Lunes, Mayo 29, 2017

Tangled Love

Prologue



Siya si Rene na simula pagkabata pa lamang ay kakikitaan na sa sarili na may iba sa kanyang kasarian. Sa una ay hindi niya mapagtanto kung ano talaga ang gusto niya subalit hindi maglalaon ay makukumpirma niya sa kanyang sarili na siya’y isang bakla. Hindi niya lang maipakita sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa ama, sa takot na itakwil ito. Madalas, nakakaranas siya ng panunukso mula sa mga tao dahil sa kanyang kasarian subalit may kaibigan naman siyang palaging nagtatangol at siya si Baby. Tanging si Baby ang nakakaalam ang tungkol sa kanyang kasarian. Iyon nga lang, nakokonsensiya si Rene sa paglilihim lalong-lalo na sa Ina, sa kadahilanang malapit ng husto ang loob nito sa kanya. Para kay Rene, mapalad siya dahil namulat sa ganong klaseng ina na maaruga, mapagmahal at pinapahalagahan siya bilang anak.
 Kung anong ikinaganda ng pakikitungo ng kanyang ina kay Rene, kasalungat naman sa kanyang ama pagkat pakiramdam niya, ang layo ng loob nito at madalas ay napapagalitan. Parang hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng isang ama, gayunpaman ay naging mabuting anak pa rin si Rene sa kanyang ama, sa katunayan ay inaalagaan niya ito sa tuwing may sakit. Dumating ang panahon na pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina at naging masakit iyon para kay Rene, lalo na’t hindi niya nasabi ang tunay nitong pagkatao. Anumang pag-iingat ang gawin ni Rene para maitago na siya’y isang sirena, hindi rin magtatagal ay matutuklasan ng kanyang tatay.

Kinagabihan at habang tulog ang kanyang mga kapatid.
“Wow, ang ganda-ganda pa rin ng bestida ni inay kahit luma na. Kasya kaya ito sa akin? Ahm masukat nga.” Sabi ni Rene na tuwang-tuwa habang sinusukat ang bestida ng kanyang nanay.

“Ah, kasya nga, bagay na bagay sa ‘kin, wait parang may kulang.” Kukuhain nito ang lipstick ng kanyang kapatid at ipapahid sa labi. Maging blush on ay pagdidiskitahan din nito.

“Ayan, wapak na wapak ang ganda ko dito. Kasing ganda ko na dito si Pia Wurtzbach.” Masayang sabi nito sa sarili na nangangarap na maging babae. Habang sayang-saya si Rene sa paggamit ng lipstick ay hindi nito namamalayan ang pagpasok ng kanyang ama sa kwarto nito at ikakagulantang ng loob ang mga makikita.
“Rene! Bakit suot mo yang bestida ng ina mo?!” Pasigaw na tanong ng ama nito na bakas sa mukha ang pagkagulat. Nginig sa takot si Rene kaya nagpalusot ito.

“Ah eh, ano kasi ‘tay, may pagsasadula kami bukas. Babae ang role ko tapos, tapos kaya ko isinusukat ang bestida ni inay kasi gagamitin ko itong costume sa play namin.” Pagkakaila ni Rene subalit hindi agad maniniwala ang tatay nito.

“Ako ba ay pinagloloko mo, eh bakit nagli-lipstick at make-up ka ha?! Umamin ka nga sa akin, bakla ka ba? kasi nahahalata ka na.” Hindi agad makakaimik si Rene dala ng takot at pag-aalangan.

“Sagot! Bakla ka ba?!” Magdadahilan muli si Rene para makaligtas sa nagbabagang salita ng kanyang tatay.

“Ah, ano po kasi tatay, kaya ako nagli-lipstick, tini-“ Maantala ang kanyang sasabihin.

“Rene! Huwag ka nang magdahilan, huling-huli na kita. Nakita ko sa papel mo, may pa-Flames flames ka pa at sino yung lalaking naka-wallpaper sa phone mo?!”

“Patay, buko na talaga ako nito kay itay, anong gagawin ko?” Nag-aalalang sabi nito sa sarili.

“Sagot! Hindi ka sasagot o baka naman gusto mong ipakaladkad kita sa labas habang hinahambalos ng sinturon! Sumagot ka!” Malakas nitong bubuntalin si Rene at dahil bukong-buko na, lalakasan na ni Rene ang loob para umamin.

“Oo tay! Bakla ako. Bakla ako pero mabuting anak naman ako sa inyo!”

“Walang hiya ka, lapastangan kang bakla ka! Alam mong isang kahihiyan ang pagiging bakla! Hindi, hindi totoong bakla ka! Wala akong anak na bakla, magpakalalaki ka nga! Please lang, alang-alang sa pamilya natin. Kung ayaw mong kamuhian kita at itakwil!”
“Itay, kahit ano pang sabihin at gawin niyo, hindi niyo na mababago kung ano ako, ganito na ko at saka ano bang meron sa mga bakla, bakit galit na galit kayo sa kanila tay?! Tapos ayaw niyong magkaroon ng bakla sa pamilya natin.”

“Sapagkat ang mga bakla ay salot sa lipunan at makasalanan sa Diyos, kung nagbabasa ka ng bibliya anak, babae’t lalaki lang ang ginawa ng Diyos, kaya sila lang ang may karapatang mabuhay! Ano bang pagkakasala ko sa Diyos at nagkaroon ako ng baklang anak!”

“Mali kayo itay, hindi dapat ganon ang tingin ninyo sa mga bakla. Nasa kinikilos ng tao para masabi nating makasalanan sila, hindi binabase sa kasarian. Kaya itay, tanggapin mo ng may bakla kang anak. Magulang ka at dapat, kahit ano at sino pa man ako, tatanggapin mo!”
“Basta Rene, wala akong anak na bakla at kung hindi mo kayang magpakalalaki, maigi pang lumayas ka na dito’t huwag ng babalik pa!” Kukuhain ng ama nito ang kanyang mga gamit at ihahagis palabas. Kakaladkarin pa nito si Rene hanggang labas.

“Itay, bakit niyo po ba ginagawa ito sa akin! Patawarin niyo ko kung ganito ako, kaso ganito na talaga ako. Bakla ako!” Malakas na giit nito habang hinahatak siya palabas at nang makarating sila sa labas, hahatawin si Rene ng kanyang ama ng sinturon, ng paulit-ulit.
“Matapos akong magpakahirap sa paghahanap-buhay, ganito lang ang igaganti mo sa akin ha bakla ka! Ang lumandi, wala ka nang ibang inatupag kundi magbigay ng kahihiyan sa pamilya at sakit ng ulo sa akin. Kaya maiging lumayas ka na dito! Wala akong anak na bakla!”

“Huhuhuhu! Itay, huwag niyo itong gawin sa akin, parang awa niyo na. Please, pangako, magpapakatino ako, huwag niyo lang ako palayasin!” Panaghoy ni Rene habang nagsusumamo sa kanyang ama na huwag palayasin subalit buo na ang loob ng tatay nito.
“Mamili ka Rene, aalis ka o patuloy mong mararanasan ang hagupit ng sinturon ko?! Ano!” Hindi aalis si Rene sa kabila na batid niyang matitikman ang hagupit ng sinturon at nanggagalaiti na sa galit ang kanyang ama.

“Ayaw mong umalis, pwes matitikman mo ang hagupit ko, bakla ka! Dapat matagal ko na ‘tong ginawa sa iyo, nang sa ganon ay magtanda ka!” Hahatawin nito ng Sinturon si Rene na mas masidhi pa kaysa kanina at nang matamo na nito ang mga galos at sugat mula sa hagupit ng sinturon.

“Tama na itay! Tama na itay! Aalis na ko!” Saka lamang ititgil ang paghagupit sa kanya ng sinturon at dadamputin ang mga gamit at aalis.
“Huwag ka nang babalik dito, salot ka!” Sigaw ng kanyang tatay habang naglalakad palayo si Rene.
Nang palayasin si Rene ng kanyang malupit na ama matapos ang nalaman nito na siya ay isang bakla, magtutungo ito sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Baby para makitira pansamantala.
“Oh Rene, malalim na ang gabi pero bakit pumarito ka, at saka bakit may dala kang bagahe? May mga sugat ka pa sa katawan?” Tanong sa kanya ni Baby na gulat na gulat at alalang-alala.

“Friend may nangyari kasi. Pinalayas ako ng tatay at hinataw-hataw ng sinturon.” Tugon naman sa kanya ni Rene.

“Ha, pinalayas at pinalo ka pa?! Kawawa ka naman, pero bakit?” Gulat na gulat na tanong ni Baby.

“Alam na kasi ni Tatay ang tunay kong pagkatao, na isa akong bakla.” Tatangis ito bigla.

“Ha grabe naman pala ang tatay mo, nalaman lang niyang bakla ka, pinalayas ka na. Anong klase naman siyang magulang kung ganon, na sarili niyang anak, nagawang itakwil ng ganon-ganon lang.”

“Kaya nga Bestie, pakiramdam ko, parang ayos lang sa kanya na mawala ako, parang wala nga siyang pakialam. Alam mo nung una palang, kahit hindi pa alam ng tatay ang totoo sa pagkatao ko, parang ang layo ng loob niya sa akin at hindi niya mapantayan kung anong pagmamahal ang ibinibigay sa akin ni ina. Hindi ko siya maunawaan. Tingin ko, hindi lang dahil sa bakla ako kundi may iba pang dahilan kung bakit ganyan siya sa akin.” Mangiyak-ngiyak na sambit nito kay Baby.

“Eh ano namang dahilan ang naiisip mo kung bakit ganyan makitungo sa iyo ang tatay mo sa simula pa lang?”

“Hindi ko nga alam, basta parang may mali sa pakikitungo niya sa akin. Sa mga kapatid ko, ayos naman siya pero kapag sa akin, parang may iba. Tapos madalas pa niya akong pagalitan kahit kaunting pagkakamali lang. Nung namatay si inay, pakiramdam ko ay nawalan ng kakampi kasi siya ang nagtatanggol sa akin kapag napapagalitan ni itay.”

“Kung ganon bestie, saan ka ngayon titira?”

“Hindi ko alam eh, pwede bang tumuloy muna ako sa inyo?”

“Kung ako ang tatanungin, ayos na ayos sa akin na patuluyin kita, magkaibigan tayo, pero itatanong ko muna kina Inay kung pwede ka bang tumuloy sa amin.” At aalis si Baby para puntahan ang kanyang ina at tanungin. Pagkabalik ni Baby.

“Rene, pasensiya ka na, di kita mapapatuloy sa amin, hindi pumayag ang Mama ko, nakiusap na ko sa kanya pero hindi talaga.” Habang humihingi ng paumanhin si Baby kay Rene ay may maririnig sila.

“Ano ba Baby, paalisin mo na yan at matulog ka na dito, isturbo naman yang kaibigan mo!” Sigaw ng Nanay ni Baby na nasa kwarto.

“Oh paano Bestie, alis na ko. Ayaw ng nanay mo na tumira ako dito eh.”

“Eh saan ka ngayon tutuloy? Gabing-gabi na, delikado na rin sa daan at baka kung mapaano ka pa. Kaya mo bang maglakad, lalo na’t may mga sugat ka?” Pag-aalalang tanong ni Baby sa kanya.

“Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko ang aking sarili at salamat sa pag-asikaso.”

“Bago ka umalis, gagamutin ko muna ang sugat mo.” Pag-aatubili ni Baby sa kanya.

“Huwag na Baby, abala pa sa iyo. Sige alis na ko.” At aalis na nga si Rene.

“Sana may mahanap kang matutuluyan.” Pahabol na sambit ni Baby kay Rene habang ito ay umaalis.
Dahil tinanggihan si Rene ng nanay ni Baby na tumuloy sa kanila, nagpalaboy-laboy ito sa lansangan, kahit iniinda niya ang mga sugat likha ng latay ng sinturon ng kanyang ama. Kinalaunan at nang hindi na kaya ni Rene ang maglakad dahil sa sakit ng mga sugat, natumba ito at nawalan ng malay. Saktong pagkabuwal ni Rene ay may dumaang magarang kotse. Mabuti lang, mabait ang lulan nito kaya hinintuan si Rene at isinakay. Nang magkamalay si Rene ay magugulat na lamang ito pagkat nasa mansion at palaisipan kung sino ang pumulot sa kanya.
“Asan ako? Kaninong bahay kaya ito?” Gulat na gulat sa kanyang mga nakikita at mahahalina ng labis.

“In Fairness, ang rangya ng bahay at ang laki-laki, never pa ko nakakaapak sa ganitong karangyang bahay. Totoo ba itong nakikita ko o baka isang panaginip lang.” Sasampalin ni Rene ang mukha nito dahil sa pag-aakalang nanaginip lamang ito at magigising subalit walang magbabago.

“Uhhmmp! Aba, hindi ako magising. This is means na hindi ito isang panaginip at totoo nga, maging mga kagamitan ay nahahawakan ko. Wow naman, ginawa naman akong prinsesa at para akong nasa palasyo. But wait, sino kayang nagmagandang loob at dinala ako dito?” Habang manghang-mangha si Rene sa kanyang mga nakikita ay may magbubukas ng pintuan at papasok ang isang katulong, dala ang pagkain para sa kanya.
“Oh iho, gising ka na pala?” Tanong ng yaya sa kanya.

“Ay oho, obvious naman, hindi ba?” Pabirong sambit ni Rene sa katulong at ilalapag ng katulong ang dala nitong pagkain. Nang paalis na ang katulong, pipigilan ito ni Rene para magtanong.
“Ay teka, teka! Kayo po ba ang nakapulot sa akin?”

“Ay hindi ho, yung amo namin ang nakapulot sa inyo.” Mahinahong tugon ng katulong sa kanya.

“Sino po ba ang amo niyo?” At makikilala ni Rene kung sino ang kumupkop sa kanya.

“Si Ms. Larrazabal po at siya rin ang may-ari ng mansyong ito. Nakita ka niya kasi habang pauwi, paharang-paharang sa daanan. Naawa naman siya kasi puro sugat ka sa katawan kaya inuwi ka niya dito. At saka habang tulog ka, inutusan niya kaming gamutin ang mga sugat mo.” Manlalaki ang buka ng bibig ni Rene pagkat hindi ito makapaniwala sa sinabi ng katulong.”

“Ay ganon po ba, pakisabi sa kanya, salamat sa pag-aaruga, kahit hindi niya ko kilala. Napakabuti niya.”

“Teka muna iho, ano nga palang Name mo at saan ka nakatira?”

“Rene.” Magpapakilala sana siya nang biglang tawagin ang katulong ng kanyang amo na si Ms. Larrazabal.

“Opo Ma’am, sandali lang! sandali lang ahh, Re-rene. Kumain ka muna diyan.” Lalabas ang Yaya at pagkabalik ay kasama na nito si Ms. Larrazabal. Pagkaharap ni Rene sa kanya.
“Ay hello po, Ma’am Larrazabal.” Pangiting bati nito kay Ms. Larrazabal at ngingitian rin ito.

“Hello din sa’yo, Rene. Kamusta ang pakiramdam mo?”

“Mabuti po Ma’am at saka hindi na rin masakit ang mga sugat ko. Pero pano niyo po nalaman ang pangalan ko? Nakakatuwa na kilala niyo pala ako.”

“Ahh, sinabi kasi ni Conching ang pangalan mo sa akin. Teka, ano bang nangyari at naglalakad ka ng dis-oras ng gabi? Tapos may mga sugat ka pa.” Tanong ni Ms. Larrazabal sa kanya at ilalahad ni Rene ang tunay na dahilan. Magkahalong awa at gulat ang mararamdaman ni Ms. Larrazabal sa mga inilahad ni Rene.
Sa awa ay ninanais na niyang kupkupin si Rene, sapagkat nawala na ang anak at asawa nito para maibsan ang kanyang pangungulila, kaso ay binabagabag siya ng konsensiya sa kadahilanang buhay ang totoo nitong pamilya at batid nitong masakit sa loob ng magulang na mapawalay sa anak, kaya napagpasyahan niyang ibalik si Rene sa pamilya nito.
“Ah ganito Rene, kapag magaling-galing na ang mga sugat mo. Ibabalik na kita sa inyo. Sa ngayon ay manatili ka muna dito at magpahinga.” Sambit ni Ms. Larrazabal sa kanya subalit tatanggi si Rene sa naging pasya ni Ms. Larrazabal dahil sa nararanasan nitong trauma mula sa kanyang ama at batid nitong itinakwil na siya.

“Ma’am, Mawalang galang na po, pero hindi na po ako tatanggapin sa amin, matapos akong itakwil ni itay. Panigurado, bugbog muli ang abot ko kapag bumalik ako dun. Kaya Ma’am, pakiusap, huwag niyo na po ako ibalik sa kanila. Please!”

“Rene, tatay mo pa rin siya kahit anuman ang ginawa nito sa iyo at naniniwala ako na matatanggap ka pa rin niya sa kabila na hindi kaibig-ibig sa kanya ang kasarian mo dahil walang magulang ang kayang tiisin ang anak. Malay mo naman, sa mga oras na ito, nag-aalala na ang tatay mo sa’yo at kaya naman niya nasabi iyon, sa kadahilanang galit ito. Siguro naman Rene, hindi na galit ang itay mo sa iyo kapag pumunta tayo dun at baka pagsisihan pa nga niya ang nagawa sa iyo at humingi ng tawad, kaya sige huwag ng matigas ang ulo at bumalik ka na sa kanila.”

“Pero Ma’am, paano kapag ayaw na talaga akong tanggapin ni itay bilang anak niya at hindi nagsisisi sa nagawa. Tapos makakatikim nanaman ako ng pananakit sa kanya at palayasin. Ayaw ko nang maranasan iyong muli, kaya pakiusap Ma’am, huwag niyo po ako ibalik sa kanila. Kung gusto niyo, magtatrabaho ako sa inyo, pagsisilbihan ko po kayo, habang nanunuluyan ako dito, ayos lang iyon sa akin, basta huwag niyo lang ako ibalik sa malupit kong tatay, o kung ayaw niyo naman, ako na po ang kusang aalis.” Nagsusumamong pakiusap ni Rene kay Ms. Larrazabal na halos umiyak na sa pagmamakaawa.
Hindi na nagmatigas pa si Ms. Larrazabal at sa sobrang awa nito sa sinapit ni Rene at dala na rin ng pangungulila sa pagkawala ng kanyang asawa at anak matapos ang trahedya, ilang taon na ang nakakaraan, napakiusapan din siya na huwag nang ibalik si Rene sa kinagisnan nitong pamilya. Magmula noon, itinuring na ni Ms. Larrazabal si Rene bilang tunay na anak, hindi man nanggaling sa kanya at ibinigay lahat ng pagmamamahal at pag-aalaga gaya ng isang tunay na ina. Para makalimot si Ms. Larrazabal sa madilim na kanyang sinapit, nag-asawa muli ito ng isang mayamang businessman na si Don Licundo na patay na patay sa kanya. Hindi naglaon ay nagkaroon ng supling si Ms. Larrazabal kay Don Licundo at kahit hindi kadugo ni Rene, dahil kabahagi na ng pamilya ay itinuring na nitong tunay kapatid ang anak ni Ms. Larrazabal na si Jessica. Naging marangya ang buhay ni Rene sa piling ng bagong pamilya at nakukuha ang mga gusto niya. Pakiramdam niya, mala-fairytale ang takbo ng buhay niya. 






Chapter I
First Crush



Makaraan ang apat na taon nang makatungtong si Rene sa High School. Likas kay Rene ang palakaibigan bukod sa masiyahin kaya kahit maikli pa lamang ang panahon na siya ay nasa high school, nakahanap na agad  siya ng mga taong handang tumanggap kung ano siya. Sa kabila niyon ay makakaranas pa rin siya ng panunukso mula sa kamag-aral dahil sa kanyang kasarian subalit palaban si Rene at hindi papayag na magpaapi. Abala sila sa paggawa ng project ng mga kamag-aral nito. Panay ang tawanan ng kasamahan ni Rene, maliban sa kanya na nakabusangot ang mukha at hindi mapagsidlan ng kasiglahan.
“Rene, may problema ba sa’yo? Kanina pa kami tawanan dito pero ikaw, tahimik.” Tanong ni Cristy na kanyang kaklase at hindi na magpapatumpik na sasabihin ang dahilan.

“Paano, ka-badtrip yung nag-chat sa akin day sa FB!” Mainit-init na bungad nito sa kanila na tila naiirita.

“Bakit ano bang sinabi sa FB Chat at labis kang nababanas?” Tanong naman ni Ashley.

“Asarin ba naman akong bakla at kung ano-ano ang sinasabi. Oo, alam ko na bakla ako, di ba mga sis pero kapag tinawag ako sa ganyan, dating sa ‘kin nang-aasar. Hello may pangalan ako. Aywan ko ba, bakit may mga taong hilig gawing fun time ang pang-aasar, hindi naman nila ikakaasenso.”

“Sino ba iyang nagtsa-chat sa’yo?” Tanong ng isa pa nilang kasama at ipapakita ni Rene ang account ng taong nang-aasar sa kanya.

“Ah parang pamilyar sa akin ang mukha. In Fairness Sisy, may hitsura.” Sambit ni Cristy na kita sa mukha ang pangangasim.

“Oo nga Cristy at saka dito rin sa School natin ito nag-aaral.” Sabi naman ni Ashley.

“Baka kaya ka inaasar, kasi may gusto sa’yo yan. Uyy!” Pambubulyaw di umano ni Cristy kay Rene habang higad na higad.

“Hala kawawa sa’yo, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Kahit siya na lang ang matirang lalaki sa Mundo, dah, never ko siyang papatusin. Malas lang niya kapag nagkita kami sa school, bubuhusan ko ng asido ang mukha niya, nang sa ganon ay wala ng babaeng magkakandarapa sa kanya.” Yamot na yamot na sabi ni Rene sa kanila.

“Hard mo naman sa kanya mare, kung ako sa’yo, blinak ko yan. Pero anyare, bakit hindi mo blinak? Kasi gwapo siya at manghihinayang ka kapag ginawa mo iyon. Ayun naman diba?”

“Tama ka Ashley, kaya nga siguro noh, Rene, aminin, na nagagagwapuhan sa kanya kaya hindi mo magawang i-block.”

“Ano ba mga sis, tigil-tigilan niyo nga ko sa mga patutsada niyo, di kayo nakakatuwa. Akin nga ang cellphone ko.” Ibibigay ni Ashley ang Cellphone nito at ipapakita ni Rene ang pag-block sa kanya.

“Ayan mga sis, blinak ko na siya, siguro naman ititgil niyo na ang mga agam-agam niyo at nang tigil-tigilan na niya ko sa pangsa-cyberbully. Okey.” Tatahimik sila at magpapatuloy sa paggawa ng project.
Pagkauwi ni Rene mula sa eskwelahan, ia-unblock nito ang taong namimikon sa kanya sa Chat. 
“Sino ka nga ba, Quintin Cordez, bakit mo ko inaasar sa Chat? In fairness, may hitsura ‘to. Siguro kailangan muna kita kilalaning maigi, bago ako magalit sa iyo. Ayan, ia-unblock muna kita, but! It’s temporary. Patay ka talaga sa ‘kin kapag nagkita tayo! Pagsisihan mo ang araw na inaasar mo ko.” Galit nagalit na sambit ni Rene habang tinititigan ang litrato ni Quintin Cordez at sa kagustuhang makilala nito ng lubos, ini-stalk ni Rene ang kanyang account.
“Nag-aaksaya lang ako ng panahon sa’yo, wala namang makuhang impormasyon, maitigil muna nga itong pang-i-stalk at makanuod ng TV.”
Isang araw at nang kanilang breaktime, habang kasama ni Rene ang mga kaibigan nito na naglalakad patungong Canteen, magtataka ito nang may makasalubong silang isang lalaki, may katangkaran ito at hindi aakalain ni Rene na babatiin siya.
“Hi Reneboy.” Pangiting bati sa kanya ng lalaki at magtataka si Rene kung bakit siya kilala.
“Tama ba ang narinig ko mga Sis, bakit niya ko binati?” Mahinang tanong nito sa mga kasamahan at dahil sa pagtataka ay tatawagin nito ang lalaking nakasalubong nila.
“Kuya saglit lang!” Matitigilan ang lalaki sa paglalakad at nang magtama ang tingin nila sa isa’t isa, mapapaisip bigla si Rene at mapapatitig lalo siya sa lalaki hanggang sa may mapagtanto siya.
“Nagkakilala na ba tayo dati? Para kasing pamilyar ka sa akin.” Biglang matatawa ang lalaki sa kanya dahil ipinagtataka nito ang mga reaksyon ni Rene.

“Hahahaha! Hindi mo na ba ako natatandaan, Reneboy, Reneboy Larrazabal?” Ipinagpatuloy ni Rene sa pagkilala sa lalaki sa pamamagitan ng paningin at nang masigurado niya ang pagkakakilanlan, saka lamang ito magsasalita.

“Kilala kita, anong akala mo sa ‘kin, shunga Mr. Quintin Cordez!” Bigla niyang tatapik ng malakas si Quintin dahil sa inis at sa pang-aasar na ginagawa nito sa kanya subalit kaagad din hihinahon si Rene at magtatanong.
“Bakit mo ba ako kilala, hindi naman kita kilala, tapos may gana ka pang mang-asar sa Chat, hitad ka!” Madiin-diing tanong ni Rene kay Quintin at dito ay sasabihin niya kung paano nakilala si Rene.

“Anak ako ng may-ari ng School Supply na madalas niyong pinagbibilihan ng kapatid mo na malapit sa Mall. Ang ingay-ingay mo nga kapag bumibili, parang pu-wet ng manok ang bibig. Kaya kapag nandoon ka, pinapasakan ko na lang ng bulak ang teynga ko!” Pabirong hirit ni Quintin sa kanya subalit mapipikon si Rene.

“Wow ha, hiya naman ako sa pinagsasabi mo, Antipatikong Mokong! Sorry ahh kung naingayan ka sa akin kapag bumibili ako. Sa susunod po, di na ko bibili sa inyo, nang sa ganon ay matahimik na ang kaluluwa mo, hmmp!”

“Talaga Bakla, Bakla! Bakla, bawal ang bakla sa amin at saka kahit anong gawin mo, magsuot ka ng kung ano-ano, still, you’re not a girl. Hanggang pangarap na lang yan, bro!”
“Aba bastos ‘tong salipungod ka, kapal ng mukha! First of all, you have no right to tell me that way, just because your appearance is not consider as pleasing and it’s too gross, pati pag-uugali mo gross na gross! Kung ganto rin naman, aba’y terno ka Bro.” Ngitngit na ngitngit na pangtapat ni Rene sa sinabi ni Quintin. Umiinit na ang bangayan ng dalawa na muntikan nang magpang-abot nang maantala dahil pinigilan si Rene ng mga kaibigan nito.
“Naku Mama Rene, umalis na tayo dito, huwag mo nang pinagpapatol ang mga ganyan.” Sabi ng kaibigan ni Rene na si Issa at aalis na sila. Habang nasa Canteen sila ay badtrip na badtrip si Rene dahil sa mga sinabi ni Quintin at nag-uumusok ng husto ang kanyang ilong.
“That guy has no breeding, makapagsalita, akala ipinanganak sa mundong perpekto, eh mukha namang impakto and besides, hindi pala siya kagwapuhan sa Personal. I think kaya gwapo siya sa picture niya sa FB, just because, he applied filter, Am I Right?! Bwisit siya, Bwisit!”

“Rene, Chill ka lang, I think kaya niya lang nasabi iyon dahil ginu-goodtime ka lang niya at gusto makipag-kaibigan sa’yo, ikaw naman napikon agad. May mga taong ganun ang paraan ng pakikipagkaibigan.” Sabi ni Ashley sa kanya.

“Hello, sino ba naman ang hindi mapipikon sa sinabi niya. Makapagsalita parang nangmamaliit at hinamak-hamak niya ang pagkatao ko. “

“Hayaan mo na Rene, huwag mo na lang isipin ang mga sinabi niya, lalo ka lang mai-imbyerna. Ang mabuti pa ay kumain ka na. Kanina ka pa kuda nang kuda, wala ka pang nalalamon.”
“Basta, ito na ang huling pagkakataon na dudustahin niya ko ng harap-harapan at hindi na ko papayag. Kahit na ganito ako, isang bakla na tingin niyong malaking lelembot-lembot, aba’y nagkakamali pagkat kapag ako kinanti, lumalaban ako.” Madiin-diing sabi nito sa mga kasamahan. Nasundan pa ang pang-aasar ni Quintin sa kanya nang sila ay magkita muli sa hindi inaasahang pangyayari subalit hindi na kasing harsh, gaya ng una silang magkita.
“Hi Baklush! Ang ganda naman ng suot mong hairband. Kaso walang pinagbago, mukha ka pa ring bakulaw.” Pang-uuyam na sambit ni Quintin nang sila ay magsalubong. Makakaramdam ng inis si Rene at magbibitaw ng mabibigat na salita.

“Ikaw nanaman, takti, ganda-ganda ng araw ko, sisirain mo lang mukhang punggok na pulpol ang utak! Kapag hindi kita matantsa, baka ipatikim ko sa’yo ang natatago kong amats at pagsisihan mong nilalait-lait mo ko! Hinayupak ka!” Ngingisi si Quintin imbes na maasar sa sinabi ni Rene at manghahamon.

“Sige nga, gawin mo, huwag puro sabi nang makita ko naman na may binabatbat ka at gaano ka kaangas. O baka naman naduduwag ka kasi binabae ka’t lampa!”

“Bakit mo ba ako inaasar, inaano ba kita?! Ano bang kasalanan ko sa’yo ha!” Pasigaw na tanong ni Rene at sasagot sana si Quintin nang biglang dumating ang mga kaibigan niya at tawagin.

“Uy Rene, nandito ka pala?” Sabi ni Cristy sa kanya.

“Ikaw ah, kasama mo pala si Quintin, ang lalaking kinaiinisan mo but deep inside, kinagigiliwan ng puso mo, uy aminin.” Pabirong sambit ni Ashley sa kanya na ang totoo ay inuugnay niya ang dalawa.

“Ano, nagkaayos na ba kayong dalawa?” Tanong ni Cristy sa kanya.

“Hindi at saka duh, never akong magkakagusto sa ganyang tao na barumbado, OVER MY DEAD BODY! For your info, isa siyang bangin na tanga lang ang mahuhulog noh.” Pataray na tugon ni Rene na tila naninindig ang mga kilay.
“Grabe ka naman sa ‘kin Rene, magsalita akala kagandahan. Eh sa’yo, walang lalaking mahuhumaling kahit mga Papa. Mga pipitsuging desperado, siguro!” Magpapatuloy ang dalawa sa pag-aasaran hanggang sa awatin sila ni Ashley.

“Tingnan mo ‘tong dalawa Ashley, panay ang asaran, ang kulit. Hindi ako magtataka na balang araw, mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

“Hoy tigilan niyo na yang dalawa, halika ka na Rene at may klase pa tayo.” Sambit ni Ashley sa kanila.

“Magpaalam ka na sa Special Someone mo, Rene.” Pabirong sabi naman sa kanya ni Cristy.

“Hindi pa tayo tapos, Antipatikong pulpol!” Pahabol na sambit ni Rene kay Quintin. Hindi maglalaon ay aayos rin ang pakikitungo ni Quintin kay Rene subalit ang yamot sa dibdib niya ay hindi pa rin mababawasan. Hindi makakapaniwala si Rene sa gagawin sa kanya ni Quintin.
“Hi mga girls, pati sa’yo Rene.” Pangiting bati sa kanila ni Quintin at babati din sila sa kanya maliban kay Rene na makukuha pang umirap ang mata.
“Hi daw Rene.” Sabi ni Cristy sa kanya.
“Hayaan mo siya, mangti-trip nanaman yan sa akin. Ayaw kong ma-beast mood muli day.” Mahinang sabi nito kay Cristy.
“Mga girls, pwede ba ko sumabay sa inyo sa pagkain? Kung okey lang kay Rene?” Tanong ni Quintin sa kanila at iiral ang gulat sa dibdib ni Rene.
“Ano Rene, pumapayag ka na makasama natin siya. Sige na, pakipot ka pa, pagkakataon mo ng makasama ang Special Someone mo.” Pabirong sambit ni Ashley kay Rene.
“Special Someone ka diyan, tigilan mo nga ko diyan. Kadiring Pag-ibig!” Lalo pang magugulat si Rene sa sasabihin ni Quintin at hindi makakapaniwala.
“Kung hindi ka talaga natutuwa sa akin Rene, gusto kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko nitong mga araw. Ganon lang talaga ako makipagkaibigan, idadaan sa pakikipagbiruan, masasaktan ang loob mo kapag sineryoso mo. Sorry talaga sa mga sinabi ko.” Hindi iimik si Rene pagkat hindi talaga ito makapaniwala sa ginagawa ni Rene.
“Ano ka ba Rene, patawarin mo na. Siya na ang humihingi ng tawad sa’yo, choosy ka pa.” Pag-uudyok di umano sa kanya ni Ashley.
Ipapakita ni Quintin ang dalawang daliri nito kay Rene, tanda na ito ay nakikipag-ayos. “Peace!” Sabi nito kay Rene at mapapalitan ng tuwa ang kaninang yamot sa dibdib. Dahil sa namayaning tuwa, hindi na ito magmamatigas pa.
“Sige na nga, pinapatawad na kita. Peace din. Basta huwag mo ng uulitin ang mga ginawa mo sa akin. Kasi hindi nakakatuwa. Ibang klase ka rin, ininis mo pa ko, gusto mo naman pala makipagkaibigan sa amin.”
“Ano pwede ba ko sabay na ko sa inyo?” Tanong nito sa kanila na nakikipagkaibigan
“Sure why not.” Pangiting sambit ni Rene sa kanya at aalis na sila.
Hindi maipaliwanag ni Rene ang mararamdaman nito matapos humingi ng tawad sa kanya si Quintin kung bakit bigla na lamang siya natuwa at parang may iba. Basta ang sa kanya lamang ay masaya ito. Madalas na nilang makasama si Quintin sa tuwing kakain at habang tumatagal ay lalo pang lumalapit ang loob ni Rene kay Quintin. Nakakatuwang kahalubilo si Quintin at ugali nito ang mambara at mang-trip sa mga kapwa nito, bukod pa doon ay pinagpala ang kanyang hitsura at tila bagang ang lambing-lambing ng mukha kung pagmamasdan, katangian na siyang nagtulak kay Rene para makaramdam ng bagay na hindi niya maipaliwanag.
Habang sila ay nasa Canteen at pagkaalis na pagkaalis ni Quintin.
“Ano ‘to mga sis, hindi ko lang maipaliwanag kung bakit nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing kasama natin si Quintin.”
“What do you mean nag-iiba?” Tanong ni Issa kay Rene na nalalabuan.
“Parang sumasaya ang bawat sandali ko, hindi lang masaya, basta parang may something sa dibdib ko at parang kumakabog ito ng mabilis, tapos nagagawa kong magpapansin sa kanya kapag nandito ito. Nage-gets niyo ba kung ano ang sinasabi ko?”
“Oo naman, naiintindihan ka namin, naiintindihan namin kung ano ang nasa loob mo dahil dati ko ng naramdaman iyan. Sabi ko na nga ba, may gusto ka kay Quintin, hindi ba? At saka ganyan ang feelings ng isang tao kapag umiibig, nag-iiba ang pakiramdam kapag nandiyan ang taong nagpapatibok ng puso nila.”
“Ako may gusto sa kanya, no way. Hindi ba pwede masaya lang ako kapag nandiyan siya, kasi nakakatuwa itong kasama. Basta, naguguluhan ako sa nararamdaman. Tapos, parang hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya o hindi nakikita.”
“Eh kasi, in-love ka at saka nagde-deny ka pa. Sa mga sinasabi mo, patunay na may nararamdaman ka na kay Quintin, in short Crush mo siya, Ayieeeh! Sa edad mo na Fourteen Years old, imagine first time mo lang pala magka-crush, kaya gulat na gulat ka na ang nararamdaman mo, hudyat na may pagtingin ka na sa kanya. Kalian pa ba nagsimula ang pagka-crush mo sa kanya, I mean ganyang pakiramdam?” Tanong ni Cristy sa kanya.
“Simula nang makilala ko siya, parang nag-iiba ang pakiramdam ko. Naba-badtrip ako sa kanya kapag inaasar-asar niya ko pero bakit ganon, hindi ko magawang mainis sa kanya ng lubos-lubos. Hindi rin ako makatulog sa gabi, parati kasi siyang nakatanim sa utak ko. Para niya kong minumulto.”
“Uy, in-love ka na talaga kay Quintin. Ano, sabihin na ba naming kay Quintin na nagkakagusto ka sa kanya?” Tanong ni Ashley sa kanya at saka lang mare-realize ni Rene na may feelings na nga ito kay Quintin.
“Oo, sabihin nating crush ko siya, pero crush lang that it means you admiring some of his good characteristics or personalities but hanggang dun lang at hindi ako nangangarap na maging kami Someday. Please, mga sis, huwag na huwag na makakarating sa kanya. Ikinakatakot ko kasi ang magiging reaksyon niya, lalo na’t parehas kami ng kasarian. Atin-atin lang ito.” Sabay isusubo ni Rene ang binili nitong Fita Shawarma at aalis na rin sila.



Chapter II
Broken-hearted



Nagpatuloy sa pagpintig ng puso ni Rene kay Quintin at dahil unang beses pa lamang niya maranasan ang ganito, hindi nito makontrol ang nag-uumapaw na saya, lalo na kapag kaharap niya ito at kausap. May mga pagkakataon na nauutal siya at kinikilig subalit hindi siya nagpahalata at pilit na itinatago ang nararamdaman. Para kay Rene, si Quintin lamang ang kaligayahan nito sa bawat araw na dumaraan at hindi siya makapaniwala na magkakagusto sa tao na dati lang ay kinaiinisan niya, the more you hate, the more you love talaga. Naging tulay ang pag-ibig ni Rene para magsumikap pa lalo sa pag-aaral at naging First honor pa nga sa kanilang klase. Bawat umagang sasapit, gandong-ganado siyang pumasok, makita lang si Quintin subalit makaraan ang anim na buwan ay makakaramdam si Rene ng tila pagseselos, nang marinig nito kay Quintin na may napupusuan nang babae.
“Pre, ang aliwalas naman ng mukha mo ngayon, dinaig pa ang panahon. Sino ang nagpapasaya sa’yo?” Sabi ng katropa ni Quintin.
“Oo, nagkita nanaman kasi kami ni Althea, yung true love ko. Ang ganda niya at sintamis ng kendi ang labi.” Sabi nito sa kanyang katropa.
“Kailan mo ba siya liligawan, nang matapos na ang pagpapantasya mo sa kanya? Napapansin namin, ilang araw ka ng nagkakaganyan sa kanya.” Sambit naman ng isa pa nitong ka-tropa. 
“Bahala na, hindi ko alam. Basta ngayon ay sapat nang nakikita ko siya sa araw-araw, maligaya na ko.” Ang hindi alam nina Quintin, naroroon lang si Rene at nakikinig. Dahil sa nalaman, hindi ito magpapakita kay Quintin at magpapatuloy sa pagtatago para pakinggan ang pinag-uusapan nila tungkol sa Crush ni Quintin.
“Oh my gosh, si Crushie, may natitipuhan? Hindi maari ito.” Bulong nito sa kanyang sarili na hindi makapaniwala sa narinig.
Habang kasama nito ang kanyang mga kaibigan
“Oh Sissy, ang lalim naman ng iniisip mo diyan.” Nagtatakang sambit ni Ashley sa kanya at kaagad nang magsasalita si Rene.
“Paano kasi si Quintin, may natitipuhan na pala siya. Paano na ko ngayon. Nagsisisi ako, dapat nung una pa lang, hindi na ko natakot pa at ipinagtapat na kaagad ang feelings sa kanya. Naunahan tuloy ako.”
“Rene, hindi mo masisisi si Quintin kung magkagusto siya sa iba, sa tunay na babae, natural lang iyon. Ngayong pakiramdam mo, nagseselos ka sa kanya, edi kailangan mo ng tanggapin na mapupunta siya sa iba. Aywan ko ba sa’yo bakla ka, magkukugusto ka lang, doon pa sa kapwa lalaki na hindi maaring maging kayo.” Panenermon ni Cristy sa kanya.
“Oo, may punto si Cristy, hindi maaring maging kayo kasi parehas kayong lalaki. Bakit hindi mo subukang patibukin ang puso mo sa babae, malay mo makahanap ka ng makakatuwang sa buhay at iyon pwedeng-pwede.” Payo sa kanya ni Issa.
“Hala, hirap naman ng pinapagawa niyo. Eh bakla nga ako at pusong babae, kapag pusong babae, malamang sa lalaki nagkakagusto at ganon ako. Sorry mga sis kung hindi ko kayo mapakikinggan, eh sa ganito na ko, hindi na mababago at matagal ko nang tinanggap at itinanim sa isip kung ano ako. Kaya hindi niyo ko maaaring diktahan at masisisi!”
“Sorry kung hindi mo naibigan ang mga sinabi namin sa’yo. Kaibigan mo kami Rene at ayaw namin na darating ang panahon, masasaktan ka kapag naging sila ng Crush mo. Kaya please lang Rene, iwaksi mo na ang nararamdaman kay Quintin at ibaling mo na lang sa iba, YUNG SA BABAE at sa babaeng makakaya kang tanggapin ng buo!”
“Tell me, ano ba ang gagawin ko para mawala ang feelings ko sa kanya?” Tanong ni Rene sa kanila na kita sa mukha ang pag-aalala.
“Simple lang, edi iwasan mo na siya at pigilan ang nararamdaman. Alam kong mahihirapan ka, pero iyon ang tamang gawin.” Payo sa kanya ni Ashley at susundin nga ni Rene ang ipinayo sa kanya. Sinubukan niyang iwaksi ang nararamdaman kay Quintin subalit napupurnada sa tuwing magkikita sila at mag-uusap. Umiiwas na nga si Rene sa kanya, ang kaso ay sadyang si Quintin ang lapit nang lapit at palatanong. Hindi na alam ni Rene kung ano ang kanyang gagawin at para na siyang sasabog. Hindi na kaya ni Rene ang nasa loob nito kaya babalakin na niyang magtapat kay Quintin.
Makalipas ang tatlong buwan at habang mag-isang nakaupo si Rene sa may Waiting shed, bigla itong lalapitan ni Quintin na bakas sa mukha ang saya at nasasabik sa sasabihin nito kay Rene.
“Bakit tila yatang hindi mapagsidlan ng tuwa ang mukha mo, Quintin?” Pangiting tanong ni Rene sa kanya na hindi maikukubli sa mukha ang pagkakilig nang sila ay magharap.
“May sasabihin kasi ako sa’yo Rene.” Makakaramdam bigla ng sabik si Rene sa kung anong sasabihin niya.
“Huwag mo na akong pasabikin, sabihin mo na agad kung ano yan.” Inip na inip na sa sobrang sabik.
“Natutuwa ako kasi, kasi.”
“Na Ano?”
“Sinagot na kasi ako ni Althea na niligawan ko kagabi. Sorry if ngayon ko lang nasabi sa’yo. Nagloko kasi ang Wi-fi namin kagabi.” Masayang-masayang tugon nito kay Rene na siyang magpapatamlay sa nararamdaman at hindi ito makapaniwala. Magagawa pa rin nguminiti ni Rene kahit bumibigat na ang kalooban sa selos.
“Natutuwa ako para sa’yo Quintin, sana maging maligaya ka sa piling niya at magtagal kayo.” Pangiting sabi nito sa kanya na ang totoo ay paiyak na at dahil pabigat na ng pabigat ang kalooban, minabuti na ni Rene na magpaalam kay Quintin.
“Ah sige, mauna na ko. Baka late na ko sa klase ko.” Magmamadaling iiwanan ni Rene si Quintin at nang makalayo, saka lamang niya maibubuhos ang nararanasang sakit at tatangis na tila namatayan.
“Ano ba ito, sayang, magtatapat na dapat sa kanya, taken na pala, huhuhuh!” Tatangis ito ng malakas.
Dahil sa sakit na kanyang nararanasan, hindi na ito papasok pa at magmumukmok mag-isa. Nang kanilang breaktime, saka lamang siya makikita nina Ashley na tila wala sa sarili at tulalang-tulalang nakaupo sa Library.
“Anyare sa’yo Sis, okey ka lang?” Mahinang tanong ni Ashley sa kanya at bigla itong mapapayakap ng mahigpit at iiyak.
“Huhuhuhu! Ang sakit! Ang sakit pala.” Mangiyak-ngiyak na sambit nito at nang mahimasmasan ay saka lamang siya maglalahad.
 Nagising naman si Rene at natauhan matapos siyang payuhan ng mga kaibigan at isinaisip na ganito pala ang pag-ibig, parang punching bag na oras na lumagay ka doon, maari kang masaktan gaya ng nararanasan niya. Ayaw na ni Rene na maranasan pa ang sakit kapag umibig, kaya magmula noon ay itinanim niya sa isipan na hindi na ito iibig pang muli at natatakot na baka masaktan muli. Para sa kanya, isang pagsisisi ang pag-ibig at hindi siya mapalad gaya ng iba lalo na’t isa siyang binabae at suwerte lang kung makatuluyan ang taong tinitibok ng puso sa kabila na talipa ang kasarian. Tumagal din ng ilang linggo bago makabangon si Rene mula sa sakit na tinamo sa pag-ibig at matanggap na hindi siya para kay Quintin at kinalimutan. Sa kabila na sawian sa lovelife, hindi naman naapektuhan ang kanyang pag-aaral at tanging doon na lamang itinuon ang sarili hanggang sa makapagtapos ng High School bilang Magna Cum Laude, sa tulong na rin ng kinikilala niyang pamilya at mga kaibigan. Naniniwala si Rene na ang inspirasyon, hindi lang nakikita sa taong tinitibok ng puso kundi sa mga taong nakapaligid sa’yo na bumubuo sa pagkatao. Mukhang wala nang balak pang buksan ni Rene ang kanyang puso para sa iba matapos ang kanyang mga naranasan. Pagkatungtong ng kolehiyo, kursong Psychology ang napili niyang kuhain at doon ay makikilala niya ang taong magpapatibok muli sa kanyang puso matapos ang mahaba-habang panahon.

First Year, Second Semester
“Oh best, dito ka rin sa Section na ito ngayong sem?” Gulat na gulat na tanong ni Rene sa kanyang Best Friend na si Anna.
“Oo, bakit ayaw mo ba at saka maganda kasi ang Sched dito. Hindi ko nga akalain na dito ka rin.” Tugon naman sa kanya ni Anna na masayang-masaya pagkat magkaklase muli sila ni Rene matapos lumipat nang ibang seksyon. Matitigil ang kwentuhan at lokohan nila nang may pumasok na isang professor.
“Hi Goodmorning Class, I’m Miss Lea Jacer, I’m your instructor for this human development subject.” At isa-isa niyang tatawagin ang mga estudyante para sa recitation.
“Ano ba yan Anna, First day of class, recitation agad.” Mahinang sabi nito kay Anna at nang may tawagin ang kanilang professor na isang lalaki na bukod tanging nakasibilyan sa klase, labis na mahahalina si Anna hitsura nito dahil matangkad ito at kaakit-akit ang kakisigan.
“Uy bakla, nahanap ko na ang ka-spark ko.” Masayang-masayang sambit ni Anna sa kanya na kita pa lalo sa mukha ang pamumula.
“Eh sino naman yang sinasabi mong ka-spark?” Tanong sa kanya ni Rene at ituturo ni Anna kung sino ang kanyang tinutukoy.
“Iyan, iyan ang ka-spark mo? Eh hindi naman kagwapuhan.” Mahinang sambit sa kanya ni Rene na takang-taka sa nakikita.
“Ano ka, gwapo kaya siya. Hindi ka lang marunong tumingin.”
“Iyan, sorry pero wala akong makitang gwapo sa kanya. Cute, siguro?”
“Tingin ko, baguhan lang siya sa Campus natin kasi nakasibilyan lang tapos ngayon ko lang nakita.” Sabi ni Anna at kikiligin ito nang magpakakilala ang lalaking kinahuhumalingan niya sa kanilang harapan.
“Goodmorning everyone, I’m Teddy Mitche Crisostomo, Just call me Ted, 18 years old at transfer ako na galing sa PLM.” Sabi ng lalaki na nagpakilalang Ted.
“Ahh, Ted pala ang pangalan niya.” Wika ni Anna na bakas na bakas sa mukha ang pagkakilig.
Nang kanilang Lunch break
“Beshie, saan mo gusto?” Tanong ni Rene kay Anna na abalang-abala sila sa paghahanap ng makakainan. Habang naglalakad ay saktong mamataan nila sina Ted. Silang dalawa lamang ang magkakilala kaya makikihalubilo na sina Rene kina Ted at makikipagkilala.
“Hi Ted, ikaw si Ted hindi ba?” Pangiting tanong ni Anna sa kanya na kita sa mukha ang pangangamatis.
“Yup at saka galing mo naman, kilala mo na kaagad ako. Ikaw what’s your name?”
“Hi I’m Anna, ito naman si Rene na kasama kong bakla na napakakulit.”
“Hello Ted, sino naman yang mga kasama mo?” Tanong nito kay Ted.
“Ah ito si Mikkaila at ito naman si Lorence.”
“Hello sa inyo.” Pangiting bati nina Mikkaila at Lorence kina Rene. Matapos makipagkilala sa isa’t isa ay magkakasama na silang tutungo sa Canteen na parang nabuong magkakaibigan.
“Ah Ted, taga saan ka pala?” Tanong ni Anna sa kanya.
“Ako, taga Nova malapit lang sa bagong tayong SM.” Tugon naman ni Ted sa kanya.
“Bakit ka pala lumipat dito?” Tanong naman ni Rene sa kanya.
“Ah nalalayuan kasi ako sa dati kong School, gastos sa pamasahe at hassle pa kaya dito na lang ako para makatipid-tipid.” Magpapatuloy sila sa pakikipag-usap kina Ted hanggang sa mapalagay ang kalooban sa isa’t isa.
Simula noon ay sila na ang madalas na magkakasama sa tuwing may klase. Pakiramdam ni Rene, sila na ang bagong kaibigan sa kolehiyo pagkat nagkakaunanawaan sila sa maraming bagay. Sila-sila rin ang nagtutulungan sa tuwing may class project. Madalas din sila mag-open up sa isa’t isa kaya lalo pang tumitibay ang kanilang bonding.  



Chapter III
Si Ted sa buhay ni Rene



Wala ang kanilang professor at habang silang tatlo lamang nina Rene, Anna at Mikkaila ang magkakasamang nakatambay sa may corridor ay pag-uusapan nila ang tungkol kay Ted.
“Sige na Anna, umamin ka na. May gusto ka ba kay Ted. Kasi nahahalata namin, yang mukha mo tumatamis kapag kausap mo siya, tapos madalas mo pang kulit-kulitin.” Pangugulit di umano sa kanya ni Mikkaila.
“Ano ba, wala akong gusto kay Ted, magkaibigan lang kami. Tigil-tigilan niyo nga ko diyan.” Patumangging sambit ni Anna sa kanila.
“Uyy wala raw pero namumula ang mukha kapag binabanggit namin siya sa’yo, Ted! Ted! Ted! Ikaw ba Rene, may nahahalata ka ba kay Anna?”
“Ah ako, hindi ko masabi pero parang naamoy ko din kasi. Kung magharutan silang dalawa at asaran, parang dinaig pa ang magdyowa, parang may something. Kinikilig nga ako kapag silang dalawa ang magkasama.” Pabirong wika ni Rene kay Mikkaila.
“Huwag ka nang magkaila Anna, halata naman sa mukha mo eh. Promise, hindi namin ipagkakalat, kaming dalawa lang ang nakakaalam.”
“Oo nga bestie, umamin ka na. Hindi ba ang tunay na kaibigan, hindi naglilihim.” Sa kulit ng dalawa sa pang-uusig sa kanya, hindi magtatagal ay mapapaamin na ito na may pagtingin kay Ted.
“Oo tama ang mga hinala niyo, may gusto nga ako kay Ted. Kasi siya ang kulit-kulit kasama, tapos kapag ngumiti, ay kakaakit!” Pangiting sambit ni Anna sa kanila na kilig na kilig.
Kinabukasan at habang kanilang klase, may isang professor na sa halip magturo, walang ginawa kundi magpatawa nang magpatawa. Habang wala nang bukas kung sila ay maghalakhakan may sasabihin si Ted kay Rene.
“Hala Rene, sabi ni Ted, para ka raw pato tumawa.” Sambit ni Anna sa kanya at tatapatan naman ni Rene ang sinabi ni Ted.
“Ayos lang, atlis buo-buo pa rin ang ngipin ko at walang retainer, hmmp.” Lilingon ito kay Ted at malakas na hahalakhak habang ipinagyayabang ang ngipin, pero naninilaw naman.
“Hahahaha! Atlis nakakatawa ako, eh ikaw ano ka ngayon, hindi ka makatawa noh, hindi mo kasi inaalagaan ngipin mo kaya iyan, dinadaan-daan sa parete-retainer.” Pambabara diumano nito kay Ted. 
“Ingay mo naman Rene, naririndi ako kapag kasama ka tapos talsik pa laway, kakadiri.” Pabirong sabi nito kay Rene. Kukuhain niya ang kwaderno at halinhinang ihahampas kay Ted.
“Ah Ganon!” Uulit-ulitin niya ang paghampas ng notebook kay Ted na tila nakikipagharutan.
“Aray, mapanakit ka!”
“Abay kulang pa yan, parang pato pala ahh.” Hahamapas-hampasin nito si Ted at biglang tatawa. Nasundan pa ang araw na nakikipagbiruan si Ted kay Rene.
Habang nasa Corridor si Rene at hinihintay na magsimula ang klase.
“Hi Ted, Goodmorning.” Pangiting bati ni Rene sa kanya.
“Goodmorning din sa’yo. Alam mo, kung anong ikinabango ng suot mong uniporme, ganon naman ikinabaho ng hininga mo.” Pabirong pang-uuyam nito kay Rene.
“Ay huwag mo kong pinagkakausap ng ganyan, ang aga-aga at kahapon ka pa. SARCASTIC! For your info, nag-tootbrush ako, ikaw nga siguro ang hindi nagto-toothbrush, kaya iyan, sira-sira na ngipin mo.”
“Alam mo Rene, umaambon. Talsik kasi laway mo.”
“Edi magpayong ka!” Ang kaninang umaatikabong asaran ng dalawa, mauuwi sa masinsinang pag-uusap.
“May gawa ka na bang assignment sa Trigo?” Tanong ni Ted sa kanya.
“Wala pa, ikaw?”
“Wala din eh, turuan mo nga ako kung paano ang lesson. Hindi ko kasi masundan.”
“Sa iba ka na lang magpaturo, wala akong alam diyan. Mangongopya lang ako mamaya.”
“Weh, maniwala ako sa’yo, sa talino mong iyan at saka hindi ba, grumadweyt kang Magna Cumlaude, tapos ikaw pa itong walang alam.”
“Alam mo, hindi porket salutatorian ako nung graduation, alam ko na ang lahat ng bagay sa mundo. May hangganan din itong kaalaman ko, okey.”
“Eh sa Soc natin, nakapag-review ka na ba?” Tanong ni Ted sa kanya at magugulat si Rene.
“Hala bakit, may Quiz ba?!”
“Oo sira, may quiz. Ikaw kasi, kung ano-anong tumatakbo sa isip mo.”
“Sorry na po, Sir Ted. Oh sige po magre-review muna ako para di naman nakakahiya sa’yo.”
“Sabay na tayo mag-review.” At dali-daling papasok ang dalawa sa silid.
Habang kanilang vacant time at dahil irregular student si Ted, hindi nila ito makakasama para kumain. Kaya itong sina Mikkaila at Rene, may pagkakataong tutuksu-tuksuin si Anna kay Ted.
“Anna, bakit malungkot ka?” Seryosong tanong ni Mikkaila kay Anna.
“Alam ko na kung bakit, kasi hindi natin kasama si Ted.” Pangggagatong di umano ni Rene kay Anna.
“Hindi noh, hindi ba pwedeng tahimik lang ako. Masyado kayong ma-issue pero kagabi, nag-chat kaming dalawa.”
“Anong pinag-usapan niyong dalawa?” Tanong sa kanya ni Mikkaila.
“Tungkol sa mga bagay-bagay, yung mga kabalbalan. Pero alam niyo inimbita niya ko sa darating niyang birthday.” Masayang-masaya nito sambit sa kanila. 
“Wow ha, buti ka pa inimbita ka niya, eh paano kami, invited rin ba?” Tanong ni Rene sa kanya.
“Malamang, invited kayo, kaibigan niya tayo eh, pwede bang hindi.”
“Panigurado, magiging puspusan ang paghahanda ng isusuot itong si Anna, para maging apple of the eye siya kay Ted, ayieeh!” Pangiting sabi ni Mikkaila.
“Di lang iyan mare, baka nga matalbugan niya ang mga bisita sa pak na pak ng suot niya. Si Anna, pumapag-ibig talaga kay Ted, naka naman ng bebe mo.” Pangiting sabi ni Rene kay Anna sabay kikilitiin sa tagiliran.
“Hindi ah, eni ba kayo. Wala akong balak magsuot ng ganong kabongga.”
“Nagpapabebe ka pa Anna, pero I swear gagawin niya yan para lang mapansin ng Crushie niya. Ano balak mo na rin ba magtapat sa mismong birthday niya?” Tanong ni Mikkaila sa kanya.
“Hindi noh, never! Never ko itong sasabihin sa kanya, Crush lang ito at mawawala rin.”
“Huwag ka mag-alala bestie, susuportahan ka namin sa pag-ibig mo kay Ted. Baka kami pang dalawa ang maging tulay para magkatuluyan kayong dalawa.” Wika ni Rene.
Nang dumating ang kaarawan ni Ted, maghihintayan sina Rene sa isang mall na malapit sa bahay nito.
“Oh Rene, kanina ka pa ba nandito?”  Tanong ni Mikkaila kay Rene na kakarating lang.
“Oo, bakit ang tagal niyo naman, wala pa sina Anna.” Maya-maya pa ay darating si Anna, suot ang magarbong bestida nag-uumapaw sa kakinaman na tila dadalo sa Grammy awards kahit birthday party lamang.
“Wow Anna, ikaw na ba yan? Hanep, girl na girl ka sa suot mo.” Sabi sa kanya ni Mikkaila.
“See, sabi ko na nga ba, paghahandaan mo ng husto ang kaarawan niya. Malala ka na talaga sa kanya.” Sabi naman sa kanya ni Rene at nang dumating si Lorence ay saka lamang sila pupunta sa bahay ni Ted. 
Pagkarating nila sa bahay ni Ted.
“Hi Ted, Happy Birthday!” Masigabong bati nila sa kanya.
“Ah Ted, regalo ko pala sa’yo.” Kukuhain ni Anna ang regalo mula sa bag at ibibigay kay Ted.
“Wow, salamat sa’yo Anna. Ang ganda-ganda mo naman.” Biglang mamumula ang mukha nito sa kilig.
“Uy Anna, napuri ka ng crush mo. Edi ang tamis ng araw mo. ” Pabulong na wika sa kanya ni Mikkaila at dadalhin sila ni Ted kung saan ang magulang nito upang ipakilala, pagkarating nila.
“Ah Dad and Mom, mga kaibigan ko pala sa School.” Isa-isang ipapakilala sa magulang nito, mga kapatid maging sa mga kamag-anak na nagsipagdalo.
“Hello po!” Masayang bati nila sa magulang, kapatid at kamag-anak ni Ted at maya-maya pa ay magsisimula na ang party.
Habang sila ay nagkakainan.
“Sige lang guys, kumain lang kayo diyan at magpakabusog, lalong-lalo na sa’yo Anna. Alam ko, kulang pa sa’yo yan.” Pabirong sabi ni Ted sa kanya at muling iiral ang kilig sa dibdib ni Anna. Nang makalayo si Ted.
“Hindi ka makapagsalita bestie sa sinabi niya.”
“Wala, lalo kasi siyang gumawapo sa suot niya. Para akong matutunaw habang tinititigan niya. Pikunin akong tao pero kapag siya ang nang-aasar sa akin, imbes na mapikon ay natutuwa ako. Aywan ko ba, tinamaan na marahil ako sa kanya.” Mahinang sabi ni Anna sa kanila na nag-uumapaw ang kilig sa mukha at nang matapos idaos ang birthday party ni Ted.
“Sige po bye! Bye!” Sabi nila habang nagpapaalam sa daddy ni Ted.
“Sige paalam, punta ulit kayo dito.” At nang makaalis na sina Rene sa bahay ni Ted.
“Nakakatuwa naman yang mga kasama mong kaklase lalong-lalo na si Rene, ang kulit-kulit at galing makipagbiruan. Dami kong tawa sa kanya..” Sabi ng daddy ni Ted sa kanya.
“Ganyan talaga yan si Rene dad nung una kong makilala, sadyang napakakulit at maharot pero nakakatuwa.”
“Pakilala mo naman siya sa akin, taga-saan ba siya anak at sino ang kanyang mga magulang?”
“Taga Addition hills siya Dad at anak ni Ms. Larrazabal, yung isang mayamang negosyante na may-ari ng pagawaan ng mga Sapatos at bakya. Actually dad, hindi siya tunay na anak ni Ms. Larrazabal, inampon lang siya.” 
“Ms. Larrazabal? Sino si Grace Larrazabal ba ang tinutukoy mo?
"Opo Dad, bakit niyo po kilala?"
"Sa company niya kasi ako dati nagtatrabaho, kaming dalawa ng Mommy mo."
"Akalain mo yun, katrabaho niyo pala dati ang nanay-nanayan ni Rene."
"Yes my dear son, siya ang boss namin. Eh nasaan yung tunay niyang magulang?”
“Namatay na ang nanay nito tapos yung tatay naman, pinalayas daw siya nang malamang bakla ito.”
“Pinalayas? Teka, ano bang pangalan ng nanay niya?”
“Wala siyang nabanggit eh, pero teka muna dad, parang giliw na giliw ka kay Rene, parang gusto mo siyang makilala ng husto?”
“Ah wala anak, nagtatanong lang ako, kasi parang gumaan ang loob ko nang makita siya. Parang nagkakilala na kami.”
“Nagkakilala, saan naman Dad?”
“Ah wala anak, sige pasok na ko ng kwarto at matutulog. Ikaw din matulog ka na.” At papasok na nga ang daddy ni Ted sa kwarto. Pagkakapasok ay bigla itong tatangis at magsisisi sa mga nagawa.
“Patawarin niyo ko mga anak at pati sa asawa ko, kung nagawa kong itago na, na nagkaanak sa unang asawa. Hiling ko na maunawaan niyo kung bakit nagawa ko ito. Ikaw naman Lynda, Lynda Esperon, kamusta ka ngayon, masaya ka ba sa pagtatago kasama ang anak natin?! Walang hiya ka, sana makonsensiya ka sa ginawa mo!” Langitngit na wika nito na nangugulila sa napawalay na anak sa unang asawa.
“Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi kita natatagpuan at nababawi ang anak ko sa’yo!” Dagdag pa niya.
Patuloy na tatangis ang Daddy ni Ted dahil sa pangungulila sa anak hanggang sa makatulog. Sa kabilang banda at habang nasa mall si Rene kasama ang kapatid nito na si Jessica na anak ni Ms. Larrazabal sa pangalawang asawa, bigla nitong makakasulubong si Ted na may kasama.
“Uy Ted, kamusta?” Malakas na tanong ni Rene sa kanya na gulat na gulat nang sila ay magkita.
“Ahh, mabuti naman, kapatid mo ba yang kasama mo?”
“Oo at namimili kami ng toys niya, ikaw sino kasama mong babae?”
“Si Gwen, ang matalik kong kaibigan. Do you want to join with us in meal?” Mag-aaya ito.
“Ah No thanks, madami kasi kaming gagawin, Right bunso?” Tanong nito kay Jessica.
“Yes kuya.” Sagot naman ni Jessica, aalis na dapat sila pero pipigilan ni Ted.
“Sige na Rene, sumama ka na sa amin. Huwag ka nang mahiya. Ako naman maglilibre sa kainan natin.” Pangungulit nito kay Rene.
“Please!” Pangiting pakiusap nito habang hinahawakan ang braso ni Rene. Tatanggalin naman kaagad ni Rene ang kamay ni Ted.
“Sorry Ted, hindi talaga kami makakasama ng kapatid ko. Next time na lang kapag may time.” Hindi na magpupumilit pa si Ted na alukin ang dalawa at tuluyan ng aalis. 



Chapter IV
Nagbabadyang pagtingin



Makakaramdam bigla ng kakaiba si Rene simula nang hawakan siya ni Ted na hindi niya maipaliwanag at mapapaisip.
“Kuya, are you okey. I’m already told a lot of story infront of you, but you’re not responding. What’s wrong?” Tanong ni Jessica sa kanya.
“Nothing bunso, I Just thinking something else. How about you, are you happy with your cute and new toys?” Matamlay-tamlay na tanong nito sa kapatid.
“Yes Kuya, these toys we chose to be bought are great, made me fun too especially exploring its purpose and holding it tightly. I’m so excited to show these to our mommy and play it with my friend.” Masayang-masayang sabi ni Jessica sa kanya subalit hindi na makakaimik pa si Rene sa lalim ng iniisip.
Pagkarating ng mansyon ay kaagad na papasok si Rene sa kanyang kwarto at magmumukmok, na litong-lito sa nararamdaman at babalikang tanaw ang naganap sa kanilang dalawa ni Ted.
“Ano bang meron sa kanya, bakit bigla akong nakaramdam ng saya nang ayain niya ko at hawakan ang braso? Tapos ang lambing-lambing niya pa magsalita at ang bango-bango niya kanina.” Hanggang sa maiisip ni Rene na marahil, in-love nanaman siya.
“Kaya ko ba ito nararamdaman, na biglang makakaramdam ng saya kahit mababaw lang ang dahilan at bigla mong maiisip ang mga magagandang katangian sa tao, dahil sa nai-inlove ka sa kanya. Kalokohan, hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya, lalo na’t nakalaan siya para kay Anna at ayaw kong masira ang Friendship naming dalawa dahil sa kanya. Besides, hindi ito magandang magkagusto sa kanya, kasi ayaw ko ng masaktan muli, mahirap! At para kang mababaliw sa sakit. Kaasar naman itech, kapag iibig ba ko sa isang tao, parating may karibal, parating ako magpaparaya, dahil wala akong laban, dahil isa akong bakla at hanggang pangarap na lang ang makakatuluyan ang taong pinipintig ng puso. Kahibigan! At kailangan kong itigil ang kahibangan na ito kaya wala, wala akong nararamdaman sa kanya. Dala lang ito ng kung ano-anong iniisip.” Madiin-diing sabi nito sa kanyang sarili na nangangamba sa kung anong maaring mangyari kapag ipinagpatuloy niya ang nagbabadyang pagtingin kay Ted.
Kahit itanggi pa ni Rene na wala siyang nararamdaman kay Ted pagkat batid niyang may gusto rin ang matalik na kaibigang si Anna sa kanya at iniisip na baka iyon pa ang maging mitsa para masira ang kanilang friednship bukod sa masaktan dahil sa pag-ibig subalit may mga pagkakataon na hindi niya mapipigilan na tumibok ang puso.
“Uy Anna, ayan na siya, yung crush mo.” Mahinang wika ni Mikkaila kay Anna nang paparating si Ted at pagkalapit na pagkalapit.
“Hello Ted, ano yang dala mo?’ Tanong ni Mikkaila sa kanya.
“Ah eto, para kay Anna. Pasensiya na kung hindi ko kayo mabibigyan, nagkulang kasi pera ko, bawi na lang ako sa inyo.” Ibibigay nito kay Anna at parang wala ng bukas ang mababanaag na saya sa kanyang mukha.
“Wow Ted, salamat ah. Ang sarap mo naman maging kaibigan. Ang bait-bait mo talaga.” Tuwang-tuwang sambit nito kay Ted at sa labis na tuwa, bigla siyang mapapayakap. Samantalang si Rene na maaliwalas ang pakiramdam, biglang magbabago nang gawin iyon ni Anna, na tila nagseselos.
“Nakakapanibago ka naman Rene, ang tahimik mo ngayon pero dati, ikaw ang numero unong maingay sa amin.” Nagtatakang wika ni Mikkaila kay Rene at bigla itong magsasalita.
“Buti ka pa talaga Anna, binigyan ka niya. Sana kami rin pero ayos lang.”
“Hala Ted, mukhang nagtatampo sa’yo si Rene.” Pabirong sabi ni Lorence sa kanya.
“Hayaan mo kapag tunay na siyang babae, saka ko siya bibigyan.”Pabirong tugon naman ni Ted kay Lorence at magtatawanan sila ng malakas.
“Naku Rene, huwag ka nang umasang magiging katulad mo kami balang araw, Hahahaha. Joke!” Pabirong hirit naman ni Anna.
“Hay naku, kapag ako naging babae, who you kayong dalawa sa akin at ikaw Anna, papupulain ko pa lalo yang mukha mo. Ikaw naman Ted, ipaayos mo na Ngipin mo, di na kasi pantay, bawas pogi points din.” Pabirong tapat naman ni Rene sa kanila at lalo pang magtatawanan.
Sa kanila na masayang-masaya ang kanilang samahan dahil sa lokohan at tawanan, nananatiling matamlay si Rene dahil sa pagseselos. Lalo pang umigting ang nararamdaman nito kay Ted, nang magpatulong ito sa kanya sa paggawa ng assignment.
“Rene!” Malakas na tawag nito sa kanya at matitigilan sa paglalakad.
“Bakit Ted, problema mo nanaman?”
“Wala naman, may pakiusap sana ako sa’yo. Pwede mo ba akong matulungan sa assignment namin, sa Chemistry? Alam kong na-take niyo na ‘to kaya alam niyo na ang mga lesson.” Kaagad naman papayag si Rene sa pakiusap ni Ted.
“Sige ba, paano ba yan?” At ipapakita ni Ted ang kanyang Hand-out.
“Ito oh.”
“Ahh madali lang pala iyan, sige tuturuan kita kung pano yan.” At mabilis na papasok ang dalawa sa silid. Habang kasama nito si Ted, makakaramdam siya ng saya sa loob-loob at mahihrapang ipaliwanag kung ano itong kanyang nararamdaman. Halos matunaw na si Ted sa sobrang lapot ng titig ni Rene sa kanya.
“Ang gwapo-gwapo mo naman pala Ted.” Sabi nito sa isip-isip habang wagas ang kanyang pagtitig kay Ted na halos hindi na maawat.
“Ano ba ‘to, inlove na ba ko sa kanya? Bakit ko nararanasan ang mga bagay-bagay na hindi dapat? Hindi, hindi ito maari, wala akong feelings sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit ang saya-saya ko kapag kasama siya, kakainis!” Dagdag pa nito at lalong iigting ang tuwa nang may tanungin si Ted.
“Rene! Tama ba ‘tong gawa ko?” Hindi agad makakapagsalita si Rene dala na ito’y kinikilig at naiilang.
“Ah eh. Ah eh.” Nauutal na sambit at hindi makatitig ng diretso.
“Ah ayan, Oo! Oo! Tama!” Natetensyong sabi niya sa kanya. Hindi rin magtatagal at nang dumating sina Anna.
“Hi Ted, ano yang ginagawa mo? Bising-bisi ka diyan.” Pangiting tanong ni Anna sa kanya na kitang-kita sa mukha ang pamumula dala ng kilig at biglang lalabas si Rene.
“Rene, saan ka pupunta?” Tanong ni Mikkaila sa kanya.
“Ah magsi-CR lang ako. Sige mga bestie.” Sabi nito kay Mikkaila pero ang totoo ay gusto niyang  lumabas para mapag-isa.
Habang mag-isang nagmumukmok si Rene sa Corridor at nilalanghap ang preskong hangin.
“Oh my gosh, as long as nakikita kong magkasama si Anna at Ted at nag-uusap, I feel jealous, what is with that?! Para siyang tinta ng ballpen na pilit binubura sa isipan, naririyan pa rin. Hindi pa nga sila pero nararamadaman ko na ito, ang magselos.” Hanggang sa mapagtatanto ni Rene na nagkakagusto na rin ito kay Ted, bagay na hindi niya ibig na maganap pagkat natatakot ito sa maaaaring kahinatnan.
“Inlove na nga ako sa kanya. Buwisit, ano ba ‘tong si kupido, pinaglalaruan ako, mai-inlove na nga lang muli, iyon pa sa taong type na type ng bestie ko. Hirap naman ng ganito pero hindi, hindi maari ito, kaibigan lang ang tingin ko kay Ted at hanggang doon lang, pero bakit ganon, mas higit pa dun.” Bulong nito sa sarili na gulong-gulo at hindi alam ang gagawin. 
Ang puso ni Rene na nangakong hindi na magbubukas pang muli, nasira dahil sa mga bagay na hindi inaasahan. Inlove nanaman si Rene, iyon nga lang ay it’s complicated just because may feelings din ang kanyang bestfriend sa taong nagpapatibok ng kanyang puso. Hindi magtatagal, babalakin na ni Anna na ipagtapat kay Ted na may pagtatangi ito sa kanya, na siya pa lalong magpapabigat sa loob ni Rene.
“Best, mukhang tinamaan na talaga ako sa kanya. Alam mo yung feelings na baliw na baliw na ko.” Sabi ni Anna kay Rene na masayang-masaya.
“Talaga best?”
“Hindi ko alam eh, basta parang na na-fall in love na ko sa kanya. Paano naman kasi, nakakatuwa siyang kasama at mabait, bukod sa cute at magaling manamit. Minsan nga, nate-temp na kong magtapat sa kanya, na may gusto ako sa kanya. Ano sa tingin mo, sabihin ko na kaya? Nahihirapan na kasi ako kapag pinatagal pa ito.” Matatameme si Rene sa labis na pagkagulat nang marinig nito ang napipintong pagtatapat ni Anna.
“Ah sige best, pero sure ka na ba sa gagawin mo? Baka mamaya niyan kapag nagtapat ka sa kanya ikaw rin, baka, i-reject ka niya.”
“Hindi, ano ka ba, bakit parang dini-discourage mo ko sa iyong sinasabi?”
“Ano ka ba best, kaibigan mo ako at malamang ay mag-aalala ako kapag bastedin ka ng taong pinapantasya mo. Mas maiging ihanda mo muna ang sarili sa posibilidad na nakaambang oras na nagtapat sa kanya.” Pagpapayo nito kay Anna pero ang totoo ay gumagawa na siya ng paaran para hindi ituloy ang pagtatapat kay Ted.
“Isa pa, baka hindi mo kayanin ang sakit. Pero nasa sa iyo na iyan kung magtatapat ka na sa kanya, irerespeto ko kung ano ang magiging pasya mo, ang sa akin lang ay pag-isipan mo muna at huwag padalos-dalos.” Dagdag pa nito at habang umiinit ang usapan ng dalawa ang biglang pagdating ni Ted.
“Hi Anna, Hi Rene! Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo diyan, share niyo naman sa akin.”
“Ah tungkol sa Thesis ang pinag-uusapan namin ni Best, kailan ba natin balak tapusin?” Pagkakaila di umano ni Rene sa kanya at tatabihan ni Ted si Anna, kakausapin hanggang sa makikipag-asaran at tawanan, bagay na hindi magugustuhan ni Rene at gagawa ng paraan para mapansin siya ni Ted.
“Knock? Knock?”
“Ayan ka nanaman bakla, ayusin mo. Who’s There?” Sabi ni Anna sa kanya.
“Pharaoh.”
“Pharaoh who?” Tanong ng dalawa sa kanya.
“Mahal kita, pharaoh, mahal kita pharaoh, pharaoh, pharaoh! (Kanta ng Mahal kita Pero ni Janella Salvador)”
“Weh wala na! Wala na! Sira na araw ko.”  Pabirong Sambit ni Anna kay Rene.
“Baka mamaya niyan, mag-walk-out si Rene, kasi ina-isolate niyo nanaman hahahaha!” Pahirit ni Ted sa kanya.
“Sige ganyan kayo, i-isolate niyo ko!”
“Ah hinde na, Ahahaha. Loko ka Bakla, lakas ng tama mo!” Pahirit naman ni Anna sa kanya.
“Atlis nga may entry ako, kayo, wala kayong maisip, palibhasa’y mga pulpol ang mga bungo niyo, Ahahaha!”
Napalitan ng sigla ang kaninang loob ni Rene na nababalutan ng selos nang siya ay magbiro. Aalis muna si Rene upang bigyan ng pagkakataon si Anna na makapiling si Ted at hindi ito mailang kapag may aaminin na. Pagkabalik ni Rene at nang silang dalawa na lang ni Anna.
“Oh ano Best, nasabi mo na ba kay Ted na may feelings ka sa kanya?”
“Muntikan ko ng ipagtapat sa kanya, kaso pinangunahan ako ng hiya at tama ka, kailangan ko munang maging handa bago ko ito gawin at hintayin ang tamang panahon.” Biglang napanatag ang loob ni Rene sa sinabi ni Anna at masayang-masayang uuwi pagkat pakiramdam ni Rene, may pag-asa siya subalit mas papahalagahan pa rin niya ang samahan ng matalik nitong kaibigan kaysa maging sila ni Ted.
Lalo pang iigting ang feelings ni Rene kay Ted nang magmagandang loob ito sa kanya.
"Rene, nakaorder na kami ng pagkain pero ikaw hindi pa?" Tanong ni Mikkaila sa kanya.
"Ang shunga-shunga ko kasi, naiwala ko yung wallet ko. Hindi tuloy ako makabili ng pagkain. Paano na rin ang pamasahe ko mamaya?" Pag-aalalang tanong nito sa sarili at hindi makakapaniwala si Rene sa gagawin ni Ted.
"Ito Rene, sobra yung pagkain ko. Huwag ka ng mahiyang kumuha." Sabi nito habang inaalok si Rene pero tatanggi ito pagkat nahihiya.
"Ah sige salamat at huwag na, hindi pa naman ako gutom."
"Sige na Rene, nahihiya ka pa, alam ko namang wala kang hiya ahahaha, Joke. Kumuha ka na sa akin. Sige ka, baka magtampo sa'yo ang grasya, baka hindi ka na gumanda niyan." At karakaraka nang kukuha si Rene sa pagkain ni Ted.
Dahil sa kabutihang loob na ipinakita ni Ted, hindi na talaga mapipigilan ni Rene na yakapin ang pag-ibig niya sa kanya.





Chapter V
Parehong masasaktan

Matindi man ang kanyang nararamdaman at dahil sa isinasaalang-alang ni Rene ang pakikipagkaibigan kay Anna, mahirap man para sa kanya pero kailangan niyang magsakripisyo at magparaya.
“Hindi! Hindi na tama itong nararamdaman ko. Simula bukas, mahihirapan man ako pero kailangan ko ng gawin, ang iwasan si Ted. Tama na ang kabaliwan sa kanya, tama na! Ayaw kong makagawa ng kasalanan kay Bestie dahil sa letseng pag-ibig na ito!” Iiibigin na ni Rene na iwaksi si Ted sa kanyang puso’t isipan para tuluyan nang mawala ang nararamdaman subalit hindi pa rin niya mapipigilan ang tukso at magpapanaig.
“Pero paano, paano nga?! Ah ganito since nahihirapan akong pigilan, gawin ko na lang inspirasyon ang nararamdaman sa kanya pero, pero kailanman ay hindi ako magtatapat! Itaga mo yan sa bato Rene!” Madiin na deklara niya sa sarili at kukuhain ang Cellphone upang magpapansin kay Ted.
Kinabukasan at pagkagising na pagkagising ni Rene, magiging sobrang ligaya ng araw niya nang mag-chat sa kanya si Ted.
“Aha, bakit kaya siya nag-chat sa akin?” Sa sobrang sabik ay mabilis pa sa guhit ng kidlat kung basahin niya ang message nito.
“Rene, please stop adding my friend here on Facebook because they are asking about you. Please stop doing that even my teachers in high school are already your friends and my relatives. They are annoyed of what you are doing. Thanks in advance.” Sabi ni Ted sa kanya sa message at rereplayan ni Rene.
“Wow ha pambihira sila, gusto ng Privacy. Sorry if I did that, I Just want to be famous like you and escaped from being controversial.” Pagdadahilan di umano niya at mangangamba sa kung anong magiging reaksyon ni Ted.
“Hala, hindi yata siya natuwa sa ginawa ko, Naiinis yata siya?” Sabay rereplyan niya muli.
“Sorry again if I made them angry. My intention is to avoid like that okey.” Sabi nito na tila nauubusan ng lakas at hinayang na hinayang sa nagawa.
Gagawa ng paraan si Rene para makabawi kay Ted at hihingi ng tawad.
Habang nasa School.
“Ted, galit ka ba sa akin?” Tanong nito kay Ted subalit hindi nito iimikan si Rene.
“Hala, sorry kung inad ko ang mga Friend mo sa Facebook. Hindi ko naman alam na magiging ganito ang reaksyon mo sa akin.” At saka lamang magsasalita si Ted.
“Sige okey lang, basta huwag mo nang uulitin. Friendly ka kasi masyado kaya pati friend ko sa FB, pinag-a-add mo.” Pabirong sabi nito sa kanya.
“Alam mo Rene, hindi naman ako galit sa’yo, kaso yung mga teacher ko kasi, nagtataka kung sino ang nag-add sa kanila. Anyway, nevermind na yan.” Dagdag pa nito kay Rene.
Natutuwa si Rene pagkat maayos pa rin sa kanya ang taong kinahuhumalingan ng loob niya subalit makaraan ang ilang araw at sa hindi inaasahan, habang kausap si Anna sa Chat, may matutuklasan siyang bagay na ikakapanghina nito.
“Hala Anna.” Sabi nito sa Chat.
“Why Rene, anyare sa’yo?”
“Inan-friend na pala ako ni Ted sa Facebook.”
“Ha, bakit kaya?! Ano bang ginawa mo sa kanya?” 
“Hindi ko alam eh!.” Sa sobrang pagka-turn-off ni Rene sa ginawa ni Ted, makakapagbitaw siya ng mabibigat na salita.
“Okey lang naman, hindi naman siya kagwapuhan and besides, hindi siya kawalan!”
“Alam mo best, kahit anong pang sabihin at isipin mo sa kanya, hindi na maibabalik iyon, eh iyon siya!”
“Aywan ko ba sa kanya. Napapansin ko nitong mga nakalipas na araw, parang ang ilap na niya sa akin. Tapos hindi na niya ko madalas pinapansin.” Magugulat si Rene sa sasabihin ni Anna.
“Ako rin, nitong mga nakalipas na araw, parang nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Ted, hindi na gaya ng dati na friendly ito. Hindi lang sa kanya, pati sa dalawa, kina Mikkaila at Lorence.”
“Bakit ano bang meron sa dalawa?”
“Parang ganun rin. Pakiramdam ko, may sariling mundo ang tatlo.”
Naghihinala na sina Rene at Anna sa ipinapakita nina Ted sa kanila sapagkat hindi na gaya ng dati na masaya at mainit ang kanilang samahang magkakaibigan. Si Rene naman, hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Ted subalit binalewala na lamang niya at inunawa. Dumating ang araw nang may nalaman sina Anna at Rene na labis na ikakagulat at ikakasama ng loob.
Silang limang magkakaibigan lamang ang nasa loob ng silid. Pagkaalis nina Rene at Anna, magsisimula ang pag-uusap nilang tatlo.
“Hindi ba magkakaibigan tayong lima at ang magkakaibigan, nagsasabi ng totoo sa isa’t isa. I Just want to be honest with you guys.” Pambungad na sabi ni Ted sa kanila na halatang seryoso.
“Bakit ano yun?” Tanong naman ni Mikkaila.
“Sa totoo lang, iyan kasi sina Anna at Rene, naiirita na ko sa kanila. Araw-araw na lang, kapag magsasama yung dalawa, sakit sa teynga ang kanilang boses. Parang mga isip-bata kung magbatuhan ng asaran sa isa’t isa. Alam niyo, matatapos na ang Sem na ito at matagal-tagal na tayo magkakilala pero walang pagbabago sa dalawa, parang walang pinagkatandaan. Nahihirapan na kong pakisamahan sila!” At sasang-ayon si Mikkaila sa sinabi ni Ted.
“Tama ka Ted. Kami nga, nagtitiis na lang kami kapag kasama yung dalawa.”
“Ang dapat sigurong gawin ng dalawa, ayos-ayusin ang mga pag-uugali, hindi na rin kasi maganda at para  hindi sila  nakakahiya. Mga kolehiyo na, pero parang astang bata pa rin. Iyang si Rene,  NAPAKALIGALIG rin ng baklang iyon!”
“Ikaw ba Lorence, may problema ka ba sa dalawa?” Tanong ni Mikkaila sa kanya.
“Ako? Wala naman akong problema kay Anna pero iyang kay Rene, medyo.  Kasi parang ang Plastik niya. Nung isang araw nga habang nagti-tsek kami ng Test Paper, natarayan niya ko.”
"Ito naman si Anna, may hindi ako gusto sa kanya, parang ang bungangera niya at walang ibang inatupag kundi kalandian!" Dagdag pa ni Ted.
Patuloy na pag-uusapan ng tatlo ang tungkol kina Anna at Rene pero ang hindi nila alam ay naroroon na ang dalawa sa pintuan at nakikinig sa kung anong pinag-uusapan nila.
"Aha, ganyan pala sila atin!" Naglalagablab na sambit ni Rene.
"Oo nga, parang sinasaksak nila tayo patalikod! Ang masakit pa best, sa mismong taong tinitibok pa ng puso ko maririnig ang mabibigat na salita!" Hahatawin ni Anna ang kanyang kamay sa pader, mapapaupo hanggang sa mapaiyak, dahil sa sakit na nararanasan matapos ang mga narinig nito kay Ted.
"Plastik pala ha! Sa sinasabi nila ngayon, sinong mas plastik sa atin? Hindi ba sila?!" Nag-uumusok na sambit nito at hahagurin ang balikat ni Anna na umiiyak para pagaanin ang kalooban.
"Magmula ngayon, magmula ngayon! Huwag na natin silang papansinin ni lalapitan, lalong-lalo na si Ted! Buwisit siya, akala ko naman mabait! Tayong dalawa lang pala ang magkaibigan sa magkakasama, huhuhuhu!" Lalo pang iigting ang pag-iyak ni Anna habang si Rene naman ay gulat na gulat at nasasaktan. Pagkalabas nina Ted sa silid, makikita nilang tumatangis si Anna.
"Oh Rene, kanina pa ba kayo dito? Bakit umiiyak 'yan?" Tanong ni Lorence sa kanila.
"Anna, ayos ka lang ba, anong problema?" Tanong ni Mikkaila.
"Ah wala, huwag niyo muna akong kausapin!" Mangiyak-ngiyak na tugon nito sa kanila at biglang tatakbo palayo.
"Anyare dun?" Tanong ni Mikkaila kay Rene.
"Aba'y Aywan ko, sige CR muna ako." Mabilis na tutungo si Rene sa palikuran at pagkarating ay doon lamang niya mailalabas ang saloobin na dapat kanina pa niya nailabas at mapapahagulhol.
"Huhuhuhu! GG ka Ted, akala ko ayos ka sa akin, may tinatago ka pa lang hindi maganda pati kayo!" Lalo pa siyang mapapahagulhol dala ng sakit.
Nang sila ay magharap-harap doon lamang mailalabas ni Anna ang lahat ng saloobin sa kanila maging si Rene.
Habang nasa Canteen
"Anna, kaibigan mo kami kaya Tell to us your problem if you have this." Sabi ni Mikkaila.
"Wala, wala, napuwing lang ako. Huwag niyo kong alalahanin." Pagkakaila nito sa kanila.
"Weh, napuwing daw pero iyak na iyak." Pabirong sambit ni Ted sa kanya at magsasalita na si Anna.
"Gusto niyong malaman kung ano! Kung bakit ako nagkakaganito sa inyo! Dahil mga plastik kayo!"
"Ha plastik? Tell me, bakit plastik kami sa'yo?" Tanong ni Mikkaila sa kanya na takang-taka sa emosyon ni Anna.
"Akala niyo, hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo. Huling-huli ko kaya at ikaw Ted!" Madiin niyang duduruin si Ted at manlilisik ang mga mata.
"Ibang klase ka din, gusto mong magpakatoo eh ano yang sa ginagawa mo, nagpapakatotoo ka ba ha?! Na magsalita ka ng bagay na patungkol sa akin ng hindi ko alam. Kung may inis ka sa akin, sabihin mo ng harapan, hindi yung ililihim mo at isisiwalat sa iba! Ayaw ko sa lahat ng tao, eh yung sasaksakin ako ng patalikod  G*G* ka!" Nagngangalit na binitawang salita ni Anna sa kanya at mapapaiyak itong muli. Dedepensahan naman ni Mikkaila ang mga sinabi ni Ted.
"Anna, nagpakatotoo lang naman si Ted sa sinabi niya, huwag kang magalit. Sinasabi lang niya sa amin kung anong dapat baguhin sa ugali mo. Kasi talakera ka raw at maligalig. Para nga kayong aso't pusa ni Rene kapag magsama, kasi nag-aasaran kayo, bagay na ikinaiirita ni Ted sa inyo. Sorry kung nasaktan ikaw sa sinabi niya. Nabubwisit lang siya sa kaingayan ninyong dalawa at sana magtanda na raw kayo." At magsasalita na rin si Rene para maglabas ng saloobin.
"Wow, gusto niyo kayo lang! Bakit kapag kayo-kayo naman nag-uusap at nag-aasaran na kahit naiirita na kami, may narinig ba kayong reklamo sa amin! Hindi naman at saka nakitungo pa rin kami ng maayos sa inyo, ginawa naming iparamdam sa inyo na talagang kaibigan niyo kami!"
"Kaya nga at saka isa pa, pakiramdam ko, kayo-kayo lang ang magkakilala, parang may sarili kayong mundo! Kaya ba kayo ganyan sa amin nitong mga nakalipas na araw, kasi naalibadbaran na kayo sa amin, dahil sa maingay kami. Kung ganyan na ang pakiramdam niyo sa amin, dapat sabihin ng harapan, hindi yung mabibigla kami dahil basta-basta na lang matutuklasan na ganon na! Masakit kasi ang ganon! Ikaw Ted, dapat hindi ka na lang nagsalita! Ang sakit-sakit mong magsalita, huhuhuhu!"
"Ikaw naman Lorence, plastik ako?! Pakiramdam ko nga kapag kasama kita, parang hindi kaibigan ang tingin mo sa akin! Kapag nag-uusap tayo, parang may hangin sa Teynga mo, para kang teyngang kawali, nagbibingi-bingihan tapos maririnig ko sa'yong plastik ako! At ikaw naman Ted, akala ko ba ayos na tayo at hindi ka na galit sa ginawa ko, tapos malalaman ko, may hinanakit ka pa, hindi lang sa akin kundi kay Anna! Tapos nagawa mo pa kong i-unfriend ako! Ano 'to lokohan?! Umayos kayo!" Naglalagablab na sambit ni Rene kina Ted at Lorence. Papayuhan ni Mikkaila ang dalawa para pahupain ang galit sa dibdib subalit hindi ito pakikinggan at aalis na masamang-masama ang loob. 
Abot langit ang pagkadismaya ni Rene sa sinabi ng taong kanyang natitipuhan kaya pagkatungtong ng mansyon ay kaagad na papasok ng kwarto at muling mapapaiyak.
“Nagkakagusto pa naman ako sa’yo, dahil sa mabait ka, dahil sa nakakatuwa kang kasama, higit sa lahat, dahil sa gwapo ka, kahit batid kong maari itong ikasira ng pagkakaibigan namin ni Anna. Parang nasa iyo na ang lahat na hinahanap ko sa isang tao, pero nagkamali ako, hindi dapat akong umibig sa isang gaya mo! Akala mo kung sino ka manghusga sa amin!” Kukuhain niya ang Cellphone upang i-chat si Ted.
“Kung ayaw mo sa akin, hindi diwag! Mas lalong ayaw ko sa’yo!” Nanggagalaiti na sabi nito sa Chat.
“Kung inan-friend mo ko, pwes ibahin mo ko dahil iba-block naman kita.” Sabi nito sa kanyang sarili at iba-block na niya si Ted, bilang tanda na tinatapos na niya ang pakikipagkaibigan at ugnayan sa kanya, masakit man sa kanya dahil sa feelings nito sa kanya. 




Chapter VI
Lihim sa litrato



Hindi naman nagtagal ang namamayaning galit sa puso nina Rene at Anna at nagawang magpatawad at makipag-ayos sa kanila nang malinawan ang isip maliban kay Ted na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung kailan papatawarin, lalo na’t parehong siya ang pinipintig ng Puso. Tunay ngang mas masakit kapag nanggaling sa taong mahalaga sa iyong puso ang mabibigat na salita at ganon ang napagdadaanan nina Rene at Anna na akala’y simpleng bagay lang o mababaw dahil nagpapakatotoo lamang siya subalit isang pagdurusa ang dulot sa kanilang loob. Dala ng sakit na tinamo nila kay Ted, iyon ang magtutulak sa dalawa para mabulagan sa mga ipapaliwanag niya.
Habang nasa student lounge sina Rene at Anna, lalapitan sila ni Ted.
“Anna, Rene, pwede ba tayo mag-usap. Kasi sa napapansin ko, parang kina Mikkaila at Lorence lang kayo okey pero kapag sa akin, parang hindi pa? Kung galit pa kayo sa akin, pag-usapan natin ito.” Mahinahong pakikusap nito sa dalawa. Biglang tatayo si Anna at kokomprontahin si Ted.
“Ano pa nga ba ang dapat nating pag-usapan! Nasabi mo na kung anong gusto mong sabihin! Alam mo, di mo kasi pinag-iisipan ang mga sasabihin mo! May damdamin ka rin at maaaring masaktan! Kaya kung may sasabihin ka, huwag mo ng ituloy!” Pagalit na wika nito sa kanya.
“Ano bang meron sa akin Anna, bakit hindi mo ko mabigyan ng pagkakataon para pakinggan?! Nakakapagtaka lang kasi, hindi lang naman ako nagsabi sa inyo niyon, sila rin naman na ikinahihingi ko ng paumanhin kung nasaktan kayo, pero hanggang ngayon, galit pa rin kayo sa akin, ikaw Anna?!” Biglang sasabat si Rene sa komprontasyon ng dalawa.
“Pwede ba Ted, tumigil ka na at umalis, wala rin magandang patutunguhan ang pag-uusap na ito!” Pasigaw na sabi niya sa kanya.
“Teka lang Rene! Hindi pa kami tapos mag-uusap pa kami at sa’yo rin! Yang mga tinginan mo sa akin, hindi makatitig ng tuwid. Ang paraan ng iyong pananalita, nag-iiba rin. Senyales ba yan na totoo ang sinasabi nila?” Magugulat bigla si Anna sa binanggit ni Ted.
“Anong totoo sa sinabi nila?! Ano?!” Gulat na gulat na tanong ni Anna at lalo pa itong magugulat.
“Magtapat ka nga Anna, may gusto ka ba sa kin?!” Makakaramdam bigla ng pangamba si Rene sa maaring mangyari kaya gagawa ito ng paraan para hindi makapagtapat si Anna.
“Pwede ba Ted, utang na loob, umalis ka na!” Subalit magmamatigas ito.
“Hindi! Hindi ako aalis dito hangga’t di nagsasabi si Anna sa akin, kaya Anna sagutin mo ang tanong ko!”
“Ted, saan mo ba nakukuha ang ganyan impormasyon at naiisip mo yan?! At Kung ano-“ Maantala ang sasabihin ni Rene dahil pipigilan nito ni Anna.
“Oo Ted, tama ang sabi nila sa’yo, na MAY GUSTO AKO SA’YO!” Malakas na pagtatapat nito sa kanya at manghihina si Rene dahil nagtapat na si Anna kay Ted.
“Pero huwag kang mag-alala dahil dati iyon, hindi na ngayon. Inlove ako sa’yo pero nawala na nang marinig ko ang mapupusok na salita mula sa bibig. Ano Ted, nagpapakatotoo lang din ako sa’yo, hindi ba magkaibigan tayo. Siguro naman ay maniniwala ka na sa sinabi ko kaya makakaalis ka na ngayon alam mo na ang totoo at wala ka nang maririnig pa mula sa amin!” At aalis na nga si Ted. Mapapanatag ang kalooban ni Rene nang malaman nitong nawala na ang pagtingin ni Anna sa kanya pagkat nabigyan siya ng pag-asa subalit nanatili pa rin ang sakit sa loob
Mananatiling may pag-ibig si Rene kay Ted na siyang magtutulak sa kanya para patawarin na ito at makipag-ayos subalit dumating ang panahon, mapapalitan si Ted sa puso ni Rene nang may makilala itong lalaki, na tingin nito ay higit sa kanya at mapapaligaya ng lubos kahit batid ng kanyang isip na kumplikado dahil sa katayuan sa buhay.
Sa kabilang banda ay unti-unti namang matutuklasan ni Ted ang mga bagay na inililihim ng kanyang ama sa mahabang panahon.  
“Dad, nakita ko sa hagdanan natin, pakalat-pakalat ang litratong ito.” Iaabot nito ang litrato sa kanyang ama at kakabahan siya.
“Salamat anak, kanina ko pa kasi ito hinahanap.” Lalo pa siyang kakabahan nang magtanong si Ted.
“Dad, sino iyang babaeng kasama niyo, tapos may bitbit pang sanggol?” Tanong nito sa kanyang ama na tila naghihinala.
“Ah iyan, tiyahin mo yan tapos yang bitbit niya, pinsan mo.” Pagkakaila diumano nito kay Ted na ang totoo ay iyan ang una niyang asawa na nagkaanak sa kanya at nawawalang kapatid ni Ted.
“Eh nasaan na sila ngayon, bakit sa tana ng buhay ko ay ngayon ko lang sila nakilala.” Pagdududang tanong nito at magdadahilan ang kanyang ama para maitago ang katotohanan.
“Kaya ngayon mo lang sila nakilala, kasi sa abroad na sila nakatira. Sorry kung hindi ko sila naipakilala sa inyo, nakalimutan ko na kasi sila sa haba ng panahong wala na sila.”
“Eh kung nakalimutan mo na sila, bakit nasa inyo pa yang litato at tinatago niyo sa kwarto?”
“Kaya nga eh, bakit naririto pa ito sa akin. Sige anak, akyat na ko ng kwarto, dami ko pang aasikasuhin sa trabaho.”
Kahit nagpalusot ang Daddy ni Ted ay hindi pa rin maiaalis sa kanyang isipan ang magduda.
“Parang may mali sa sinabi ni Dad sa litrato. Totoo bang kamag-anak ko ang mga iyon. Halos lahat na ng kamag-anak ko sa fatherside, kilala ko na, bakit sila lang ang hindi ko kilala?” Tanong nito sa kanyang sarili na dudang-duda. 
Dahil sa pagdududa ay magagawa ni Ted na mag-ungkat kung ano ang nakatagong katotohanan sa litratong iyon. Pagkaalis ng kanyang ama, dali-dali siyang papasok ng kwarto para hanapin ang litrato. Hindi naman siya nabigong hanapin ang litrato at dagliang pupunta sa kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ama para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ng kanyang ama patungkol sa litrato.
“Ah Tita, kilala niyo po ba ang kasama ni Dad sa litrato?” Hindi agad makakaimik ang kanyang tiyahin sa takot na magkamali sa pagkakaila.
“Ah-ah iyan, teka muna iho, saan mo ba nakuha ang litratong iyan.”
“Sa kwarto ni Dad. Ano po Tita, kilala niyo po ba ang kasama ni Dad?” At magkakaila ang kanyang tiyahin.
“Hindi eh, hindi eh, sino ba yang kasama niya?” 
“Talaga, hindi niyo po sila kilala. Eh samantalang sabi ni Dad, kamag-anak ko raw sila.” Tititigan muli ng kanyang tiyahin ang litrato.
“Ah oo, kamag-anak mo nga sila, tama ang dad mo, ano ba yan nawawala nanaman ako sa sarili ko.” Pagdadahilan ng kanyang tiyahin.
“Eh ano pong pangalan niya pati yung bitbit na bata?” Tanong muli nito sa kanya.
“Alam mo iho, dami ko pang gagawin, pwede bang saka mo lang itatanong ang tungkol diyan kasi hindi na kita masasagot.”
“Sige po Tita, una na po ako pero sana lang po, totoo ang mga sinabi niyo.”
Pagkaalis ni Ted sa bahay ay kaagad na tatawagan ng kanyang tiyahin ang Daddy nito para balaan.
“Naku, kuya, nagpunta dito kanina ang anak mo. May dala pa siyang litrato!” Sabi nito na nagpapanik.
“Litrato? Anong litrato?”  
“Yung kasama mo yung mag-ina, si Lynda at ang anak mo sa kanya. Nagtatanong na nga kung sino sila sa litrato eh.”
“Ah ganon ba, ano naman sinabi mo sa kanya?”
“Sabi ko, hindi ko kilala yan. Naku Kuya, pakiramdam ko, malapit nang mabunyag ang lihim mo sa kanila, kaya mag-ingat-ingat ka kung ayaw mong mangyari iyon. Matanong pa naman yang anak mong si Ted at kilala ko siya, bawat detalye kapag kadudaduda sa kanya, bubusisiin niya nang bubusisiin hanggang sa malaman niya ang totoo, kaya kailangan mong mag-ingat.”
“Salamat sa iyong babala Merley.”
“Pero teka muna kuya, sa hindi ako nanghihimasok sa buhay mo, kailan mo ba balak sabihin sa pamilya mo, na may una kang asawa at nagkaanak pa? Natatakot ako para sa’yo kasi, hindi magtatagal ay malalaman rin nila.”
“Sasabihin ko naman sa pamilya ko ang tungkol sa aking nakaraan, sa panahong nabawi ko na ang anak kay Lynda. Sa ngayon ay mananatili munang lihim iyon. Gagawa ako ng paraan para mahanap si Gem.” At ibababa na nito ang telepono. Pagkabalik na pagkabalik ni Ted sa bahay ay agad na hahanapin sa kanya ang litrato.
“Oh andito ka na pala Ted!” Galit na bungad nito sa kanya.
“Nasa iyo ba ang Litrato?!” Tanong nito sa kanyang anak subalit magkakaila si Ted.
“Litrato, anong litrato dad?”
“Huwag ka nang magkaila, alam kong alam mo ang tinutukoy kong litrato kaya ibalik mo yun sa akin!” Muling mabubuo ang pagtataka sa isip ni Ted.
“Teka muna Dad. Ano bang meron sa litratong iyon at pakiramdam ko ay napakahalaga sa inyo iyon, samantalang sina tita lang naman iyon na hindi ko nga kilala!”
“Huwag ka nang makulit pa at maraming tanong, basta balik mo sa ‘kin ang litratong iyon, ibalik mo!” At ibibigay nga ni Ted ang sinasabing litrato. Pagkabigay na pagkabigay ay mabilis na aakyat ang kanyang ama at itatago ang litrato. Sa naging reaksyon nang kanyang ama patungkol sa litrato ay lalo pang kukutuban ng hindi maganda si Ted. Matalino si Ted at batid niyang hindi na muli pang mapapasakamay ang litrato, oras na bawiin iyon ng kanyang ama kaya minabuting pitsuran niya para magamit sa paghahanap ng katotohanan. Itatanong rin niya sa kanyang ina ang tungkol sa litrato.
“Mommy, kilala niya po ba ang babaeng kasama ni Daddy?’ Tanong nito habang ipinapakita ang litrato sa kanyang cellphone.
“Hindi, hindi ko kilala yan. Sino ba yang kasama ng Daddy mo at ngayong ko lang nakita iyan?” Tugon ng kanyang nanay na siya pa lalong magdadagdag sa kanyang mga pagdududa.
“Ano ba daddy, kinukutuban na ko sa’yo, may tinatago ka ba sa amin?” Sabi nito sa kanyang loob-loob na dudang-duda. Dala ng matinding pagdududa ay hindi pa matatapos ang panggagalugad ni Ted sa kanyang ama. Aalis ang kanyang ama sa bahay at palihim nitong susundan. Pagkarating kung saan ang tagpuan ng kanyang ama at ng mga imbestigador nito.
“Pakihanap ang babaeng nasa litratong ito. Lynda, Lynda Esperon ang pangalan niya at 43 years old na siya ngayon, dati kong asawa. Pagkahanap niyo, bawiin niyo sa kanya si Gem o Gemini sa totoong buhay na ngayon ay 19 years old at dalhin agad sa akin. Ito ang paunang bayad ko sa inyo.” Iaabot nito ang pera sa kanyang imbestigador, matapos ang kanilang napag-usapan.
“Sana mahanap ka na nila, Gem at maibalik sa akin. Matagal-tagal ka ring nawalay sa akin, dahil sa kagagahan ng mama mo.” Sabi nito sa kanyang sarili subalit ang hindi nito alam, naniniktik na ang kanyang anak. Magugulat si Ted sa kanyang mga nalaman.
“Si Dad, may asawa bukod kay Mommy?! It will not be happened!” Tanong nito sa kanyang sarili na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa mga natuklasan.
“Yung Lynda na pinapahanap niya sa kanyang mga tauhan, hawig na hawig sila sa cellphone ko. May kapatid din pala ako sa labas at Gemini ang pangalan niya? Kaya pala nung tanungin ko si Auntie maging si Mommy, hindi nila kilala ang babae sa litrato, iyon pala ay unang asawa ni Dad. Tama nga ang kutob ko, may itinatago si dad. Anong klase kang ama, bakit nagawa mong maglihim sa amin?!”
Nang makaharap ni Ted ang kanyang Daddy ay kokomprontahin niya ito.
“Alam ko nang may tinatago ka sa amin, Dad!” Pambungad nito sa kanyang ama na nagngingitngit ang mukha sa galit.
“Tinatago? Wala akong tinatago sa inyo, anak.” Pagkakaila nito.
“Huwag ka ng magsinungaling Dad, huling-huli ka na eh, na may nauna kay Mama!”
“Ikaw Ted ha, tigil-tigilan mo ko kung ayaw mong masaktan kita! Isang magulang ang kaharap mo kaya wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Hindi mo alam ang mga sinasabi mo!”
“Eh totoo naman Dad, may una kang naging asawa at Lynda ang pangalan niya, hindi ba?! At saka nagkaanak ka pa sa kanya! Ibang klaseng ama ka rin eh, galing mo, ang galing mo magtago at niloko mo si Mommy!” Habang may rebelasyon sa pagitan ni Ted at ng kanyang ama ay lingid sa kanilang kaalaman na nakikinig ang nanay ni Ted at umiiyak, dahil sa mga narinig nito. Hindi maglalaon ay papasok na ito.
“Tama ba Ricky ang sinabi ng anak natin, na may una kang asawa at nagkaanak pa?!” Naglalagablab na tanong nito subalit hindi ito kaagad na makakasagot.
“Ano, sumagot ka, may una ka bang naging asawa?!” Pasigaw na tanong muli nito. Dahil nabuko na, tahasan ng ibubunyag ni Ricky ang naging nakaraan nito sa kanila.
“Oo mahal ko, tama ang sinabi niya!”
“Huhuhuhu! Bakit ngayon mo lang ito sinabi at itinago sa amin ng matagal?!” Mapapahagulhol pa ito lalo ng malakas.
“Sasabihin ko naman dapat sa inyo, kaso naghihintay ako ng tamang panahon. Sana magawa niyo pa akong mapatawad kung inilihim ko ito sa inyo ng matagal. Gusto ko kasing kalimutan ang masasakit na nakaraan at maging maayos ang pamilya natin.”
“Paano kita mapapatawad ha?! Kung buong buhay ko na magkakilala tayo, pinaniwala mo kong wala kang ibang asawa, tapos nagkaananak ka pa. Matatanggap ko pa kung kaagad mo itong sinabi, pero itinago mo ng matagal! Kaya hindi mo ko masisisi kung mahihirapan akong patawarin ka!”
Tuluyan na ngang nabunyag ang inililihim ni Ricky sa kanyang pamilya na itinago sa matagal panahon at naging masalimuot iyon para kay Ted pagkat ang kinalakihan niyang ama na mabait at mapagmahal, sa dakong huli ay may inililihim pala.
“Ano pa, ano pa ang tungkol sa una mong asawa pati sa anak mo sa kanya, magsabi ka Ricky!” Pagpupumilit na wika ng kanyang asawa na humahagulhol sa sakit at mapapakwento si Ricky.




Chapter VII
Ang nakaraan at si Rene


Lumaki si Ricky sa isang pamilyang nabibilang sa pagiging aristocrat at naging marangya ang kanyang pamumuhay. Layunin ni Ricky na sumunod sa yapak ng ama na maging successful sa buhay subalit lahat ng kanyang pinapangarap at nais niyang takbuhin sa buhay ay magbabago nang mahulog ang loob nito sa isang katulong na si Lynda.
"Sir, ito na po ang ipinaluluto niyo sa aking sopas." Pangiting sabi ni Lynda habang inihahain ang mainit-init na sopas kay Ricky, titikman nito.
"Ikaw ang nagluto nito Lynda? Ang sarap-sarap kasi."
"Opo Sir, talagang sinarapan ko yan para sa inyo."
"Kung ganon, ikaw na ang magluluto ng kakainin ko, sarap-sarap mo palang magluto." Tatayo ito, lalapitan si Lynda at biglang hahagkan.
"Hindi nararapat sa iyo ang ganitong trabaho, kasi ang ganda-ganda mo. Bukod pa dun ay ang bait mo pa." Bahagyang magpupumiglas si Lynda sa pagkakayakap ni Ricky.
"Ah sir, sige po, marami pa kong gagawin." Aalis na dapat ito subalit pipigilan ni Ricky.
"Dito ka lang muna at magkwentuhan tayo." At nanatili nga si Lynda alinsunod ng kanyang amo.
Ang hindi alam na Ricky, may gusto rin si Lynda sa kanya, hindi lamang niya maipagtapat sapagkat batid ni Lynda na hindi siya nababagay para kay Ricky. Dumating ang panahon ay nagtapat na rin siya kay Lynda na mahal niya ito.
"Lynda, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano po iyon Sir?"
"Alam mo, kahit isa ka lang hamak na katulong dito sa amin, na tingin ng karamihan, maihahalintulad sa alipin, hindi ganyan ang tingin ko sa'yo. Para sa akin, isa kang babae na dapat galangin at pahalagahan, maihahalintulad sa mga babaeng may mataas na katayuan sa buhay. Kaya Lynda, pwede ko ba hingin ang 'yong kamay?"
"Hingin ang aking kamay? Anong ibig niyong palabasin at nasasabi niyo yan sa akin?" Tanong Lynda sa kanya na hindi maitago ang kilig sa mukha.
"Nasasabi ko ito sa'yo dahil panahon na, para magtapat ako. Mahal kita Lynda." Lalong kikiligin si Lynda nang magtapat ang lalaki na  kanya ring napupusuan.
"Ako din Sir, may ipagtatapat ako sa inyo. MAHAL DIN KITA."
"Talaga Lynda, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Gulat na gulat na tanong nito at tuwang-tuwa.
"Alanganin kasi kung ipagtatapat ko sa'yo ang nararamdaman ko, actually matagal na ito since na pumasok ako dito bilang katulong at makilala kita. Hindi ko lang masabi sa'yo, dahil langit at lupa ang pagitan nating dalawa at hindi ako nararapat sa pagmamahal mo."
"Nagkakamali ka Lynda, kahit ano ka pa sa buhay, tatanggapin at mamahalin pa rin kita."
Matapos nilang magtapat sa isa't isa ay magiging magkasintahan na sila subalit itinago ni Ricky ang pakikipagrelasyon kay Lynda sa mga magulang nito, dahil batid niyang hindi ito matatanggap para sa kanya, lalo na't isang hamak na katulong lang at gusto ng kanyang magulang na mag-asawa siya ng isang mayamang babae. Bukod pa roon ay iniisip niya na maari silang paghiwalayin, oras na malaman ng kanyang magulang ang relasyon nilang dalawa. Hindi nga nagkamali si Ricky sa kanyang pangamba at makalipas ang anim na buwan, matutuklasan na ng kanyang magulang at mga kapatid ang pagmamahalan nila ni Lynda.

Pagkapasok ni Ricky sa kwarto ay papasok din si Lynda.
 "Mahal ko, mukhang pagod na pagod ka ngayon?" Agad na tatanggalin ni Lynda ang kasuotan ni Ricky at bibihisan.
"Ang sweet mo naman sa akin. Nawawala ang pagod ko kapag kasama kita." Dahan-dahan nitong ilalapit ang mukha ni Lynda sa kanya hanggang sa maglapat na ang kani-kanilang mga labi. Habang sarap na sarap sila sa paghahalikan, may magbubukas ng pintuan at papasok ang ina ni Ricky. Labis siyang hindi makakapaniwala sa makikita.
"My goodness!" Gulat na gulat na sabi nito sa dalawa at ititigil ang paghahalikan.
"Anong ibig sabihin nito anak?! Na may relasyon ka sa isang hampas-lupang gaya niya?! Hindi maari ito! Hindi mo siyang pwedeng mahalin, lalo na't isa kang Crisostomo at wala sa lahi natin ang mag-asawa ng mabababang uri. Anong sasabihin ng kamag-anak natin kapag nalaman nilang pumapatol sa isang gaya niya!"
"Ma, mahal ko si Lynda at walang masama kung magmahalan kaming dalawa, sa kabila na tingin niyo sa kanya ay mababang uri lang!"
"Madami pa naman babae diyan anak, na mayaman at karapatdapat sa'yo, bakit siya pa?! Sa isang hamak na mutsatsa! Sinasabi ko sa'yo, hiwalayan mo siya at maghanap ng babaeng kagaya natin!"
"Ma, hindi ko siya maaaring mahalin, mahal ko siya!" At biglang darating ang ama ni Ricky.
"Ano yan, anong kaguluhang nagaganap sa kwartong ito at nagsisigawan kayo?!" Pasigaw na tanong ng ama ni Ricky.
"Yang anak mo kasi, kinaluntari ang isa nating katulong! Mga walang hiya!"
"Totoo bang narinig ko sa Mama mo, magkarelasyon kayong dalawa ng katulong natin?" Lakas loob na aaminin ni Ricky sa kanyang ama ang relasyon nilang dalawa.
"Oo Papa, may relasyon kaming dalawa at mahal ko si Lynda! Kaya please lang, payagan niyo kami!"
"Mamili ka Ricky, ako matanda na at uugod-ugod na anumang sandali ay maaari ng mamalam sa inyo. Iyang babae o ang makukuhang mana mo sa akin?!" Tanong nito sa kanyang anak na pinapapali.
"Huwag naman ganyan Pa, anak mo ko at dapat lang na unawain niyo ko!"
"Basta anak, mamili ka. Yang babae o ang mamanahin mo sa akin?! Kung gusto mong may manahin, hiwalayan mo yang babae, utang na loob!"
Dahil sa matinding pagmamahal ni Ricky kay Lynda na tipong hindi niya kayang mabuhay nang wala ito, mas pinili niya ito kaysa mamanahin nito, batid man niya na maaaring magbago ang buhay niya at mga pangarap. Pareho silang pinalayas sa mansyon at nakitira sa kamag-anak ni Lynda. Hindi rin magtatagal ay magkakaroon ng sariling tahanan ang magkasintahan at makakahanap ng trabaho si Ricky bilang Clerk Assistant, samantalang si Lynda ay namamahala sa isang karinderya. Magkasama nilang binubuhay ang isa't isa nang walang tulong ng pamilya ni Ricky at masayang nagsasama. Isang taong makalipas, nagkabunga rin ang kanilang pagmamahal.
"Congratulations to you Ricky ang Lynda, your wife is 3 months pregnant." Sabi ng doktor at sisipa bigla ang sabik sa kanya-kanyang mga dibdib.
"Talaga Dok?! Yes! Yes! Magiging tatay na ko!" Sabi naman ni Ricky na sabik na sabik sa pagdating ng una nilang anak.
Makaraan ang anim na buwan
"Sige pa iha ire! Umire ka pa nang umire!" Sabi ng komadrona na aligaga sa pagpapaanak kay Lynda at nang maisilang.
"Lalaki ang anak niyo, Lynda!" Malakas na sabi ng komandrona.
"Ang cute-cute naman niya. Mahal ko, anong ipapangalan natin sa batang ito?" Tanong ni Ricky kay Lynda na masayang-masaya.
"Dahil ipinanganak siya sa araw na ito, May 28 at sakop ng Zodiac Sign na Gemini, Gemini ang ipapangalan natin sa kanya." Tugon naman ni Lynda kay Ricky na masayang-masaya sa pagdating ni Gemini.
Lalo pang naging masaya at matamis ang pagsasamahan nina Lynda at Ricky nang magkasupling subalit makaraan ang ilang buwan, mapapansin ni Lynda na may nag-iba sa pakikitungo i Ricky. Unti-unti nang tumatabang ang pakikisuyo sa kanya ni Ricky.
"Mahal ko, kanina pa ko nagkukwento, wala ka naman imik. May problema ba sa'yo."
"Wala mahal, pagod lang ako, sige pasok na ko ng kwarto."
Kinabukasan at pagkagaling na pagkagaling ni Ricky sa trabaho.
"Ano ba yan, Lynda! Iyak nang iyak ang anak natin. Naasikaso mo ba siya ng maayos kapag wala ako dito?!"
"Oo naman hon, marami lang kasi akong ginagawa dito, nagluluto, naglilinis ng bahay, ikaw ginabi ka nanaman ng uwi. Marami bang ipinagawa sa'yo?" Sa halip na sumagot ay titig lang si Ricky sa kanya, papasok ng kwarto na tila walang narinig.
Dumating ang panahon na bukod sa lumalamig na ang pakikisama ni Ricky kay Lynda, nagagawa na rin nitong pagbuhatan ng kamay. Dahil sa pambubugbog na ginagawa sa kanya ni Ricky, unti-unti nang maglalaho ang nararamdaman nito sa kanya, hanggang sa may nakilala si Lynda na isang lalaki na magpapatibok muli sa kanyang puso at siya si Mike, na lumaki sa simpleng pamilya at tanging pangingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay. Tapat at napakasipag ni Mike, na siyang dahilan para mahulog ang loob ni Lynda sa kanya, kahit batid niyang may asawa't anak na ito. Nagpatuloy ang pambubugbog ni Ricky sa kanya.
"Ano bang problema mo sa akin, Ricky, parati mo na lang ako ginaganito?! Dati naman, hindi ka ganyan sa akin!" Mangiyak-ngiyak na sabi nito habang nakahandusay matapos mabuwal nang buntalin ni Ricky.
"Dahil sa nanlalaki ka! Magtapat ka nga, sino yung lalaking ka-text mo?! May bago ka na bang mahal at siya ang ipapalit mo sa akin?!"
"Hindi, ikaw lang ang mahal ko! Maniwala ka!"
"Sinungaling!" Sabay sasampalin nito ng malakas at sa lakas ay mapapadugo ang bibig ni Lynda.
Hindi na kinaya pa ni Lynda ang madalas na pagmamaltrato sa kanya ni Ricky kaya naisipan nitong makipagrelasyon kay Mike. Tinanggap naman siya ni Mike bilang katipan nito, kahit alam niyang may anak at asawa na ito. Nang magkaroon ng pagkakataon si Lynda, lihim itong umalis dala ang kanyang anak at nakipagtanan na kay Mike.
Pagkagising na pagkagising ni Ricky, madadatnan niyang wala na ang mag-ina at tatangis.
"Lynda, hinayupak ka! Saan ka ngayon nagtungo at nagawa mo pang tangayin ang anak ko!" Sabi nito na nag-aapoy ang mukha sa galit at tumatangis.
Parang nakawala si Lynda sa impyerno na kanyang kinasadlakan nang iwan nito si Ricky. Habang nasa puder ni Mike, itinuloy nila ang pagmamahalan bilang magkasintahan at si Mike na ang tumayong ama kay Gemini, subalit hindi maglalaon ay matutunton din sila ni Ricky. 
"Lynda, lumabas ka diyan! Alam kong nandiyan ka!" Pasigaw na tawag nito kay Lynda habang kinakalampag ang gate dahil sa pagiging agresibo nito.
"Lynda, asawa mo yata iyong tumatawag sa'yo!" Sabi ni Mike kay Lynda na alalang-alala at ilang sandali pa, matapang na hinarap ni Lynda si Mike.
"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Lynda kay Ricky na galit na galit.
"Bumalik ka na sa akin Lynda. Nagsisisi na ko sa nagawa ko sa'yo. Pangako, babawi ako sa'yo." Pakikiusap nito kay Lynda subalit magmamatigas si Lynda.
"Bumalik? hindi na ko babalik sa'yo. Husto na ang pananakit na ginawa mo sa 'kin! Pakiramdam ko nga, hindi mo na ko mahal dahil sa ginagawa mo sa akin!"
"Ano ba ang dapat kong gawin, para patawarin mo ko!"
"Wala, wala kang dapat gawin! Isa pa, hindi na kita mahal at si Mike na ang nilalaman ng puso ko kaya makakaalis ka na!" Masasaktan si Ricky sa sinabi ni Lynda na hindi na ito mahal at magagalit kahit ang totoo ay hindi naman nawala ang kanyang pagmamahal.
"Sige! Kung hindi mo na ko mahal at wala ka nang balak bumalik sa akin, tatanggapin ko pero isa lang ang hihilingin ko sa'yo, ibigay mo sa akin si Gem!"
"Magkakamatayan muna tayo bago mo makuha si Gem! Anong tingin mo sa akin, inahing baboy na anak lang ang habol mo! Hindi! Hindi ko siya ibibigay sa'yo!"
"Sabing ibigay mo sa akin!" Magpupumilit siyang pumasok ng bahay para kuhain si Gemini subalit pipigilan ito ni Mike at sasapakin.
"T***-i** mo! Bakit ka ba nangingialam ha!" Uundayan din nito ng sapak si Mike at magsasapakan sila. Hihingi ng tulong si Lynda sa mga kapit-bahay para awating dalawa na nagpapalitan ng lakas. Nang maawat sina Ricky at Mike.
"Sinasabi ko sa inyo! Hindi pa tayo tapos! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha sa'yo Lynda ang anak natin. Nagsisisi ako, at minahal pa kita!" Nanlilisik na pagbabanta diumano ni Ricky sa kanila at aalis.
Dahil sa panggugulo ni Ricky sa kanila, napagpasyahan nina Lynda at Mike na tumungo ng Negros, kung saan ang mga kamag-anak ni Mike para hindi na sila matunton pa ni Ricky. Sa hindi inaasahang pangyayari at habang lulan sila ng barko, sumabog ito at nagkagulo-gulo ang mga tao dala ng pagpapanik hanggang sa mapahiwalay sa kanila si Gem. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Lynda at patuloy na hahanapin ang anak nito, sa kabila na papalubog na ang barko. Bukod sa nawawala si Gem ay aksidenteng nahulog si Mike sa dagat at nalunod. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lynda nang panahong dumating ang trahedya dahil parehong nawala si Gem at Mike. Gayunpaman, suwerteng nakaligtas si Gem mula sa trahedya at napunta sa mag-asawang Nilda at Lito.
"Nilda, bakit inampon mo pa yang bata, tekang andami na nating anak?" Tanong ni Lito sa kanyang asawa habang lulan sila ng bangka na galing sa barko. 
"Ano ka ba Lito, hindi ka ba naawa sa bata at saka baka nga hindi nakaligtas ang mga magulang nito mula sa pagsabog ng barko."
"Kahit na, hindi mo na dapat inampon yan. Hirap na hirap na nga tayo sa buhay tapos nag-ampon ka pa, anong ipapakain natin diyan?!"
"Huwag ka ngang nega diyan, siguro, kaya napunta ang batang iyan sa atin, kasi biyaya siya ng Diyos." Tutol na tutol man si Lito na ampunin ang batang si Gem, hindi pa rin nabakli ang paninindigan ni Nilda na alagaan ito at angkinin na tunay niyang anak, lalo na't batid niyang wala nang kukuha sa kanya.
Pagkarating nina Nilda at Lito sa bahay.
"Mama, bakit may bitbit kang sanggol? Saan mo siya napulot?" Tanong ng kanilang anak.
"Sa barko na sumabog. Suwerte ngang nakaligtas kami ng tatay niyo pati ang sanggol na ito. Magmula ngayon dito na siya titira sa atin."
"Ano naman ang ipinangalan ninyo sa kanya?" Tanong naman ng isa pang anak ni Nilda.
"Reneboy, Reneboy ang ipinangalan ko sa kanya. Cute ng pangalan niya di ba, lalaking-lalaki at Rene ang magiging palayaw niya." Masayang sabi niya sa mga anak at si Rene nga ang nawawalang anak ni Ricky kay Lynda.
Matapos maglahad ni Ricky tungkol nakaraan nito kay Lynda.
"Patawarin niyo talaga ako at sana, magawa niyong tanggapin dito si Gem, oras na maibalik siya sa akin. Ikaw Ted, sana matanggap mo siya bilang iyong kapatid. Matagal-tagal na rin akong nangungulilala sa kanya."
"Hindi, hindi ko yan matatanggap kasi bunga siya ng kataksilan niyo Dad! Hindi ko siya kikilalaning kapatid dahil kayo lang ang pamilya ko! Ang sakit dad, naglihim ka sa amin!" Pasigaw na sabi nito at sabay aalis.
Ngayong nabatid na ni Ted na may nawawala siyang kapatid, itinaga niya sa isip na kailanman ay hindi nito matanggap sa pamilya niya.



Chapter VIII
Returning Love


Isang taon ang nakakaraan at pagtungtong ni Rene sa Third Year college, dahil sa mga pangyayaring dumarating na hindi niya inaasahan, mararamdaman niyang tila nagbabalik ang pagtingin niya kay Ted. Mayroon silang Pageant para sa Ms. and Mr. Psych at isa si Ted sa mga kalahok.
"Manonood ka ba mamaya ng Psych Pageant?" Tanong ni Abbigail kay Rene na bago nitong kaibigan.
"Parang wala akong ganang manood, sige kayo na lang."
"Ano ka ba Rene, laban ito ng pambato nating si Ted at kailangan nandoon tayo at naka-full support sa kanya." Sabi naman sa kanya ni Michelle na tila pinipilit si Rene na manood ng pageant.
"Pasensiya na guys, hindi naman sa ayaw ko siyang suportahan, wala kasi akong gana. Buti sana kung ang crush ko ang kasali, manonood talaga ako, ahahaha Joke!" Pabirong tugon nito sa kanila at bilang pakikisama na rin, labag man sa loob ni Rene na manood ng gaganapin pageant, sumama na ito sa kanila.
Nang magsimula ang pageant at rumampa si Ted.
"Ted! Ted! Whoooh! Kaklase namin yan!" Masigabong sigaw ng mga kaklase nito habang itinataas ang banner niya. Magsisigawan silang lahat maliban kay Rene na nakatulala lamang at sumusunod ang paningin niya, saanman tumungo si Ted.
"Sheet! Ang gwapo naman niya, bagay na bagay sa kanya ang red tuxedo with a hat on his head and checkered nectie. Tapos ang kinis pa ng mukha." Sabi nito sa loob habang pinagmamasdan si Ted na rumarampa. Gaanoman kaingay ang mga hiyawan at sigawan, walang epekto kay Rene dahil tanging nakapokus lamang kay Ted ang tingin nito at parang hindi niya mapigil. Halinang-halina si Rene sa formal outfit ni Ted at parang kumikinam-kinam ang mata niya. Makaraan ang ilang sandali nang Swim suit competion na at bukod sa kumikinam ang mata ni Rene, parang naglalaway na rin nang masilayan ang magandang hubog ng katawan ni Ted at pwede nang pasukan ng langaw sa laki ng buka ng bibig.

“What the F***?! Ganda pala ng katawan niya ayy!” Hindi na mapagsidlan ang mukha ni Rene sa labis na tuwa sa sandaling nasisilayan niya si Ted. Nang Q and A portion na.
“Are you ready for the question? Here’s your question. You are walking around the highway and you saw a person who violate those traffic sign on the road. What do you think the best way that should to do? Do you allow him to continue doing it or correct what he had done?” Tanong ng Judge kay Ted at sasagot ito. Matapos ang patimpalak, hindi aakalain ni Rene na hihirangin bilang Mr. Psych ang kanilang pambato si Ted. Labis siyang makakaramdam ng tuwa na hindi niya maipaliwanag at pakiwari nito, para siyang nanalo. 
“Ano ba itong nararamdaman ko, parang ang saya-saya ko nang manalo siya. Pakiramdam ko, parang konektado ang buhay namin sa isa’t isa.” Sabi ni Rene sa kanyang sarili na muling naguguluhan at papasok ang kanyang ina-inahan na si Ms. Larrazabal.
“Anak, how is your school? I think you are happy for this day?” Tanong ni Miss Larrazabal sa kanya at magkukwentuhan sila.
“Pinapasaya mo talaga ang araw ko, Rene. Kahit nawala ang anak ko na kuya ni Jessica, mapalad pa rin ako kasi napulot kita at pinaliligaya mo ang bawat araw ko.” Sabi ni Ms. Larrazabal kay Rene na mababanaag sa mukha ang tuwa subalit biglang malulumbay si Ms. Larrazabal nang maalala nito ang nawawalang anak.
“Siguro, kung nabubuhay lang ang anak ko at magkasama kami, kasing edad mo na siya. Tingin ko, magkakasundo kayo ng anak ko, kasi magkapareho na magkapareho kayo.” Tatanungin ni Rene ang tungkol sa anak ni Ms. Larrazabal na inakala niyang namatay na matapos ang trahedya.
“Ano po bang ikinamatay ng anak niyo, mommy?” Tanong ni Rene kay Ms. Larrazabal subalit hindi nito makukwento pa ang tungkol sa anak niya dahil ayaw na niyang balikan ang mapait na nakaraan.
Isang araw, pagkapasok ni Rene sa unibersidad at habang patungo ng silid, sa hindi inaasahan ay makakasalubong niya si Ted.
“Hi Ted!” Pangiting sabi nito sa kanya nang sila ay magsalubong.
“Hello Rene. Ang ganda-ganda mo naman.”Pabirong sabi sa kanya.
“Talaga? Thank you sa pambobola.” Makakaramdam si Rene ng tuwa at parang kinikilig nang purihin siya ni Ted kahit batid nitong nambobola lamang siya.
Nang kanilang Lunch Time.
“Rene, ano-anong mga subject mo this Sem?” Tanong sa kanya ni Ellie.
“Pito ang subject ko this Sem, may drinap kasi akong isa at kaya ko siya drinap, kasi buwisit ang professor na iyon!” Tugon naman niya kay Ellie at habang sila ay nag-uusap ay hindi napansin ni Rene na nadoon lang si Ted. Mapapalingon lamang si Rene sa kanya nang mag-side comment ito.
“Ahahaha, may drinap nanaman siyang subject.” Patawang komento ni Ted nang marinig nito ang sinabi ni Rene.
“Eh ano naman sa’yo kung nag-drop ako ng Subject, tatay ba kita?!” Tugon naman sa kanya ni Rene.  
“Baka hindi ka na  magtapos niyan sa kaka-drop mo ng subject.”
“Buwisit kasi ang professor dun, kaya drinap ko!” Tugon naman ni Rene kay Ted  at   magiging maligaya ang araw niya nang sumama si Ted sa kanila para kumain. Pansamantalang umalis ang mga kasama ni Rene para bumili ng pagkain at nang silang dalawa lang ang dalawa, dala ng pagkailang ni Rene kay Ted ay hindi nito magagawang imikin hanggang sa.
“Rene, kumain ka na kaya.” Sabi sa kanya ni Ted.
“No thanks, busog pa ko.” Tugon naman nito sa kanya na deep inside ay tuwang-tuwa.
Matapos ang kanilang Lunch Time at habang mag-isa si Rene sa silid, nag-iisip ng malalim.
“Tama ba itong nararamdaman ko? Akala ko tapos na at wala na, pero bakit ganon, parang bumabalik ang pag-ibig ko sa kanya?” Napag-isip-isip ni Rene na marahil ay Crush nanaman niya si Ted subalit binalewala lamang niya ang nararamdaman.   Lalo pang iigting ang nagbabalik na pag-ibig ni Rene kay Ted habang sila ay nag-aasaran.
“Alam mo Rene, yang grade mo, parang buhok.” Pahirit ni Ted sa kanya.
“Bakit?” Tanong naman sa kanya ni Rene na sabik na sabik at tuwang-tuwa sa kung anong isasagot sa kanya.
“Bagsak kasi!”
“Ah Ganon.” Hahampasin nito si Ted gamit ang kamay.
“Hala, pikunin! May Pick-up line ulit ako sa’yo.”
“Huwag na, babasagin mo lang ako!”
“Tangi, matagal ka nang basag!”
Habang masayang nag-aasaran sina Rene at Ted, nandoon naman sina Ellie at Elisa sa likuran at pag-uusapan ang dalawa.
“Alam mo, palagi na lang nag-aasaran yang dalawa tuwing klase natin.” Wika ni Ellie sa kanya.
“Kaya nga eh, naku hindi ako magtataka kung magkatuluyan yang dalawa.” Pabirong sambit naman  ni Elisa at sasawayin nito ang dalawa.
“Pwede ba, huwag kayong maingay, nakakabulahaw kayong dalawa!”
“Hayaan mo  sila Elisa, hayaan mo si Rene na namnamin ang bawat sandaling kasami si Ted, ayieeh!” Sabi naman ni Ellie.
“May Something ba kayong dalawa, kasi napaghahalataan na kayo, araw-araw na lang, parati kayong nagpupukpukan ng asaran.”  Wika ni Elisa sa dalawa.
“I Swear , type yan ni Rene si Ted. Eh tuwang-tuwa nga yan nung pageant.” Pabirong sabi ni Ellie sa kanya at dedepensahan ni Rene ang mga nabubuong hinala sa kanilang isipan.
“Hindi noh, hindi  ko siya type, may iba nang nagmamay-ari ng puso ko at hindi si Ted iyon.”  Patumanggi nito sa kanila.
“Ay buti naman Rene kung ganon.” Pabirong tugon naman ni Ted sa kanya.
Habang nasa labas sila ng silid at hinihintay pumasok ang kanilang professor.
“Uy Rene, andiyan na yung Crush mo.” Pabirong wika sa kanya ni Ellie pagkakita kay Ted na papalapit.
“Hindi noh, hindi ko siya crush at huwag niyo nga ko nili-link sa kanya, hindi kami talo!”
“Hindi raw talo! Pero ngumiti bigla ang mukha nang makita mo siya. Wala kang maloloko Rene, ahahaha! May gusto ka sa kanya.” Sabi  naman sa kanya  ni  Tina.
“Hahahaha, baka may gusto!”
“Si Rene, pumapag-ibig kay Ted.” Pahabol na sambit ni Ellie sa kanila at nang lumapit si Ted.
“Uyyy!” Sabi ng kanyang mga kaibigan.
“Ted, tabihan mo raw si Rene, sabi niya, Hahahaha!” Pabirong sabi ni Ellie.
“Oo nga, pagbigyan mo na! Nang makumpleto na ang araw niya, ayieeh!” Sabi naman sa  kanya ni Tina.
“Hala tigil-tigilan niyo nga ko diyan. Huwag kang maniwala diyan sa kanila Ted, mga nakainom nanaman yan!”
“Tabihin mo na kasi, baka ma-depress tapos mag-date kayo mamaya, Hahahaha!”
“Yow ko nga, kasawa na yang katabi  noh at saka ang ingay-ingay pa, parang armalite ang bibig, tuloy-tuloy!” Sabi ni Ted sa kanila.
“Kung armalite bibig ko, eh ikaw-“ Maantala ang sasabihin ni Rene nang pigilan ni Ellie.
“Oh! Oh! Oh! Mag-aasaran nanaman kayo. Bagay nga kayong dalawa ni Ted.”
Isang araw muli at matapos ang kanilang klase sa isang subject ay hindi na bumalik  pa si Ted sa silid  dahil sa may inaasikaso ito. Inutusan niya si Tina na siya ang magdala ng bag nito sa susunod nilang silid.
“Uy Rene, pwede ba ikaw ang magbitbit ng bag ni Ted, ang bigat-bigat kasi.” Pakiusap ni Tina sa kanya na nakikisuyo.
“Aba’y bakit ako ang magbibitbit ng bag niya, eh ikaw ang inutusan diyan.”
“Dali na, tutal crush mo naman siya eh, uyyy aminin!”
“Of course not, tigil-tigilan mo nga ko sa kanya, di ko naman  siya crush eh. Kapag ako napikon, di kita pakikisuyuan.”
“Sige na, ikaw na magbitbit ng bag niya. Kahit na bakla ka at babae ang puso, lalaki ka pa rin kaya sige na. Magpaka-gentleman ka naman paminsan-minsan.” 
Ayaw man ni  Rene na siya ang magbuhat ng bag ni Ted, dahil sa pakiusap ni Tina sa kanya at awa na rin, pumayag din  ito. Habang buhat-buhat ni Rene ang mabigat na bag ni Ted, patuloy siyang aasar-asarin nina Ellie at Tina kay Ted. 
“Uyy, karga-karga niya ang bag ng crush niya.” Pabirong sambit sa kanya ni Tina.
“Buwang! Kapag ako nabanas sa inyo, babalibagin ko sa inyo 'to! Ang kukulit niyo, di ko naman siya Crush!”
“Hindi raw Crush, Ted! Ted! Ted!” Pang-aasar di umano sa kanya ni Tina.
“Baka nga hindi yan nabibigatan, baka nga natutuwa yan, kasi buhat niya ang bag ng beyb niya!” Habang sila ay nag-aasaran at pagkarating malapit sa silid na pagdadalhan ng bag ni Ted ay magugulat si Rene nang makita ito.
“Ayan na siya Rene, nasa likuran mo.” At iaabot ni Rene sa kanya ang bag nito.
“Oh bag mo, kahingal ang bag mo kasi bigat-bigat!” Habang iniaabot ni Rene ang bag sa kanya.
“Sorry ah, hindi naman kita inutusan na dalhin dito ang bag ko, bakit ikaw ang nagdala.”
“Mabait kasi ako at maawain.”
 Habang nag-uusap ang dalawa na tipong mag-aasaran na, patuloy na mangangantiyaw ang dalawa.
“Rene Love Ted, Uyy!” Pangangantiyaw ng dalawa.
Hindi pa natapos ang asaran nina  Rene at Ted  at dahil walang magawa si Rene ay aawit ito.
Ikaw nga ba si Mr. Right, ikaw na nga bang love of my life, ikaw na nga bang magbabalik ngiti sa aking mga mata, si Mr. Right ka ba, si Mr. Right ka ba, si Mr. Right ka ba?
“Uy Tama na, mahiya ka nga sa boses mo.” Pabirong sambit sa kanya ni Ted.
“Ako, huwag mo kong sinisimulan. Pagsisisihan mo ang araw na nilalait-lait mo ko.” Depensa naman nito sa kanya at biglang lalapit ang mga kaibigan ni Ted sa kanya para bigyan ng Cake.
“Wow, sarap naman yan, ano yan, Red Ribbon?” Tanong nito sa kanya.
“Ay Hinde, Blue Ribbon ito.” Tugon naman nito sa kanya na nambabara.
“Aba bastos kang bata ka! Sana sumakit tiyan mo diyan!” At biglang lalabas sina Ellie.
“Ay Harsh mo naman sa kanya, Rene.”
“Eh kasi siya, nangunguna.”
“Wala talagang araw na hindi mag-aasaran ang dalawang ito. Hindi na ko magtataka na may something sa kanila.” Sabi ni Elisa kay Ellie.




Chapter IX
Tumitinding pag-ibig ni Rene kay Ted


  Habang lumilipas ang mga panahon at dahil madalas na nitong makasama si Ted at napapasaya ang araw niya sa tuwing mag-aasaran sila, hindi na maitatanggi pa ni Rene na nagkakagusto muli ito sa kanya. Para kay Rene, kahit ganon kahaba ang oras na magkasama sila sa klase, pakiwari niyang parang bitin pa rin at nababato siya, kapag hindi nasisilayan si Ted. Tumitindi na nga ang nararamdaman niya kay Ted dahil bumibilis ang tibok ng puso niya, sa oras na kapalitan nito ng salita at naiilang pa.
Mag-isang naglalakad si Rene patungong palikuran at nang masulyapan si Ted.
“Ah, si Ted ba yung nakikita ko?” Dahil sa nararanasan nitong hiya, magtatago ito.
“Hindi, hindi niya ko maaaring makita!” Sabi nito sa loob-loob. Anumang pagtatago ang gawin niya, makikita pa rin ito ni Ted.
“Uy, Rene, anong ginagawa mo diyan?” Tanong ni Ted sa kanya at biglang bibilis ang tibok ng puso nito, pagpapawisan nang marinig ang boses ni Ted.
“Ah wala-wala, ginulat mo naman ako.” Lalabas na ito sa pinagtataguan at dali-dali nang tutungo ng palikuran.
Nang kanilang klase at habang nakikipagharutan si Rene sa matalik nitong kaibigan na si Anna, kakabog muli ang kanyang dibdib nang tawagin ni Ted.
“Rene! Rene!” Pasigaw na tawag nito sa kanya subalit hindi agad siya maririnig dahil abalang-abala ito sa pakikipaglokohan kina Anna. Nang kanyang marinig.
“Yes Ted, Problema mo sa akin?!” Pataray na tanong nito sa kanya.
“Pinapatanong sa’yo ni Jovie kung bakit takot ka raw ma-curfew.” Tumataas ang kilig sa kanyang dibdib kaya hindi agad makakaisip ng isasagot. Nang makaisip ng sasabihin. 
“Bakit mo naman natanong yan sa ‘kin Jovie, bakit hinahanap mo ba ang weakness ko?” Magugulat si Jovie.
“Ako? Wala akong tinatanong na ganyan, imbento ka Ted!”
“Sige na Rene, sagutin mo na ang tanong ko.”
“Kasi Menor de edad pa ko!” Kahit ang totoo ay lagpas labing-walong gulang na ang edad ni Rene.
Tumitindi na nga ang pag-ibig ni Rene kay Ted at baliw na baliw na. Dahil sa baliw na baliw na ito, pinalow niya si Ted sa Instagram gamit ang iba nitong account para hindi siya makilala at inetsing-etsing.
“Thanks for liking all of my feed and followed me but who’s this?” Tanong ni Ted sa message at makakaramdam ng kilig si Rene at tila mangangasim ang mukha nito.
“I think, you already know me.” Sabi naman nito sa message.
“No, your wrong, I don’t know who you are. Please introduce yourself.” At hindi maglalaon, matutuklasan ni Ted na si Rene ang kausap niya.
“Naku, Rene, kahit kailan talaga!” Nabuko man ay patuloy niyang eetsingin si Ted.
“No, I’m not Rene, I could not know who is he.”
“If you’re not Rene, tell me who you are.”
“My name is Regine, just call me Redtch.” At hindi na magre-reply sa kanya si Ted.
Kinabukasan at nang magharap si Rene at Ted.
“Uy Rene, ikaw pala si Regine ah.” Pambungad na sabi nito kay Rene nang sila ay magkita subalit magpapanggap si Rene na parang walang alam.
“Regine? Saan mo naman nakuha yan at trip mo nanaman ako noh.”
“Sus, huwag ka ng magmaangan diyan, buko na kita. Ikaw ang nag-follow at floodlike sa akin sa Insta kahapon.”
“Hala, hala, pinagsasabi mo diyan. Di ko alam ang mga sinasabi mo, wala ka nanaman magawa diyan.”
“Mamatay, mamatay man?”
“Ewan ko sa’yo, huwag mo nga kong pinagkakausap ng ganyan.” Hindi na patatagalin pa ni Rene ang makipaglokohan kay Ted at lalabas ito ng silid. Pagkalabas ng silid, langit ang kanyang pakiramdam dahil kinausap siya ng taong nagpapatibok ng kanyang puso.
Isang araw, naisipan ni Rene na magsuot ng Headband na may bulaklak sa gilid at naupo malapit sa silid kung saan ang klase ni Ted. Nangyari naman ang ninanais ni Rene at nang lumabas si Ted.
“Ano nanaman yang kabaklaan mo, Rene?” Tanong sa kanya ni Ted na tipong ibig mang-okray.
“Ano, bagay ba sa akin ang headband na ‘to?” Tanong ni Rene sa kanya na kilig na kilig nang pansinin ito ni Ted.
“Iyan?! Mukha kang paso! Ano nadiligan ka na ba?” Tatapatan pa sana ni Rene ang mga pang-ookray sa kanya ni Ted, kaso pumasok na ito.
“Ang saya naman ng araw ko, pinansin niya ko.” Sabi nito sa kanyang loob na tuwang-tuwa sa kilig. Habang kakwentuhan may kakwentuhan si Rene, para na siyang mapo-fall in love ng purihin ni Ted. Tatayo ito at pagkalapit na pagkalapit kay Rene.
“Ang ganda-ganda mo naman talaga Rene.” Pangiting puri sa kanya ni Ted at iilaw ang mata ni Rene sa kanya.
“Thank you, ikaw din, lalo kang gumagwapo.”
“Salamat ah.” Sabi nito sa kanya na manamis-namis.
“Asus Rene, nagpapabola ka naman sa kanya.” Sabi ng kanyang kausap.
“Hayaan mo na, mukha naman akong bola.” Sabi niya sa kausap at bukod sa kinikilig ay para na siyang lilipad sa tuwa.
Pagkauwi galing school
"Naku Ted, pinaligaya mo nanaman araw ko." Sabi nito sa kanyang sarili na hindi mapigilang kiligin at sinasariwa ang sandaling pinuri siya.
"Bukod sa pinapatibok mo ang aking puso, para akong lilipad sa sobrang gaan ng pakiramdam kapag masilayan. Tinamaan na yata ako sa'yo. Alam kong mahihirapan ka kasi straight ka pero sana ay magawa mo kong tanggapin, kahit hindi mo makita sa panlabas kong anyo ang katangian ng isang babae." Dagdag pa nito.
Tuluyan na ngang na-fall in love si Rene kay Ted at abot-langit ang pagpapantasya nito sa kanya. Pakiramdam ni Rene, parang sasabog ang dibdib niya sa bilis ng kabog nito at gabi-gabing hindi makatulog sa kakaisip sa kanya at hindi na matahi-tahimik ang loob.
"Uyy Friend, may sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Rene kay Tina sa chat.
"Ano yun, friend?" Tanong naman sa kanya.
"Kasi kayo, parati niyo kong inaasar sa kanya, ayan nagkakaganito na ko!"
"Hah? Hindi kita ma-gets, diretsuhin mo nga ako."
"Kilala mo na ba kung sino pinipintig ng puso ko?"
"Ah yung prof natin, yung medyo singkit ang mata?"
"Hindi bago na!"
"Bago na? Eh sino nanaman yan Friend? Landi mo naman."
"Kilala niyo na siya. Clue, sa school natin siya nag-aaral."
"Sa school natin? Eh sino nga sabihin mo na!"
"Last Clue, classmate natin siya. Siguro naman mahuhulaan mo na kung sino ang tinutukoy ko."
"Hindi pa rin, sino ba siya at saka marami akong naging Classmate."
"Parati niyo ko inaasar sa kanya, bwisit kayo, hahahaha!"
"Ah si Ted, ayieeh. Sabi ko na nga ba, may gusto ka sa kanya."
"Oo at kasalanan niyo 'to, kung hindi niyo ko parati nili-link sa kanya, hindi mauuwi sa ganito!"
"Wow ha, kasalanan pa namin. Pero kailan mo ipagtatapat ang pag-ibig mo sa kanya?"
"Aywan, bahala na. Parang gusto ko nang magtapat sa kanya, kaso ang problema, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Dati na ko umibig bukod sa kanya at nasaktan, pero this time, ayaw ko nang masaktan muli."
"Rene, walang taong hindi nasasaktan kapag umiibig, darating at darating talaga iyon. Paano ka matututo kung nagpapanaig ka parati sa takot at walang mangyayari."
"Tama bang magtapat na ko sa kanya? Kasi hindi ko na kayang itago pa ito, parang sasabog na ko."
"Oo, wala namang masama't malay mo, kapag nagtapat ka, magugulat ka baka biglang kang dyowain, ayieeh, pero sariling desisyon mo pa rin kung kailan ka magtatapat."
"Sabihin ko na kaya. Bukas na bukas din."
"Sige go! Walang pipigil sa'yo but Goodluck!"
Dahil hindi na matahitahimik ang loob ni Rene sa kanyang nararamdaman, darating sa puntong ibig na niyang ipagsigawan kay Ted na may pag-ibig ito sa kanya.




Chapter X
Nabunyag na


Kinaumagahan ay umupo si Rene malapit sa classroom kung saan pumapasok si Ted sa kanyang First subject para hintayin ito. Sabik na sabik na si Rene na isiwalat ang feelings nito sa kanya. Nang dumating si Ted ay lakas-loob siyang nilapitan ni Rene.
"Ah Ted?" Sabi nito sa kanya na tila matutunaw sa tindi ng namamayaning hiya at nagba-blush.
"Ah Yes. May sasabihin ka?"
"Ah eh, ah eh, kasi, kasi." Nasa dulo na ng dila niya ang pag-amin subalit mauudlot dahil pinangunahan ng hiya.
"Kasi, ahmm, gawa mo na ba ang assignment sa Economics?"
"Gagawin ko pa lang mamaya."
"Patulong naman ako, sige na."
"Sa iba ka na lang magpaturo, dami ko pa aasikasuhin eh. Oh paano, pasok na ko." At papasok na si Ted ng silid. Pagkapasok nito.
"Ummp! Kainis! Di ko nasabi sa kanya!" Madiing sabi nito na asar-asar dahil nabigo ang plano niyang pag-amin. Uupo na lamang si Rene sa isang sulok at mapapakanta.
'Simula sa paggising, lagi kang naiisip, nahihirapan na ng ganito, oh lagi na lang ganito. Sawa ng manahimik, kailan bang masasabi na mahal, oohh mahal kita, ooh mahal, mahal na mahal na kita.'
 Habang umaawit si Rene ang biglang pagdating ni Anna.
"Uyy, anong kinakanta mo diyan at sino yang mahal mo?" Tanong ni Anna sa kanya.
"Ah wala, wala. Hindi ba pwedeng kumakanta lang ako. Ikaw naman, kanina ka pa pala nandiyan, di mo ko pinapansin."
"Tangi, kararating ko lang!"
Frustrated man si Rene dahil hindi niya nagawang ipagtapat ang pag-ibig nito kay Ted, humanap pa rin siya ng pagkakataon para magtapat.
Hindi pa dumarating ang kanilang professor at mag-isang nakaupo si Ted at nagbabasa, doon ay magkakaroon ng pagkakataon si Rene at lalapitan ito, tatabihan.
"Sipag mo naman magbasa." Sabi nito sa kanya subalit hindi ito iimikan. Nang sa palagay niyang makukuha na ang atensyon nito, saka lamang siya nagsalita.
"Alam mo Ted." Pambungad na wika nito at agad na mapapalingon sa kanya si Ted.
"Yes Rene."
"Na matagal ko na dapat sabihin sa'yo ito. Malayo na ang narating ng pinagsamahan natin kaya alam kong mauunawan mo kung anong sasambitin ko."
"Diretsahin mo nga ako!" Sabi nito sa kanya. Magtatapat na dapat si Rene subalit muling naudlot nang lapitan ito ng kanyang mga kaibigan.
"Kainis! Hindi ko nanaman nasabi sa kanya! Hanggang kailan kaya ganito?! Ang bagal mo kasi magsalita, daming pasubali sa buhay!"
"Ano, hanggang kailan ko ito maitatago?!" Dagdag pa nito na iritableng-iritable sa pangyayari subalit nagpakahinahon siya. Hanggang sa mapagtanto niya na may tamang panahon para magtapat ng kanyang pag-ibig kay Ted, naiinip man siya pero kailangang maghintay.
Nang dumating ang panahon at kahit hindi pa nagtatapat si Rene kay Ted ay sa hindi sinasadya malalaman na nito ang tunay na nilalaman ng kanyang puso. Si Rene, kasama nito ang mga kaibigan na sina Ellie, Elisa at Tina at wala ng iba pa ang nasa loob ng silid.
"Kamusta naman yang pag-ibig mo, kay Ted?" Tanong ni Ellie kay Rene na tila ibig mang-asar.
"Ayun, di ko pa rin sinasagot, ahahaha! Charot! Kaunting landi pa." Pabirong tugon naman nito.
"Namumula nanaman mukha mo, kasi nabanggit namin siya. Teka, nakapagtapat ka na ba sa kanya?" Tanong ni Tina sa kanya.
"Ano ba kayo, may mga bagay na dapat pinaghahandaan gaya ng pagtatapat ko sa kanya. Kaya huwag kayong apurado diyan!"
"Ano ka ba, baka mamaya niyan, maunahan ka ng iba, sige ka, ikaw rin." Sabi naman ni Elisa sa kanya.
"Magtatapat na nga dapat ako sa kanya."
"Eh anong nangyari?" Tanong ng tatlo sa kanya.
"Ayun, pinangunahan ako ng hiya. Madaling sabihin na dapat ko ng gawin sa kanya iyon pero kapag lumagay ka sa actual na sitwasyon, mahirap pala. Hirap labanan ng hiya, lalo na't iniisip ko na baka kapag nagtapat sa kanya, may tendency na masaktan ako. Takot akong ma-reject, alam niyo yun. Straight pa naman si Ted at ayaw kong umasa na matatanggap niya ko, bilang.
"Bilang ano?!" Malakas na tanong sa kanya.
"Bilang Girlfriend niya." Magtatawanan ang tatlo sa sinabi ni Rene.
"Ahahaha! Masyado ka naman assuming, may matres ka ba? Paano mo siya mabibigyan ng anak?" Pabirong tanong sa kanya ni Ellie. 
"Oo nga, nangangarap nanaman si bakla and I think, the only thing that you may give to him is make him satisfied from sex and that is, not giving a baby does the girl has." Pabirong sabi naman ni Tina.
"Oh basta mga friend, atin-atin lang ito at wala nang makakaalam, lalong-lalo na sa kanya." Sabi nito sa tatlo na kilig na kilig pero nag-aalala.
Ang hindi alam nina Rene ay nandoon na si Ted sa pintuan, nakikinig sa kanilang pinag-uusapan patungkol sa kanya. Hindi malaman ni Ted kung ano ang dapat niyang maramdaman nang malaman nitong may sirenang umiibig sa kanya.
"May gusto pala sa 'kin si Rene. Kaya pala madalas itong magpapansin sa akin, game na game rin makipag-asaran." Sabi nito sa kanyang sarili na hindi makapaniwala.  Kahit nabatid na ni Ted na may pagtingin si Rene sa kanya, hindi nito ipinamalita kahit kanino at nanahimik. Iyon nga lang ay hindi na niya maiwasang mailang kapag kasama si Rene subalit gaya pa rin ng dati ang pakikitungo sa kanya na malakas mang-asar.
"Rene, halika dito, may ipapakita ako sa'yo!" Malakas na tawag sa kanya ni Ted at dali-daling lalapit ito.
"Bakit ano ba yun?" Tanong ni Rene sa kanya na nangangasim ang mukha sa kilig at sabik na sabik. Ilalabas ni Ted ang Cellphone nito.
"Ang gwapo niya di ba!" Sabi nito nang ipakita ang litrato niya na kitang-kita maging abs na hitik sa pawis. Mapapanganga ng husto si Rene at parang mag-iinit ang mga Mata habang tinititigan ang abs ni Ted na tipong makatunaw.
"Ayan, akala ko naman kung ano, ikaw lang naman yan! Buwisit!"
"Ano, natameme ka ba? Ang gwapo ko noh!" Sabi nito sa kanya na ipinagyayabang ang magandang hubog ng katawan maging makinis na mukha.
"Edi Wow!" Sagot naman ni Rene sa kanya at sabay aalis. Magtataka si Rene kung bakit ginawa iyon sa kanya ni Ted. Habang hinihintay dumating ang kanilang professor, muling magpapalitan ng asaran sina Rene at Ted.
"Ang sweet niyo naman dalawa, bagay kayo." Pabirong sambit ni Rene kay Jovie na nakikipagharutan kay Ted.
"Asus, selos ka lang Rene!" Pabirong sabi naman sa kanya ni Ted.
"Kapal mo! Bakit ako magseselos sa'yo, sino ka ba?!"
"Ay ang hard mo naman sa 'kin, naglalambing lang naman ako. Matanong ko lang, bakit ka bakla?"
"Iniinsulto mo ba ang pagiging bakla ko ha?! For your info, bakla ako pero hindi lang basta bakla. Bulag lang ang hindi nagsasabing babae ako!"
"Weh!" Hanggang sa magiging seryoso ang kanilang usapan.
"Ano bang tipo mo sa lalaki, Rene?" Tanong ni Ted sa kanya para alamin kung may katangian ba siyang nakita ni Rene na nagtulak na ma-inlove sa kanya.
"Lalaki talaga?" Kilig na kilig na sabi nito.
"Bakit ayaw mo ba?"
"Oh sige na nga. Siyempre, hindi lang naman ako bumabase sa hitsura. Gusto ko mabait bukod sa matalino, masayang kasama, palakaibigan at higit sa lahat, makakaya akong tanggapin at mahalin sa kabila na ganito ako. Teka, bakit mo naman naitanong yan?"
"Wala lang, pero nahanap mo na ba ang Right guy mo o sa madaling sabi, si Mr. Right mo?"
"Oo, nahanap ko na siya pero hindi ko sure kung siya ba ang nakatadha para sa akin. Tingin ko, may mga bagay na maaaring humadlang para maging kami at takot ako na someday is I'll getting hurt and will become hardship that may affect my life, once I admit that I fallen in love with someone. I consider first my feelings and myself and see what are those consequences before doing it."
"Teka, pwede mo ba sabihin sa akin kung sino yang tinutukoy mo?"  
"Alam kong kilala mo siya, nasa tabi-tabi lang."
"Pero gwapo ba siya? Pwede mo ba sabihin sa akin please?"
Iyon na dapat ang pagkakataon ni Rene para magtapat kay Ted subalit nahihiya siya.
"Malalaman mo rin kung sino siya, sa takdang panahon."
"Sige na, sabihin mo na, pakipot ka pa."
"Teka muna, bakit parang interesadong-interesado ka sa lovelife ko?!"

Dahil sa mga ipinapakita ni Ted sa kanya, maghihinala na si Rene na marahil ay batid na ni Ted ang tungkol sa kanyang pag-ibig subalit nagawa pa rin niyang ipanatag ang kalooban at ipagsawalang bahala ang mga agam-agam.
Makalipas ang isang buwan nang dumating ang pinakahihintay nilang program na kung tawagin ay Psych Night. Habang hindi pa sumasapit ang gabi ay abalang-abala na ang lahat ng magsisipagdalo sa kani-kanilang mga ibibidang kasuotan. Lalaki ang kasarian ni Rene subalit dahil sa siya'y pusong babae, pipiliin nitong magsuot ng dress. Suportado naman siya ng kanyang ina-inahang si Ms. Larrazabal at pinasadya pa talaga ang isusuot na dress. Nang dumating ang gabi at pagkapasok na pagkapasok ni Rene sa Atlethic Center, kung saan gaganapin ang nasabing program, gulantang lahat at tinginan dahil sa magarbo nitong kasuotan na kayang makipagsabayan sa mga naggagandahan at nagbobonggahang gown ng mga babae. Aakalain mong isa siyang tunay na babae dahil nakapeluka ito ng blonde at may pakulot-kulot pa. Maging ang kanyang special someone na si Ted, hindi makapaniwala at gulat na gulat sa makikita ni kay Rene na talagang lumadlad na. Sinamantala talaga ni Rene ang gabing iyon para ipakita kung ano at sino siya at wala na sa kanya ang mga may balak manghusga.
"Hi mga Sis!" Maarteng bati nito kina Ellie at hindi nila agad ito makikilala dahil nakapeluka.
"Teka, ikaw ba yan Rene?" Tanong ni Tina sa kanya na nag-aalangan.
"Yes, it's me. Lalapitan ko ba kayo at kakausapin kung hindi ako 'to. Kaloka!"
"Wala lang, nagulat lang kasi kami sa suot mo. Talagang itinuloy mong magsuot ng ganyan at tinalbugan mo pa kami." Sabi naman sa kanya ni Ellie na manghang-mangha pero hindi makapaniwala.
"At saka nakuha pang mag-wig, babaeng-babae ka na sa hitsura mo pero wala ka pa ring matres, hahahaha!" Pabirong sambit sa kanya ni Elisa.
"Aminin, kaya mo naisipang mag-dress, kasi para mapansin ka ni Ted mamaya kapag dumating siya."
"Hindi ahh, kaya ko 'to naisipang gawin, dahil panahon na para ipakita, kung ano talaga ako sa mundo at palakasin ang loob. Want selfie?" Alok ni Rene sa kanila at magkukuhaan ng litrato. Matapos ay uupo na kung saan naka-serve ang table para sa kanila. Habang sila ay nagkukwentuhan ang pagdating naman ni Ted na naka-white polo with nectie at may pulang ribbon sa may bandang itaas nito. Parang bituin kung magningning ang mga Mata ni Rene nang mahagip ng kanyang paningin si Ted at halos hindi na nito maialis ang pagkakatitig sa kanyang mukha.
"Wow, ang pogi naman niya!" Sabi nito sa loob-loob na tipong makatunaw na ang pagtitig.
"Hello sa inyong lahat!" Pangiting bati sa kanila ni Ted nang ito ay lumapit. At nang mapansin niya si Rene na bihis-babae.
"Teka, sino yang kasama niyong babae? Ang ganda-ganda naman yan." Tanong nito sa kanila.
"Ah eto, siya si Regine." Pakilala ni Ellie sa kanya.
"Hi!" Pa-cute na bati nito kay Ted na nagboboses babae.
"Hi din sa'yo, Rene!" 
"How dare you na tawagin mo kong Rene?! I'm Regine."
"Edi Regine, kung ako tatay mo, isinampay na kita kahilera ng mga damit! Yang lipstick mo, ang kapal-kapal, bawasan mo nga!" Pabirong sambit nito kay Rene.
"You know, it's natural."
"Tayo ka muna nga, tapos pomowsing ka. Pipitsuran kita." Popowsing si Rene na feeling isang model at kukuhaan ng litrato ni Ted gamit ang SLR Camera nito. Matapos kuhaan.
"Uy Upload mo sa Facebook tapos tag mo ko."
"Paano ko ita-tag sa'yo, edi naman tayo friend." 
"Ay oo nga pala, sige add kita mamaya. Tayo nga, picture tayong dalawa." At kukuhaan ng litrato ni Rene kasama si Ted.
Matapos ang kanilang program at pagkauwi ay makikita ni Rene na tumatangis si Ms. Larrazabal sa loob ng kwarto. Inalam ni Rene ang dahilan kung bakit ito umiiyak.
"Mommy, what happen?" Tanong sa kanya pagkakita na pagkakita pa lamang.
"Wala anak, wala." Sagot naman sa kanya ni Ms. Larrazabal at mapapansin ni Rene na  litrato na tangan-tangan niya.
"Mommy, ano yan? Bakit may hawak kang litrato?"
"Wala yan anak, huwag mo kong intindihin." Magpapahid ito ng luha at pagkapahid na pagkapahid.
"Kamusta ang dinaluhan mong program?"
"Mabuti naman mom, masaya. Kaso hindi na kasi nakita kong umiiyak kayo. Pwede ko ba makita kung sino ang hawak niyo sa picture?" At ipapakita ni Ms. Larrazabal ang picture kay Rene.
"Ah ito ba yung nawawala niyong anak?"
"Oo, Rene, siya nga. I think panahon na para malaman mo ang tungkol sa kanya, kung paano siya nawala sa akin." At sasabihin na nga ni Ms. Larrazabal ang tungkol sa kanyang anak maging sa nakaraan nito.



Chapter XI
Kaugnayan ni Ms. Larrazabal kay Lynda



Nang panahong sumabog ang barko at mapawalay si Lynda sa anak nitong si Gem, nasama siya nang lumubog ang sinasakyang barko. Napadpad na lamang ito sa isang dalampasigan na walang malay at nakabulagta. May mga tao naman ang pinagmalasakitan siya at inalagaan habang wala itong malay. Dumating ang araw nang ito ay magkamalay at madadatnan niya ang taong nag-aruga sa kanya.
“Asan ako?” Tanong nito nang magkamalay at babangon subalit pipigilan ng mag-asawa.
“Huwag ka munang bumangon iha, hindi ka pa malakas.” Sabi ng ale sa kanya.
“Nasaan ang anak ko, si Gem?! Asan siya?!”
“Wala dito ang anak mo at mag-isa ka lang na napulot namin sa dalampasigan. Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna.”
“Hindi! Hindi! Kailangan kong hanapin ang anak ko!” Pagpupumiglas nito.
“Magpahinga ka muna diyan at magpalakas. Pangako, kapag okey ka na, tutulungan ka namin para mahanap ang anak mo. Teka ano palang pangalan mo iha at paano ka napadpad sa lugar namin?” Tanong ng ale sa kanya.
“Lynda, Lynda ang pangalan ko. Ang huli kong pagkakatanda ay nakasakay ako sa barko, kasama ang aking anak at asawa, si Mike. Tapos bigla itong sumabog hanggang sa mapawalay sa akin ang anak ko.” Bigla itong tatangis nang maalala ang pagkakawalay ng anak niya. Tumagal si Lynda ng ilang araw sa kanila at nang malakas-lakas na siya ay lumuwas na ito sa kanyang magulang sa Maynila.
“Oh anak, kamusta ka na? Labis mo kaming pinag-alala ng tatay mo. Akala ko, isa ka sa mga nasawi sa pagsabog ng barko pero salamat sa Diyos at buhay ka anak!” Sabi ng kanyang nanay na tuwang-tuwa nang makita si Lynda.
“Pero bakit hindi mo ko iniimikan at ang lungkot-lungkot mo?” Tanong nito kay Lynda at bigla itong tatangis at mapapayakap.
“Nay, yung anak ko, Hindi nakaligtas sa barko! Huhuhuhu!” Mangiyak na ngiyak na sabi nito.
“Eh si Mike, yung kasintahan mo, bakit hindi mo kasama?”
“Nalunod si Mike, nay! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para mahanap si Gem!”
Naging matinding dagok sa buhay ni Lynda ang pagkawala ng kanyang anak at asawa matapos ang dumaang trahedya subalit nagpakatatag ito at umaasang balang araw ay maibabalik sa kanya ang nawawalang anak, kahit taon man ang dumaan. Para makatulong sa kanyang pamilya at makaipon sa paghahanap kay Gem ay namasukan muling katulong si Lynda sa isang matanda na nagngangalang Donya Josefa Larrazabal. Kailanman ay hindi nagkaanak si Donya Josefa pagkat isa siyang baog at nabyuda na. Dahil doon ay palaisipan sa kanya kung kanino ipapamana ang lahat ng kanyang kayamanan, oras na ito ay mamayapa. Awang-awa si Lynda sa kalagayan ng matanda dahil mag-isa na lamang ito sa buhay at wala ng kamag-anak pa ang mangahas na mag-alaga sa kanya kaya siya na mismo ang nag-alaga kay Donya Josefa. Sa lahat ng mga naging kasambahay ni Donya Josefa, tanging kay Lynda lamang naging malapit ang loob niya.
“Salamat iha, at kahit hindi mo ko kadugo o kamag-anak, nandiyan ka para alagaan ako. Sa panahong takip-silim na ang buhay ko, naghihintay na lamang ako na kunin ng maykapal.” Sabi ni Donya Josefa kay Lynda nang ito ay hainan ng pagkain.
“Ano po ba kayo Ma’am, huwag niyo pong sabihin iyan. Kahit matanda na kayo at nagkakasakit na rin, naniniwala akong mahaba pa ang buhay niyo at malayo-layo pa ang tatahakin niyo.”
“Ngayong sa tingin ko na malapit na kong pumanaw, dahil matanda na ko, hindi ko alam kung kanino ipapaman ang lahat ng aking kayaman at magpapatuloy ng nasimulang negosyo.
Makalipas ang ilang buwan nang atakihin sa Puso si Donya Josefa.
“Tulong! Tulungan mo kami, si Ma’am!” Sabi ni Lynda na nagpapanik nang makita nitong wala ng malay si Donya Josefa at dali-dali nilang isusugod sa ospital.
Sa kasawiang palad ay tuluyan ng pumanaw si Donya Josefa. Naging tapat at mabait si Lynda sa Donya kaya bago ito pumanaw ay napagpasyahan na nito na kay Lynda na ipamana lahat ng kanyang kayamanan. Ikinatuwa naman ni Lynda ang naging balita at magmula noon ay naging mayaman ito. Para tuluyan na niyang makalimutan ang sakit ng nakaraan, naisipan nitong magparetoke. Bukod sa nagbihis-anyo siya ay pinalitan rin niya ang kanyang pangalan at siya na ngayon si Grace Larrazabal at ipinamalita na anak siya ng namayapang Donya. Hindi akalain ni Lynda o ni Ms. Larrazabal na magiging ganon ang takbo ng buhay niya na dati ay pinapangarap lamang niya. Siya na rin ang nagtaguyod sa naiwang negosyo ni Donya Josefa na pagawaan ng sapatos at pinalago na niya ng husto. Sa kabila na tinatamasa ni Ms. Larrazabal ang karangyaan ng buhay ay hindi pa rin nito maiwasang mangulila sa pagkawala ng kanyang anak at hindi tumigil na hanapin ito subalit siya ay nabigo.
Dumating ang araw ay hindi aakalain ni Ms. Larrazabal na muling magku-krus ang landas nila ni Ricky, na dati nitong asawa.
“Ma’am, andito po ang next applicant.” Sabi ng kanyang staff at magugulat ito nang magharap sila ni Ricky.
“Goodmorning Ms. Larrazabal, I’m Ricky Crisostomo and I’m here to serve your company.” Pangiting sabi nito kay Ms. Larrazabal na hindi batid na dati niyang asawa ang kaharap. Titingnan ni Ms. Larrazabal ang resumé nito.
“And this is your resumé?”
Dahil may katiting pang pag-ibig si Ms. Larrazabal na dating Lynda kay Ricky, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin sa kanyang kompanya. Pagkaalis na pagkaalis ni Ricky.
“Tingnan mo nga naman ang kapalaran, dati ikaw ang boss ko Ricky, pero ako naman ang boss mo. It’s a wheel of fortune.” Sabi nito sa kanyang sarili na hindi malaman kung matutuwa.
Lalo pang magugulat at hindi makapaniwala si Ms. Larrazabal nang mabatid nitong may bago ng asawa si Ricky at nagkaanak pa.
“Who is she?” Tanong nito kay Ricky.
“Ah, Ma’am, meet my wife, Cherry, dinala ko siya dito office niyo kasi dito rin siya mag-a-apply.”
“May asawa ka na pala?!” Tanong nito na gulat na gulat.
“Yes, Ma’am at saka po may anak na rin kami. Mawalang galang na ho pero bakit parang gulat na gulat po kayo.”
“Nothing, don’t mind my reaction, okey I hired her na basta ayusin niya ang pagtatrabaho dito sa kompanya ko and being stupid is not allowed.” Madiin-diing sabi nito but deep inside ay nasasaktan.
“Really? Oh thank you Ma’am!” Tuwang-tuwang pasasalamat nito sa kanya. Nang umalis ang dalawa ay papasok si Ms. Larrazabal sa CR at iiyak. Habang dinadamdam niya ang sakit ay may kakatok.
“Ma’am excuse me, are you here?” Tanong ng kanyang staff.
“Yes you are!”
“Ma’am, meeting is set to ready na po. Kayo na lang po ang hinihintay.”
“Please tell them that our meeting for today is cancelled!”
“Okey Ma’am.” Pagkaalis ng Staff ay lalo pang tatangis si Ms. Larrazabal.
Kahit na batid ni Ms. Larrazabal na masasaktan ito, tinanggap pa rin niya ang bagong asawa ni Ricky sa kanyang kompanya at hindi nagpapaapekto sa dalawa kapag nakikita niya kung gaano sila ka-sweet habang nagsasama. Gumawa ng paraan si Ms. Larrazabal para pahirapan ang asawa ni Ricky sa trabaho at makabawi sa sakit na idinudulot nito sa araw-araw hanggang sa mapagpasyahan na niyang mag-resign, kasama si Ricky. Ikinalungkot ni Ms. Larrazabal ang pagre-resign ni Ricky subalit wala na itong nagawa pa.




Chapter XII
Pag-uungkat sa katotohanan



     Labis na ikakagulat ni Rene ang mga isiniwalat ni Ms. Larrazabal patungkol sa kanyang naging nakaraan at magtatanong.
“Mommy, yang si Ricky na ipinakita niyo sa ‘kin sa litrato, parang pamilyar sa akin ang lalaking iyan. Parang siya ata ang tatay ni Ted?”
“Sinong Ted, yung kaklase mo ba ang tinutukoy mo?”
“Yes Mommy, siya nga!”
“Kung ganon, nakakasiguro ka ba na tatay yan ni Ted?”
“Di ako sure Mom, pero sa nakikita ko sa hitsura niya, parang magkamukha sila ng tatay nila. Teka may naisip ako para masigurong siya nga yung tinutukoy ko.”
“Ano yun anak?”
“Bakit hindi natin tingnan sa Facebook account ni Ted, baka makita natin ang litrato ng tatay niya at maikumpara natin ito.”
“Tama yang naisip mo!” Sang-ayon ni Ms. Larrazabal at isi-search ni Rene ang Facebook name ni Ted. Magugulat si Ms. Larrazabal sa makikita.
“Teka, anak, kung hindi ako nagkakamali, Crisostomo ba ang apelyido niya?” Tanong nito kay Rene nang makita ang apelyido ni Ted.
“Yes Mom, Crisostomo nga, bakit?”
“Wala!” At hahalungkatin ni Rene ang mga photos ni Ted. Hindi rin naglaon at nang makita nila ang tatay nito at maikumpara sa litrato.
“Oo nga anak, siya nga, si Ricky at yan naman si Cherry!” Malakas na sabi nito na hindi makapaniwala sa nakita.
“Oh my gosh, hindi ako mapaniwala na dati pala kayong nagkaroon ng relasyon ng daddy ni Ted at nagkaanak pa.”
“Sadyang kay liit nga ng mundo at hindi ko namamalayan na may kaugnayan ka na pala sa kanila.” Gulat na gulat na wika nito.
“Teka mommy, alam na ba ni Step Dad ang tungkol sa nakaraan niyo at nagkaanak pa kayo?”
“Yes my son, alam na niya, bago pa ko magpakasal sa kanya. Kayong dalawa lang ni Jessica ang hindi nakakaalam. Teka, saan ba nakatira yang Classmate mong si Ted?”
“Sa Novaliches, mommy pero magugulat kayo kasi alam na ni Ted at ng nanay niya ang tungkol sa nakaraan ng kanyang daddy, na may una itong naging asawa. Grabe! Nakaka-shock naman ito ng bongga, hindi ko inakalang kayo ang tinutukoy ni Ted na naging unang asawa ng dad niya and which means na kapatid niya pala ang nawawala ninyong anak.”
“Ha alam na rin ng anak niya ang tungkol sa kanya nakaraan? Kamusta naman yung Dad niya?”
“Sabi niya sa akin, hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap sa nawawala niyang anak, ninyong anak!”
“Salamat sa’yo anak. Oh pano, matulog ka na at lumalalim na ang gabi.”
 Samantala ay nagkaroon na ng lead ang mga imbestigador ni Ricky kung paano mahahanap si Lynda.
“Oh, kamusta ang paghahanap niyo sa kanya?” Tanong ni Ricky sa kanila.
“Eto sir, may nakapagsabing naging katulong daw si Lynda sa bahay ng isang matanda. Josefa Larrazabal ang pangalan niya. Sabi nila, patay na raw ito.” Sagot ng kanyang mga tauhan at pupuntahan ni Ricky ang sinasabing bahay. Pagkatungtong niya.
“May nakatira pa ba dito?” Tanong nito sa isang ale na dating katulong ni Donya Josefa.
“Naku Sir, matagal nang bakante ang bahay na yan, magmula nang pumanaw si Donya Josefa.” At ipapakita nito ang litrato ni Lynda.
“Kilala mo ba ang babaeng ito?”
“Ah si Lynda po ba yan?”
“Exactly! Bakit mo kilala?”
“Alam niyo po Sir, mayaman na yan ngayon. Walang kamang-anak o anak si Donya Josefa na pagmamanahan ng kanyang kayaman at dahil naging tapat si Lynda sa kanya, ayun at sa kanya niya lahat ipinamana ang kayamanan nito. Suwerte nga ni Lynda at naka-jackpot siya.”
“Talaga, ipinama niya ang lahat ng kayamanan kay Lynda. Ang pagkakaalam ko kasi, sa anak niya ipinamana ang lahat ng kanyang kayamanan, si Grace Larrazabal.”
“Nagkakamali kayo Sir, hindi nagkaanak si Ma’am dahil baog ito at sa katulong lamang niya na si Lynda ipinamana ang kayamanan.”
“May alam ka pa ba kung ano ang nangyari sa kanya, matapos niyon?”
“Wala na kong balita sa kanya Sir, kasi matapos niyang makuha lahat ng kayamanan ni Ma’am, iniwan na niya ang bahay na ito at lumipat.”
“Oh sige, salamat.” Matapos ang mga inilihad ng dating katulong ni Donya Josefa ay pagdududhan na niya si Ms. Larrazabal.
“Sino ka ngayon, Grace Larrazabal at anong koneksyon mo kay Lynda?”
Dahil labis-labis ang pagdududa ni Ricky, sa kagustuhan niyang mabigyan ng kasagutan ay pupuntahan nito si Ms. Larrazabal.
“Dito ba nakatira si Ms. Larrazabal?” Tanong nito sa estranghero.
“Opo Sir, dito nga siya nakatira.” At magdo-doorbell na ito. Maririnig ng katulong ang doorbell at tatawagin si Ms. Larrazabal. Pagkababa niya at harap kay Ricky.
“Oh Mr. Crisostomo!” Gulat na gulat nang makaharap niya ito.
“What are you doing here?” Tanong nito sa kanya.
“Magtapat ka nga sa akin, Ms. Larrazabal, anak ka nga ba ni Donya Josefa?!” Pasigaw na tanong nito sa kanya at kakabahan si Ms. Larrazabal.
“Excuse me Mr. Crisostomo, how dare you para tanungin mo ko ng ganyan?! Baka nakakalimutan mong nasa puder mo ko at maari kitang ipamdampot kung kailan ko nanaisin!”
“May nakapagsabi, wala raw anak si Donya Josefa at sa isang katulong niya ipinama lahat ng kayamanan! Tell me, magkakilala ba kayo ni Lynda at anong koneksyon mo sa kanya?!”
“For your information and first, hindi totoo ang sinasabi nila at sa akin niya ipinamana lahat ng kayamanan. Second, ever since, wala akong kilalang Lynda. Bakit ka ba nandito, iniimbestigahan mo ba ko?!”
“Siguraduhin mong totoo ang sinasabi mo sa akin at hindi mo tinatago si Lynda dahil kung hindi ay mananagot ka sa akin!” Pagbabanta diumano nito at matapos ay aalis na. Galit na galit na aakyat si Ms. Larrazabal.
“Walang hiya siya, lakas ng loob niyang magpunta dito!” Sabi nito sa sarili na galit na galit. 
Matapos ang dalawang buwang bakasyon at nang magbukas ang kanilang klase ay matutuwa si Rene pagkat may pagkakataon muli siyang masilayan ang kanyang special someone na si Ted.
Pagkapasok na pagkasok ni Rene nang silid ay biglang sisipa ang tuwa sa dibdib.
“Oh my Gosh, Classmate ko pala siya sa subject na ito. Pinagtatagpo nga kami ng kapalaran” Sabi nito sa loob-loob nang masilayan si Ted na tuwang-tuwa subalit hindi nito papansinin dala ng hiya. Lalo pang iiral ang tuwa at kikiligin nang lapitan siya ni Ted.
“Kilala mo ba kung sino prof natin sa subject na ito?” Tanong nito kay Rene.
“Ah si Ma’am Clarissa, bakit hindi mo ba mabuksan ang account mo sa website natin?” At nang kanilang lunch break ay kasama muli ni Rene sina Ellie para kumain.
“Nag-uumupaw ang mukha mo sa tuwa, Rene.” Sabi ni Tina sa kanya.
“Kaya yan masaya, siguro nagkita nanaman sila ng special someone niya, ayiie, mukhang siya na ang nakatadhana sa’yo.” Pabirong wika naman sa kanya ni Ellie.
“This is the perfect day for me, kasi magkaklase muli kami ni Ted.” Tuwang-tuwang tugon nito sa kanila.
Makaraan ang ilang buwan at habang papasok sina Rene ng Classroom, saktong makikita nito si Ted, na kasama si Jovie.
“Uy, nakita mo ba yung crush mo?” Tanong ni Elisa sa kanya pagkakita kay Ted.
“Hindi eh, asan ba siya?” Hahanapin nito si Ted at pagkakita.
“Ah nakita ko na siya, kasama nanaman si Jovie.”
“Alam mo Rene, napapansin ko lang, itong mga nakalipas na panahon, dumadalas na ang pagsasama nila ni Jovie. Parang higit pa sa isang kaibigan ang turingan nila sa isa’t isa.” Sabi naman ni Ellie.
“Naku, sa dalas ba naman nilang magsama at mag-usap, hindi kataka-takang maging sila balang araw. At saka you know naman Rene, may gusto rin si Jovie sa crush mo, di lang gusto, patay na patay pa.” Sabi ni Tina sa kanya at makakaramdam ng hindi maganda si Rene. Pagkalapit na pagkalapit nila kina Ted.
“Hi Ted!” Malakas na bati ng tatlo sa kanya maliban kay Rene na hindi maipinta ang mukha dahil sa mga nabubuong haka-haka sa kanyang isipan na may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi nga nagkamali si Rene sa kanyang kutob.
“Alam niyo na ba ang tungkol sa aming dalawa?” Tanong nito sa kanila.
“Na ano?” Tanong ng tatlo.
“Na kami na ni Jovie!” Sabi nito na tuwang-tuwa.
“Weh, kayo na?!” Malakas na reaksyon ng tatlo na gulat na gulat.
“Oo nga, kahapon lang naging kami. Alam na rin ng buong section, kayo na lang ba ang hindi nakakaalam?” Biglang maghahari ang lungkot sa mukha ni Rene nang mabatid nito na may girlfriend na si Ted. Gayunpaman ay magagawa pa ring itago ni Rene ang tunay nitong nararamdaman para makiharap kina Ted.
“Ginulat niyo naman kami, at ikaw Jovie, akala ko ba never kang magtatapat sa kanya.”
“Wala eh, hindi ko napigilan ang nararamdaman ko sa kanya at hindi naman siguro masama kung magtapat ka sa mahal mo.” Sabi nito kay Rene at dahil hindi na kaya ni Rene ang nararanasang sakit.
“Hindi ba, may klase pa tayong apat?” Tanong nito sa tatlo.
“Oo nga pala Ted, kailangan na namin mauna, baka ma-late pa kami, sige bye.” Sabi ni Tina sa kanya na nagpapaalam at pagkapasok na pagkapasok nila ng silid ay saka lamang maibubuhos ni Rene ang nadaramang sakit ng loob.
“Oh, bakit umiiyak yan?” Tanong ng isa nilang kaklase.
“Huwag niyo siyang guluhin, hayaan niyo lang siyang umiyak. Sige lang Rene, iiyak mo lang yan, nandito lang kami.” Sabi ni Elisa sa kanya habang kino-comfort at nang ito ay mahimasmasan, saka lamang nila ito papayuhan.
“Ano Rene, kamusta? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni Ellie sa kanya subalit hindi ito iimikan.
“Rene, sorry kung sasabihin namin sa’yo ito. Hayaan mo na si Ted, taken na siya at tanggapin na hindi siya ang tamang lalaking nakatadhana para sa’yo.” Payo ni Elisa sa kanya.
“Oo nga, tama si Elisa. Alam kong mahihirapan ka at masasaktan, pero kailangan mo ng putulin ang nararamdaman sa kanya. Kailangan mo na siyang iwaksi sa isipan o maghanap ng iba, o hangga’t maaari ay subukan mong magmahal ng babae.” At saka lamang iimik si Rene.
“Iyan kasi ang problema sa akin, isa akong bakla kaya walang lalaking mangahas na magmahal sa akin, dahil tingin nila, parang nilalapastangan mo na ang Diyos. Kung ganito lang din ang kahihinatnan, sana ay ipinanganak na lang akong lalaki o di kaya babae, hindi yung talipa ang kasarian. Tama nga sila, isinumpa ang mga Bakla! Kaya pala nung bata pa lamang ako, tutol na tutol ang tatay ko na maging bakla ako, dahil magiging ganito ang kalagayan mo.”
“Rene, huwag mong sisisihin ang sarili mo kung naging bakla ka, wala kang kasalanan at hindi binabase sa kasarian para masabi nating makasalanan ang isang tao kung hindi sa gawa nito. Kaya huwag mong isipin na makasalanan ka at isinumpa kaya ka naging ganito, ang gawin mo ay ipagmalaki kung ano at sino ka at patunayan sa mga straight na kung anong meron at kaya nila, ganun rin kayo at pantay-pantay tayong ginawa ni Lord at ipinanganak dahil wala siyang kinikilingan. Nabigo ka man kay Ted, hindi nangangahulugang diyan na magtatapos ang buhay-pag-ibig mo at marami pang naghihintay na pag-asa. Malay mo, dumating ang panahon na makilala mo ang taong karapatdapat sa’yo kaya huwag mawalan ng pag-asa. THINK POSITIVE!” Payo ni Ellie sa kanya na mahaba-haba.
Itinatak naman ni Rene ang mga ipinayo sa kanya nina Ellie kaya naging madali sa kanyang tanggapin na may kasintahan na si Ted at hindi na nangarap pa subalit nanatili pa ring may pagtingin ito sa kanya at nag-iiba ang bawat sandali kapag nasisilayan niya ang presensiya ni Ted. 
Sa kabilang banda ay may matutuklasan si Ricky patungkol kay Lynda na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita-kita. Habang nasa Ospital si Ricky para magpatingin ay aksidenteng matatamaan ng kanyang paningin ang litrato ni Lynda na pakalat-kalat sa desk. Medyo nag-aalangan si Ricky sa pagkakakilanlan kaya hahawakan nito ang litrato para siguruhin.
“Teka, si Lynda ba ‘to?” Tanong nito sa sarili habang tinititigan ang litrato at dahil sa mga agam-agam, magagawa nitong magtanong sa doktor.
“Doc, kilala niyo po ba ang babaeng ito?” Tititigan ng doktor ang litrato.
“Hindi eh, pero parang pamilyar ang mukhang iyan sa akin. I think siya at yung naging pasyente ni Doctor Garcia, more than Fifteen years ago."
"Naging pasyente ni Doctor Garcia?!" Gulat na gulat na tanong nito. 
"Oho, kung hindi ako nagkakamali."
"Pwede ko po ba siya makausap?" At ituturo sa kanya kung saan ang kinaroroonan ni Doctor Garcia na dating doktor ni Lynda at pagkaharap nito sa kanya.
"Excuse me Dok, may naging pasyente ba kayo ang pangalan ay Lynda Esperon?" Tanong niya sa doktor at hahanapin nito ang record ni Lynda. Pagkahanap na pagkahanap.
"Ah sir, ito yung record ni Lynda nung year 2000 na nagpunta siya dito at sa akin siya nagparetoke." Tugon ng doktor sa kanya na kanyang ikakagulat.
"Ah Dok, kung nagparetoke siya. Pwede ko ba matingnan kung ano na ang hitsura niya ngayon?" Dali-daling hahanapin ng doktor ang litrato ni Lynda na bagong retoke at pagkakita.
"Heto na siya ngayon?" Labis na hindi makakapaniwala si Ricky nang makita ang bagong wangis ni Lynda.
"Sure ba kayo dok na iyan na si Lynda?" Tanong nito na gulat na gulat.
"Oo sure na sure ako na yan ang bagong mukha ni Ms. Lynda." Sabi ng doktor na siguradong-sigurado at pagkalabas na pagkalabas ni Ricky sa Hospital. 
“Kaya pala nagtataka ako kung pano nagkaanak si Donya Josefa, lalo’t baog ito, at totoo nga ang sabi. Alam ko na ang tunay mong pagkatao, Ms. Grace Larrazabal!” Galit na galit na sabi nito sa kanyang sarili na ngayon ay labis na hindi makapaniwala na ang dating asawa na matagal na hinahanap, matagal nang nakaharap.  




Chapter XIII
Nagbabalik na nakaraan





Abot langit ang pagkabigla ni Ricky matapos nitong malaman ang tunay sa pagkatao ni Ms. Larrazabal at lubhang hindi makapaniwala.
“Nagpakatanga ako ng sobra, halos magkandakuba na ko sa kakahanap sa inyo ni Gem at kumuha pa ng imbestigador, pero ang nangyayari, laging nabibigo dahil ang totoo, nagpalit ka na pala ng mukha! Hindi lang ‘yon at naging amo pa kita. Ibang klase ka rin! Bakit mo naisipang gawin yon?!” Kinagabihan ay tahasang pintuhan nito si Ms. Larrazabal para komprontahin.
“Ma’am, may nagwawala po sa Gate at hinahanap kayo!” Sabi ng katulong na tarantang-taranta.
“Ha ako, hinahanap? Sino naman yan?!” At dali-daling bababa si Ms. Larrazabal. Pagkaharap nito kay Ricky.
“Oh Mr. Crisostomo, why are you here again?” Tanong nito na matakot nang makitang kung gaano nag-aapoy ang mukha ni Ricky.
“Alam ko na kung ano ang lihim sa’yong pagkatao, Lynda!”  Pambugad na wika niya sa kanya.
“Ha, Lynda? Who is she and what are you talking about?!” Pagkakaila nito sa kanya.
“Huwag ka nang magkaila pa, bukong-buko na kita at yang mukhang kaharap ko, hindi tunay!”
“Aber, anong patunay mo at nasasabi mo yan sa akin!”
“Sinabi ni Doctor Garcia sa akin, na dati mong surgeon ang nag-opera sa mukha mo. Lynda, bakit mo naisipang gawin yan! At nakuha mo pang magpanggap sa ‘kin, nang magtrabaho ako sa kompanya mo!” Labis na mangangamba si Lynda sa pagkabunyag ng tunay nitong pagkatao subalit patuloy na magkakaila.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, kaya makakaalis ka na, hinayupak ka!”
“Pwede ba Lynda, umamin ka na sa akin at huwag nang magkaila pa! Bukod pa dun, saan mo tinatago si Gem, ang anak natin! Ilabas mo siya sa akin!” At sa di inaasahan ay madudulas si Lynda.
“Hindi ko tinatago ang anak natin!” Pasigaw na sambit nito sa kanya.
“Anak natin? Oh tingnan mo na, huling-huli ka na kaya hindi ka na makakapagtago pa sa akin!” At tatawag ng gwardiya si Ms. Larrazabal.
“Guard! Guard! Palabasin niyo ‘to at ilayo sa akin!” At tulong-tulong nilang ilalayo si Ricky sa kanya at nang wala na ito, mapapatangis ng malakas si Ms. Larrazabal. Nang dumating si Don Licundo na ngayon ay asawa ni Ms. Larrazabal, mapapansin nito ang kanyang pag-iyak.
“Oh hon, anong nangyari sa’yo, bakit ka umiiyak?” Tanong ni Don Licudo sa kanyang asawa na kararating lang. Tutungo sila ng kwarto at doon mailalahad ni Ms. Larrazabal ang dahilan.
“Sumugod dito kanina si Ricky, galit na galit at magugulat ka dahil alam na niya na ako ang dati niyang asawa, si Lynda.” Sabi nito kay Don Licundo at magugulat ito.
“Ano?! Anong sinabi mo naman sa kanya?” Tanong nito.
“Pinalabas ko na hindi totoo ang kanyang mga nalaman, pero nadulas ako nang banggitin  nito ang aming anak.”
“Ngayon alam na nang Ricky na ‘yan, mabuting maghanap na tayo ng malilipatan, yung hindi niya tayo matutunton.”
“Mabuti nga hon, kasi hindi lang ito unang beses na nanggulo siya sa bahay at para hindi madamay sina Rene at ikaw sa gulo namin.”
Sumang-ayon naman si Ms. Larrazabal sa mungkahi ni Don Licundo na lumipat na sila ng matitirhan. Nang gabing iyon ay magmamadali silang mag-impake para sa paglipat, na siyang ipinagtataka ni Rene. Ayaw ni Ms. Larrazabal na madamay ang kanyang anak-anak sa gulo nila ni Ricky, lalo na’t batid niyang may kaugnayan si Rene sa anak nito kaya hindi niya sinabi ang tunay na dahilan ng kanilang paglipat.
“Mommy, anong meron? Bakit kailangan na kailangan nating lumipat? At saka biglaan naman!” Tanong nito kay Ms.  Larrazabal na takang-taka.
“Ah, ano kasi anak, hindi na safe dito sa lugar natin, kaya napagdesisyunan na namin ng Step dad mo na lumipat, para rin sa kaligatasan nating lahat. Kaya din biglaan kasi kanina nung wala ka, pinasukan tayo ng magnanakaw, buti nga’t agad siyang nahuli ng mga guard natin.”
Hindi naman nabigo sina Ms. Larrazabal at Don Licundo na lumipat, sa kagustuhan nilang makalayo kay Ricky. Pagkalipat na pagkalipat.
“Siguro naman Hon, ayos na dito at hindi na tayo matutunton ni Ricky.” Sabi ni Don Licundo sa kanya.
Kinabukasan ng umaga nang magbalik si Ricky sa bahay nina Ms. Larrazabal subalit huli na pagkat wala na sila.
“Kahit saan ka magtago Lynda, makikita’t mahahanap pa rin kita.”
Hindi rin nagtagal at makalipas ang kalahating buwan at habang nasa isang susyaling restaurant si Ms. Larrazabal para hintayin ang kanyang mga kliyente sa trabaho, hindi nito akalain na magku-krus ang landas nila ni Ricky. Nang makita niya si Ricky, dali-dali itong aalis.
“Si Ricky iyon?” Sabi nito na natatakot at gagawa ng paraan para hindi ito makita at makapagtago subalit nabigo siya.
“Lynda?!” Sabi naman ni Ricky nang makita si Ms. Larrazabal at dali-dali niyang hahabulin.
“Sandali! Sandali!” Sabi nito habang hinahabol si Lynda/Ms. Larrazabal na dali-daling tumatakbo palayo sa kanya at nang maabutan.
“Ano bang problema mo, Ricky?! Bakit ayaw mo kong tantanan?!” Pasigaw na sabi nito at hindi ito makakapaniwala sa sasabihin ni Ricky.
“Lynda, alam ko na ang tunay sa pagkatao mo kaya itigil mo na ang pagpapanggap! Nandito ako hindi upang paaminin ka, kundi nandito ako para humingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa ko sa’yo. Alam ko, ako ang may kasalanan at puno’t dulo ng lahat kaya humantong sa ganito, kaya patawarin mo na ko, nagsisisi na ko sa lahat ng nagawa ko sa’yo.” At hindi na magkakaila pa si Lynda.
“Past is past Ricky at hindi mo na maibabalik iyon, kaya pwede ba umalis ka na!”
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nalalaman ang kalagayan ng anak natin. Maawa ka sa ‘kin Lynda, ama rin ako na nakakaramdam ng pangugngulila kay Gem at karapatan ko na makasama at ipakita ang pagmamahal sa akin, kaya sabihin mo sa kin, nasa iyo ba si Gem? Saan mo siya tinatago?!”
“At kung malaman mo kung saan naroroon ang anak natin, babawiin mo siya sa akin, hindi ba?! Kaya Ricky, huwag na dahil makakabangga mo talaga ako! Hindi ko ibibigay sa’yo ang anak natin, dahil masama kang ama! Kung ako nga, nakakaya mong saktan, anak pa kaya natin!”
“Kaya nga nagsisisi na ko sa nagawa ko, kung naging malupit ako sa’yo at naging makasarili na walang ibang iniisip kundi sarili lang. Patawarin mo na ko, please lang at pangako, hindi ko sa’yo babawiin ang anak natin, magkasama natin siyang aalagaan at mamahalin, gaya ng dati nung sanggol pa siya. Kaya Lynda, nagsusumamo ako sa’yo, nasaan ang anak natin, gusto ko siyang makita at mayakap.” At biglang iiyak si Ms. Larrazabal, sasabihin nito ang kinasapitan ng kanilang anak.
“Anak ba natin ang hanap mo? Huhuhuhu! Wala na siya, wala na siya!” Ikakagulat ng labis ni Ricky sa nalaman.
“Wala na siya?! Paanong nawala ang anak natin?!”
“Nung panahong tinakasan ka namin ni Mike, sumakay kami ng barko at sumabog ito. Hindi namin akalaing mapapawalay sa amin si Gem, nang dumating ang trahedyang iyon. Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan siya napunta, Huhuhuhu!” Abot langit ang panlulumo ni Ricky nang malaman ang pagkawala ni Gem sa piling ni Ms. Larrazabal.
Ramdam ni Ms. Larrazabal ang pagsisisi ni Ricky sa nagawa sa kanya at dahil may katiting pa itong pagmamahal sa kanya, hindi na siya nagmatigas pa para patawarin ito. Nagawa man nilang makipag-ayos sa isa't isa, hindi naman nagawa pang makipagbalikan dahil may kanya-kanya ng pamilya. Pumayag si Ms. Larrazabal sa alok ni Ricky na magtulong-tulong na hanapin ang nawawalang si Gem, dalawang-pung taon na ang nakakaraan. Kaagad naman ipinabatid ni Ms. Larrazabal sa asawa nito ang pakikipag-ayos kay Ricky at pagtulong sa nawawala nilang anak.
"Oh hon, parang wala nang bukas ang kasiglahan sa'yong mukha? Anong meron?"
"Magugulat ka, kasi bati na kami ni Ex." Masayang sabi nito.
"Ex, Ex-husband?"
"Oo at saka tutulong siya sa paghahanap kay Gem."
Selosong tao si Don Licundo at obsess kay Ms. Larrazabal kaya magiging threathen sa kanya ang pakikipag-ayos nito kay Ricky. Dahil sa selos, uutusan niya ang kanyang mga tauhan para gulpihin si Ricky. Habang ito ay naglalakad pauwi, may anim na armadong lalaki siyang makakasalubong at dito ay tahasan nilang pagtutulungang bugbugin si Ricky. Habang kanilang binubugbog, magpapakita si Don Licundo kay Ricky.
"Ano Ricky, masakit ba ang mabugbog?!" Sabi nito sa kanya habang pinagtutulungang gulpihin ng tauhan nito.
"Tigilan niyo siya!" Utos ni Don Licundo sa kanyang mga tauhan.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Ricky sa kanya na nanlulupaypay na dahil sa tinamong bugbog.
"Layuan mo ang asawa ko at huwag nang makikipagkita pang muli sa kanya. Kung ayaw mo maging pamilya mo ay idadamay ko!" Banta nito kay Ricky at matapos ay iiwan nila itong galusin at halos hindi na makatayo dulot ng matinding bugbog.
Pinilit ni Ricky na tumayo subalit dahil sa panghihina, nawalan ito ng malay. May mga tao naman ang nagmalasakit at dinala si Ricky sa hospital.
"Hello, who is this?" Tanong ng mommy ni Ted.
"Ahh kayo po ba ang pamilya ng pasyente namin, Ricky Crisostomo?" Tanong ng doktor na umaasikaso kay Ricky.
"Yes po, bakit?!" Gulat na gulat na tanong nito at nang malaman ang naganap sa kanyang asawa ay dali-dali nila itong pupuntahan sa ospital. Kinabukasan at habang nasa school si Rene, mapapansin nitong walang imik si Ted at kakikitaang mabigat ang mukha. Nakaramdam ng pag-aalala si Rene kaya agad nitong nalapitan at inalam ang dahilan.
"Okey ka lang ba Ted?" Tanong nito sa kanya na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin. Hindi ito iimikan si Rene dulot ng malalim ang iniisip.
"Uy! Sabi ko, okey ka lang ba diyan? Kasi ang tahimik mo at ang lamlam ng mukha." Saka lamang mamalayan ni Ted na katabi na nito si Rene at kinakausap. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang ilahad kay Rene ang sinapit ng kanyang Daddy. Kaagad naman ipinabatid ni Rene sa kanyang ina-inahan ang tungkol sa sinapit ni Ricky.
"Talaga anak?!" Wika ni Ms. Larrazabal na gulat na gulat.
"Opo nay, nabugbog ang daddy ni Ted. Hindi nga po malaman kung sino-sino ang bumugbog sa kanya at ano ang atraso niya sa kanila." Paglalahad ni Rene sa kanya at dala ng labis na pag-aalala, dali-daling pupuntahan ni Ms. Larrazabal ang ospital kung saan nagpapagaling si Ricky. Pagkarating ng ospital, madadatnan niyang nandoon ang asawa nito na nagbabantay sa kanya. Batid man ni Ms. Larrazabal na maaring magsilang ng away oras na magpakita ito kay Cherry, lakas-loob pa ring pumasok para kamustahin si Ricky.
"Oh Ms. Larrazabal, nice to meet you again my ex-boss. Bakit niyo po dinalaw ang asawa ko?" Tanong ni Cherry sa kanya na takang-taka.
"Ah Cherry, nandito ako para kamustahin ang lagay niya, kamusta na siya?"
"Eto po Ma'am, wala pa ring malay pero ligtas na siya at hayaan lang daw magpahinga. Tanong ko lang, paano niyo nalaman ang nangyari sa asawa ko?" Tanong nito sa kanya at magdadahilan si Ms. Larrazabal.
"Ah, nalaman ko sa Social Media, friend ko kasi ang anak mong si Ted at nag-post ito patungkol sa nangyari sa kanyang daddy." Tugon nito sa kanya na nakangiti pa at habang nag-uusap sila ni Cherry ay saktong magkakamalay na si Ricky.
"Li-Li-Lynda?!" Sabi nito nang magkamalay at masilayan si Ms. Larrazabal na siyang ikakagulat ni Cherry.
"Oh Hon, gising ka na pala! Pero bakit mo siyang tinawag na Lynda, eh si Ma'am Grace iyan?"
"Oo nga naman Mr. Crisostomo, bakit mo ko tinawag na Lynda at sino naman yun?" Pagkakaila diumano ni Ms. Larrazabal at magpapaalam na ito nang makitang nagkamalay na si Ricky subalit pipigilan siya.
"Sandali lang Lynda! Dito ka muna at huwag umalis."
"Sorry Mr. Crisostomo, I have to go now. I have a lot of appointment na kailangan kong asikasuhin." Sabi nito sa kanya na nagmamadali ng umalis at magtataka na si Cherry.
"Teka! Teka! Meron ba kong hindi alam?! Bakit Lynda ang tawag mo sa kanya?!"
"Kaya nga eh, aywan ko ba sa asawa mo, hindi pa ata magaling. Sige alis na talaga ako, Bye!" Pagkalabas ni Ms. Larrazabal sa kwarto, saka ipaggigiitan ni Ricky kay Cherry na totoo ang kanyang sinasabi.
"Oh sige nga Ricky, kung siya si Lynda, bakit iba ang hitsura niya sa picture na ipinakita mo sa akin? At saka paano siya ang naging unang asawa mo na dati niyong katulong, eh Ma'am Larrazabal yun, na anak ng may-ari ng pagawaan ng sapatos, pinagloloko mo ba ko?"
"Kaya ka nahihirapang paniwalaan ang sinasabi ko, kasi nagparetoke na siya at totoong walang anak si Donya Josefa. Kaya yumaman ng ganung-ganon si Lynda dahil ipinama sa kanya lahat ng kayamanan at ipinalabas na siya ang anak. Iyon ang totoo!" Labis na hindi makakapaniwala si Cherry sa mga nabatid patungkol kay Ms. Larrazabal.
"Kung sinasabi mong siya si Lynda, paano ka nakakuha ng impormasyon sa kanya na nagpapatunay na siya nga iyon? Matagal mo na bang alam nung nagtatrabaho pa tayo sa kanya?! Sumagot ka!"
"Hindi ko pa alam, nung nasa opisina pa niya tayo. Actually, kamakailan ko lang nalaman ang tunay na pagkatao ni Ms. Larrazabal."
Doon ay mamumuo na ang rebelasyon nilang mag-asawa.  




Chapter XIV
Laro ng kapalaran




Makalipas ang isang buwan
"Happy Monthsary sa napakagwapo kong beyb!" Sabi ni Jovie kay Ted na masayang-masaya na idinaraos ang kanilang unang buwan bilang magkarelasyon.
"Happy Monthsary din sa'yo! Saan tayo mamaya?" Tanong nito kay Jovie at habang pinagpapaplanuhan nila ang pagde-date ay naririnig ni Rene na nasa harapan lang nila.
"Tanggap ko nang sila, wala na sa akin iyon dahil wala na 'kong magagawa. Ang kaso, bakit nasasaktan ang loob, bakit nagseselos pa rin ako. Naku Ted, hanggang kailan mo ako pahihirapan? Hanggang kailan ko ito mararanasan, na may pag-ibig pa rin sa’yo. This love can get me more hurt and eversince, ngayong ko lang ‘to nararanasan!” Sabi nito sa loob-loob habang pinakikinggan sina Ted at dahil sa sakit, magpapasya na itong lumabas.
Pagkauwi ni Rene sa Mansyon, lubos itong magugulat pagkat makikita niya ang kanyang kinagisnang kapatid.
“Ate?!” Sabi nito na gulat na gulat nang masilayan ang nakakatandang kapatid at sa labis na tuwa ay bigla itong mapapayakap sa kanya.
“Rene?! Ikaw na ba ‘yan, ang laki mo na pala!” Sabi naman nito na nasasabik sa muli nilang pagkikita.
“Kamusta na Ate, kayo pati ang tatay?”
“Ang totoo niyan Rene, kaya ako nandito kasi matagal ka na sa akin pinapahanap ng tatay natin. Mabuti nga at nahanap na kita ngayon at gusto ng tatay na makita at makausap ka.”
“Ako? Gusto niyang makita at makausap, pero bakit?” At hindi magugustuhan ni Rene ang mga sasabihin sa kanya ng kapatid nito.
“Huwag ka sanang mabibigla. May sakit ang tatay natin, Lung Cancer Stage 4 at may taning na raw ang buhay niya sabi ng Doktor.” Sabi na malungkot-lungkot.
“Gusto niya makita ka, sa huling sandali ng kanyang hininga.”
Labis na hindi makapaniwala si Rene sa sinabi ng kanyang kapatid at kahit masama pa rin ang loob nito, matapos siyang palayasin at itakwil bilang anak ay nakaramdam pa rin ng awa at pag-aalala. Sumama si Rene sa kanyang kapatid sa pagpunta sa Ospital at pagkaharap na pagkarap nila.
“Sino siya? I-ito na ba si Rene?” Tanong ni Mang Lito sa kanyang anak na pagal magsalita dahil kapos ang hininga.
“Opo Tay, siya na nga po si Rene.” Tugon naman niya at agad na hihingi ng tawad sa nagawa nito sa kanya.
“Patawarin mo ko anak kung nagawa kong itakwil dahil sa binabae ka. Bukod pa dun ay patawarin mo ko kung hindi ako naging mabuting ama sa’yo madalas na pinagagalitan, kung hindi ko naiparamdam sa’yo ang pagmamahal na hinahanap-hanap mo sa isang ama. Sana mapatawad mo pa ko bago ako mamaalam sa Mundong ito, anak!” Mensahe nito kay Rene na siyang kukurot ng husto sa kanyang puso at mamapaiyak.
“Tay!” Mangiyak na sabi nito at mapapayakap sa kanyang ama. Bukod pa dun ay may sasabihin pa siya kay Rene.
“Bukod pa dun anak, may dapat kang malaman at patawarin mo kami ng nanay mo kung ngayon ko lang ito masasabi sa’yo. A-anak, hindi ka namin tunay na anak.” Magugulat si Rene sa kanyang malalaman.
“A-ako? Hindi niyo po anak, pano nangyari yun tay?” At ilalahad sa kanya ni Mang Lito kung paano siya napulot.
 Laking gulat at hindi makapaniwala si Rene sa nalaman sapagkat buong buhay niya, wala itong kaalam-alam na ampon ito at hindi sila ang tunay na pamilya. Doble ang hinagpis na kanyang nararanasan pagkat bukod sa nangungulila ito sa tunay na magulat, binawian pa ng buhay ang kinagisnan niyang ama.
Pagkabalik ni Rene sa Mansyon.
“Nasaan ang tunay kong magulan at sino sila?! Huhuhuhu! Buong buhay ko, wala akong kaalam-alam na ampon lang ako, saklap naman nito!” Sabi niya na tumatangis at makikita naman ni Ms. Larrazabal.
“My dear son, why are you crying?” At sasabihin ni Rene ang tunay na dahilan ng kanyang pagtangis.
“Ang saklap Mommy, ang saklap. Ampon lang pala ako Mommy ng magulang na kinagisnan ko!”
“Ikaw ampon? Kung ganon ay sino raw ang tunay mong pamilya at paano ka nila napulot?!”
“Hindi alam ng tatay ang tunay kong magulang, dahil napulot nila ako nung panahong sumabog ang barko. Kung ganon ang nangyari, paano ko hahanapin ang tunay kong magulang, huhuhuhu!” Hindi makapaniwala si Ms. Larrazabal sa inilahad nito na mapapaisip na marahil ay si Rene ang nawawala nilang anak subalit kailangan niyang magpakasiguro.
“Ano raw pangalan ng barkong sumabog at saang lugar naganap?”
“Walang nabanggit si Tatay pero sabi niya, malapit daw sa isla ng Mindoro, dalawang-pu’t isang taon na ang nakakaraan.”
Pagtatagpi-tagpiin ni Ms, Larrazabal ang mga detalyeng itinugon ni Rene sa naging buhay niya nung naganap ang masalimuot na trahedya at nang makita niyang nagtutugma nito, lalong lumakas ang hinala niya na si Rene ang nawawalang anak. Nakaramdam ng tuwa si Ms. Larrazabal dahil kahit paano ay nagkakaroon na siya ng pag-asang mahahanap pa si Gem. Sa tuwa ay kaagad niyang naikwento kay Don Licudo ang mga natutuklasan niya na siyang susi para mahanap si Gem.
“Hon, mukhang lumaki ang tiyansang mahahanap ko si Gem.” Sabi nito kay Don Licudo.
“Talaga mahal ko, paano mo naman nasabi yan?”
“Malakas ang hinala ko na si Rene ang nawawala naming anak. Nalaman ko kanina na ampon lang ito at sa sumabog na barko raw napulot. Tugmang-tugma sa naganap sa akin kaya may dahilan ako para maghinala ng ganito.”
“Paano ka naman nakakasiguro sa iniisip mo.”
“Iyon nga, kailangan kong makasiguro at gumawa ng paraan para malamang tama ito. Kung si Rene nga ang sinasabi ng puso’t isipan na siya ang nawawala naming anak, sana tama ito at siya nga dahil napamahal na sa akin ng lubos ang batang iyon.”
Sa mga nailahad ni Ms. Larrazabal sa kanya ay lalo itong mangangamba na balang araw ay magkaroon ng dahilan si Ricky para magsama silang muli at mahitsapwera na siya sa puso ng minamahal ng lubos na halos sambahin na nga. Samantala, kaagad na ipinabatid ni Ms. Larrazabal ang kanyang mga nalaman kay Ricky.
“Hello Lynda, oh bakit napatawag ka?”
“May good news kasi ako sa’yo.” Sabi nito sa kanya na tuwang-tuwa.
“Pakiramdam ko kasi, matagal-tagal na nating nakilala si Gem at kahit hindi natin siya hanapin, hindi natin alam na naririyan lang siya.”
“What do you mean naririyan lang anak natin?”
“Kilala mo ba si Rene?”
“Yes, yung anak-anakan mo tapos kaklase pa ng anak ko, bakit naman siya nasali at anong koneksyon niya kay Gem?”
“Malakas kasi ang hinala ko, na siya ang nawawala nating anak.”
“Paano mo naman nasabi na si Rene at si Gem ay iisa lang?” Tanong nito sa kanya na tila naguguluhan at sasabihin ni Ms. Larrazabal ang dahilan.
Bukod kay Ms. Larrazabal, iisipin din ni Rene na marahil siya ang nawawalang anak na si Gem ng kanyang ina-inahan. Dahil sa mga paghihinala at sa kagustuhang makasigurado, napagpasyahan na nilang ipa-DNA Test si Rene at pumayag naman ito. Makalipas ang isang linggo nang lumabas ang resulta na siya nilang ikakagulat.
“Ito na ang resulta ng DNA” Sabi ng doctor kina Ms. Larrazabal at Ricky kasama si Rene at bubuksan nila ito nang may pananabik. Nang makita ang DNA result.
“Anong nangyari sa’yo Lynda, bakit hindi ka makaimik-imik diyan? Ano ba ang resulta?” At ipapakita nito kay Ricky.
“NEGATIVE?!” Pasigaw na sabi nito na labis ang pagkalumo sa nakitang resulta at dito ay mapapaiyak si Ms. Larrazabal at Rene dahil umasa silang magkadugo sila.
Magkahalong lungkot at tuwa ang naghahari sa loob ni Rene sapagkat nalaman niyang hindi sila magkapatid ni Ted, which means na may pag-asa ito sa kanya subalit hindi niya makita ang totoong magulang. Matapos ang kanilang mga nalaman ay ipagpapatuloy pa rin nina Ms. Larrazabal at Ricky ang paghahanap kay Gem samantalang hahanapin naman ni Rene ang mga tunay nitong magulang. Sadyang pinaglalaruan sila ng kapalaran.
Habang kausap ni Don Licundo ang kanyang mga tauhan. 
“Nagawa niyo ba nang maayos ang mga inutos ko sa inyo?” Tanong nito sa kanyang mga tauhan.
“Opo Sir, nagawa namin pekeen ang DNA Result ni Rene para lumabas na Negative.”
“Good! Asan yung original DNA Result.” At ibibgay ng tauhan ni Don Licundo ang totoong resulta ng DNA at magugulat ito sa nakita.
“Ha! POSITIVE? Si Rene nga ang nawawalang anak ng asawa ko! At ngayon, wala ka nang dahilan pa Ricky para magkaroon muli kayo ng ugnayan ni Grace at agawin sa akin. Akin ka lang, Grace!” Sabi nito na madiin-diin at itatago na niya ang DNA Result.
Dahil sa matinding pagmamahal ni Don Licundo kay Ms. Larrazabal at sa takot na mawala ito sa kanya oras na mahanap na nila ang nawawalang anak, nagawa na nitong magtaksil.
Makalipas ang halos dalawang buwang paghahanap, halos panghinaan na ng loob si Ms. Larrazabal dahil pakiramdam niya ay parang walang nangyayari. Sa tindi ng bigat ng kanyang kalooban, mapapaiyak na lamang ito.
“Kailan ko ba makakapiling muli si Gem?! Huhuhuhu! Hirap na hirap na ko. Gem! Kung nasaan ka, sana walang nangyaring masama sa’yo at buhay ka pa rin! Nami-miss ka na ng Mama.” Sabi nito na tumatangis at halos mawalan na ng bait sa sarili sa tindi ng kalungkutang nararanasan.
Kung si Ms. Larrazabal ay parang nawawalan na ng pag-asa, hindi naman sumuko si Rene sa paghahanap sa kanyang tunay na magulang at umaasang balang araw ay matatagpuan niya rin sila kahit hirap na hirap ito dahil walang impormasyon.
“Ano Rene, nahanap mo na ba sila?” Tanong ni Tina sa kanya.
“Hindi pa eh, at saka ang hirap naman ng ganito, hindi ko malaman kung paano sila hahanapin. Ni wala nga kong picture nila at hindi ko alam ang kanilang pangalan, paano?” Hanggang sa maisipan ni Rene na puntahan ang kanyang kapatid para alamin kung ano ang suot niya nung panahong napulot siya, na gagamitin nitong susi sa paghahanap sa kanyang magulang.
“Ate, alam ko na saksi ka nung panahong napulot ako nina inay at itay. Pwede mo ba pakibanggit kung ano ang suot ko, kung naalala mo pa..” Subalit sa tagal na rin ng panahon ay hindi na niya maalala kung ano ang mga suot-suot ni Rene nung sanggol pa ito.
“Wala eh, wala akong maalala, pasensiya ka na ha.”
“Sige, salamat.” Aalis ito na lumong-lumo at problemado dahil wala na itong maisip pang paraan para mahanap sila.




Chapter XV
Komprontasyon



Muling magkikita sina Ms. Larrazabal at Ricky para pagpulungan nila ang gagawing hakbang sa paghahanap kay Gem. Nang kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, sa hindi inaasahan ay mamataan sila ni Cherry kasama ang anak nitong si Ted.
“Teka anak, iyon ang Daddy mo! Bakit niya kasama ang babaeng iyon!” At dali-dali niya silang lalapitan. Pagkalapit na pagkalapit at sa galit at selos, daglian nitong uundayan ng sampal si Ms. Larrazabal.
“Walang hiya ka! Nilalandi mo nanaman ang asawa ko!” Pasigaw na sambit nito matapos niyang paulanan ng sampal at dedepensahan ni Ms. Larrazabal ang mga sinabi ni Cherry.
“Kung sabihin ko sa’yo, hindi ko nilalandi ang asawa mo! Iyong-iyo na siya!” Madiin-diing sabi nito sabay sasampalin din si Cherry.
“Cherry, bakit ka ba nandito?! Anong ginagawa mo?!” Tanong ni Ricky na gulat na gulat sa pagkikita nila mag-asa.
“Hoy makating babae, pwede ba tantanan mo na ang paglalandi sa asawa ko! Kami na ang pamilya niya at wala ka nang magagawa para mapasayo muli si Ricky!”
“Bakit ko naman lalandiin si Ricky, for your info, may asawa’t anak na ko at malinis ang hanagarin ko kaya kami nag-uusap ni Ricky, para hanapin si Gem! Iyon lang yun!” Ang batuhan nila ng maanghang na salita, mauuwi na sa buhatan ng kamay hanggang sa magpang-abot at magsabunot.
“Kapal ng mukha mo babae ka!” Sabi ni Cherry habang sinasabunutan si Ms. Larrazabal.
“Mas makapal ang mukha mo para kausapin ako ng ganyan!”
“Pwede ba! Huwag nga kayong mag-away, itigil niyo na yan.”
“Mommy na tama na yan!” Sabi ni Ted habang magkasama nilang inaawat ang dalawa. Nang maawat ang dalawa at matapos ang napakainit na sapulkan.
“Pwede ba Daddy, tigil-tigilan niyo nang makipagkita kay Ms. Larrazabal at huwag nang umasa pang mahahanap niyo pa si Gem dahil ginagawa niyo lang tanga ang mga sarili niyo sa kakahanap at baka nga patay na yun!” Ikakapuyos nang damdamin ni Ricky ang mga sinabi ni Ted sa kanya.
“Anong sinabi mo?! Bawiin mo ang sinabi mo! Lumalaki ka ng walang modo!” Pagbubuhatan niya ng kamay si Ted subalit pipigilan ni Cherry.
“Sige subukan mong saktan ang anak natin, ako makakaharap mo at kampihan mo yang babae! Mga imoral kayo, ilang beses mo na kong niloloko Ricky!”
“Tama nga Mom, hindi ako magtataka na hanggang ngayon, mahal pa rin ni Daddy ang babaeng iyan, kaya wala tayong kaalam-alam na nagsasama at kita sila! Ikaw naman Ma’am, utang na loob, layuan mo na si Dad. Kasi nasisira ang pamilya namin sa ginagawa mo!”
“Hayaan mo na sila anak, halika na!” At aalis na silang mag-ina.
Pagkauwi ni Ms. Larrazabal ng Mansyon.
“Mom, may problema ba, bakit ka po umiiyak?” Tanong ni Rene sa kanya nang makitang tumatangis dahil sa pangyayari.
“Wala anak.” Tugon nito at papasok ng kwarto. Kahit batid ni Rene ng kanyang isip na hindi kadugo si Ms. Larrazabal, labis pa rin ang kanyang pag-aalala sa pinagdadaanan ng kanyang ina-inahan.
Tatawagan ni Ricky si Ms. Larrazabal para humingi ng tawad at habang sila ay nag-uusap, walang kaalam-alam si Ms. Larrazabal na nakikinig na sa kanila si Rene. Parang sinindihang posporo ang kalooban ni Rene nang mabatid na kinompronta ni Ted ang kanyang ina-inahan.
“Aba’y bastos siya! Wala siyang karapatang ganyanin ang nanay-nayan ko! Makakatikim ang Ted na yon sa akin!” Sabi nito na puyos na puyos sa galit. Kinabukasan at habang nasa Unibersidad si Rene, daglian niyang ilalahad sa mga kaibigan nito ang hinanakit kay Ted.
“Akala ko ba, love mo si Ted. Eh bakit singtindi pa ng nagliliyab na apoy ang galit mo sa kanya?” Tanong ni Ellie sa kanya.
“Oo, may feelings ako sa kanya, pero dati yun, hindi na ngayon. Binastos ba naman niya si Mommy sa harapan ng mga magulang nito! Sinong hindi magagalit! Walang hiya siya at ang sama-sama pala ng ugali! Masasampiga ko siya kapag nagkita kami!” Ngitngit na wika ni Rene sa kanila at nang magkita sila ni Ted sa kanilang klase, wala siyang ibang gagawin kundi irapan ito at pagtinginan ng masama, na siya agad mapapansin ni Ted.
“Rene, may problema ka ba sa akin?! Kanina ko pa napapansin, kanina mo pa ko iniirap-irapan kapag kinakausap kita?” Tanong nito kay Rene subalit hindi ito iimik, pandidilatan lamang ng Mata at tatalikod.
“Bakit mo ko pinangdidilatan ng mata?! Galit ka ba sa akin?!” Hindi pa rin ito iimik sa muling pagkakataon ay magwa-walk-out.
Ramdam na ramdam ni Ted na galit sa kanya si Rene kaya susundan nito para alamin ang dahilan. Pagkalabas nito. 
“Rene, mag-usap nga tayo! Ano bang ikinagagalit mo?!” Magpapatuloy pa rin si Rene sa paglalakad na nag-aapoy ang mukha sa galit at umuungis.
“Ano ganyanan! Tinatalikuran mo lang ako! Hoy Rene! Sabihin mo na!”
Nakulitan na si Rene kay Ted at dahil kanina pa niya kinikimkim ang sama ng loob, hindi na nito napilan pang ilabas.
“Ano ba Ted! Napakakulit mo! Oo tama ka, galit nga ako sa’yo! Gusto mong malaman kung ano ang ikinagagalit ko sa’yo. Dahil nung una, akala ko, nuknukan ka ng bait na tipong anghel ang asta, pero nagkamali ako! Masama pala ugali mo!”     
“Ako masama ugali?! Pano mo nasabing masama ugali ko, magsalita ka!” At lakas-loob ni Rene sasabihin ang dahilan.
“Akala mo, hindi ko alam, binastos mo si Mommy sa harapan ng nanay at tatay mo, walang hiya ka! Buti sana kung sa akin mo lang iyon gawin, magagawa pa kitang patawarin pero mommy ko iyon kaya ang laki ng atraso mo!”
“At iyong ang ikinagagalit mo, na ang dating sa’yo ay binastos ko ang Mommy mo, kahit ang totoo naman, pinagsabihan ko lang siya dahil nilalandi nanaman niya si Dad!”
“Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, napakapasmado! Masasapak kita ng harap-harapan. For your information mukhang demon ang kaharap ko, hindi malandi ang Mommy ko! Hindi mo lang alam, kaya may komunikasyon si Mommy sa Daddy mo, dahil nagtutulungan lang naman silang hanapin ang nawawala mong kapatid, hindi upang lumandi!” 
“Kapatid na kailanman ay hindi na nila mahahanap pa, kaya huwag na silang umasa! Aywan ko ba kung bakit hinahanap pa nila si Gem, eh malabong-malabo na nga! Sorry kung nabastos ko Mommy mo, pero pakisabihan siya na tigil-tigilan na ang pakikipagkita kay Daddy, dahil nasasaktan lang si Mommy kapag ginagawa niya iyon at nakakasira siya ng pamilya!”
“Wow ang bait mo naman anak, concern sa Mommy niya, eh bakit paano ang Mommy ko! Kung hindi mo lang naitatanong, iyak siya ng iyak kagabi dahil sa ginawa niyo sa kanya, hinayupak ka!”
“And so, paki ko kung umiyak siya, nararapat lang iyon sa kanya! Matagal nang tapos sa kanila ni Dad kaya di na dapat niya ito nilalapitan at hinayaan na lang niya! Tingin ko, may balak ang mommy mo na agawin si Dad kay Mommy, bagay na hindi ako makakapayag, in her dreams!”
“Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, basta, hindi malandi ang Mommy ko! Alam mo Ted, sayang ka dahil gus-.” Ititigil niya ang sasabihin dahil namalayan nitong nadudulas na.
“Na may gusto ka sa akin? Naku Rene, matagal ko nang alam yan! Hindi lang ako nagpapahalata sa’yo!”
“Walang hiya, matagal mo na palang alam, bakit hindi mo sa akin nasabi!”
“Dahil alam kong isang taong gaya mo, aasa’t aasa lang at ayaw kitang masaktan, kaya naglihim ako sa’yo!”
“Wow Thank you sa pagmamalasakit, naisip mo pala iyon pero huwag kang mag-alala, dahil hindi na kita gusto! Nagsisisi nga akong nahulog ang loob ko sa’yo, dahil ganyan pala ugali mo!”
“Aba’y dapat lang! Sa palagay mo, papatulan kita! Eh hindi ka naman babae, isa kang bakla! Sa mga lalaking mapapasayo, sa palagay mo, magkakaanak ka! Hindi kaya huwag kang assuming!” Labis na masasaktan at maiinsulto si Rene sa salitang binitawan sa kanya ni Ted kaya magagawa nitong sampalin.
“Kapal ng mukha mo para pagsabihan ako ng ganyan! Isinusumpa ko ang araw na ito, may kalalagyan ka rin sa pagiging palalo mo!”
Habang umiinit na ang sagutan nilang dalawa ang paglabas naman ng kanilang mga kaklase.
“Rene, nagsasagutan ba kayo ni Ted?” Tanong ni Mikkaila sa kanya. Sa kagustuhan nina Ted at Rene na huwag nang lumaki ang gulo, pinalabas nilang nag-uusap lang sa halip na nagsasagutan.
Ang dating si Rene na giliw na giliw kay Ted, napalitan na ng pagkasuklam sa kanya matapos siyang masaktan sa mga sinabi nito.
“Magmula sa araw na ito, pinuputol ko na ang pag-ibig ko sa’yo, grabe ka pala magsalita, hindi kita kinakaya! Hinamak-hamak mo ang pagkatao ko!” Sabi nito na  mangiyak-ngiyak dahil sa nararanasang sakit.
“Pasalamat na lamang talaga ako, hindi ko naging kapatid ang kutong lupang iyon. Kung hindi at naku, sinusumpa ko ang araw na iyon. Sa ugali ng Ted na ‘yan, sino kayang babaeng tatagal sa kanya!” Sabi nito sa loob-loob.
Nanatiling may alitan sina Rene at Ted hanggang sa magtapos sila ng kolehiyo. Guidance Facilitator ang naging trabaho ni Rene sa isang rehab center  sa City Hall samantalang HR Manager assistant naman si Ted sa Makati. Makaraan ang isang taon at kalahati nang muling magkrus ang kanilang landas. Habang lulan ng Jeep ay laking gulat ni Rene nang makatabi nito si Ted. Dahil nagpahaba na siya ng buhok at nagpakulay pa’t apaw ang kolorete sa mukha, hindi na siya makikilala nito.
“Si Ted ba ‘to? Oh my gosh katabi ko ang mokong, anu ba yan!” Sabi nito sa loob-loob habang pinagmamasdan si Ted at sa halip na inis dahil hindi pa magkaayos ay makakaramdam ng tuwa dahil muli silang nagkita.
“Bakit ganon, hindi niya ko pinapansin. I think nag-aalangan siya sa pagkakakilanlan sa akin dahil bagong bihis na ko o marahil, kilala niya ko, hindi niya lang ako pinapansin dahil galit pa rin sa akin. Anyway, hindi ko siya kikibuin, hmmp magsawa siya!” Patuloy na nakakaramdam ng pagkailang si Rene habang katabi nito si Ted na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin kinikibo subalit mapapalingon ito sa kanya nang may magpaabot ng bayad.
“Bayad daw po.” Sabi nito nang iaabot ang bayad.
“Teka, parang pamilyar ang boses na narinig ko.” Sabi naman ni Ted at mapapalingon sa kanyang katabi na si Rene na ngayon ay bihis babae. Kahit lumingon na siya kay Rene at titigan, mahihirapan pa rin siyang makilala ito.
“Anong tinitingin-tingin mo sa akin Ted, ano kilala mo na ba kung sino ang katabi mo.” Sabi nito sa kanyang loob at patuloy na mananahimik. Medyo naghihinala na si Ted at nakakaramdam na ito ng bagay na hindi niya maipaliwanag.
“Bakit ganon, parang pakiramdam ko, may kakilala ako dito sa Jeep.” Sabi nito na kinukutuban na at muling titigan si Rene.
“In Fairness, ang ganda ng hair ng katabi ko, kaso may naamoy ako, hindi siya tunay na babae.” Sabi ni Ted at muli niyang maririnig ang tila pamilyar na boses mula sa katabi nang may magpaabot ng bayad at sa pagkakataong iyon, maghahawak na ang kanilang kamay. Bukod sa tuwa ay bibilis ang tibok ng puso ni Rene nang mahawakan ang kamay ni Ted.
“Ay, ang lambot at ang kinis naman ng kamay, katulad pa rin ng dati.”
Minuto pa ang nakaraan nang may biglang tumawag sa phone ni Rene. Batid ni Rene na malalaman ni Ted na siya ang katabi kaya magboboses babae ito subalit hindi niya nagawa pa nang makitang mommy niya ang tumatawag.
“Hello Mommy?”
“Hello anak, gabi na pero wala ka pa dito, nasaan ka na ba?”
“Ah mommy, sorry kung matatagalan pa ko sa pag-uwi, sobrang trapik kasi Here.” Matapos nilang mag-usap at dahil narinig na nang narinig ni Ted ang boses nito at nahahalatang may hawig sila ni Rene ng katabi niya, makikilala na niya ito.
“Rene, ikaw ba yan?” Tanong nito sa kanya at magugulat si Rene.
“Oh my gosh, kilala na niya ko. Tumawag kasi si Mommy, iyan mukhang mabubuko na ko.” Sabi nito sa loob-loob at kahit alam na niya na mabubuko na ni Ted, nagpanggap pa rin ito.
“Excuse me sir, who’s Rene at di ko siya kilala.” Pataray pero pa-cute na sambit nito  at dahil nahahalata na talaga ni Ted, sigurado na ito na si Rene ang kaharap.
“Naku Rene, wala kang maloloko! Kahit magsuot ka pa ng Wig diyan at maglagay ng napakakapal na kolerete sa mukha, makikilala’t makilala pa rin kita! Kaya huwag ka ng makipaglokohan sa akin!”
“Excuse me Kuya, di ko alam ang pinagsasabi niyo diyan at wala akong alam! Kaya pwede ba, tigil-tigilan niyo ko!”
“Hanggang dito pa naman sa Jeep, nakukuha mo pang magpanggap at manloko, sinungaling ka talaga Rene! Bakit mo ba ‘to ginagawa?!”
Batid ni Rene na maaring pagmulan ng away ang pagiging pangahas ni Ted sa kanya kaya napagpasyahan na nitong bumaba ng Dyip.
“Kuya Para nga! Bababa na ko! Bastos kasi ng pasaherong katabi ko, hindi na nahiya!”
Dahil sa ginawa sa kanya ni Ted ay labis ang pagkaimberna nito pagkauwi. 
“Bwisit, sa dami pa ng taong pwede ko makatabi sa Jeep, siya pa! yung walang hiyang Ted na yan!” Ngitngit na ngitngit na wika nito sa sarili subalit deep inside ay natutuwa siya dahil nagkita muli sila ni Special Someone niya.
Habang naglilinis ang katulong nina Ms. Larrazabal ay may matutuklasan ito sa drawer. Medyo naiintriga siya kaya binuksan niya ito at pagkabukas, doon nakalagay ang totoong resulta ng DNA Result ni Rene. Labis na magtataka ang katulong kung bakit may DNA Result si Rene sa Drawer ni Don Licudo at dahil sa pagtataka ay tatawagin niya si Ms. Larrazabal para ipakita ang result.
“Ma’am! Ma’am!” Malakas na tawag nito at pagkababa mula sa ikalawang palapag at makita si Ms. Larrazabal.
“Conching! Anong meron at nagsisigaw-sigaw ka diyan!”
“Ano yang hawak mo?” Tanong ni Ms. Larrazabal.
“Ma’am DNA Result po ni Rene?”
“Teka, bakit hawak-hawak mo yan?” Pagkatingin niya sa DNA Result ay magugulat ito ng husto.
“Pero POSITIVE siya? Saan mo nakuha ito?”
“Sa Drawer po ng asawa niyo habang naglilinis.”
Nang makita ni Ms. Larrazabal ang totoong DNA Result ni Rene, tatangis ito pagkat hindi makapaniwala at abot-langit ang galit kay Don Licundo dahil sa nagawa nitong pagmamanipula sa DNA Result.
“Si Rene nga ang nawawala kong anak! Huhuhuhu! Paano mo ‘to nagawa sa akin, Licundo! Hayop ka! Naghanap-hanap pa ko kung saan-saan, kasama ko na pala ang anak ko! Hayop ka! Hindi kita mapapatawad!” Panaghoy ni Ms. Larrazabal na hindi makapaniwala sa nalaman.
Nalaman man ni Ms. Larrazabal na si Rene ang nawawala nilang anak at kataksilan ni Don Licundo sa kanya, minabuti niyang hindi muna sabihin kay Rene na siya ang tunay nitong ina at itago ang DNA Result pagkat batid niyang gagawa muli ng paraan si Don Licundo para mapawalay muli sa kanya si Gem o Rene. Tatawag si Ms. Larrazabal kay Ricky.
“Hello, Ricky?”
“Oh Yes Lynda, napatawag ka, may  importante ka bang sasabihin?”
“Pwede ka ba sa Sabado? Kasi may pag-uusapan tayo at sasabihin ako, paniguradong matutuwa ka.”
“Sige, Saan tayo magkikita sa sabado?” Tanong nito na sabik na sabik.
“May alam akong Park, doon tayo magkita.”
 



Chapter XVI
Wakas



Pagkauwi naman ni Rene galing trabaho.
“Anak ko!” Sabi nito habang mahigpit nitong niyayakap si Rene dala ng tuwa.
“Parang humigpit naman ang yakap niyo sa akin, parang tuwang-tuwa kayo sa pag-uwi ko.”
“Siyempre, kahit napulot lang kita, anak na ang turing ko sa’yo at napamahal ka na sa akin ng lubos. Natutuwa ako at nakauwi ka na.”
“Ako rin mommy, natutuwa ako at nagkita tayong muli. Ang sweet niyo talaga sa akin at kahit di ako nanggaling sa inyo, all those years na tumira ako dito ay ipinaramdam niyo pa rin sa akin ang pagmamahal, gaya ng isang tunay na ina. Kaya saludo ako sa pagiging ulirang mommy niyo sa akin at hindi ko ‘to matatawaran.”
“Salamat anak. Anak, tutal wala ka naman trabaho sa sabado, pwede mo ba ako samahan sa lakad ko at nang makapasyal-pasyal din tayo.”
“Sure why not, matagal-tagal na natin iyan hindi nagagawa Mommy, ni Jessica.”
“Actually anak, tayong dalawa lang, hayaan mo muna ang kapatid mo, kailangan niyang magpahinga.”
“Sige po Mommy, nakaka-excite naman yan!”
“May Favor ako sa’yo anak, pwede ba ako tumabi sa’yo sa pagtulog mamaya?”
“Si Mommy talaga, laki-laki ko na para tabihan mo ko pero sige at pagbibigyan kita, tutal ay inampon at inalagaan niyo na ko.”
Nang makatulog na si Rene ay sasamantalahin ni Ms. Larrazabal ang sandali para bumawi sa panahong hindi niya nagawa kay Rene nung magkawalay sila.
“Dumaan man ang maraming pagsubok, Nagpapasalamat pa rin ako at mapalad dahil natagpuan na kita anak ko. Ako na yata ang pinakamasayang ina sa mundo.” Sabi nito at yayakapin niya si Rene at hahalikan sa noo, pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.

Nang dumating ang araw na iyon at pagkatungtong nila sa Park.
“Mommy, bakit niyo ko dinala dito, at saka bakit niyo kasama ang daddy ni Ted?” Tanong ni Rene sa kanya na takang-taka.
“Oo nga Lynda o Grace, bakit mo dinala dito ang anak-anakan mo? Kasali ba siya sa pag-uusapan natin?”
“Kasi anak.” Bigla itong magiging emosyonal.
“Ricky, siya si Gem ang nawawala nating anak!” Magugulat ang mag-amang Ricky at Rene sa isiniwalat ni Ms. Larrazabal at ipapakita na niya ang DNA Result.
“POSITIVE?! Pero bakit, akala ko ba negative?”
“Peke yung napunta sa ating DNA Result, iyan ang tunay kaya hindi kaduda-dudang si Rene at si Gem ay iisa.”
“Paanong nangyaring peke yun sa atin?”
“Huwag ka nang maraming tanong diyan! Ang mahalaga, kasama na natin si Gem!”
“Totoo ba ito o isang panaginip lang, na kayo ang mga tunay kong magulang? Oh My gosh!” Tanong ni Rene na labis ang pagkagulat nang malamang sila ang kanyang magulang. Matatahimik si Ricky at biglang yayakapin si Rene.
“Anak ko! Ikaw nga.” At tatangis ito ng malakas dahil sa pagka-overwhelm dahil matapos ang mahabang panahon ay nakapiling na niya muli ang anak niya.
“Da-daddy!”  Malakas na sabi nito at mapapaiyak.
Mistulang family reunion ang naganap nang sa wakas ay buo na sila at abot langit ang naghaharing tuwa sa kani-kanilang mga dibdib habang kasama ang isa’t isa. Masaya man si Rene dahil nakilala na nito ang tunay na pamilya, parang isinusumpa naman niya ang naging buhay dahil nahulog ang loob niya sa isang tao, na kapatid niya pala, si Ted at may alitan pa sila. Pagpupulungin ni Ricky ang buong pamilya niya para ipakilala sa kanila si Rene.
“Ano bang meron Ricky at pinagsama-sama mo kami dito sa sala?” Tanong ng asawa nitong si Cherry na takang-taka.
“Huwag sanang magulat ang loob niyo pero gusto kong sabihin sa inyo na natagpuan ko na si Gem.”
“Nahanap niyo na si Gem, dad?” Tanong ni Ted sa kanya na gulat na gulat.
“Oo Ted, tama ka, nahanap ko na nga ang nawawala mong kapatid.”
“Sino naman siya Dad?” Tanong pa ng isang anak ni Ricky na buong kapatid ni Ted. Hindi na pinatagal pa ni Ricky at agad na niyang iniharap sa kanila si Rene. Kabado man si Rene sa magiging reaskyon nila lalo na kay Ted, lakas loob pa rin siyang nagpakita.
“Hello mga kapatid, lalo na sa’yo Ted.” Pangiting sabi nito sa kanila. Labis na magugulat at hindi makakapaniwala si Ted dahil si Rene ang tinutukoy ng kanyang Daddy na matagal na nitong nawawalang kapatid.
“Iyan daddy, si Rene! Nagpapatawa ba kayo?!”
“Oo anak, si Gem na matagal mo ng nawawalang kapatid ay walang iba kundi si Rene, na naging kaklase mo pa!” At ipapakita na niya ang DNA Result para patunayan sa kanila na anak nito si Rene.
“Ha?! Paano niyo nasabing iyang anak-anakan ng una mong asawa ay si Gem, kaya niyo naisipang kuhaan ng DNA Result para makasiguro?”
“Mahabang kwento, ang mahalaga’y natagpuan ko na si Gem o Rene sa pagkakakilala niyo sa kanya kaya magmula ngayon ay ituring niyo na siyang pamilya natin.”
“Hindi ko matatanggap ang Rene na iyan bilang kapatid ko! Sinungaling yan! Kaming tatlo lang ni Josue ang magkakapatid!” Pagalit na wika ni Ted sa kanya. Habang dinuduro ng harapan si Rene.
“Ay grabe siya. Bakit ako ba tinanong mo kung  gusto kita bilang kapatid ko! Makapagsalita, akala kung sino!” Pangtapat na wika naman ni Rene sa kanya.
“Pwede ba Ted, kapatid mo siya, kaya irespeto mo siya bilang nakakatanda mong kapatid o kuya.” Sabi ni Ricky sa kanya.
“Ikaw ba Cherry, matatanggap  mo ba dito si Rene?”
“Sa akin, walang problema. Nandiyan na siya bago mo ko makilala at bago tayo magpakasal, wala na kong magagawa kung anuman ang isasagot ko. Ang kinagalit ko lang, naglihim ka sa akin ng mahabang panahon. Kahit nahanap mo na yang  si Gem na anak mo kay Lynda, sana man lang ay hindi magbago ang pakikitungo mo sa amin bilang pamilya mo at  maging pantay pa rin ang ibibigay mong pagmamahal sa kanila.”
Nagawa man natanggapin ni Cherry si Rene na kabahagi ng kanilang pamilya, kasalungat naman kay Ted na tila hirap na hirap tanggapin si Rene kahit na may pinagsamahan sila pagkat hindi pa rin napaparam ang samaan ng loob sa isa’t isa. Samantala at pagkauwi ng asawa ni Ms. Larrazabal galing trabaho, kaagad niya itong kokomprontahin.
 “Walang hiya ka!” Salubong na wika ni Ms. Larrazabal kay Don Licundo pagkarating at harap nito sa kanya sabay pinaulanan ng sampal.
“Bakit mahal ko, ano bang nagawa ko sa’yo?!”
“Walang hiya ka! Alam ko na ang katarantaduhang ginawa mo sa akin!  Nagawa mo kaming paglaruan ni Rene. 20 years, wala akong ibang binuno kundi hanapin si Gem, makita at makasama ko lang siya muli. Hanap ako nang hanap sa kanya kung saan-saan pero wala akong kaalam-alam, nandiyan lang pala ang anak ko, kasama ko na pala! Dahil sa kagagawan mo kaya naging miserable ang buhay namin mag-ina. Ginawa mo kaming katawa-tawa na naghahanapan sa isa’t isa. Paano mo ‘to nagawa sa akin, ha! Licundo!” Naglalagablab na wika nito sa kanya subalit magmaang-maangan pa rin siya kay Ms. Larrazabal. 
“Anong pinagsasabi mo diyan, mahal ko. Wala akong alam diyan!”
“Huwag ka nang magkunwari pa, huling-huli at bistado ka na Tiyong!” At ipapakita ni Ms. Larrazabal ang DNA Result sa  kanya.
“Ito! Ito! Hindi ba ‘to patunay na nagsasabing magkadugo kami ni Rene. Walang hiya ka! Bakit mo minanipula ang result?! Sumagot ka!” Dahil bistado na ay hindi na magagawa pa ni Don Licundo na magpalusot at matatameme hanggang sa humingi na ito ng tawad kay Ms. Larrazabal.
“Patawarin mo ko Grace sa nagawa kong pagkakasala sa’yo, kung napagpalit ko ang DNA Result. Natatakot kasi ako na kapag nahanap mo na si Gem, baka mawala ka sa akin at magkabalikan kayo ni Ricky. Alam mo naman na mahal na mahal kita, kaya ko ‘to nagawa. Please Forgive me and lets start a new life only with us.” Pagmamakaawang sambit ni Don Licundo kay Ms. Larrazabal.
“Sa palagay mo, mapapatawad kita, hindi! Napakalaki ng kasalanan mo sa amin ni Rene, pinaglaruan mo kami! Utak biya ka kasi at hindi nag-iisip!” Makikiusap pa sana si Don Licundo na patawarin siya ng asawa niya, kaso ay umalis na ito na  dala ang masamang loob.
Nang malaman ni Don Licundo na alam na ni Ms. Larrazabal ang tunay sa pagkatao ni Rene, gagawa muli ito ng paraan para lang manatili sa kanya si Ms. Larrazabal.
“Hello?” Sabi ni Don Licundo na tumatawag sa kanyang tauhan.
“Yes sir!”
“May ipag-uutos ako sa inyo.” At habang naglalakad si Rene pauwi ng mansyon ay aabangan siya ng mga tauhan ni Don Licundo at akmang dudukutin.
“Ayy! Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko nu ba!” Pasigaw na sambit ni Rene habang nagpupumiglas sa mga kawatan at isasakay na sa ban.
Bukod kay Rene at dahil matindi ang nararanasang selos ni Don Licundo kay Ricky, iyon ang magtutulak sa kanya para utusan ang kanyang mga tauhan na kidnapin si Ted.
“Sino ba kayo?! Sabing bitawan niyo ko! Utang na loob!” Sabi naman ni Ted habang siya ay dinudukot.
Nang magkamalay  si Rene ay magugulat ito pagkat nandoon na siya sa isang madilim na Warehouse at nakagapos ang mga kamay.
“Nasaan ako? Sinong dumukot sa akin?” Tanong niya at susubukang kalagin ang tali subalit sa higpit, mahihirapan siyang kalasin.  Habang kinakalag ni Rene ang tali at pagkalingon sa bandang kaliwa ay saktong makikita niya si Ted na bihag din ng mga dumukot sa kanya.
“Si Ted ba yun?” Tanong nito na takang-taka at tatawagin niya.
“Shhhh! Ted, gumising ka diyan! Ted! Gumising ka diyan!”At magigising nga si Ted.
“Asan ako at bakit nandito ka Rene?”
“Hindi mo ba alam, may dumukot sa atin.”
“Ha?! Sino ang dumukot sa atin?”
“Yan ang di ko alam kaya gumawa ka ng paraan para makatakas tayo dito, dali!”
“Nakakalag mo ba ang taling nakagapos sa kamay mo?”
“Hindi nga, kanina po ka ito ginagawa, hirap naman!”
“Sige ituloy mo lang yan pagkalag, baka sa kakakalag mo lumuwag.”
“Aba’y bakit ako lang  ang gagawa nito, dapat ikaw rin.”
Habang sinusubukan nilang kalagin ang tali ay may papasok ang tauhan ni Don Licundo.
“May Dumarating!” Sabay ititigil ang pagkalag sa tali.
“Aha, gising na pala kayo!” Sabi ng isang tauhang pumasok.
“Walang hiya, pakawalan niyo kami dito! Sino ang nagdala sa amin dito?!” Pagalit na sabi ni Ted.
“Malalaman niyo ang kasagutan kapag nakaharap niyo siya mamaya.”
Samantala ay kapwa mag-aalala sina Ms. Larrazabal at Ricky dahil malalim na ang gabi subalit hindi pa nakakauwi sina Rene at Ted.  Hanggang sa may tumawag kay Ms. Larrazabal na hindi kilalang tinig.
“Hello? Who’s this?”
“Gusto mo ba malaman kung nasaan si Rene.”
“Bakit alam mo kung nasaan ang anak ko! Anong ginawa mo sa kanya?! Saan niyo siya tinatago!” Pasigaw na wika ni Ms. Larrazabal na balisang-balisa sa labis nag pag-aalala.
“Hawak lang naman namin siya.” At ipaparinig ng kausap ni Ms. Larrazabal ang tinig ni Rene, patunay na hawak nila ito.
“Walang hiya ka! Sino ka ba at bakit kinidnap mo anak ko?! Ano bang kailangan mo ha?!’
“Ang kailangan namin ay pumunta ka dito nang walang kasamang pulis.” At ibababa na ng kausap ni Ms. Larrazabal ang telepono.
Pagkaalis na pagkaalis ng mga tauhan ni Don Licundo ay saka ipagpapatuloy nina Rene at Ted ang pagkalag sa tali. Malalim na ang gabi kaya natulog na ang mga tauhan at naging pagkakataon para makaisip at gawa ng paraan sa pagtakas. Magbubukangliwayway na nang sa wakas ay makalas din ni Rene ang tali at kinalagan naman niya si Ted. Habang tulog pa ang mga tauhan at dahil naka-lock ang pintuan, humanap sila ng maaaring malusutan. Swerteng may nahanap naman silang lulusutan at kung kailan palabas na sila, saka biglang pumasok ang tauhan.
“Tatakas kayo!” Sabi nito pagkapasok pa lamang at pagkakita kina Rene na inilulusot ang katawan sa maliit na bintana.
“Bilisan mo diyan Rene, bilis! Nandiyan na siya!” At magmamadali si Rene na ilusot ang buong katawan sa makipot na bintana at kung kailan nakalapit na ang tauhan ay swerteng pareho na nilang nailusot ang sarili at dali-daling tatakbo.
“Gumising kayo! Gumising kayo! Nakatakas ang bihag natin!” Sabi ng tauhan at magmamadali sila sa pagkilos para dakpin sina Rene.
“Bilisan natin Ted! Kailangan natin makalayo sa kanila.”Hingal na hingal na wika niya na mabilis na tumatakbo at lalo silang nagkumahog sa pagtakas nang masilayan ang tauhan sa likuran na humahabol sa kanila.
“Ayan na siya, bilisan nating tumakbo!” Sa kakatakbo ay nakarating na sila ng gubat subalit patuloy pa rin silang hinahabol ng mga tauhan ni Don Licundo. Nakahanap naman sila ng mapagtataguan at nang makalayo ang humahabol sa kanila, saka lamang sila lumabas.
“Hay Salamat, nakaiwas tayo sa kanila.” Sabi ni Rene na tuwang-tuwa pagkat natakasan ang mga humahabol sa kanila. Habang sinusuyod nila ang napakasukal na kagubatan, makalabas lang ay sa hindi inaasahan ay aksidenteng mahuhulog si Ted sa bangin. Gagawa ng paraan si Rene para hindi tuluyang mahulog si Ted.
“Sige Ted, kumapit ka lang sa akin! Magpakatatag ka!” Sabi ni Rene sa kanya habang hinahatak ito paitaas.
“Hindi ko na kaya, malalaglag na  talaga ako!” Sabi naman na takot na takot pagkat anumang sandali, maari siyang mapadausdos paibaba.
“Ahhh! Ahhh! Sige lang kapit lang! huwag kang bibitaw sa akin.” Habang buong lakas na hinahatak ni Rene si Ted ay sa kamalas-malasang pangyayari ay mamataan sila ng mga tauhan ni Don Licundo.
“Tulungan ninyo kami!” Malakas na sigaw ni Rene nang makita sila na hindi na nagdalawang isip pa na humingi ng tulong. Pagtutulungan nilang iahon si Ted sa napakatarik na bangin at nang maihon.
“Tatakas pa kayo ha! Iyan tuloy ang napapala niyo.” Sabi ng isang tauhan at sasama sina Rene at Ted sa kanila pabalik ng warehouse. Pagkatungtong doon ay igagapos muli sila, ng mahigpit para hindi na makawala pa. Samantala ay magkasamang nagtungo sina Ms. Larrazabal at Ricky sa sinasabing Warehouse, sa pag-aakalang nandoon ang kani-kanilang anak.
“Saan niyo sila tinatago?!” Tanong ni Ricky sa mga tauhan at sasamahan sila kung saan nila binihag sina Rene at Ted. Pagkarating nila doon.
“Mommy, Daddy!” Malakas na sigaw ni Rene ng masilayan ang mga magulang nito.
“Dad?!” Sabi naman ni Ted at nang magtagpo-tagpo na sila ay saka magpapakita si Don Licundo.
“Magaling! Magaling! Magaling! Nandito ka na pala mahal ko, kasama mo ang walang hiya mong ex-husband.”
“Napakawalang hiya mo talaga Licundo! Nagawa mo na ngang pagpalitin ang DNA Result ng anak ko, nagawa mo pa siyang dukutin pati si Ted! Anong klase kang tao!
“Simple lang ang hinihingi ko sa inyo kaya ko sila inilagay dito. Mamili ka Grace, makikipagkita ka pa kay Ricky pero kapalit ay buhay ng anak mo o hahayaan kong mabuhay si Rene pero, hindi ka na makikipagkita pa sa kanya kailanman at mamahalin mo ko gaya ng pagmamahal na ibinibigay ko sa’yo at lalayo tayo kasama ang anak natin at si Rene, depende sa kanyang desisyon. Ikaw naman Ricky, alam kong mahal mo pa si Grace at ganun rin, pakakawalan ko ang anak mo, sa kondisyong hindi ka na makikipagkita sa kanya at hahayaan mo na kaming mag-asawa!”
“Hayop ka Licundo! Paano mo ‘to nagagawa sa amin! May pagkasademonyo ka pala!” Galit na sambit ni Ricky.
“Ano, nakapagdesisyon na ba kayong dalawa?! Pakakawalan ko sila at hahayaang mabuhay sa Mundong ito, pero hindi na kayo makikipagkita pa sa isa’t isa.”
“Paano naman si Rene, kung gagawin namin yun ni Ricky. Ano hahayaan ko siya na hindi makasama ang Ama niya pati mga kapatid niya, panghabang-buhay para lang masunod ang gusto mo! Hindi naman kakayanin ng loob ko yan at kung si Ricky ang pipiliin niyang makasama, paano naman ako, kamakailan ko lang siya nakilala bilang anak ko, maghihiwalay nanaman kami! Hindi, hindi ako papayag sa gusto mo! Kung ganyan lang din ang magiging buhay dahil sa desisyon ko, mas maiging ako na lang ang patayin mo!”
“Ikaw Rene, my dear step son, sino sa kanilang dalawa mong magulang ang gusto mong makasama?!”
“You know uncle demon, your face such a Frick and worse than like it. Wala akong pipiliin sa kanila, pareho ko silang magulang! Ano ako sira!” Dahil sa sinabi ni Rene ay sasampalin ito ni Don Licundo ng malakas at nagdugo ang labi nito.
“Rene, anak ko! Hinayupak ka talaga! Licundo!” Sabi ni Ms. Larrazabal at mapapatangis na ito.
“Pagsabihan mo yang bastardo mong anak!”
“Tama na Licundo, tigilan mo na ‘tong pagpapahirap sa amin, mas maiging patayin mo na lang ako! Huwag sila!”
“Mommy, huwag mong sabihin yan, paano naman ako, kapag nawala ka! Kakayanin ba ng konsensiya mo kapag iniwan mo ako, kailan ko lang nakilala ang tunay kong ina, tapos mawawala ka!”
“Ang gugulo niyong kausap! Ano, nakapagdesisyon na ba kayo! Naiinip na ko o baka naman gusto niyo ng patayin ko na ‘to!” Itututok ni Don Licundo ang baril kay Rene.
“Huwag Licundo! Maawa ka sa anak ko! Huhuhuhu!”
Maya-maya pa at habang pinahihirapan ni Don Licundo ang kani-kanilang loob sa pagpapasya, may maririnig silang putok mula sa labas.
“Sa wakas Rene, dumating na rin ang tinawagan nating mga pulis.” Pabulong na wika ni Ted sa kanya.
“Oo nga, buti nga at nasa akin pa rin ang phone kahit na dinukot nila ako at kabisado ko ang number nila.”
Patuloy na susugod ang mga pulis na tinawagan nina Rene at Ted sa warehouse hanggang sa mapasok nila  ang kanilang kinalalagyan.
“Itaas ang mga kamay!” Malakas na sabi ng pulis at itataas ng mga tauhan ang kanilang kamay bilang pagsuko maliban kay Don Licundo. Dahil nasakote’t napaslang na ang lahat ng kanyang mga tauhan, gagawin niyang human shield si Rene.
“Sige paulanan niyo ko ng bala, puputukin ko ang bungo nito!” At ilalayo niya si Rene sa kanila habang nakatutok ang baril. Susundan nila ito kasama ang mga pulis.
“Anak ko! Maawa ka sa anak ko! Pakawalan mo siya!” Takot na takot man si Rene pagkat nasa bingit siya ng kamatayan at anumang oras maaring kalabitin ang baril na nakatutok sa kanyang leeg ay gumawa pa rin ng paraan para makawala.
Inapakan niya ang paa nito ng malakas sabay siniko at nang mabitawan siya ay dali-daling tumakbo palapit kina Ms. Larrazabal. Agad naman nakuha ni Don Licundo ang nalaglag na baril at ipinutok. Sa Kasamaang palad ay tinamaan si Rene at bumulagta. Nang putukan si Rene ng baril ay saktong dinakip na si Don Licundo ng mga awtoridad.
“Hindi pa tayo tapos, Grace!” Malakas na sabi ni Don Licundo habang dinadakip siya.
“Sige ikulong niyo yang hinayupak na yan!” At dali-dali nilang isusugod ang walang malay at duguan na si Rene dahil sa tama ng bala.
Pagkatungtong ng hospital ay kaagad siyang dinala ng ICU para matanggal ang nakabaong bala. 
“Rene, lumaban ka! Kapatid ko!” Sabi ni Ted na alalang-ala sa kanya.
Dumaan ang tatlong araw nang ideklara ng Doctor na stable na ang kondisyon ni Rene subalit hindi pa ito nagkakamalay. Habang walang malay si Rene ay kakausapin ito ni Ted.
“Batid kong nasaktan ka sa sinabi ko kaya patawarin mo ko. Sorry din if I did not accept you as my elder brother. Sana bumalik pa ang dati nating pagsasama nung tayo ay magkaklase, kuya Gem.”
Dumating pa ang dalawang araw nang sa wakas ay nagkamalay na si Rene.  Kaagad naman niya napatawad si Ted sa nagawa nito sa kanya at nakipag-ayos. May pag-ibig pa sa puso ni Rene para kay Ted subalit na tinanggap na niya ang kapalaran na hindi sila nararapat sa isa’t isa pagkat bukod sa magkapareho ng kasarian, magkapatid pa sila.  Umaasa si Rene na balang araw, sa kabila ng kanyang kasarian, may tao o lalaking hadang mahalin at tanggapin siya. Hindi pa man niya nakikilala ang tamang tao para sa kanya at hindi mapalad pagdating sa buhay pag-ibig, naging successful naman siya sa buhay at naging head pa ng isang department na kanyang pinagtatrabahuan. Pakiramdam ni Rene, lahat ng pinapangarap niya sa buhay, naabot na niya.
Patunay nga na kahit hindi ka pinapalad sa pag-ibig, huwag isiping wala nang patutunguhan ang buhay sapagkat may mga bagay naman ang naghihintay para sa’yo, na tiyak na ikakatuwa mo ng lubos gaya ng naging kwento ni Rene na nagpatuloy pa rin sa buhay, kahit alanganin sa kanya ang lumagay sa pakikipagrelasyon at hindi nawalan ng pag-asa na may tamang panahon para diyan.



-THE END-