ay
katindi mo din pala at pinahirapan mo pa ang sarili."
"Yung metal na hugis pito na
hinihigit paibaba? Alay akala ko ay design lang iyon, pang-flash pala."
Matatawa si Graizel sa sinabi ni Rina.
"Hahahaha! Ay oo.
Nakakagalak ka palang kasama kaya gusto kitang isama eh."
"Ay sayang at hindi ko
kasama ang Myla, ay siya tiyak na matutuwa iyon kapag nakapasyal siya dine.
Nasagi sa isip ko ng dati ay parating nangangalakal kami ng kapatid ko at
nakakatuwang namang isipin na makakatungtong ako dine, ay kaganda't lawak
naman."
Nagpatuloy ang dalawa sa
pagkukwentuhan na may punto at tawanan hanggang sa makarating sila ng Grocery.
"Ala eh, ay kadami palang
mabibiling pagkain dine, natatakam ako."
"Ay huwag kang kukupad kupad
diyan Rina at pipila na tayo sa Cashier." Pupunta nga si Rina upang
pumila. Makalipas ang ilang sandali.
"Ay ah ah, kahaba naman ng
pila at naiinip ako." Hindi iimik si Rina at matutula pagkat may nakita
siya.
"Uy, ano gang nangyari sayo?
Kanina pa kita kinakausap, natulala ka naman. Lalim ng iniisip mo ha."
"Ay ako, sorry. Pero
pagkatangkad at kisig naman ng kelot na ireng katabi ko." Pabulong na sabi
nito kay Graizel."
"Saan ga?" Tanong ni
Graizel na nasasabik makita.
"Ire, yung lalaking
nakasalamin at nakapula at yung damit ay pinagsalubong ng guhit-guhit."
"Ay yung lalaki gang
naka-checkered? Ay Oo nga kagwapo nga niya, tapos kabango pa." May kilig
sa mga mata habang nagbubulungan.
"Bakit ganire, biglang
nagkaroon ng sigla ang araw ko ng makita siya? Tapos ang puso ko, tumutulin sa
pagtibok, hirap maipaliwanag kung bakit biglang ganire ang pakiramdam ko."
"Anla Rina, love at first
sight ka nga sa kanya kaya mo iyan nararanasan eh."
"Love at first sight ga? Ay
Ibig mong sabihin, inlove na agad ako sa kanya... Ayaw ko! Hindi ko pa ito
dapat maramdaman kasi neneng pa ko at gusto ko pang tapusin ang aking pag-aaral
bago iyan. Ay ako'y masaya dahil sa hitsura niya, di sa inlove ako noh."
"Ay siya, ganun na rin iyon,
masaya ka dahil may pintig ang puso mo ka sa kanya. Ano ka ga Rina, normal lang
iyan kasi nagdadalaga ka na."
"Alay basta ayaw ko, ayaw
kong lumagay sa ganito kasi may pangarap pa ko sa buhay at natatakot ako na
mapurnada iyon dahil makikipagrelasyon ako."
"Ay ulaga, kahit anong gawin
mo diyan at sabihin, hindi pa rin mapipigilan ang tibok ng puso at matuturuan
kasi nga makapangyarihan ang pag-ibig." Habang pabulong na nagtatalo ang
dalawa ay biglang nagsilapit ang mga estudyante sa lalaking natitipuhan ni Rina
at binati.
"Hi Sir, good afternoon
po." Sabi ng mga estudyanteng nagdaraan malapit sa harapan ng lalaki.
"Sir? Ibig gang sabihin,
maestro na din siya?! Ay naku Rina, teacher na pala iyang lalaking
kinagigiliwan ng puso mo eh, patay! Hihintayin mo munang magtapos bago
kayo."
"Ano ga Graizel, magtigil ka
nga diyan at tingnan mo na, isa palang teacher iyan kaya di maaaring kami, kuha
mo."
"Ay pero sa akin, parang di
naman halatang maestro kasi pagkabata-bata pa are at ang cute pa." Dagdag
pa ni Graizel.
Sa pag-uwi ng dalawa sa mansyon
ay maghahari bigla ang tuwa sa dibdib ni Rina at lalo pang aaliwalas ang mukha
ng madatnan niyang bumibisita ang ina maging si Myla na abala sa
pakikipagkwentuhan kay Ms. Cruz.
"Oh nay! Ako'y natutuwa
naman at naisipan niyong gumawi eh." Nakangiting sambit ni Rina sa ina.
"Kamusta ka ga dine ineng,
ay balita ko kay Ms. Cruz ang sipag-sipag mo raw at nagagampanan mo ng husay
ang 'yong trabaho. Maayos naman ga ang pakikitungo nila sa'yo ha?"
"Ay oho nay, maayos naman
nila akong pinakikitunguhan at ako'y natutuwa kasi nakakain ko na ang dati ay
di ko pa nakakain at nakakapunta na rin ako sa lugar na di pa napupuntahan at
ako nama'y manghang manghanadarama eh. Inay pangako, sa susunod na gayak namin
ni Graizel o ni Ms. Cruz, isasama na namin kayo para maranasan niyong
makapamasyal sa iba't ibang lugar tulad ng mall."
"Alay ang kaso wala akong
kwarta pang-mall anak eh, mahirap lamang tayo."
"Nay, kapag mamamasyal ka sa
mall, walang bayad iyon pero huwag kang mag-alala, sagutin na ni Ma'am Cruz ang
lahat-lahat, pangkain at mabibili niyo na rin ang ibig niyong bilhin,
nakakatuwa hindi ga nay!"
"Isa pa nay, hindi na kayo
titira pa sa bahay na butas butas ang bubungan at gawa lamang sa
pinagtagpi-tagping patpat at yero dahil sabi sa akin ni Ma'am, bumili na raw
siya ng bahay para sa inyo at iyon ay malapit sa amin. Hindi ko na kailangan
pang bumiyahe ng layo, makagawi lang sa atin dahil araw-araw ko na kayong
madadalaw eh." Dagdag pa ni Rina.
"Oo nga pala Aling Menang,
nakaligtaan kong sabihin sa'yo at magmula sa susunod na linggo, kapag naipaayos
ko na ang bahay, maari na kayong lumipat. At siya nga din pala at tutal,
pangingisda ang kabuhayan niyo, naisipan ko na rin ibili kayo ng pwesto sa
palengke. Di niyo na kailangan pang maglako-lako ng isda sa bayan dahil doon na
mismo kayo magtitinda at tutulungan ko din ho kayong palaguin ang
negosyo."
"Ay naku Ma'am sobra-sobra
na ho ang naitutulong niyo sa amin pero salamat ng malaki. Utang ho namin ang
buhay sa inyo at biyaya kayo sa amin." Natutuwang sambit ni Aling Menang
kay Ms. Cruz.
Matapos ayusin ang bahay ay
lumipat na nga sa mas magandang tirahan ang pamilya ni Rina na malapit lang sa
kanila at nagkaroon na din ng sariling pwesto sa palengke. Si Aling Menang ang
namamahala sa kanilang negosyo at minsan ang panganay na si Danilo kapag wala
itong pasok samantalang si Mang Lukring ang nag-aangkat ng nahuling isda sa
kanilang paninda. Magkasama nilang pinapatakbo ang negosyo hanggang sa ito ay
napalago at nakakapagbenta na rin ng gulay at karne. Negosyo ang naging susi sa
pag-asenso ng kanilang pamumuhay. Makaraan ang tatlong taon ay marami ng
nagbago sa takbo ng buhay nila at nakapagtapos na rin si Rina sa pag-aaral
bilang High school. Dahil sa may angking talino at mapursigi, hinirang siyang
Class Salutatorian at nagkamit ng maraming parangal.
"Ay anak, binabati kita at
maipagmamalaki. Nararapat lang na igawad sa'yo ang ganitong parangal dahil
matiyaga at masipag ka." Natutuwang sambit ni Aling Menang sa anak habang
sinasabitan ng medalya.
"Salamat ho inay, hindi ko
naman po ire magagawa kundi dahil sa walang sawang pagsuporta ninyo sa akin at
sa tulong ng Maykapal maging ni Ma'am Cruz. Kayo ang dahilan kung bakit ko ito
nakamit." Pagkatapos ay bigla silang magyayakapan.
"Nakakainggit ka naman ate,
buti ka pa nakapagtapos na." Wika ni Myla.
"Susunod na taon, ikaw naman
ang ga-graduate kaya pagbutihan mo ang pag-aaral para matulad ka sa akin."
Matapos ang graduation ceremony
ni Rina, nagkaroon sila ng maliit na salu-salong magpapamilya kasama si Ms.
Cruz at ang kaibigan nitong si Graizel. Masayang masaya nilang ipinagdiriwang
ang pagtatapos ni Rina subalit ang kanilang pagsasaya ay natigil ng biglang
atakihin sa puso si Mang Lukring at dali-daling isinugod sa ospital.
"Labis ang nadarama kong
kasiglahan pagkat nakapagtapos na ang anak kong si Rina. Ay siya, dalawa na ang
anak kong nasa kolehiyo." Natutuwang wika ni Aling Menang habang nasandok
ng kanin at pagkain.
"Ano gang kurso ang balak
mong kuhain ineng sa kolehiyo?" Tanong ni Mang Lukring.
"Ay sa ngayon, wala pa ho
akong naiisip na kurso, kay hirap pumili eh. Ay marahil bigyan niyo ko ng
palugid para makapag-isip."
"Alay ako may naisip na
kursong pupwede sa'yo?" Hirit aniya ni Danilo na takam na takam habang
lumalamon.
"Ano ga yun kuya?"
"Ay tutal may karanasan ka
na magmula ng bata ka pa, bakit hindi pagbobote ang kuhain mong kurso."
Pabirong salita ni Danilo.
"Ay kainaman ka kuya, abay
nag-aral pa ko kung doon lang ang bagsak ko. Eh Ikaw nga, dapat kursong
paglalako ng isda ang kinuha, di accountant, kasi tutal may experience ka na
rin diyan." Pangtapat na hirit ni Rina sa kapatid at habang nagtatawanan
sila at usap usap ay biglang dadaing si Mang Lukring.
"Aray! Aray!" Daing ni
Mang Lukring na iniinda ang pananakit ng puso.
"Itay, anong nangyayari sa
inyo!" May pagkabalisang tanong ni Myla sa ama.
"Hindi ko makaya, nasakit
ang dibdib ko!"
"Dalhin na natin siya sa
hospital." Matataranta na ang lahat sa kanila.
Dali-dali nilang isinugod sa
ospital si Mang Lukring at ng iratay at makausap ang Doctor.
"Ay ikinalulungkot ko ho Misis,
malala na ang sakit ng iyong asawa at wala na kaming magagawa upang isalba
siya. Time of death is 8:34 pm." Sabi ng Doktor pagkatapos i-revive ang
labi ni Mang Lukring. Papasok ang lahat ng pamilya ni Mang Lukring at
maghihinagpis.
"Itay! Itay! Gumising kayo!
Huhuhuhu!" Panaghoy ng magkapatid sa ama.
"Lukring! Hindi ka pwedeng
mawala, kailangan ka pa namin!" Panaghoy ni Aling Menang sa asawa at
naging napakasakit sa kanyang tanggapin ang pangyayari.
"Kay saklap naman ng naganap
sa atin nay, alay kung kailan nakapagtapos na ko, saka pa binawian ang Itay,
parang di ko 'to kaya!" Wika ni Rina na bakas sa mukha ang kapighatian.
Nang ililibing na ang kanilang
ama.
"Mawala ka man sa mundong
ito, para sa amin ay nananatili ka pa ring buhay, sa aming isip at sa puso.
Itay, mami-miss ka namin, hindi namin kaliligtaan ang kabutihang naipakita mo
sa amin. Mahal na mahal ka namin at paalam!" Naiiyak na mensahe ni Rina
habang hinahagis ang bulaklak sa kabaong na unti-unting ibinabaon.
"Mahal ko, ang sambit mo,
tayo'y magkakasama habang buhay, bakit iniwan mo kami Huhuhuhu! Hindi ko kayang
mawala ka." Wika ni Aling Menang habang ito'y naghihinagpis.
Chapter 3
Labis na dinamdam ni Aling Menang
ang pagkawala ni Mang Lukring na nagpahirap kanya na kaharapin ito, para sa
kanya si Lukring lamang ang nagbibigay tibay at higit na saya sa kanyang buhay
at sa dalawang dekada na mag-asawa ay napakalalim na ng pinagsamahan nila.
Dahil sa matinding kalungkutan na dala-dala niya sa dibdib, mistulan ng lantang
gulay si Aling Menang na nakatulala at nakatingin sa kawalan, di rin ito
makausap ng maayos pagkat di umiimik at minsan, puro pangalan ng asawa ang
kanyang bukang bibig at kung magsalita ay tila nawawalan na ng bait. Magmula ng
mapako sa pagka-depress si Aling Menang at mawala sa ang ayos ng isip at dahil
wala ng magpapatakbo sa kanilang pangkabuhayan, napagpasyahan na nila Rina na
magsara. Nagpatuloy pa rin si Rina sa paninilbihan kay Ms. Cruz upang
maitaguyod ang kanilang pamumuhay, samantalang nagpasya na si Danilo na tumigil
sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Kahit wala na sa tamang katinuan si Aling
Menang at nakatulala, nagagawa pa rin ni Rina na kausapin ito, nagbabakasakaling
mahihimasmasan at babalik sa dating katinuan. Hindi inasahan ni Rina na sa
isang iglap ay magiging ganito ang kanilang kasasapitan at masakit iyon para sa
kanya.
"Inay, ika'y magpakatatag,
alang-alang lang sa amin." Pakiusap ni Rina sa ina na nakatulala at
lumuluha.
"Naiintindihan ko ho kayo,
sa una ay mahirap at masakit pero kailangan nating isipin at tanggapin ang
kapalaran ni itay. Please nay, lumaban kayo, huwag kayong magpanaig sa
kalungkutang inyong nadarama at tuloy ang buhay." Parang walang epekto kay
Aling Menang ang mga sinasabi ni Rina.
"Ano gang gagawin ko,
namatay na nga ang itay tapos ang inay, nagkagarne pa, pambihirang patis naman.
Ano gang ginawa ko't napagdadaanan namin 'to?" Mangiyak-ngiyak na sambit
ni Rina na kita sa mukha ang kapighatian at labis na nasasaktan. Biglang
papasok si Graizel sa kwarto.
"Friend, ano di niyo pa rin
ga makausap ang Aling Menang?"
"Hindi pa rin. Alam mo ga,
kahit ganire ngayon ang inay, umaasa pa rin akong gagaling siya at babalik sa
dati. Bukod kay itay ay nami-miss ko na rin si inay, ang masaya naming
pagsasama kahit naghihikahos kami at nagdidildil ng asin araw-araw at madalas
ay nagkakasundo. Gusto ko na ngang maranasan iyong muli. Ay sana gumaling na
siya. Hindi ko na kakayanin kung pati si inay ay mawawala pa eh."
Emosyonal na paglalahad ni Rina.
"Ay basta tandaan mo Rina,
nandito lang ako ha at dadamayan kita ng dalas, lalong-lalo na may
pinagdadaanan ka. Malalampasan niyo rin iyan."
"Salamat, Graizel."
Hihikbi si Rina at magyayakapan ang dalawa.
Makalipas ang isang buwan at
Isang gabi, pagkagaling ni Danilo sa trabaho ay galit na galit itong umuwi
dahil niloko siya ng taong kanyang pinautang.
"Leche naman, ay kalaki kong
inutil!" Pasigaw na bulalas ni Danilo habang inilalapag ang gamit.
"Oh kaka, nalubog na ang
araw, parang nagbabagang uling ang ulo mo, bakit ano ga iyan?" Tanong ni
Myla habang naghahain.
"Alay paano, may isa akong
katrabaho na pinautang ko, kasi emergency raw pero kung kailan sisingilin ko
na, ayun at di nagpakita eh."
"Dalawang libo pa naman ang
napautan ko sa kanya at sayang na sayang iyon. Manloloko siya at dapat di ko na
pinautang pa eh." Dagdag pa nito.
"Kuya bakit ka kasi
nagpapautang, hindi mo pa nga lubusang kilala ang tao eh."
"Ay kaya nga, kaso naawa
naman ako sa kanya at tingin ko, kailangan na kailangan niya ng kwarta kaya di
na ko nakatanggi pa."
Habang nagpapalitan ng kuro-kuro
ang dalawa ay biglang darating si Rina mula sa bahay ni Ms. Cruz at madadatnan
ang init ng ulo ni Danilo.
"Ay kuya, Alah eh ganito ga
ang salubong mo sa akin, ang init ng ulo?" Biglang sasabat sa usapan si
Myla.
"Ay paano ate, nagpautang
ang kaka at kung kailan sisingilin, ayun at naloko, hindi na nagpakita
eh."
"Ha? Magkano ga ang
napautang mo sa kanya at ganyan na lang makapagbaga ang ulo mo?"
"Dalawang libo."
"Ay kalaki nun kuya, halos
kalahati na yun ng sinisweldo ko buwan buwan, eh paano ka ngayon, may naitabi
ka pa diyan kuya?"
"Meron pa naman at saka
natuto na ko, hindi pala ako basta-basta magpapautang. Ay siya kayong dalawa, kilatisin
at kilalanin niyo muna ang tao bago ibigay ang tiwala. Sa panahon ngayon, hindi
na nabibilang ang mga taong manloloko. Matuto kayong makiramdam, huwag parating
pairalin ang awa kasi sa huli ay kayo ang kawawa." Pangaral ni Danilo sa
magkapatid at pagkatapos ay papasok na ito ng silid.
Isang araw naman at habang
mag-isang naglalakad si Rina patungo sa palengke ay may isang gusgusing paslit
ang lumapit sa kanya at nanghihingi ng limos. Hindi sana bibigyan ni Rina ang
bata dahil nakatanim sa isipin niya ang pangaral ng kuya pero nangingibabaw pa
rin ang awa sa dibdib.
"Ate, ate pahingi ho
ako." Sambit ng paslit na kinakalabit ang braso ni Rina. Mapapaisip si
Rina kung bibigyan niya ba ito o hindi at kinalaunan ay binigyan niya nga ang
bata dahil sa habag.
"Oh ire ang kwarta, ipambili
mo ng pagkain ha."
Habang iniaabot ni Rina ang barya
sa paslit ay wala siyang kamalay-malay na may kasabwat pa itong dalawang bata
at dahan-dahan ng binubuksan ang bag hanggang sa malimas ang Cellphone at
Pitakang naglalaman ng humigit kumulang na Limang daan. Nakatakbo na ang tatlo
ng matuklasan ni Rina na siya ay nadukutan at pasigaw niyang sinabihang
mandurukot at tinawag subalit sa bilis ng pangyayari ay nakalayo na ang mga
paslit. Lumong lumo si Rina sa kanyang kinasapitan at umuwing di maipinta ang
mukha.
"Oh ate, para namang
biyernes santo ang mukha mo at nagsasalita pa mag-isa?" Tanong ni Myla sa
kapatid.
"Alam mo Myla, tama ang Kuya
di dapat tayo nagtitiwala sa mga tao at naaawa kasi sa huli, tayo'y naiisahan eh."
"Ay ah ah, hindi mo ga alam,
kanina'y nadukutan ako, ay kainaman naman ire! Nawala ang Cellphone at pitaka
ko eh." Dagdag pa nito na pagalit na naglalahad sa kapatid at kakikitaang
naiimbyerna't balisang-balisa.
Dahil sa mga pangyayaring dinanas
ni Rina, magmula noon ay naging kasing tigas na ng bato ang puso niya at tuwing
magtutungo ito sa palengke at nalapit ang mga bata o matatandang namamalimos,
hindi niya ito pinapansin at minsan ay tinatarayan. Inigtingin na rin ni Rina
ang pag-iingat at madalas inilalagay ang plastic bag sa harapan at bantay
sarado sa paningin pagkat ayaw na niyang maulit iyon. Pagkatungo sa palengke ay
nakita niya ang isang aleng gusgusin na wala sa katinuan at pasigaw-sigaw.
Kinukutsa ito ng mga bata na baliw at yung iba ay niloloko-loko. Habang
kinukutsa ang ale ng mga bata, biglang lumapit ang anak nito at tahasang
pinagtanggol ang inang nasisiraan ng bait. Muling umiral ang habag sa dibdib ni
Rina at kahit di kakilala ay lumapit ito at nagtanong.
"Hahahaha! Baliw!
Baliw!" Malakas na pangungutya ng mga bata. Lalapit bigla ang babae.
"Layuan niyo siya, mga wala
kayong magawa, kung makadusta kayo akala niyo'y may narating na! Inay kita na,
uwi na tayo." Pakiusap ng babae sa kanyang inang wala sa kitinuan. Habang
pinakikiusapan ng babae ang ale ay lumapit naman si Rina at nagtanong.
"Miss, ano hong nangyari sa
nanay mo, bakit siya nagkagarne?" Mahinahong tanong ni Rina. Mapapakwento
ang babae at sa kanyang mga nailahad, maalala ni Rina ang kanyang nanay na
ngayon ay tinakasan din ng bait.
"Ay paano, Iniwan siya ng
asawa na tatay kong sira tuktok at walang kwenta, tapos natanggal pa sa trabaho
at namatay ang kapatid ko na kanyang pinakapaboritong anak dahil sa Kanser.
Ayun, nagkasunod-sunod ang pagsubok na dumating at di niya nakayanang kaharapin
at tanggapin, kaya heto at na-depress siya hanggang sa takasi ng bait."
"Ganun ga iha, pagkasaklap
naman ng nangyari sa nanay mo at nakakaawa. Napatingin mo na ga siya sa isang
espesyalista?"
"Napatingin? Abay
Ipapatingin ko sana sa isang Psychiatrist para malaman kung anong gagawin sa
kanya kaso mahal at di kaya ng pera namin ang pangpagamot kay inay eh, hinayaan
na lamang hanggang sa maging ganire na siya kalala. Teka, bakit mo ga
naitanong?"
"Ang totoo niyan, parehas
tayo ng nanay na ganyan din ang kalagayan at na-depress din siya dahil sa
pagkawala ni itay. Tanggap naman namin na namatay si itay pero ang inay, naging
mahirap sa kanya. Isang buwan na siyang tulala at di makausap ng maayos eh. Ano
gang gagawin ko, matutulungan mo ga ko?"
"Ay matutulungan kita at
maipapatingin natin ang nanay mo sa isang Psychiatrist pero magastos at mahal
kasi ang pampa-check up, aabutin ng sampung libo, hindi pa dun kasama ang gamot
at therapy na sinasabi nila."
"Pagkamahal pala at saan ako
kukuha nun? Ay sige huwag na lang, gusto kong maipagamot si inay pero kailangan
pala ng malaking pera. Ah alam ko na, may naisip akong paraan." Tila
nabubuhayan ang mukha sa kanyang naiisip.
"Ha, ano gang laman ng isip
mo?" Tanong ng babae.
"Tutal, magkokolehiyo na ko
ngayong pasukan, bakit hindi kursong pagsa-psychiatrist ang kuhain ko. Kapag
naging Psychiatrist na ko, makakaya ko ng gamutin ang inay pati ang nanay
mo."
"Psychiatrist? Ulaga ka ga?
Hindi yun kurso, it is a job. Ay kung gusto mo maging Psychiatrist, kumuha ka
ng kursong Psychology at kapag Third year o nasa Fourth year ka na, Clinical
ang kunin mong field at magdo-doctorate ka pa ng apat na taon para magkaroon ng
lisensiya bilang Psychiatrist. Iha, ikaw ga'y sigurado na sa ganyang
kurso?"
"Oho, sigurado na ko at
kahit mahirap, tatanggapin ko alang-alang kay inay."
"May nagsabi sa akin, bukod
pa sa mga baliw, kapag isa ka ng Psychologist, may kakayahan kang basahin ang
isip ng tao at malalaman mo kung ano ang tumatakbo sa kanya. In short, hindi
madaling maloko o malinlang ang mga Psychologist at alam nila kung sino ang
dapat pagkatiwalaan." Dagdag pa niya.
"Alah eh, pagkaganda pala ng
kursong ire at tamang-tama kasi ay kadali kong magtiwala at para malaman ko
kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Iyon na talaga ang pipiliin ko, ang
Psychology."
Chapter 4
Sa mga sinabi ng babae at sa
kagustuhan ni Rina na maipagamot at maibalik sa dating katinuan ang kanyang ina
ang nagtulak sa kanya upang kuhain ang kursong Psychology. Walang ganong kurso
sa probinsiyang kanilang tinutuluyan kaya mapipilitan si Rina lumuwas ng
Maynila at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral bilang kolehiyo. Mahirap man para
kay Rina na gawin ito sapagkat mawawalay siya sa kanyang pamilya at kaibigan ng
apat na taon subalit kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa kanyang ina
na may sakit sa pag-iisip.
"Ate sige na, huwag ka ng
umalis, dine ka lang." Nagmamakaawang sambit ni Myla habang hawak ang
kamay ni Rina para pigilan.
"Myla, apat na taon lang
naman ako mawawala eh. At dadalaw-dalawin ko kayo kapag bakasyon o wala akong
pasok. Kailangan ko itong gawin para kay inay." Aalisin ni Rina ang kamay
ni Myla na nakahawak sa kanya.
"Friend, hindi na ga
magbabago ang isip mo, talagang aalis ka na?"
"Ay oo at saka buo na ang
desisyon ko Graizel pero huwag kang mag-alala, tatawagi kita at kahit may
makilala na ko sa Maynila, pangako ikaw pa rin ang best friend ko."
"Basta huwag mo ko
kalimutan, Alay sama mo na kasi ako." Pabirong hirit ni Graizel.
"Rina yung mga bilin ko
sa'yo huwag mong kaligtaan, sa Maynila ka pa man din mag-aaral at kailangan
parating alisto, kay rami doong manloloko at mandurukot." Tagubilin ni
Danilo sa kapatid.
"Anlah, bakit nakapunta ka
na ga dun, kung makapagsalita'y parang alam mo na dun."
"Ay siya nahaba na ang
usapan niyo. Oh paano Rina, magpaalam ka na sa kanila at baka mahuli tayo ng
gayak." Sabi ni Ms. Cruz at lubusan na ngang nagpaalam si Rina sa kanila.
Sinamahan ni Ms. Cruz si Rina sa
pagluwas sa Maynila. Pagkatungtong nila sa Maynila ay labis-labis ang
paninibago ni Rina pagkat ibang-iba ang pamumuhay nila sa Batangas at karamihan
ay puro nagta-trabaho sa pabrika di sa dalampasigan. Maging ang paraan ng
pananalita ay ibang iba din, tuwid at hindi mapunto at walang kaalam-alam si
Rina. Sa labis na paninibago ay tila magiging mahirap kay Rina ang mag-adjust.
Sa bahay ng kaanak ni Ms. Cruz manunuluyan si Rina sa loob ng apat na taon at
maayos naman itong tinanggap ng mga ito at handa nilang tustusan ang
pangmatrikula ni Rina subalit di ito pumayag at balak humanap ng trabaho kapag
wala siyang pasok pagkat ayaw nitong maging pabigat sa kanila.
"Iha, iyan na ba si Rina na
ipapatuloy mo sa amin?" Tanong ng Tiyahin ni Ms. Cruz na si Aling Ester.
"Ay oho... Este opo pala
tita, si Rina na naging estudyante ko at pinakamatalino."
"Magandang hapon ho,
ikinagagalak ko ho kayong makilala." Pagbati ni Rina sa matandang babae.
"Tara Rina, pumasok ka na at
naghanda ako ng pagkain para sa'yo." Ipaghahanda ni Aling Ester si Rina ng
plato.
Kinabukasan din iyon ay tumungo
na si Rina sa Our Lady of Mercy University upang mag-inquire at kumuha na din
ng Scholarship exam. Wala pa siyang gaanong alam sa pasikot-sikot kaya
nagpasama ito kay Ms. Cruz. Makalipas ang ilang araw, laking tuwa ni Rina ng
mabalitaang nakapasa ito sa pagsusulit at tanging mga aklat at Miscellaneous
lamang ang babayaran at makakatipid-tipid.
"Ay Tita, tingnan niyo ho,
nakapasa ako!" Natutuwang sambit ni Rina na kulang na lang ay lumundag.
"Pagkatalino mo naman, este
ang talino mo naman Rina at binabati kita." Papuri ni Ms. Cruz.
"Ay salamat ho Tita at isa
pa, isa kayo sa inspirasyon ko kung bakit nagagawa ire. Ay hindi niyo na ko
kailangang pagkagastusan dahil libre na ang tuition fee."
Makaraan ang dalawang linggo ng
magsimula na ang klase ni Rina. First time lang ito para kay Rina na
makakapag-aral sa Maynila at bilang kolehiyo kaya medyo naninibago pa at di din
mapigilang kabahan subalit kinaya niyang labanan at lakas loob na pumasok alang-alang
sa pangarap niya.
"Nasaan ga ang Classroom
namin, bakit di ko makita?" Habang naghahanap ay may isang estudyante
siyang masasalubong at magtatanong subalit matatawa dahil sa intonasyon ng
kanyang pagsasalita.
"Ay excuse me, Kuya saan ho
ga ang room ng BS Psychology Block 1 ng garneng oras?"
"Ha, ang gulo ng salita mo
at saka bakit ganyan ka magsalita, kakatawa ka naman."
"Hoy! Ano gang nakakatawa sa
nasabi ko?"
"Eh paano, mapunto kang
magsalita. Hoy wala ka na sa Probinsiya, nasa Maynila ka na. Hahahaha!"
"Abay bargas ka! Huwag na
ngang magtanong. Kabargas pala ireng kahuntahan ko, sarap higitin ang buhok...”
Patawang lalayo ang estudyante subalit may masasalubong muli si Rina at
magtatanong.
"Ay excuse me, saan ho ga
ang room ng Bs Psychology Block 1 ng ganireng oras?" Titigil sa paglalakad
ang estudyante upang sagutin si Rina.
"Freshmen ka ba, kasi kung
freshmen ka, maituturo ko kung saan. Doon din kasi ang klase ko ngayon."
"Ay talaga doon ka din? Ibig
sabihin magkaklase tayo, tara sabay na tayo." Magkasamang maglalakad ang
dalawa patungong silid.
"Pwede ko bang malaman kung
anong pangalan mo?" Makikipagkilala sila sa isa't isa.
"Hi, ako pala si Rina.
Ikaw?"
"Hi, I'm Carlo but I use the
name Carla, Carla Abellana. I'm a freshmen too pero irregular student nga
lang."
"Alay ibig sabihin, di kita
kaklase sa ilan kong Subject?"
"Oo, teka Batangueña ka
ba?" Tanong ni Carlo.
"Ay oo, teka paano mo
nalaman?"
"Ganyan kasi manalita ang
mga taga-batangas although tagalog din ang dialect nila, ibang iba naman ang
accent."
"Ay oo nga, nahalata ko at
di gaya sa amin kayo manalita."
Si Carlo ang kauna-unahang
kamag-aral na nakilala ni Rina sa college. Palakaibigan si Carlo at madaldal
dahil bakla lalo kapag tungkol sa lovelife ang pinag-uusapan kaya naging madali
kay Rina na pakisamahan ito, bukod pa doon ay tinuruan niya si Rina kung paano
magbigkas ng salitang Manilenyo subalit di niya agad makuha at nanatiling may
punto ang pagsasalita. Wala pa ang kanilang Professor pagkapasok ng silid
subalit naroroon na ang karamihan sa kamag-aral. Dahil wala pang gaanong
kakilala, si Carlo lang ang kapalitan ni Rina ng kuro-kuro. Magsisitigil ang
lahat ng nagdadaldalan pagkapasok ng Professor at siya si Ma'am Matacutan,
teacher in English at sa tingin ay parang may edad na, kinatatakutan ng halos
ng estudyante dahil sa ito'y mataray at nangbabagsak pa. Galit siya sa mga
estudyanteng maiingay at makita lang niya kahit pabulong, nampapalabas na.
Makapigil hininga sila habang nagpapakilala at nagsasalita si Ma'am Matacutan
at matalim magsalita kaya naman nginig na nginig sila sa takot. Pulasan agad ng
kanya-kanyang kuro-kuro pagkaalis ni Ma'am Matacutan.
"Hi grabe, isang oras at
kalahati ako hindi huminga." Bulalas ng isang estudyante na nasa likuran
ni Rina.
"Terror na terror, parang
akala mo miyembro ng Isis at pinaglihi sa sama ng loob. Nakakatakot siya."
Sabi pa ng katabi nitong kamag-aral.
Makaraan ang ilang minuto ng
pumasok ang sumunod nilang Professor at siya si Sir Barry, Psychology
Professor. Maraming estudyante ang humaling na humaling sa kanya dahil sa
taglay nitong kakisigan at mataas ang alindog, lalo na kapag baguhang
estudyante pa lamang at kakikila pa lang sa kanya at tiyak na matutuwa.
Magugulat si Rina ng pumasok si Sir Barry at maghihinala.
"Ay teka, parang kilala ko
siya." Pabulong na wika ni Rina kay Carlo subalit di siya sigurado sa
iniisip.
"Ahh kilala, paano mo siya
nakilala?" Tanong ni Carlo habang nagbubuklat ng aklat.
"Di ako sigurado pero sa
Batangas ga...este ba siya dati nagtuturo?"
"Abay di ko alam at saka
baguhan lang din ako dito noh at ngayon ko nga lang yan nakita. Bakit mo 'yan
naitanong?"
"Para kasing pamilyar ang
mukha niya sa akin, parang kilala ko na."
Habang nagpapakilala si Sir Barry
sa harapan ay doon makukumpirma ni Rina na ang lalaking nakasalamin na nakita
nila sa Grocery at si Sir Barry ay iisa. Sa kanyang natuklasan at dahil unang
tingin pa lang ay nagkaroon na ng spark sa kanya, magkakaroon ng kaunting kilig
sa kanyang puso.
"Ay oo nga tama, tama! Siya
nga yung lalaking nakita ko sa Mall. Anlah, prof ko siya." Sabi ni Rina sa
kanyang isip. Iisipin ni Rina ang sandaling nakita niya ito noong nasa Batangas
pa siya nakatira. Kakalabitin niya si Carlo upang magkwento.
"Carlo, di ka makapaniwa sa
sasabihin ko, nakita ko na siya, sa mall yaong panahong kasama ko ang kaibigan
ko habang nasa Batangas pa ko. Nakasalamin pa nga siya tapos nakasuot ng pulang
Checkered. Hindi ako maaring magkamali, siya yun."
"Owws talaga ba, baka
kamukha lang niya o namamalik mata ka lang at kung siya nga yun, hala
nakatadhana na kayo sa isa't isa." Pabirong hirit ni Carlo."
"Anlah, anong nakatadhana?
Hunos-dili ka nga sa nasabi mo at saka di pwedeng maging kami noh, kasi
magkaiba kami ng katayuan. Professor siya, estudyante ako. Alay, malabong
mangyari yun."
"Malabong mangyari sa
ngayon. Type mo na di ba?"
"Ay ah ah, wala akong
pagtingin sa kanya at isa pa, may pangarap akong gustong tuparin sa buhay at
ayaw kong biguin si ina sa pangako ko dahil lang diyan."
"Daming sinabe, wala nga ba
talaga pero deep inside patungkol sa kanya ang tibok ng puso mo."
"Ay Pagka...este ang kulit
mo!" Kokotongan ni Rina si Carlo at tiyempong makikita iyon ni Sir Barry.
"Shusst hoy, kayong dalawa
bakit kayo nagbabatukan? Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Sir Barry na
talagang tutok ang mata sa dalawa.
"Sir LQ, kaya ganyan pero
uyy ang sweet nila, parang pinagbiyak na bunga." Hihirit ang isang
estudyante at magtatawanan ang lahat.
"Parang may pinapahiwatig na
magandang bagay, sila na yata ang bagong love team ng Campus." Pahirit pa
ng isang estudyante.
"Ano ba yan, pwede ba nating
pag-usapan?"
"Alay wala ho Sir, may di
lang ho kami pagkakaintindihan." Magsasalita si Rina pero pautal at di
makatitig ng tuwid dahil sa kinukurot sa kilig ang puso.
Hindi pa natapos ang lahat ng
kalbaryo ni Rina at ng tawagin ni Sir Barry upang magpakilala sa harapan ay
lalong iigting ang kilig sa puso ng tanungin ito.
"Hi ako nga pala si Rina, 17
years old. Sa Batangas ako ipinanganak at nag-aral hanggang High School, bagong
salta lang ako dine sa Maynila. Kayo ako...." Maaantala ang paglalahad ni
Rina ng tanungin siya ni Sir Barry.
"Ay teka, saan ka pala iha
sa Batangas?" Madali sa kanya ang tanong pero mauutal.
"Ah eeeehh, dati ho sa
Agoncillo ho kami nakatira pero ngayon lumipat na kami ng Batangas City,
Sir."
"Talaga? Magkababayan pala
tayo Rina, taga-dun din ako."
Tatalikod at sabay sasambitin
pero pabulong. "Alam ko, nakita nga kita eh."
Pilit man pinipigilan ni Rina ang
nararamdamam kay Sir Barry dahil tingin niya ay hindi pa ito ang tamang panahon
at gusto niya munang makapagtapos subalit nahihirapan siyang pigilan ang tibok
ng puso, para na siyang mababaliw. Kapag uuwi si Rina galing eskwela ay
nagta-trabaho naman ito sa isang flowershop at ang kanyang kinikita ay napupunta
sa pangangailangan sa pag-aaral at nagtatabi din siya para sa kamag-anak ni Ms.
Cruz na kanyang tinutuluyan. Habang nagtitinda si Rina ay biglang may tatawag
sa telepono.
"Rina, Rina, may tawag
ka!" Sabi ng kanyang ka-trabaho at tutungo si Rina sa telepono upang
sumagot.
"Hello! Oh Graizel natawag
ka, miss ko na kayo. Kamusta diyan, ang inay?"
"Tulala pa rin at walang
pagbabago, ikaw kamusta na?"
"Ay mabuti at nakakapag-aral
na ng kolehiyo. Ay siya nga pala may sasabihin ako sa'yo at di ka makakapaniwala."
"Ano ga yun ha?"
"Natatandaan mo pa ga ng
panahong naggayak tayo sa mall at nagtungo ng Grocery, tapos may nakita akong
makisig na lalaki na nakasalamin at naka-red checkered?"
"Ay oo, bakit mo ga
naitanong iyan at saka pagkatagal na nun di pa nakakaligtaan ng isip mo?"
"Alay ikagugulat mo kasi di
ko akalain, maestro ko pala siya sa Gen Psych namin."
"Anlah, pano nangyari iyon?
Eh di ba dine pa yun naturo, ano yun, lumipat siya at diyan na rin
nagmaestro?"
"Ay kaya nga ang kagulat pa,
diyan din siya dati sa Batangas City nakatira at nagtuturo, kaya pala nakita
natin siya."
"Ay siya, tingnan mo naman
ang mundong ginagalawan niyo, pagkaliit at kahit saan ka yata magtungo,
magkikita't magkikita kayo. Siya na marahil si Destiny Guy at True love
mo."
"Ayan ka nanaman sa
pagpupumilit mo na may pagtatangi ako sa kanya."
"Ay aminin mo na kasi na may
pagtingin ka sa kanya. Na pinagpapantasyahan mo siya."
"Ay siya sige, kapag di ka
magtigil diyan, magkalimutan ng naging magkaibigan tayo, magsawa ka."
Pabirong sambit ni Rina.
"Ay di naman ire mabiro,
teka ano nga palang ngalan ng lalaking nakita nata sa Mall?"
"Barry, siya si Sir Barry.
Ay kung tutuusin sa Batangas City siya naturo at dati siyang Secondary teacher
pero simula ng maging Psychology ay nalipat siya dine sa School na pinapasukan
ko."
"Ay pagkagwapo pa rin ga
ireng prince charming ng puso mo?"
"Ay oo, nakakayanig ang
kanyang kakisigan at kay raming humaling sa kanya."
Pagkatapos nilang mag-usap ni
Graizel sa telepono ay babalik na si Rina sa harap ng Flowershop at pabulong na
mag-e-emote.
"Ano gang ireng nararamdaman
ko sa kanya, paulit-ulit, di naman mawala eh. Bata pa ko at di pa ito dapat
maramdaman. Ay naku Rina, mag-aral ka muna diyan at tuparin ang mga pangarap.
Kaya ko 'to, pipilitin ko itong mawala, alang-alang sa kinabukasan aking
tatahakin at ng inay." Biglang darating ang kanyang katrabaho.
"Hoy Rina, anong binubulong
bulong mo diyan?"
"Ay wala ho, narepaso lang
kasi Quiz namin bukas."
Pagkaraan pa ng dalawang araw at
habang nagtuturo si Sir Barry ay may dalawang estudyante sa likuran ni Rina ang
pag-uusapan ang kanilang Professor. Aminin man o hindi ay magkakaroon ng selos
sa kanyang puso at sasawayin ang dalawa.
"Class, a Psychology has 8
areas and they are Clinical, Industrial...." Habang nagtuturo si Sir Barry
ang pagbubulungan ng dalawang babae sa likuran ni Rina.
"Ang gwapo talaga ng prof
natin at ang bata pa, artistahin ang dating at kahawig na kahawig niya si Paulo
Avelino." Mahinang sabi ng babae.
"Tama ka diyan at kung
ganyan lang prof natin, hay naku di na ko a-absent." Sabi pa ng isang
babae.
"Bukod pa dun ay may
pagkakataon na tayo upang araw-arawin siya. Hay Sir Barry, ako ang Future wife
mo at akin ka lang."
"Boba, wala sa'yo, assuming
di na nahiya, tapos kamag-anak pa ng Mayor." Biglang magsasalita si Rina
kay Carlo.
"Carlo, pagkaingay naman ng
nasa likuran nata este natin at di ko marinig ang tinuturo ni Sir, kalalantod
ng mga bibig eh. Sarap pagsasampigahin." Biglang pagsasabihan ni Rina ang
nasa likuran. "Ay excuse me pwede hong magsitigil kayo at di ko marinig
ang itinuturo ni Sir." Titigil sa pag-uusap ang nasa likuran at gagatungan
naman ni Carlo si Rina.
"Kaya mo ba sila sinasaway
kasi nagseselos ka di naiingayan?"
"Kabanas ka talaga Carlo,
FYI hindi ako selosa at lalong di ako nagseselos, di ko naman siya gusto."
Patumanggi ni Rina kahit halata sa mukha ang pagkaselos simula ng marinig niya
ang sinabi ng dalawa.
Chapter 5
Mananatiling may pagtingin si
Rina kay Sir Barry hanggang sa sumapit ang sumunod na semestre subalit biglang
magbabago ang kanyang nararamdaman na animoy na-turn off ng sa di sinasadya ay
may matutuklasan siyang lihim sa tunay na pagkatao ni Sir Barry habang sila ay
nasa Canteen.
"Uy Rina, paparating yung
lalaking type na type ng Cardiovascular mo." Sabi ng kasama nito si Carlo
na abala sa paglantak.
"Saan, bakit di ko naman
makita?" Tanong ni Rina kay Carlo na kakikitaang nasasabik.
"Uy, hinahanap niya, ibig
sabihin totoo ang mga patutsada ko sa'yo?"
"Pagkakulit mo naman, giit
ka ng giit eh wala nga kong nararamdaman sa kanya, ilang beses ko bang nasabi
sa'yo." Habang nagtatalo ang dalawa sa di inaasahan ay mabubunyag nila ang
totoong pagkatao ni Sir Barry at hindi sila makapaniwala sa nakita.
"Oh my Sis, nakita mo
yun?"
"Ay oo nakita ko nga."
Magkasabay na magre-react ang dalawa. "Oh my gieh, isa siyang....
Paminta!"
"Alam na Sis, may
pagkabinabae pala 'yan. Saklap noh. Kaya pala pag Prof natin siya, kapansin-pansing
mas touchy sa mga boys at interesadong pag-usapan ang Lovelife nila. Gwapo pa
naman siya pero sayang at bading pala. Aminin mo na kasi, nagustuhan mo siya,
nagba-blush nga mukha mo. Hindi ka na maaaring magkaila." At saka aaminin
ni Rina na nagkagusto siya kay Sir Barry.
"Sige na nga, tutal friend
kita at mapilit, aamin na ko. Oo nagkakagusto ako sa kanya magmula ng makita ko
siya kasi gwapo at matangkad ito pero naglaho na yun ngayon ng malaman kong
kabaro mo pala."
Dahil sa nalaman ni Rina na ang
lalaking nagbibigay pintig sa kanyang puso ay isang binabae, tuluyan ng
maglalaho ang pagtingin ni Rina sa kanya at iisiping para walang nangyari.
Hindi makapaniwala si Rina at siya ay matutuwa dahil nagwakas din ang kanyang
pagtingin at makakapag-aral na ng maayos. Dumadalaw-dalaw si Rina sa pamilya
niya sa Batangas tuwing bakasyon at dahil likas kay Rina ang pagiging masipag
at matiyaga, nakatungtong na siya ng Second year subalit hindi pa sapat ang
kanyang natutuhan upang gamutin ang kanyang ina kaya lalo pa siyang
magkukumahog na mag-aral at isasantabi ang love life.
"Ay Kuya! Kuya ang ate
narine, nadalaw." Pasigaw umano ni Myla na sabik na sabik na mahagkan ang
kapatid at ng magkaabot ay magyayakapan. "Ate na-miss kita."
"Na-miss din kita Myla,
kamusta na kayo dito?"
"Dito? Ano yun?"
"Ang dine ay salitang dito
kapag sa Maynila ka, ah kamusta na kayo? Ayos ba ang kalagayan niyo?"
Mapapakwento si Myla at habang sila ay nagkukwentuhan ang biglang naman
pagdating ni Graizel at sila'y magyayakapan.
"Rina!" Pasigaw ni
Graizel
"Graizel!" Pasigaw ni
Rina, magsasalubong ang dalawa at magyayakapan.
"Ay Rina di ka man lang
nagpasabi, paparine ka pala."
"Surprise and I'm back. I
miss you so much."
"Gaano ka ga katagal dine
ha?"
"Dine ako hanggang sa magpasukan
para makasama ko kayo ng matagal. Kamusta na ang kalagayan ni Inay, gumagaling
na ba siya." Papasok ang tatlo sa kwarto at kakausapin ni Rina si Aling
Menang. Wala pa ring pagbabago at nakatulala pa rin ito.
"Inay, tagal na din bago
tayo magkita. Alam mo nay, Second year college na ko sa darating na pasukan at
dalawang taon na lang, magtatapos na ko at maipapagamot ko na kayo. Miss ko na
kayo nay, sana gumaling na kayo. Pangako Nay mas lalo ko pang pag-iigihan ang
pag-aaral para kapag naging ganap na kong Registered Psychiatrist, magagamot ko
na kayo. I love you nay." Sambitla ni Rina sa ina.
"I love you din
Lukring." Mangiyak na sabi ni Aling Menang.
"Inay, wala na po si Itay,
ilang beses ko bang sasabihin sa inyo at di na siya babalik." Hahagulhol
ng lakas si Aling Menang at magmamaktol.
"Hindi totoo yan! Buhay pa
siya, buhay pa ang Lukring ko. Lukring mahal ko dine ka lang, huwag mo kong
iiwan!" Hahawakan ni Aling Menang ang braso ng anak dahil inaakala niyang
siya si Mang Lukring.
"Inay ano ba, tanggapin mo
ng wala na siya, pakiusap." Magmamaktol muli si Aling Menang at sa di
sinasadya ay matutulak si Rina palayo.
"Hindi buhay pa ang Lukring,
buhay pa siya huhuhuhu!"
"Ay ate kami na dine,
lumabas ka na." Tutulungan ni Myla si Rina na makatayo at aalalayan
palabas. Lalabas din si Graizel at mag-uusap silang dalawa.
"Friend, ay ayos ka lang
ga?" Nag-aalalang tanong ni Graizel.
"Ayos lang ako, huwag mo ko
alalahanin. Ganun pa rin pala ang inay at lalo pang lumalala. Napapakain niyo
ba siya ng maayos?"
"Ay oo, pinapakain nila Myla
pero balewala kasi tinatapon niya lang at hinahagis ang plato. Nasugat na nga
ang kapatid mo ng limutin niya ang nabasag na plato at ilang ulit ng
nababasagan ng plato. Ito naman ang kaka Danilo mo, ayun nasigawan ang inay mo
kasi naubusan na ng pasensiya. May mga araw na nagsisigaw-sigaw ang nanay mo at
nagwawalang tila hayop. Muntikan ng dumating sa puntong ibig na nilang itali
pero di magawa, kasi naawa sila."
"Isang taon lang ako nawala,
grabe na pala ang nangyayari dito at sa totoo lang, naawa na ko kasi di na biro
ang dinadanas nila."
"Psychology Student ka di
ga? Alay natukoy mo na ga kung anong sakit ang kinakaharap ng nanay mo?"
"Hindi pa nga, basic pa lang
ang itinuturo sa amin but I think she suffers from Major depression pero di pa
ko sure kasi maraming criteria ang dapat tingnan to identify it exactly."
"Alay paano yan? Kung di ka
pa sure anong balak mo?"
"Ipapagpatuloy ko ang
pag-aaral bilang Psychology Student to know how to cure her condition at nag-iipon
na rin ako para sa kanyang therapy at Counseling, matagal-tagal iyon. Kailangan
kong magtapos para kay inay at ayaw kong isipin ang mga distraction na gugulo
at hadlang sa balakin ko."
"Ay nalukot na ang mukha mo
sa lungkot eh pero maiba tayo ng usapan, kamusta na kayo ni Barry your
love?"
"Ayun? Bayot pala at saka di
ko na siya type, nagsawa na ko. Isa pa, isa din siya sa distraction sa pangarap
ko kaya hangga't maari ay isinasara ko muna ang puso sa mga lalaking magbabalak
sa akin at ayaw ko munang lumagay sa love life. Pangarap ko, kapag nakapagtapos
na ko sa pag-aaral at naipagamot si inay, saka na ko makikipagrelasyon at bubuo
ng pamilya. Gusto ko may magandang buhay at kinabukasan ang magiging anak ko at
natatakot ako kung matutulad sila sa amin na ipinanganak na dukha at
naghihikayos araw-araw.."
"Ala eh, pagkaganda naman ng
iyong sinambit at balak sa magiging anak mo. Baka sa kakatanggi mo sa mga
lalaking magkakandarapa sa'yo, ay siya at baka maging Sultera ka."
"Kung may pagmamahal siya sa
'kin, matuto siyang maghintay."
Habang nagbabakasyon si Rina sa
kanilang bahay ay siya ang nag-aaruga at nagpapakain kay Aling Menang
samantalang abala si Myla sa pag-i-inquire para sa pagtungtong nito sa
Kolehiyo. Ibig na din sana ni Myla na sa Maynila magkolehiyo gaya ng kanyang
ate subalit di pinahintulutan ni Rina pagkat walang magbabantay sa kanilang ina
oras na bumalik na siya ng Maynila at nasa trabaho si Danilo.
"Inay oh, kumain ka
na." Susubuan ng lugaw ni Rina si Aling Menang pero di agad ibubuka ang
bibig. "Inay ano ba, kumain ka na. Magkakasakit ka na niyan sa ginagawa
mo, subo na." Ipipilit ni Rina na ipasubo ang kutsarang may lugaw pero
biglang ihahagis iyon ni Aling Menang at sisigaw.
"Gusto ko Lukring! Gusto ko
ang Lukring lang ang magpapakain, di ikaw!"
"Nanay, wala na po si itay
Lukring, kumain na kayo." Mahinahong pakiusap nito sa ina.
"Hindi! Hindi! Buhay pa ang
Lukring! Nandito siya dinadalaw na ko." Sa isang iglap ay mapapaisip ng
paraan si Rina para mapakain ang ina.
"Dumalaw ba nay,
kailan?"
"Kanina, usap pa nga kami
tapos sabi niya ipapasyal niya ko."
"Oo pasyal ka ni Lukring
mamaya pero kumain ko muna."
"Talaga? Ipapasyal niya
ko." Biglang aaliwalas ang mukha ni Aling Menang.
"Ay oo nay pero bago yan,
kumain muna tayo." At susubo na nga si Aling Menang. Biglang papasok sa
kwarto si Myla galing sa Eskwelahang kanyang pinag-inquire.
"Kamusta ang pag-i-inquire,
may nahanap ka na bang school?"
"Ay wala nga ate, parang
gusto ko din ng Psychology gaya mo, para makatulong kay inay."
"Kaulaga mo ire, ano sa
Maynila ka din mag-aaral?"
"Ay tama ka at saka ayaw mo
ga, may makakasama ka na sa pag-aaral."
"Hindi mo ba nakikita ang
kalagayan ni inay ngayon. Si Kuya Danilo hindi naman madalas nandito kasi may
trabaho, tapos ako, hindi din pwede kasi nag-aaral ako sa Maynila, sino
magbabantay at mag-aalaga kay inay aber?"
"Ay ate naman, narine naman
ang ate Graizel, bakit di siya ang magbantay at alaga kay inay."
"Anlah, inisturbo mo pa ang
tao tekang may trabaho iyon. Di sa ayaw kitang isama pero di talaga pwede Myla,
pasensiya na."
"Gusto ko lang naman
makatulong kay Inay ate. Kung ayaw mo talaga, diwag!" Tatakbo palayo si
Myla dahil sa tampo.
"Myla! Myla! Bumalik ka
dito, nag-uusap pa tayo." Sisigawan nito si Myla subalit di ito babalik.
Hindi pinayagan ni Rina si Myla
sa kagustuhan nitong makapag-aral sa Maynila gaya niya at magkakaroon ng tampo
sa dibdib ni Myla. Sa kagustuhan ni Rina na maibalik sa dating ayos ang
kanilang pagsasamahan bilang magkapatid ay gagawa ito ng paraan at lalapitan si
Myla subalit hindi siya pinapansin at madalas ay umiiwas. Kahit para kay Rina,
mahihirapan siyang makuha muli ang loob ng kapatid ay di pa rin ito sumuko
hanggang ng araw na bumabayo ang Hanging Habagat at sinabayan pa ng pagkulog at
pagkidlat, makakaramdam muli ng takot si Myla at magtatago, dadamayan naman
nito ni Rina at pipiliting mapalagay ang loob hanggang sa magkaayos ang dalawa.
"Oh Myla, nagtatago ka
diyan? Takot ka pa rin ba sa kulog at kidlat?" Hindi sasagot ang kapatid
at patuloy na madarama ang takot. Nang hindi umiimik si Myla, lalabas na ng
kwarto si Rina subalit pipigilan nito ng kapatid.
"Ate, ate, dumine ka lang,
huwag kang alis." Pakiusap ni Myla sa kapatid at mapapatigil si Rina.
"Oh, bakit mo ko
pinapatigil? Akala ko ba galit ka sa akin?"
"Basta ate, dine ka lang,
natatakot ako please." At sasamahan nga ni Rina si Myla.
"Ay ate, hindi ga Psychology
student ka, ano ga ire at may takot ako sa kulog at kidlat magmula ng bata
pa?" Tanong ni Myla kay Rina na talagang interesadong malaman kung anong
tawag sa dinadanas niya.
"Astraphobia, mayroon kang
Astraphobia, kung saan may fear ka in both lightning and thunder and even the
storm."
"May pag-asa pa bang mawala
ang takot ko? Kasi ayaw ko na ng ganire. Kapag nakulog at kidlat, lagi na lang
ako natago kahit nasa school ako. Alam mo naman, matagal ko na itong
problema."
"Huwag kang mag-alala, di
lang ikaw ang may Phobia o takot, marami kayo at turo ng prof ko, lahat tayo ay
may kahinaan kaya normal lang iyang Phobia. Magiging Abnormal iyan kung di mo
nare-regulate ng wasto ang Phobia. Bukod pa dun ay may reason why the other
people having a phobia and just because of their experience in a particular
situation that not pleasant for them and got traumatized."
"Kung ganon ate, alay bakit
ako, wala naman akong karanasan pero may Astraphobia ako na sinasabi mo?"
"I've forgot to tell you na
may mga taong ipinanganak na may Phobia na though they have no experience. Ah
may naisip ako, gusto mo bang mawala ang Phobia mo sa kulog at kidlat?"
"Oo gusto ko, pero ano gang
gagawin?"
"Tara labas tayo at maligo
sa ulan." Aayain ni Rina na maligo sa ulan si Myla sa kabila na takot ito
sa Thunderstorm pero di ito papayag.
"Nahihibang ka ga, tekang
nakidlat, paliliguin mo ko sa ulan, ayaw ko."
"Sige bahala ka, habang
buhay mong mararanasang matakot sa kulog at kidlat."
"Sige na nga maliligo na ko,
basta samahan mo ko." Mapipilitan si Myla na maligo sa ulan sa kabila na
ito'y natatakot kasama si Rina. Makakaramdam ng aliw si Myla habang nagliliwaliw
sa malakas na buhos ng ulan na siyang mag-aalis ng kanyang takot.
"Hooooh! Ay ate tingnan mo
di na ko natatakot sa kulog at kidlat. Nakaka-enjoy pala maligo sa ulan, ang
sarap sarap."
"Oh see I told you and it's
work."
"Thank you ate at pagkagaling
mo, ikaw ang nag-alis ng Phobia ko eh."
Dahil doon at tuluyan ng bumalik
sa dating ayos ang pagsasamahan nilang magkapatid. Habang masayang-masayang
naliligo sa ulan ang dalawa ay biglang magsisidatingan ang mga tao at
magpapanik. Inalam nila Rina ang dahilan kung bakit sila nagpapanik at
magugulantang sa malalaman at magsisilikas.
"Bilisan niyo, bilisan niyo,
baka abutan tayo.." Sigaw ng mga tao habang kumakaripas ng takbo.
"Oh anong nangyare, bakit
nagsisipagtakbuhan kayo?" Tanong ni Rina sa mga ito.
"Yung ilog, naapaw na at
bumigay na rin ang dikeng nilagay namin, anumang oras ay darating na ang baha
kaya magmadali kayo sa paglikas.!"
"Ha, gaano ba kataas ang
baha?"
"Mga lagpas tao na at baka
abutin kayo kapag di pa lumikas! Bilisan niyo na." At magmamadali na nga
sila Rina upang ilikas ang lahat ng gamit paitaas.
"Myla, bilisan mo, tulungan
mo kong itaas ang mga gamit sa ikalawang palapag pati ang inay."
Paspasan nilang iniaakyat ang
lahat ng mga kagamitan pero sa bilis ng pangyayari ay hindi lahat ng gamit ay
naitaas nila at inabutan ng baha pero naiakyat naman nila si Aling Menang bago
pa man rumagasa ang baha. Nakaligtas ang mag-ina mula sa delubyong bitbit ng
Habagat at pagkahupa ng baha ay tumambad ang napakakapal na putik at nagkalat
kalat na bato sa kanilang lugar. Marami din napinsalang gamit at di na
mapapakinabangan subalit nananatili pa ring masaya si Rina kahit hindi maganda
ang kinasapitan pagkat walang ni isa sa kanila ang nalagasan ng buhay.
"Ay ate, pagkagrabe naman
ang sinapit nata mula sa Habagat ire. Hindi ko inasahan na marami palang ulang
ibubuhos kahit wala dine ang Bagyo." Sambit ni Myla kay Rina habang abala
sa pagtatanggal ng putik sa mga gamit.
"Kaya nga pero mapalad tayo
dahil nakaligtas tayong lahat, salamat Lord at di mo kami pinabayaan."
Habang naglilinis ang dalawa ay biglang bibisita sila Ms. Cruz at Graizel.
"Tita! Natutuwa ako't nakaligtas kayo!"
"Alerto kasi kami at bago
dumating ang baha, nakalikas na kami, kayo, bakit narine na? Hindi ga kayo
lumikas?"
"Hindi ho Tita at nasa
ikalawang palapag lang kami ng panahong bumabaha."
"Abay maigi naman at di kayo
inabot ng baha at kapalad niyo. Ang Kuya Danilo bakit di niyo kasama?"
"Natawagan na ho namin siya
at sabi ligtas naman daw pero di makauwi dito kasi na-stranded sa daan. Alay
mataas pa raw ho ang baha doon."
"Ay siya nga Rina at ang
ibang bahay doon sa kabilang bayan, nalubog sa baha at bubong na lang ang
nalitaw. Nagpapasalamat ako at di niyo sinapit ang sinapit nila."
Mapapansin ni Rina kanina pa walang imik si Graizel at makikitang di matamlay
ang mukha.
"Oh Graizel, kanina pa kami
naghuhuntahan, di ka man lang naimik. Natutuwa ako at ligtas ka. Kamusta?"
Biglang lalapit si Graizel kay Rina at yayakap.
"Ang totoo niyan
Rina...." Mapapahagulhol si Graizel.
"Oh bakit ka naiyak, anong
meron?" Subalit si Ms. Cruz na ang sasagot sa katanungan ni Rina at
maglalahad.
"Rina ang totoo niyan, kaya
kami naparine dahil gusto naming ipabatid sa'yo na sinawing palad ang pamilya
ni Graizel dahil nalunod sa baha at siya na lang natira. Nadatnan ni Graizel
ang bahay nila, wasak at parang walang natira, nakita niyang wala ng buhay ang
mga kaanak nito at pagkasaklap ng naganap sa kanya."
"Totoo ba yun Graizel?"
Iingli ang mukha ni Graizel paitaas-baba at maluluha si Rina.
"Condolence Graizel.
Ikinalulungkot ko ang pagpanaw ng pamilya mo. Huwag kang mag-alala, andito lang
kami."
"Salamat. Huhuhuhu!"
Sambit ni Graizel na luksang-luksa.
Magmula ng mawalan ng mahal sa
buhay si Graizel ay kinupkop na ito ni Ms. Cruz at itinuring na kabahagi ng
kanyang pamilya. Samantala at habang nanonood ng balita sa telebisyon si Rina
at Danilo at dahil likas sa kanya ang pagiging matulungin ay makakaramdam ito
ng awa sa dibdib sa mga nasalanta na lalo pang magtutulak sa kanya upang ipagpatuloy
ang kursong Psychology subalit kokontrahin ni Danilo.
"Pagkatindi naman ire ng
Habagat, di pa yan Bagyo pero karami ng namatay at nasalanta eh. Kaawa-awa
naman ang dinanas nila." Sabi ni Danilo kay Rina.
"Kaya nga kuya, tama ka.
Saka ang iba na nawalan ng mahal sa buhay, nasiraan na ng bait at di na kinaya
ang problema. Kaawa-awa naman, namatayan na nga, nabaliw pa. Gusto ko silang
tulungan at tama lang na kumuha ako ng ganitong kurso."
"Abay, tama ga ang naulinig
ko sa'yo, ganyang trabaho na ang tatahakin mo, baka mamaya niyan ay pagsisihan
mo Rina kasi mahirap."
"Nagkakamali ka diyan kuya,
nararapat lang sa akin na kumuha ng ganitong kurso, di lamang kay inay, kundi
sa lahat ng taong may kapansanan sa pag-iisip. Layunin kong makatulong at
gamutin sila kahit alam kong mahirap. Nagawa ko ngang alisin ang
pagka-astraphobic ni Myla, kaya makakaya ko din iyon kay inay at sa iba pa.
Disidido na kong maging isang Psychologist someday kuya at paninindigan ko na
yun."
"Ay sige tingnan nata kung
matutupad iyan, basta di na namin kasalanan kung mabigo ka, kasi desisyon mo
'yan."
"Magtiwala ka sa akin kuya,
magagawa kong ibalik sa katinuan ang inay ng di kailangan ng tulong ng isang
Psychiatrist."
Chapter 6
Pagpatak ng Hunyo at dahil
malapit na ang pasukan, nagpaalam na si Rina sa kaanak nito sa Batangas at
bumalik na ng Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral. First day of their class
ng makilala ni Rina ang isang Professor, saksakan ito sa Cute at nag-uumapaw
ang kapogihan at medyo bata-bata pa. Bukod pa dun ay baguhan lamang ito sa
kanilang Unibersidad pero dahil likas sa kanya ang pagiging kengkoy at palabiro
kapag nagtuturo at nakakaaliw, nahuli niya agad ang loob ng karamihan sa mga
estudyante at aakalaing marami ng ka-close. Dahil sa taglay nitong kakisigan,
marami ang mahuhumaling at mabibighani sa kanya subalit sa kabila niyon ay tila
manhid ang puso ni Rina pagkat walang madarama ni katiting na pagtingin at para
sa kanya, hindi pa niya handang buksan ang puso para sa kahit na sinong lalaki
at gusto niya munang tuparin ang mga minimithing pangarap.
"Sino pala ang susunod
nating prof?" Tanong ni Rina sa kanyang mga kaibigan.
"Sabi nila si Sir Jino
raw." Tugon nila sa kanya.
"Sir Jino, sino yun? Naging
prof niyo na rin ba siya sa previous subject niyo?"
"Hindi pa at saka baguhan
lang daw iyon." Habang nagpapalitan sila ng kuro-kuro ay biglang papasok
ang pinag-uusapan nilang Prof. "Huwag na tayong maingay, andiyan na
siya."
"Good afternoon class, hi
I'm Jino Russel Cojuangco, graduated from my Alma Mater UST batch
2010....." Habang nagpapakilala sa harapan si Sir Jino ay magbubulungan
ang nasa likuran tungkol sa kanya at di maiiwasang ikumpara siya sa professor
na kinahuhumalingan din ng karamihan na si Sir Barry.
"Wow ang gwapo naman ng Prof
na yan, mukhang may makakatalo na kay Sir Barry sa campus natin." Sabi ng
isang estudyante na namumula ang mukha sa kilig.
"Ang cute at bata-bata pa.
Lamang ng maraming paligo kay Sir Barry. Si Barry silahis naman iyan."
Biglang sasabat si Rina sa usapan ng dalawa.
"Silahis? What do you mean,
it means Sir Barry is a Bisexual, I'm a Right?"
"Yes you're right, bisexual
nga si Sir Barry and thus he may attract both Male and Female." Magugulat
si Rina sa nalaman.
"Hindi pala bakla si
Sir."
"Tama hindi siya bakla o
homosexual, actually nagkaroon nga yan ng GF pero naghiwalay ng malaman na
Bisexual si Sir." Tsika ng babae sa kanya.
"Wow alam na alam mo ahh,
may pagkatsismosa ka din pala. Mahilig niyong pag-usapan ang buhay ng
iba."
"Dah! Matanong ka kasi at
saka yang bago nating prof, gwapo na nga, di pa nakakapanghinayang, iyang si
Sir Barry, sayang na sayang." Sabi ng katabi niyang babae, habang
nagkukwentuhan sila Rina ay di niya mamamalayang tinatawag na ang pangalan for
attendance.
"Charina Mae Sandoval."
Sambit ni Sir Jino pero di agad sasagot si Rina. "Charina Mae Sandoval?
Absent ba si Charina?" Saka maririnig ni Rina na tinatawag na siya.
"Present sir!" Malakas
na sambit ni Rina.
"Charina, ilang beses ka ba
inire ng nanay mo?" Pabirong hirit ni Sir Jino sa kanya.
"Inire? Isang beses lang po
Sir." Magtatawanan ang lahat.
"Talagang sinagot mo si Sir,
eh hinihiritan ka lang niya kasi di ka nasagot ng tinatawag ka niya
hahahaha!" Sabi ng katabi niya.
"Ah ganun ba, kaya pala ang
Weird ng tanong niya, hinihiritan na niya pala ako, pero nakakatuwa siya at
palabiro." Sagot ni Rina sa katabi.
"Cheska Magulay!"
Sasagot ang kanyang estudyante at matapos ay hihiritan muli. "Talaga
Magulay apelyido mo? Alam mo kailangan kita araw-araw para di ako
magkasakit."
"Bakit naman Sir?"
"Kasi ang sustansiya mo
eh." Maghihiyawan at tawanan ang lahat maging si Rina.
Nang uwian na at kahit tapos na
ang kanilang klase ay patuloy pa rin nilang pag-uusapan si Sir Jino maliban kay
Rina na walang kibo at tila di interesado sa pinag-uusapan nila hanggang sa
mauwi sa pagtatalo.
"Ang saya pala ng klase
kapag si Sir Jino ang prof natin, nakakatuwa." Wika ng kamag-aral ni Rina
at kaibigan na si Micah.
"Oo nga pampa-good vibes ng
araw. Saka mabait at di istrikto pero yun nga lang, ang kulit magturo at daming
harot sa katawan. Okey na rin yun, atlis makwela." Sabi naman ni Rosa.
"Tapos 10 absences sa kanya
bago ka ma-FDA eh samantala sa iba nating prof, 3 or 4 absences lang, drop na
agad, grabe gusto ko na siya." Sabi naman ni Catarina.
"Oy, Catarina, maawa ka nga
kay Sir Jino, bata pa siya at tanga naman niya kung mapupunta sa'yo." Sabi
ni Micah at mapapansin nilang kanina pa walang imik ang kasamang si Rina.
"Oy Rina, ayos ka lang? Sa
ating magkakasama, ikaw ang Most behave. May problema ba?" Tanong ni Micah
sa kanya.
"Ah wala, wala at saka wala
naman dito ang tao, kanina niyo pa pinag-uusapan."
"Halah bakit? Kung
makapagsalita ka naman, parang ayaw mo sa kanya at iritable noh." Sabi ni
Rosa.
"Di naman sa ayaw ko,
awkward lang kasi kung ang topic natin, ibang tao na wala at di naman natin
kasama. Kung pag-usapan niyo siya, parang humaling na humaling kayo at sabik na
sabik, bakit ano bang meron dun?"
"Rina, di awkward na
pag-usapan namin siya o ibang tao kasi karapatan nating maghayag ng komento
kung di naman nakakasira ng damdamin at buhay ng tao. Saka sino ba naman ang di
mahuhumaling sa kanya, bukod sa gwapo, magaling at nakakatuwa pa magturo. Saan
ka pa?" Tugon ni Rosa sa kanya.
"Nakakatuwa at magaling Oo,
I appreciate that pero gwapo, parang di naman, maputi lang siguro?"
"Rina, nabubulagan ka ba, at
ano ka ang gwapo niya kaya, tapos ang ganda pa ng mga mata at makangiti, kala
nakakaakit." Wika ni Catarina.
"Cheap mo naman tumingin,
gwapo na yun para sa inyo, eh wala pa nga sa kalingkingan ng sikat na artista
at Model eh. Naku tigilan niyo ang kahibangan kay Sir, baka pagsisihan niyo sa
bandang huli."
"Di kami nahihibang at naku
Rina, ang mabuti pa ay manalamin ka ng sa ganon ay malaman mo na tama ang
sinasabi namin Malabo lang paningin mo
kaya mo yan nasasabi." Sabi ni Rosa.
Isang araw at habang nagmamadali
si Rina sa pagkilos, sa di sinasadyang pangyayari ay makakasalubong niya si Sir
Jino at mababangga.
"Ay! Sir sorry, di ko
sinasadyang mabangga kayo."
"Okey lang Rina, sanay naman
ako, parating binabangga tapos iiwanan na parang di ako nakita." Pabirong
hirit nito kay Rina.
"Ay di sir, nagkakamali kayo
at sorry na."
"Ganun na lang ba 'yun Rina,
sorry lang at dahil binangga mo ko at nagusot mo ang suot ko, may minus ka sa
'kin mamaya sa Quiz natin."
"Sir naman, walang ganyanan,
nag-aral ako ng mabuti tapos babawasan mo ko, paano na kinabukasan ko?"
"Hala drama nito at di ka
mabiro, sige na pumasok ka na, baka late ka na." At aalis na si Rina
palayo kay Sir Jino.
"Bye Bye Sir."
Habang nag-aaral si Rina para sa
pagsusulit nila sa Statistics at sa pagpasok ni Sir Jino ay muli itong hihirit
ng joke sa estudyante at tawanan muli ang buong klase.
"Yung totoo class, bakit ang
unti niyo ngayon? Inuna ang landi at mally kaysa quiz."
"Sir suspended na daw ang
klase kasi may paparating na supertyphoon." Pabirong sambit ng estudyante
sa kanya.
"Anong Supertyphoon?
Lumilipad ba 'yun? At mukha niyo ang ganda ng ganda ng panahon suspended ang
klase, ayaw niyo lang mag-quiz eh. Lahat ng nandito ngayon, may plus 10 sa quiz
ha." Maglulundagan sa tuwa ang mga estudyante.
"Talaga Sir?"
"Unli ka, oo nga eh."
"Ang bait talaga ni Sir
Jino, parati tayong may plus point sa kanya." Wika ni Rosa kay Micah.
"Tingin ko malabo ngang
bumagsak tayo sa kanya." Papasok bigla ang isang kamag-aral ni Rina na
naka-blonde ang buhok at pagti-tripan ni Sir Jino.
"Wow andito pala ang
pinagsamang Legally blonde at si Goldy." Hahawakan ni Sir Jino ang buhok.
"Sir naman eh, pinagtitripan
mo nanaman ako."
"Bakit Ms. Bobita de amor,
problema mo?" Magtatawanan ang lahat sa sinabi niya. Matapos ang kanilang
maikling pagsusulit.
"Ang highest para sa
pagsusulit na ito, walang iba.... Walang iba kundi si Charina Mae Sandoval!
Congratulation. Ah Rina, i-share mo naman ang talino kay Ms. Bobita de amor,
baka kasi ulitin niya ang subject na 'to." Pabirong hirit ni Sir Jino sa
kanya at biglang sasabat ang babaeng naka-blonde na buhok.
"Sir Excuse me, pasado kaya
ako."
"Ah pasado ba? Aysus
nangopya ka lang eh kaya ka nakapasa."
Nang sumunod pang araw at habang
nagtuturo si Sir Jino ay makikita niya ang kanyang estudyante na kung
pagmamasdan ay mala-biyernes santo ang mukha, lalapitan niya at muli, hihiritan
ng lines.
"Okey ka lang ba iha?"
Tanong ni Sir Jino sa kanya subalit di iimik.
"Huwag mo siyang isipin,
lalaki lang iyan. May magmamahal pa sa'yo."
"Ay sir naman eh. Gusto ko
na nga siyang kalimutan, pinapaalala mo pa. Ang labo niya kasi, di ko
ma-gets."
"Alam mo ang pagmamahal
parang Stats lang iyan, sa una mahirap intindihin pero kapag pinag-aralan mo,
saka mo maiintindihan at matutuhan ang mga pasikot-sikot. Di mo kasalanan kung
sa unang pagkakataon ay magkamali ka." Magtatawanan at maghihiyawan muli
ang lahat. Nang kanilang uwian.
"Alam niyo, bukod sa ugali
niya tayong patawanin at mangtrip ng estudyante, ang bait niya din pala.
Biruin, siya pa mismo ang lumapit sa isa nating kaklase at nagpayo pa.
Approachable talaga siya." Sambit ni Rina sa mga kasamahan habang
naglalakad palabas.
"Ay oo nga Rina pero teka,
parang may nag-iba sa'yo. Dati kapag pinag-uusapan namin si Sir Jino, iritang
irita ka pero ngayon ikaw na mismo ang nag-o-open." Sabi ni Catarina sa
kanya.
"Paano naman kasi, napakabusilak
ng kanyang kalooban at mahilig pang magbigay ng mga incentive, parang ang gaan
niya maging prof sa atin at chill chill lang."
"Tama ka diyan Rina, maski
ako napansin ko yun sa kanya at bukod sa gwapo at maalindog, siya na siguro ang
pinakamabait na professor na nakilala ko, nakakatuwa pa at pampatanggal ng
stress." Sambit naman ni Rosa.
"So Rina don't tell us na
pati paningin mo sa kanya nagbago na din." Sambit naman ni Micah.
"Na gwapo siya? Hindi pa
rin, mabait at palabiro lang siya pero cute, pwede na rin."
Sa araw-araw ng kanyang pagpasok
at sa kadahilanan madalas makita ni Rina ang mga magagandang katangian ni Sir
Jino katulad ng pagiging palabiro, palakaibigan at mabait pero minsan ay
Touchy, sa di inaasahan ay unti-unti ng mahuhulog ang loob ni Rina sa kanya at
di akalain na may kasunod pang lalaki na magpapatibok muli sa puso niya at sa
isa muling Professor. Isang araw ay di nakapasok si Sir Jino dahil sa ito'y may
karamdaman.
"Class, wala tayong klase sa
Statistics, masama raw ang pakiramdam ni Sir Jino at maaga ang uwian
mamaya." Sabi ng kanilang Class president na si Jonna at parang
maglulundagan ang lahat sa tuwa maliban kay Rina.
"Ang saya-saya nila, dapat
ako din masaya pero bakit ganito, parang may kulang sa araw ko, parang may
hinahanap ang nasa loob ko?" Bulong ni Rina sa kanyang sarili na di
maipaliwanag ang dapat maramdaman.
Makalipas ang isang linggo at ng
gumaling si Sir Jino ay bumalik na ito sa pagtuturo, doon ay parang
makakaramdam si Rina ng parang kilig sa dibdib at mahihiya.
"Uy Rina, pakitanong nga kay
Sir kung tama ba itong sagot ko, please." Hindi agad makakalapit si Rina
dahil sa namamayaning hiya.
"Ikaw na, Micah, ikaw na
lang lumapit sa kanya at magtanong, may ginagawa pa ko eh."
"Paki lang naman Rina at saka
may nahalata ako sa'yo, bakit parang ilang araw mo ng di kinakausap si Sir?
Dati nakaupo ka sa harapan at ikaw parati ang nagtatanong sa kanya, tapos
ngayon nandito ka na sa likuran at tatahitahimik, may problema ba sa
kanya?"
"Ah ehhh." Mag-iisip si
Rina ng idadahilan.
"Ano magtapat ka, may di ba
kayo pagkakaintidihang dalawa?"
"Ahh ehh, wala wala at saka
bakit mo naman naitanong iyan? Lumipat ako dito kasi malamig sa harapan."
"Eh bakit ang tahimik mo at
di nagtatanong?"
"Teka, teka muna, alam mo ang
kulit mo naman. Di ba pwedeng intindihin mo na lang ang ginagawa mo diyan,
okey?"
Hindi pa natapos ang lahat at ng
uwian nila ay walang masakyang dyip si Rina patungo sa kanila dahil punuan,
ayaw man niya at dahil walang choice ay sumakay na siya ng FX. Pagkasakay ni
Rina ay may nakita siyang lalaking nakaupo sa harapan, dito ay paghihinalaan
niyang si Sir Jino ang nakaupo sa harapan subalit di matawag sa takot na
mamaling akala at di siya sigurado sa nakikita.
"Teka, si Sir Jino ba yung
nasa harapan? Imposible naman eh ang aga pa para umuwi siya." Sabi ni Rina
sa loob-loob.
"Parati kasi siyang nasa
isip, kaya iyan namamalik mata na ko, hindi, hindi siya yan. Pero hindi eh,
paano kung siya yan. Tawagin ko kaya para malaman ko na tama ang hinala."
Babalakin niyang tawagin subalit di magawa pagkat pinangungunahan ng hiya.
Gagawa ng paraan si Rina upang mapalingon ang lalaki at pagkalingon.
"Hi, Sir Jino."
Ngingiti at kakaway sa kanya si Sir Jino na lalo pang magpapaigting sa kanyang
nararamdaman.
"Ay oo nga, tama siya nga
yun, sayang di ko pa nakatabi." Sabi nito sa loob-loob at pagkakababa ni
Sir Jino ay tila manghihinayang si Rina.
"Ay bumaba na siya, ano ba
yan di man lang ako nakapagpaalam, layo ko kasi sa kanya eh."
Nanghihinayang sambit ni Rina sa sarili. Pagdating ni Rina sa bahay ay
lalapitan ito ni Aling Ester at kakausapin subalit di kikibo sa lalim ng
iniisip.
"Tingnan mo Rina, nakarami
ako ng benta ng kwintas at sampaguita ngayon, tiba-tiba nanaman ako nito at
saka yung sobra, ibibigay ko sa'yo bilang allowance para makapag-ipon ipon ka
pampagamot sa nanay mo." Mapapansin ni Aling Ester na tulala si Rina at
walang imik sa kabila na dumadada ito.
"Shut uy, lalim ng iniisip
mo diyan ah. Kanina pa ko nagsasalita di ka man lang naimik." Saka mamalayan
ni Rina.
"Ah sorry po, dami lang po
kasi ginagawa sa eskwelahan kaya ako ganito. Ano po ulit sinabi niyo."
"Ay Rina naman." At
uulitin ang kanyang sinabi at matapos, papasok na si Rina sa kwarto at
kakausaping mag-isa ang sarili.
"Rina, Rina, makinig ka,
kaya ka nandito kasi para mag-aral at tuparin ang pangarap, hindi yung maghanap
ng karelasyon at lumandi. Nakakainis, akala ko ba tapos na ito matapos mawala
ang nararamdaman ko kay Sir Barry, tapos heto nanaman muli. Sir Jino naman,
bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko, alam mo isa kang hadlang sa pangarap ko.
Ang bait at lakas kasi ng sense of humor mo, iyan unti-unti ng nahuhulog sa'yo.
Tiwala lang Rina, tiwala lang, mawawala din itong nararamdaman mo sa kanya.
Pilit kong pinipigilan pero naririyan pa rin. Sa dami pa naman ng lalaking
pwedeng kahumalingan ng puso ko, sa'yo pa, sa isa muling professor. Gusto mo
talagang mawala ang nararamdaman sa kanya, pwes magmula bukas, iiwasan ko na
siya."
Chapter 7
Sa takot na maudlot at mauwi sa
wala ang matagal ng minimithing pangarap ni Rina kapag tuluyan ng nahulog ang
puso kay Sir Jino, gumagawa na siya ng paraan para iwasan ito at di ma-develop
ang nararamdaman pero sadya talagang mapaglaro ang kapalaran. Pagkababa ni Rina
galing Library at sa di sinasadyang pagkakataon ay makikita niyang paparating
si Sir Jino at magtatago subalit di niya magagawa dahil nakita na siya ni Sir
Jino at tatawagin.
"Ay si Sir Jino paparating."
Magmamadali si Rina sa pagtago subalit nakita na siya.
"Rina! Rina!" Malakas
na tawag ni Sir Jino sa kanya.
"Patay nakita niya ko."
Di ito lilingon at magpapatuloy sa pagkilos palayo sa kanya.
"Sige Rina, magpatuloy ka
lang, huwag mo kong pansinin. Ganyanan ah." Maririnig ni Rina ang sinabi
ni Sir Jino at matitigilan.
"Bakit Sir, bakit niyo po
ako tinatawag?" Tanong ni Rina sa kanya na di makatitig ng diretso at
namumula na ang mukha.
"Rina, pwede mo ba akong
samahan ngayon sa Auditorium? Tulungan mo kong maglagay ng mga dekorasyon at
curtain sa stage kasi may Alumni Symposion mamaya ng mga dating Psych student
dito at pakisabi na rin sa mga kaklase mo, walang klase mamaya, manunuod lang
sila ng Symposion at saka may additional points ang mga pupunta okey."
Ibig sanang tumanggi ni Rina para umiwas pero di magawa dahil sa hiya at habang
kasama niya si Sir Jino patungong Auditorium.
"Paano mawawala ang
nararamdaman ko sa kanya kung kasama ko naman. Iiwasan ko sana, palpak naman,
hay naku Rina lecheng buhay ito." Sabi nito sa loob-loob at pagdating nila
sa Auditorium.
"Ah Rina, ito yung mga
materials na gagamitin for decoration. Alam mo na ba kung ano ang
gagawin?"
"Hindi pa Sir eh."
"Paturo ka sa mga kasamahan
mo, madali lang yan. Sabi nila kasi basta diyan ay magaling ka, marunong kang
makibagay at ang ganda mo gumawa kaya tinawag kita."
"Ganun ba yun, Sir tsamba
lang iyon at saka di naman talaga ako marunong eh, pwedeng iba na lang
gumawa."
"Ay di ka diyan marunong, eh
basta simulan mo na diyan at bilisan para wala ng aberya mamaya." At
sinimulan na nga nila Rina ang paggawa at pagdidikit ng dekorasyon at makalipas
ang isang oras.
"Break muna kayo." Sabi
ni Sir Jino.
"Sir pwede na po ba ako
umalis?"
"Oh sige, basta bumalik ka
dito, marami pa kayong aasikasuhin. Ay teka para makasiguradong makakabalik ka,
number please?" Makakaramdam ng kilig si Rina habang hinihingi ang Number
niya subalit di nito ibibigay.
"Sir wala po akong cellphone
eh."
"Wala raw, pag iyan
nalaman-laman ko sa kaklase mo na may Cellphone ka, ida-drop kita at magsawa
kang mag-summer." Pabirong sabi nito kay Rina.
"Ay grabe siya, drop
agad."
"Seryoso ako, mukha ba akong
nagbibiro Rina. Sige na umalis ka na at bumalik ka mamaya."
"Ay Sir, may klase pa po
pala ako sa English at Soc, paano ako makakabalik?"
"Huwag ka ng pumasok, dito
ka lang, I'm just kidding. Huwag kang mag-alala e-excuse na lang kita sa
kanila, teka sino ba mga Prof mo diyan?"
"Patay anong gagawin ko,
magsasabi ba ko ng totoo sa kanya? Gusto ko na siyang iwasan eh. Kilala mo
naman si Sir, palabiro, hindi naman niya siguro gagawin ang sinasabi
niya." Sabi nito sa loob-loob at ng mapanatag ay maglalahad na si Rina.
"Sa English si Ma'am
Dominguez tapos sa Soc si Sir Darwin Aquino."
"Ahh okey salamat, makaalis
ka na talaga."
"Hay salamat, nakawala din
sa kamay ng Sir Jino na iyan. Ang kulit niya talaga, masyadong pabebe pero
nakakatuwa. Hay basta, huwag ko na nga siyang isipin, lalo pa kong nahuhulog sa
kanya at baka matotohanan itong nararamdaman ko. Hindi bale, di ko naman siya
makikita mamaya at as if naman na seseryosin niya yun." Matapos ang lunch
break at ng klase na nila sa English.
"Oh Rina, why are you still
here, why are you not leaving?" Tanong ni Ma'am Dominguez sa kanya.
"Ma'am, aalis? Bakit po ako
aalis?" Nagtatakang tanong ni Rina kay Ma'am Dominguez.
"Hindi mo ba alam, nakiusap
sa akin ang Sir Jino niyo na e-excuse ka sa subject ko kasi kailangan ka raw
dun sa Auditorium. Kaya sige na Rina, leave our room now." At lalabas na
nga ng silid si Rina.
"Talaga, sineryoso niya
'yun? Sir Jino naman eh paano mawawala ang nararamdaman ko sa'yo kung lapit ka
naman ng lapit. Ano na ngayon Rina? Tutuloy pa ba ko? Ah ganito, pupunta ako
dahil sa tutulong ako, di dahil sa kanya, ang mabuti pa huwag ko na lang siya
pansinin at kausapin, baka dun siguro mabawasan ang pagtingin ko sa kanya
hanggang sa mawala na ito. Sana effective itong naisip ko." At tumuloy na
nga si Rina sa Auditorium. Pagkatungtong pa lang ni Rina sa Auditorium ay bigla
itong sasalubungin ni Sir Jino.
"Rina! Buti bumalik ka
dito!" Pasigaw na sambit sa kanya ni Sir Jino habang tinatapik nito sa
balikat si Rina subalit di lilingon ni iimik si Rina.
"Ah paano, magsimula ka na
tapos tulungan mo na din silang magkabit ng kurtina at mag-ayos ng upuan ha,
gusto ko matapos niyo na iyan dahil malapit ng magsimula ang symposium"
Sa dami ng ginawa ni Rina ay
napagod ito pagdating sa bahay at nagpahinga
subalit di magawang makapagpahinga ng maayos dahil patuloy na sumasagi
sa kanyang isipan at pumipintig ang puso kay Sir Jino.
"Wala na siya, di ko na rin
nakikita pero bakit nagkaganito, patuloy pa rin siyang dumadalaw sa isipan ko.
Kapag kasama ko siya, nahihiya na naiinis ako pero kapag wala naman siya,
nanghihinayang ako at hinahanap-hanap. Ano ba itong nararamdaman ko sa kanya,
hirap intindihin. Dati naman wala ito pero paano niya nabihag ang puso ko.
Hindi, nananaginip lang ako at magigising din. Kaya ko ito nararamdaman kasi
Crush ko lang siya, and it means paghanga lang di love at hanggang doon lang
ang mararamdaman ko sa kanya. Kainis, kung kailan di pa natutupad ang mga
pangarap ko at nagagamot ang inay, lalagay na ko sa ganito, ayaw ko muna ng
ganito. Sana di siya threat at distraction sa mga pangarap ko dahil kapag
nangyari iyon, mapapatay ko siya. "
Pilit man pinipigilan ni Rina ang
nararamdaman kay Sir Jino pero di magawa dahil nahihirapan siya at di na alam
ang gagawin. Isang araw ay nagkita sila ng matalik nitong kaibigan na si Carlo
at magkakamustahan.
"Oh sis, kamusta ka na?
Kamusta na pag-aaral mo?"
"Eto, mabuti at nakakapasa
naman ikaw?" Magpapatuloy ang dalawa sa pagkukwentuhan hanggang sa mapunta
ang usapin tungkol sa Lovelife.
"Carlo este... Carla pala,
pwede mo ba kong tulungan?"
"Saan, sa mga assignment at
project mo, susmiyo Rina, kaya mo yan, sa talino mong yan."
"Hindi, hindi iyon Carla, di
mo kasi ako pinapatapos, tungkol ito sa nararamdaman ko."
"Kay Sir Barry, huwag mong
sabihin na may nararamdaman ka muli sa kanya matapos ang mga nalaman mo."
"Hindi, hindi ito tungkol sa
kanya. Tungkol sa isang lalaki na kamakailan ko lang nakilala. Ng unang kilala
ko sa kanya, wala naman akong naramdaman ni katiting na pagtingin pero mabait
at likas kasi sa kanya ang pagiging palabiro at palakaibigan, hanggang sa isang
banda, nahulog na ko sa kanya. Eh ayaw ko munang mapunta sa ganito kasi alam mo
naman, may mga pangarap pa ko sa buhay at ayaw kong masira iyon dahil dun.
Isang buwan ko na itong nararanasan at pilit ko talagang pinipigilan
alang-alang sa mga minimithi ko, kaso ang hirap at sumasakit dibdib ko. Ano
bang gagawin ko, paano ba mawawala ang nararamdaman ko sa kanya."
"Sis, ako ang nagsasabi
sa'yo natural lang iyan at kahit na sino, wala pang nakakagawa na pigilan ang
tibok ng puso. Kaya ba ayaw mong buksan ang puso kasi iniisip mo kapag umibig
ka, ang kauuwian ay maagang pag-aasawa at magulang agad, bakit makikipagtalik
ka ba at kung likas sa'yo ang pagiging makati at palapatol, mangyayari talaga
yun pero sa nakikita ko sa'yo, kaya mong magpigil at di ka malandi, kaya
malabong mangyari ang mga pinangangambahan mo. Kung kilala mo ang sarili at di
ka tulad ng iba, alisin mo ang takot sa dibdib at hayaan mo lang iyang
nararamdaman dahil masaya ang buhay kapag umiibig ka. Ang isa pa ang mali
sa'yo, iniisip mo agad na destruction ang love sa mga pangarap mo. Rina may isa
pang purpose ang love at iyon ay inspiration. Gamitin mo siya bilang
inspiration sa mga pangarap mo at kapag ginawa mo iyon, trust me matutupad iyon
at doon mo maiisip na walang mali at masama sa pagmamahal. May time na mabuti
at masama ang love depende kung paano mo ito gagamitin. Marami ka pa ngang di
alam tungkol diyan Rina."
"Carla, di mo ko
naiintindihan. Naalala ko nun at ang turo sa akin ng inay, kung gusto mo
talagang maging maganda at umasenso ang buhay, bawal muna ang pag-ibig at
pakikipagrelasyon hangga't di ka pa tapos mag-aral, kasi isa raw iyon sa
hadlang, kaya ko ito ginagawa. Isa pa, ayaw kong danasin ng magiging anak ko
ang mga dinanas naming paghihirap.."
"May mali sa pananaw ng
nanay mo at parang sinasabi niya na wala kang karapatang umibig hangga't di ka
pa nakapagtapos, Rina puso yan at makapangyarihan ang pag-ibig, kahit ano pa
gawin mo, basta tumibok iyan, wala ka ng magagawa. Kapag nilabanan mo naman,
parang pinaparusahan mo ang sarili kasi ikaw naman itong nahihirapan. Pwede mo
naman kasi itago ang nararamdaman mo sa kanya, kung di ka pa handa
makipagrelasyon at Sis, gaya ng sinabi ko sa'yo, gamitin mo bilang inspirasyon
ang love, itanim mo 'yan sa Hyphotalamus mo okey. Malay mo, ito na ang
opurtunidad para mas lalo mo pang i-push ang mga mithiin mo sa buhay."
Malilinawan si Rina sa mga ipinayo ni Carlo at sasang-ayon.
"Alam mo Sis Carla, may
punto ka at sa edad kong ito, panahon na siguro para maramdaman ito. Tama!
Itong pagtingin ko sa kanya, gagamitin kong tulay para magtagumpay ako sa
pagkamit ng mga pangarap. Salamat sa payo mo pero sis Carla, Crush lang ito at
ayaw ko muna ng Love o Relationship, ipangako mo sa akin na tayo lang ang
nakakaalam ah."
"Oo naman Sis, pero teka
muna sino ba yang tinutukoy mo?"
"May klase ka ba mamayang
hapon?"
"Meron pa naman pero sa Last
period namin wala na, manunuod lang kami ng Basketball tournament sa Covered
Court. Bakit mo naitanong?"
"Wala, kasi makikilala mo na
siya mamaya."
"Bakit basketball player ba
siya?"
"Basta, malalaman mo
mamaya."
Nang hapon din na iyon ay
magkasamang nagtungo sila Carlo at Rina sa may Covered Court upang manuod ng
Basketball tournament at suportahan ang Crush ng puso niya na si Sir Jino na
isa sa mga player ng team at doon ay ibubunyag na ni Rina kay Carlo kung sino
ang nagugustuhan niya. Magugulat sila pagkat kasali din sa tournament si Sir
Barry na katunggali ang team nila Sir Jino.
"Sis, nandito na tayo,
nasaan yung sinasabi mong lalaking nagpapatibok ng puso mo?" Nasasabik na
tanong ni Carlo kay Rina at ilang sandali pa'y lumabas na ang ka-team ni Sir
Jino at ituturo naman ni Rina.
"Ito oh." Magugulat si
Carlo sa malalaman.
"Really siya? Oh my gieh
sis, isang professor muli ang special someone mo. Ang taas nga naman ng
Standard mo sa mga lalaki, oh c'mon Sis napapansin ko ay puro professor ang
natitipuhan ng loob mo."
"Eh sa wala, nahulog na
talaga sa kanya. Ang bait niya kasi at nakakatuwang magturo. Pagdating naman sa
hitsura, dati di ko nakikita ang kagwapuhan niya pero simula ng magkagusto sa
kanya, siya na ang pinakagwapo at walang araw na di ko siya naiisip at parang
mukha niya parati ang nakikita ko."
"Malala ka na sis at halata
sa mukha mo kasi nagba-blush. Yung mga mata mo, nakikita ko naghuhugis puso.
Inlove ka na talaga sa kanya." Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla naman
lalabas ang team nila Sir Barry.
"Oh my Sis at akalain,
dalawang prof na nagpatibok ng Puso mo, maglalaban sa tournament. Naku Sis
Rina, di ko na 'to kinakaya. Kanino ka diyan?"
"Abay siyempre kay Sir Jino
at saka alam mo na ba ang tungkol kay Sir Barry?"
"Na siya ay isang bisexual,
oo Sis matagal na at may usap-usapan, Callboy daw iyan sa gabi."
"Callboy, parang di naman,
maporma lang siya manamit at kumilos, mataas din ang authority na tipong tingin
niya lahat ay mapapasunod." Habang nagsasalita si Rina ang pagsisimula ng
laro ng Basketball at wala silang ginawa kundi mag-cheer at magsisigaw-sigaw.
"Howooohh! Prof namin iyan!
Go Sir Jino, kaya mo yan!" Sigaw ng dalawa at ang iba pang kaklase ni Rina
sa kanya at lilingon si Sir Jino sa kanila at kakaway na siya pa lalong
magpapakilig kay Rina. Nang matapos ang laro ay hindi pinalad manalo ang
pangkat ni Sir Jino at kahit di kabahagi ng laro ay parang makakaranas ng
pagkadismaya ang loob ni Rina at di matanggap ang naging resulta.
"Sayang, dapat sila Sir Jino
ang nanalo. Ang galing niya mag-dribble at Shoot at wala naman binatbat ang mga
kalaban niya, tapos sila pa ang nanalo." Madiin-diing sabi ni Rina kay
Carlo na apektadong-apektado.
"Kung makapag-react ka
diyan, parang affective ka sa pagkatalo ng team ni Sir Jino. Bakit nag-level up
na ba ang feelings mo sa kanya, magmula Crush, love na."
"Uy hindi ah, at saka kaya
ko ito nasasabi kasi parang may mali sa laro, parang may nangyaring dugaan.
Nakita mo kanina, yung lalaking akala katangkaran na mukhang unggoy, walang
ginawa kundi mangbalya at maniko. Ito namang si Referee, bulag yata at nakikita
na nga niyang Foul, di pa napito! Tingin ko niluto ang laro na ito kaya sila
natalo."
"Ano ba sis, tapos na ang
laro and past is past. Kahit magtalak-talak ka diyan ay di na mababago iyon at
wala ka ng magagawa. Nirerespeto ko kung anuman ang nakita mo, kaso wala kang
patunay, ano ang panlaban mo para masabing nandugas sila, edi mo nga kinuhaan,
kasi nga yang mata mo, nakaw tingin sa kanya."
"Eh basta, para sa akin,
sila pa rin ang panalo!"
"Alam mo huwag mo ng
intindihin iyan, nagmumukha ka ng gurang kapag naba-badtrip at kamukha mo na si
Ma'am Pria na prof na terror at mahilig mambagsak. Ah ganito, papicture tayo sa
kanya." Uudyukin ni Carlo si Rina makipag-selfie kay Sir Jino subalit
mahihirapan siyang pilitin ito dahil sukdulan na ang hiyang nararanasan sa
dibdib.
"Ayaw ko, ikaw na lang.
Nahihiya ako."
"Huwag ka ng pabebe diyan, sige
na. Huwag ng matigas ang bungo."
"Eh ayaw ko talaga at pwede
ba huwag kang mapilit."
Chapter 8
Magmula noon ay sinunod na ni
Rina ang mga ipinayo sa kanya ni Carlo at di na tinangka pang pigilan ang nararamdaman
at inalis na ang takot sa dibdib, bagkus ay ginamit niya ito bilang inspirasyon
ng kanyang buhay at upang mas lalo pa siyang magpursigi sa pag-aaral at ito din
ang naging lakas ng loob niya at sandalan upang suungin ang mga pagsubok na
kanyang kakaharapin sa pagkamit ng mga minimithing pangarap. At ng kanyang
masubukan, doon mapagtatanto ni Rina na iba ang saya na animoy langit ang
nadarama kapag inlove sa isang tao at mahalaga sa buhay subalit wala pa siyang
balak ilahad ang nararamdaman kay Sir Jino sa takot na masaktan o mauwi sa
pakikipagrelasyon, bagay na pinakaayawan niyang maganap hangga't di pa
naisasakatuparan ang mga pangarap niya. Nang matapos ang kanilang pagsusulit
para sa Prelim.
"Rina, ang galing-galing mo
naman. Biruin highest ka na nga sa halos lahat ng Minor Subject natin, highest
ka din sa Stats, eh ang hirap pa naman ng exam dun. Hanga na talaga ako
sa'yo." Sambit ni Micah sa kanya
"Oo nga Rina, ang galing mo
at di malayong mapasali ka sa Dean's list. Pangalagaan mo yan." Sabi pa ng
isa niyang kamag-aral na si Rosa.
"Tapos dati tahimik at
mahiyain ka pa tuwing recitation, ngayon active na active ka na, ikaw lang din
ang bukod tanging masipag magpasa ng mga requirements." Sambit ni Catarina.
"Tapos ikaw parati ang
nauuna sa pagpasok at perpect attendance ka pa this period." Sambit naman
ni Rosa.
"Kaya nga, parang sa mga
ipinapakita mo, parang may pinang-huhugutan ka naman yata. May inspirasyon ka
ba kaya ganadong-ganado ka mag-aral?" Tanong ni Micah sa kanya.
"Ako? Oo naman at iyon ay si
Inay at mga kapatid ko." Sagot ni Rina sa kanya.
"Weh, sila nga ba? Baka
naman iba yung tinutukoy mo na di namin kilala. Sino nga ba, ipakilala
mo."
"Naku wala ah, sila inay
lang ang inspirasyon ko, wala ng iba."
"Kung sila ang tinutukoy mo,
bakit di ka makatitig ng diretso sa amin, tapos mistulang kamatis ang mukha mo.
Ibig sabihin di ka nagsasabi ng totoo."
"Kulit niyo naman, wala
ngang iba at saka mahirap bang paniwalaan ang mga sinabi ko?"
"Kaya pa naman Rina. Sa
nakikita namin, tila may kilig sa mukha mo kasi namumula. Uy inlove siya
aminin, kanino?" Habang nagtutuksuhan silang magkakaibigan ang pagpasok
naman ni Sir Jino at mag-aanunsyo.
"Class, announcement, next
month na ang pageant for Mr. and Ms. Psych, wala pa tayong representative sa
Block na ito. Sino ang gusto niyong maging pambato natin?" Tanong ni Sir
Jino sa kanila.
"Sir, si Rina! Rina!"
Sigaw ng kanyang mga kaibigan at ichi-cheer na rin ng buong klase ang pangalan
niya.
"Rina! Rina! Rina!"
Sigaw ng buong klase at habang sumisigaw sila ay tatanggi si Rina.
"Hoy ano ba, itigil niyo
'to, di ako mahilig sa ganito." Nahihiyang sambit ni Rina.
"Sige na Rina, sumali ka na,
tutal maganda ka naman at matalino pa. Ikaw na ang pag-asa namin."
Pagpupumilit ng mga kaibigan niya.
"Si Rina na ba ang Class
representative natin? Ikaw Rina, gusto mo ba?" Hindi agad makakapagsalita
si Rina dahil nagdadalawang isip at patuloy siyang uudyukin ng mga kamag-aral
na sumaki.
"Sige na Rina, pagkakataon
mo na 'to, sumali ka na." Udyok ng kanyang kamag-aral. Hindi nagtagal ay
makukumbinsi din si Rina.
"Sige, Sir pumapayag na ko,
ako na ang class representative niyo." Maghihiyawan ang lahat sa tuwa
samantalang di makatitig ng tuwid si Rina kay Sir Jino dahil lumalakas ang
kabog ng kanyang dibdib.
Labag man sa kalooban ni Rina na
sumali sa mga patimpalak dahil di naman niya iyon hilig ay nagawa pa rin nito
alang-alang sa kagustuhan ng kanyang mga kamag-aral lalong lalo na kay Sir Jino
na kinahuhumalingan niya ng lubos. Hindi man hinirang si Rina bilang Ms. Psych
ng kanilang Campus, para sa kanya ay nanatiling masaya na punong-puno at
makulay ang nasa loob dahil nakita ng matagalan at malapitan ang kanyang
special someone at parang tinamaan na ito dahil di na mapigilang ma-fall inlove
hanggang sa dumating ang puntong aminin niya kay Carlo ang tunay na
nararamdaman niya.
"Ahhh Rina, ayos lang iyan
kahit di ka nakuha as Ms. Psych, para sa akin, ikaw ang tunay na
Champion." Wika ni Carlo sa kanya na pinapalubag ang loob ni Rina.
"Ano ka ba, bakit mo naman
nasasabi iyan, di naman ako nalulungkot. Isa pa ay di ko naman hinangad na
manalo at ayos na sa 'kin na makakuha ng awards."
"Pero galing mo rumampa
kanina, parang pinagsamang Tsunami at Cobra walk, kabog na kabog lahat ng
manunuod."
"Naman, para may maipakita
ako sa kanya kung gaano ako kagaling."
"Wow may inspirasyon pero
tama iyan, gamitin mo siyang inspirasyon."
"Tapos kanina ng kumanta
siya, ang lamig at ganda ng boses, parang hinahagod ng paulit-ulit ang dibdib
ko habang pinakikingan siya."
"Kaya nga, alam mo dapat
nag-singer na lang siya, di prof kasi may maibubuga naman siya pagdating sa
kantahan, tiyak sisikat siya. Sumakit girl lalamunan ko sa kakasigaw, parang
gusto ko na din siya."
"Landi mo bakla ka, anong
gusto-" Matitigilan dahil di sinasadyang sambitin ni Rina.
"Teka, teka, nagseselos siya
uy ng sabihin ko 'yun."
"Nagseselos, hindi ah at
bakit naman, eh Crush ko lang naman siya, di love. Kulit mo kasi eh."
"Kung Crush, bakit ganyan ka
makapag-react, ultimo picture niyong dalawa sa pageant, ginawa mo agad
wallpaper. Aminin mo na, na tuluyan ka ng inlove sa kanya."
"Hindi din, kaya ko naman
ginawang wallpaper ang picture namin, siyempre bilang inspirasyon ko at
pampalakas siya ng loob ko sa tuwing makikita ang litrato niya."
"Naku Rina, ewan ko ba sa'yo
kung Crush pa ba yan o mas higit pa dun ang nararamdaman mo, kasi halata sa
kinikilos mo eh. Aminin mo na kasi, di naman makakarating sa kanya dahil tayo
lang makakaalam at walang mawawala sa'yo, buo pa rin mga pangarap mo." At
hindi na maitatago pa ni Rina ang tunay niyang mararamdaman.
"Oh sige, sige na nga, tutal
nahahalata mo na at di ko na rin mapigilan, aaminin ko na. Akala ko nung una,
paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya at hanggang dun lang, pero as long
as nakikita ko kung gaano siya kabait at nakakatuwa at minsan ay binibiro-biro
niya ko, habang tumatagal ay unti-unti na kong nahuhulog sa kanya at ito na
nga, MAHAL KO NA SIYA!" Mahina ngunit nakakayanig na sabi nito kay Carlo.
"Tama ba yung narinig ko, na
mahal mo na siya?"
"Oo Carlo, tama narinig mo
at tama ka, masaya ang buhay kapag inlove ka sa isang tao at naranasan ko iyon.
Bukod sa saya, nakakaramdam ako ng kasiglahan sa kalooban, kaya tingnan mo ko
ngayon, nagagawa kong mag-aral ng mabuti at mas lalo pa kong namo-motivate sa
mga pangarap ko."
Tuluyan na ngang nahulog ang
damdamin ni Rina kay Sir Jino at pakiramdam niya, parang pinana ni kupido ang
puso niya para kay Sir Jino at ilang gabi na ring di makatulog dahil patuloy na
sumasagi sa kanyang isipan ang lalaking nagpapatibok at kabog sa kanyang puso.
Lumipas pa ang isang buwan at sa tindi ng kanyang nararamdaman ay darating na
sa puntong ibig na rin magtapat ni Rina kay Sir Jino subalit natatakot siya sa
kung anong maaaring kahihinatnan kapag ginawa niya iyon. Ng panahon na iyon at kung kailan may
pagsusulit sila for Midterm ay saka naman nagkasakit si Rina, dahilan kung
bakit di ito nakakuha. Labis na pinanghinayangan ni Rina na di nakakuha ng exam
at iniisip na baka bumagsak na ito kaya gumawa siya ng paraan at ng gumaling,
kahit may bayad ay kumuha pa rin siya ng Special Exam, maliban kay Sir Jino na
libre siyang pinakuha.
"Class, bago ako magsimulang
mag-discuss, hawak ko na ang resulta ng inyong exam at ibibigay ko na. Pero
sino pa sa inyo ang di nakakuha ng pagsusulit?" Tanong ni Sir Jino sa
kanyang mga estudyante at magtataas ang lahat ng di nakakuha kabilang si Rina.
"Lahat ng hindi nakakuha ng
pagsusulit sa Statistics, samahan niyo ko mamaya sa Testing Room at doon kayo
mag-e-exam pagkatapos ng klase."
"Sir paano yan, wala kaming
pambayad, di niyo ba kami pakukuhain ng special exam?" Tanong ng ilang
kamag-aral ni Rina.
"Mga pre, huwag kayong
mag-alala at dahil gumastos at sumuporta kayo sa pageant ni Rina kahit di naman
siya ang nanalo, di ko kayo sisingilin, basta ipangako niyo na tayo lang
makakaalam ha. Pati mga may pambayad ngayon, ipambili niyo na lang ng gusto at
pangangailangan niyo." Maglulundagan sila sa tuwa.
"Naku Sir Jino, salamat po.
Wala po kayong kasing bait." At ng matapos ang kanilang klase ay tumungo
na sila sa Testing Room upang kumuha ng special exam. Saktong naroroon ang
ex-crush ni Rina na si Sir Barry at kinatatakutan ng halos lahat ng Psychology
student na si Ma'am Pria at habang abala sila sa pagsagot ay biglang magpapakita
ng kasungitan si Sir Barry ng may tatlong estudyante ang magpapasa sa kanya.
"Gusto niyo ba tuluyan ko na
kayo! Ano 'tong gawa niyo, thesis ba 'to eh halatang di kayo nag-research at
ang pangit, masyadong magulo ang nilalaman at walang pagkakatugma sa kung ano
ang title. Ano ang sasabihin ng panel natin kung ganito ang ipapakita niyo ha!
Please lang huwag niyo kong pahiyain, kaya palitan niyo yan."
"Sir, mangyaring sinuri na
po namin iyan bago ipakita sa'yo at siniguradong pulido ang
pagkakagawa."
"Basta, hangga't may
nakikita't nakikita ako, papalitan niyo yan, makakaalis na kayo!" Sabay
ihahampas ni Sir Barry ang folder sa kamay ng estudyante at kitang-kita sa
kanyang mukha ang ngitngit. Doon ay magsisimulang magbulungan ang mga kumukuha
at pag-uusapan si Sir Barry.
"Grabe pala siya magpagawa
ng Thesis, sagad-sagaran at may makita lang ni katiting na butas, nire-reject
na." Bulong ng estudyante sa katabi niya.
"Kaya nga, may nakausap ako
na prof din siya at sinabing ugali raw niyang magpagawa ng thesis at walang
kamatayang Thesis ang kahihinatnan mo hangga't siya prof mo magmula Second
year. Tapos kailangan, Consistent na Consistent ang nilalaman ng thesis at wala
siyang pake kung mapagod at gumastos ka, basta walang masabi ang mga panel.
Grabe, masyado siyang perfectionist. Tapos, gwapo nga, pangit naman
ugali." Bulong pa ng isang estudyante sa katabi.
"Naku, kung ganyan lang din
ang kasasapitan ko sa kamay ng Sir Barry na iyan, next sem iiwasan ko na
siya." Biglang sasabat si Rina sa usapan ng dalawa.
"Eh baka naman kailangan pa
nilang i-improve ang gawang thesis kaya niya iyon nasabi. Siguro, gusto niya na
di niyo lang ito ginagawa dahil sa gusto niyo lang pumasa kundi gusto niyang
may matutuhan kayo." Depensa ni Rina sa kanila at magbubulungan ang
dalawa.
"Si Rina yan, pambato natin
sa pageant pero anong nangyari, natalo hahahaha. Iyan ang napapala ng taong
bida-bida." Maririnig ni Rina ang bulungan ng dalawa.
"Ano, narinig ko yun ah.
Sinasabi ko lang opinyon ko, ganyan na ang mga asal niyo. Akala niyo kung sino
makapagsalita......" Habang mahina silang nagbabangayan ay may magsasaway.
"Paano kayo matatapos niyan
kung nagtatalakan kayo at pwede ba, tumigil kayo, nag-e-eksam tayo." At ng
matapos sila sa pagkuha ng pagsusulit ay iaabot ni Sir Jino ang answer
sheet kay Rina.
"Ah Rina, bago ka umalis,
ibibigay ko sa'yo ang answer sheet at ikaw na ang mag-check." Mananamis
ang mukha ni Rina sa kilig ng sandaling mahawakan ang kamay ni Sir Jino habang
kinukuha ang answer sheet at halos himatayin na siya.
"Opo Sir." Pangiting
sabi nito sa kanya na bakas sa mukha ang tuwa. Pagkauwi ni Rina sa bahay at
habang abala sa pagtse-check.
"Ganon ba kapag umiibig ka,
makakaramdam ka ng kakaiba. Kanina ng mahawakan ko ang kamay niya, parang
na-ground bigla ang puso ko sa kilig. Ni ayaw ko na ngang bitawan ang kamay
niya kasi patuloy na dumadaloy sa mga ugat ko ang tuwa. Hindi ako matahimik at
parang sasabog na ang dibdib ko sa bilis ng tibok. Dati, nahihirapan ako kapag
pinipigilan ko ang nararamdaman sa kanya, tapos ngayon na itinatago ko,
nahihirapan pa rin ako at parang gusto ko ng sabihin. Hay Rina, ano kailan mo
ba balak sabihin na may nararamdam ako sa kanya? Paano ang mga pag-aaral at
pangarap ko kapag nalaman niya. Kaya ko pa naman ito, kaya maiging sa akin muna
ito."
Nang kinabukasan ding iyon at
habang naglalakad si Rina patungong Canteen ay muli silang magkikita ni Carlo
at hihingi ng payo.
"Sis Carla, ano ang gagawin
ko, nalilito na ko. Parang natutukso na kong ipagtapat sa kanya ang
nararamdaman ko pero natatakot ako, baka balewalain niya ko at di pansinin o
mauwi sa relationship na siyang sisira sa mga pangarap ko. Kapag patuloy ko
naman itong tinatago, di ako mapakali at matahimik at parang sasabog na ko.
Tulungan mo naman ako please."
"Handa ka na ba sa
posibilidad na magaganap kapag nagtapat ka na sa kanya?"
"Hindi pa nga eh."
"Eh kaya mo pa bang itago
ang nararamdaman mo sa kanya?"
"Kahapon, nakakaya ko pa
pero ngayon at habang tumatagal, parang di ko na kaya."
"Ano ba ang mas matimbang Sa'yo,
ang pag-ibig mo sa kanya o ang mga minimithi mong mga pangarap? Mag-isip ka
Rina."
"Siyempre, mas mahalaga ang
pangarap."
"Kung ganon Rina, hangga't
keri pa ng puso mo at di mo pa natutupad ang iyong mga pangarap, maiging itago
mo muna sa kanya ito. Actually, mabuti na ring sabihin mo sa kanya pero wala ka
pa sa kahandaan. Buksan mo ang isip at puso kung handa ka ng magtapat sa kanya
at sa maaari mong kaharapin."
"So, di muna ako magtatapat
sa kanya, di ko pa naman natutupad ang mga mithiin ko sa buhay at hindi pa ko
handang harapin iyan. Hangga't nakakaya pa ng dibdib ko, pipilitin kong itikom
ang bibig."
Chapter 9
Pagsapit ng sumunod nilang
Semester at ng lumipat si Rina sa ibang seksyon ay magugulat siya at di akalain
na magiging professor muli si Sir Barry sa ilan niyang subject subalit ang
nadarama niya di na babalik para sa kanya pagkat nanatiling kay Sir Jino ang
nilalaman ng puso. Bukod pa sa tunay na pagkatao ni Sir Barry, may matutuklasan
pa si Rina sa kanya.
"Oh ayan nanaman siya, prof
ko muli. Ano ba 'yan pinagtatagpo kami. In fairness, makisig pa rin pero sorry
ka dahil taken na ang puso ko." Bulong ni Rina sa kanyang sarili at habang
malalim siyang nag-iisip ay bigla siyang tatawagin ni Sir Barry.
"Rina, you may lead the
prayer today." Tatayo si Rina at tutungo sa harap para manguna sa
pagdadasal.
"Sa ngalan ng ama, ng anak
at ng ispirito santo, amen......" Matapos nilang magdasal ay daglian ng
uupo si Rina upang makinig.
"Class Goodmorning, sa mga
hindi pa nakakakilala sa akin at ngayon lang ako naging Prof, hi I'm Barry John
Santiago, I'm your prof in Sikolohiyang Pilipino and Educational Psychology in
this block. Kung nung First year kayo, pwede pa ang easy life pero ngayong nasa
Second year na, bawal na sa akin iyan, kasi gusto ko, sanayin at hasain kayo sa
mabibigat na gawain at di ako papayag na ipasa kayo kapag walang natutuhan.
Real talk, nangbabagsak po ako at kahit makiusap kayo at dalhin pa ang mga
magulang, kung bagsak, bagsak na okey....." Habang nagtatalumpati ni tila
SONA si Sir Barry, bigla na silang magbubulungan lalo na sa likod kung saan di
gaanong hagip ng paningin.
"Akala ko ba ng una ko
siyang prof, okey siya at mabait, tapos ngayon ang laki ng pagkakaiba niya.
Parang wala siyang awa."
"Naku walang mally mally
ngayong this sem at petiks kasi tatadtarin niya tayo ng sandamakmak na gawain.
Putakting buhay ito, napunta pa tayo sa kanya!"
"Sinabi mo pa at di niyo
pansin sa mga naging prof siya, Mr. Research ang madalas na bansag sa kanya
kasi mahilig daw magbigay ng thesis at Case study."
"Sayang, gwapo pa man din
siya, malupit naman maging guro, buti pa si Sir Jino, pwede pa mag-relax and
chill chill only, eh sa kanya, stressful ang sasagupain." Habang
nagbubulungan sila ay sa di nila inaakala ay makikita ni Sir Barry.
"Shuut uy, kayo tekang
nagsasalita ako dito sa harapan, daldalan kayo ng daldalan at di nakikinig,
parang di kayo tinuturuan ng Good manners, mga psych pa man din! Lumabas nga
kayo, mga bastos!" Hindi agad lalabas ang mga nasita kahit nasigawan na.
"Sabing labas!" At
lumabas na nga sila.
"Kayong mga natira, ayaw na
ayaw ko dito ang nag-uusap kapag nagsasalita ako dahil itutulad ko kayo sa
kanila." At ng lumabas na si Sir Barry.
"Bakit ganon parang ang terror
na niya ngayon? Di na siya yung dating nakakatuwa at okey magturo." Wika
ng isang estudyante sa katabi.
"Grabe pa yung mga
announcement niya, biruin may thesis na nga tayo sa dalawang subject na prof
siya, eh may reporting pa at sa next meeting na ang simula. Grabe siya, di man
lang nagbigay ng palugid para makapaghanda." Maririnig ni Rina ang
pinag-uusapan nila at bilang sisingit sa usapan.
"Guys relax lang, ang
kailangan siguro natin ay adjustment sa kanya. Hayaan muna natin siya na
ipakita kung ano ang method niya sa pagtuturo at strategy to gain knowledge
from him. Kung di effective at di niyo ma-appreciate ang pagtuturo niya, tell
me na hindi siya ayos maging prof." Sambit ni Rina sa kanila.
"Sorry kung masasabi ko 'to
kasi base sa mga haka-haka na narinig ko, ganyan raw talaga si Sir Barry, trip
magpagawa ng Thesis ultimo sa subject na di naman kailangan iyan. Pasakit iyan
sa mga Psych student kung alam mo. Pero ano nangyari, may natutunan ba, wala,
kasi nga mahirap mag-appreciate ng isang bagay kung binubuno mo ang hirap at
pagod."
"Excuse me at sa di ko siya
pinagtatanggol, eh haka-haka lang naman kasi iyan at bakit ka nagpapaniwala
dun. Ang maganda pa ay ikaw mismo mag-obserba to proof na totoo iyan sabi-sabi
tungkol sa kanya. Kumilala muna kayo at magmasid bago niyo siya i-judge.
Pasensiya kung nakikialam ako, opinyon ko lang ito at wala sa akin kung di niyo
susundin ang mga sinabi ko." Sa sinabi ni Rina ang magpapatahimik sa
kanila hanggang sa may isa ang sasang-ayon at makikipagkilala.
"Alam niyo, may punto siya,
kilalanin muna natin siya ng maigi bago tayo manghusga. Ano nga pala name mo
ate?"
"Ako nga pala si Charina Mae
Sandoval, Rina for short, kayo?"
"Charina Mae Sandoval, yung
candidate sa pageant ng Ms. Psych? Hi ako nga pala si Maria."
"Ako naman si Gimmy at yung
katabi ko, si Hanna at si Ate Vicky." At makikipagkilala nga sila sa
kanya.
"Hi, ikinagagalak kong
makilala kayo." At sila na nga ang naging bagong kaibigan ni Rina.
Nang sumunod nilang klase ay
makakaramdam ng tuwa si Rina at parang mabubuhayan ng loob sa kanyang
malalaman.
"Sino pala prof natin sa
Guidance and Counselling na ito?" Tanong ni Gimmy kay Maria habang abala
sa pagkulwit ng I-phone 7.
"Si Sir Jino raw?"
Tugon ni Maria sa kanya at biglang makakaramdam ng tuwa sa dibdib ni Rina at
sabay bubulalas ng malakas.
"Weh, talaga! Si Sir Jino
ang prof natin this period?"
"Oo Rina, sa tono ng
pananalita mo parang tuwang-tuwa ka diyan at sabik na sabik."
"Ah wala, wala, ngayon niyo
pa lang ba siya naging Prof?"
"Oo, pero kilala ko na siya.
Sabi nila mabait daw iyan at nakakatuwang magturo. Mahilig nga raw iyan
magbigay ng additional points, tapos cute pa." Tugon ni Maria sa kanya.
"Tama ka diyan-"
Maantala ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok si Sir Jino.
"Good Morning Class."
Pambungad na bati agad ni Sir Jino sa kanila at doon ay parang kinikiliti na sa
kilig ang puso ni Rina.
"Oh my gosh, prof ko muli
siya, nakakatuwa naman ang araw na ito. In fairness, lalo pa siyang pomogi at
mapang-akit pa rin ang mga ngiti. Hay naku, never akong a-absent sa subject na
ito. Para akong nalulusaw talaga at gusto na kitang makapiling habang
buhay." Sabi ni Rina sa kanyang loob-loob at ng matapos ang kanilang klase
at break time.
"Sis Carla, magmadali ka,
may moments akong isi-share." Sabik na sabik ng magkwento si Rina sa
kanya.
"Oh sige ano yun sis?"
"Hindi ako makapaniwala sa
nangyari kanina. Biruin, kahit lumipat ako ng other block, naging prof ko pa
rin siya."
"Sino si Sir Jino? Aysus Sis
Rina, wala namang bago sa mga ikinukwento mo, puro patungkol pa rin sa kanya.
Anong sabi niya?"
"Na natutuwa daw siya na
naging estudyante niya muli ako, kasi ako raw ang nagbibigay saya sa
kanya." Pabirong sabi ni Rina kay Carlo at ito ay iiling.
"Talaga sinabi niya 'yun?
Sus Rina, wala kang maloloko diyan. Mga galawan mo at kita ko sa'yo, real talk
lumalandi ka na."
"Ako lumalandi? Ay grabe ka
makapagsalita eh di ko nga siya ma-approach. Kung malandi ako, dapat matagal ng
naging kami."
"Naku Rina, yan bang mga
pangarap mo sa buhay na dati ay minimithi mong matupad, tuloy pa rin ba sa
kabila na ninanais mo ng mapa-sayo siya?"
"Siyempre tuloy pa rin yan
Sis Carla at di ba sabi mo, ang nararamdaman ko sa kanya gamitin ko bilang
inspirasyon sa mga pangarap ko at ito na nga, ginagawa ko na. Bakit parang
pinagbabawalan mo na ko."
"Hindi kita pinagbabawalan
diyan, actually sinosuportahan pa nga kita sa pag-ibig mo kay Sir Jino at sige,
go ka lang. Sinasabi ko 'to para ipaalala sa'yo na may mga pangarap ka pang
dapat tuparin. Kasi mas concentrated na ang isip mo sa love kaysa sa dreams,
maiging balance dapat at pagsabayin mo ang dalawa. Pinapairal mo ang love sa
kanya, sa kagustuhan mong ituloy ang mga dreams mo, not to build a relationship
with him." Mapapaisip si Rina sa sinabi ni Carlo at itatak sa isipan.
"Tama ka, labis ko ng
pinapairal ang nararamdaman sa kanya kaya di ko namamalayan, unti-unti ko ng
nakakalimutan ang mga pangarap ko. Si inay na nakulong sa talipang pag-iisip,
muntikan ko na din makalimutan dahil patuloy siyang Alam mo yun, nakatanim sa
isipan. Salamat Carlo at ipinaalala mo sa akin."
"Kaya anong say mo kaya dito
ka nag-aaral?"
"Tuparin ang mga pangarap at
ibalik sa dating katinuan ang inay, hindi ang relationship na sisira at tatapos
sa mithiin ko."
Makalipas ang halos limang buwan
ng kanilang pag-aaral ay matutuklasan ni Rina na nawawala ang litrato nilang
dalawa ni Sir Jino nung nasa pageant ito. Hindi mapalagay ang loob ni Rina
hangga't di naibabalik sa kanya ang litrato kaya nagtanong-tanong siya at patuloy
na hinanap-hanap hanggang sa di inaasahan, mabubunyag ang pinakatatagong lihim
ni Rina
"May napansin ba kayong
picture na pakalat-kalat?" Tanong ni Rina sa ilan nitong kamag-aral.
"Wala eh, pasensiya
na." Patuloy na hahanapin ni Rina ang litrato at habang abala siya sa
paghahanap ay lalapit bigla sa kanya sila Maria.
"Uy Rina, alam na namin ang
sikreto mo." Kakabahan si Rina sa sinasabi nila.
"Sikreto na ano? At saka
wala akong nililihim."
"Aminin mo na Rina sa
amin." Pinipilit paaminin si Rina sa bagay na wala siyang ideya.
"Na ano nga? Pagsasapakin ko
kayo, tigilan niyo ko."
"Na nagkakagusto ka sa prof
natin na si Sir Jino, uyyy!" Makakaramdam ng gulat si Rina sa sinabi ni
Hanna.
"Ako may gusto sa kanya,
paano niyo nalaman?" Bibilis bigla ang kabog ng puso sa labis na kaba at
ilalabas ni Maria ang litrato na kanina pa hinahanap ni Rina.
"Ito bang hinahanap mong
litrato ninyong dalawa ni Sir Jino? Grabe kinilig ako ng mabasa ang message sa
likuran."
"Akin na nga 'yan, paano
napunta sa'yo yan?" At dagliang ibibigay ni Maria ang litrato.
"Oh, Litrato mo. Nakita
namin pakalat-kalat at nahulog mula sa Folder mo, buti nga kami ang nakapulot,
kung iba yan, malamang alam na ng buong Campus na may gusto ka sa kanya."
"Uy Rina, nagkagusto ka
talaga sa kanya, ikaw ha, prof pa ang balak mong patulan hahahaha!"
Patutsada ni Vicky sa kanya at matitigil ang kanilang tuksuhan ng pumasok si
Sir Barry at nagsimula na ang Class reporting. Bago sila lumabas ay may
iaanunsyo si Sir Barry sa kanila.
"Class, may ibinigay akong
dalawang research study sa inyo pero bakit ganon sa napapansin ko, kakaunti
lang ang kumikilos at yung karamihan, hayahay. May nasimulan na ba kayo?"
Mahinahong tanong nito sa kanila subalit walang sasagot.
"Subukan niyong
magpapetiks-petiks diyan, bibiglain ko talaga kayo for defense. Sa ngayon,
imbes na susunod na buwan pa ang pasahan, inurong ko na sa last week ng buwan
na ito. Ayaw niyong magsikilos ah, bahala kayo at magkita-kita tayo sa
Summer." Matapos magsalita ni Sir Barry ay lalabas na ito at
mag-uusap-usap sila Rina.
"Uy Ano na, This month na ang pasahan ng
thesis, wala pa tayong nasisimulan kahit anong Chapter, ano payag na ba kayong
bumagsak tayo?" Sambit ng kanilang leader na si Maria.
"Siyempre hindi at ngayon pa
lang na nakakaluwag, kumilos na tayo." Sambit ni Rina sa kanila.
"Tama si Manay Rina at
mamaya, pagkatapos ng klase, tungo tayo ng library at pag-usapan na natin.
Alalahanin niyo, dalawang subject na prof natin siya, kaya kailangan matapos
ang dalawang thesis." Sabi ni Maria sa kanyang mga kagrupo.
"Putakti naman siya,
matatapos ba natin ang dalawang thesis sa loob ng buwan na ito, di siya
nag-iisip. Na-toxic na ko sa kanya." Sambit ni Vicky sa kanila
Lumipas pa ang ilang linggo at ng
makapagsimula na sila sa paggawa ng Thesis ay ipapasa na ni Maria kasama si
Rina ang gawang title.
"Masyadong common ang Title
niyo, wala ba kayong naiisip na malalim at mapapaisip ka talaga, palitan niyo
'to pwede. Gusto ko unique." Ibabalik ni Sir Barry ang kanilang paperworks
at maghihinaing si Maria.
"Nakita mo na Rina,
masyadong perfectionist yan si Sir at di mo ba nahahalata, sa ilang ulit niyang
nire-reject ang gawa natin parang pinagtitripan niya lang tayo, napapagod na
ko. Naku minsan, may sapi talaga iyan kasi may time na ia-approve niya, tapos
kung kailan nakausad ka na, doon niya kakainin ang sinabi niya."
"Alam mo Maria, dama ko din
kung paano kayo naghirap, maski ako ay wala ng tulog, maasikaso lang iyan at
matapos. Tapos ang gastos din pala, kailangan mo pang pumunta ng malayo para
manaliksik. Kapag di okey ang mga data mo, ipapabago niya at wala siyang paki
kung gumastos ka pa. Kaya minsan, masama man ito, gusto ko ng doktorin para
matapos na."
"So naniniwala ka na sa
sinasabi namin na pasakit at pabigat siya sa buhay ng mga estudyante?"
Biglang sasabat sa usapan si Hanna habang nag-uusap ang dalawa.
"Rina, di mo ba napapansin
kaya maraming estudyante ang ayaw at umiiwas sa kanya, di dahil sa thesis kundi
sa ugali niya, pabago-bago at akala dinaig pa ang babae. Gusto lang niya,
ipapasan sa atin ang hollow block sa likod imbes na matuto, ganun siya."
Bigla din sasabat si Gimmy.
"Guys, may natutuhan naman
ako sa kanya."
"Ano?" Tanong nila sa
kanya.
"Ang usaping pakikipagtalik,
kada turo niya kasi parating nilalahukan ng ganon kahit di related sa lesson.
Kaya minsan kapag pinakikinggan ko siya, umay na umay ako." Bigla din
sasabat sa usapan si Vicky.
"Tama ka diyan, saka di niya
dapat itinuturo sa atin iyan, kasi yung ilan nating kaklase, wala pa sa hustong
edad at ano 'tong Subject natin, naging Sex education? At saka dinudumihan niya
ang pag-iisip ng estudyante." Bigla din sasabat sa usapan si Maria.
"Kaya minsan kapag
pinag-uusapan tungkol diyan, napapaisip ako na isa siyang-" Maantala ang
sinasabi ni Maria.
"Na ano?" Tanong ni
Vicky sa kanya.
"Na isa siyang Callboy at
isa pa, parang dami niyang alam tungkol dun at marunong din siya mag-classify
kung A, B o C ka ba, kaya nakakahalata ako." Sasagi bigla sa isipan ni
Rina ang sinabi ni Carlo.
"Kaya pala may binanggit sa
akin si Carlo tungkol diyan pero di ako agad na naniniwala."
"Rina, di ko siya sa
sinisiraan, pero ako magsasabi sa'yo na mag-ingat ka kay Sir, manyak raw iyan
at maiinitin ang mata lalo na kapag sexy at charismatic ang figure mo."
Chapter 10
Simula ng marinig ni Rina ang
usapin patungkol sa kanya ay di na mapapalagay ang loob nito kapag kasama siya
hanggang sa dumating ang isang araw, ay unti-unting makukumpirma ni Rina na
totoo ang sinasabi nila.
"Rina, pwede mo ba akong
samahan mamaya sa testing room mamaya?" Tanong ni Sir Barry sa kanya at
biglang uusbong sa kanyang isip ang pagtataka.
"Bakit po, ano po ang
kailangan niyo sa akin?"
"May ipapagawa kasi ako
sa'yo, pwede mo ba akong tulungan?" Papayag si Rina sa hiling ni Sir Barry
at pagkarating nila sa Testing Room ay walang madadatnang tao bukod sa kanila
at dito ay parang kukutuban ng di maganda si Rina.
"Sir andito na po tayo, ano
po ang ipapagawa ninyo?" At iaabot sa kanya ang sandamakmak na papel.
"Eto, pakitsek naman ng mga
test paper."
"Sir Pwede ko po ba iuwi ang
mga yan?"
"Hindi, kasi confidential
iyan at dito mo na lang gawin." At sisimulan na nga ni Rina ang
pagte-tsek. Habang abala si Rina ay magugulat ito ng bigla na lamang siya
akbayan ni Sir Barry.
"Kaya mo pa diyan Rina? Kung
di mo na kaya, pwede ka ng umalis at ipapagawa ko na lang sa iba."
"Hindi sir, kaya ko pa po,
huwag niyong alalahanin." Pangiting sambit nito kay Sir Barry.
"Basta, kapag wala kang
klase o ginagawa, pumunta ka dito ah, nalulungkot kasi ako at saka para may
kakwentuhan ako." Aalisin ni Rina ang braso ni Sir Barry na nakaakbay sa
kanya.
"Sige po Sir, kapag wala
akong klase, kung yun ay wala." Pangiting sabi ni Rina na ramdam na ang
takot sa maaaring gawin sa kanya ni Sir at ng matapos siya sa gawain ay agad
niyang pupuntahan si Carlo para isiwalat ang ginawa sa kanya ni Sir.
"Carla, di ka makakapaniwala
sa sasabihin ko."
"Na ano Rina, diretsuhin mo
na ko."
"Nagtataka lang kasi ako,
bakit parang biglang bumait sa akin si Sir Barry, tapos kanina, ako ang
inutusan niyang mag-tsek at sa mismong testing room pa. Habang kami lang dalawa
ang nandoon, bigla niya kong inakbayan, kung makaakbay siya parang close kami.
Nagtataka lang ako sa mga ipinapakita niya sa akin."
"Isa lang ang ibig sabihin
niyan Sis. May gusto sa'yo si Sir."
"May gusto, mukha mo at saka
paano siya magkakagusto sa akin na isang estudyante lang."
"Matalino ka, maganda ka at
sexy pa, malay mo naman iyon ang dahilan kung bakit nahulog siya sa'yo."
"Naku Carla, kinikilabutan
ako sa sinasabi mo, tigilan mo nga iyang iniisip mo. At bukod pa dun, sinabi
niyang pumunta daw ako ng testing room kapag wala akong klase, kasi nalulungkot
daw siya."
"Kinikilig ka naman."
"Hindi noh, sa katunayan nga
naaasar ako, di niya dapat ginagawa iyon. Parang may binabalak siya sa akin na
di ko alam. Basta, ang awkward niya."
Nasundan pa ang pangyayari ng
makasalubong ni Rina si Sir Barry habang ito'y palabas na ng Campus at inaaya
siyang sumabay na sa kanya.
"Hi Sir Barry."
Pangiting bati ni Rina sa kanya ng makasalubong ito."
"Pauwi ka na ba Rina?"
"Yup, at saka wala na po
akong gagawin."
"Pauwi na rin ako ngayon,
tara sumabay ka na sa akin."
"Saan po ba kayo Sir
nakatira?"
"Sa West Fairview,
ikaw?" Hindi sasabihin ni Rina ang tunay nitong Address para makaiwas sa
kanya.
"Ah eh, sa Caloocan pa po
ako nakatira, di niyo ko makakasabay kasi magkaiba tayo ng way."
"Ah ganon ba, sige mauna ka
na, may dapat pa pala akong tapusin." Pagkalayo ni Rina mula kay Sir
Barry.
"Anong nangyari dun, parang
tumamlay siya ng malaman na di kami maaring magsabay. Pero effective yung
naisip ko, nakaiwas ako sa kanya. Ano ba 'to, kung kailan wala na siya sa puso
ko, ngayon parang siya naman ang nagkakagusto sa akin, ano 'to." Sabi nito
sa loob-loob.
Makalipas ang dalawang linggo at
ng pasahan na ng kanilang reseach study
ay magsisimula ng makaramdam ng pagkamuhi si Rina kay Sir Barry.
"Rina, may gawa ka na bang
reflection?" Tanong sa kanya ni Hanna at magtataka ito.
"Reflection para saan?"
"Sa thesis at saka ngayon na
din ang pasahan nun bukod sa Thesis." Magugulat si Rina.
"Ha ngayon na, wala naman
siyang nabanggit tungkol dun eh."
"Kaya nga eh gumagawa na ko
para makahabol mamaya kasi maski ako ngayon ko lang nalaman sa mga kaklase
natin."
"Kaiinis naman siya, di niya
lamang tayo nasabihan. Akala ko, thesis lang, may reflection pa pala."
"Kaya nga gumawa ka na
habang di pa siya dumadating."
"Ilang pages ba ang
reflection?"
"Ilang pages daw ang reflection?"
Tanong ni Hanna sa ilang kamag-aral.
"Hindi bababa sa limang
pahina ang reflection." Sagot nila sa kanya.
"Ha! 5 pages, putakting Sir
Barry na iyan pinahihirapan niya tayo. Brain drain na nga ako sa kakaisip ng
isusulat sa thesis, maayos lang, tapos dinagdagan pa niya ng Reflection."
Himutok ni Maria sa kanya at biglang papasok si Vicky.
"Ate Vicky, may reflection
ka na ba?" Tanong ni Maria sa kanya.
"Reflection, ano yun at para
saan?"
"Sa Sikolohiyang Pilipino
Thesis at ngayon na rin daw ang pasahan nun."
"Ha ngayon na, kainis siya,
wala naman siyang sinasabing reflection. Ilang pages ba?"
"5 pages raw eh."
"Naku naman, malabong
matapos natin iyan kasi kapos na sa oras kahit maghabol pa. Saka kasalanan niya
yan kung bakit di tayo makakapagpasa."
"Ano magpapasa pa ba
tayo?" Tanong ni Maria sa kanya.
"Naku huwag na, panira siya
ng araw ko!"
"Mali siya, dapat siya mismo
ang nagsabi sa atin, di iyong ipapasuyo pa sa iba nating kamag-aral ang tungkol
dun. Tingnan niyo tuloy, maraming hindi makakagawa sa atin dahil di lahat
nakakaalam at mapi-pressure tayo sa lintik na reflection na iyan. Ngayon Guys
kilala ko na ang tunay niyang at tama kayo, magulo siya maging Prof at sakit sa
ulo." Wika ni Rina sa kanila at ilang sandali pa ay pumasok na si Sir
Barry at lalapit sa kanya si Vicky.
"Sir, pwede po ba bukas kami
magpasa ng Reflection? Wala pa po kasi kami nagagawa." Tanong ni Vicky sa
kanya.
"Basta sinabi ko ngayon,
ngayon na, okey." Madiin na sabi nito sa kanila at kokomprontahin siya ni
Rina.
"Sir mawalang galang na po,
eh paano kami makakagawa ng reflection, eh ngayon lang namin nalaman tungkol
diyan. Tapos di pa namin natapos i-input ang data. Sir maawa naman po kayo sa
amin, di lang kayo ang major namin, may Case study pa po kami sa Exceptional
tapos thesis sa Educ psych, mahina ang kalaban, di namin kaya ang
sabay-sabay."
"So Rina, sinasabi mo na
kasalanan ko pa ngayon, kung responsable lang kayo, di dapat mauuwi sa ganito
okey. Ganun lang iyon."
"Hindi, hindi Sir, kung
nalaman lang namin ang tungkol diyan, di sana mag-aaligaga na kami sa paggawa
ng Reflection kaso, ngayon lang po talaga namin nalaman. Sir please, bigyan
niyo kami ng palugid para diyan." Sa mga mapupusok na salita ni Rina ang
magpapabago sa desisyon ni Sir Barry.
"Oh sige ganito, pwede kayo
magpasa ng reflection pero hanggang Alas-tres lang."
"Alas-tres? Sir naman, di
namin agad matatapos iyan, masyadong maikli ang oras para tapusin ang five
pages. Di namin kaya yun. Huwag niyo naman kami higpitan Sir."
"Final na 'yun, basta sinabi
kong Alas-tres, Alas-tres at di ko tatanggapin ang gawa niyong thesis kapag
walang reflection."
"Pero sir-"
"Kahit anong pakiusap at
paliwanag mo, di na magbabago isip ko. Tapos itong Title at Diagram, baguhin
niyo ah. Ganito para matapos na, ako na ang magbibigay ng Title at isulat niyo
na lang okey." Matatapos ang usapan na masamang-masama ang loob ni Rina at
maghihimutok ito sa kanyang mga kaibigan.
"Nung dati, kapag
pinag-uusapan nila si Sir Barry at may sinasabi patungkol sa kanya, lagi ko
siyang pinagtatanggol at di ko sila pinaniniwalaan. Pero ngayon na-realize ko
na tama pala sila at kayo, mahigpit nga siya maging guro, nakakasakal at bukod
pa dun, magulo at di mo maintindihan ang takbo ng utak. May mga pangarap ako na
gusto kong tuparin kayanagpupursig ako nagpupursigi sa pag-aaral, pero tingin
ko, tingin ko isa siyang banta at di siya nakakatulong. Gusto kong ma-challenge
sa pinapagawa niya pero tingin ko, nagmumukha ng tanga kasi pinapahirapan at
pinapagod niya tayo. Sadistang iyan at pleasure sa kanya na naghihirap tayo. I
hate him!"
"Ayos lang iyan, Friend,
kadamay mo kami." Sambit sa kanya ni Maria at lalo pang madadagdagan ang
pagkamuhi ni Rina kay Sir Barry ng di muli tanggapin ang gawa nilang Title at
habang abala sa paggawa ng Reflection.
"Oh Hanna, Ate Vicky, bakit
nakabusangot ang mukha niyo?" Tanong ni Rina sa kanila at biglang ipupukol
sa mesa ang paperworks.
"Nakakaiinis, ni-reject
nanaman niya ang Title natin kahit kanya yun pero sa dayagram, kailangan na
lang raw ayusin ang Formation kasi daw pangit at magulo!"
"Ano ni-reject nanaman niya
ang title, eh samantalang sa kanya 'yun! Buwisit talagang Barry na iyan,
ginagago niya tayo! Hindi matatapos ang gawa natin kung reject siya ng
reject!" Himutok ni Maria sa kanila.
"Aba, sumosobra na siya, di
na ito tama ang ginagawa niya sa atin! Ano niya tayo, toy na pinaglalaruan
hangga't gusto niya!" Himutok naman ni Vicky. Habang nagsasalita sila ay
mag-uumapaw na sa inis si Rina.
"Sa tana ng buhay estudyante
ko, ngayon lang ako makakasagot at sapak ng guro! Tingnan mo naman, halos
magkandakuba na tayo sa paggawa ng Thesis at malaki-laki na din ang nagastos
natin sa kaka-reject niya! Laking Batangas ako at di uubra sa akin ang mga
paganyan-ganyan niya!" Biglang magwo-walk-out si Rina at babalakin tumungo
kung nasaan si Sir Barry pero pipigilan siya.
"Saan ka pupunta Rina?"
"Kakausapin ko ang walang
hiyang Sir Barry na iyan, ipapakita ko sa kanya na mali ang ginagawa
niya!"
"Huwag na Rina, huwag na,
baka saan pa mapunta iyan at tuluyan niya tayong ibagsak." Susubukan
siyang pigilan ng mga ito at napigilan naman siya.
"Isinusumpa ko siya! Next
sem, iiwasan ko na siya!" Nagngangalit na salitang binatawan ni Rina.
Dahil sa di kanais-nais na
ipinapakita ni Sir Barry sa kanila ay tuluyan na ngang mababaon sa yamot ang
loob ni Rina sa kanya na dati ay kinahuhumalingan niya at itinaga sa isipan na
ito na ang huling pagkakataon na magiging professor ito. Sa kabila na masama
ang loob ni Rina ay patuloy pa rin siyang nilalapitan at sinusuyo-suyo ni Sir
Barry upang mapalapit ang loob niya subalit kailanman ay di na babalik pa sa
dati ang kanyang nararamdaman at kung sakaling mawala ang hinanakit at
mapalapit ang loob, hanggang kaibigan na lamang ang turing nito sa kanya.
Abala si Rina sa pagsusunog-kilay
sa Library at sa di inaasahan ay malalaman niya ang bagay na mabibigay sakit sa
kanyang kalooban.
"Uy kanina, nakita ko si Sir
Jino, may kasamang babae, sino pala yung babaeng kasama niya?" Tanong ng
tsismosang estudyante na nakaupo malapit kay Rina.
"Hindi mo pa alam,
Girlfriend niya yun. Actually 6 months na nga raw sila."
"Eh bakit di ko naman
nakikita?"
"Paano, hindi niya madalas
dinadala dito pero nakita ko sa status ng life niya sa FB, in a relationship
with...."
"Tapos ang sweet nilang
dalawa, kinikilig ako, parang Jadine, Kathniel o Lizquen Love Team. Hay, para
silang mga bata."
"Tapos nabasa ko sa post
niya sa FB, ikakasal na raw siya Coming soon."
"Ay talaga ikakasal na siya,
nakakagulat naman." Masasaktan si Rina ng marinig niya ang kanilang
bulungan. Sa sakit, hindi na niya makayang marinig ang pinag-uusapan nila at
paiyak itong tatakbo."
"Wala akong karapatan na
maramdaman ito kasi di naman niya ko nobya, pero bakit ganon, ang sakit-sakit
at parang nagseselos ako." Bulong ni Rina sa sarili habang tumatangis at
ng magkita sila ng matalik nitong kaibigan na si Carlo.
"Sis, anyare sa Face mo,
bakit parang biyernes santo, tapos kanina pa ko nagsasalita, di ka naman
naimik. May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Carlo sa kanya at sa isang
banda ay magsasalita ito.
"Ganito pala ang
kahihinatnan mo kapag nagmamahal, nasasaktan."
"Ano yan Sis, ilang araw
lang tayo di nagkikita, humuhugot ka na." Pabirong sabi ni Carlo sa kanya
at biglang tatangis si Rina.
"Oh Sis, bakit ka umiiyak?
May nasabi ba ko, naku Sorry." Biglang mapapayakap si Rina sa kanya.
"Huhuhuhu! Ang sakit sa
loob, ikakasal na siya." Mangiyak-ngiyak na sabi nito kay Carlo.
"Ha si Sir Jino, ikakasal
na, kanino mo naman nalaman?"
"Kanina ng nasa library ako,
narinig ko ang usapan nila, ikakasal na raw siya at saka dati na pala siyang
may Girlfriend bago ko siya nakilala. Ang sakit-sakit pala ng ganito!"
"Baka naman Tsismis lang
iyan. Naku Rina wag kang magpapaniwala dun."
"Hindi, totoo ang sinasabi
nila at saka tiningnan ko sa FB wall niya, ikakasal na raw siya. Eto oh."
Ipapakita ni Rina ang FB wall ni Sir Jino gamit ang phone.
"Oh my gieeh Sis, oo nga
malapit na siyang ikasal at tingnan mo naman sa post niya, naghahanda na
sila."
"Kita mo na, kaya ako ganito
ngayon."
"Sige sis, iiyak mo lang
iyan at kapag okey ka na, saka kita papayuhan." At ng tumahan si Rina sa
pag-iyak.
"Sis, walang taong
nagmamahal na hindi nasasaktan at kahit na sino, mararanasan iyan. Ang dapat mo
lang gawin ay tanggapin ang katotohanan, masakit man sa loob. Kung nasasaktan
ka, sis ito lang ang naiisip kong paraan, kalimutan mo na siya at ibaling sa
iba ang nararamdaman mo, single at lalong di prof."
"Ibaling sa iba? Hindi ko
naman yata kaya ang pinapagawa mo. Malalim na ang pinagsamahan namin at
nararamdaman ko sa kanya kaya mahirap kung bibitawan ko na lang ito ng
basta-basta."
"Mamili ka Rina,
ipagpapatuloy mo ang nararamdaman sa kanya pero kapalit naman ay habang buhay
mo mararanasan ang sakit at hapdi o iwawaksi mo na siya sa isip at puso mo at
kahihinatnan naman ay makakawala ka sa sakit. Mag-isip ka Rina, imposible na
ang hinahangad mo na balang araw ay kayo, kasi may minamahal na siyang
iba."
"Eh basta Carla, siya pa rin
ang mahal ko. Nasanay na ko na gawin siyang inspirasyon sa mga pangarap ko at
ayaw kong mawala iyon."
"Hindi na nga siya pwede,
masasaktan ka lang. Saka ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo para
magtuloy-tuloy ang inspirasyon mo. Bakit di mo na lang ibaling muli kay Sir
Barry ang nararamdaman mo, tutal may gusto siya sa'yo."
"Hitad ka ba, tekang naiinis
ako sa kanya at kung sakaling mawala ang inis ko at mapalapit ang loob niya sa
akin, hanggang kaibigan na lang iyon. Ikanga, FRIENDZONE!"
"Gwapo naman siya, Matalino,
mataas ang pinag-aralan, kamag-anak ng Mayor, yung nga lang Silahis pero ayos
na din iyon para sa'yo, uyy bagay sila."
"Ano ba, di ka nakakatuwa at
iww, di ko siya gusto kahit ano pa siya. Manyak siya at hari ng Callboy. Kahit
ano pang gawin niya pagpapa-cute, di na babalik pa ang dating nararamdaman ko
kasi na kay Sir Jino na ang lahat. Tiwala lang Carla, maghihiwalay din iyang
dalawa at di matutuloy ang kasal dahil walang FOREVER!"
"Ang Bitter mo naman sa
kanila."
"Bitter na kung
Bitter!"
"Sus, wag ka ng umasang
mangyari 'yun, masasaktan ka lang."
Chapter 11
Masaklap at masakit man para kay
Rina na malaman ang katotohanang may iba ng nagmamay-ari sa puso ng taong
minamahal niya ay nahihirapan siyang magparaya at pakawalan ang nararamdaman
sapagkat ang pagmamahal na ang naging sandalan niya upang abutin ang
minimithing pangarap at mapanghihinaan ng loob kapag nawala ito na kanyang
kinakatakot. Patuloy na nararanasan ni Rina ang sakit, lalo na kapag nakikita
niyang gaano katamis ang pagsasamahan nila at nahihirapang maka-get-over
sapagkat nanatiling siya ang laman ng puso at pakiramdam niya, Heartbroken na
at First time niya lang ito maranasan kaya halos mabaliw na sa sakit subalit di
siya nag-aksaya para malungkot at nagpatuloy pa rin sa buhay, nahihirapan man
siya.
Sa kabilang banda ay lingid sa
kaalaman ni Rina na may lalaking nagkakagusto sa kanya at walang iba kundi ang
kinaiinisan niyang si Sir Barry. Tatawagan ni Sir Barry ang kanyang estudyante
upang may ipag-utos.
"Nakikita mo 'yung babaeng
naglalakad palabas ng Campus, yung naka-pink na bag na Jansport?" Sabi ni
Sir Barry sa kanyang estudyante.
"Ahh opo Sir nakita
ko." Sagot ng isang estudyante.
"Gusto mo bang pumasa sa
Subject ko?"
"Oo naman Sir, ano po ba ang
ipapagawa ninyo sa akin?"
"Sundan mo yung babaeng iyon
at alamin mo kung saan nakatira."
"Sir susundan ko siya?
Nagbibiro po ba kayo eh ang hirap ng pinapagawa ninyo at di ko yan
kilala."
"Ayaw mo talaga, oh sige
bahala ka, ibabagsak na kita at uulit ka ng First year. Dalawang major mo pa
naman ako." Aalis na si Sir Barry subalit pipigilan siya ng estudyanteng
kinausap niya.
"Sige Sir, pumapayag na po
ako."
"Good, good at ito ang pera,
Pang-dota at crossfire mo. Walang makakaalam nitong pinag-usapan natin, kundi
ay tutuluyan na kita. " At susundan na nga ng lalaking estudyanteng
inutusan ni Sir Barry si Rina. Walang kamalay-malay si Rina na habang papauwi
siya, may sumusunod at nagmamanman na sa kanya at ng kinabukasan ay muling
magkikita ang estudyanteng inutusan ni Sir Barry.
"Nagawa mo ba ang
ipinag-uutos ko?"
"Opo Sir, nasundan ko
siya."
"Eh saan nakatira ang
babae?"
"Sir sa Kalinisan street,
Batasan Hills malapit sa Sandigan at silang dalawa lang nakita kong nakatira
doon sa bahay."
"Good, good, pasado ka na sa
akin."
"Yare ka ngayon sa akin
Rina, Caloocan pala ah." Bulong ni Sir Barry sa kanyang sarili at ng
kanilang uwian ay aabangan niya si Rina.
"Rina! Rina!" Tatawagin
ni Sir Barry si Rina at mapapalingon naman ito sa kanya.
"Hi Sir Barry, sino po ang
hinihintay niyo?" Tanong ni Rina sa kanya.
"Ako? Wala, pauwi ka na
ba?"
"Ay opo Sir pauwi na
ko."
"Kung ganon sumabay ka na sa
akin sa pag-uwi."
"Ako, sasabay sa inyo? Eh di
ba magkaiba tayo ng sasakyan Sir."
"Ako ba Rina iniiwasan mo
na?"
"Hindi po sir at bakit niyo
naman iyan naisip?"
"Eh basta Rina, prof mo ko
at basta sinabi kong sumabay ka na, sasabay ka."
"Bakit ganyan makapagsalita
si Sir, parang alam na niya ang tunay kong address, anong gagawin ko, eh ayaw
ko nga iyang makasama kasi kinukutuban ako ng di maganda. Parang nasa panganib
ang buhay ko kapag kasama iyan and besides, kinababanasan ko siya." Sabi
ni Rina sa loob-loob nito at mag-iisip siya ng paraan para makaiwas kay Sir
Barry.
"Ah Sir, may nah alala po
ako, di pa po pala ako uuwi, pupunta pa ako ng mall kasi may bibilhin pa ko.
Kung uwing-uwi na po kayo, mauna na lang kayo." Pagdadahilan ni Rina sa
kanya subalit di uubra ang naisip niya.
"Oh sige Rina, sasamahan
kita, tutal malapit lang naman iyan at ako na ang sasagot sa mga bibilhin
mo."
"Ah sir, huwag na po,
nakakahiya. Baka malaking abala pa yan sa inyo. Sige sir, mauna na po talaga
kayo, baka gabihin ako."
"Ayaw mo ba ko makasama at
saka wala iyon sa akin, kaya sige na samahan na kita." Naubusan na ng
idadahilan si Rina kaya pumayag na ito. Di man niya masikmurang makasama ito
dahil touchy at patuloy na inaakbayan habang nasa biyahe ay walang ginawa kundi
magtiis at pagkadating nila ng Mall.
"Ah Rina, dapat kapag
pupunta ka dito sa Mall, di ka dapat nag-iisa at nagpapasama ka. Mahirap na at
marami ang masasama ang loob, mapaano ka pa." Pangaral sa kanya ni Sir
Barry habang inaakbayan niya ito at naglalakad, aalisin ni Rina ang bisig na
nakalagay sa kanyang balikat.
"Opo Sir at saka ako pa,
matapang yata ito. Kaya ang iba diyan na nagbabalak sa akin ng di maganda, eh
mag-isip-isip dahil di nila kilala kung sino ako. Di ko hahayaang magtagumpay
sila." Madiin-diing sabi ni Rina sa kanya na ang totoo ay nagpaparinig na.
"Paano ako makakawala sa
Lecheng kasamang ito, kung makaasta, akala di prof at kung makaakbay at holding
arms, parang pag-aari niya ko, di na nahiya, dami pa man din nakakakita sa
kanya, PDA! Nilalandi ba niya ko, usbaw siya at di kami talo! Kapag di ako
nakapagtimpi, kakalimutan kong professor ko siya, nakakabanas!" Sabi nito
sa loob-loob na iritang-irita na at ibig ng makawala sa piling niya at dito ay
makakaisip na siya ng paraan.
"Sir punta tayo ng
Supermarket, samahan niyo ko, dali."
"Bago tayo pumunta Rina,
pwedeng huwag mo na kong tawaging Sir, Barry na lang. Kasi parte ka na ng buhay
ko at tatawagin mo lang ako sa pangalang iyan kapag nasa school tayo,
okey." At ng makarating sila ng Supermarket ay gagawa siya ng paraan upang
iligaw si Sir Barry hanggang sa siya'y makalayo mula sa kanya.
"Hay salamat, nakawala din
ako sa Callboy na iyon. Akala ko, wala ng kawala sa kanya. Hay kulit din niya
at mapusok kasama. Basta naiinis ako at di na nahiya kanina,
nakakabastos!" Habang nakalayo na si Rina sa kanya at nakauwi ay patuloy
na hahanapin ni Sir Barry ito.
"Teka, kanina pa ko hanap ng
hanap sa kanya, di ko makita. Aba galing naman, tumakas na pala siya, sige
lagot sa akin 'yun bukas. Ito na ang huling araw na makakaiwas at wala ka sa
'kin." At ng kinabukasan ding iyon ay muling magkikita si Rina at si Sir
Barry.
"Ay si Sir Barry, patay
nagkita nanaman kami." Hindi ito lilingon sa kanya at magpapatuloy sa
paglalakad na akala ay walang nakita.
"Rina! Rina! Mag-usap nga
tayong dalawa." Matitigilan si Rina sa paglalakad.
"Ano po ba ang pag-uusapan
natin?" At magtataka at di makakapaniwala si Rina sa sasabihin ni Sir
Barry.
"Rina gusto ko lang sabihin
sa'yo na Sorry, sa mga ipinakita ko kahapon. Alam kong naiinis ka na sa akin at
nakukulitan, kaya mo nagawang iwan ako."
"Di ko ba alam kung anong
dapat kong maramdaman sa kanya, kung maiinis pa ba o matutuwa na. Ang bait pa
rin niya sa akin matapos ko siyang takasan." Sabi ni Rina sa kanyang
loob-loob at ito ay magsasalita.
"Sir, di ko naman po kayo
iniwan. Ang totoo niyan dami kasing tao doon at gitgitan kaya napahiwalay ako
sa inyo at di na nagkita." Dahilan ni Rina sa kanya.
"Okey lang Rina,
naiintindihan kita at saka huwag kang mag-alala, di ako galit, Peace."
Makikipag-holding hands si Sir Barry kay Rina at iaabot naman nito ang kamay sa
kanya. Pagkauwi ni Rina sa tinutuluyan ay magugulat ito ng iaabot sa kanya ni
Aling Ester ang Flowers at palaisipan sa kanya kung sino ang nagbigay.
"Uy Rina, may nagbigay sa'yo
ng flower kanina ng wala ka."
"Ah sino naman po ang
nagbigay niyan?"
"Isang lalaking matangkad at
sabi niya, sayo raw iyan. Di ko naman natanong ang pangalan kasi agad ng
umalis. Kilala mo ba 'yun ha?"
"Naku, hindi po at di ko nga
alam na may magbibigay sa akin niyang bulaklak." Tugon ni Rina sa kanya at
papasok sa kwarto kasama ang bulaklak.
"Sino kaya ang magbibigay sa
akin nitong bulaklak? Ah alam ko na, si Sir Barry siguro kasi halatang may
gusto siya sa akin, pero kung siya eh paano niya nalaman ang address namin at
saka bakit naman niya ko pagkakaabalahang bigyan ng bulaklak, eh may klase nga
'yun. Baka nga di siya at ayaw kong isipin na siya ang nagbigay. Kung kay Sir
Jino lang ito nanggaling, itatago ko ito." Sabi ni Rina sa kanyang sarili
habang tinititigan ang Bulaklak at matapos ay itatapon niya ito.
At ng kinagabihan at dahil isang
taon ng nawalay si Rina sa kanyang pamilya sa Batangas ay makakaramdam ito ng
pangungulila. Kukuhain ni Rina ang dala-dalang litrato nila at kakausapin
maging ang litaro nilang dalawa ni Sir Jino.
"Nay, kamusta na kayo diyan,
miss na miss ko na kayo, pati ikaw Myla at Kuya Danilo, sana nasa maigi kayong
kalagayan diyan kahit wala ako. Hindi bale, malapit na ang bakasyon at
magkakasama tayong muli. Pangako, uuwi ako diyan sa inyo at babawi, malapit
na.........At ikaw naman Sir Jino, duga mo din, ikakasal ka na pala. Sayang ka,
labis kitang kinagigilawan at hanggang ngayon, mistulan kang tinta na di mabura
sa isipan at puso ko, pero malapit ka na din palang bumuo ng pamilya. Hanggang
pangarap na lamang ako sa'yo." Biglang tatangis si Rina.
"Huhuhuhu! Ang sakit-sakit,
hanggang ngayon masakit pa ding isiping may iba ka na. Nay, tay, Kuya Danilo at
Myla, miss na miss ko na kayo. Tatapusin ko lang itong apat na taon at
tutuparin ang pangarap, pangako, di na tayo magkakahiwalay muli."
Matapos ang kanilang panunurang
paaralan at pagsapit ng bakasyon ay umuwi na nga si Rina sa kanilang bayan doon
sa Batangas. Sa pag-uwi ni Rina ay mapapansin niyang tila nag-iba na ang
pakikitungo sa kanya ni Danilo subalit binalewala niya ito, alang-alang sa
kanilang pagsasamahan. Sa kabila na nakakulong pa rin ang kanyang ina sa
matinding kalungkutan ay di susukuan ni Rina pagalingin ito.
"Inay, konting tiis na lang,
babalik ka muli sa dating katinuan at pangako, di ako susukong gamutin
ka." Wika ni Rina sa kanyang ina habang binibihisan. Habang kinakausap ni
Rina si Aling Menang ay biglang papasok ang kuya Danilo niya.
"Oh Rina, kamusta ga ang
pag-aaral mo sa Maynila? Unti-unti na gang umuusad ang pangarap mong maging
Psychiatrist o baka napapabayaan mo ang pag-aaral, kasi nalandi ka na."
"Ako, kuya lumalandi?
Nagkakamali ka diyan sa iniisip mo. Nagpapakasasa ako sa pag-aaral para balang
araw, magkaroon ako ng kaalamang gamutin ang inay at di lang iyon, upang
magkaroon ng kaunlaran sa ating buhay at di na parating iaaasa lahat ng
pangangailangan kay Tita, kasi sobra-sobra na ang naitutulong niya."
"Owws talaga, baka niyan
malaman-laman ko, may nobyo ka na sa Maynila. Ay naku Rina, subukan mo lang
iyan at di ako magdadalawang isip na sampigahin ka at sabihin kay Tita na patigilan
ka na sa pag-aaral."
"Wala kuya, wala akong
Boyfriend. Mas uunahin ko munang tapusin ang pag-aaral at tuparin ang mga
pangarap bago 'yan."
"Siguraduhin mo yan, kundi
ay pagsisihan kong pinayagan pa kitang mag-aral sa Maynila." At pagkatapos
ay lalabas na si Danilo.
Pagkaaraan ng isang buwan ay
magkasamang magtutungo si Rina at Myla sa palengke upang bumili ng
kakailanganin sa pang-araw-araw. Pagkauwi nilang dalawa ay bigla siyang
sasampalin ni Danilo at sasambulat sa kanya ang di kanais-nais na pangyayaring
muntikan ng tatapos sa kanyang mga pangarap.
"Alay sabi ko na nga ga,
nalandi ka na! Ano 'to!" Pagalit na wika ni Carlo kay Rina at ibabalibag
sa kanya ang Flowers.
"Kuya di sa akin iyan, di ko
alam kung sino nagbigay niyan. Maniwala ka."
"Nasa talampakan ga ang
'yong kukote, di ga ang turo ng inay at itay sa atin, isantabi muna ang
boyfriend o girlfriend hangga't di pa tayo tapos mag-aral, eh ano iyang
ginagawa mo!"
"Sinusunod ko naman ang
bilin nila at saka di ko alam kung sino ang nagbibigay sa akin niyan Kuya. Pati
nga sa Maynila, may nagbigay din niyan. At saka wala pa sa isip ko ang mga
iyan."
"Alam mo Rina, ang mabuti pa
siguro ay tumigil ka na sa pag-aaral, tutal sa nakikita ko sa'yo, mas inaatupag
mo pa nga ang landi."
"Kuya, huwag mo naman itong
gawin sa akin. May mga pangarap pa ko sa buhay at di na iyon matutupad kapag
tumigil ako. At saka paano na ang kinabukasan nating tatlo, ang inay na may
kapansanan sa pag-iisip." Patuloy na magkokomprontahan ang dalawa hanggang
sa dumating si Ms. Cruz.
"Alay ganire ga ang salubong
niyo sa akin, ang mag-away. Bakit ano gang nangyari?" Tanong ni Ms. Cruz
sa kanila at biglang magsasalita si Danilo.
"Abay paano naman kasi itong
si Rina, kabata-bata at di pa nagtatapos mag-aral ay nalandi na, ire ang
ebidensiya." Ipapakita ni Danilo ang bulaklak kay Ms. Cruz at sa halip na
magalit ay matutuwa ito.
"Flowers? Ay pagkaganda at
bango nito, Rina sino ang nagbigay nito?" Kakabahan si Rina sa itinatanong
ni Ms. Cruz.
"Ay Tita, di ko po alam kung
sino nagbigay niyan at saka nagulat na lamang po ako ng makita namin iyan
pagkauwi."
"Ganun ga, abay nagdadalaga
ka na pala, biruin may nanunuyo na sa'yo. Pagkaganda mo naman kasi."
Biglang sasabat sa usapan si Danilo.
"Ay mawalang galang na ho sa
inyo, sa mga sinasabi niyo ho ay parang kinokonsinti niyo ang paglalandi ni
Rina."
"Danilo, di ko kinokonsinti
ang kapatid mo at saka dalaga na siya, kaya normal lang na may magkakagusto sa
kanya o may matipuhan na ibang tao. At saka bakit mo naman nasabing nalandi ang
kapatid mo, eh di nga niya alam kung sino ang nagbigay."
"Aysus, Naku tita
nagsisinungaling iyan, akala mo kunwari di niya alam pero ang totoo, may nobyo
na siya na di natin nalalaman."
"Danilo, eh ano naman kung
may Boyfriend na siya at nasa husto na siyang edad para diyan. Alam mo, hindi
masama ang relationship o Crushes basta hindi mo napapabayaan ang pag-aaral at
iyon pa rin ang priority mo. Maiintindihan mo rin iyan Danilo kapag naranasan
mo na. Kaya ikaw Rina, kung ako nanay mo, pinapayagan na kita, basta
hinay-hinay lang at baka mapaaga ang responsibilidad mo bilang ina. Teka
patingin nga ko ng grade mo." Kukuhain ni Rina ang report card at
ipapakita kay Ms. Cruz.
"Wow, katataas naman
nakukuha mong grado, puro uno. Danilo, bakit mo naman pinagbabawalan si Rina na
umibig eh nag-aaral naman siyang mabuti. Ikaw ah, umi-inspirasyon ka."
"Hindi po Tita, kayo lang ni
Nanay ang inspirasyon ko." Di na magsasalita pa si Danilo at kikilos
palayo sa kanila.
"Salamat ho Tita at
ipinagtanggol niyo ko kay Kuya Danilo."
"Ay walang anuman Rina at
naiintindihan kasi kita kaya ko yun nagawa at nasabi. Basta huwag mong
pababayaan ang pag-aaral sa kabila na may lovelife ka na."
"Actually Ma'am, wala pa po
akong Boyfriend, Crush lang."
"Kung ganon, share mo naman
sa akin ang tungkol sa Crush mo."At ikukwento nga ni Rina ang lahat ng
naging karanasan nito ng siya ay umibig kay Sir Jino.
"Ay ganon Rina, ikakasal na
siya. Kawawa ka naman pala, Heartbroken." Mahinahong wika sa kanya ni Ms.
Cruz.
"Kaya nga po Tita eh at ang
sakit pala sa loob kapag nalaman mong kapag ang taong pinipintig ng puso mo,
may minamahal ng iba. Minsan gusto ko na pong kalimutan siya, pero ang hirap at
di ko magawa."
"Eh sino pala ang nagbigay
nitong Flowers sa'yo, kilala mo na ba. Naku Rina, alamin mo kung sino ang
nanliligaw sa'yo at kapag nalaman mo, sa kanya mo na lang ibaling ang
pagmamahal. Doon makakahanap ka ng taong makakapagpaligaya sa'yo at forever
mong makakasama kasi mahal ka niya. Although di mo pa mahal kung sinuman siya,
natuturuan ang puso."
"Pero Tita, kahit anong
gawin ko, si Sir Jino pa rin ang nilalaman ng puso ko at mahirap ng alisin
iyon."
"Ganito lang iyon Rina,
parang kanta lang iyang buhay mo. 'Sino ang pipiliin ko, ikaw nga bang pangarap
ko o siya bang kumakatok sa puso ko, oh anong paiiralin ko isip ba o ang puso
ko, nalililitong-lito, sinong pipilin ko, Mahal ko o Mahal ako.' Sino ba ang
pipiliin mo, taong nagpapatibok ng puso mo o ang taong ikaw ang nagpapatibok sa
puso niya?"
"Tita paano ko po mamahalin
ang taong iyon eh di ko nga kilala kung sino siya."
"Basta Rina, buksan mo ang
isip at marunong kang makiramdam. Psychology student ka, gamitin mo ang
natutuhan mo para makilala mo kung sino ang umiibig sa'yo. At saka yang si Sir
Jino na sinasabi mo, kalimutan mo na siya. Imposibleng maging kayo kasi
Professor siya at ikakasal na din. Maghanap ka na lang ng iba."
"Tita, wala pa po sa isip ko
ang mga 'yan, kasi po nag-aaral pa lang ako at di pa natutupad ang pangarap.
Opo love ko siya, pero kailanman ay di ko hinangad na maging kami. Kung
magiging kami man, gusto ko nakapagtapos muna ng kolehiyo at naipagamot na ang
inay pero malabo ng mangyari iyon."
"Sa sinabi mong iyan, lalo
pa kitang hinahangaan. Mas inuuna mo ang DREAMS kaysa sa LOVE. Sige Rina, kung
ganyan ang desisyon mo, di kita tinututulan pero di ko sinasabi sa'yong na
masamang unahin ang Love."
Chapter 12
Dahil imposible
na talagang maging sila na hinahangad ni Rina na mangyari kapag nakapagtapos na
siya ng pag-aaral ay susubukan na niyang kalimutan ang nararamdaman at ibaling
na lamang sa iba pero mahirap pa rin para sa kanya na gawin iyon, lalo na't
pakiramdam niya ay parang Cancer na ang pag-ibig na malala na at hirap ng
agapan at pawalain kahit ano pang gawin. Kung kailan tanggap na ni Rina na
hindi na sila maaari ay saka naman nagbabadyang magbukas ang pintuan para
maging silang dalawa.
"Si Ma'am
Pria muna raw ang magiging Prof natin sa Group Dynamics, bakit anyare kay Sir
Jino?" Tanong ni Maria kay Hanna.
"Sabi daw
si Ma'am Pria at naku, kailangan na nating paghandaan ang katarayan niya. Di
nanaman ako makakahinga nito." Sambit ni Hanna kay Maria at makalipas ang
ilang sandali ng pumasok si Ma'am Pria.
"Class,
temporarily I'm your professor in Group Dynamics. Di muna makakapagturo ang Sir
Jino niyo for personal issue. Saang lesson siya nagtapos?" Matapos ang
klase at habang nasa library si Rina ay makakarinig siya ng balitang labis na
ikalulugod ng kanyang dibdib.
"Alam niyo
na ba guys kung anong nangyari kay Sir Jino?"
"Hindi eh,
bakit ano ba? Bakit di daw siya pwede magturo ngayon."
"Ayun
Depressed daw, kasi kanina ng nasa faculty ako at kumukuha ng special exam.
Narinig ko ang pag-uusap nila Ma'am Pria at sabi, hiwalay na raw si Sir Jino at
ang girlfriend nito at di na raw matutuloy ang kasal."
"Bakit di
na matutuloy, anyare sa kanilang dalawa?"
"Paano
nabuntis daw ng ibang lalaki at kamakailan lang niya nalaman kung kailan 2
months na ang bata sa tiyan. Tapos pananagutan na raw ng lalaking
nakabuntis."
"Kawawa
naman pala si Sir Jino at masakit iyon para sa kanya."
"Sinabi mo
pa at mabuting maghiwalay na sila, landi din kasi ng babaeng iyon, nagpatira sa
iba." Biglang sasabat si Rina sa usapan ng dalawa.
"Talaga mis
at tama ba narinig ko, hiwalay na sila?"
"Oo ate,
tama ang narinig mo na naghiwalay na sila, pero bakit nakikisawsaw ka sa usapan
namin, di ka naman namin kilala." Biglang aalis ang dalawa palayo kay
Rina.
Magkahalong
lungkot at tuwa ang nararamdaman ni Rina ng marinig ang usapang hiwalay na
sila. Natutuwa siya dahil sa wakas ay nagkaroon ng pag-asang maging sila balang
araw pero nalulungkot naman ito para kay Sir Jino na dinadanas naman ang sakit.
"May
ibabalita ako sa'yo Sis Carla."
"Sa nakikita
ko sa'yong mukha ay nagniningning sa tuwa, bakit ano ba 'yan?"
"Uy Sis,
hiwalay na raw si Sir Jino at ang girlfriend nito."
"Hiwalay?
Paano nangyari yun, kaya pala excited kang kausapin ako kasi iniisip mo na may
tiyansang magkatuluyan kayo."
"Oo sis
ganun nga, pero nalulungkot naman ako, kasi siya naman ngayon ang
nasasaktan."
Lalo pang
nagkaroon ng dahilan si Rina na ipagpatuloy ang pagmamahal kay Sir Jino matapos
ang kanyang mga nalaman na labis na nagpaligaya sa loob subalit nanatiling
lihim ang pag-ibig niya sa kanya sa takot na masaktan at mapurnada ang
minimithing pangarap. Sa saya, nagawa na niyang iguhit ang mukha ng kanyang
special someone sa sketch pad at isiniksik sa kanyang aklat. Tinititigan niya
ito at minsan ay kinakausap kapag nalulungkot o walang makausap o magawa.
Dumating ang panahon at sa wakas, matutuklasan na rin ni Sir Jino na may
pagtatangi si Rina sa kanya at ano kaya ang magiging reaksyon nito?
"Okey
Class, class dismiss at pwede na kayong lumabas." Deklara ni Sir Jino sa kanila
at magsisilabasan na nga ang mga ito kasama si Rina. Nang makalabas ang lahat
ng kanyang estudyante at siya na lang natira sa loob, sa di inaasahan ay
makikita ni Sir Jino ang aklat na nakapatong sa silya at lalapitan niya ito
upang malaman kung sino ang nakaiwan.
"Kanino
kaya itong aklat?" Habang tangan-tangan ng kamay at tinitingnan ang aklat
ay makikita niyang may nakasingit-singit na papel at dito ay huhugutin niya.
Pagkahugot ay makikitang nakaguhit sa isang pahina ng sketch pad ang kanyang
mukha at makakaramdam siya ng gulat sa sarili.
"Teka, ako
ba itong naka-drawing sa papel, aba Cute ko naman diyan. Talagang gayang-gaya,
saang litrato ko kaya niya ginuhit ito? Siguro regalo niya sa akin ito kaya
ginuhit ang mukha. In fairness, lalo akong gumawapo sa drawing." Bukod sa
papel ay makikita din niya ang litrato na nakausli at maging ito ay huhugutin.
"Si Rina at
ako nung pageant, teka sa kanya ba itong aklat na hawak ko?" Pagkakita ng
litrato nilang dalawa ay mababasa niya ang nakasulat na mensahe sa likuran.
"Dear Sir
Jino, Alam mo nung una kitang makilala, natutuwa ako sa'yo kasi bukod sa
magaling kang magturo, mabait at nakakatuwa ka pa sa amin. Ugali mo ang
magpatawa ng tao at isa ako sa napasaya mo. Dahil sa katangiang pinapakita mo
sa amin, doon ay unti-unti ng nahulog ang loob ko sa'yo at naging Crush kita.
Pero humigit pa dun ang nararamdaman ko sa'yo at dumating sa puntong napagtanto
ko, na mahal na pala kita. Hindi ko lang kayang ipagtapat kasi may mga bagay pa
akong dapat isaalang-alang, sana maintindihan mo ko. I LOVE YOU SO MUCH
SIR!" Matapos mabasa ni Sir Jino ang mensaheng nakasulat sa likod ng
litrato ay magugulat ito at di maintindihan ang nararamdaman kung maiinis ba o
kikiligin."
"Si Rina
may gusto sa akin, kailan pa?" Sabi nito sa loob-loob. Pagkatapos at sa
halip na itapon ay itatago niya ang Litrato at Papel kasama ang aklat. Pagkauwi
ni Rina sa kanila ay saka lamang niya matutuklasan na nawawala ang aklat niya.
"Hinalungkat
ko na ang bag, di ko pa din makita. Saan ko kaya nailagay o naiwan ang librong
iyon? Di pwedeng mawala iyon, kasi nandoon ang nagpapalakas ng loob ko."
Balisang-balisang sabi ni Rina sa sarili na kahit ano pang hanap ay di niya
masumpungan. Walang kaalam-alam si Rina na ang aklat na hinahanap niya ay na kay
Sir Jino maging ang litrato at papel na nakaguhit ng mukha niya. Kinabukasan ay
muling magtatagpo si Rina at Carlo.
"Sis,
nawawala ang aklat ko, doon pa naman nakasiksik ang picture namin ni Sir Jino
pati yung sketchpad na naka-drawing ang mukha niya." Sabi nito kay Carlo.
"Ha! Eh
saan mo ba nailagay at nawawala."
"Yung nga
di ko alam at kahapon pagkauwi ay saka ko lang nalamang nawawala. Anong gagawin
ko sis?"
"Bakit ba
namang ang burara mo sa gamit. Isipin mo maigi kung saan mo nailagay."
Iisiping maigi ni Rina kung saan nailagay ang libro at makalipas ang ilang
sandali.
"Ah teka,
baka di ko nadala ng lumabas ng Classroom kahapon."
"Sino ba
ang last subject niyo bago ang uwian niyo?" Kakabahan na si Rina.
"Si Sir
Jino, hala baka nga siya ang nakapulot ng aklat ko, di maaari ito. Mabubuko na
ko sis kapag siya ang nakapulot."
"Sis malay
mo naman, di mo sa kanya naiwan ang libro, bukod sa kanya ay mag-isip ka pa
kung saan room mo posibleng naiwan ang libro, o baka na-misplace mo. Ikaw Rina,
napa-praning ka na." Matapos nilang mag-usap at nahihiya man ay maglalakas
loob si Rina na tanungin si Sir Jino tungkol sa nawawala niyang aklat.
"Sir excuse
me po." Nadudungong salita ni Rina sa kanya.
"Oh yes
Rina, ano yun?"
"Sir
kahapon po, may napansin ba kayong aklat na makapal pagkaalis namin? Yung aklat
sa Biopsych?" Mapapaisip si Sir Jino kung isasauli niya ba kay Rina ang
libro o patuloy niyang itatago.
"Ah-ah ano,
ano kasi Rina kahapon wala akong nakitang aklat na sinasabi mo kaya
Sorry."
"Ah ganon
po ba, si-sige po Sir, salamat, pasensiya sa abala." Mawawala ang pangamba
ni Rina sa dibdib ng marinig niya ang sinabi nito. Pagkatapos ay lalabas na si
Rina subalit pipigilan nito ni Sir Jino.
"Ah Rina,
tutal wala ka ng klase at uwian niyo na din, kung okey lang sa'yo pwede mo ba
ko samahan sa mall? May bibilhin lang ako." Kakabog bigla sa tuwa ang
dibdib niya ng marinig iyon.
"Si-sige
Sir, sasama ako."
"Naku Rina,
binibwenas ka nga naman ngayon, akalain si Sir Jino pa ang nag-aya sa akin na
samahan siya. Nanaginip ba ko? Basta masaya ako ngayon." Sabi nito sa
loob-loob.
Simula ng
malaman ni Sir Jino na umiibig sa kanya ang estudyanteng si Rina ay mas lalo pa
niya ito pinakitaan ng kabaitan at pinipilit na mapalapit ang loob sa kanya. Sa
kabila ng kanyang nalalaman ay hindi pa rin niya magawang sabihin kay Rina
sapagkat hindi niya ibig na guluhin ang pag-aaral nito at naghihintay pa siya
ng tamang panahong makapaglahad. Samantalang si Sir Barry ay patuloy na
sinusuyo-suyo si Rina sa kabila na ito'y mailap at di ito susuko hangga't di
napapasakanya ang loob ni Rina. Pagkauwi ni Rina galing unibersidad ay may
surpresang naghihintay na gugulantang sa kanya.
"Sir Barry,
ano po ang ginagawa ninyo dito sa amin?" Tanong ni Rina sa kanya na gulat
na gulat.
"Natuwa ka
ba sa akin Rina sa pagdalaw ko?"
"Natuwa? Oo
naman natutuwa ako pero ginulat niyo ko. Paano niyo naman po nalaman ang
tirahan namin?"
"Rina,
hindi na mahalaga kung nalaman ko, basta ang mahalaga ay ikaw." Lalapitan
nito si Rina at biglang aakbayan subalit aalisin ni Rina.
"Ako sir,
ano po ba ang kailangan niyo sa akin, bakit kayo nandito?"
"Sabing
Barry na lang huwag ng Sir at saka hindi mo ba natatanggap ang mga Rosas na
ibinibigay ko sa'yo?"
"Natatanggap?
Ay kaya naman pala may natanggap ako, ikaw pala ang nagbibigay! Ikaw din ba ang
nagbigay sa akin ng Flowers nung nasa Batangas ako?"
"Tama ka
Rina sa naisip mo, ako nga ang nagbigay nun, pero nasa palengke ka raw ng
nagpunta ako sa inyo at yung lalaking mukhang utusan ang kumuha."
"Sir este...Barry,
mawalang galang na po, hindi ko naman yata nagugustuhan ang tabas ng pananalita
mo, kapatid ko 'yun, di utusan! At saka, bakit, bakit mo ko binibigyan ng
Flowers? Ano bang meron sa akin?" At aaminin na nga ni Sir Barry na may
gusto ito kay Rina.
"Gusto mo
ba malaman kung bakit, dahil gusto kita. Kaya pwede mo ba akong patuluyin sa
inyo para sabihin sa Tita mo na nililigawan kita."
"May gusto?
Naririnig mo ba ang sinasabi mo, di tayo talo. At saka di mo ba alam, bawal ang
ginagawa mo kasi estudyante ako prof ka! Di tayo pwede sa isa't isa kaya Barry
makakaalis na kayo! Wala dito ang tamang babae para sa inyo!"
"Wala akong
pake kung magkaiba tayo ng katayuan sa buhay basta gusto kita at akin ka lang
Rina!" Hahawakan ni Sir Barry ang magkabilang kamay ni Rina at ilalapit
ang bibig sa mukha nito subalit magpupumiglas si Rina.
"Ano ba
Sir, bitawan niyo ko! Di kita gusto! Manyak ka!"
"Sige na
Rina, pakipot ka pa, eh halatang nagkakagusto ka din sa akin!"
"Ulol kang
bayot ka! Kailanman di ako nagkagusto sa'yo. In your dreams!" At tatapakan
ni Rina ang paa ni Sir Barry at tatakbo palayo sa kanya subalit hahabulin ito.
"Rina!
Rina, dito ka lang, di ka pwedeng makawala sa 'kin!" Nagsasalita habang
hinahabol si Rina.
"Tulong!
Tulong, hinahabol ako ng manyak!" Magpapatuloy sa pagtakbo si Rina subalit
mahuhuli pa rin ng madapa.
"Aha, huli
ka, balak mo pang kumawala sa akin!"
"Bastos ka!
Bitawan mo ko, sabing bitawan mo ko, manyak ka!" Habang nagpupumiglas si
Rina sa bisig ni Sir Barry na nakapulupot sa kanyang katawan ay sa di inaasahan
ay may magtatanggol sa kanya at walang iba kundi si Sir Jino.
"Bitawan mo
siya!" Uundayan ni Sir Jino ng sapak si Sir Barry.
"Kahit
kailan talaga, pakilamero ka Jino!" Uundayin din niya ng sapak at sila ay
magsasapakang dalawa.
"Tama na
'yan, itigil niyo yang dalawa." Patuloy na magpapalitan ng lakas ang
dalawang professor hanggang sa dumating ang barangay tanod at awatin sila.
"Itigil
niyo yang dalawa." Sabi ng barangay tanod habang inaawat sila.
"Ano bakit
di mo ipakita ang tapang mo, wala ka pala! Kasi talunan ka!" Sigaw ni Sir
Barry kay Sir Jino.
"Ikaw nung
ginagawa mo! Muntikan mo nga 'tong halayin kung di lang ako dumating! Nung una
palang, may pagkamanyakis kang bayot ka!" Pangtapat na salita ni Sir Jino
sa kanya.
"Ano, anong
sabi mo, bawiin mo yan! Di ko yun magagawa, malinis hangarin ko!"
"Tigil niyo
na 'tong bangayan, ang iingay niyo." At bigla ng aalis si Sir Barry at
magbabanta.
"Tandaan
niyo 'tong dalawa, di ko kayo uurungan, marami akong koneksyon at kamag-anak ko
ang Mayor dito. Di niyo alam kung anong kaya kong gawin!"
"Ulol! Di
kami natatakot sa'yo hinayupak ka!" Maanghang na salitang binitawan ni Sir
Jino. Pagkaalis ni Sir Jino ay parang nakawala na si Rina sa bangungot na pilit
na kumakadena sa kanya. Matapos ang alitan ay magsisialisan na ang mga
nakiusyoso maging mga barangay tanod at silang dalawa na lang ang natira.
"Okey ka
lang ba Rina?"
"Huhuhuhu!
Sir Jino." Mapapaiyak at yakap si Rina kay Sir Jino dahil sa dinanas nito
mula sa kamay ni Sir Barry. Nang mahimasmasan si Rina ay magugulat siya sa
kanyang malalaman.
"Sir Jino
salamat po sa pagtatanggol niyo sa akin."
"Naku Rina,
wala 'yun, estudyante kita at adviser mo pa ko kaya nasa pangagalaga
kita."
"Pero teka
muna Sir, bakit po pala kayo pumarito, anong sadya niyo sa akin?"
"Di ba
hinahanap mo ang libro sa Biopsych?"
"Opo Sir,
hinahanap ko nga, bakit niyo po naitanong?" At ilalabas na nga ni Sir Jino
ang aklat na isang buwan din niyang itinago.
"Actually
Rina, isasauli ko na pala sa'yo itong aklat. Kasi alam ko, nahihirapan ka ng
mag-aral sa Biopsych pag wala sa'yo ang aklat." Matutuwa si Rina ng
napasakamay niya muli ang aklat subalit magtataka ito kung bakit walang
nakasingit sa libro at hahanapin."
"Ano ba ang
hinahanap mo diyan Rina?"
"Sir, yung
litrato po. Bakit di po nakasiksik dito?" Magugulat si Rina ng ipapakita
sa kanya ni Sir Jino ang litrato nilang dalawa. Pipilitin ni Rina na kuhain ang
litrato sa kanya subalit di agad iibigay at magagawa pang basahin ang mensahe
sa likuran.
"Sir naman
nakakainis ka, binasa mo pa 'yan. Nahihiya na tuloy ako sa inyo."
"Hala,
bakit ka naman nahihiya eh pwede ka na ngang maging writer ng love letter,
kinikilig ako. Gusto mo bukas idikit ko 'yan sa Bulletin Board para madiskubre
ka at maging Famous ng buong Campus. Maraming makaka-relate diyan kasi maraming
patay na patay sa akin bukod sa'yo."
"Yabang
nito at sir huwag na, nahihiya talaga ako. Tutal nalaman mo na ang tunay na
nilalaman ng loob ko, aamin na ko sa inyo."
"Na ano
Rina?"
"Na matagal
na kong may gusto sa inyo since una kitang nakilala at I LOVE YOU!"
"Di ko na
kailangang asukalan ang sinabi mo kasi ang tamis."
Chapter 13
Matapos bigkasin ni Rina ang
salitang I love you sa harapan ni Sir Jino ay pakiramdam nito'y lumuwag ang
kalooban subalit hindi pa ito handa na makipagrelasyon sa kanya, lalo na't
professor pa siya at di pa natutupad ang pangarap sa buhay at masyado pang
alanganin ang sitwasyon kung magiging sila. Para kay Rina ay hanggang kaibigan
muna ang maibibigay nito sa kanya at hihintayin niya munang makapagtapos.
Tutungo na sila sa bahay na kanyang tinutuluyan at ipapakilala kay Aling Ester.
"Ay Tita, si Sir Jino po
pala, prof ko sa Group dynamics at Biopsych."
"Hello, magandang hapon sa
inyo, ako nga pala si Aling Ester, tiyahin ng gurong tumulong kay Rina na
makapag-aral."
"Magandang hapon din sa
inyo, ibig sabihin teacher ang tumutulong sa kanya, nasaan pala ang pamilya
nito?." At magkukwentuhan ang dalawa at malalaman ni Sir Jino ang tunay na
buhay ni Rina. Matapos nilang mag-usap at dahil inabot na ng gabi ay aalis na
si Sir Jino subalit may sasabihin pa si Rina sa kanya.
"Oo nga pala Sir, bago kayo
umalis, gusto kong sabihin sa inyo na naiintindihan ko kayo kung hindi mutual
ang feelings nating dalawa at wala kang nararamdaman sa akin, hindi ko naman
inaasahan sa iyo na mamahalin mo rin ako at walang pilitan. Isa pa Sir, wala pa
sa isip ko ang makipagrela-relasyon kasi alam niyo naman po, may pangarap pa
kong ibig tuparin at kung sakaling maganap iyon, saka ko papasukin ang ganung buhay."
"Nirerespeto ko kung anuman
ang mga pasya mo sa buhay at susuportahan kita. Kung may nararamdaman ka sa
akin, okey lang at hindi kita pipigilan. Pasensiya kung nasa kanya pa rin ang
loob ko kahit hiwalay na, sinasabi ko ito sa'yo dahil ayaw kitang paasahin at
masaktan. Huwag kang mag-alala pipilitin kong ibaling sa iba ang nararamdaman.
Basta Rina, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo, favorite student pa naman
kita."
"Aysus, si Sir nambola pa,
opo. Friends." Aalokin ni Rina si Sir Jino na makipagkaibigan sa kanya.
"Oo naman Rina, ikaw pa.
Teka matapos ang ginawa sa'yo ng Barry na iyan, hindi mo ba siya isusumbong
bukas?"
"Oo Sir, hindi ko naibigan
ang ginawa niya sa akin pero hayaan na natin iyon."
"Ganun-ganun na lang Rina,
mananahimik ka at papayag na bastos-bastusin. Kung ako sa'yo, di na ko
magdadalawang isip na magsumbong."
"Eh Sir mananahimik ako
hindi upang konsintihin ang muntikan ng pambababoy niya sa akin kundi ayaw ko
kasi ng gulo. Kilala mo naman 'yun may kamag-anak na Mayor na malapit pa sa
Pangulo. Malakas ang kapit niya, kaya may kakayahan siyang baligtarin tayo at
palabasin na tayo ang masama."
"Yun lang ba ang
ikinakatakot mo, eh sino ba siya para katakutan. Rina ako ang bahala sa'yo at
basta nasa tama ka, karapatan mong magreklamo kahit ano ka pa."
"Eh pero Sir, kinakabahan
ako, baka kung anong gawin ng manyakis na Callboy na iyon." Biglang
hahalakhak ng malakas si Sir Jino.
"Hahahaha! Callboy? Callboy
pala siya, halata nga kasi sa kilos at tindig pa lang niya, mukha ng nang-aagaw
ng lakas."
"Hahahaha! Pero sir,
natatakot ako. Huwag na lang kaya."
"Ganito Rina, hindi kita
pipilitin kung pasya mong manahimik kasi tingin ko naguguluhan at natatakot ka
pa pero kapag nagbago na ang isip mo, huwag kang mahiyang tawagan ako at
sasamahan kitang magreklamo." Matapos ay tuluyan na ngang umalis si Sir
Jino.
Sa kabila ng pang-aabuso sa kanya
ni Sir Barry ay nagawa pa rin niyang itikom ang bibig upang di na lumago pa ang
gulo at natatakot na baka iyon pa ang maging mitsa ng pagkasira ng kanyang
pangarap. Kinabukasan at habang maaga pa lang ay gumagawa na ng paraan si Sir
Barry upang makaganti kay Sir Jino.
"Shiela! Shiela, halika muna
nga dito." Lalapit ang estudyanteng babae sa kanya.
"Ano po 'yun Sir Barry, may
kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ng babae na kilig na kilig ng
tawagin siya ni Sir Barry.
"Hindi ba may gusto ka raw
sa akin at patay na patay pa."
"A-ako may gusto sa inyo,
nagpapatawa po ba kayo?"
"Huwag ka ng magkaila,
nababasa ko sa'yong mga mukha na patay na patay ka sa akin, tingnan mo
nagba-blush na ang mukha mo, tapos di pa makatitig ng diretso. Ganyan ba ang
walang nararamdaman?"
"Bakit po Sir, ano po bang
kailangan niyo sa akin?"
"Kung sasabihin ko ba
magagawa mo kong pagbigyan." Lalo pang kinikiliti ang babaeng humaling na
humaling sa kanya sa kilig.
"Oo naman Sir, ikaw pa,
kahit ano pa yan pagbibigyan kita."
"Kung ganon pumunta ka na
ngayon sa Dean's office at ireklamo mo si Sir Jino na minolestiya ka niya.
Mag-aya ka ng makakasama na magsisilbing witness sa reklamo mo o di kaya
mag-recruit ka ng tao na magpapanggap na iyong magulang kung
kinakailangan."
"Sir, excuse me, nagbibiro
ba kayo? Tekang di ko kaya ang pinapagawa niyo kasi masama iyan at bakit, bakit
pinapagawa sa akin iyan? Di ko kayo maintindihan."
"Akala ko ba pagbibigyan mo
ko, bakit sa tono ng pananalita mo parang kinakain mo na ang sinasabi sa akin.
Alam kong grabe ang pagtingin mo sa akin pero kaya mo ba na kamuhian kita ng
labis-labis at kailanman ay di na ko magpapakita sa'yo. Alalahanin mo,
pagkakataon mo na para kunin ang loob ko pero ayaw mo naman, di sige diwag at
kalimutan mo ng may gusto ka sa akin. Kaya mo bang mangyari iyon? Kaya mo bang
mawala ako? Alam ko din na bayaran ka at nagbibigay ng aliw tuwing gabi, gusto
mo bang ikalat ko sa buong Campus kung gaano ka karumi?" Hindi agad
magsasalita ang babae pagkat nahihirapan siyang magdesisyon at iniipit ng
salita ni Sir Barry. Sa huli ang kagustuhan pa rin ni Sir Barry ang nanaig
pagkat natatakot siya sa kanyang mga banta.
"Ah-ah eh, Sige Sir
pumapayag na po ako sa hinihiling niyo. Tatawagin ko na ang aking kaibigan at
pupunta na kami ng Dean's office."
"Good, good, galingan mo
Shiela sa pagpapanggap, kundi isisiwalat ko ang Sikreto mo at kamumuhian
kita."
At tumungo na nga ang babaeng
inutusan ni Sir Barry sa Dean's office upang idawit si Sir Jino sa kasalanan di
niya nagawa. Kaagad naman napaniwala ang Dean sa reklamo ng babae at pinatawan
ng anim na buwang suspensyon si Sir Jino. Pagkapasok ni Rina sa unibersidad ay
hindi magandang balita ang sumalubong sa kanya. Magugulat si Rina maging ang
kanyang mga kamag-aral pagkat di si Sir Jino ang professor nila sa
Biopsychology kundi ang sukab na si Sir Barry.
"Ano nangyari kay Sir Jino,
bakit si Sir Barry ang prof natin dito?" Tanong ng isang estudyante sa
katabi at sasabihin ni Sir Barry ang dahilan kung bakit wala ngayon si Sir Jino
at dudungisan ang pangalan nito sa mga estudyante. Hindi na masikmura pa ni
Rina ang naririnig na paninira ni Sir Barry kay Sir Jino kaya magtatangka
siyang lumabas at tumungo ng Dean's office.
"Rina! Rina saan ka
pupunta?" Pasigaw na tanong ni Sir Barry sa kanya at magdadahilan si Rina
upang payagan siyang lumabas.
"Sir, may I go out,
ihing-ihi na po kasi ako."
"Hindi, dito ka lang, hindi
ka pwedeng lumabas! Nagkakaintindihan ba tayo!"
"Teka nga muna, eh sa
ihing-ihi na ko, di niyo ba ko palalabasin. Gusto niyo ireklamo ko din kayo sa
Dean's office kasi sinisira niyo ang health ng isang estudyante. Ano!"
"Sige Rina, subukan mo lang
pumunta ng Dean's office, tingnan natin kung paniniwalaan ka sa sinasabi
mo." Papayagan ni Sir Barry na lumabas si Rina subalit may kasama ito.
"Bacundo, samahan mo si
Rina, bantayan mo kung iihi ba siya." At pagkadating nila sa labas ay
mag-iisip ng paraan si Rina upang makawala kay Bacundo.
"Bacundo, nagugutom ka na di
ba? Gusto mo ilibre kita." At papayag si Bacundo sa alok ni Rina at habang
abala sa paglantak ng pagkain si Bacundo ay doon magkakaroon ng pagkakataon si
Rina upang makatakas sa mata ni Bacundo. Pagkadating ni Rina sa Dean's Office
ay lakas loob siya nakipagkomprontahan kay Dean Romualdez.
"Good Afternoon po Ma'am,
excuse me. Ano po nangyari, bakit niyo sinuspinde si Sir Jino?"
"Ms. Charina Sandoval, kaya
ba nagpunta dito para tanungin iyan? I decided to suspend him because may
estudyanteng inireklamo siya ng pamomolestiya." Sabi ng Dean sa kanya.
"Ma'am, nagpapaniwala kayo
sa sinasabi nila eh di naman magagawa iyon ni Sir Jino. Di niyo ba alam kung
gaano kabait na tao si Sir Jino."
"Excuse me iha, sinusunod ko
lang ang policy ng School natin at kapag may estudyanteng magrereklamo sa
Teacher, dapat may kasama siya para may mag-prove na totoo ang akusasyon laban sa
kanya at dapat may witnessed na taga-rito sa Campus. Eh may kasama naman ang
estudyanteng nagreklamo kaya Valid ang reason niyang isuspinde si Mr.
Cojuangco. Isa pa nakita ko din sa emosyon niya kaya di kaduda-dudang
minolestiya ito."
"Excuse me again pero sana
naman Ma'am pinakinggan niyo muna ang paliwanag ni Sir Jino o maghanap ng
papanig sa kanya bago niyo siya patawan. Dapat, iyang Sir Barry ang pinapatawan
ng ganyan, di si Sir Jino."
"Ano naman ang reason mo to
tell that na dapat si Mr. Santiago ang suspindihin?"
"Sa kadahilanang inabuso
niya ko kahapon at muntikan ng halayin."
"Napakabigat ng paratang mo
sa kanya. May nakakita ba sa pangyayaring iyon at kung meron ay papuntahin mo
dito para mapatunayan ang akusasyon mo sa kanya. Kung wala, makakaalis ka na at
nag-aaksaya ka lang sa walang kwentang bagay."
"Pero Ma'am pwede po ba si
Sir Jino ang witness ko para diyan?"
"At bakit naman si Mr.
Cojuangco, anong koneksyon niya sa akusasyon mo iha?"
"Sa kadahilanang siya ang
nagtanggol sa akin ng panahong muntikan na kong halayin ni Sir
Barry."
"Kung ganon at bukas na
bukas din ay papuntahin mo siya dito. Pagabi na at di ko na maasikaso
iyan."
Habang papalabas si Rina ng
Campus at sa kamalas-malasang pangyayari ay masasalubong niya si Sir Barry.
"Hello my love, kamusta ang
hearing ng kaso mo laban sa akin, nanalo ba?" Pang-aasar na wika ni Sir
Barry kay Rina.
"Wala akong panahong
makipag-usap sa'yo hinayupak ka!" Mabilis na kikilos si Rina palayo sa
kanya subalit pipigilan.
"Dito ka muna my love,
nag-uusap pa tayo." Swerteng darating ang mga kaibigan ni Rina kaya di na
magagawa ni Sir Barry ang binabalak kay Rina.
"Hi Sir Barry, ang sweet
niyo naman ni Rina diyan, ayieh." Bati ng kaibigan nito sa kanya.
"Mga Friends, sabay na ko sa
inyong pag-uwi." Wika ni Rina sa kanila na nginig na nginig na sa takot.
"Oo naman Rina, ikaw pa.
Kayo po Sir Barry, sasabay ka ba sa amin?" Tanong nila sa kanya.
"Ay hindi na, sige kayo na
lang, may pupuntahan pa ko."
Pagkauwi ni Rina ay tatawagan
nito si Sir Jino upang pagplanuhan ang ihahain na reklamo kay Sir Barry.
"Hello Rina, napatawag
ka."
"Sir na-miss ko kayo. Okey
ka lang ba diyan?"
"Naku huwag mo kong
alalahanin, ayos lang ako. Hindi lang naging maganda ang nangyari sa akin
kanina kasi nasuspinde ako samantalang inosente ang utak ko sa binibintang
nila."
"Sa palagay niyo Sir, sino
ang nagpakana kung bakit nasuspinde kayo?"
"Isa lang ang tinitingnan
kong may utak niyan at malakas ang hinala ko na si Barry the Callboy."
"Parehas tayo sir ng
hinala."
"Hayop talaga yang Barry na
iyan, ayaw magpatalo at gusto siya parati ang magaling. Palibhasa, narcissistic
eh. Tipong GGSS kaya maraming estudyanteng nababanas dun."
"Sir tungkol nga po pala kay
Barry, itutuloy ko na ang reklamo laban sa kanya, upang sa ganon ay
tigil-tigilan na niya ko."
"Bakit may ginawa nanaman ba
siya sa'yo, pinagtatangkaan ka nanaman niya?"
"Opo sir, muntikan nanaman
masundan pero buti dumating ang mga kaibigan ko, kaya di niya tinuloy ang balak
sa akin. Kaya nga Sir, desidido na kong ihain ang reklamo sa kanya. Pwede ba
kayo bukas Sir, kayo ang magsisilbing Witness ko."
"Oo naman Rina at dapat
kahapon pa lang, naisip mo na iyan para tigilan ka na niya. Anong oras ba
bukas?"
"Agahan natin Sir para di
niya tayo maunahan." Pagkatapos nilang mag-usap ay walang kamalay-malay si
Rina na naririnig na ni Aling Ester ang usapan nila.
"Tama ba ang narinig ko
Rina, muntikan ka ng halayin ng gago mong Prof kahapon?" Tanong ni Aling
Ester sa kanya.
"Opo Tita, tama ang narinig
niyo. Kaya di ko sa inyo nasabi kahapon kasi ayaw ko kayong mag-alala. Isa pa
tita, nakikitira na lamang ako dito, dadagdag pa ko sa mga alalahanin
niyo."
"Kahit na Rina, dapat
nagpasabi ka sa akin, pamilya na din kita. Tayong dalawa na lamang nakatira
dito, naglilihiman pa. Bukas na bukas din isama niyo ko sa balak niyo."
Kinabukasan ding iyon at maaga pa
lamang ay tumungo na sila ng Dean's office upang ireklamo na si Sir Barry. Sa
kanilang mga isinalaysay ay di naman nagig pahirapan upang makumbinsi ang Dean
na isuspinde si Sir Barry.
"Sa inyong mga naisalaysay,
sapat na upang patawan ng anim na buwang suspensyon si Mr. Santiago dahil sa
pang-aabuso niya ng estudyante, kaya ikaw Charina Sandoval, makakahinga ka na
ng maluwag."
"Ako Ma'am, maari niyo na po
ba ako ibalik sa Service matapos na ipagtanggol ko si Rina laban sa
kanya?"
"Ikinalulungkot kong sabihin
sa'yo Mr. Cojuangco na hangga't walang lumilitaw na estudyante o sinuman na
magpapabaliktad sa reklamong laban sa'yo, mananatili kang nakasuspinde."
"Pero Ma'am, di magagawa ni
Sir Jino ang ibinibintang nila laban sa kanya. Malay niyo po, napag-utusan lang
sila ng taong gustong magpatalsik sa kanya sa Campus dahil sa inggit, kaya po
nila nasabi iyon. Kaya Ma'am please, ibalik niyo na si Sir Jino sa trabaho."
"Kung may makakapagpatunay
lang ng hinala mo na gawa-gawa lamang nila ang reklamo kay Mr. Cojuangco,
mapagbibigyan kita sa iyong kahilingan. Kaso wala kaya mananatiling
nakasuspinde si Mr. Cojuangco for half a year. Maari na kayong umalis."
Pagkatapos nilang ipataw ang
reklamo laban kay Sir Barry ay ipapatawag naman siya ng Dean.
"Mr. Santiago, ipinatawag
kita dito dahil naghain ng reklamo si Ms. Charina Sandoval laban sa'yo at isa
si Mr. Cojuangco sa witness na nagtanggol pa nga sa kanya pati ang kanyang tiyahin.
Lagi mo raw siyang inaabangan sa labas tuwing uwian upang ituloy ang ninanais
mo sa kanya at threat ka sa buhay niya. So I decided to suspend you for 6
months. Makakaalis ka na at magbakasyon ka muna."
"Mrs. Romualdez, hindi niyo
ito pwedeng gawin sa akin at baka nakakalimutan niyo, kamag-anak ko ang Mayor
dito at malakas pa sa pangulo. Isang sabi ko lang sa kanya, panigurado, tanggal
kayo sa trabaho at sisiguraduhin kong mapapabilang kayo sa Block list para
walang tumanggap sa inyo. Alam niyo naman Mrs. Romualdez, may anak kayong
pinapalamon at yayang pinapasweldo dahil kayo na lang kumakayod matapos mamatay
ang asawa niyo. Kakayanin ba ng konsensiya niyong mamatay sila sa gutom kapag
nawalan ka ng trabaho. Kaya mamili ka, pananatilihin niyo ko ditong magturo sa
Campus o maghihirap kayo sa gutom. Ano?"
Chapter 14
Dahil sa pananakot at pang-iipit
ni Sir Barry kay Mrs. Romualdez ay hindi na niya itinuloy pa ang suspensyon sa
kanya. Inutusan ni Sir Barry na lumipat ng ibang unibersidad si Dean Romualdez
upang manahimik ito at pumalit naman sa pagiging Dean ng Campus ang kapatid ni
Sir Barry. Magmula ng mapalitan ng bagong dean ay naging malupit at mahigpit na
ang kalakaran sa Unibersidad at karamihan sa patakaran ay pinalitan na rin.
Talagang ibang-iba na ang buong Our Lady of Mercy college at di na ito na
dating masigla at masaya pagkat napakalimitado na lang upang ganapin ang
program at di na din sila pinapayagang magsagawa ng Field trip upang makatipid.
Dahil dun ay unti-unti ng nagsisialisan ang mga estudyante maging ang mga
kaibigan ni Rina.
"Wala na, Boring na dito,
lahat na lang ng program tulad ng pageant at party, tinanggal na."
"Kaya nga, naku next sem,
lilipat na ko ng ibang School."
"Makakatipid na dapat kami
sa pag-aaral ko, kaso pati scholarship ko, tinanggal na kasi naka 2.25 ako nung
midterm. Samantala dati, nung si Ma'am Romualdez pa ang dean, mawawala lang
scholarship mo kapag naka-tres ka."
"Kawawa din yung mga First
year na gustong kumuha ng Scholarship exam, kasi kailangan 88 pataas ang
general average mo para payagan kang kumuha. Dati, kahit line of 7 ka lang
pwede na."
"Iba na talaga ang kalakaran
dito, humigpit na. Tapos tuition fee, ang tataas, sakit sa bulsa."
"Ang matindi pa guys at
dahil kapatid ni Mr. Research ang dean ngayon, lahat ng mga Psych Professor
natin na dati ay hindi naman nagpapa-thesis, ngayon kailangan ng magbigay ng
thesis at Compulsary iyon."
"Ay naku, bigte na kung
lahat ng major subject natin, may Thesis. Stressful ang kakaharapin natin nito.
Tapos inalis na rin ang tutorial tuwing Sabado, paano tayo nito, mahina pa
naman kukote natin sa Math at English. Ano bang pumasok sa utak ng Dean natin
at nagawa pang magbitiw."
Habang abala si Rina sa pag-aaral
ang pagdating naman ni Carlo at mistulang magiging Biyernes santo ang mukha sa
kanyang malalaman.
"Hi Sis Carla, naparito ka.
Anong balita mo?" Tanong ni Rina sa kanya.
"Naku Sis, kaya ako pumarito
kasi may sasabihin ako. Di na ko dito mag-aaral next sem."
"Ha bakit? Marami na ngang
nagbabalak umalis dito, pati ikaw aalis na din. Ano bang problema?"
"Ano bang usually dahilan ng
mga estudyante kung bakit gusto na nilang lumipat?"
"Ah ehh, wala akong idea
para diyan. Sige na diretsuhin mo na ko."
"Ayun, inalisan na ko ng
Scholarship kasi may dos ako nung prelim at midterm grade. Eh di na ko
pinapayagan ng parents ko na mag-aral dito kasi dahil dun sa Scholarship. Sa
higpit ba naman ng policy dito, mahirap ng mabawi iyon kaya pinapalipat na nila
ako sa other university, yung madaling makakuha ng Scholarship at mura
pa."
"Buo na ba talaga ang
desisyon nila na mag-aral ka sa ibang School?"
"Oo buo na at saka di naman
ako tutol kasi maging ako, sa totoo lang ayaw ko ng mag-aral dito. Daming
pagbabago, parang di ko na masabi kung sa Our Lady of Mercy College pa ko
nag-aaral at kailangan mo pang mag-adjust. Buti ka pa Sis, di natanggal ang
Scholarship mo. Talino mo kasi."
"May Scholarship nga ko,
malulungkot naman ako kasi aalis ka na. Huwag ka ng umalis sis."
"Pasensiya na Sis pero
kailangan eh. Hindi bale, kahit di na ko nag-aaral dito, di pa rin kita
nakakalimutan, ikaw pa rin Best friend ko. Isa pa Sis, ikaw din umalis na dito
kasi di ka na safe mula sa kamay ng Sir Barry na iyon. Baka mamaya niyan,
ulitin niya yung ginawa sa'yo, di ka ba natatakot?"
"Natatakot, lalo na't
kapatid niya pa ang bagong dean ng School na nagpapahirap sa mga estudyante at
di malayong uulitin niya ang ibig sa akin at wala akong laban, kaya nga gusto
ko na din lumipat para malayo sa panganib ang katawan ko pero di ko magawa kasi
nakasalalay ang Scholarship. Gastos nanaman kapag lumipat ako."
"Sis alam mo, kung ako
sa'yo, aalis na ko sa impyernong unibersidad na ito, di na nga maayos ang
kalakaran, nanganganib ka pa sa kamanyakan ng Sir Barry na iyan, na di porket
may kapangyarihan dahil sa kaanak niya, magagawa ka niyang bastusin na parang
pag-aari niya. Ano ba ang mahalaga sa'yo, Scholarship o ang buhay mo?"
"Eh basta, ayaw ko munang
isipin iyan. Ang mahalaga, buo pa rin ang mga pangarap ko at malaki pa ang
tiyansang matupad. Gagawin ko lang ang sinasabi mo kapag maging iyon ay
naapektuhan na at di na maganda ang nangyayari. Sa ngayon di ko pa balak
lumipat." Pagkapasok ni Rina sa silid ay lalo pa itong makakaramdam ng
lungkot.
"Oh Maria, Hanna at Ate
Vicky pati kayo lilipat na din?" Tanong ni Rina sa kanila.
"Masakit man itong gawin
pero kailangan eh. Pasensiya ka na Rina, kung di namin ito gagawin, baka wala
na kaming kainin. Umaasa lang kasi kami sa Scholarship. Eh daming natanggalan nun
dahil sa adjustment ng grade at isa kami sa natanggalan." Tugon ni Maria
sa kanya.
"Naku Rina, sa dami ng
umaasa diyan at sa higpit na ng patakaran dito, matira, matibay na lang."
Sambit ni Vicky sa kanya. Habang nag-uusap sila ay biglang papasok si Sir
Barry.
"Huwag na tayong maingay,
nandiyan na ang demonyong naghahari-harian sa Campus, baka ipa-expel niya
tayo."
"Edi mabuti, aalis din naman
tayo."
Kahit unti-unti ng nagsisialisan
ang mga kaibigan ni Rina dahil natanggalan ng Scholarship at di na makaya ang
umiiral na kalakaran ay nanatili pa rin siyang matatag at iniisip na pagsubok
lang ito na makakaya niyang lampasan. Sa kabilang banda ay may araw na
dinadalaw ni Rina si Sir Jino kapag maaga ang kanyang at siya ang nagsisilbing
teynga at mata ni Sir Jino sa nangyayari sa kanilang paaralan.
"Ganun? Kalahating buwan pa
lang ako wala sa Unibersidad, grabe na ang nangyayari dun, di na tama. Saka
maawa naman siya sa mga estudyante, doon na nga nakasalalay para makatipid sila
sa pag-aaral, tatanggalin pa ang Scholarship kapag naka-dos lang. Hindi yata
makatarungan 'yan!" Himutok ni Sir Jino sa kanya.
"Kaya nga Sir, isa pa ay
unti-unti ng nagsisialisan ang mga Classmate ko dahil diyan at sa higpit ba
naman ng patakarang umiiral. Pinipigilan ko sila pero wala na kong
magawa."
"Hayaan mo na Rina, desisyon
nila iyan. Ikaw kamusta ka na, minamanyak ka pa rin ba ni Callboy?"
"Opo Sir, sa katunayan
nilalapitan pa rin niya ko at inaakbayan kapag klase niya pero pumipiglas ako.
Hindi ako pumapayag na lumabas ng mag-isa sa Campus kasi baka ituloy niya ang
balak sa akin kapag walang makakakita o kasama. Ewan ko ba Sir, bakit ganon na
lang katindi ang pagnanasa niya sa akin."
"Manyak kasi kaya ganon ang
behavior. Kung ako lang ang nandoon, maipagtatanggol kita laban sa kanya."
Makakaramdam ng kilig si Rina ng marinig iyon mula sa bibig ng taong napupusuan
niya.
"Talaga Sir, ipagtatanggol
mo ko?" Tanong ni Rina sa kanya na kita sa mukha ang kilig.
"Oo, kasi estudyante pa rin
kita kahit di niyo na ko prof at tungkulin kong pangalagaan kung sinuman ang
magtatangka ng masama sa inyo."
"Thank You Sir, alam niyo
kayo na ang Superhero ng buhay ko."
Sa madalas na pagkikita at
pag-uusap nila ni Sir Jino at Rina, dito ay unti-unti na ding mahuhulog ang
loob nito kay Rina subalit di pa niya magawang ipagtapat na mutual na ang
feelings nila sa kadahilanang ayaw niyang makasagabal sa mga pangarap ni Rina
at batid niyang hindi pa ito ang tamang panahon upang makipagrelasyon sila
pagkat alanganin pa. Makalipas ang dalawang Linggo ay isasagawa muli ni Sir
Barry ang binabalak kay Rina. Nang kanilang uwian ay uutusan ni Sir Barry si
Rina samahan siya.
"Rina, uutusan kita, pwede
mo ba akong samahan sa testing room, may ipapagawa ako sa'yo." Mahinahong
utos sa kanya ni Sir Barry at muling kakabahan si Rina pagkat pakiwari niyang
baka magkakaroon na ng pagkakataong ituloy ang balak.
"Oh sige Sir pero pwede po
bang may kasama ako, para may katulong ako."
"Oo nga Sir, pwede ba akong
tumulong kay Rina?" Tanong ni Vicky sa kanya.
"Hindi, hindi na Vicky, kaya
na ni Rina iyan, umuwi ka na." Kahit kinukutuban si Rina ng di maganda sa
posibleng gawin sa kanya ni Sir Barry kapag silang dalawa lang ay sumama pa rin
ito. Pagkadating nila ng Testing Room ay paalisin ni Sir Barry ang mga estudyanteng
naroroon.
"Guys, magsialis muna nga
kayo, pwede! May pag-uusapan kami ni Rina." Sa pag-alis ng mga estudyante
ang lalo pang magpapaigting sa kabang nadarama ni Rina.
"Sir ano nanaman ito, bakit
mo sila pinaalis. May binabalak ka nanaman ba sa 'kin?"
"Oo tama ka, may binabalak
ako sa'yo at matagal ko na itong pinagplanuhan." Bigla niyang uundayan ng
halik si Rina at hahawakan ang magkabilang kamay para di manlaban pero
magpupumiglas si Rina.
"Bitiwan mo ko! Manyak ka!
Kadiri ka!"
"Ano Rina, nagugustuhan mo
ba ang araw na ito? Kunwari ka pa eh gusto mo din, sulitin mo na." Patuloy
na nilalambutso ng labi ni Sir Barry ang pisngi at leeg ni Rina.
"Hayop ka talaga! Bitawan mo
ko!" At makakawala si Rina mula sa nag-iinit na mga kamay at labi ni Sir
Barry. Susubukan ni Rina na makalabas subalit naka-padlock ang pintuan.
"Tulong! Tulungan niyo
ko!" Sigaw ni Rina habang pinipilit buksan ang pintuan at hahagkan siya
muli ng manyakis na si Sir Barry. Habang nagpupumiglas si Rina sa mga bisig na
nakapulupot sa kanyang katawan at labing patuloy na bumababoy sa mukha ay
tiyempong mahahawakan ni Rina ang Flower vase at ipupukol sa uluhan ni Sir
Barry. Dali-dali itong tatakbo at ng makalapit sa bintana ay mabilisan nitong babasagin hanggang sa siya'y
makatakas. Dahil sa dinanas ay paiyak itong makakauwi sa kanila.
"Oh Rina, anong nangyari
sa'yo, bakit ka hagulhol na hagulhol?" Tanong ni Aling Ester sa kanya at
biglang mapapayakap sa kanya si Rina.
"Ti-ti-tita, mu-mu-muntikan
na na kong halayin ni Sir Barry, huhuhuhu!" Mangiyak ngiyak na wika ni
Rina sa kanya.
"Halayin! Hayop talaga yang
guro mo! Paano ka nakawala mula sa manyakis na iyon?"
Dahil sa pangyayaring dinanas ni
Rina mula sa kamay ni Sir Barry at nanganganib na din ang buhay kapag nagawa
pang manatili, napagpasyahan na ni Rina na lumipat ng ibang eskwelahan upang
maligtas siya subalit hindi siya pinayagan ng dean at pinaratangan sa bagay na
di niya ginawa.
"Mr. Santiago, dean ka ba
talaga! Kasi sa nakikita ko sa'yo, parang ginagawa kang tuta ng kapatid mong
walang hiya! Bakit di pwedeng mag-transfer si Rina?" Pasigaw na bulalas ni
Aling Ester sa Dean
"Misis, according to policy
implementing here in this Campus, nakasira si Rina ng kagamitan dito at
kailangan niyang bayaran ang damage na iyon bago ko pirmahan ang clearance at
i-approve ang kahilingan niyang lumipat ng School."
"Sir Magkano ba yang nasira
ni Rina?"
"Nasusulat dito, bukod sa
nabasag niya ang bintana sa Testing Room at Flower base, siya din ang
responsible kung bakit nagkandasira ang mga apparatus sa laboratory at kung
susumahin, aabutin ng dalawang pung libo ang dapat niyang bayaran."
"Ha pagkasira ng apparatus
sa Laboratory, Sir wala akong kinalaman diyan sa sinasabi niyo. Alam ko Flower
vase at bintana lang ang nasira ko."
"Bumaba kasi dito ang
tagapangasiwa dala ang mga nasirang apparatus at ikaw ang itinuturo."
"Diyos ko naman, saan kami
kukuha ng ganong pambayad? Ano bang klaseng paaralang ito't ginigipit niyo
kami! Tingin ko, pakana ito ng walang hiya mong kapatid! Gagawa siya ng paraan
para patuloy niyang babuyin si Rina!"
Walang kaalam-alam si Rina na ang
lahat ng iyon ay kagagawan ni Sir Barry.
"Ano nagawa niyo ba ang
ipinag-uutos ko?" Tanong ni Sir Barry sa mga nangangasiwa ng mga
Apparatus.
"Opo Sir, nagawa na namin,
pinagsisira at basag namin ang mga apparatus at si Charina Sandoval ang
idiniin. Sa katunayan, di pinirmahan ng dean ang clearance at transfer niya
kasi kailangan niyang bayaran ang mga iyon." Tugon ng tagapangasiwa.
Good, good, oh eto ang bayad.
Walang makakaalam nito, maliwanag ba?"
"Opo Sir at salamat."
"Hahahaha! Akala mo
makakawala ka na sa akin, tingnan natin ang pagiging pangahas mo, My
love." Sabi nito sa kanyang sarili habang humahalakhak.
Pagkauwi nila Rina at Aling Ester
sa bahay, lahat ng sama ng loob ay ibubulalas niya at di niya muna papayagang
pumasok si Rina upang maprotektahan ang kanyang kaligtasan.
"Malakas kutob ko, ang
walang hiyang Barry ang nasa likod kung bakit di tayo pinayagan ng Dean na
lumipat ka ng ibang School. Ang nakakagalit pa, sinisingil tayo sa mga
apparatus na nasira na ikaw ang itinuturong dahilan kahit wala ka namang
kinalaman! Saan tayo kukuha ng pambayad ngayon!" Nagliliyab na himutok ni
Aling Ester.
"Tita, huwag niyo na pong
alalahanin iyon. Hahanap ako ng paraan para mabayaran ang mga nasirang
apparatus. Ayaw ko man itong gawin dahil wala akong kinalaman, pero wala tayong
magagawa kasi hawak ni Sir Barry ang utak ng Dean."
"Naku Rina, ang mabuti pa ay
huwag ka munang pumasok. Mag-leave of Absent ka hangga't di pa natin iyon
nababayaran. Kapag nabayaran natin iyan, never ng makakalapit ang demonyong
iyon sa'yo at di ka na babalik sa pesteng paaralan na iyon!"
Makaraan ang limang araw na
nakaliban ng klase si Rina at sa kanyang paglabas ay muli nanaman siyang
guguluhin ni Sir Barry.
"Sir Barry, anong ginagawa
niyo dito?!" Pasigaw ni Rina sa kanya na gulat na gulat.
"Kamusta Rina, na-miss mo ba
ko? Tagal na din magmula ng di tayo magkita."
"Diyan ka lang! Huwag mo
kong lalapitan. Umalis ka na pwede at tantanan mo na ko utang na loob!"
"Paano kita tatantanan eh di
ko pa nga naririnig mula sa labi mo ang salitang I love you."
"Nasisiraan ka ba ng tuktok
at kailanman di ko masasambit sa harapan mo yun, umasa ka sa wala!" Habang
nagpapalitan ang dalawa ng maanghang na salita ay biglang dadating si Aling
Ester at paghahatawin si Sir Barry.
"Anong ginagawa ng demonyong
iyan! Lumayas ka! Layas!"
"Wala akong balak na masama
kay Rina, gusto ko lang siyang kausapin."
"Kausapin? Sinong niloko mo
eh sa nakikita ko, pagtatangkaan mo nanamang babuyin ang alaga ko! Di porket
kamag-anak mo ang Mayor dito at kapatid ng Dean, akala mo titiklop kami sa'yo
walang hiya ka! Kaya umalis ka na at huwag ng babalik! Kung hindi, di kami
magdadalawang isip na ipakulong ka!"
"Ipakulong, Sige gawin niyo!
Tingnan natin kung may maniniwala sa inyo. Ikaw Rina, babalikan kita." At
aalis na nga si Sir Barry.
"Okey ka lang iha?"
Tanong ni Aling Ester kay Rina.
Hindi naglaon ay maiisipan din
nila Rina at Aling Ester na humingi ng tulong kay Ms. Cruz upang bayaran ang
nasirang apparatus. Pumayag naman ni Ms. Cruz at ng mabayaran ay ganap ng
pinayagan si Rina sa kanyang hiling na lumipat. Pakiramdam ni Rina ay parang
nakawala siya sa kadenang gumagapos at wala na sa panganib ang buhay niya. Nang
mabalitaan ni Sir Barry na wala na si Rina sa Campus ay muli itong pupunta sa
bahay nila.
"Tau po, tau po." Sabi
ni Sir Barry na abala sa pagkatok. Habang abala sa pagkatok ay may dadaang
babae.
"Sila Aling Ester at Rina ba
ang hanap niyo?"
"Oo Sila nga pero walang
nagbubukas."
"Naku kaya walang nagbubukas
kasi lumipat na sila, kahapon pa lamang."
"Alam mo ba kung saan na
sila?"
"Naku, hindi po at pasensiya
na." Magliliyab sa galit si Sir Barry matapos ang kanyang nalaman.
"Grrrrr! Maaring wala ka na
at natakasan mo ko, pero kahit saan ka magtungo, hahanapin at hahanapin kita!
Wala pang taong nakakawala sa kamay ni Barry Santiago at di niyo siya
kilala!"
Chapter
15
"Hindi hamak na maliit ang
nilipatan nating tirahan pero ayos na rin ito, ang mahalaga ay di na tayo
matutunton ng manyakis mong prof at matatahimik ka na din Rina." Wika ni
Aling Ester sa kanya.
"Sana nga po Tita, sa
paglipat natin ay maayos na ang ating kalagayan. Alam kong labis na kong
nakakaabala sa inyo dahil dun kaya humihingi ako ng paumanhin sa inyo. Isa pa
ay naabala ko nanaman si Tita para lang mabayaran ang mga nasirang apparatus at
payagang makaalis ng unibersidad."
"Naku, Rina, ay wala 'yon.
Basta't may kailangan ka ay huwag kang mahiyang huntahin ako." Sambit ni
Ms. Cruz sa kanya at habang nag-uusap sila ay may biglang tatawag.
"Hello!" Sabi ni Aling
Ester.
"Ester, kumare mo 'to.
Kamusta diyan sa bagong tirahan?"
"Eto mabuti naman."
"Uy, kahapon may pumunta
palang lalaki sa inalisan niyo. Hinahanap kayo." Matapos nilang mag-usap
sa telepono.
"Tingnan mo na Rina, kaya
mabuting naisipan nating lumipat para tantanan ka niya! Nangugulo nanaman
pala."
"Kaya ikaw Rina, mag-ingat.
Huwag kang basta-basta lumabas kasi mahirap na baka matunton niya kayo. Sabi mo
pa naman kamag-anak ng mayor ang lalaking patay na patay sa'yo at maraming
koneksyon dito, di natin alam kung anong kaya niyang gawin. Kinakabahan ako
para sa'yo kaya tita, kayo na po bahala kay Rina, lagi niyo siyang aantabayanan."
Bilin ni Ms. Cruz sa kanya.
"Maging ako rin po ay
kinakabahan sa kung anong maaaring mangyari. Ay Tita naisip ko lang, pwede ang
pamilya ko din doon sa Batangas, lumipat na kasi nangangamba ako at baka idamay
niya sila o kayo kapag may balak siya. Alam niyo naman, siya ang nagbigay ng
bulaklak nung nasa probinsya ako kaya di kataka-takang baka gamitin niya ang
taong malapit sa akin para makuha ang ninanais. Suggestion ko lang po at para
din sa ikakapanatag ng loob ko."
Pinagbigyan naman ni Ms. Cruz si
Rina sa kanyang kahilingan na ilipat sa mas ligtas na lugar ang pamilya niya
sapagkat nangangamba ito sa maaaring gawin ni Sir Barry at para din sa kanilang
kaligtasan at ginawa nga iyon ni Ms. Cruz.
"Hello, oh tita napatawag
ka."
"Rina, matutuwa ka sa
sasabihin ko, naihanap ko na ng bagong tirahan ang pamilya mo at nailipat.
Tiniyak kong ligtas at tipong di madaling matunton ng taong nagbabalak ng
masama."
"Naku, maraming salamat, eh
kamusta po sila diyan?"
"Ayun, nakikita ko ang nanay
mo, nahihirapan kasi naninibago pero din magtatagal, masasanay din iyon."
Makalipas ang isang buwan at
habang sembreak ay nag-enroll na si Rina sa PUP doon sa Santa Mesa, Manila, di
hamak na mas mura ang pangmatrikula kaya kahit di na kumuha ng Scholarhip ay
makakatipid-tipid. Mahirap man para sa kanya na harapin ang mga pagbabago sa
buhay bilang estudyante dahil mapapalayo na siya sa piling ng taong napupusuan
ay susubukan niyang kayanin, alang-alang sa pag-aaral at sa pangarap na
minimithing abutin. Sa pagpasok ni Rina sa bagong paaralan ay di siya
makapaniwala pagkat.
"Tama ba ang nakikita ng
mata ko, si Sir Jino ba 'yun?" Tanong nito sa loob-loob at lalapitan niya
ito para makasiguro.
"Ay oo nga siya nga. Pero
ano nga palang ginagawa niya dito? Sir Jino! Sir Jino!" Tatawagin niya si
Sir Jino subalit di ito lilingon at magpapatuloy sa pagkilos.
"Sir Jino, bakit kayo
umiiwas?" At titigil si Sir Jino sa paglalakad at haharap sa kanya.
"Oh Rina, ikaw pala. Dito ka
na nag-aaral?"
"Opo, dito na ko nag-aaral
kasi delikado na ko sa kamay ng Barry na iyan at isa pa, para makaiwas na sa
gulo. Kayo po, anong ginagawa niyo dito. Bakit ganyan suot niyo, hindi
pang-prof tapos may hawak pang walis."
"Ang totoo niyan Rina, kaya
ako umiiwas kasi nahihiya ako kapag makikita mo kong ganito na dating prof
naging Janitor na." Magugulat si Rina sa kanyang nalaman.
"Ha, Janitor kayo dito?
Bakit?"
"Halos dalawang buwan na din
akong walang trabaho, kailangan kong kumayod kasi ako na lang ang breadwinner
sa aming magpamilya matapos magretiro ang tatay ko sa trabaho at wala ng
maipapakain sa kanila matapos akong masuspinde."
"Eh sir, kung ganon bakit di
na lang kayo mag-resign sa Our Lady of Mercy college at mag-apply sa ibang
school tulad dito?"
"May punto ka Rina, maski
ako naisip na din iyan, ang problema di na ko makakapagturo dahil may rekord
ako na nang-molestiya ng estudyante. Gustuhin ko man ipaglaban na walang
kasalanan, kaso malakas ang ebidensiya laban sa akin at wala akong
pinanghahawakan."
"Ako Sir, hindi ba ko
makakatulong, pwede akong umapila, malinis lang pangalan niyo. Kilala ko kayo,
mabait at kailanman di sumagi sa isipan kong magagawa mo ang ibinibintang nila
sa'yo. Kaya handa akong tumulong."
"Huwag na Rina, madadamay ka
lang sa kinakaharap ko. Ang asikasuhin mo ay ang pag-aaral at mga pangarap mo
sa buhay. Huwag mo ng alalahanin iyon. Saka itong ginagawa ko, sanay na ko. Di
mo lang alam, bago ako maging prof, namuhay din ako sa mahirap na pamilya at
isang kahig isang tuka lang kami. Kaya naman ako nasa ganito kasi nagpursigi at
nagsumikap ako. Kaya ikaw Rina, kung anuman ang mithiin mo, ituloy mo at huwag
kang susuko. Tularan mo ko." Pangaral ni Sir Jino sa kanya.
"Opo Sir."
"Huwag mo na kong tawaging
Sir, Jino na lang, tutal di mo na ko prof at saka magkaibigan naman tayo di
ba."
"Oo naman Jino, bestfriend
kaya kita."
"Oh pano, alis na ko, marami
pa kong wawalisin at lilinisin dito."
Sa wakas at hindi din nagtagal at
dala na di makahintay, aaminin na si Sir Jino na may nararamdaman siya kay Rina
at aayaing makipagrelasyon ito sa kanya.
"Oh Sir este Jino pala,
napadalaw ka? Anong sadya mo sa amin?" Hindi agad makakapagsalita si Sir
Jino dahil sa umiiral na hiya.
"Jino, kumain na ba kayo,
gusto mo ipagluluto at hain kita."
"Ay hindi na Rina, di naman
iyan ang sinadya ko, ikaw."
"Ako? Ano ang pakay
mo?" Mahinahong tanong nito sa kanya.
"Alam kong di ka maniniwala
sa sasabihin ko at mabibigla ka pero gusto kong sabihin sayo na, na."
Nahihirapang ituloy dahil pinangunguhan ng hiya.
"Na ano? Diretsuhin mo na ko
Jino."
"Na mahal na mahal kita at
walang araw o gabi kitang naiisip." Parang liliparin sa labis na tuwa at
galak si Rina ng marinig ang matamis na salitang nanggaling kay Sir Jino at di
ito makapaniwala.
"Tama ba ang narinig ko, na
mahal mo ko?"
"Ay hindi, nagbibiro lang
ako, actually rehearsal lang ito. Oo nga, ayaw mo pa?"
"Wala lang, na-shock ako sa
kilig."
"Oh paano Rina, ngayong
narinig mo na ang matagal mo ng minimithi sa akin, kung okey lang sa'yo, pwede
na bang MAGING TAYO?"
"Tama ba ang naririnig ko,
siya pa mismo ang nag-aayang makipagrelasyon sa akin? Pero di pa pwede, ayaw ko
muna." Sabi nito sa loob-loob.
"Jino, pasensiya ka na kung
sasabihin ko 'to sa'yo na, na hindi pa pwede maging tayo sa ngayon kasi alam mo
naman, di pa ko tapos mag-aral at may pangarap pa kong ibig abutin at isa dun
na mapagamot ang inay. Sorry kung sasabihin ko sa'yo Its Complicated tayong
dalawa at sana maintindihan mo kung may dapat akong isaalang-alang. Sinusunod
ko lang bilin sa akin ng inay kaya ko ito ginagawa."
"Kung ganon, oh sige,
nirerespeto ko kung anuman ang desisyon mo at di kita pipilitin."
Pagkatapos ay umalis si Sir Jino na nakabusangot ang mukha at pakiwaring
na-turn off sa sinabi ni Rina.
Simula ng tumanggi si Rina sa
alok ni Sir Jino na makipagrelasyon sa kanya ay mapapansin nitong parang ang
ilap na niya sa kanya at madalas ay umiiwas. Doon maiisip ni Rina na marahil ay
nagtatampo na ito.
"Si Carla, magmula ng
magtapat sa akin si Jino na may nararamdaman siya, tingin ko nagbago na ang
pakikitungo niya sa akin. Parang iniiwasan na niya ko." Sabi nito kay
Carlo na kausap sa telepono.
"Baka naman marami lang
siyang iniisip o may pinagdaraanan kaya ganon. Ikaw naman, ganon na agad
impresyon sa kanya."
"Kaya minsan iniisip ko,
kaya nga nagkakaganyan siya kasi nagtampo at tingin, ang pagtanggi ko sa
propose niyang maging kami."
"Chance na 'yan Sis, pero
aywan ko ba bakit pinakawalan mo pa, sira yata tuktok nito. Ano kaya naman bang
maghintay?"
"Siguro pero habang
tumatagal, parang unti-unti ng nawawala ang loob niya sa akin."
"Kakayanin mo bang tuluyan
ng lumayo ang loob niya sa'yo matapos mo siyang bastedin?"
"Siyempre, hindi mahal ko
yung tao at saka di ko hahayaang mangyari iyon dahil di ko kakayanin."
"Oh, ganon pala, pagbigyan
mo na, wala namang masama at isa pa, Sir Jino na 'yan oh, uyy, Maraming
humaling na humaling dun pero ikaw lang bukod tanging nakahuli sa puso niya.
Sige ka, baka pagsisihan mo 'yan kapag patuloy kang choosy."
"Eh ayaw ko muna nga, may
pangarap pa ko sa buhay at gusto ko maging kami kapag naabot ko na 'yun."
"Ang tanong, kaya mo ba
siyang tiisin, Lalo na't patay na patay ka pa rin sa kanya?" Hindi na
makakasagot si Rina at mapapaisip.
Pakiramdam ni Rina, di kumpleto
ang araw niya at nangngulila kapag di kasama ni makita man lang si Sir Jino at
nahihirapan na nalulungkot siya. Nang hindi na nito matiis ang nararanasan,
dumating na sa puntong mapipilitan siyang baguhin ang nauna ng desisyon.
Papupuntahin ni Rina si Sir Jino sa kanilang bahay at mag-uusap.
"Jino, ganito pala kapag
umiibig ka, di mo matiis at parang di mo magawang makuntento kapag di ito
napupunan. Tama sila, sadya ngang makapangyarihan ang pag-ibig, kaya ultimo mga
bagay na dapat mong isaalang-alang gaya ng pangarap, parang gusto mo munang
isantabi o kalimutan. May mas matimbang pa pala dun."
"Kung ganon Rina, anong
gusto mong iparating sa akin?"
"Na hindi ko kaya na wala ka
sa piling ko, nalulungkot ako. Na hindi na ko makapaghintay na dumating ang
matatamis na araw na kasama ka. Akala ko, kaya kong tiisin ang lahat maging ang
pag-ibig ko, matupad lang mga pangarap ko, di pala at ang hirap. Kaya sinasagot
na kita at sorry kung una, nagawa kitang bastedin."
"Talaga Rina, yes!
Yes!" Halos mayanig na ang kinatatayuan nila sa lakas ng sigaw ni Sir Jino
at kita sa mukha ng isa't isa ang tuwa.
"Ano pa nga ba, di kita
kayang tiisin pero hanggang dito lang at ipangako mo na wala munang galawan.
Ayaw kong mahinto ako sa pag-aaral dahil lang dun. Huwag kang mag-alala, one
year na lang at makakapagtapos na ko."
"Para sa ikaliligaya ng loob
mo, maghihintay ako, BEYB!"
"Yes beyb." Biglang lalabas mula sa kwarto si Aling
Ester.
"Oh tita, nakilala niyo na
ba ang nobyo ko?" Magkakaroon ng pagtataka si Aling Menang sa tanong ni
Rina.
"Ikaw, may Boyfriend, sino
naman?"
"Nakilala mo na siya, ito
kaharap mo na."
"Susmaryosep, kayo na?!
Kailan pa?"
"Kanina lang po, sinagot ko
na siya."
Sa kabila na may namamagitan sa
kanilang dalawa ay minabuti munang itago nila sa pamilya ni Rina na may
relasyon sila, sa takot na di na payagan ng kanyang kapatid na mag-aral at saka
balak sabihin kapag nakapagtapos na siya. Tanging si Ms. Cruz, Aling Ester at
Carlo lamang ang nakakaalam ang tungkol sa kanila. Makalipas ang isang buwan na
sila.
"Happy Monthsary Beyb."
Nilalanggam na wika ni Sir Jino sa kanya.
"Happy monthsary din
sa'yo." Tugon naman ni Rina sa kanya na kinukurot ang dibdib sa kilig.
"Saan mo gustong magpunta
tayo?"
"Kahit saan, basta romantic
at mapi-feel ko ang pag-ibig mo sa akin." At nang sila ay nagtungo sa
isang restaurant at nag-date.
"Alam mo beyb, dati
pinakaayawan ko sa lahat ang lumagay sa ganito, kasi natatakot ako at baka
mangyari sa akin kung ano ang nangyari kay Inay, pero hindi pala dahil masaya
at pakiramdam mo, araw-araw kang nasa alapaap. Ang sarap ng feeling na ang
taong mahal mo, kasa-kasama mo parati at nararamdaman mo ang haplos ng kamay
niya."
"Ngayon mo lang ba
na-realize, kawawa ka naman." Pabirong hirit sa kanya ni Sir Jino.
"Kaiinis ka, palabiro ka pa rin
hanggang ngayon kaya lalo pa kitang nagugustuhan."
"Gutom lang iyan beyb,
mabuti pa kumain na tayo." At magsusubuan silang dalawa.
"Para sa tamis ng iyong
pagmamahal, Jino."
"At ito naman para sa walang
kakupas-kupas na kabaliwan mo sa akin."
"I love you." Wika ni
Rina
"I love you For."
"For?"
"Forever." Habang
matamis silang nagpapalitan ng mga salita at kumakain, may biglang darating na
sisira sa kanilang matamis na monthsary.
"Magaling! Magaling.
Ipinagpalit mo na pala ako sa kanya Rina."
"Barry, buwisit ka! Anong
ginagawa mo dito?!" Pasigaw na tanong ni Rina kay Sir Barry.
"Pinapanood ko ang masaya't
matamis ninyong moments ng Janitor mong nobyo na dati ay prof ng isang
university." Biglang bubulas at uundayan ng sapak si Sir Barry.
"Walang hiya ka! Talaga bang
di ka titigil!"
"Oh c'mon Jino, suntukin mo
pa ko, sige sapak pa. Dahil di mo alam, ito ang kahihinatnan mo." Biglang
tatawagin ni Sir Barry ang kanyang mga tauhan upang hawakan si Sir Jino at
sasapakin ng sunod-sunod.
"Ito ang ganti ng pagsapak
mo sa akin at sa pag-agaw kay Rina."
"Tama na yan Barry, tigilan
niyo na siya!" Patuloy nilang uundayan ng sapak at padyak si Sir Jino na
nanlulupaypay na sa sakit at dumanak na ang dugo mula sa labi nito. Biglang
darating ang mga gwardiya upang pigilan ang pagsuntok nila kay Sir Jino.
"Hoy itigil niyo yan! Wala
kayo sa boksing area para magsapakan." At titigil nga sila at aalis.
"Hindi pa tayo tapos Jino!
Babalikan ko kayo! Tara na!"
"Okey ka lang? Tulungan niyo
ko, dalhin natin siya sa hospital." Malakas na sigaw ni Rina habang
tangan-tangan ng kanyang bisig ang duguan na si Sir Jino at tulong-tulong nila
itong dadalhin sa pagamutan. At ng kinabukasan, sa bahay ni Sir Barry ay
pupunta ang mga pulis upang arestuhin siya.
"Mr. Barry Santiago, may
kaso kayong Physical injury na ipinataw si Mr. Cojuangco laban sa inyo, kaya
sumama ka ng matiwasay sa amin kung ayaw mong daanin ka namin sa dahas."
Sabi ng mga pulis sa kanya at sasama ito ng matiwasay sa kanila. Hindi din
nagtagal ay nakapagpiyansa si Sir Barry. Sa paglaya nito ay magkakaroon na ito
ng pagkakataon upang maglatag ng plano kina Rina.
"Boss, malaya ka na, ano ang
balak natin ngayon?" Tanong ng kanyang tauhan at mag-iisip ito.
"Wala muna, kailangan muna
nating magpahinga para makapag-isip. Maghihintay tayo ng tamang panahon para
isagawa ang mga naisip kong plano." Tugon nito sa kanyang mga tauhan.
Chapter 16
Isang araw at
habang magkasamang naglalakad si Rina at ng kanyang mga bagong kamag-aral ay
may biglang hihintong ban lulan ng mga
tauhan ni Sir Barry at dali-daling dinukot si Rina.
"Bitiwan
niyo ko! Bitiwan niyo ko!" Malakas na sigaw ni Rina na pilit kumakawala sa
bisig ng mga kawatan.
"Bitiwan
niyo siya! Tulong!" Sigaw ng kanyang kamag-aral na humihingi ng tulong
pero huli na upang iligtas si Rina pagkat naisakay na ito at umaandar na ang
ban. Nang maisakay nila ito sa Ban ay patuloy siyang manlalaban.
"Bitiwan
niyo ko! Saan niyo ko dadalhin?!"
"Manahimik
ka diyan!" Sabi ng mga kawatan at sabay tatakpan ng panyo ang kanyang
mukha para makatulog. Pagkadating sa mismong hide out ay tulong tulong ang mga
tauhan ni Sir Barry sa paggapos kay Rina at ng ito ay magkamalay.
"Kamusta
ang pagkakatulog mo, magandang binibini? I feel pleasure in that moment,
nasasabik na ko, di na ko makapaghintay na hagkan ka't yakapin." Pangising
sambit sa kanya ni Sir Barry na nag-iinit na ang mata at katawan dahil sa
nararamdamang libog.
"Hayop ka!
Pakawalan mo ko!" Sigaw ni Rina sa kanya.
"Ganito lang
yan My Love, alam mo ba may uri ang sexual activity. Nandito ang Kissing
touch." Sabay maghuhubad at ilalapit ang bibig sa mukha. Dito ay sisimulan
ng lambutsuhin ng kanyang labi ang mukha ni Rina ng paulit-ulit.
"Bitiwan mo
ko! Manyak ka!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Rina na nagpupumiglas subalit
di magawa pagkat nakatali. Patuloy na hahagud-hagurin ng bibig magmula mukha
hanggang katawan pagkatapos ay aalisan ng suot.
"Nandito
ang Anal Sex." Sabi nito habang paulit-ulit na tinutuhog ng matigas at
mahabang bagay ang kanyang maselang katawan.
"Aray ko!
Bastos ka! tama na! Huhuhuhu!" Sabi ni Rina na mangiwi-ngiwi sa sakit
habang ipinapasok sa kanyang maselang katawan ng paulit-ulit ang gising na
gising na Tweety bird. Hindi pa nakuntento at igagapos ito ng patiwarik at
walang awa siyang hahalayin habang nakapiring.
"Nandito
ang oral Sex, ibukas mo ang yong bibig, buksan mo!" Nang hindi nito
sinunod ay sasampalin siya.
"Sabing
ibuka mo!" At ibubuka na nga ni Rina ang kanyang bibig upang magsubo at
talaga namang napipilitang namnamin kahit diring-diri na sa lumalabas na gatas.
Sa talino ni Rina, kinagat niya ito.
"Aray ko!
Bakit mo kinagat? Paano na ang susunod na salinglahi ng mga Santiago? Sige kung
ayaw mo ng fellatio, Fingering na lang para mas feel ang pleasure."
"Aray ko!
Tama na! Maawa ka sa akin. Huhuhuhu!" Daing ni Rina habang dinudukitan.
"Kinagat
mo, pwes tiisin mo ang daliri ko. Hindi mo ba alam at gusto kong sabihin sa'yo,
na isa akong Callboy sa gabi at ganito ang ginagawa ko sa aking nagiging
Costumer!"
"Totoo pala
ang sabi nila, kaya pala Manyak ka! Hayop ka pakawalan mo na ko!"
"Ayaw ko
nga, may Cunnilingus pa. Ano sarap!"
Habang walang
awang hinahalay ni Sir Barry si Rina at tino-torture ang maselan nitong katawan
ay pupunta sa bahay nila Aling Ester ang kamag-aral nito upang sabihin na
dinukot si Rina.
"Manang!
Manang!" Sigaw ng kanyang mga kamag-aral
"Oh
napasugod kayo dito, bakit?"
"Si Rina
po, ang alaga niyo dinukot habang kasama naming pauwi!"
"Ha! Kung
ganon, tatawag na ko ng pulis." Magmamadali si Aling Ester sa pagtawag ng
mga Pulis upang hanapin si Rina. Habang aligaga sila sa paghahanap kay Rina at
ng kinabukasan, matatagpuan nila ito na nakandusay sa basurahan, walang malay,
puro pasa at galos ang katawan at gula-gulanit ang kasuotan. Maninibugho sa
galit si Aling Ester lalong lalo na ang kasintahan nitong si Sir Jino sa
malagim na sinapit ni Rina.
"Diyos ko,
sinong may gawa nito sa kanya?" Wika ni Aling Ester habang tangan-tangan
ng kanyang bisig ang katawan ni Rina.
"Hayop
talaga ang gumawa nito! Magbabayad sila!" Naglalagablab na salitang
binitiwan ni Sir Jino."
"May naisip
ba kayo kung sino ang gumawa ng kalunos-lunos sa kanya?" Tanong ng isang
pulis.
"Isa lang
ang nakikita kong may kagagawan nito, iyon ay walang iba kundi ang manyakis at
sira ulo niyang prof na si Barry Santiago!"
"Kung si
Barry Santiago ang itinuturo niyong mastermind sa pangyayaring ito, kailangan
magkamalay muna ang biktima at magsalita, para mapatunayan ang ipinaparatang
niyo sa kanya kasi di natin siya pwedeng basta-basta kasuhan." Matapos ay
isinugod na nila sa hospital si Rina at binantayang maigi. Isang araw at
kalahati din ang nakaraan ng magkamalay si Rina subalit di agad nito
maisisiwalat ang tunay na nangyari at magwawala pa dahil sa tinamong trauma.
"Asan
ako?" Tanong ni Rina ng magkamalay.
"Oh Rina,
mabuti at nagkamalay ka. Ayos ka na ba?" Tanong ni Sir Jino sa kanya na
maghapong nagbantay. Pakakainin nito ng mainit na sabaw subalit itatapon ni
Rina.
"Lumayo ka
sa akin! Manyak ka! Manyak ka!"
"Ako
manyak? Rina sino ba ang gumahasa sa'yo?" Patuloy na magwawala si Rina.
"Hayop ka!
Mapapatay kita kapag di ka lumayo!"
"Nurse!
Nurse!" At pupunta nga ang mga Nurse upang pakalmahin si Rina. Nang
dumating si Aling Ester.
"Kamusta na
ang kalagayan ng alaga ko, nagkamalay na ba?"
"Oho Tita
pero nagsisigaw-sigaw." Tugon ni Sir Jino sa kanya.
"Eh anong
sabi niya?"
"Tungkol sa
dinanas niyang rape pero di ko pa malaman kung sino ang gumawa sa kanya kasi
nasa Subconscious pa ang state ng mind niya, sa ngayon at dahil napakasariwa pa
para sa kanya ang dinanas kung bakit nagkakaganyan, kailangan natin palipasin
ang panahon para makapag-move forward siya from one situation bago natin siya
kausapin."
"Di ba
Psych professor ka, may tendency bang mawala sa katinuan si Rina gaya ng nanay
niya matapos ang mga dinanas niya."
"Depende
kung gaano kataas ang self tolerance niya."
"Anong ibig
mong sabihin?"
"Sa kaso
kasi ng nanay niya, mahina ang self tolerance niya kaya madali siyang tinamaan
ng depresyon na nag-cause ng pagkakaroon niya ng mental illness at dahil di
niya na-overcome ang pangyayaring namatay ang tatay ni Rina, nahirapan siyang
makapag-adjust sa new situation na wala na ang asawa nito kaya ganun ang
resulta. Otherwise, nakakulong ang nanay ni Rina sa episode na buhay pa ang
asawa niya."
"Eh paano
si Rina, mangyayari din ba sa kanya yun?"
"Sa
nakikita ko kay Rina, palaban siya, matatag na kayang harapin kung anumang
pagsubok ang dumating sa kanya kaya maliit ang possibility na matulad siya sa
kanyang nanay. Pero depende pa din kung kaya niyang maka-let go sa situation na
pinagdaanan niya. In case na magawa niya yun, di siya matutulad sa nanay niya
kaya ang magandang gawin, tulungan natin siya."
"Paano?"
"Ipapaalala
natin sa kanya ang lahat ng mga masasaya at magagandang bagay sa buhay niya at
huwag muna natin siyang tanungin tungkol sa pinagdaanan niya dahil magpapalala
pa 'yun sa kondisyon niya. Kapag Conscious na yung Mind niya at naka-recover
mula sa kanyang dinanas, saka natin siya tanungin at matutukoy na kung sino ang
gumawa nito sa kanya."
"Kung
ganun, paano natin makakasuhan ang salarin kung matatagalan pa bago natin
malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya?"
"Kaya nga,
matalino ang gumawa nito sa kanya, sa nakikita ko sinigurado niyang maging
misirable ang buhay ni Rina para tuluyan itong mawala sa sarili at di siya
madaling idiin nito dahil walang maniniwala. Kumbaga psychological abuse bukod
sa sexually at physical ang ginawa nito sa kanya. Pero di nating hahayaang
mangyari iyon kay Rina at gagawa ako ng paraan para maka-recover siya at
mananagot pa rin kung sino ang gumawa nito sa kanya."
"Salamat
Jino, buti nandito ka at nakilala ni Rina, kung hindi ay di ko na alam ang
gagawin."
"Tiwala
lang, malalampasan natin nito."
Ginawa nga nila
ang mga sinabi ni Sir Jino kay Aling Ester at makalipas ang ilang linggo ng
tuluyan na ngang naghilom ang sugat ni Rina mula sa mapait niyang dinanas sa
kamay ni Sir Barry at bumalik na sa tuwid na pag-iisip.
"Ah Rina,
huwag kang mabibigla, okey lang ba kung may ipapakita akong litrato
sa'yo?"
"Litrato?
Sus litrato lang nating dalawa yan eh."
"Hindi, ito
oh." At ilalabas ni Sir Jino ang litrato ni Sir Barry.
"Nakikilala
mo ba kung sino siya?"
"Oo si Sir
Barry, Psych prof ko nung nag-aral ako sa Our Lady of Mercy College, bakit
ipinakita mo ang litrato niya?"
"Wala ka
bang natatandaan kung ano ang ginawa niya sa'yo?"
"Natatandaan?
Meron naging Crush ko siya nung una ko itong nakita pero nawala iyon ng malaman
kong silahis siya."
"Bukod pa
dun, ano pa?" Wala ng iba pang maalala si Rina.
"Ah eh, ah
eh, ano pa ba, basta yun lang." Biglang magtatanong si Aling Ester.
"Rina
pumasok ka muna sa kwarto, may pag-uusapan lang kami. Bakit ganon, yun lang ang
naalala niya? Di niya naaalala nung muntikan na siyang halayin ni Barry at
ngayon nga, pinaghihinalaan natin siya ang gumawa nito kay Rina?"
"Tita, may
Selective Amnesia si Rina, kung saan maaring mangyari sa isang Rape Victim gaya
niya, lahat ng traumatic events sa kanya, kusang makakalimutan dahil sa
repression, ni-repress niya kasi kung sino ang gumahasa sa kanya at kung ano
ang ginawa sa kanya habang ginagahasa dahil ayaw na niyang alalahanin iyon.
Maging ang lahat ng di magagandang bagay na nangyari sa kanya bago ito
mangyari, kusang nabura sa isipan."
"Maibabalik
pa ba ang ala-ala niya para malaman natin kung sino ang gumahasa sa kanya at
para makulong na rin ang may gawa nito?" Habang nag-uusap sila, biglang
magsusuka si Rina at makakaramdam ng hilo.
"Rina, ayos
ka lang?" Tanong ni Aling Ester sa kanya at ng magpakonsulta sila sa
Doctor.
"Ayon sa
Findings, kaya ka nagsusuka at nahihilo dahil nagdadalang tao ka.
Congratulations!" Magugulat si Rina sa kanyang nalaman.
"Ako Doc,
buntis? Paano nangyari iyon? Jino naman eh, di ba sabi ko walang galawan, ano
'to?!"
"Ang totoo
niyan Rina, may sasabihin kami sa'yo." Wika ni Jino sa kanya.
"Hindi si
Jino ang ama ng dinadala mo."
"Kung ganon
eh sino, siya lang naman lalaking kilala kong naging kami."
"Huwag kang
magugulat Rina sa sasabihin namin pero-"
"Pero
ano?!"
"Ginahasa
ka sabi ng mga pulis at di namin alam kung sino ang gumawa nito sa'yo."
"Ako
ginahasa, kelan at sino? Wala akong maalala."
"Kaya wala
kang maalala Rina kasi may Selective Amnesia ka."
"Ako may Selective
Amnesia, nagpapatawa ka ba eh wala namang nangyaring ganun sa akin, basta alam
ko, magkasintahan tayo at puro masasaya ang naalala ko habang magkasama tayo.
Magtapat ka nga, ikaw ba ang gumahasa sa akin?"
"Kung ako
gumahasa sa'yo, dapat di ko sinasabi sa'yo 'to para di ako makasuhan at Rina,
di ko magagawa sa'yo yun, kilala mo ko. Kung wala ka talagang maalala,
tutulungan kitang makaalala para malaman natin kung sinong ama ang dinadala mo
at ng maipakulong na natin siya!"
"Paano?"
Tanong nito kay Sir Jino.
"Huwag muna
sa ngayon, masama pa sa batang dinadala mo kapag mabibigla ka." Pagkauwi
nila sa bahay, tutungo si harap ng beranda at mag-isang magmukmok. Habang
nagmumukmok ay pupuntahan naman siya ni Sir Jino.
"Mukhang
kasing lalim ng balon ang iniisip mo Beyb, ano ba 'yan, pwede mo bang
i-share?" Aakbayan nito si Rina subalit aalisin nito pagkat may maalala
siya.
"Ano ba!
huwag mo kong akbayan!"
"Bakit
Rina, may problema ba?"
"Sorry!
Sorry, parang nag-iba lang 'yung paningin ko
Habang kinakausap mo ko, parang ibang boses ang naririnig ko, pati mukha
mo, ibang tao din kaya nung akbayan mo ko, naalibadbaran ako bigla. Basta hirap
ipaliwanag. Parang may mali sa nangyayari sa akin."
"Isa lang
ibig sabihin niyan, nag-flash back sa isipan mo kung anuman ang nangyari na di
mo maalala."
"Sino yung
lalaking umakbay sa akin kanina nung inakbayan mo, kilala mo ba siya kasi
parang pamilyar sa akin?" At ipapakita ni Sir Jino ang litrato ni Sir
Barry.
"Kamukha ba
nito?"
"Oo, ayan!
Ayan, siya nga pero bakit?"
"Dahil isa
ang pangyayaring iyon na nabura sa isipan mo na unti-unti ng bumabalik sa iyong
alaala."
"Hindi pa
klaro sa akin iyon, pwede bang akbayan mo ko muli?"
"Naku Rina,
Conscious ka na, di na mangyayari ang ganong phenomenon kapag ginawa ko yun
sa'yo. Saka ikaw, para-paraan ka para maka-iskur sa akin."
"Pero alam
mo nung mga bata pa kami, ang tanging pangarap ko lang, magkaroon kami ng
magandang buhay, magandang trabaho at makapagtapos ng pag-aaral. Sinikap ko na
di matulad kay Nanay na maagang nag-asawa at nabuntis kasi tingin ko, iyon ang
tatapos sa mga pangarap mo. Pero ano na ngayon, di ko akalain na aabot pala sa
ganito huhuhuhu! Ibig sabihin sira na ang pangarap ko." Wika ni Rina na
mahagu-hagulhol na dahil sa nararanasang sakit at yayakapin siya ni Sir Jino.
"Alam mo
Rina at makinig kang maigi, kahit buntis ka pwede mo pa din ituloy ang mga
pangarap mo, wala naman mawawala. Saka nandito ako, susuportahan kita. Kaya
tama na mag-isip ng ganyan, makakasama sa bata."
"Ikaw ba
beyb, wiling ka bang alagaan ang bata sa sinapupunan ko kahit di ikaw ang ama
nito."
"Kung diyan
na, ano pa nga ba magagawa? Handa ako maging tatay niya at mamahalin ko siya na
higit pa sa buhay ko, pangako yan."
Makalipas ang kalahating buwan ng utusan siya
ni Aling Ester na bumili ng gulay.
"Rina,
pwede mo ba ako ibili ng kamatis at Petchay, ipangsasahog ko lang sa masarap
nating pananghalian mamaya." At tutungo nga si Rina sa palengke upang
bumili. Habang naglalakad siya pauwi at ng mapadaan ito sa mga nag-uumpukang
tao na nanonood ng Video, mapapatigil si Rina.
"Pare,
kaawa-awa naman yung babae, walang awang ginagahasa ng manyak na lalaking patay
na patay sa kanya." Sabi ng manonood at ng mapanood ni Rina ang ganong
eksena sa palabas ay biglang sasagi sa isipan ang lahat ng nangyari nung siya'y
ginahasa at dito ay magsisigaw na ito.
"Hayop
siya! Hayop siya!" Sigaw ni Rina habang nanonood.
"Miss, okey
ka lang? Bakit parang masyado kang affective sa pinapanood namin." Tanong
ng manonood at dali-dali ng tatakbo si Rina habang humahagulhol at pagdating
niya sa bahay.
"Oh Rina,
bakit nag-iiyak-iiyak ka diyan, eh inutusan lang naman kita." Tanong ni
Aling Ester sa kanya at sasabihin na ni Rina na may naalala na siya.
"Hayop
siya! Ginahasa niya ko! Hayop! Huhuhuhu!"
"Oh
naaalala mo na, sinong gumahasa sa'yo?"
"Si-si
Ba-barry Sa-santiago! Paulit-ulit niya kong binaboy.... hinubarang parang hayop
para halayin.... pagkatapos, ipinagahasa pa niya ko sa kanyang mga tauhan at
pinagtulong-tulungan babuyin. Wa-wala akong ibang maramdaman kundi sakit sa
maselang katawan. Mga hayop sila, magbabayad sila!"
Magkahalong
gulat at galit agad ang naramdaman ni Aling Ester ng mabatid niya ang tunay na
sinapit ni Rina sa kamay ni Sir Barry. Ipapatawag ni Aling Ester ang mga pulis
upang kasuhan si Sir Barry at mag-imbestiga.
"Ngayong
naalala mo na ang tungkol sa pagkakagahasa mo, pwede mo bang isalaylay kung ano
ang sinapit mo sa kamay niya?" Tanong ng mga pulis sa at ilalahad ni Rina
lahat ng naganap sa kanya. Pagkatapos maglahad ni Rina.
"Sa kanyang
isinalaysay, malinaw na sexual harrassment ang ginawa sa kanya at lahat ng mga
gumawa nito sa kanya lalong lalo na si Mr. Barry John Santiago ay mananagot at
sisiguraduhin naming madadakpin siya sa lalong madaling panahon."
"Gawin niyo
ang lahat ng makakaya, nang sa ganon ay mapagbayaran niya ang di makataong
pagtrato sa mahal ko. Hayop siya!" Pasigaw na wika ni Sir Jino sa mga
pulis at hahanapin nila si Sir Barry upang arestuhin subalit huli na pagkat
nagtatago na ito.
Chapter 17
Pagkabalik ng mga pulis sa bahay
ay hindi magandang balita ang hatid nila pagkat nabigo silang dakpin si Sir
Barry.
"Misis, ikinalulungkot
naming sabihin sa inyo na di namin nadakip si Barry Santiago kasi wala na ito
sa kanyang bahay ng suyurin namin. Huwag kayong mag-alala, gagawa kami ng
paraan, mahuli lang siya."
"Ha eh, pano yan? Baka kung
ano nanaman ang gawin niya kapag di niyo siya nahuli. Mamaya niyan, gawan
nanaman niya ng masama si Rina, di ko na kakayanin kasi parang anak ko na rin
'yan."
"May naisip akong paraan,
bakit di kayo pumunta sa dating School na pinapasukan ko, doon ay madali niyo
siyang mahuhuli. Dean ang kapatid niya at makakatulong siya para madakip natin
ang hayop na iyan." Wika ni Rina sa kanila at tutungo na nga ang mga pulis
kung saan dati nag-aral si Rina subalit maging doon ay bigo nilang madakpin si
Sir Barry.
"Hindi na raw doon nagtuturo
ang tinutugis natin maging ang dean na kapatid niya, wala na din kasi napatalsik
na nung magwelga ang mga estudyante."
"Ha iba na ang dean sa Our
Lady of mercy College, kung ganon ay nabuwag na ang masikip at baluktot na
kalakaran sa paaralan? Pero pano yan, saan natin siya hahanapin?" Tanong
ni Sir Jino sa kanila na bakas sa mukha ang panghihinayang.
Samantala sa isang lugar na
liblib at walang gaanong tao ay magkasamang nagkukuta ang mga kampo ni Sir
Barry kasama ang kapatid niyang dean na napatalsik at masaya silang
nag-iinuman.
"Boss, may pagkasapusa pala
ang magandang binibining inuwi mo at sumulit sa natitira nating libog at
pinagsalu-saluhan, biruin nabuhay pa, akala natin patay na nung itinapon sa
bengketa, naku problema 'to." Sabi ng tauhan ni Sir Barry.
"Mabuti na lang, mahusay
itong kasamahan natin at nalaman ang balak ng mga pulis na hulihin si Boss kaya
agad tayong natimbrehan at nakatakas." Sabi pa ng isang tauhan.
"Akala niyo magpapahuli ako,
nagkakamali kayo dahil matinik ito, hahahaha! Si Barry Santiago na binansagang
palos at kailanman ay di pa naiisahan hahahaha!" Wika ni Sir Barry habang
malakas na humahalakhak subalit ang di niya alam, isa sa tauhan niya ay
nagpapanggap lamang at kasabawat ng mga pulis. Hindi din nagtagal at dahil sa
kanya, sa wakas ay natimbog din ng mga pulis kung saan nagkukuta sila Sir Barry.
"Walang kikilos ng masama,
itaas ang kamay." Deklara ng mga pulis at dali-dali nilang aarestuhin ang
mga kawatan kasama si Sir Barry at ang kapatid nito. Samantala si Rina at Aling
Ester ay lalapit sa kanya upang undayan ng sampal.
"Para sa di makataong
pagtrato mo sa akin, hayop ka!" Nagngangalit na bulalas ni Rina kay Sir
Barry matapos niyang undayan ng sampal ng sunod-sunod, lalapit pa si Sir Jino
upang bugbugin ito.
"Nararapat lang sa'yo to,
hinayupak ka!" Subalit di din nagtagal ang panggugulpi niya dahil aawatin
na ito ng mga pulis.
"Natutuwa ako Rina para
sa'yo, nakamit mo na ang minimithing hustisya." Masayang wika ni Aling
Ester sa kanya.
"Sige ikulong niyo yan,
sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan matapos ang kawalang hiya mo sa
akin!"
At mapipiit na nga si Sir Barry
upang pagbayaran ang mga nagawa niyang kababuyan kay Rina at pagsabotahe sa
reputasyon ni Sir Jino. Kahit di pa lubusang natutupad ang pinakamimithi niyang
pangarap ay para kay Rina, nakamit na niya dahil masayang-masaya siya dahil
matatahik na din sa wakas ang buhay nito. Hindi pa nagtatapos ang kaso at
makalipas ang isang linggo ng isagawa ang pagdinig sa biktima na si Rina kasama
ang kanyang kasintahan na si Sir Jino at pamilya nito at ang nasasakdal na si
Sir Barry.
"Ms. Sandoval, kung ang
kliyente ko ang humalay sa'yo, bakit ngayon mo lang inilahad ang lahat ng
detalye, bakit di pa noon matapos ka niyang gahasain? Sa mga pangyayari ay
lumalabas na naghintay ka lang ng panahon upang mapagnilayan kung sino ang gusto
mong idawit at yung nga si Barry Santiago ang naisipan mong isakdal sa
kinahantungan mo, dahil ba wala kang masising iba! Ganun ba?!" Sambit ng
abogado ni Sir Barry.
"Objection your honor, kung
iyong mamarapatin, nagkaroon ng Selective Amnesia ang kliyente ko na siyang
sanhi sa matinding trauma na kinasapitan niya matapos siyang halayin kaya hindi
niya agad naalala at bumalik lang ang kanyang ala-ala matapos mapanood ang
pelikulang may kaugnayan sa kinasapitan niya, na siya namang totoong nangyari
at si Barry Santiago ang itinuturo niyang gumasa sa kanya nung siya ay
magkaala-ala, di pa yun pagkat pinagtulong-tulungan daw siya ng tauhan
nito."
"Sabi mo pa nung panahong na
ginahasa ka niya, nakapiring ka. Kung ganon sure ka ba na si Barry ang gumahasa
sa'yo? Ngayong di ka nga nakakakita o baka naman nagkamaling akala ka lang at
ibang tao ang gumawa sayo." At magsasalita si Rina upang depensahan ang
pananabon ng abogada.
"Opo, sigurado ako na ang
manyak na iyan ang gumahasa sa akin! Una palang at bago niya gawin sa akin
iyon, ilang beses na niya kong pinagtangkaan, sa School tapos-" Maantala
ang sasabihin ni Rina dahil wala na siyang maalala.
"Tapos saan pa?! Sa mga
ipinapakita mo, mukhang naghahabi-habi ka lang ng istorya."
"Objection your honor,
maaring nanumbalik ang ala-ala ni Ms. Sandoval pero di lahat at isa ang seryeng
muntikan na siyang halayin ang nawala sa kanyang ala-ala."
Matapos ang pagdinig ay nagbunyi
sila ng labis pagkat nanalo sa kaso at sinintensyahang mabilanggo ng apat na
pung taon Sir Barry na siya namang ikinalubag ng husto ng loob ni Rina. Masaya
man si Rina sa naging hatol ng Judge ay naiwan naman sa kanyang sinapupunan ang
bakas ng mapait na kahapon na kailanman ay di malilimutan bilang masaklap na
bahagi ng kanyang kabanata. Gayunpaman ay hindi binalak ni Rina na ipalaglag
ang bata, bagkus ay ginawa ang lahat ng naisip na paraan, manatiling lamang
nakakapit ang bata at itinuring na niya itong kadugtong ng buhay kahit ang
taong bumaboy ng husto sa kanya ang ama ng batang dinadala.