Chapter I
Love at First Sight
Love at First Sight
Likas kay Rose ang pagiging maganda na tila
mala-beauty queen ang hitsura at sa mura nitong edad ay kakikitaang mataas ang
kanyang alindog kaya kahit sinong lalaking mapalingon sa kanya ay mapapaakit,
ultimo, malayo ang edad sa kanya. Iyon nga lang sa kabila ng taglay nitong
kagandahan sa panlabas na anyo, may pagkashunga-shunga rin ito paminsan-minsan
at loka-lokang kasama. May mga oras na hindi sila nagkakasundo ng nanay nito
dahil sa minsan ay may pagkabatugan ito.
"Hoy Rose, gagang adik sa FB, bumangon
ka na diyan, Tanghali na!" Malakas na sambit ng kanyang nanay habang
ginigising ito subalit iingli lamang ito imbes na bumangon dahil sa
namamayaning antok. Mapapahikab ito na kita sa gilid ng labi ang namamanis na laway.
"Inaantok pa ko! Anong oras na ba
nay?" Tanong nito sa kanya na may pagkapungas.
"Naku Anak, Alas-siete na. Ay bumangon
ka na diyan!"
"Alas-siete na?!" At daglian na
itong babangon.
"Oo anak, tingnan mo." Madaling
ipapakita ng kanyang nanay ang maliit na orasan at nang makitang nakatutok na
sa Seven, mapipiliting bumangon at dali-daling kikilos si Rose pagkat mahuhuli
na klase.
"Wala ka kasing ibang inatupag kagabi
kundi mag-facebook at maghanap ng matitipuhang lalaki. Tingnan mo ang napapala
mo, tinanghali ka na ng gising. Aywan ko ba sa'yo Rose kung bakit atat na atat
kang magkadyowa, di ka pa nga tapos mag-aral." Sermon ng kanyang nanay na
ipinapamukha na hindi pa ang tamang panahon para siya ay magka-boyfriend. Lalong
magmamadali si Rose sa pagkilos para hindi mahuli at nang makapagbihis at handa
ng gamit.
"Sige Nay! Alis na ko!" Sabi nito
na madaling-madali sa pag-alis.
"Hahahaha! Naloko ko nanaman ang hitad
kong junakis." Natatawang sabi nito pagkaalis ni Rose at pipihitin niya
ang orasan sa tamang oras, Alas-sais.
"Bagal-bagal
kasi kumilos, walang pagpapahalaga sa oras kaya iyan at nagmamadali
siya!"
Pagkadating ni Rose sa School ay magtataka
ito kung bakit wala pang gaanong estudyanteng dumarating. Maging mga kaklase
niya'y hindi pa namamataan. Makalipas ang kalahating oras nang dumating na ang
kanyang kaibigan na si Jenica.
"Friend Goodmorning." Pangiting
bati sa kanya ni Jenica.
"Goodmorning din sa'yo, di pa ko
pumasok kasi hinintay pa kita."
"Wow aga pa para pumasok."
"Tangi late na tayo."
"Shunga paano tayo male-late, eh
mag-a-alas-siete pa lang."
"Mag-a-alas-siete pa lang?! Akala ko
Alas-otso na kasi Alas-siete na ko umalis ng bahay." At ipapakita ni
Jenica ang kanyang phone, patunay na Alas-siete pa lang.
"Oo nga, Alas-siete pa lang, paano
nangyari yun?!" Biglang maiisip ni Rose na ini-adjust ng kanyang lokaret
na nanay ang orasan.
"Ah Alas-sais ako umalis ng bahay pero
pinakelaman ni Mama ang orasan kaya akala ko, Alas-siete na. Aghh! Kainis!
Napaka-apurada niya!"
"Iyon naman pala, bakit di mo
tiningnan kanina sa phone mo para malaman kung anong oras na?"
"Eh Lowbatt!" Magtataka si Rose
kung bakit kanina pa patakip-takip ng ilong si Jenica.
"Teka, kanina ko pa napapansin, parang
di ka naharap sa akin at may patakip pa ng ilong." Magiging prangka naman
sa kanya si Jenica.
"Honestly friend and no offense,
nakapag-toothbrush ka ba? Kasi malaimburnal ang hininga mo." Saka
mapagtatanto ni Rose na hindi siya nakapagsipilyo dahil sa sobrang pagmamadali.
"Ay oo nga, di pa pala ako
nakapag-toothbrush. Sobrang pagmamadali ko kasi kanina, ayan at nakalimutan ko!
Thanks sa pagiging prangka mo!"
"Dala mo ba ang materials na gagamitin
natin mamaya?" Muling mapagtatanto ni Rose na hindi siya nakapagdala ng
sinasabing materials.
"Ay oo nga pala, may activity pala
tayo mamaya. Hindi ako nakapagdala"
"Ay boba, pano ka mamaya,
nganga!"
"Dami kasing mga bagay ang naglalaro
sa isipan ko kaya iyan, nagiging malilimutin na ko."
"Naku Rose, mag-boyfriend ka na kasi,
alam kong iyan nanaman ang takbo ng isipan mo. Iniisip mo kung kailan ka
magkaka-boyfriend."
"Tama ka diyan Friend, sa edad ko na
16, panahon na para magka-boyfriend gaya mo. Actually naiinggit nga ko sa'yo
kasi sa landi mong yan, nakadalawang boylet ka na." Pabirong sambit nito
kay Jenica.
"Eh ikaw, bakit wala pa?"
"Nag-aaral kasi ako ng mabuti, ganun
lang iyon."
"Wow naman, nag-aaral ka pa sa lagay
na yan, eh samantalang nakalimutan mong may activity tayo mamaya. Naku Rose,
bahala ka diyan mamaya at manigas ka noh!" Pabirong sambit sa kanya ni
Jenica at magkasabay na silang papasok ng silid.
[Nang kanilang Breaktime]
"Oh ano mga Sis, sa darating na sabado
na gaganapin ang birthday ni Myrna. Sino sa inyo ang sure na pupunta?"
Tanong ni Jenica sa kanila at magtataas sila ng kamay, hudyat na makakasama
sila maliban kay Rose.
"Rose, bakit hindi ka pinayagan?"
Malungkot na tanong ni Myrna.
"Papayagan naman, kaso ang problema,
hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Wala pa kong napipili. You know naman
mga girls, we are poorer than mice."
"Weh saan banda girl? Kita ko nga sa
post mo nung isang araw, nakapag-resort kayo magpapamilya." Pabirong sambit
sa kanya ni Kelly.
"Ano ba kayo, sinama lang kami ng
pamilya ng kaibigan ni Mama. Kayo naman, mayaman agad, hindi ba pwedeng inaya
lang."
"By the way Rose, kung wala kang
mahanap na isusuot sa birthday ni Myrna, ako na ang bahala diyan, papahiramin
kita." Presinta sa kanya ni Jenica.
"Talaga friend?! Naku salamat at
asahan ko yan. Gusto ko bongga at eligante ang dating."
"Ay choosy pa ang gaga." Pahirit
naman ni Glenna.
Dahil
papahiramin ni Jenica si Rose ng gown na kanyang isusuot, mabilis pa sa guhit
ng kidlat ang pagpayag nito na dumalo sa kaarawan ni Myrna. Nang dumating ang
kanyang kaarawan, aakalaing debut na ang dating dahil may social gathering pa
at disenteng-disente ang kasuotan ng bawat imbitadong bisita, ang ilan ay patalbugan
sa naggagandahan at makukulay na gown. Unang beses pa lamang dumalo si Rose sa
ganong kaengrandeng handaan sa tana ng buhay niya kaya mandilat ng husto ang
mata niya sa gulat.
"Uy Rose, nandito ka na pala, bakit
nanlalaki mata mo diyan?" Tanong ni Kelly sa kanya.
"Ahh wala, first time ko lang kasi
makapunta sa ganitong kasusyal na handaan at puro mayamanin ang nakakasalamuha
ko dito. Ang didisente ng suot, hirap makipagsabayan sa kanila."
"Naku Rose, dapat ka ng masanay. Anak
mayaman kasi ang friendsturet nating si Myrna, ayaw paawat sa birthday niya.
Akala mo, magde-debut na at dinaig pa, eh turning 17 pa lang naman siya
dahh!" Sabi ni Kelly sa kanya at maya-maya pa ay makakatagpo na nila ang
iba pang kaibigan at magsisimula na ang birthday program, na lalo pang
ikinamangha ni Rose.
Habang ginaganap ang mala-debut na kaarawan ni
Myrna at nagsasaya ang lahat, mababalisa si Rose nang matuklasang nawawala ang
kanyang Cellphone.
"Patay, nawawala cellphone ko!"
Sabi ni Rose na hindi maipinta ang mukha sa labis na pag-aalala at nagpapanik.
"Saan mo ba kasi nailagay at
nawawala?" Tanong ni Jenica sa kanya at daglian nitong hahanapin kung
saan-saan hanggang sa makarating siya ng CR at nag-iiyak-iyak na sa labis na
pamomoblema.
"Cellphone ko nawawala! Huhuhuhu!
I-phone 8 pa naman yun ba yan!" Sabi nito na nagmamaktol at sira na ang
make-up dahil tumagas ang luha. Habang problemadong-problemado si Rose na halos
ma-depress na sa pagkawala ng I-phone niya pero China Phone naman ay may lalaki
na isa sa service crew sa kaarawan ni Myrna ang biglang lalapit sa kanya.
"Miss, are you okey?" Tanong ng
lalaki sa kanya at bigla itong tatahan sa pag-iyak, hindi halos kukurap ang
mata nang masilayan nito ang lalaki pagkat matangkad, may kaputian at higit sa
lahat, kaakit-akit ang kanyang kakisigan na iisiping ang linis at bango niyang
tingnan. Parang bibilis ang kabog ng dibdib ni Rose ng mga oras na iyon at
kumikinam-kinam na bituin ang mga mata kaya hindi na ito nakasagot pa't
titig-tulala na lang sa lalaki.
"Uy, sabi ko, okey ka lang ba Miss?
Bingi nito!" Bahagya nitong uuyugin si Rose at saka lamang niya mamalayan
na tinatanong ito.
"Ah oho, ayos lang ako."
Pangiting sabi nito sa lalaki na kilig na kilig habang kaharap ito.
"Umiiyak ka kasi nang makita ko,
bakit?" Tanong nito kay Rose.
"Nawawala kasi Cellphone ko!"
Iiyak muli ito nang mapagtanto niyang nawawala ang Cellphone matapos siyang
mahalina ng labis sa lalaki.
"Saan mo ba kasi Miss nailagay at
nawawala?"
"Hindi ko nga alam eh, basta bigla na
lang nawala. Huhuhuhu! Kakainis!" Mapapalitan ng tuwa ang kaninang si Rose
na tila namatayan nang ipakita ng lalaki ang Cellphone nito.
"Eto ba ang Cellphone mo?"
"Yes, sa akin nga yan! Saan mo
nakuha?" Tanong nito na tuwang-tuwa.
"Sa reception area habang nagse-serve
ako, aariin ko na dapat kasi ang ganda't I-phone 4s pa, kaso nalaman ko,
mumurahin pala. Buti nga at may mukha mo kaya di ako nahirapang isauli
sa'yo." At ibabalik ng lalaki ang nawawalang Cellphone ni Rose.
"Edi Salamat kuya, ang bait-bait niyo
po, ang bango-bango mo pa at ang-" Maantala ang mga sasabihin pa ni Rose.
"Huwag mo nang ituloy, alam ko na yan.
By The way, kaano-ano mo pala si Myrna?" Pangiting tanong ng lalaki kay Rose
at mananamis ang mukha nito dahil sa kilig.
"Ah, kaibigan ko siya at
kaklase." Tugon naman nito. Gusto pa sana kilalanin ni Rose ang lalaki,
kaso umalis na din ito kaagad.
[Pagkabalik
ni Rose sa Reception Area]
"Ano Rose, nahanap mo na?!" Tanong
ni Glenna sa kanya.
"Yes friend, I found it. Ito oh!”
Tahasan nitong ipapakita ang Cellphone.
“The one that returned this to me,
gwapo't tisoy na lalaki."
"Kaya pala dobleng saya ang nakikita
namin sa mukha mo kasi nakatagpo mo ang taong tingin mo makakatuluyan balang
araw." Wika naman sa kanya ni Kelly.
"Asus si Daday, parang pinapulang
kamatis ang mukha sa kilig. Ano nahingi mo ba ang number ng lalaking sinasabi
mo?" Tanong ni Glenna.
"Hindi eh, ni pangalan nga hindi ko
nakuha, kainis! Kaagad kasing umalis kasi service crew siya at maraming
inaasikaso. But in fairness, he is possessing good and young looking. Parang
nasa alapaap ang pakiramdam ko nang makaharap siya.” Sambit ni Rose na kita sa
mukha ang pagninigning.
“Alam niyo bukod sa hindi ko malilimutan na
dumalo ako sa Birthday ni Myrna, isa rin ang sandaling iyon sa hindi ko
malilimutan. Ang bait-bait pa niya at ang amo ng mukha.” Dagdag pa ni Rose na
namumula ang mukha at hindi mawaglit sa kanyang isipan ang sandaling
makapatagpo ang lalaki.
Magmula noon ay nagka-crush na si Rose sa
lalaking kanyang nakita na nagsauli ng Cellphone nang gabing mawala iyon at
hinahanap-hanap na niya. Ni hindi na siya halos makatulog sa kakaisip sa kanya
at umaasang magtatapo muli sila.
Chapter II
Yaya Rose
Yaya Rose
[After the Weekend and Monday Morning]
“Uy Rose kanina pa kami nagdadaldalan dito,
ikaw kanina pa tulala diyan. Nakanganga pa na kulang na lang ay papasukan ng
langaw.” Sabi ni Kelly na nagtataka kung bakit ganon na lamang katahimik si
Rose.
“May iniisip yan kaya ganyan. Iniisip niya
kung kalian sila magkikita ng lalaking pinapantasya niya, uyy!” Pahirit na wika
ni Jenica.
“Ano ba kayo, mag-uusap-usap lang kayo
diyan, huwag niyo kong intindihin, nag-iisip ako kung ano ang maganda nating
ipapalaro mamaya sa Class activity.” Pagkakaila ni Rose sa kanila na ang totoo
ay ang lalaki ang laman ng kanyang isipan.
“Asus, ayun ba talaga, naku day wala kang
maloloko. Sige kung may naisip ka na, paki-share nga sa amin.” Hindi
makakapagsalita si Rose dahil ang totoo ay tungkol sa lalaking nakatagpo niya
ang laman ng isipan.
“Ano, bakit hindi ka magsalita diyan?!
Tingnan mo, huling-huli ka, halatang nagsisinungaling ka.”
“Oo tama ka, siya nga ang laman ng isip ko.
Sarap balik-balikan ang mga sandaling nakatagpo ko siya at sana maulit pa yon.
Sana dumating ang pagkakataon na magkita kaming muli at makilala siya.” Sabi
nito na manlaki na halos ang mata sa labis na pangangarap.
“Ayun, pumapag-ibig na si gaga. Baka si
Myrna, kilala niya yung lalaking binabanggit mo, yung service crew.” Wika ni
Kelly.
“Uy ano ba kayo, sa dami ng service crew na
kinuha ng pudranes ko, sa palagay niyo makikilala ko silang lahat but may
kilala akong isa. Tugon ni Myrna sa kanila.
“Eh
sino?!” Malakas na tanong nina Rose at Jenica na sabik-sabik at ipapakita ni
Myrna ang litrato ng Crew na kanyang tinutukoy.
“Eto
oh, siya ba yung tinutukoy niyo?” Tanong nito sa kanila.
“Hindi
siya yan eh pero may kamukha siya diyan.” Sabi ni Rose.
“Sino?!” Tanong ng tatlo.
“Edi
si Paquito! Ano ba yan, ang gurang naman ng pinakita mo.”Tugon nito at biglang
hahalakhak ng malakas.
“Wow,
palibahasa kasi pinagpala ang pagmumukha mo eh. Naku Rose, pasensiya na siya
lang ang kilala kong Service Crew, kasi malapit siya kay Erpats.”
“Kanina
Pudranes, ngayon erpats na, ano ba yan, inconsistent ka day, baka susunod Fafah
na!” Sabi ni Rose at magtatawanan sila.
“Baka
kasi yung erpats na tinutukoy ko, yung boy sa amin na tinuring ko ng
tatay-tayan, bago ka manghusga, manalamin ka muna! Boba nito!” Pangtapat na
wika ni Myrna sa sinabi ni Rose.
“Oh
pano yan Rose, panay pantasya ka sa lalaking yan at dinaig pa ang patay dahil
patay na patay na ang mukha mo sa kanya, di mo naman kilala.” Sabi ni Jenica sa
kanya.
“Naniniwala
ako sa kasabihan, kapag nakatadhana ka sa kanya, anuman ang mangyari,
magtatagpot tatagpo pa rin kayo. Kaya umaasa akong balang araw, magkikita muli
kami at kapag nangyari iyon, ay di ko na siya pakakawalan, sasabihin kong dito
ka na lang sa tabi ko at hagkan mo ko ng husay.”
“Dyusko, nangangarap ng dilat si Daday,
tingnan lang natin kung siya ba si Destiny boy mo, goodluck!” Sabi ni Kelly sa
kanya.
Pagkauwi ni Rose sa bahay, madadatnan
niyang nag-aaway ang nanay at tatay nito.
“Oh nay, ano ang pinagtatalunan niyo ni
tatay, bakit kayo nag-aaway diyan?” Tanong ni Rose sa kanila.
“Nag-aaway
ba kami?! Hindi kami nag-aaway, nag-uusap lang kami, hindi ba asawa ko?”
Pagkakaila ng nanay nito.
“Oo
anak, nag-uusap lang kami.”
“Wehh!
Totoo? Kung mag-usap kasi kayo, para na kayong nagpapatayang dalawa, ganun pala
ang nag-uusap?” Tanong nito.
“
Nay! Tay! Anong pinag-uusapan niyong dalawa diyan?!” Tanong nito na pasigaw.
“Teka
muna anak, pinagtataasan mo ba kami ng boses, makasigaw ka, parang kasing edad
mo lang kami!”
“Hindi
nay, hindi ko kayo pinagtataasan ng boses, kinakausap ko lang kayo kasi di ba
ganun ang nag-uusap, kailangan pasigaw, gaya ng ginagawa niyo ni Tatay, pasigaw
kayo mag-usap.”
“Aba
pilosopo ka anak ko, baka gusto mong ibalik kita sa sinapupunan ko at
ipalaglag! Ganito kasi yun anak, nag-aaway kami ng tatay mo kasi may ginawa
siyang kasalanan.”
“Ha?
Anong ginawa niyang kasalanan, nambabae siya?! My goodness!”
“Pwede
ba, patapusin mo muna ako! Hindi, nagsinungaling siya kasi pinaniwala niya
tayong may trabaho na siya kahit ang totoo ay wala na.” Biglang mananamlay ang
loob ni Rose sa kanyang nalaman.
“Ha?!
Nawalan ka ng trabaho tay?!” Anya nito na gulat na gulat.
“Oo
nga anak, paulit-ulit, unli ka! Kaya ko hindi nasabi sa inyo ito kaagad, kasi
marami na tayong inaalala sa buhay at ayaw ko nang makadagdag pa sa problema.
Kaya patawad sa inyo.”
“Wow,
talaga lang mahal ko, thank you. Bukod pa diyan, umamin ka, may babae ka ba?!”
Panggaglugad na tanong nito.
“Wala!
Ano bang klaseng tanong yan, magagawa ko bang ipagpalit kita, eh kapwa na tayo
nakatali sa isat isa.”
“Wala
lang, ang gwapo mo kasi, kaya hindi ako magtatakang may babae magkakandarapa
sayo balang araw at kapag nangyari iyon, pag-iitakin ko ang mga leeg nila!”
“Eh
paano yan tay, sino na ang bubuhay sa amin, paano na ang pangangailangan natin
sa pang-araw-araw, kung wala na kayong trabaho. Kayo pa naman ang inaasahan
namin.”
“Iyon
nga anak ko, pinoproblema ko yan, nalugi kasi ang pinapusukan ko kaya napilitan
silang magbawas ng trabahador at isa ako sa natanggal.”
“Kung
walang maghahanap-buhay sa atin. May I volunteer?” Presinta ni Rose sa magulang
nito.
“Ikaw
anak, magta-trabaho? Eh paano ang pag-aaral mo, kaya mo bang pagsabayin?”
Sambit ng kanyang nanay na tila tutol sa pasya ni Rose na siya muna ang
maghanap-buhay.
“Dyusko naman si Nanay, walang tiwala sa akin,
ako pa. Yakang-yaka ko yata ito. At saka para may maitulong naman ako sa inyo.
Magmula nang ilabas niyo ko sa sinapupunan niyo sa mura ninyong edad, kayo na
ang nag-alagat bumuhay sa akin, this time ako naman at gusto kong suklian ang
lahat ng effort na ibinigay niyo sa amin.” Sabi ni Rose at kaagad naman pumayag
ang magulang nito na siya na ang maghanap-buhay kaysa magtalo pa sila.
Kaagad
naman nakahanap ng trabaho si Rose, iyon nga lang ay bilang Chamber Maid sa
isang mansyon doon sa Saint Lucita Village. Kahit batid ni Rose na maari siyang
mahirapan pagkat pagsasabayin ang pag-aaral at pagiging katulong, no choice
siya kundi panindigan ito para may malamon sila.
“Talaga
po tanggap na ko?!” Tanong ni Rose sa assistant na kita sa mukha ang pagkagulat
at saya.
“Bakit
ayaw mo ba?!” Tugon naman ng assistant.
“Hindi
naman po, naninigurado lang, ayaw ko kasing mag-celebrate kapag hindi ko
nakukumpirma ang mga bagay-bagay. Mahirap na at baka masaktan lang ako, maigi
ng naninigurado.”
“Wow,
hugot ka day, oo nga tanggap ka na, ang kulit naman ng lelang nito. Maari ka na
rin magsimula ngayon kung nanaisin mo.”
“Sige po, ano po bang first task ko?” Tanong
nito sa assistant.
“Ang
ipapagawa ko sayo is pakilinis naman ang kubeta, naglilimahid na kasi sa dumi
at matagal-tagal na ring hindi nalilinisan.” Magugulat si Rose sa ipapagawa ng
assistant.
“Ano
po, seryoso po ba kayo, maglilinis ako ng kubeta? Iww naman, pwedeng iba na
lang po ipagawa niyo?” Sabi nito na may pandidiri.
“Iyon
lang kasi ang naiisip kong pwedeng ipagawa sayo eh. Kung ayaw mo naman, bukas
ang pintuan at maaari ka ng umalis. Sayang din ang pag-a-apply mo, sige ka at
ikaw rin, nga-nga ang pamilya mo sa pera. Bukod sa bawal ang tatamad-tamad,
bawal din ang choosy.
“Ah
sige po, nakaka-excite naman ang ipinapagawa niyo sa akin. Gusto ko yan.”
“Good,
good! Simulan mo na ang paglilinis. Gusto ko pagkabalik ko, malinis at
makintab, kasing kintab ng mukha mo.” Hindi kikilos si Rose sa kabila na
inutusan na ito ng assistant.
“Oh
ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan, bakit nakatayo ka lang?!” Lakad na!
“Ah Ma’am, hindi ko po kasi alam kung saan ang
papuntang banyo, pwedeng pakisamahan naman po ako.”
“Ay
oo nga pala.” At sasamahan nito si Rose papuntang banyo.
Pagkarating
nila ng banyo ay halos masuka na ito nang masilayang napakarumi ng banyo at
dinaig pa ang kwadra ng baboy. Gayunpaman ay lakas-loob niyang nilinisan,
alang-alang sa kanyang pamilya na naghihikahos.
“Ano ba tong pinasok ko, hindi ko alam na
gagawin pala akong utility man. Iww, its too gross naman!” Sabi nito habang
matiyagang kinukuskos ang inidorong naglilimahid sa dumi. Kahit diring-diri ay
nagpatuloy pa rin siya sa paglilinis. Isang oras din ang lumipas nang malinisan
niya ng lubos ang banyo.
“Finally, Im done sa paglilinis sa letseng
banyong ito. Buti kinaya ng powers ko ang to the highest level na dumi ng
inidorong ito!” Masayang-masayang sabi nito dahil tapos na sa paglilinis at
tatawagin na nito ang assistant.
“Ma’am! Ma’am! Tapos na po ako!” Malakas na
tawag nito sa assistant at kaagad rin ito darating.
“Good! Good! Nakapasa ka sa pagsusulit!”
“Pambihira, pagsusulit lang pala itong
pinagawa niyo sa akin! Hindi niyo man lang sinabi sa akin, parang dinaig pa ang
exam sa mga major subject ko sa hirap nito. Mabuti na lang at hindi kayo naging
teacher, naku at bukod sa maraming babagsak, may magkakasakit pa sa hirap ng
pagususlit niyo.”
“Aha buti na lang dahil malas niyo kung
ako. Ngayong tanggap ka na talaga, sumama ka na kay Tutchang at ituturo niya
sayo kung ano ang magiging trabaho mo bilang kasambahay maging rules and
regulation. Take note, stupidity is not allowed.” At sasamahan na siya ni
Tutchang.
Parang wala ng bukas ang namamayaning
ligaya sa loob ni Rose nang sabihin ng assistant na regular na siyang tanggap
bilang Chamber Maid. Habang abala sa responsibilidad si Rose ang paglabas naman
ng may-ari ng mansyon at amo nito na si Don Alfredo na kulu-kulubot na ng husto
ang mukha dahil sa katandaan at may hawak na ring baston dahil mahina-hina na
ang buto nito. Dahil baguhan lamang sa kanyang paningin si Rose, matatanong
nito sa kanyang assistant ang patungkol sa kanya.
“Siya
ba yung bago nating katulong?” Tanong ni Don Alfredo sa kanyang assistant.
“Opo
Sir, si Rose at kakapasok lang niya kaninang umaga.”
“Ano
ang personal background niya?” Biglang aalis ang assistant.
“Oh
bakit bigla kang umalis, kinakausap pa kita, bastusing bata ka!”
“Ah
sir, kukuhain ko lang po ang resumé na ipinasa sa akin ni Rose. Baka po kasi
magtanong kayo nang magtanong patungkol sa kanya.” Kukuhain ng assistant ang
resumé at pagkabalik ay iaabot kay Don Alfredo.
“Eto
pala yung Resumé niya?”
“Ay
hindi Sir, biodata po pala yan. Namali ako ng kuha.” Bigla siyang babatukan ni
Don Alfredo.
“Umayos
ka! At tingnan mo, ang bata-bata pa niya. Sure ka ba na may kasanayan siya dito
bilang katulong?”
“Naman,
kukuhain ko ba kung wala at saka napatunayan na niya sa kin kanina na kahit
anong hirap ang ipagawa sa kanya, kakayanin niya.” Habang nagpapaliwanag ang
assistant kay Don Alfredo ay mapapatitig ito ng husto kay Rose kaya hindi nito
makukuhang umimik.
“Ano
po Sir, pwede na po ba siya dito?” Tanong ng assistant subalit hindi pa rin
iimik si Don Alfredo dahil nakatuon na ang atensyon nito kay Rose at
nabibighani.
“Sir!
Ehem! Ehem! Excuse me po.” Kakalabitin niya si Don Alfredo para mapunta ang
pansin sa kanyang sinasabi at nang mapalingon ito.
“Alam
mo iha, hindi ka nagkamali sa pagkuha sa kanya. Ang ganda-ganda niya kasi at
sariwang-sariwa ang kutis.” Tugon nito na bighaning-bighani sa hitsura ni Rose.
“Sir
naman, tanda-tanda niyo na, pati bata balak niyo pang patusin. Eh mas bata yan
ng maraming paligo sa inyo. At saka yan, maganda, saan banda naman po?!”
Insekyurang tanong nito.
“Sa
paa! Sipain kaya kita diyan, nangingialam ka eh boss mo ko. At saka ang ganda
ng mata niya, hindi na kailangang bilugin kasi bilugan na. Age does not matter
na kung maging kami. Perfect na perfect ka sa akin at dahil diyan ay dadagdagan
ko ang suweldo mo ngayong buwan.”
Kahit
higit na limang dekada ang tanda ni Don Alfredo kay Rose at mas matanda pa ito
sa magulang nito ay nakuha pa niyang makaramdam ng love at first sight sa
kanya. Namayapa na ang asawa ni Don Alfredo dahil sa sakit kaya may laya siyang
mag-asawa muli, kahit ano pa at mas bata sa kanya. Dahil sa pag-ibig ni Don
Alfredo kay Rose ay nawalan na siya ng pakialam sa kung anong maaaring sabihin
ng kayang mga anak at apo.
Chapter III
An old man’s feelings
An old man’s feelings
“Goodmorning
po Sir, gising na po pala kayo.” Pangiting bati nito kay Don Alfredo pagkasilay
sa kanya na kakababa lang.
“Goodmorning
din sayo iha, ang aga-aga pa, gising ka na, matulog ka muna kaya at sina
Tutchang ang bahalang umasikaso dito.”
“Sige
lang po Sir, di na rin kasi ako inaantok eh.” Kukuha ito ng tasa at
ipagtitimpla ng kape si Don Alfredo. Pagkahain nito ng kape.
“Ang
sipag mo talaga iha at ang bait pa.” Sabi ni Don Alfredo at hahawakan nito ang
braso ni Rose ng dahan-dahan. Kaagad naman tatanggalin ni Rose ang kamay ni Don
Alfredo.
“Ah
sir, teka lang po, may gagawin pa po ako.” Sabi nito subalit pipigilan siya ni
Don Alfredo.
“Ah
teka lang, dito ka muna.”
“Ah
sir, may gagawin po talaga ako. Kung may sasabihin po kayo sa akin, mamaya na
lang pagkatapos ng mga Gawain ko.”
“Oh
sige, basta kapag may kailangan ka iha, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.
Nandito lang ako para sayo.”
“Salamat
po sir.” Pangiting sambit nito.
[Sunday
Morning at pagkauwi ni Rose galing Mansyon.]
“Kamusta
ang trabaho mo anak, masaya ba?” Tanong ng kanyang nanay na masayang-masaya sa
muli nilang pagkikitang mag-ina.
“Okey
naman po, masaya at saka ang bait-bait ng napasukan kong amo. Very friendly
siya sa amin kahit boss siya.”
“Ah
mabuti naman anak at napunta ka sa mabait na amo. Hirap na kasi karamihan sa
mga katulong na nababalitaan ko, hindi maganda ang trato sa kanila at
binubugbog pa.”
“Pero
nay sa sobrang bait sa akin ni Sir Alfredo, parang hindi tama ang nararamdaman
ko sa kanya. Feeling ko, may binabalak siya sa akin.”
“Asus,
baka feelings mo lang yan, malay mo likas lang sa kanya ang may mabuting loob.”
“Basta
nay, hindi ako sa nanghuhusga pero parang kinukutuban ako ng hindi maganda. Sa
ipinapakita niya sa akin, parang gusto niya kong sagpangin.”
“Naku
Anak, siguraduhin mo munang totoo yan bago mo sabihin iyan. Baka naiisip mo
lang yan.”
“Kanina
pa tayo nag-uusap dito hindi niyo pa ko pinapapasok, ano balak niyo bang
tumirik ang mata ko sa gutom nay.”
“Eto
na po, Yaya Senyorita, makakapasok na kayo.” At papasok na ang mag-ina sa bahay
at kakain.
[Friday Afternoon at pagkagaling ni Rose
sa School.]
“Oh
Welcome back to my great house, Rose!” Masigabong salubong sa kanya ni Don
Alfredo nang magsalubong sila habang ito ay papasok bitbit ang mabigat na
bagahe.
“Yaya
Kloring!” Malakas na tawag sa kanya ni Don Alfredo.
“Yes
Sir?!” Sabi nito pagkarating.
“Pakitulungan
nga si Rose na magbitbit ng gamit niya pataas.”
“Huwag
na po Sir, kaya ko na ito ng mag-isa. Bato-bato itong katawan ko.”
“Kahit
na Rose, alam kong mabigat iyan kaya huwag ka nang mahiya pa. Alam mo naman
ayaw kitang napapagod, kahit katulong ka.”
“Hala,
may ibig sabihin ba ang pinagsasabi ng matandang ito?” Sabi nito sa kanyang
loob-loob at magsasalita.”
“Sir,
salamat po. Ang bait-bait niyo po talaga sa akin. Mabuti na lang at kayo ang
naging amo ko.”
“Naman
Rose, ako ang amo niyo kaya tungkulin kong pangalagaan kayong lahat. Oh paano,
akyat na muna ako.” Kikindatan nito si Rose sabay aakyat na.
“Ang
awkward naman ng matandang ito, nakuha pa niya akong kindatan. Hay naku,
pakiramdam ko talaga, nagkakagusto siya sa akin, pero bakit? Bakit ako naman?
Samantalang may anak at apo na siya. Aywan! Parang may iba sa pakiramdam ko.
Kung totoo man itong hinala ko, no way akong papatol sa kanya, ang
gurang-gurang na niya eh.” Sabi nito sa loob-loob na naghihinala na sa
ipinapakita sa kanya ni Don Alfredo sa araw-araw at oras na magkikita sila.
Habang
tumatagal si Rose sa mansyon ni Don Alfredo, tumitindi pa ang pag-ibig nito sa
kanya at patuloy na pakikisuyuan ng matanda ang menor de edad. Abala si Rose sa
paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto nang lapitan ito ni Don
Alfredo.
"Sir,
ginulat niyo naman ako, nandiyan po pala kayo." Sabi nito na naghihiwa ng
sangkap pagkalapit na pagkalapit sa kanya at dito ay mapapansin ni Don Alfredo
na lumuluha si Rose.
"Mahirap
ba ang pinapagawa sa'yo iha, bakit ka umiiyak diyan? Kung may problema ka,
sabihin mo lang sa akin."
"Eh
kasi naman Sir, kayo ba naman ang hindi paghiwain ng sibuyas, sa palagay niyo
po ba hindi kayo mapapaiyak. Sakit-sakit sa mata ng aroma nito." Lalo pa
siyang mapapaiyak dahil sa nanakit ang mata nito sa tindi ng aroma ng Sibuyas
at kukuha ng panyo si Don Alfredo at ipapahid sa mukha ni Rose.
"Ano
okey ka na? Hindi dapat ikaw ang gumagawa niyan kundi ibang katulong."
"Bakit
po sir, katulong po ako dito at malamang ganito ang magiging gampanin ko, ang
pagsilbihan kayo. Kaya ayos lang po sa akin kahit ano ang ipagawa niyo."
"Ayos
pala ha, kung okey sa'yo kahit ano ipagawa sa'yo, sige nga pakisamahan mo ko sa
kwarto."
"Sir
naman, wala naman pong ganyanan!"
"Samahan
mo ko sa kwarto dahil magpapamasahe ako sa'yo. Ikaw talaga, kung ano-anong
tumatakbo sa isipan mo, naturuan ka ba ng maayos?"
"Sir
ginawa niyo naman po akong masahista, di naman ako marunong magmasahe. Pwede po
bang iba na lang ang gumawa, kasi tinatapos ko pa ito?"
"Gusto
mo ba Rose, hindi kita paswelduhin ngayong buwan. Alalahanin mo, kaya ka
nandito at nagtatatrabaho, kasi layunin mong buhayin ang pamilya mo, kasi
nawalan ng trabaho ang tatay mo. Kung hindi ka marunong sumunod, ihanda mo na
ang gamit mo. Sige ka, baka pagsisihan mo."
"Si
Sir naman, nagtampo agad. Eto na nga, go na go na kong masahiin kayo."
"Talaga
good! Sige tara na." Sabik na sabik na wika nito.
"Pero
siyempre mamaya! Tinatapos ko pa itong pagluluto eh."
"Hayaan
mo nang iba ang tumapos niyan, halika ka na!"
"Ay
sir namah eh."
"Ay
pabebe!" At sasamahan na ni Rose si Don Alfredo sa kwarto para masahiin
ito. Habang minamasahe ito, doon niya sinamantala ang pagkakataon para kuhain
ang loob ni Rose at mas lalo pang mapalapit sa kanya. Matapos masahiin ni Rose
si Don Alfredo, laking tuwa nito nang bigyan siya ng pera na nagkakahalaga ng
isang libo subalit tinanggihan nito.
"Hindi,
hindi ko po yan matatanggap. Ayaw kong isipin ng kasamahan kong katulong na
sinusuhulan ko po kayo."
"Bakit
alam ba nila na binigyan kita ng pera?"
"Ay
oo nga noh, galing niyo Sir. Pero hindi ko pa rin matatanggap yan. Sapat na sa
akin na pinaligaya ko ang bawat sandali niyo."
"Sige
na Rose, tanggapin mo na ito. Tutal wala ka namang hiya eh at saka sige ka,
magtatampo ako sa'yo pati ang grasya." At kinalaunan ay tinanggap din ni
Rose ang pera.
"Kung
ayaw mong pagtsismisan ka ng kasamahan mo dito, huwag ka na lang maingay. Okey
ba iha?"
"Opo
Sir, oks na oks at salamat po sa pera. Inihulog kayo ng langit."
"Kaya
nga ko naka-baston eh!"
[Pagkaalis
ni Don Alfredo]
"Sa
puntong ito talaga, hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman, kung matutuwa
o maiinis. Ano bang meron sa akin at ang bait-bait ni Sir sa akin? Basta!
Parang may mali sa ipinapakita niya. Ayaw ko siyang husgahan pero hindi ko
maiwasan ang ganito." Sabi nito sa kanyang sarili na tila kinukutuban.
Unti-unti
na ngang naghihinala si Rose na may pagtingin sa kanya si Don Alfredo subalit
ipinag-kipit-balikat lamang niya ang mga haka-haka sa isipan at ipinagpatuloy
ang pagtatrabaho bilang katulong, naaalibadbaran man siya dahil hindi sila talo
ng matanda. Samantalang si Don Alfredo ay hindi naman nabigo sa kanyang mga
hakbang at habang lumilipas ang panahon, pakiwaring napapalapit na ang loob ni
Rose sa kanya.
"Sir,
kung makangiti kayo diyan, parang bumabalik sa pagkabinata." Sabi ng
katiwala niyang assistant nang makitang wala nang bukas ang makikitang ngiti sa
mukha.
"Palagay
ko, nagtatagumpay na ko." Masiglang wika nito.
"Saan
naman po Sir, sa Casino. Dati pa kayong adik dun, di ba?"
"Hindi
tungkol sa Casino, kay Rose. Palagay ko, nakukuha ko na ang loob niya kasi
matiwasay na ang pakikisama niya sa akin, hindi dati na parang ang ilap-ilap
niya."
"Naku
Sir, payo ko lang po sa inyo. Huwag niyo nang ituloy ang pamamanhikan kay Rose
dahil bukod sa langit at lupa ang pagitan niyo sa isa't isa, ang tanda-tanda
niyo na para sa kanya. Baka pagtawanan lamang kayo kasi mukha kayong maglolo sa
halip na magdyowa kung mabingwit mo ang puso ni Rose. Isa pa, mas matanda pa
ang mga anak mo sa kanya, ano na kaya ang sasabihin nila, paniguradong gagawin
kayong katatawanan."
"Wow,
nag-iba na pala ang takbo ng panahon, dati ako boss mo pero ngayon ikaw na,
bravo! Galing mo magpayo, pwede ka na maging Councilor pero ito lang ang
masasabi ko sa'yo, kahit ano pang isipin at sabihin nila, walang makakapigil sa
pagmamahal ko kay Rose at walang pwedeng umagaw sa kanya. At saka sinong
nagsabing matanda na ko?! Kalabaw lang ang tumatanda!" Madidiin-diing sabi
nito sa assistant at biglang kikidlat sabay susundan ng pagkalugkog.
"Tingnan
niyo na Sir, pati langit, tutol na tutol sa pag-ibig mo kay Rose at sa
pagsasabi mo na bata ka pa, hindi yan nagsisinungaling. Naku Sir, huwag na
kayong umasang balang araw, mamahalin din kayo ni Rose. Sa edad niya, palagay
niyo po ba, papatulan kayo? Siyempre bata si Rose at malamang ay maghahanap rin
siya ng bata o mas matanda sa kanya ng ilang taon, hindi ilang dekada ang
tanda!"
"Galing
mo talaga, pwede ka nang maging Councilor at dahil diyan, you're fired as my
assistant!"
"Sir!
Kayo naman po, hindi mabiro. Alam niyo po bagay kayong dalawa ni Rose kasi
maganda siya, kayo-"
"Gwapo?!"
"Hindi,
mestisong hilaw ahahaha!"
"Sisante
ka na talaga, walang hiya!"
"Sige,
gwapo na." Dahil sa pambobola ng kanyang assistant at nagpabola naman si
Don Alfredo, hindi na nito sinisante pa at inutusan na bantayan si Rose parati.
Dumating
ang panahon at sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng karamdaman ang
nanay ni Rose. Problemadong-problemado siya pagkat hindi alam kung saan kukuha
ng ipangpagamot, lalo na't hindi pa ito nakakasahod hanggang sa maisipan niya,
labag man sa kalooban at dahil no choice na ay humingi ito ng tulog kay Don
Alfredo.
"Sir?"
Sabi nito pagkalapit na pagkalapit niya kay Don Alfredo.
"Oh
yes darling, what would I served to you, my hot body?" Malambing na sabi
nito na hindi maitago ang kilig at ipapakita ang katawan nito na akala may abs
pero nangungulubot naman sa katandaan.
"Sir
naman, hindi po katawan niyo ang habol ko, maawa kayo."
"Eh
ano kung hindi ito?" Isusuot niya muli ang hinubad na damit.
"Kasi
po sir, nagkasakit ang nanay ko. Hindi ko na po alam kung saan kukuha ng
pampagamot sa kanya. Alam kong nakakahiya pero dahil makapal naman ang mukha
ko, ipu-push ko na. Sir nakikiusap po ako sa inyo na kung pwede, pautangin niyo
muna po ako, emergency lang po. Kahit ibawas niyo na sa sweldo ko, maipagamot
ko lang sa lalong madaling panahon ang nanay ko."
"Asus
iyon lang pala, sure why not."
"Maraming
salamat po sir, napakabait niyo po talaga!"
"Siyempre,
basta ikaw? Like?"
"Hindi
lang po basta like, pupusuan ko pa."
Pasalamat
na lamang si Rose sapagkat kundi dahil na may pag-ibig sa kanya si Don Alfredo
ay agad-agad itong binigyan ng pera pampagamot sa kanyang nanay. Dahil sa
kabutihang loob na ipinakita ni Don Alfredo kay Rose, tuluyan nang napalapit
ang loob nito sa kanya subalit hindi nahulog pagkat ayaw niyang mangyari iyon,
lalo na't batid nitong may mga anak at apo na ito and besides, nagkakalayo ang
edad nila sa isa't isa. Kating-kati na si Rose na magkadyowa sa edad niya na
labing-anim subalit hindi gaya ni Don Alfredo ang hanap niya.
Chapter IV
Mag-on
Mag-on
Kahit
malapit ng husto ang loob ni Rose kay Don Alfredo na halos ituring na niya
itong pamilya, hindi pa rin matanggal sa loob nito na may mali talaga sa
kanyang ipinapakita.
[Kinagabihan
at pagkauwi ni Rose galing sa mansyon ni Don Alfredo.]
“Naku
Anak, pakisabi sa amo mo, maraming salamat. Kundi dahil sa kanyang tulong,
naipagamot mo ako.” Sabi ng kanyang ina.
“Sige
po inay makakarating sa kanya. Ang bait-bait niya talaga pero alam niyo po,
hindi pa rin mawala sa isipan ko na maghinala. Hindi naman kasi siya ganyan sa
kasamahan ko pang katulong, sa akin lang. Tapos madalas, nilalapitan niya ko at
alam niyo yun, hinahagkan-hagkan niya. Naku nay, dinaig pa niya ang mga Gawain
ng teenager dahil ang landi-landi niya. Sa mga ipinapakita niya nitong dalawang
buwan na paninilbihan ko sa kanila, hindi kaduda-dudang may gusto sa akin ang
matanda.”
“Si
Don Alfredo, may gusto sayo? Eh sobrang bata mo pa para magustuhan ka niya.
Ganda naman ng anak ko, manang-mana sa akin, pati si Sir na isa sa pinakayamayamang
businessman sa bansa natin, nabihag mo ang puso niya, uyy naka-jackpot siya.”
“Ano
ka ba nay, tigil-tigilan mo nga ako. May gusto man o hindi, mayaman man o
mahirap, may ngipin man o wala, basta! Hindi ko siya papatulan kahit alam kong
may nararamdaman siya sa akin. Ang hindi ko lang maunawaan sa matandang kasing
tanda na halos ni Eddie Garcia, eh bakit sa akin siya nagkakagusto? Marami
naman ibang babae diyan na bukod sa higit sa akin, kasing-edad pa niya at
magagawang ibigay sa kanya ang pagmamahal. Kung gusto niyang makipagkaibigan sa
akin kaya niya ito ginagawa, okey fine pagbibigyan ko siya pero hanggang doon
lang iyon!”
“Kung
sa bagay, may punto ka. Paano mo naman siya magugustuhan eh ang tanda-tanda na
niya pero wala naman masama kung subukan mo siyang mahalin. Malay mo anak,
kapag naging kayo ni Don Alfredo, maambunan, hindi lang maambunan kundi
mabagyuhan pa tayo ng kayamanan niya at baka iyon pa ang maging pagkakataon
para maiahon tayo sa buhay na kinasasadlakan natin. Agree?”
“Hay
naku si Nanay, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa mokong na matandang
iyon, tutal bagay kayo at hindi pa nagkakalayo ang edad! Iyon ba ang gusto mong
mangyari sa akin, kaya mo ko inilalapit kay Don Alfredo, kasi umaasa kang iyon
ang magbibigay kaunlaran sa buhay. Nay naman, maraming paraan para makuha ang
naisin mo na guminhawa kahit papaano ang buhay natin.” Madidiin-diing sabi nito
sa kanyang nanay.
“Sige
nga anak, anong paraan ang alam mo para makaahon tayo sa buhay, may naisip ka
ba?! Siyempre wala! Rose, sorry kung ang dating sayo is parang binubugaw kita
kay Sir para umasenso tayo sa buhay. Ang sa akin lang, kapag nandiyan na ang
ginto, huwag mo ng pakawalan! Ayaw ko lang kasi na balang-araw, pagsisihan mo
ang maging pasya mo. So isip-isip din kapag may time.”
“Kayo
ba nay, boto po ba kayo kung sakaling magkatuluyan kami ni Don Alfredo?” Hindi
agad makakaimik ang nanay ni Rose dahil hindi niya ma-imagine ang senaryo na
maging sila ni Rose.
“Naku
si Nanay, tumahimik na. Sabi ko na nga ba, hindi niyo rin masisikmura kung kayo
ang nasa kalagayan ko.”
“Shhhh!
Huwag kang maingay, nag-iisip ako ng sasabihin. Pero kung maging kayo ni Don
Alfredo, walang problema sa akin. Maganda pa nga iyon eh.” Pabirong sambit
nito.
“Nay
naman!”
“Biro
lang, basta anak, alam kong may sarili kang isip at nasa sayo na yan kung gusto
mo someday, maging kayo ni Don Alfredo at mapangasawa.”
“Asawa
agad. Buti sana kung parang Ser Chief at Maya lang ang edad namin sa isat isa,
yun payag akong makatuluyan siya. Pero ang tanda-tanda na niya kasi. Para na
kaming maglolo kung magkataon iyon.”
“Pwede
rin naman anak, eh bakit si Vic Sotto at Pauline Luna, kahit apat na dekada ang
agwat nila sa isat isa, itinuloy pa rin ang pagmamahalan kaya heto at mag-asawa
na.”
“Eh
si Vic Sotto naman, hindi tumatanda kahit madagdagan ng ilang dekada ang edad
niya, gets at saka kapag magsama silang dalawa, para lang magkasing-edad. Basta
nay, hindi ko talaga type si Sir. Gusto ko siya dahil sa kabutihang loob na
ipinapakita niya sa akin at gusto ko iyon suklian pero sa ibang paraan at hindi
yung makikipag-asawa sa kanya.”
Dahil
lubhang magkalayo ang agwat ni Rose kay Don Alfredo at sa mga naiisip nitong
posibilidad na maaaring maganap kung maging sila ay hirap nitong tanggapin sa
kanyang puso, kahit na maayos ang pakikisuyo sa kanya. Para kay Rose, hanggang
kaibigan lang maaari niyang ibigay sa matanda. Samantala at kahit sa palagay ni
Don Alfredo na lumiliit na ang pag-asang na makuha balang-araw ang kamay ng
kanyang tinatangi-tangi na si Rose, hindi pa rin siya tumigil na pakisuyuan
ito. Dumating ang panahon at dahil pakiramdam ni Rose na habang tumatagal at
nasa puder siya ni Don Alfredo, kinakabahan na ito at hindi na tama ang
ipinapakita nito sa kanya kaya napagpasyahan na nito na mag-resign bilang
Chamber Maid.
“Sir,
goodmorning po. Ito na po ang huling araw na magtatrabaho ako sa inyo, kasi
magre-resign na po ako.” Ikakalungkot ni Don Alfredo ang nagawang pagre-resign
ni Rose kaya gagawa ng paraan para pigilan ito.
“Teka
muna Rose, may problema ba at naisipan mong mag-resign? Hindi! Hindi ako papaya
sa pagre-resign mo, dito ka lang!”
“Eh
kasi Sir!”
“Ano?
Sabihin mo.”
“May
trabaho na muli si Tatay kaya wala ng dahilan pa para magkatulong ako.” Dahilan
nito kay Don Alfredo.
“Ah
ganon ba? Iyon ba talaga o baka naman gusto mo talagang umalis! Baka gusto mong
tawagan ko tatay mo.”
“Talaga
Sir, sige po. Wala naman kayong number ng tatay ko eh. Paano niyo tatawagan?”
“Ay
oo nga pala, wala akong number niya. Itsa-chat ko lang siya sa Facebook, tutal
friend naman kami. Para malaman ko kung nagsasabi ka ba ng totoo.”
“Ba’t
ba sir ayaw niyong maniwala. Mawalang galang na po pero magre-resign na po
talaga ako.”
“Hindi!
Hindi ako makakapayag. Hindi mo ba alam na ikaw ang nagpapaligaya sa araw ko sa
tuwing nakikita, tapos aalis ka na. Paano na ko dito, iiwan mo na ko ng mag-isa
dito.”
“Hala
drama niyo naman sir. Sina Tutchang at Kloring pati ang assistant mo, hindi mo
ba kasama? Nandiyan pa sila. I know di lang ako ang nagpapasaya sayo, sila rin.”
“Basta
Rose, dito ka na lang, huwag ka ng umalis.” Pakiusap nito sa kanya at
aakapin.
“Nagtataka
lang po ako, bakit ayaw niyo kong paalisin. Ano bang meron sa akin ng wala
sila?” Abot-langit ang pagkabigla ni Rose nang sa wakas ay magtapat na si Don
Alfredo sa kanya.
“Dahil
mahal kita at ikaw ang buhay ko, kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman.”
Matamis na turan nito habang kumukumpas ang kamay.
“Walang
halong pambobola?! Mel Tiangco, ikaw ba yan?”
“Oo
nga, mahal na mahal kita, kaya pakiusap huwag ka ng umalis.”
“Sabi
ko na nga ba eh.”
“Matagal
mo nang alam?”
“Opo
Sir, halatang-halata kita, yang mga the moves mo sa akin tuwing nilalapitan mo
ko, aakalaing may pomoporma ka na sa akin at hindi nga ko nagkamali sa akala
ko.”
“Ngayong
alam mo nang mahal kita, mahal mo rin ba ako?”
“Ako?
Pag-iisipan ko muna Sir. May anak at apo na kasi kayo at ang layo pa ng agawat
ng edad niyo sa akin kaya kung titingnan, malabong maging tayo.”
“Wala
na kong pakialam kung ano pa yan, basta ang pag-ibig ko sayo, hindi na
magbabago! Ikaw na talaga ang mahal ko.” Manamis-namis na sambit nito.
“Hala
sir, kinikilabutan na ko, tama na po yang pagpapatawa. Pero ito lang po ang
masasabi ko sa inyo at patawarin niyo sana ako sampu ng aking mga angkan, wala
akong nararamdaman sa inyo! Hindi ko kayo mahal eh.”
“Ayos
lang, tanggap ko kung hindi mo ko mahal, sa NGAYON! Matutuhan mo rin naman
akong mahalin.“
“Weh
paano, pakituruan mo naman ako. Pero slow learner po kasi ako kaya baka
matagalan bago ko matutuhan ang pagmamahal sa inyo. Kaya niyo bang maghintay?”
“Kakayanin
kahit gaano pa yan katagal, pero huwag mo naman ako paasahin. Please lang.”
"Kaya
nga gusto ko nang mag-resign, kasi nakikita kong nahuhulog na ang loob niyo sa
akin, bagay na hindi makakapayag. Anong sasabihin ng makakakita sa atin, na
mukha tayong maglolo. Sir, eto na rin po ang resignation letter." Iaabot
nito ang resignation letter, bilang tanda na tumitiwalag na siya subalit
pupunitin ni Don Alfredo bilang tanda na tumatanggi ito.
"Hindi!
Hindi ako pumapayag na mag-resign ka. Mamili ka Rose, aalis ka at iiwan mo ako
pero kailanman ay hindi ka na makakanap pa ng bagong trabaho dahil gagawa ako
ng paraan para masali ka sa blocklist, o mananatili ka dito at makikipagtipan
sa akin, kapalit ay bubuhayin ko ang pamilya mo at babahagian ko pa kayo ng
yaman ko. Kaya ko iyon ibigay sa'yo kung nanaisin mo at saan ka pa? Hindi ba,
gusto mong umasenso ang buhay niyong magpamilya, kaya heto na ang hiling mo,
matutupad na, sa kondisyong susunod ka sa akin!"
"Grabe
naman itong matanda, napaka-forceful. Siguro ganyan ka sa asawa mo bago ka niya
pakasalan, dinaan mo sa santong paspasan. Sige pag-iisipan ko muna kung
tatanggapin ko ba ang alok mo." At ipapakita ni Don Alfredo ang
limpak-limpak na salapi sa mukha ni Rose.
"Nakikita
mo ba ang mga ito?" Tanong nito kay Rose subalit hindi siya sasagot,
bagkus ay magtatakip ito.
"Oh
anong ginagawa-gawa mo diyan? Bakit tinatakpan mo ng iyon palad ang mga mata
mo?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Don Alfredo.
"Sir,
nakakasilaw po kasi ang hawak niyong pera kaya ako nagtataklob para hindi ako
masilaw." Tatanggalin ni Don Alfredo ang kamay na nakatakip sa mukha ni
Rose.
"Naku
Rose, mapapasayo ang lahat ng ito, kung pakakasalan mo ko. Hindi lang yan ang
makukuha mo, there is more."
Dahil
sinilaw ni Don Alfredo si Rose sa taglay nitong mga kayamanan at sa kagustuhan
na rin niyang makaahon ang kanilang pamumuhay sa hirap sa pamamagitan ng tulong
ni Don Alfredo na siyang ipinangako sa kanya, labag man sa kalooban ay
napiliting makipagrelasyon si Rose sa kanya, kahit batid niyang maaaring mauwi
sa pangungutya dahil sa agwat ng edad nila at hindi niya ito mahal. Tanggap
naman ng mga magulang ni Rose ang relasyon nilang dalawa ni Don Alfredo at
simula nang maging sila, madalas ng makatanggap ng sustento ang pamilya ni Rose
mula kay Don Alfredo at siya na rin ang nagpaaral sa dalawa nitong kapatid.
Bukod pa dun ay binigyan ni Don Alfredo ng magandang bahay ang pamilya ni Rose
at doon na sila tumira.
“Wow
anak, ang laki at ganda naman ng bahay na ito.” Sabi ng kanyang ina na
mangha-mangha sa lilipatan nilang bahay na ipinagkaloob ni Don Alfredo.
“Simula
bukas, dito na tayo titira. Kaya tulungan niyo kong iimpake at ilipat ang mga
gamit natin sa bahay pupunta dito.”
Dahil sa ginhawang nakakamtam ni Rose maging
ang kanyang pamilya, ipinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon kay Don Alfredo,
sukang-suka man itong makisama sa kanya.
Chapter V
Buhay Seniorita
Buhay Seniorita
[Pagkababa
ni Rose mula sa magarang sasakyan ni Don Alfredo na naghatid sa kanya sa
School.]
"Wow
Rose, you’re the same with Myrna, you are rich too. Dati, nagko-commute ka lang
pero ngayon may service ka na." Sabi ni Jenica pagkasalubong at kita sa
kanya.
"Sus
si Rose, pa-humble pa. Ang hindi natin alam, mayaman naman pala ang lolo niya.
Hindi man lang nagkukwento." Wika naman ni Kelly.
"Ano
ba kayo, hindi ko siya lolo."
"Eh
ano mo siya?!" Malakas na tanong ng dalawa.
"Boyfriend!"
Madiin na sabi nito.
"Weh,
are you serious or just kidding us?" Tanong ni Jenica na gulat na gulat at
hindi makapaniwala.
"Oo
nga, mukha ba kong nagbibiro. Naiintindihan ko kung di kayo makapaniwala, maski
naman sino."
"Paanong
naging kayo ng matandang iyon?"
Tanong ni Kelly sa kanya.
"Kung
naalala niyo pa, nagkatulong ako hindi ba at siya yung amo ko. Sa una, wala
lang pero hindi ko akalain na kahit magkalayo ang edad niya sa akin, sa isang
banda ay magkakagusto siya sa akin. Tapos lumipas ang ilang buwan, nagtapat na
siya sa akin at harapan pang sinabi na mahal niya ko. Ako naman itong gaga't
gustong umasenso sa buhay, pumayag na kong makipagrelasyon sa kanya."
"Pambihira
ka naman Rose, magbo-boyfriend ka na nga lang, sa matanda pa na hindi hamak na
mas matanda pa sa parents mo at ilang dekada ang tanda sa'yo. Sorry to say,
mukha kayong maglolong dalawa. Hahahaha!" Pabirong wika ni Jenica.
"Oo
nga Jenica, napaka-pedophile naman ng matandang iyan at sa'yo pa nakuhang
magka-interest. Mahal mo ba ang matanda?"
"Yung
totoo, hindi eh. Ginagawa ko lang ito alang-alang sa ikabubuhay ng pamilya ko
at makapag-aral ang mga kapatid ko. Saka pinagbantaan niya rin kasi ako kaya
wala na kong nagawa. Gusto ko sana siya kasi mabait pero ang problema sa kanya,
hindi ito tumitigil sa bagay na hindi niya nakukuha katulad nang ginawa niya sa
akin. Pinilit niya lang ako, hindi ako ang lumandi sa kanya."
"Grabe
naman yung matanda, sobrang desperado sa'yo. Eh kamusta naman si Mysterious Guy
na nakita mo nung kaarawan ni Myrna, nandiyan pa rin ba sa puso mo?"
Tanong ni Kelly.
"Siya?
Matagal-tagal ko na rin hindi nakikita iyon kaya unti-unti ng nawawala ang
feelings ko sa kanya. Just because I thought na tanggap na ng loob ko na iyon
na ang una't huling pagkikita namin."
"So
ang ibig sabihin, unti-unti ka nang nai-inlove sa boyfriend mong matanda, in
other words, lolo boyfie mo?" Sabi naman Jenica.
"Hindi
noh, tigilan niyo ko nga diyan. Napakaimposible ng iniisip niyo at
makikipagrelasyon ako sa kanya, dahil mahal niya ko di dahil sa mahal ko siya.
Gurang-gurang na, sa akin pa pumatol, pero maigi na rin ang ganito." Habang nag-uusap sila ay biglang daraan sa
kanilang harapan ang magkasintahan na halos dumugin na ng mga langgan sa sobrang
tamis ng kanilang pagsasama.
"Tingnan
mo sila Rose, ang sweet." Sabi ni Jenica na may kilig pagkalampas ng
magkasintahan.
"Alam
ko, nakita ko, anong akala mo sa akin, bulag! Nakakainggit sila."
"Bakit
ka naman naiingit, eh may syota ka na?" Sabi naman ni Kelly.
"Hindi
kasi kami ganyan ni Fredo, na ganyan katamis ang suyuan sa isa't isa, although
ipinapalasap niya sa akin na mahal niya talaga ako."
"Ano
kamo, Fredo ang pangalan ng lolo mong BF?" Tanong sa kanya ni Kelly.
"Fredo
ang tawag ko sa kanya pero ang totoo niyang pangalan, Alfredo." Biglang
magtatawanan ang dalawa.
"Oh
bakit kayo nagsisitawanan diyan?"
"Pati
pangalan, ang tanda-tanda na. Yung sa nickname, hindi nagkakalayo ng edad sa
real name. Buti sana kung Freddie, mas okey yun at cute pa, hindi iisiping
matanda ang dyowa mo." Matawa-tawang wika ni Jenica.
"Wow
Sissy, ginawa mo namang showbiz personality ang Dyowa ko. Para bang si Freddie
Aguilar na pumatos ng menor de edad but kahit paano si Freddie, may poise, eh si
Fredo, pag-iisipan ko muna."
Dumating
ang panahon nang ipakilala na ni Don Alfredo si Rose sa kanyang mga anak bilang
kasintahan.
"Anong
meron, bakit kaya tayo pinapunta ni Daddy." Sabi ng kanyang anak na
lalaki.
"Aywan
ko, the only thing that I could know is our dad have important detail to tell
us. I'm wondering what are that?" Sabi naman ng babae na barok-barok
mag-english. Ilang sandali pa nang dumating na ang kanilang ama kasama si Rose.
"Daddy,
who's this girl that's with you?" Tanong ng babae.
"My
dear two daughters and same number with my son, I would like to introduce to
all of you, my beautiful and gorgeous Fiancée, Rosemarie Dela Vega, in short
Rose." Masigabong pakilala nito sa apat niyang anak na ikakagulat nila ng
husto.
"Really,
dad, nobya niyo siya eh ang bata-bata niya pa and actually, she is younger than
us, even your grandchildren I think." Sabi ng isa pang babae.
"I
don't care if what circumstance that comes to your mind, the only thing that I
care is I love her so much despite of our age gap that has great difference, so
please respect me as your dad. I believe Love is non-exceptional and may
disregard all of the matter." Depensa nito sa kanyang mga anak.
"Ano
ba 'tong mga mag-aama, nakakadugong kausap, English speaking." Sabi ni
Rose sa kanyang loob-loob.
"But
dad, why you chose her, why not the other woman that deserves to your love and
same age with you too?" Tanong ng kanyang anak na lalaki na tila tutol na
tutol sa bagong dyowa ni Don Alfredo.
"That
girl is so so innocence and not deserving for your love. So please, break up
with her or else, starting today, I won't treat you as my dad! I swear!"
Sabi naman ng babae na galaiting-galaiti.
"Mom
was passed Just away awhile ago, nakahanap ka na agad at mas bata pa sa amin.
My God dad, it is better if kasing edad ni mommy ang ipapalit niyo sa kanya, I
could accept it. Sobrang bata niya pa para sa'yo. As your son, I am telling you
na hiwalayan niyo siya! I know, if you keep the relationship on her, it could
bring us into embarrasment!" Sabi naman ng isa pa niyang anak na lalaki.
"Ano
bang pinakain ng babaeng iyan and you're embracing her so much!" Sabi ulit
ng babae.
"Mga
anak, katulad ng sinabi ko sa inyo, mahal ko si Rose and it would not really
change, whatever you are talking about her. So accept her as the sign of
respect to me! Tutal, mga anak ko lang kayo. Kung makaasta naman kayo,
bumabaligtad na kasi kayo na ang parents ko!"
"Hindi
dad, kahit anak mo lang kami, we has rights to judge and decide for finding
which those women is absolutely appropriate for you. At ikaw babaeng makati ang
katawan, how's there you para landiin mo si Dad!" Magalit-galit na wika ng
babae habang dinuduro niya si Rose.
"Ah
neng, hindi ko nilandi ang Daddy mo, siya ang kusang lumapit at nagtapat ng
pagmamahal sa akin! Hindi ko naman kasalanan kung magkagusto siya sa akin! Kaya
wala kang karapatang duru-duruin ako. At yang grammar mo kanina ko pa
napapansin, barok-barok, pakiayos nga nang hindi naman nakakahiya!"
Pangtapat na wika ni Rose sa babae at dahil nagkakainitan na sa pagitan ni Rose
at ng anak ni Don Alfredo dahil sa pagtutol nito sa kanilang relasyon, minabuti
ni Don Alfredo na ilayo si Rose sa kanila.
"Sabi
ko na nga ba Fredo, ganito ang mangyayari at nangyari na nga. Ayaw sa akin ng
mga anak mo at naiintindihan ko naman kasi bata pa ko."
"Don't
mind them darling, I keep hoping someday, they would accept you as my fianceè.
Just trust it!"
"Pambihira
ka naman Fredo, hindi mo na kaharap ang mga anak mo, nag-e-english ka pa rin,
naku tama na at nosebleed na ko! Paano yan, anong balak mo sa kanila, ngayong
tutol sila sa pagmamahalan nating dalawa?"
"Hindi
kukumbinsihin ko sila na tanggapin ka. Ano ka ba beyb, It just a little thing,
huwag mo nang pinag-iisip yan. Ang mahalaga ay masaya tayong nagsasama at ako
ang bahala sa'yo. Kapag may ginawa sila sa'yo, huwag kang magdalawang isip na
magsumbong sa akin dahil kahit na sino o anak ko pa yan, kaya kitang ipaglaban
at ipagtanggol."
"Talaga
beyb, ay sweet mo naman sa akin. Kaya gustong-gusto na rin kita eh." Sabi
nito ng may kaplastikan.
"Oh
basta, walang sinuman ang maaaring makapagpahiwalay sa atin." Matamis na
sabi nito kay Rose at bigla nitong yayakapin sabay iihip ang malakas na hangin
na siyang magpapahiwalay sa kanilang yakapan at mabubuwal si Rose.
"Are
you okey darling? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong nito kay Rose habang
itinatayo niya ito mula sa pagkabuwal.
"Fredo
beyb, may kaya nang mapaghiwalay sa atin."
"Ano?"
Tanong nito.
"Hangin!"
Tugon naman ni Rose.
"Ngekk!"
Tutol
man ang mga anak ni Don Alfredo, ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang
relasyon at dahil sa mga kabaitang ipinapakita ni Don Alfredo kay Rose ng
madalas, ayaw man niya subalit hindi na niya mapigilang mahulog ang loob sa
matanda.
[Habang
mag-isa si Rose sa Canteen at nagmumukmok]
"Hindi!
Hindi ito pwede. Kaya ko ito ginagawa alang-alang sa pamilya ko at sa aking
kinabukasan. Pero bakit ganon, parang mahal ko na rin siya. Basta magagawan ko
pa ng paraan. Ehh, ayaw kong ma-fall sa matanda." Sabi nito sa kanyang
sarili na nag-aalangan ng husto sa nararamdaman at biglang darating ang kanyang
mga kaibigan.
"Hoy
Rose!" Sabi ni Jenica nang tapikin niya si Rose pagkarating na pagkarating
pa lamang niya.
"Ay
ginulat niyo naman ako. Kanina pa ba kayo nandito?"
"Kakakarating
lang namin at saka, bakit nagsasalita ka diyang nang mag-isa?" Takang-takang
tanong ni Glenna.
"Naiinis
lang ako kasi dati, parang isumpa ko na itong buhay ko nang maging kami ni
Fredo, kasi wala akong pag-ibig sa kanya, pero ngayon alam niyo yun, unti-unti
na kong napo-fall sa kanya. Ang bait-bait niya kasi at malambing pa kahit
uugod-ugod na."
"So
which is means, mahal mo na rin siya? Ano Rose, nabusog ka na ba?" Tanong
ni Kelly sa kanya.
"Anong
klaseng tanong yan, napaka-wireless sa topic natin?"
"Kasi
lahat ng sinabi mo sa amin, kinain mo na. I-deny mo man na wala kang feelings
sa matanda, sa kabilang banda, nahuhulog at nahuhulog ka na as long as you live
with him. That's the power of love and it has no exception, lahat pwede ultimo
sa relationship niyong dalawa ni Don Fredo."
"Basta,
ayaw ko munang isiping mahal ko siya. Naalibadbaran ako sa sarili ko at kahit
itanggi namin na hindi dapat ikahiya ang relasyon namin sa isa't isa, nahihiya
pa rin ako. Pero kinakaya ko ang lahat ng maaaring sabihin ng mga tao habang
magkasama kami ni Fredo, alang-alang na lang sa pamilya ko."
"Basta
Rose, kung tingin mo nahihirapan ka na sa bagay na pinasok mo, nandito lang
kami, parating nakasuporta sa'yo." Sabi sa kanya ni Jenica at magkakasama
na silang aalis at papasok ng silid.
Chapter VI
Ideal Man
Ideal Man
First
monthsary na nina Rose at Don Alfredo at nataon pa sa araw na wala itong pasok
kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para idaos iyon. Masayang-masaya si Don
Alfredo dahil nakaisang buwan na sila ni Rose at sa park nila naisipang
mag-date.
"Happy
Monthsary beyb." Manamis-namis bati ni Don Alfredo kay Rose at susubuan
nito ng tsokolate. Hihintayin muna ni Rose na matunaw ang nginuguyang tsokolate
bago magsalita.
"Happy
monthsary din sa'yo." Bati naman nito na kung pakikinggang ay walang
sigla.
"Ano
beyb, nagustuhan mo ba ang venue na napili ko, how about the ambiance?"
"Ayos
naman, good good! Kaso ang daming tao, wala ba yung sa hindi gaanong matao?"
"Bakit
ayaw mo ba dito? Ayos na rin kasi malapit lang dito ang buffet at malaki ang
park na ito, marami tayong mapapasyalan dito beyb." Bigla nito hahalikan
si Rose sa pisngi at nang makita ng mga dumaraan, sila ay pag-uusapan.
"Look
at them, their act is so disgusting." Sabi ng estrangherang dumaraan.
"Kaya
nga, hindi mo maiisip kung magdyowa ba sila o bonding lang na maglolo."
Sabi ng kasama niya.
"Dah!
Gawain ba yan ng bonding ng maglolo, they're acting like sexual partner does.
At yung matanda, ang weird weird." Sabi ng estranghera.
"Pambihira
si girl, papatol na nga lang, sa matanda pa na kung titingnan, mayaman. Ang
kati-kati ng laman! In fairness, maganda siya, iyon nga lang sayang."
Mahinang sabi ng kasama niya at maririnig ni Rose ang mga patutsada nila.
"Ano,
May sinasabi kayo?! Kung wala kayong matinong gawin, please lang huwag kami!
Makakati ng katawan diyan akala malilinis, eh kayo nga kailangan siguro
ipakamot ang dila, ang kakati rin kasi." Sa halip na tapatan ng dalawa ang
sinabi ni Rose ay iirapan lamang ito.
"Beyb,
ano ba huwag mo na silang patulan, hayaan mo na!" Mahinahon na sabi ni Don
Alfredo.
"Kitams,
beyb daw. Magkarelasyon nga sila. Isang lolo na walang mapatos na babae, kaya
apo na lang niya hahahaha!" Magtatawanan ang dalawang estrangherang
tsismosa.
"Naku
beyb, pigilan mo ko! Nakakainsulto yung sinabi niya!"
"Naku
beyb, hindi kita pipigilan, kung gusto mong sagpangin ang mga walang hiyang
yan! Bring it on! I'll support you." Napansin na ng dalawa na kumukulo na
ang mukha ng matanda at sa takot ay dali-dali nang aalis.
"Kayo,
anong tinitingin niyo diyan! Pagtitsismisan niyo rin ba kami gaya ng dalawa?!
I'm proud na girlfriend ko siya kahit sa tingin niyo, para na kaming maglolo,
go ahead if you have comments! Even on social media like facebook, tweeter or
instagram!" Pagalit na wika ng matanda sa mga dumaraan na patingin-tingin
sa kanila.
"Weh,
wala ka naman tweeter eh! Gagawan pa lang kita." Pabirong wika ni Rose at
pagkalayo sa kanila ng mga taong nasigawan ni Don Alfredo, pagtatawanan sila.
Kahit
nakikita ni Rose na marami na ang nangungutya sa relasyon nilang dalawa ni Don
Alfredo at nahihiya na, ipinagpatuloy pa rin nila ang pagde-date. Makaraan ang
ilan linggo at habang naglalakad si Rose pauwi ng kanilang bahay galling school
ay bigla na lamang ito lalapitan ng dalawang manyak na lalaki.
"Hi
Miss, ang ganda at sexy mo naman. Pwede ba mahingi ang number mo?" Sabi ng
lalaki at bigla nitong hihimasin si Rose sa pisngi.
"Oo
nga Miss, ano nga palang name mo? I'm James." Pakilala ng isang lalaki sa
kanya at dahil akit na akit sa alindog ni Rose, bigla niyang hihipuin ang
beywang nito. Nanganganib si Rose at para makaiwas sa dalawang manyakis na
lalaki na kung titingnan sa hitsura, manyak talaga, magpapanggap ito.
"Sorry
mga boys, hindi kasi ako tunay na babae, bakla po ako. Kaya please lang, layuan
niyo ko or else, pagdyudyumbakels ko ang mga peslak niyo, ano?!" Sabi ni
Rose sa kanila na parang boses ni Boobay bilang pampapanggap subalit hindi pa
rin siya tinantanan ng mga lalaki at patuloy na binastos-bastos.
"Okey
lang kung bakla ka, kung ganyan naman kaganda. Ang kinis rin ng legs mo, sarap
laplapin." Sabi ni James.
"Kung
ipalapa ko kaya ang mukha mo sa aso ha, bastos ka! Pwede ba, tantanan niyo ko,
hindi ko kayo kilala!" At aalis na si Rose subalit bigla siyang hahawakan
ng dalawang lalaki at pagtatangkaang halayin.
"Bitawan
niyo ko nga ko, mga walang hiya! Help! Help! Help!" Sabi ni Rose na
nagpupumiglas habang unti-unti siyang binababoy ng dalawang lalaki.
"Huwag
ka nang humingi ng tulong, kaya na namin itong dalawa. Kasalanan mo at maganda
ka!" Sabi ng kasama ni James at hahalikan nito ng paulit-ulit si Rose.
Habang pinagtatangkaan nilang halayin si Rose, may isang lalaki ang darating at
ipagtatanggol siya.
"Hoy
tigilan niyo yan!" Pasigaw na sabi ng lalaki at biglang niya silang
uupakan. Sa galing makipaglaban ng lalaki na tipong bihasa na sa karatehan,
napataob niya ang dalawa kahit mag-isa lang siya.
"Ayos
ka lang ba miss?" Tanong nito sa kanya subalit imbes na sumagot,
mapapatitig lamang ito sa kanya hanggang sa may mapagtanto siya.
"Salamat
sa pagtatangol mo sa akin pero teka lang, parang natatandaan kita, parang
nagkakilala na tayo."
"Ako
kilala mo, weh maniwala eh samantalang ngayon lang tayo nagkita. Nagloloko ka
lang!" Patuloy na titigan ni Rose ang cute na mukha ng lalaki at nang
masigurado nito ang kanyang iniisip.
"Tama!
Ikaw nga, ikaw yung nakita ko nung birthday ni Myrna at ikaw ang nagsauli ng
phone ko. Hindi ako maaring magkamali, ikaw nga 'yon!" Natetensyong wika
ni Rose nang mapagtanto niya na ang lalaking nagtanggol sa kanya, siya rin ang
nagsauli ng phone niya nung nawala ito. Maaalala din naman kaagad ng lalaki ang
pangyayaring iyon.
"Ay
oo, natatandaan ko na. Ikaw yung babaeng iyak nang iyak dahil nawalan ng phone
nung birthday party ni Myrna na akala ko namatayan, kamusta ka na pala?
Nandiyan pa rin ba phone mo?"
"Mabuti
naman at sa sinop kong ito, that phone still mine. Akalain mo 'yun, nagkita
tayong muli. You're my hero, ikaw na ang nagsauli ng phone ko, ikaw pa ang
nagtanggol sa akin nang muntikan nang gatsingin ng mga manyak na lalaki ang
pinaka-iingat-ingatan ko." Tuwang-tuwang sambit nito.
"Teka
muna, ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Rose sa lalaki na sabik na
sabik na makilala ito na kamakailan lang, nagpatibok sa puso niya.
"Ah,
ako si Jose, my real name is Joseph and you are?" Tanong ng lalaki na
nagpakilalang Jose sa kanya.
"Ah
my name is Rose; my real name is Rosemarie." Pangiting tugon nito kay Jose
at kilig na kilig.
"Teka
Jose, bago mo ako iwan gaya ng ginawa mo nitong huli tayong nagkita, saan ka
pala nakatira? Ipakilala mo naman sarili mo sa akin."
"Ah
sa isang village sa San Bartolome ako nakatira, malapit lang sa isang mall.
Actually, kaya ako nandito kasi nagtatrabaho ako dito bilang Assistant
Clerk."
"Halata
nga sa suot mo, bagay na bagay sa'yo at walang pagbabago dahil ang gwapo-gwapo
mo pa rin."
"Ikaw
rin, wala pa rin pagbabago sa'yo."
"Bakit?
Dahil ba maganda pa rin ako sa paningin mo?"
"Hinde!
Galing mo pa rin mambola. Eh ikaw, saan ka naman nakatira?"
"Sa
puso este sa Gulod ako nakatira, malapit sa bayan. I'm 16 years of age and
working student at nag-aaral ako sa isang college state university na malapit
dito." Pangiting tugon ni Rose kay Jose.
Sa
kabila na muntikan ng sagpangin ng dalawang lalaki si Rose, nag-uumapaw ang
ligaya nito nang sa wakas ay nakatagpo niya muli ang Mysterious guy na si Jose.
Nang magkita sila, ang pag-ibig na dapat sana iaalay sa kanyang boyfriend na si
Don Alfredo, natuon na kay Jose na dati na nitong ikinapipintig ng puso at
parang dream come true para kay Rose ang sandaling iyon. Nasundan pa ang
kanilang pagkikita nang ihatid ni Jose ang kanyang pamangkin na isang taon lang
ang agwat kay Rose sa school na pinapasukan nito.
"Hi
Jose!" Pangiting bati nito nang magkatagpo sila at dama ang kilig sa
dibdib.
“Oh
Rose, hello! Pangiting bati din nito sa kanya.”
“Sino
yang babaeng kasama mo dito? Actually parang ngayon ko lang siya nakita.”
“Pamangkin
ko, kaya ngayon mo lang siya nakita kasi kakalipat lang niya sa school na ito.”
“Pamangkin
mo, weh Echosero. Para lang kayong magkapatid dalawa?” Gulat na gulat na tanong
ni Rose at biglang sasagot ang pamangkin ni Jose.
“Ang
aga kasi kumiri ng ermats ko. 17 palang siya nang ipinanganak ako, samantalang
si Tito, 3 years old pa lang.”
“Naku
Belen, tumigil ka nga, huwag kang magsalita ng ganyan sa nanay mo, nakakahiya
kay Rose. Sabi nito sa pamangkin.”
“Naku,
pagpasensiyahan mo na si Belen, matabil lang talaga ang dila.”
“Naku
Jose, okey lang. Parehas nga kami ng kapalaran kasi maaga rin lumandi ang nanay
ko. Ganyang edad din siya nang ipanganak niya ko. Pati lola ko, naku at 16
years old pa lang nang ipanganak niya si Tatay.”
“Naku,
Parehas pala ng nanay mo ang hipag ko. Bakit ilang taon na ba nanay mo?” Tanong
ni Jose.
“Kung
16 years old ako ngayon, malamang nasa 33 pa lang ang mother ko. Maiba tayo ng
usapan, dito na ba mag-aaral si Belen?”
“Oo
dito na siya hanggang sa magtapos ng college at saka mura-mura kasi dito,
malapit pa sa kanila.”
“Ah
kung ganon, parati na rin kita makikita dito?”
“Pwede
din pero depende kasi, may ginagawa din ako minsan, alam mo na. Masasamahan ko
lang si Belen dito kapag free time ako. Oh paano, una na ko.” Tugon nito kay
Rose at aalis na.
Nadagdagan
pa ang ligaya sa dibdib ni Rose dahil may pagkakataon na siya para masilayan si
Jose, ang lalaking kanyang tinatangi-tangi sa kabila na may kasintahan ito.
[Breaktime
at habang nasa Canteen sina Rose.]
“Hoy
alam niyo ba, ang saya-saya ko ngayong araw.” Pambungad na wika ni Rose sa
kanyang mga kaibigan.
“Masaya
ka kasi kaka-monthsary niyo lang ni Fredo nung nakaraang lingo at binilhan ka
niya ng bagong bag. Naku Rose, inlove ka na talaga sa matanda.” Sabi ni Myrna.
“Naku
Myrna, bira ka kaagad, hindi mo pa ako pinapatapos. Masaya ako kasi, nagkita
muli kami ni Mysterious Guy.”
“Sino,
si Jose na kung titingnan mula ulo hanggang talampakan, heartthrob na
hearththrob ang look. Naku Rose, may dyowa ka na, hindi ba?” Sabi naman ni
Glenna.
“Eh
ano naman kung may Dyowa ako, di ko naman gusto ang matanda. Para akong nasa
langit nang kaharap ko siya kanina. Ang kanyang boses kung pakikinggan, ang
lamig-lamig. Tapos ang bango-bango niya pa kanina.” Bigla siyang kokotongan ni
Jenica.
“Aray!
Bat mo naman ako kinutongan?!”
“Para
magising ka, nanaginip ka kasi! Alam mo Rose, pwede ka naman kay Jose, eh ang
kaso, paano si Fredo? Makikipaghiwalay ka para lang sa kanya? Naku Sissy,
napakakomplikado naman ng love life mo.”
“Kaya
nga. Kung kalian nagkaroon na ko ng relasyon sa matanda, saka ko lamang
nakilala si Jose, kainis! Tulungan niyo nga ako, ano bang gagawin ko?
Napapagitnaan ako ng dalawang nag-uumpugang bato.”
“Ikaw
lang ang makakaresolba niyan.”
“Napamahal
na sa akin ang matanda kahit sukang-suka akong makipagrelasyon sa kanya kaya
ayaw ko siyang masaktan pero itong puso ko, si Jose ang tinitibok.”
“Naku
Rose, hanggat maaga pa, hanggat pwede pang isalba, utang na loob, huwag mo nang
patagalin pa, hiwalayan mo na yang Lolo Boyfie mo. Walang relasyon ang
nagtatagal kapag isa lang sa inyo nagmamahal at ang isa naman ay
nagsasakripisyo. Gaya mo, hindi mo mahal si Fredo pero mahal ka niya at
nagsasakripisyo ka lang, di lang para sa kanya kundi para din sa pamilya mo. Sa
palagay niyo ba, may patutunguhan pa ba yang relasyon niyo. Wala na!” Payo ni
Kelly sa kanya.
“Naku
naman Kelly, paano ang pamilya ni Rose. Panigurado ako, balik hikahos sila
kapag hiniwalayan ni Rose ang matanda dahil hindi na sila susustentuhan nito.
Sa yaman ng matanda, kulang na lang pati langit ay makakaya nang ibigay.”
Reklamo ni Jenica.
“Edi
mamili na lang siya, kung pera o pag-ibig. Ikaw ba Rose, kaya mo pa bang
makasama ang taong hindi mo naman mahal samantalang iba ang nasa puso mo,
alang-alang lang sa ginhawang matatanggap niyo mula sa kanya?” Tanong ni Kelly
sa kanya.
“Hindi
ko alam, nalilito na ko. Bigyan niyo muna kaya ako ng sapat na panahon para
makapag-isip at decide.”
“Gaano
katagal, isang minuto?” Pabirong tanong sa kanya ni Glenna.
“Sige,
ikaw na lang. Kaya mo eh!”
Dahil
sa tumitinding pag-ibig ni Rose kay Jose sa kabila na sila ni Don Alfredo,
hirap na hirap na ito kung anong gagawin, kung itutuloy pa baa ng
pakikipagrelasyon alang-alang sa sustentong kanilang natatanggap pero ang
kapalit naman hindi siya pwedeng makipagtipan sa taong kanyang tinatangi-tangi.
Chapter VII
Love confusing
Love confusing
[After
two months and fifteen days]
“Ano
beyb, nasiyahan ka ba sa pamamasyal natin this day? Matamis na tanong nito kay
Rose subalit hindi ito magagawang umimik.
“Ang
tahimik mo, kanina ko pa napapansin, wala kang kakibo-kibo.” Nagtatakang tanong
nito.
“Wala,
pagod lang ako. Mamasyal ba naman tayo sa MOA, eh ang lawak-lawak nun, sinong
hindi mapapagod sa kakapamasyal. Grabe ka Fredo, pinagod mo ko.” Dahilan nito
na ang totoo ay nakokonsensiya na siya sa pagpapanggap na mahal niya rin ang
matanda.
“Ah
ganun ba, sorry kung inubos ko ang lakas mo. Nag-enjoy ka naman di ba?”
“Slight
at saka thank you nga pala sa pinamili mong mga damit sa akin, pati sa mga
kapatid ko. Hindi mo na dapat ginagawa ito sa akin, kasi parang sinasanay mo ko
sa mga luho. Pinagkakagastusan mo pa kami imbes na ipangtustos mo na lang para
sa pamilya.”
“Don’t
worry Rose, hanggat naririto ka sa piling ko at magkasama, anuman ang hilingin
mo, makakaya kong ibigay.”
“Makakaya
palang hilingin ah, pano kung sabihin kong hiwalayan mo na ko, makekeri mo ba?”
“Hay
Naku beyb, iyan ang hindi ko maibibigay sayo, ibang usapan na yan. Hanggat
humihinga ako at may pagtibok ang puso ko, akin ka lang, walang pwedeng umagaw
sayo.” Biglang pipisilin ni Rose ang ilong ni Don Alfredo nang higpit.
“Anong
pinaggagawa mo sa akin?” Ngo-ngong tanong nito dahil pinipisil ni Rose ang
ilungan nito.
“Ano,
nakakahinga ka pa ba? Kung hindi na, siguro naman, pwede na kong mapunta sa
iba.” Pipiliting tanggalin ni Don Alfredo ang kamay ni Rose na nakapisil sa
kanyang ilungan subalit nanatili pa rin ito.
“Gaga
ka, papatayin mo ba ko? Nakakahinga pa rin ako! Eto oh!” Bigla niyang bubugahan
si Rose ng kanyang masamang hangin mula sa bibig at dito ay saka lamang niya mabibitawan
ang nagmamatikang ilong ni Don Alfredo at biglang mapapatakip.
“Grabe
ang hininga mo beyb, dinaig pa ang amoy ng imburnal, siguro isang taon ka nang
hindi nagsisipilyo.”
“Eh
paano ako magsisipilyo, eh dadalawa na lang ngipin ko! At saka nagnganganga na
lang ako! Grabe ka, muntikan mo na kong patayin! Pasalamat ka at mahal kita,
kung hindi, binigti na kita ng patiwarik sa beranda!”
“Eto
naman, nagalit agad, naglalambing lang naman ako beyb. Tingnan mo at yan,
tumatangos na ang ilong mo.” Kakapain ni Don Alfredo ang kanyang ilong.
“Oo
nga, tumangos! Salamat beyb, dahil sayo, hindi na ko pango. Tuwang-tuwang
sambit nito dahil sa wakas ay hindi na siya pango na matagal na nitong
pinoproblema.” Mapapansin ni Don Alfredo kung bakit may sebo ang daliri ni
Rose.
“Ano
yang nasa daliri mo, bakit may nakadikit na sebo?” Sa halip na sumagot ay
magugulat siya nang biglang hagisan ni Rose ng Facial Wash.
“Oh
etong Facial Wash, gamitin mo sa paghihilamos! Sa sobrang oily ng mukha mo,
lumabas na ang sebo nang pisilin ko nose mo!”
Masayang
nagkukwentuhan sina Rose sa library na parang huling araw na ng buhay kung
magtawanan nang sa hindi inaasahan ay biglang darating si Jose.
“Oh
my god, Rose. Tama ba ang nakikita ko, nadito lang sa pali-paligid ang Prince
Charming mo?” Pangitin sabi ni Jenica nang masulyapan niya si Jose.
“Sino
ba, si Fredo? Ano bang ginawa ng gurang na yon at maging dito, pinupuntahan
ako?!”
“Hindi
yung sugar lolo mo ang tinutukoy ko, siya.” Sabay turo kung saan ang
kinaroroonan ni Jose at nang masilayan ni Rose ay para ba gang naghuhugis-puso
ang mga mata at biglang pumintig ng bilis ang dibdib nito. Parang tumigil ang
mundo ni Rose nang makita niya muli si Jose.
“Uy
Rose, okey ka lang. Kung makatingin ka sa crush mo, mistulan ka nang istatwa
diyan, tapos di na kumurap ang mata.” Sabi ni Glenna at bigla niyang hahawiin
ang paningin ni Rose para mapukaw ang atensyon nito.
“Ano
kayang ginagawa niya dito? I think ako ang pinuntahan niya, hinahanap-hanap.”
Sabi ni Rose na kinikilig at magmistulang kamatis na ang mukha.
“Hay
naku Rosemarie, natuluyan ka na kay Jose. Mga reaksyon mo nung makita siya,
hindi na tama dahil ang lakas na ng tama mo sa kanya! Kung ako lang
Psychiatrist, I decided na ipa-mental ka na, nababaliw ka na kasi.” Sabi naman
ni Jenica at hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rose na lapitan si Jose.
“Tindi
ni Girl taken, nilapitan pa si Prince charming.” Sabi naman ni Kelly at
pagkalapit ni Rose sa kanya.
“Hi
Jose, ano palang ginagawa mo dito sa library?” Pangiting tanong ni Rose na
hindi makatitig ng diretso kay Jose dahil sa nararanasang ilang.
“Ah
inaasikaso ko ang library card ni Belen, na-hold kasi yun. Pano, hihiram-hiram
ng libro, hindi naman binabasat hinahayaang nakatiwang-tiwang. Ayun kapag due
date na, nawawala na sa isipang isauli.”
“Ah
ganun ba Jose, bait mo namang tito sa kanya, ikaw pa ang nag-asikaso niyan,
kahit di ka naman niya magulang. Sana ako na lang si Belen.”
“Eh
bakit mo naman nasabi yan?”
“Kasi,
ang sweet-sweet mo sa kanya bilang tito at nakakabilib. Bibihira lang ang tito
na gaya mo na may malasakit sa kamag-anak.”
“Iyon
nga at hindi mo ako Tito, sorry ka na lang pero ayos na rin, I know mababait
din ang mga tiyuhin mo.”
“Okey
ka lang kung hindi kita Tito, pero pwede naman kita maging ano.”
“Ano?”
“Friends!”
Iaabot ni Rose ang kanyang kamay kay Jose bilang tanda na nakikipagkaibigan
ito.
“Sure
Rose, Why not! Friends!” Iaabot din nito ang kanyang kamay at sila ay
magshi-shakehands. Labis ang ligayang namamayani sa dibdib ni Rose dahil
magkaibigan na sila ng kanyang ideal man.
“May
gagawin ka ba ngayon Jose?”
“Wala
naman Friend, bakit?”
“Gusto
mo ba sumama sa amin mamaya sa lunch?” Alok ni Rose sa kanya.
“Sure,
walang problema. Basta ilibre mo ko.”
“Ay
huwag na lang, nagbago na isip ko. Sige maiwan na kita. Sana magkita pa tayong
muli.” Bigla nang lalakad si Rose palayo kay Jose.
“Rose,
sandali lang!” Matitigilan ito nang tawagin at lalo pang kikiligin.
“Yes
Jose, why?” Sabi nito pagkaharap na namumula ng husto ang mukha.
“Gutom
na rin kasi ako, sige sabay na ko sa inyong kumain.” Sabi ni Jose kay Rose na
siya pa lalong magbibigay ligaya sa araw nito.
Habang
kasabay nilang kumain si Jose ay nagkaroon ng pagkakataon si Rose para mas lalo
pa itong kilalanin at ilapit ang loob nito sa kanya. Kay Jose lamang niya
nararanasan ang ganong kasayat hindi malilimutang buhay na hindi niya magawang
maranasan sa sandaling kasama naman nito ang kanyang katipan. Sa halos isang
oras na kasama at kakwentuhan ni Rose si Jose, nasulit naman ang araw nito.
“Sige
mga magagandang dilag, hindi lang sa balat ng lupa kundi sa balat ng universe,
alis na ko. Thank you sa pag-anyaya sa akin, lalo na sayo Rose.”
“Walang
anuman sayo Jose. Sana dumalaw-dalaw ka sa Campus natin kapag wala kang magawa.”
Sabi naman ni Rose kay Jose at pagkaalis na pagkaalis nito.
“Ay,
umalis na ang kanyang prince charming. Lungkot-lungkot na niya.” Pakutyang wika
ni Jenica kay Rose na kanina ay parang kasing liwanang ng bituin kung
magningning ang mukha habang kaharap si Jose na ngayon ay parang bulang naglaho
at nababalutan na ng pagkalumbay.
Umuwi
si Rose na nag-uumapaw ang saya sa kalooban dahil nakasama nito kahit papaano
si Jose, subalit nakokonsensiya naman dahil ang pag-ibig niya para kay Jose,
nagiging kasalanan kay Don Alfredo bilang kanyang nobyo. Habang tumatagal at
tuwing nagkikita si Rose at Jose ay unti-unti nang nahuhulog ang loob nito.
Dahil sa tumitinding pag-ibig niya kay Jose, dumating na sa puntong ibig nang
hiwalayan ni Rose si Don Alfredo upang hindi na madagdagan pa ang kanyang kasalanan
at hindi na paasahin pa ang matanda, ang kaso ay hirap siyang gawin, lalo nat
napalapit na ng husto ang loob nito dahil sa mga naitulong ng matanda.
“Sa
palagay mo ba, Kelly. Tama bang hiwalayan ko na si Fredo. Kasi habang lumilipas
ang panahon, padagdag nang padagdag ang pagkakasala ko sa kanya dahil sa
nararamdaman ko kay Jose? Ayaw ko naman na dumating ang araw, matuklasan ni
Fredo na iba ang laman ng puso ko at niloloko ko siya, tiyak na masasaktan
iyon.”
“Ikaw,
ano ba ang mas matimbang sayo, ang nararamdaman mo kay Jose o ang pag-aalala mo
sa kung anong mararamdaman ng matanda? Pag-isipan mo.”
Nahihirapan
na ko. Hindi ko na alin kung alin sa dalawa ang pipiliin ko, kasi paraheng may
alanganin. Kapag pinigil ko naman ang pag-ibig kay Jose alang-alang sa relasyon
namin ni Fredo, ang bigat-bigat sa loob, para gustong gawin ng puso na
ipagsigawan na mahal ko si Jose. Kapag itinuloy ko naman ang pag-ibig kay Jose,
maapektuhan naman ang relasyon ko kay Fredo. Gusto ko na sana siyang hiwalayan
para maging madali, kasi hindi ko naman siya mahal, ang kaso nakokonsensiya ako
sa kung anong maaari niyang maramdaman kapag ginawa ko iyon. Malaki na ang
naitulong ni Fredo sa akin at sa pamilya ko at ayaw ko na iyon ang iganti sa
kanya, ang saktan ang kanyang kalooban. Sa totoo lang sis, itong kinakaharap
ko, hindi biro, bawat bagay na pupwede kong gawin, may kalakip na problema kaya
nahihirapan akong magdesisyon.
“So
kung ganon Rose, anong balak mo? What if na sabihin mo na kay Fredo na beyb,
maghiwalay na tayo, tutal hindi naman kita mahal, umaasa ka lang at si Jose ang
laman ng puso ko. That ganern!” Biglang tatapikin ni Rose si Kelly dahil sa
iwinika nito.
“Loka
ka!”
Samantala,
habang lumilipas ang panahon ay unti-unting mahahalata ni Don Alfredo na tila
lumalamig na ang pakikisuyo sa kanya ni Rose.
“Beyb,
may problem ka ba?” Tanong nito nang mapansing tila may iba sa kinikilos ni
Rose.
“Oo
Fredo, I have a problem.”
“Can
you tell me whats your problem, for me, to be able to help you, darling.” Malambing-lambing
na wika nito.
“Talaga
beyb?” Masayang sabi nito sa kanya at biglang ibibigay sa kanya ang hand-out.
“Ano
to?”
“Pwede
mo ba akong tulungan sa World Problem. Mahina kasi ang kukote ko sa Math eh?”
Mapapatitig na lang si Don Alfredo dahil sa sangkaterbang tanong na nakaimbak
sa hand-out ni Rose.
“Kumuha-kuha
ka ng BS Accountant sa College, mahina ka naman pala sa Math. Dapat, nag-model
ka na lang, tutal may potensyal ka dahil maganda ka.” Biglang babawiin ni Rose
ang hand-out nito.
“Akala
ko naman tutulungan mo ko. Nakuha mo pang mangbola.” Sabi nito na hinayang na
hinayang sabay aalis at pagkalayo na pagkalayo kay Don Alfredo at laba.
“Ughh!
Kailan ko balak sabihin kay Fredo na gusto ko na siyang hiwalayan! Nahihirapan
na ko, ahh! Ahh! Bakit ba kasi nangyayari ang ganito sa akin?!” Habang
nag-e-emote ang gaga ay bigla siyang may maririnig na isang boses na hindi
malaman kung saan nanggaling.
“Hiwalayan
mo na kasi miss.” Sabi ng hindi kilalang tinig.
“Hello,
sino yan?! Magpakilala ka!” Malakas na sabi nito at hahanapin niya kung saan
nagmumula ang tinig na iyon.
“Kung
di mo siya mahal, hiwalayan mo na! ikaw din ang mahihirapan sa ginagawa mo!”
“Sino
ka ba ha?! Bakit ka nagsa-side comment, magpakita ka nga sa akin! Kapag
mahuli-huli kita diyan, ibabaon kita ng buhay or else, sa akin ka magpapabaon!
In fairness, cute ng voice kaso hindi ako tiwala kung cute din sa hitsura.”
Hindi na muli pang maririnig ni Rose ang hindi kilalang tinig.
Sino
kaya iyon at ang lakas ng trip sa akin?! Naku naman, may nang-i-stalk sa akin.
Chapter VIII
Break-up
Break-up
Pagkauwi ni Rose galing sa pinapasukan nitong
Unibersidad ay magigitla na lamang ito ng husay nang biglang may mag-text sa
kanya.
“Hi
Miss, kamusta?” Sabi sa text ni Rose
subalit hindi nito rereplyan, dahil wala siyang load. Kating-kati siyang alamin
kung sino ang nagte-text sa kanya kaya dali-dali itong nagpa-load. Nang
magkaroon ng karga ang selepono ng gaga.
“Hello,
who is this, how did you get my number?” Pambungad na tanong nito sa Unknown
number.
“Ah
si Sean Paul ito.” Pakilala nito sa kanya.
“Ikaw
pala si Sean Paul. Yung international rapper.”
“Hindi
ako rapper, Sean Paul talaga name ko. Bakit, kilala mo ba ako?”
“Hindi,
ni hindi ko nga alam kung sino ka ba talaga. Bakit mo ba ako tine-text?”
“Wala
kasi akong makausap, nabo-boring ako eh. Pwede ba tayong mag-textmate?”
“Hindi
eh, busy ako, sino ka ba kasi eh?”
Makikilala
mo ko kung patuloy mo kong ite-text, please, keep texting me. Pwede ba? Dahil
may pagkahaliparot din ay makakaramdam ng kilig si Rose at hindi nito
mapipigilan pa ang makipag-textmate kay Sean Paul kahit hindi nito kilala.
“Ay
bakit ayaw mag-send?” Takang-takang reaksyon ni Rose kung bakit hindi mag-send
ang text nito kay Sean Paul.
“Ang
tahimik mo na, bakit hindi ka nagre-reply?” Tanong ni Sean Paul kay Rose
hanggang sa may madiskubre siya.
“Ay
Shet, Check operator na pala! Shunga-shunga mo day, nakalimutan kong i-unli.”
Sabi nito nang malamang naubusan na pala ng load sa sarap ng kanilang
pagte-text. Gustuhin pa man ni Rose na makipag-text kay Sean Paul, dahil
nahumaling na ito, kaso hindi na nagpa-load pa, bagkus ay nag-smart alert na
lamang siya. Laking tuwa ni Rose nang bigyan siya ng load ni Sean Paul na
nagkakahalaga ng isang daan at non-stop na ang kanilang text, siyempre nai-registered
na niya.
[Kinabukasan.]
“Hoy
Rose, gumising ka na diyan? Sino ba ang katiktikan mo kagabi at gabing-gabi ka
natulog?” Tanong nito habang ginigising si Rose subalit sa labis na pagkaantok,
hindi agad ito babangon.
“Hoy,
tanghali na! Bumangon ka na diyan!”
“Inaantok
pa ko, mamaya na lang.”
“Aba’y
anong oras na? Bumangon ka na diyan dahil male-late ka na, Alas-siete na!”
Ipapakita ng kanyang nanay ang Hand clock bilang patunay na Alas-siete na.
“Naku
si Nanay, alam ko na yan, huwag mo nga kong nilalansing!”
“Nilalasing?
Hindi kita nilalasing, ikaw ang lumalasing sa sarili mo sa kaka-text.”
“Bingi,
sabi ko, nilalansing, hindi nilalasing! Pinihit mo lang yang orasan kaya
mukhang Alas-siete na, kahit ang totoo, Alas-sais pa lang!”
“Hoy
Rose, anung pinihit, Alas-siete na talaga!” Titingnan ni Rose ang phone nito
para malaman kung nagsasabi ng totoo ang nanay niya. Pagkatingin nito.
“Ay
Alas-siete na nga!” At dali-dali nang babangon.
“Ano,
napapala ng seguristang batugan!” Sabi ng kanyang nanay.
“Pagkarating
ni Rose sa eskwelahan at kita sa mga kaibigan nito.”
“May
kasalanan kayo sa akin ah! Pambungad na wika nito pagkaharap sa kanila.”
“Hala
siya, anong kasalanan namin sa yo?” Tanong ni Kelly.
“Sa
inyo ko lang ibinigay ang Number ko, hindi ba. May nag-text kasi sa akin
kagabi, di ko kilala at Sean Paul ang pakilala niya sa akin. So tell me kung
sino sa inyo ang nagbigay ng number ko sa kanya.” Walang magsasalita ni isa sa
kanila.
“Walang
aamin sa inyo?! Sige at ganyanan ah. Pero sarap niyang katiktikan kagabi,
napuyat nga ko dahil sa kanya eh. Kaya heto at late na ko! Malaman ko lang kung
sinong pangahas ang nagbigay sa akin ng Number!”
“Anong
gagawin mo?!” Sabay na tanong nina Kelly, Jenica at Glenna.
“Kanya
na si Fredo.”
“Ngekk,
huwag na!” Malakas na tutol ng tatlo.
Nang
makakalahating-taon na si Rose at Don Alfredo bilang magkasintahan, ora-orada
nang nag-propose sa kanya.
“Beyb,
ano to, bakit mo ko dinala sa ganitong lugar?” Tanong ni Rose na sabik na
sabik.
“Gusto
mong malaman kung bakit kita dinala dito.” Wika nito at biglang luluhod sa
harapan ni Rose.
“Itigil
mo nga iyan, hindi ako santo para luhuran mo. Tumayo ka diyan!” At ilalabas ni
Don Alfredo ang sing-sing, tanda na nakikipag-engage ito kay Rose.
“Rose,
matagal ko na itong dapat gawin sayo, naiininip na ko at ayaw ko nang patagalin
pa, kaya will you marry me?” Sabi ng matanda na siyang labis na ikakagulat ni
Rose. Hindi nito magagawang umimik dahil nag-aalangan sa kung anong isasagot.
“Oh
my gosh, nag-propose na siya sa akin, paano pa kaya ako makakawala sa matandang
ito. Hindi, hindi ako makakapayag na makasal sa kanya!” Sabi nito sa kanyang
loob na tutol na tutol sa napipinto nilang pag-iisang dibdib dahil di nito ibig
na makasama ang taong hindi naman niya mahal.
Sobrang
nahihirapan na si Rose ang mga kaganapan at mga kakaharapin pa niya kapag
nakasal kay Don Alfredo kaya tahasan nitong hindi tinanggap ang singsing.
“Fredo,
Im sorry kung sasabihin ko sayo ito. Itigil na natin ito, tama na! Anim na
buwan na tayong magkarelasyon at sinubukan ko na ring mahalin ka, pero wala
talaga akong maramdaman sayo. Isa pa, tutol na tutol ang mga anak mo sa akin
dahil napakabata ko para sayo at pinagtitinginan na rin tayo ng mga tao. Kaya
please, maghiwalay na tayo. Hindi tayo para sa isat isa. Ayoko na!”
“Ano
bang dapat kong gawin para mahalin mo rin ako?!”
“Wala
kang dapat gawin. At saka ang tanda-tanda mo na, hindi ko lang maintindihan
kung bakit patay na patay ka sa kin! Samantalang ang magkalayo tayo ng edad sa
isat isa?!”
“Eh
kasi, maganda ka, mabait at matalino. Mga katangiang nagkumbinsi sa akin para
magustuhan kita.”
“Kung
talagang mahal mo ako, hahayaan mo na ako at pakakawalan! Hindi yung pinipilit
mo ko sa bagay na ayaw ko! Salamat din sa mga naitulong mo sa pamilya ko at sa
pagpapaaral sa akin, hindi mo makakalimutan ang pagtanaw ng utang na loob sayo
pero hindi ko matatanggap ang proposal mo. Patawarin mo ko!” Sabi nito na
mangiyak-ngiyak na sabay tatakbo papalayo mula kay Don Alfredo.
“Rose!”
Malakas na tawag nito sa kanya subalit hindi na ito babalikan.
[Pagkauwi
ni Rose.]
“Oh
anak, bakit mangiyak-ngiyak kang umuwi?” Takang-takang tanong ng nanay nito.
“Nay,
ngayong gabi, mag-impake na tayo! Aalis na tayo sa bahay na ito!”
Mangiyak-ngiyak na wika nito.
“Hah,
bakit anak?!”
“Naghiwalay
na kami ni Fredo, kaya sige na, mag-impake na tayo!”
“Bakit
naman anak nakipaghiwalay ka sa kanya, paano na tayo nito, sino na ang tutulong
sa atin?! Alalahanin mo anak, tatlo pa kayong nag-aaral at sa kanya lang tayo
umaasa ng panggastos para diyan! Bukod pa dun ay nakakaluwag-luwag pa tayo.
Mag-isip ka nga Rose!”
“Oo
at nakakaluwag-luwag ang pamilyang ito dahil sa natatanggap nating sustento
mula kay Fredo, pero paano naman ako nay?! Magsasakripisyo ako at magtitiis na
makasama siya samantalang hindi ko siya mahal, alang-alang lang sa ginhawang
makakamtan natin! Pagod na pagod na kong
magtiis nay, tama na! Hindi ko na kaya! Aanhin pa ang kaginhawaan kung magiging
miserable naman ang buhay ko sa pag-ibig, kaya maiging hiwalayan ko na siya! Isa
pa, ayaw ko na rin siyang paasahin na darating ang panahon, mamahalin ko rin
siya!”
“Kung
ganon Rose, hindi babalik tayo sa dati nating buhay. Ayaw ko nang bumalik dun
anak! Paano ang pag-aaral mo, sino na ang magpapaaral sayo?!”
“Nay
naman, kung gusto, may paraan pero kung ayaw, maraming dahilan. Ano aasa lang
ba tayo parati sa yaman ni Fredo! Hindi na nay, tapos na! Kaya natin mabuhay
nang wala ng kanyang tulong at hindi ako natatakot kung maghirap tayong muli!
Hindi baleng mamuhay tayo ng mahirap at naghihikahos, basta sama-sama at
masaya. Hindi yung nabubuhay ako na nahihirapan ang kalooban! Isipin niyo, kung
kayo ang nasa posisyon ko nay, magiging masaya din ba kayo! Kaya please lang,
intindihin niyo ko!”
Batid
na ng mga magulang ni Rose na nahihirapan na ang kalagayan nito sa relasyon kay
Don Alfredo kaya hindi na sila tumutol pa na makipaghiwalay ito at kaagad na
pumayag sa naging pasya ng anak na bumalik sa dating tinitirhan. Kinabukasan ay
pumunta si Don Alfredo sa bahay nina Rose subalit wala ang mga ito nang kanyang
datnan.
“Ay
wala na sila dito, ang duga naman. Saan naman kaya sila lumipat? Tanong nito
hanggang sa mapag-isip-isip niya na bumalik na sila sa dating tirahan at
pinuntahan.” Pagkatungtong nito sa kinaroroonan nina Rose.
“Anong
ginagawa mo dito?! Di ba nag-break na tayo kagabi?!” Magalit-galit na wika ni
Rose nang makaharap niya si Don Alfredo.
“Anong
nag-break? Ikaw lang ang nakipag-break sa akin, hindi ako! Kaya halika ka muna
sa akin at pag-usapan natin ito. Alam ko na kaya mo lang ito nagawa sa akin,
kasi may problema ka, tell me kung ano yun!”
“Wala
na tayong dapat pang pag-usapan, kaya umalis ka na, utang na loob! Pwede ba
Fredo, pabayaan mo na ko, tutal tapos na tayo!” Habang may komprontasyon ang
dalawa ay bigla naman darating ang nanay ni Rose.
“Hi
Sir, kamusta? Nag-uusap pala kayo ng anak ko. I hope na magkakaayos din kayo.”
Sabi ng kanyang nanay na nakuha pang mangusta kay Don Alfredo sa kabila na
umiinit na ang kanilang komprontasyon.
“Sana
nga misis, magdilang anghel ka.” Sagot naman ni Don Alfredo.
“Anong
magdilang-anghel?! Mumuti muna yang lahat ng buhok mo bago mangyaring
magkakabalikan pa tayo. Tantanan mo na ako and please, go away!” At aalis na
ang matanda.
[Kinabukasan
at nang umaga ding iyon.]
“Ano
nanaman bang ginagawa mo dito?!” Pagalit na wika ni Rose nang magpunta muli si
Don Alfredo sa kanilang bahay.
“Sitenta
anyos ka na at lolo na pero nakuha mo pang magpakulay ng buhok, at puti pa ang
nais, ano ba yan! Mukha tuloy balahibo ng tupa ang buhok mo!”
“Ngayong
maputi na lahat ng buhok ko gaya ng sinabi mo kahapon, siguro naman pwede na
maging tayo muli.”
“Nek!
Nek! Mo! Talagang niliteral mo ang sinabi ko kahapon. Ang ibig sabihin nun,
suntok sa buwan na maging tayo muli! Kaya pwede ba, tantanan mo na ko, Im
begging you at huwag ka ng umasang magkakabalikan pa tayo, dahil suntok na sa
buwan.” Hindi na magsasalita pa ang matanda at aalis na ito.
[Kinagabihan]
“Oh,
nandito ka nanaman Fredo. Kahit dis-oras na ng gabi, pinupuntahan mo pa rin
ako.” At biglang nitong iuturo ang buwan.
“Nakikita
mo ang buwan sa kalangitan?” Sabi nito habang nakatutok ang daliri nito sa
buwan.
“Oo
naman, anong akala mo sa akin, bulag! At saka anong kinalaman ng buwan sa
pagpunta mo dito?!”
“Kapag
sinuntok ko ba ang buwan na ito, makikipagbalikan ka na sa akin?”
“Eh
kung masusuntok mo ang buwan.”
“Sige
ba, kung iyon lang ang paraan para makipagbalikan ka sa akin.”Susubukan nitong
suntukin ang buwan kahit hindi naman nito masusuntok dahil matayog at
napakaimposible. Habang ginagawa ni Don Alfredo ang pagsuntok sa buwan,
matatawa na lamang si Rose dahil nagmumukha nang sira.
“Hahahaha!
Tama na yan, Fredo, nagmumukha ka ng katawa-tawa sa ginagawa mo. Hindi mo naman
nasusuntok ang buwan, dahil hindi yan magpapasuntok sayo. Nagsasayang ka lang
ng panahon.”
“Eh
bakit namumula na ang buwan, ibig sabihin namamaga na sa kakasuntok ko?”
“Timang
ka, kaya namumula ang buwan, malamang Eclipse ngayon!”
“Ano
bang dapat kong gawin para bumalik ka na sa akin? Hindi ko kayang mabuhay kapag
wala ka.”
“Kaya
mo yan, masamang damo ka eh! Siguro, maaari tayong magkabalikan, kapag tatlong
araw na.”
Makalipas
ang tatlong araw at dahil desidido si Don Alfredo na makipagbalikan sa kanya si
Rose, kahit nawawalan na ito ng pag-asa, muli niya itong pinuntahan sa bahay.
“Oh,
Fredo, nandito ka nanaman!”
“Rose,
binilang ko ang araw, tatlong araw na ngayon. Siguro naman, makikipagbalikan ka
na sa akin?”
“Nakikita
mo ang araw?” Tanong nito kay Don Alfredo habang nakatutok ang kanyang daliri sa
kakasikat pa lamang na araw.
“Oo
naman, kahit Malabo na paningin ko, nakikita kong araw pa rin iyan!”
“Ilan
yan?”
“Isa!”
“Oh
see, isa lang yan hindi tatlo, kaya huwag ka nang umasang magkakabalikan pa
tayo!”
“Sabi
mo kapag ikatlong araw, ikatlong araw na ngayon!”
“Sabi
ko kapag tatlo na ang araw, hindi ko sinabing ikatlong araw. Hina mo!”
“Aba’y
linawin mo kasi, paminsan-minsan. Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik ka
na sa akin?”
“Wala,
kaya umalis ka na! kailanman ay hindi na ko makikipagbalikan sayo. Maghanap ka
na lang ng ibang mamahalin, huwag ako!” At aalis na ang matanda.
Magmula
noon ay hindi na binalikan pa ni Don Alfredo si Rose pagkat tanggap na nito sa
kanyang sarili na hindi sila maaari para sa isat isa at natauhan na rin at
pinutol na ang pakikipag-ugnayan sa kanila. Parang nakawala sa selda ang
pakiramdam ni Rose nang hindi na siya binalikan at ginugulo ng matanda pagkat
malaya na itong ituon ang pag-ibig kay Jose.
Chapter IX
Secret Admirer
Secret Admirer
Simula
nang makipaghiwalay si Rose kay Don Alfredo, bumalik sa dati ang kanilang
pamumuhay at dahil itinigil na ni Don Alfredo ang pagsustento sa kanilang
pangangailangan nang putulin na nito ang ugnayan sa kanila at hindi pa
nakakahanap ng trabaho ang kanyang tatay, pinagsabay na ni Rose ang pag-aaral
at pagtatatrabaho, nang may maipangtustos lamang ito.
Habang
abala sa pagiging serbidora si Rose sa isang karinderyang pinapasukan nito,
magugulat ito nang biglang may magpaabot sa kanya ng bulaklak.
“Rose!
May nagpaabot ng flower sayo. Medyo may kakaiba lamang sa bulaklak na hawak ko.”
Sabi ng babae na pinakisuyuan ng nag-abot ng bulaklak kay Rose.
“Sino
naman ang nagbigay nito?” Tanong nito nang maabot ang bulaklak at biglang
babalibagin.
“Oh,
bakit mo binalibag?!”
“Walang
hiya! Anthurium ang binigay sa akin! Anong akala niya sa akin, patay?!”
“Ah
ganyan pala ang Anthurium, teka bakit mo naman binalibag sa halip na itago,
buti nga at may nagbigay sayo niyan eh.”
“Gaga,
nagpapatawa ka ba! Ginagamit ang bulaklak na ito, sa patay, eh buhay pa ko,
hello! At saka parang ngayon ka lang nakakita ng ganitong bulaklak. Bakit, ano
bang ginagamit niyong bulaklak kapag may burol sa inyo?”
“Taga
probinsya po kasi ako at hindi uso sa amin ang gumamit ng bulaklak kapag may
patay kasi, walang gaanong bulaklak sa amin.”
“Eh
anong ginagamit niyo?”
“Paper
flower!”
“Ngekk!”
Hinala
ni Rose na si Don Alfredo ang nagpadala ng bulaklak sa kanya na Anthurium kaya
tinawagan niya ito.
“Bakit
hindi ka sumasagot, puro kiriring lang.” Nagpupuyos na wika nito habang kinokontak,
hanggang sa may sumagot.
“Ayun,
may sumasagot na, pero hindi ito si Fredo, boses babae eh.”
“Sorry,
you have insufficient balance on your account to make this call, please reload
immediately or register on the promo.”Sabi ng babae sa automatic Voice call.
“Pambihira,
naubusan na pala ako ng load. Ang lakas kumain ng sim na to.” Magpapa-load si
Rose at nang makapagpa-load ay muli niyang tatawagan si Don Alfredo.
“The
number you have dialed is unattended. Please try the call later.” Sabi ng automatic
Voice call nang tawagan muli ni Rose.
“Hay
naku, sagot nang sagot ang babaeng ito, di naman siya ang tinatawagan. Bakit
kaya hindi ko ma-contact si Fredo?” Tanong nito sa sarili hanggang sa maisipan
niyang tawagan na lang ito sa Chat.
“Ay
bakit pati sa Chat, hindi ko rin siya matawagan.” Hanggang sa may madiskubre
naka-block na pala ito.
“Walang
hiya, blinak na pala niya ko.” Nanghihinayang na wika nito.
“Ayos
lang naman, hindi siya kawalan!”
Kinagabihan
at pagkagaling ni Rose sa trabaho ay magte-text muli sa kanya si Sean Paul.
“Hi
Rose, good-eve!”
“Good-eve
din sayo Paul, anong pinagkakabalahan mo ngayon?”
“Tinatanong
pa ba yan, siyempre nakikipag-text sayo.” Hanggang sa mapasarap muli ang usapan
nila sa Text at malusyang na si Rose sa pagpupuyat.
Makaraan
ang limang araw at pagkapasok na pagkapasok ni Rose ng Classroom, magugulat ito
kung bakit may nakapatong na isang bouquet na bulaklak sa kanyang Desk.
Lalapitan niya ito at babasahin ang letter na naka-attach sa tangkay ng
bulaklak.
“Para
sa’yo talaga Rose ang bulaklak na ito. Sorry kung Anthurium ang naibigay ko
sayo nung isang araw, kasi wala pa kong pera nun pambili ng bulaklak at nakuha
ko lang yun nung ililibing na ang patay sa amin. Totoong bulaklak na iyan at
sana magustuhan mo. Nagmamahal, secret admirer.” Matapos basahin ang nakasulat
na message ay biglang mangangasim ang mukha ni Rose sa kilig kahit hindi naman
nito alam kung sino talaga ang nagbibigay sa kanya ng bulaklak at yayakapin ng
higpit.
“Ang
sweet naman niya sa akin. Sino naman kaya ang nagbigay ng flower na ito?”
Nang
kanilang PE time ay bubuksan ni Rose ang sarili nitong lacker para isuot ang
kanyang Rubber shoes at pagkabukas, magugulat ito kung bakit may nakalagay na
chocolate bar at galing muli sa kanyang secret admirer.
“Iba
na yan Rose, dati bulaklak, ngayon tsokolate naman. Sino kayang lalaki ang
nabihag mo at ginagawa niya iyan sayo?” Pangiting sabi sa kanya ni Glenna na
kinikilig.
“Haba
talaga ng hairdo mo girl, may secret admirer ka! Ay nakakainggit naman siya.”
Sabi naman ni Kelly.
“Hindi
ko nga alam kung dapat ba kong kiligin o kilabutan, lalo na’t hindi ko alam
kung sino ang secret admirer ko.” Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa
Secret admirer ni Rose ay biglang magte-text ang kanyang textmate na si Sean
Paul.
“Ano
Rose, nagustuhan mo ba ang tsokolate at bulaklak na ibigay ko sayo? Sana
nasiyahan ka.” Pagkabasa ni Rose sa message ni Sean Paul.
“Alam
ko na girls kung sino ang nagbigay sa akin ng Flowers and Chocolate.”
Natutuwang sabi nito.
“Eh
sino naman siya Rose?” Tanong ng tatlo niyang kaibigan.
“Eh
sino pa, hindi si Paul. Pambihira, siya lang pala ang nagbibigay sa akin.”
“Uy
nangangamatis nanaman ang mukha, kasi kinikilig ang lola mo. Ngayong alam mo na
ang ka-textmate mo na si Paul ang nagbibigay sayo niyan? Ano ng balak mo sa
kanya?”
“Hindi
hahayaan ko na lang siya hanggang sa magsawat mapagod siya. Isa pa, paano ko
siya iibigin, hindi ko naman siya kilala at si Jose lang ang nilalaman ng pusot
isipan ko, itaga niyo yan sa hypothalamus niyo!”
“Paano
kapag nakipag-eyeball na sayo si Paul, what will you do? Letter A, papalitan mo
na si Jose sa puso mo, B, makikipagtanan ka na sa kanya or C, makikipagkaibigan
ka lang sa kanya?” Tanong ni Glenna na tila pang-game show.
“Letter
C!” Malakas na sagot ni Rose.
“Is
that your final answer?”
“Yes,
that’s my Final Answer and would never change! But ang ipinagtataka ko lang,
paano naman nalaman ni Paul ang classroom ko para ilagay niya ang bulaklak sa
desk ko, tapos, naka-lock naman ang lacker ko, paano niya naipasok ang
chocolate?” Nagtatakang tanong ni Rose sa kanila.
“I
guess, may kakuntsaba si Paul na nasa pali-paligid mo lang, para lahat ng plano
niya sayo, maisakatuparan niya. Magugulat ka na lang mamaya, habang naglalakad
ka palabras ng Campus, bigla ka na lang kakantahan ng mga taong bawat madaanan
o makasalubong mo, parang pelikula sa It takes a man and a woman, tapos si Paul
pala ang may pakana. Hindi lang yan, may pa-fireworks display pa tapos haharap
siya sayo at sasabihin, Rose kelan magiging tayo?” Mahabang sabi ni Jenica na
nag-iilusyon.
“Kahit
ano pang sabihin niyo patungkol kay Paul, still in my deep inside, si Jose
lang! Malaman-laman ko lang kung sino ang tumutulong kay Paul para pagkatuwaan
ako, pagbabalikliin ko ang mga daliri nila at gagawing adiddas!”
Pagkauwi ni Rose galing school ay saka lamang
siya magkakaroon ng oras para i-text si Sean Paul at alamin kung bakit niya ito
ginagawa.
“Hello
Paul!” Sabi nito sa text.
“Rose,
bakit ngayon ka lang nag-text sa akin at saka hindi ka nag-reply sa akin
kanina?”
“Obvious
ba, nawala kasi sa isip ko ang magpa-load. Bakit mo ba ko binigyan ng bulaklak
at chocolate kanina sa school? Ano baa ng pakay mo sa akin, nanliligaw ka ba?”
Hindi makakapaniwala si Rose sa magiging tugon ni Sean Paul.
“Gusto
mo malaman kung bakit ginagawa koi to sayo? Oo, tama ka, nanliligaw ako sayo at
gusto kita.”
Paano
ka nagkagusto sa akin, samantalang kamakailan lang tayo nagkakilala and
besides, I’ve already Fiancé!” Sabi nito kay Paul na nagsisinungaling.
“Kaya
mo ba iyan nasasabi, kasi ayaw mo sa akin. Don’t tell a lie, I know you have
already break-up with your boyfriend that has many years older than you!”
“Paano
mo naman nalamang nakipaghiwalay na ko sa kanya, then about his information?
Tell me how?”
“May
Amnesia ka ba? Sinabi mo kaya sa akin sa text nung time na naghiwalay kayo.”
“Ah
sinabi ko pala, sorry pati iyon nawala na isip ko, isang buwan na rin ang
nakakaraan eh.”
“Sayang
lang, ang ganda mo pa naman, pero nag-uulyanin na. Whats the essence of being
beauty?”
“Hindi
ba pwedeng naka-move-on lang ho ako sa kanya! At saka paano kita magugustuhan
di naman kita kilala, ni hitsura mo nga, hindi ko alam.”
“Gusto
mong makita kung anong hitsura ko?”
“Sige
ba, dali.” Nasasabik na wika nito.
“Makikita
mo sa takdang panahon. Sa ngayon gusto kong ipabatid sayo na I love you!”
Kikiligin si Rose sa matamis na sinabi ni Sean Paul.
“Talaga,
mahal mo ko? Kaso, may iba ng nagmamay-ari ng puso ko, sorry ka at may nauna na
sayo.”
“Sino
ba yan?”
“Hindi
mo na dapat pang malaman kung sino siya. Bakit ko sasabihin sayo, hindi naman
kita ganong kilala.”
“Asus
Rose, alam kong may gusto ka din sa akin, kaya huwag ka ng pakipot pa, sabihin
mo na.”
“Kapal
ng mukha mo! Damn you, hindi kita gusto!” Sa sobrang inis ni Rose sa ka-text,
maisisiwalat na nito ang tungkol sa pag-ibig kay Jose.
“Si
Jose ang gusto ko, hindi ikaw! Kaya pwede ba please, kung may kaunti ka pang
hiya sa katawan, tantanan mo na ko! Simula din sa gabing ito, huwag mo na akong
ite-text!”
“Sorry
na sa sinabi ko, di ko sinasadya, ikaw naman nagalit agad.” Sabi nito subalit
hindi na siya nireplayan pa.
Kinabukasan
at nang hapong nagtungo si Rose sa kanyang lacker para may kuhaing gamit,
matutuklasan ng kanyang paningin na may nakadikit na papel sa may bukasan nito
at naglalaman ng mensahe.
Gusto
kong humingi ng Sorry sayo kung hindi ka natuwa sa text ko kagabi. Sana,
manatili pa rin ang ating pagkakaibigan, kahit hindi mo pa ko nakikita,
personally - From Sean Paul.” Sabi sa sulat ang matapos basahin ni Rose ang
mensahe, magugulat na lamang ito nang bigla siyang padalhan ng load ni Sean
Paul.
“Ganon
na ba siya ka-obessess sa akin at nagagawa na niya kong pagkagastusan? Ang
tiyaga naman niya.” Sabi nito ng makatanggap ng load at habang naglalakad ito
paalis, sa hindi inaasahan ay makikita niya si Jose at papalabas na rin ito.
“Jose!”
Malakas na tawag ni Rose nang masilayan si Jose at mapapalingon ito na para
bang gulat na gulat.
“Uy
Rose! Kamusta?” Sabi naman nito na parang nababalisa.
“Bakit
parang nagulat ka nang makita mo ako?”
“Ako?
Nagulat ako kasi iba ang ganda mo ngayong araw.” Dahilan nito sa kanya na
siyang ikakataba ng husto ng puso ni Rose.
“Ay,
maganda raw ako.” Pangiting sabi nito sa loob-loob at hindi mapigilang manamis
ang mukha matapos purihin ng kanyang iniibig.
“Thank
you, thank you sa pambobola. Ikaw naman, lalo kang pumupogi. Sino palang
sinadya mo dito?”
“Ah
yung pamangkin kong si Belen, Actually paalis na ko.”
“Talaga
paalis ka na Jose? Pwede mo ba akong hintayin muna kahit saglit lang kasi uwian
na rin namin maya-maya at wala akong kasabay.” Pakiusap nito na namumula ang
mukha sa kilig at sing-tulin na ng kabayo ang pintig ng puso.
“Gaano
ba yan katagal?”
“Mga
isang oras, sige na please?”
“Isang
oras lang pala, sige no problem!”
“Yehey,
salamat sa pagpayag! Sabi ko na ba at hindi mo ko matitiis!” Pasigaw na wika
nito na tuwang-tuwa sa galak.
[Makalipas
ang isang oras.]
“Oh
my God, nandito pa rin siya. Talagang hinintay niya ko.” Sabi nito na
tuwang-tuwa nang makitang nandoon pa rin si Jose at magkasabay na silang umuwi.
“Ano,
malapit ka na pala, sige bye-bye!” Sabi nito nang malapit nang bumaba si Jose
ng Jeep.
“Sige,
samahan na kita hanggang bahay mo.” Presinta ni Jose kay Rose na labis na
ikakatuwa nito.
“Talaga
seryoso? Ihahatid mo talaga ako?” Tuwang-tuwang tanong nito na parang langit
ang pakiramdam.
“Oo
naman, babae ka pa naman. Mahirap na, baka may manamantala pa sayo, lalo na’t
mag-isa ka lang. Bilang kaibigan mo, tungkulin kong pangalagaan at protektahan
ka.”
“Nasasabi
niya yan sa akin? OMG, I can’t believe that!” Sabi nito sa loob-loob na hindi
makapaniwala at hinatid nga si Rose ni Jose sa kanilang tahanan.
Chapter X
Tapatan na
Tapatan na
[Pagkatungtong
nina Rose at Jose at kanilang bahay]
“Sino
yang kasama mo anak, bago mo? In fairness, kasing-edad mo lang at may hitsura,
bagay na bagay kayong dalawa.” Pabulong na sabi ng nanay nito pagkakita kay
Jose.
“Nay,
tumigil ka nga diyan, magkaibigan lang kami. Siya nga pala si Jose, my BF.”
Pakilala nito sa kanya.
“Ay,
Boyfriend nga, ayus yan at lumandi ka nanaman pala!”
“Timang!
Best Friend.”
“Hello
po Tita.” Pangiting bati nito sa nanay ni Rose.
“Hello
din sayo iho and nice to meet you. Pagpasensiyahan mo na kung hindi malinis at
magulo ang bahay namin, tinamad kasi akong maglinis eh.”
“Ayos
lang po Tita, sanay naman po ako.”
“Sanay
naman pala siya, huwag nang maglinis. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita.”
Tanong ni Rose sa kanya na malapot-lapot ang tinginan.
Makaraan
ang halos dalawang oras na pananatili ni Jose sa bahay nang magpaalam na ito sa
kanila.
“Sige
po Tita at Tito, pati sayo sa napakaganda kong friend, alis na ko.”
“Paalam
sayo Jose at salamat. Mag-ingat ka sa mga haliparot na babaeng nagkalat sa
tabi-tabi ha, baka kung kanino ka pa mapunta, gwapo ka pa naman, sarap gawing
papa!” Pahabol na wika nito habang umaalis na si Jose subalit hindi nito
maririnig dahil nakalayo na.
Hindi
rin magtatagal at huwag na nating patagalin pa ay matutuklasan na rin ni Rose
ang patungkol kay Jose. Kaarawan nun ni Rose at pagkapsok nito ng school ay
ikagugulat niya ang kanyang makikita.
“Teka,
bakit kasama nila ang lalaking iyon?” Tanong na kanyang ipinagtataka kung bakit
kasama ng kanyang mga kaibigan si Jose. Nakita ni Rose na may kahina-hinala sa
kanilang ikinikilos kaya hindi ito nagpakita at nagtago.
“Birthday
ngayon ng kaibigan niyong si Rose, paano ko siya mapapaligaya?” Tanong ni Jose
sa kanila at habang may pinaplano sila ay may matutuklasan si Rose na tiyak na
ikakagulat nito.
“Alam
ko na, mamaya at kapag umuwi na si Rose, salubungin natin siya. Kami na ang
bahalang gumastos sa pambili ng Cake. Tapos ikaw Jose, tutal kabisado mo naman
ang password ng kandado ni Rose sa Lacker dahil maarte ang lola mo, maglagay ka
ng love letter, gandahan mo na tipong kikiligin siya, tutal may patay na patay
ka naman sa kanya. Siguraduhin mong walang makakakita o magsuot ka ng
pang-disguise para kung may makakita, hindi ka madaling makilala gaya ng ginawa
mo nang ilagay mo ang tsokolate sa lacker niya. Ayiee, I swear gagawin niya
talaga yan!” Bilin ni Kelly kay Jose na kaagad naman ikasasang-ayon ng kanyang
isip.
“Teka
muna Jose, ngayong birthday ni Rose, baka panahon na rin para ilahad mo na sa
kanya na ikaw si Sean Paul na ka-textmate nito at nagpadala ng bulaklak at
tsokolate sa kanya. At panahon na rin para ipagtapat moa ng nararamdaman sa
kanya, tutal may gusto rin sayo yun. Paniguradong makakatanggap ka ng matamis
na oo.” Sabi naman ni Jenica na inuudyok si Jose na itigil na ang pagpapanggap.
“Ah
siya pala si Sean Paul na ka-textmate ko, kaya pala may iba sa kinikilos niya
nitong mga nakalipas na panahon at madalas ay parang balisa.” Sambit ni Rose na
may pagkagulat habang tinitiktikan nito ang pag-uusap nina Jose.
“Naku
Jose, tama na, itigil mo na ang pagpapanggap kay Rose, hindi magtatagal,
mabubuko ka na rin, sige ka, baka magalit sayo si Rose ng husto kapag nabuko ka
niya. Pati sa amin, baka magalit din, kasi walang kaalam-alam si Rose na
kasabwat mo kami.”
“Hindi
yan, hanggat nag-iingat tayo, I swear, hindi niya tayo mabubukot tuloy ang
pagpapanggap bilang si Sean Paul. Ipapaalam ko naman kay Rose ang tungkol
diyan, kaso ayaw ko siyang biglain at paunti-unti lang.”
“Bahala
ka, basta yung pinag-usapan natin. Tuloy na tuloy at huwag sanang mauudlot.” At
iiwan na nina Kelly at Jenica ang nag-uumapaw na kakyutan na si Jose matapos nilang
magpulong.
Labis
na hindi makapaniwala si Rose at animoy na magandang panaginip sapagkat ang
lalaking kanyang tinatangi-tangi, may pagtatangi rin pala sa kanya at matagal
nang lingid sa kaalaman nito na pinopormahan na siya ni Jose.
“Pambihira
ka Jose, bakit mo pa ito ginawa sa akin, naglihim ka pa?! Kung may gusto ka rin
sa akin, dapat nagtapat ka nang ora-orada. Tapos nagawa mo pang idamay ang mga
kaibigan ko sa kalokohan mo at kayo naman Jenica, kaibigan ko kayo, bakit
naglihim din kayo sa akin at nakipagsabwatan pa kay Jose! Matagal na niya rin
pala alam na iniibig ko siya! Walang hiya naman, kaya pala nakakapagtaka ang
bawat pangyayari, kasi tinutulungan niyo siya. Hay naku, hindi ko alam kung
matutuwa ba ko o maiinis. Gusto pa naman kita at patay na patay, kaso
mapaglihim ka pala, sa ginagawa mo sa akin, nagdadalawang isip na ako kung
dapat pa ba kitang pagkatiwalaan?” Sabi ni Rose sa loob-loob na gulong-gulo ang
loob.
May
nalaman man si Rose tungkol sa pakikipagsabwatan di umano ng mga kaibigan nito
kay Jose, mas pinili niyang manahimik at nakitungo pa rin ng maayos sa kanila,
naiinis man ito. Habang papauwi si Rose nang isagawa nina Jose ang balak sa
kanya.
“Happy
Birthday Rose!” Masigabong bati nila pagkasalubong sa kanya at sisindihan ang kandilang
nakatarak sa Cake na kanilang tangan-tangan at ipapahipan kay Rose. Nang
mahipan ay biglang haharap sa kanya si Jose na pormadong-pormado ang kasuotan
at nakasalamin. Mapapanganga nang husto si Rose nang makita si Jose dahil shock
na shock ito sa kakisigan niya.
“Happy
birthday sayo Rose.” Matamis na bati ni Jose sa kanya.
“Thank
you sayo. Kaso!” Bigla niya itong sasampalin sa kabila na nag-uumapaw sa
kakyutan ang mukha ni Jose.
“Nakakagitla
ka naman Rose, bakit mo naman sinampal ang prince charming mo? Ay nadulas ako
sorry, daldal ko talaga!” Tanong ni Glenna na bakas sa mukha ang pagkagulat sa
nagawang pagsampal ni Rose kay Jose.
“Eh
kasi, sinungaling at manloloko!”
“Ako
sinungaling at manloloko, tell me why?!”
“Huwag
na huwag kang magkakaila kung hindi gagatsingin ko ang dila mo at patutuluan ng
kandila! Alam ko na ang tungkol sayo Jose, na ikaw at si Sean Paul ay iisa.
Gagi ka, nagawa mo pang magpanggap sa akin, pinagkatuwaan mo pa ko! Paano mo
ito nagawa sa akin?!” Madramang sambit ng lola mo at hindi na
magmamaang-maangan pa si Jose at aaminin na.
“Sorry
Rose kung nagawa ko ito sayo, ngayong alam mo na ang tungkol sa akin. Panahon
na para malaman mo na tama ang iniisip mo dahil may tama ka sa akin, ako nga si
Paul at ako ang nagpapadala sayo ng bulaklak at tsokolate!”
“At
saka Rose, patawarin mo rin kami kung nagawa naming makipagsabwatan kay Jose at
tinulungan siya na mag-the moves sayo. Nung una, tutol na tutol kami sa
binabalak niya dahil alam namin magagalit ka at hindi iyon Gawain ng magkakaibigan,
kaso, di ba mahal mo rin siya kaya naisip namin na magandang pagkakataon na rin
iyon para magkatuluyan kayong dalawa. Kaya inuulit ko, patawarin mo kami.” Pagsusumamong
paghingi ng paumanhin ni Jenica.
“Ayun
naman pala, alam niyo nang may gusto sa akin si Jose. Bakit pinapahaba niyo pa,
bakit di niyo na lang sinabi ng diretso sa akin nang hindi na umabot sa
ganito?!” Nag-aapoy na wika ni Rose sa kanila.
“Nagtapat
siya ng nararamdaman sayo sa amin nung
panahong kayo pa ni Fredo. Iniisip lang niya ang relasyon mo sa boyfriend mo at
ayaw niyang mag-suffer ka dahil sa kanya, kaya hindi mo rin siya masisisi kung
bakit kinailangan niyang maglihim!” Paliwanang ni Glenna na tensyonableng
tensyonable.
“Tama
ang sinabi nila sayo, kaya sana Rose, maintindihan mo ko. Mahal na mahal kita
kaya ginawa ko sayo yun at ayaw kitang mahirapan. Pangako, hindi ko na uulitin
ito.” Hindi matiis ni Rose si Jose dahil sa nag-uumapaw nitong pag-ibig sa
kanya kaya hindi maglalaon ay matatanggap din ni Rose ang paliwanang ni Jose at
dagliang mapapatawad sa ginawa nito.
“Talaga
mahal mo ko?! Oh my gosh, sarap naman pakinggan, pakiulit nga!” Tanong nito na
kilig na kilig at hindi makapaniwala sa narinig.
“Hindi
ko lang uulitin, ipagsisigawan ko pa, MAHAL KO SI ROSE!” Halos mawarak na ang
lalamunan habang ipinagsisigawan sa buong kapaligiran ang pag-ibig nito kay
Rose.
“Mahal
din kita JOSE! I think, this is my happiest birthday that I never had since I
was borned. You couldn’t know how you made my birthday so blessed and that’s
the reason I forgiving you!
“Kung
pinapatawad mo na ako, tayo na?” Alok nito kay Rose na makipagrelasyon na sa
kanya.
“Oh
my gosh, is that true, siya pa ang nag-alok sa akin, kung panaginip lang ito,
ayaw ko nang magising pa!” Masayang sabi nito sa loob-loob at sa halip na
sumagot ng tuwid ay makukuha pang magbibiro.
“Hello,
nakupo ba tayo? Bakit tayo tatayo?”
“Korni
mo, I mean, are you willing to build relationship with me?” Mabilis pa sa Alas-kwatro
ang pagpayag ni Rose.
“Ahh!
Oo yes! Yes! Tayo na and I love you so much JOSE!”
“Ayieeh!
Kilig naman kami sa inyo Rose.” Sabi naman ng mga kaibigan nito na
mangasim-ngasim na ang mukha
Kapwa
mahal nina Rose at Jose ang isa’t isa kaya hindi na nila pinatagal pa ang
pagbuo ng relasyon sapagkat kapwa mga atat at kating-kati nang magsagadan.
Makaraan ang ilang araw ay ipinakilala na ni Rose si Jose sa magulang nito
bilang kasintahan.
“Hello
my dear and future manugang, I’m glad that you are here again.” Natutuwang
sambit ng kanyang nanay pagkakita kay Jose na kasama ni Rose. Hahawakan ni Rose
ang makinis na palad ni Jose.
“Kilala
mo na ba nay kung sino ang boyfriend ko?” Tanong ni Rose na sabik na sabik na
ibunyag.
“Hindi,
hindi ka naman nagkukwento sa kin. Sa landi mong iyan, naku at hindi na ko
magtataka. Sino ba yan? I think si Jose na yan!”
“Oo
nga darling, kung makapag-holding hands sa isa’t isa, no doubt.” Sabi ng
kanyang tatay.
“Nay!
Tay! May tumpak ang mga hinala niyo! Si Jose nga ang tinutukoy ko, my new
boyfie at kamakailan lang naging kami.”
“Talaga
anak?! Paano naging kayo?” Gulat na tanong ng kanyang tatay.
“Hindi
na mahalaga kung paano naging kami, ang mahalaga’y nagmamahalan kami sa isat
isa.”
“Aba’y
anak, congratulation, sa wakas at napasayo na rin ang lalaking yan! Bigla
niyang lalapitan si Jose at panggigigilan ng husto ang mukha.”
“Ang
cute-cute talaga ng BF ng anak ko! Bagay na bagay kayong dalawa!”
“Aray
ko po Tita, nasasaktan ako. Hindi naman po, slight lang.” Mahinahong sambit
nito.
“Asus
si beyb, pa-humble pa, totoo naman ang sinasabi niya, at saka hindi siya
nagsisinungaling although may pagkabungangera nga lang.”
“Tseh,
lang hiya ka Rose, ipinalandakan mo talagang bungangera ako, matapos ako ang
nagdala sayo sinapupunan ko, inalagaan, pinakain at pinag-aral para lang may
kahihinatnan ka, tapos iyan lang maririnig ko! Bakit?! Bakit?!” Saan ako
nagkulang sayo, ginawa ko naman ang lahat para mapabuti ka! Matulin at
madiin-diing wika ng kanyang nanay na animoy nagda-drama.
“Kitams
Jose, bungangera nga siya, kaya pagpasensiyan mo na ang magiging biyenan mo.”
“Biyenan?
Bakit magpapakasal na ba tayo?” Biglang tatapikin ni Rose ng malakas ang balikat
ni Jose.
“Ano
ka ba, doon na rin yun papunta. Bakit naghahanap ka ba ng iba?”
“Hindi,
ikaw lang ang babae sa buhay ko at wala nang iba.”
“Promise,
over your dead body? Ahehehe nakakatuwa ka naman asawahin, bebe ko, eni be,
ahe! Ahe!” Pabebeng sambit ng gaga.
Naging
matibay at masaya ang relasyon nina Rose at Jose sa isat isa na sa kabila na
may pagsubok ang dumating dahil ganun talaga ang buhay, nakakaya nilang
lampasan kung kaya naka-isang taon rin ang kanilang relasyon.
[After
one year exactly.]
Maligaya’t
matamis na nagde-date sina Rose at Jose sa isa lang namang pipitusuging
Restaurant dahil nagtitipid at may pinag-iipunan.
“Dati
weeksary na naging Monthsary lang sini-celebrate natin sweetie pie, pero ngayon
and I’m happy to say that, we took a year!” Masayang-masayang sambit ni Jose
kay Rose.
“Tagal
naman ng order natin, gutom na ko!” Sabi naman ni Rose na namimilipit na ang
intestine sa gutom.
“Rose,
may sinasabi ako, pagkain naman ang nasa utak mo, mamaya muna yan at
magkwentuhan muna tayo.”
“Sorry
sweetie bebe ko, gutom na talaga ako kaya nawala ako sa hulog, ano nga ulit
yun?”
“Hay
naku naman Sweetie, bingi mo, sarap mong ihulog sa hagdanan.” At ilalabas ni
Jose ang kanyang Cellphone na naka-video.
Buti
na lang ay binidyo ko, eto at panoorin mo na lang kung anong sinabi ko at
makikita mo kung gaano ka kalutang!”
“Eto
naman, kulong-kulo na agad ang dugo, Happy Anniversary bebe ko! I hope that our
relationship will keep longer and longer until it will last forever.”
“Oo
naman sweetie pie, ikaw na yata ang forever ko, alam ko naman na patay na patay
ka pa rin sa akin at baliw na baliw naman ako sayo, happy anniversary rin sayo
and also happy birthday. Anong balak natin pagkatapos nito?” Pabulong na tanong
nito na tila may babalakin sa gabi.
“Siyempre
mamasyal tapos uuwi na tayo, anu ka ba, mapapagod ako eh.”
“Uwi
na agad, hindi ba pwedeng mag-“ Maantala ang sasabihin ni Jose pagkat pinatitikom
ni Rose.
“Oops!
Oops! Oops! Huwag muna, maaga pa. May magandang kinabukasan pang naghihintay sa
akin, ayaw kong masira iyon at isa pa, hindi pa tayo kasal kaya subukan mong
magpigil sweetheart hangga’t maaari at mag-isip. Think before you act.”
“Gagi
ka, anong pinagsasabi mo diyan, sabi ko kung pwede ba tayong mag-hang-out
pagkatapos mamasyal?”
“Ahh
yun ba, sige mamaya kapag matapos ang lahat ng ito. But wait and there’s a
condition. Mag-aya ka para masaya.”
“Mag-aya?
Hindi ba pwedeng tayong dalawa lang Rose, tutal araw natin ito, hindi nila!”
“Kung
ganon, hindi ako pwede, kabilin-bilinan kasi ng nanay at tatay ko na kung balak
mong maglaklak ng serbesa, lalo na’t kayong dalawa lang at mag-on pa, kailangan
may Chaperone.” Hindi na nakipagtalo pa si Jose at pumayag na agad kagustuhan
ni Rose.
[Kinagabihan
at pagkatungtong nila ng bar.]
“Ano
sweetie pie, may nakausap ka na bang makakasama natin sa laklakan sa magdamagan
to the max?” Tanong ni Rose kay Jose at maya-maya din nang dumating ang
magiging Chaperone nila.
“Eto
na sila!” Masayang sabi ni Jose nang dumating ang kanyang inaya na ikakagulat
ng husto ni Rose.
“Paano
na ko nito, puro mga lalaki ang mga inaya ni Jose at halos kasing-edad lang
namin, wala man lang babae. Baka mamaya niyan, kung ano pa gawin nila sa akin
kapag wala si Jose sa tabi ko, mukha pa naman mga manyak. Hindi ako sa
nanghuhusga pero maigi na rin ang nag-iingat para walang pagsisisi sa huli.”
Sabi nito sa loob-loob at dahil sa pangambang namumuo sa isipan ni Rose
pagkakita sa mga inaya ni Jose, iibigan na niyang umalis at gagawa ng paraan
para matuloy ang naisin niya.
“Ano
Rose, ngayong dumating na sila, let’s have a party! party!”
“Jose
sorry, kasi nahihilo ako. Alam mo, kanina ko pa dapat ito sabihin sayo!” Sabi
nito na nagpapanggap na nahihilo sa harapan ni Jose.
“Ano?!
Ikaw, nahihilo?! Wala pa nga kaming ginagawa sayo, nahihilo ka na?!”
“Mas
lalo kung may gawin sila este kayo sa akin kaya iuwi mo na ko, please!
Nagsusumamo ako sayo.” At kunwa-kunwaring mapapabulagta ito para maniwala si
Jose at alalayan ito. Matalinong nilalang si Jose bukod sa pinagpala ang mukha
subalit si Rose ang kanyang kahinaan kaya nagpauto ito sa pagpapanggap ni Rose
at iniuwi na nga sa kanila.
[Pagkarating
nila sa bahay.]
“Oh
ano yan Jose, bakit lantang gulay na anak ko nang iuwi mo? May ginawa ka ba sa
kanya?” Tanong ng nanay na gulat na gulat nang iuwi ni Jose si Rose.
“Wala
po Tita, wala po akong ginagawang masama, ganyan siya kasi nahihilo!”
“Totoo
ba ang sinabi ng Boyfriend mo?”
“Opo
nay, nagsasabi siya ng totoo, hindi niya ko gina este wala po siyang ginawa sa
akin. Sige na Jose, iwan mo na ko dito at si nanay na ang bahala sa akin.
Aaalis na dapat si Jose nang may sabihin pa ang nanay ni Rose.
“Jose!
Eto ang masasabi ko sayo, kung may ginawa ka sa anak ko ha! Edi maganda! Kung
ikakadami naman ng lahi natin at maging lola na ko noh, basta siguraduhing nasa
tamang panahon iyan at pag-aaral muna ang atupagin.” At tuluyan na ngang aalis
si Jose matapos pagsabihan.
“Anak
yung totoo, bakit ka nahihilo? May nangyari ba sa inyo ni Jose?” Tanong nito na
nanggagalugad.
“May
nangyari sa amin? Ano morning sickness ang peg kahit gabi na ngayon! Opo nay
may nangyari nga sa amin!” Biglang mapapa-sign of the cross ang kanyang nanay.
“Naku
po, mahabaging langit! Anong pakiramdam, masarap ba?”
“Si
nanay naman, kung anong nilalaman ng isipan. Ibig kong sabihin, ang nangyari sa
amin ni Jose is nag-date kami at namasyal. Kapag ba narinig ang salitang ‘May
Nangyari!’reffering na agad na nag-strecthing, hindi ba pwedeng sa mga
bagay-bagay na nagaganap. Kayo talaga nay, pakisabon naman ang kukote kasi
gumagaya kayo sa mga green-minded.”
“Ano
ba yung Stretching? Paki-explain, dali ng malaman ko kung paano ginagawa yon.”
Sabi nito na parang interesadong-interresado.
“Nay
Tama na! Tanda-tanda niyo na eh. Sige nay matutulog na ko.” Daglian na itong
papasok sa kwarto.
Chapter XI
Habang
matulin na tumatakbo ang panahon ay lalo pang nagiging matibay at bukod sa
matibay ay lumalalim ang samahan nina Rose at Jose bilang magkarelasyon. Isang
taon ang makalipas at kahit naging mahirap kay Rose ang buhay estudyante dahil
pinagsabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho, sa wakas ay nakatapos na rin ito
nang siya lamang ang nagtataguyod. Madiskarte sa buhay si Rose kahit minsan ay
mukhang gagang kasama kaya kaagad din nakahanap ng trabaho. Isang taon muli ang
nakalipas, nang may bagong empleyado ang pumasok sa kompanyang pinagtatatrabahuan
ni Rose na siyang hahadlang at maaari pang sumira sa relasyon nilang dalawa.
“Oy
Mitchie, kilala mo na ba yung bago nating makakasama sa Company na ito. Sabi
nila, gwapo raw at bukod pa dun, galing raw sa isang exclusive school.
Anak-mayaman pa!” Tsika ng katrabaho ni Rose kay Mitche.
“Hinde,
sorry hindi ako na-inform, mas inuuna ko kasi ang trabaho kaysa tsismis. Also,
I’m not interested kung sino man yan!” Madiing-diing wika ni Mitche na
aligagang-aligaga sa pag-encode ng mga data.
Habang
pinag-uusapan nila ang tungkol sa bago nilang makakatrabaho, sa isang iglap ay
bigla itong papasok sa kanilang opisina. Masiglang-masigla ito na animoy
makakayang gawin kahit mabibigat na trabaho, may katangkakaran, sa hitsura?
Pwede na rin, bahagyang singkit ang mata at kapag ngumiti, animoy tinuhog ng
anumang matutulis na bagay ang magkabilang pisngi pagkat malalim ang biloy. May
kaputian rin kahit paano. Magaling rin siyang makibagay sa pananamit kaya nung
pagkapasok nito, agaw-pansin, kaso kakikitaang may pagkabalidoso.
“Eto
na siya, yung tinutukoy ko sayo kanina.” Pabulong na wika nito kay Mitche pagkapasok
na pagkapasok ng lalaki.
“Ayan!
Mukhang anak-mayaman at disente kung manamit, kaso nerd!” Sabi ni Mitche na
ikakalakhak nila ng husto.
“Bakit
mo naman nasabing nerd, eh cute-cute nga niya.”
“Kasi,
nakasalamin.”
“Eh
ano kung nakasalamin, bagay naman sa kanya!”
Sa
kabilang banda ay makikipagkilala ang lalaki sa ibang kaopisina ni Rose.
“Hi
Miss, may I know if saan yung computer desk ko? Newbie lang kasi ako dito.
Maamong tanong ng lalaki sa kanila.” Maeenganyo ang kausap ng lalaki dahil sa
taglay nitong hitsura.
“Ah
dito ka na lang malapit sa amin, tutal parating late ang gumagamit.” Alok ng
kausap nito.
“By
the way Sir, whats your name? Tanong naman ng isang account na katrabaho ni
Rose.
“I’m
Rocher, Michael Rocher Ferrero.” Mahinahong sabi ng lalaki na nagpakilalang
Rocher.
“And
you are?” Dagdag nito.
“Ako
naman si Joy! Heto naman sila Nikki at Jefferson. Alam mo Rocher, ang sweet ng
pangalan mo.”
“Bakit
mo naman nasabi yan?”
“Kasi
pangtsokolate and I know you are sweet, literally”. Bigla siyang mapapanamnam.
“Hello
Rocher, welcome to your new office!” Masigabong bati nina Nikki at Jefferson.
“Salamat
sa inyo!” Lilinga-linga ito kung saan-saan hanggang sa mahagip ng kanyang
paningin ang presensiya ni Rose.
“Teka,
matanong ko lang sa inyo, ano nga palang pangalan ng babae na nasa kabila?”
Pormal na tanong nito sa kanila na interesadong makilala si Rose.
“Asan?”
Tanong ni Joy at ituturo ni Rocher ang kinaroroonan ni Rose.
“Siya
ba? Si Rose yan. Bakit sa dami namin dito sa office, parang sa kanya ka lang
interesado?” Tanong ni Joy sa kanya.
“Ah
wala lang, I saw that she possesses pleasing personality. Ang ganda-ganda niya
kasi tapos ang puti-puti pa.
“Sa
tagal niya sa kompanyang ito, bulag lang ang hindi magsasabing maganda siya.
Bakit crush mo, kasi siya agad ang una mong napansin?” Tanong naman ni Nikki.
“Crush
agad, hindi ba pwedeng nagagandahan lang ako sa hitsura niya at saka mukha
siyang mabait.”
“Naku
Rocher, kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba kasi taken na yan eh. Yung
single.” Payo sa kanya ni Nikki.
Ganda
kasi ng lola mo kaya maging ang baguhan lamang nilang katrabaho na si Rocher ay
agad na nahumaling kay Rose. Abala nun si Rose sa kanyang trabaho nang biglang
may tumawag sa kanya sa hindi inaasahan.
“Hello,
who’s this? Yung totoo, tawag ba to o text?”
“Rose,
kung nakikilala mo pa ako, ako to si Yaya Kloring.”
“Yaya
Kloring, bakit po kayo napatawag at saka pano niyo po nakuha ang number, eh
nagpalit na ko?”
“Malamang,
Friend tayo sa FB mo at nakalagay sa about mo ang number mo. Napatawag ako
kasi, huwag kang mabibigla.”
“Pambihira
naman po kayo Yaya, akala ko mangangamusta lang kayo kaya niyo ko tinawagan,
iyon pala may mahalaga kayong sasabihin! Bakit ano po ba yan?”
“Yung
Ex mo na si Don Alfredo, may sakit at malubha na.” Magigimbal ng husto ang
kalooban nito nang mabalitaan ang tungkol kay Don Alfredo.
“May
sakit, ano po bang sakit niya at kailan pa yan?” Tanong nito na may
pagkagimbal.
“Huwag
ka talagang mabibigla dahil maselan ang sasabihin ko sayo. Si Don Alfredo may
ano, ano.”
“Ano?
Sabihin mo na at huwag nang patagalin pa.”
“May
ano siya, ay nakalimutan ko na! Ano nga ulit yun?” Biglang sasabat si Tutchang
sa usapan nina Rose.
“May
Human Immunodeficiency Virus siya o HIV, ikaw kasi kung ano-ano inaatupag mo
Kloring!”
“Talino
mo kasi besh, basta usaping ganyan, diyan ka magaleng!” Pabirong wika ni
Kloring kay Tutchang.
“Si
Fredo may HIV? Kelan pa? Bakit nagka-girlfriend pa ba siya matapos sa akin?”
“Tama
ka, nagka-girlfriend pa siya although gurang na siya at nakapito pa.”
“Wow
after past 4 years na hiwalay kami sa isat isa, nakalimang babae na agad siyang
pinatos, lupet ng matanda ah, may asim pa! Sa mga naging girlfriend niya, sino
ang nakadale sa kanya?”
“Actually
Rose, yung isa sa kanila, hindi tunay na babae, nagpapanggap lang at malakas
ang hinala namin na sa kanya nagmula ang sakit na yun.”
“Walang
hiya! Pati bakla, hindi niya pinatawad. My Goodness! Ano bang napakain ng
baklang iyon at goyong-goyo si Fredo sa kanya?”
“Hindi
namin alam, basta ang flawless niya kasi and siguro ay doon naakit si Don
Alfredo. Actually, siya yung huli niyang nakarelasyon bago ito.” Tsika ng
tsismosang si Tutchang.
“Saka
tagal rin nilang nagsama, siguro mga 7 months. Nung nalamaman niyang may sakit
ang matanda, tahasan niyang hiniwalayan.” Sabat ni Kloring.
“Anong
koneksyon ko sa pagkakasakit ni Fredo, eh matagal nang tapos sa amin?”
“Iyon
nga Rose at isa pa, kaya kami tumawag kasi gusto ka niyang makita bago siya
bawian ng buhay. Alam kong malaki ang utang na loob mo sa kanya dahil sa
naitulong nito sayo kaya kahit hindi na kayo at may katiting kang awa sa
dibdib, pumunta ka.”
Parang
ninakawan ng lakas si Rose nang mabalitaan nito sa dati nitong kasamahang
kasambahay ang tungkol sa kalagayan ni Don Alfredo at gusto niyang dalawin ang
matanda, kaso iniisip nito ang relasyon nila ni Jose kaya minabuti niyang
magpaalam sa kanya.
“Sweetie
Pie, may ipagpapaalam ako sayo.” Pambungad na wika nito nang makadaupang palad
si Jose.
“Ano
ba yun at saka bakit sa akin ka nagpapaalam, hindi mo naman ako magulang?”
“Ayaw
mo talaga sayo ako magpaalam, sige at walang sisihan ah.” Biglang aalis si Rose
subalit pipigilan ni Jose at parang nakuryente sa kilig ang dibdib nito nang
mahawakan ito sa braso ni Jose. Haharap si Rose na parang binuhusan ng asukal
sa mukha dahil sa hindi mapigil na kilig.
“Asus
para-paraan ka sa kin para maka-iskor ka lang, ano bang ipagpapaalam mo sa
akin?”
“Jose,
kung ayos lang sayo. Pwede ko ba dalawin ang Ex ko? May sakit kasi siya ngayon
at pinapapunta ako.”
“Matagal
nang tapos sa inyo, bakit kailangan pumunta ka pa?”
“Hindi
ko alam kung bakit niya pa ko pinapapunta but I think, may mahalaga siyang
sasabihin sa akin.”
“Na
makipagbalikan ka na sa kanya, naku sweetie, hindi ako makakapayag! Ngayon
palang ay hindi na ko papaya na dalawin mo siya!” Biglang babatukan ni Rose si
Jose sa batok.
“Sira,
inunahan mo naman! Malay mo naman, may iba siyang sasabihin sa akin, na
mahalagang bagay. Naawa ako sa matanda kasi malaki-malaki na rin ang naitulong
niya sa akin kahit maikling panahon lang kami nagkasama kaya sige na, payagan
mo na ko.” Pakiusap nito kay Jose na halos paluhod na.
“Dahil
mahal kita, hindi na kita pahihirapan pa at sige, pumapayag na ako, basta
ipangako mo sa akin na hindi ka makikipaglambutsuhan sa matanda, kung hindi at
kapag nahuli ko kayo, ako mismo ang tatapos sa kanya, hindi yung sakit niya!”
“Grabe
ka naman, hindi ka na naawa sa matanda men, hindi ako shunga para gawin sa
kanya yun, ano share your blessings ang peg?! Thank You sa pagpayag and I love
you!”
Pumayag
nga si Jose sa nais ni Rose na dalawin si Don Alfredo. Pagkatungtong ni Rose sa
hospital kung saan naka-confine si Don Alfredo, laking gulat niya dahil bukod
sa kanya, may kasama pa itong mga babae na naging karelasyon ng matanda.
“Anong
ginagawa ng mga babae dito, akala ko, ako lang ang pinapapunta niya. Hindi ko
naman akalaing papupuntahin rin niya pati ang iba pa niyang naging GF.
Nakakailang naman, ako lang ang bata sa kanila. Karamihan, tumandang dalaga na
pero may late 30s din naman. Ano ba yang pinaggagawa ng matanda sa buhay nito,
nagpapakasasa sa ibat ibang babae, samantalang may mga anak na siya.
Tanda-tanda na eh, naghahanap pa rin ng kaligayahan.” Sabi nito sa loob-loob at
biglang mapapabuntong hininga nang papasukin na siya ng assistant ni Don
Alfredo sa Patience room.
Magigimbal
ng husto ang dibdib nito nang masilayan si Don Alfredo na bukod sa nakaratay,
marami nang tubong nakapasak sa katawan nito dahil kumalat na ang sakit at
nangangayat na tipong labas na ang mga buto-buto na maaari nang ikumpara sa
kalansay. Parang tinadyakan ng awa si Rose sa dibdib nang masilayan nito ang
kasalukuyang kalagayan ng matanda.
“I-ikaw
na-na ba yan Rose?” Tanong nito na hirap na hirap magsalita dahil sa
panghihina. Hindi na makakapagsalita pa si Rose at mapapaiyak na lamang ito.
“Natu-tuwa
ako at nagkita tayong muli Ro-Rose. Gusto kong sa-sabihin sayo na ka-kaya kita
pina-punta dito, ka-kasi gusto kong hu-humingi ng tawad sa nagawa ko sa-sayo.
Kung naging mi-miserable ang bu-buhay mo da-dahil sa akin. Kung nagawa
ki-kitang pilitin na maki-kipagrelasyon sa kin kahit alam kong, di-di mo ko
mahal. Bata pa nun at nag-aaral, hi-hindi ko dapat nilagay ang bu-buhay mo
sa-sa ganon. Kaya I hope, you’ll forgive me, even I know, I do a lot of things
that made you so terrible as we had relationship.” Mautal-utal na wika ng
matanda na parang naghihinalo at lalong mapapaiyak si Rose.
“Hindi
mo na kailangang humingi ng tawad, dahil matagal na kitang pinatawad. Ang sa
akin lang is, naka-move on na ko and past is past. Magpagaling ka at
magpalakas, kailangan ka pa ng mga anak mo at mga nagmamahal sayo. Salamat din
sa lahat ng naitulong mo sa akin.”
“Wa-walang
anuman Rose. Gaya ng iyong kagandahan, pati ka-kabaitan mo ay hindi pa rin
kumukupas.” Mautal-utal muli na wika ng matanda.
“So-sorry
din, kung nagawa kitang i-block sa Facebook, pati sa Tweeter, nung maghiwalay
tayo.”
“Naku
Fredo, wala na yun, dini-activate ko na ang mga account ko.”
Ilang minuto ang lumipas, habang sila ay
nag-uusap, biglang mananakit ang bungo ni Don Alfredo.
“Nurse!
Nurse!” Natetensyonableng tawag nito at maalarma ang mga naging kasintahan ni
Don Alfredo na hindi pa nito nakakausap pa. Sa bagal ng mga nurse at dahil
hindi na kinaya pa ni Don Alfredo ang pananakit ng ulo, binawian na ito ng buhay.
Sinubukang i-revive ng mga nurse ang katawan ni Don Alfredo subalit huli na.
“Time
of death, di ko pala nasuot ang relo. Saan ba ang orasan?” Idedeklara na sana
nito ang kamatayan ni Don Alfredo nang mapagtatanto niyang hindi suot ang relo.
Sa pagkamatay ni Don Alfredo ay mistulang babaha na sa tindi ng kanilang
hinagpis maging si Rose.
“Fredo,
bakit mo kami iniwan! Dito ka lang!” Panaghoy ni Rose na mahigpit na niyayakap
ang bangkay ni Don Alfredo habang inihahanda ng mga nurse na ilagak ito sa
morgue.
“Miss,
baka balak mong iuwi ang bangkay ng lalaking ito?” Tanong ng nurse nang
makitang hindi bumibitaw si Rose sa bangkay ni Don Alfredo kahit nasa morgue
na.
“Ay
nasa morgue na pala ako, Ano ba yan!” Saka lamang siya bibitaw nang malamang
nasa morgue na ito at mapapapahid-luha.
Kahit
walang ni katiting na pag-ibig na naramdaman si Rose habang karelasyon si Don
Alfredo kung naging malapit naman ang loob nito dahil sa kanyang mga naitulong
ay naging masakit pa rin sa kanya ang pagpanaw nito subalit natanggap din ng
loob kinalaunan. Sumama si Rose, maging ang pamilya nito at kasintahan sa
libing ni Don Alfredo.
“Hanggang
sa muli, paalam sa’yo Fredo.” Malungkot na sabi nito habang hinahagis ang
bulaklak at unti-unting ibinababa ang ataul pailalim. Nang babang-baba na ang
ataul at tatabunan na ng lupa, maapapansin nila na parang bahagyang gumagalaw
ang taklob nito at maririnig na may kumakatok.
“Bakit
parang may kumakatok sa kabaong ni Dad.” Takang-takang tanong ng anak nito nang
may marinig siya.
“Naku
Sir, isa lang ang ibig sabihin niyan, baka nabuhay na si Don Alfredo at kumakatok
siya para pagbuksan niyo ng kabaong.” Natutuwang sabi ni Tutchang at agad namang
maniniwala ang mga anak ni Don Alfredo sa kanyang mga haka-haka kaya uutusan
nilang buksan ang kabaong, sa pag-aakalang nabuhay nga ang kanilang ama.
“Sige,
buksan niyo yan, baka nga nabuhay si Dad at kumakatok siya!” Dali-daling
bubuksan ng mga taga-funeral service ang kabaong at pakabukas ay magigitla sila
ng lubos sa makikita.
Ngeks,
may daga! Pano sila nakapasok diyan at ang lalaki pa?! Gulat na gulat na tanong
ni Yaya Kloring nang makitang namumugad ang mga daga sa labi ni Don Alfredo at
dito ay magsisipagtakbuhan sila nang magsipaglundugan ang mga malalaking daga.
Matutuklasan nila na may butas pala ang kabaong ni Don Alfredo kaya nakapasok
ang mga daga.
Chapter XII
Karibal
Karibal
[Makalipas
ang dalawang Linggo]
Maagang
pumasok si Rose sa kanyang opisina at pagkapasok nito at dahil likas sa kanya
ang pagiging magugulatin, laking gulat nito pagkat si Rocher pa lamang ang
kanyang nadadatnan.
“Si
Rocher pa lang ang nandidito? Ano ba yan, sa dami ng makakasama ko, siya pa! Eh
ang yabang-yabang nun, tapos makaporma sa akin, akala sasagutin ko siya. Hello,
may BF na ko.” Sabi nito sa loob-loob na yamot na yamot nang makita si Rocher
at pasimple itong papasok para hindi siya makita subalit sa linaw ng mata nito,
nakasalamin ba naman, makikita at makikita pa rin ito.
“Hello
Rose, Goodmorning!” Malakas na bati nito kay Rose pagkakita pa lamang sa kanya
at mabilis nitong aayusin ang polo at papagpagin na tipong nagpapaporma muli sa
kanya.
“Goodmorning
din sayo Rocher. Ang aga mo naman ngayon.”
“Kaya
ako maaga, kasi inaabangan-abangan kita. Alam mo Rose, kahit hindi biro ang
trabahong ito at nakaka-stress, kapag nakikita kita, natatanggal ang stress ko.
Ikaw din ang nagpapaganda sa bawat araw na pumapasok ako dito.”
“Naku
Rocher, ayan ka nanaman, pwede ba tigil-tigilan mo na ko at kahit pabulaklakin
mo pa ang mga sinasabi mo, hindi mo ko makukuha sa mga paganyan-ganyan mo.
Maigi pang magtrabaho ka na lang diyan at huwag mo kong pinopormahan!” Wika
nito na tipong nagsisimula nang magliyab.
“Sungit
naman nito, meron ka siguro ngayon? Gusto ko lang naman maglambing sayo kahit
papaano para makita mo kung gaano ako ka-sincere sayo.”
“Dah
maglambing, hindi mo ko ano kaya huwag kang ano diyan! Utang na loob Rocher,
tigil-tigilan mo na ko, ganda-ganda ng umaga ko at ayaw kong magalit sayo.” Titigil
na nga si Rocher sa pangugulit kay Rose.
Desidido
si Rocher na mapasakanya si Rose sa kabila na batid ng kanyang isipan na may
minamahal na ito kaya itinuloy niya ang pagporma at pagpapansin kay Rose. Nang
gabing iyon at pauwi na sana si Rose nang bigla siyang inabangan ni Rocher.
“Aha,
si Rose yun, sinuswerte-swerte nga naman ako ngayon.” Natutuwang sambit ni
Rocher pagkasilay kay Rose na naglalakad ng mag-isa habang papauwi at tahasan
nitong lalapitan. Pagkalapit na pagkalapit nito.
“Ikaw
nanaman! Pati pa naman sa pag-uwi ko, ginugulo mo ko! Alam mo, kapag hindi ako
nakapagtimpi! Babaragin ko ang ano mo!”
“Rose,
hanggang kailan mo ko pahihirapan, hanggang kailan mo ko matatanggap? Tiyak na
hindi ka magsisisi kung maging tayo.”
“Hello
tsong, nakainom ka ba? Hunos-dili ka nga sa pinagsasabi mo. Paano magiging tayo
eh may Boyfriend na ko!”
“Edi
hiwalayan mo siya at makipagtanan ka sa kin, tutal mayaman naman ako kaya kung
anuman ang naibibigay niya sayo, kaya ko yung tapatan at hihigitan ko pa, mapasakin
ka lang habang buhay.”
“Wow
naman Rocher, ganun ka na ba ka-obessess sa akin at nasasabi mo yan?! Kahit
tapatan mo pa ako ng isang milyon at higitin kung anuman ang naibibgay sa akin
ni Jose, hindi-hindi ko siya hihiwalayan. Natututo na ko at mas matimbang sa
akin ang pagmamahal kaysa pera kaya wala ka pa ring binatbat!”
“Bakit
Rose, mahal naman kita at bukod sa pera, kaya ko rin ibigay yun sayo.”
“Eh
ang kaso, hindi kita mahal! Please lang Rocher, nakikiusap ako, tigilan mo na
ko at huwag nang umasa pa na magiging tayo balang araw dahil masasaktan ka
lang! Kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba, yung makaya kang tanggapin,
hindi ako! At sabay iiwan na ni Rose si Rocher. Pagkaalis na pagkaalis nito.
“Kahit
ano pang sabihin at gawin mo, mapupunta ka pa rin sa akin, Rose! Everything
that I wanted is supposed to be mine. Ahe! He!” Malalim itong ngingisi tila ba
positibong-positibo sa maaring mangyari at aalis.
Lumaking
marangya si Rocher at lahat ng kanyang gusto ay makukuha kaya naging
ganon-ganon na lamang ang kanyang pananaw, yung tipong hindi ito titigil
hanggat hindi makukuha ang gusto. May pagtingin si Rocher kay Rose, simula nang
una pa lamang nitong makita kaya isa siyang malaking banta sa pagmamahalan
nila. Araw ng mga puso noon ay pinuntahan ni Jose si Rose sa kanyang trabaho
para dalhan siya ng isang bayungkos ng bulaklak at tsokolate.
“Ma’am,
may tumatawag sayo.” Sabi ng gwardiya at dali-daling bumaba si Rose. Pagkababa
nito, isang sorpresa ang sasambulat sa kanya.
“Oh
Jose, sweet mo naman at talagang sinadya mo pa ko dito. Sa akin ba yan dala
mong bulaklak? Pangiting tanong nito pagkaharap kay Jose at muli ay mamumula
ang mukha dulot ng kilig.
“Tinatanong
pa ba yan, may iba pa ba akong girlfriend bukod sayo?!” Sabay iaabot ni Jose
ang bulaklak sa kanya.
“Ikaw
naman, nagagalit agad, naninigurado lang naman ako. Oy, salamat at naisipan mo
pa kong dalhan niyan, kahit ordinaryong araw lang.”
“Hello,
di mo ba alam, Valentines ngayon.” Magugulat si Rose pagkat hindi nito
namamalayang Valentines day ngayon.
“Valentines
ba ngayon? My goodness! Naku Jose hindi ko alam na Valentines pala ngayon,
nakalimutan ko. Dami ko kasing inaalala, lalo na sa work.”
“Eh
birthday ko, naaalala mo pa, baka mamaya niyan, kinalimutan mo na rin.”
“You
are only special for me and everyone that are special gaya nina Mama pati ikaw,
I would never to forget their day.”
“Sige
nga, kung hindi mo nakakalimutan, what day do I celebrate my birthday?”
“November
1, iyon ang birthday mo hindi ba?” Pabirong tugon ni Rose.
“Wow,
ginawa mo naman akong patay niyan, gusto mo, mag-break na tayo, sabihin mo lang!”
Biro
lang sweetheart, siyempre sa February 24. 14 ngayon, hala siya! Malapit na nga
ang birthday mo! Gulat na gulat na wika ni Rose nang mapagtantong nalalapit na
ang kaarawan ni Jose. Habang moments nilang dalawa ay makikita ni Rose na
umaaligid sa kanya si Rocher kaya ipapamukha nito sa kanya na may nagmamay-ari
na ng kanyang puso.
“Sweetie
Pie, ngayong nalalapit na ang birthday mo, saan mo gustong i-celebrate yan?
Gusto mo, mag-outing, kahit tayong dalawa lang? Nang maramdaman mo na kahit
kailan o anuman ang mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo.” Manamis-namis na
wika ni Rose sabay aakapin nito ang bisig ni Jose para ipamukha nito kay Rocher
na wala siyang pag-asa sa kanya.
“Bahala
ka, saan mo ba gusto tayong mag-outing?”
“Ah
alam ko na, mag-tagaytay tayo, malamig dun at tiyak na hindi mo makakalimutan
ang magiging birthday dahil maraming makikitang magagandang tanawin like Taal
Volcano!” Nang mapansin ni Rose na wala na si Rocher, saka lamang nito ititigil
ang pag-akap kay Jose at magpapaalam.
Samantalang
labis ang pagka-beastmood ni Rocher nang makita nito kung gaano katamis ang
pagsasamahan nina Rose at Jose kaya naisipan nitong puntahan ang kanyang mga
kaibigan sa bar at doon ibinuhos ang pagseselos.
“Pre,
ang saya-saya ng gabing ito, kasi Valentines, bakit ikaw, nakabusangot ang
pagmumukha diyan? Anong problema?” Masigasig na tanong ng katropa nito sabay
lalagok ng champagne, susyal hindi ba?
“Kaya
iyan malungkot, kasi First time lang niya i-celebrate ang Valentines na single.”
Sabat ng isa nitong katropa at maghahalakhakan sila maliban kay Rocher na may
dinadamdam at para bang nanamlay ito. Hindi maglalaon ay sasabihin na nito ang
dahilan.
“Yang
kasing Boyfriend ng mahal ko, biglang dumating, sayang at bibigyan ko sana siya
ng bulaklak, kaso naunahan ako pre, sayang talaga! Hindi naman kagwapuhan ang
syota niya, kung tutuusin, chararat nga! Naku pre, kung ikukumpara mo kaming
dalawa, yang kagwapuhan niya, wala pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko. Aywan
ko ba kung paano napasagot ng lalaking iyan si Rose, eh ang ganda-ganda niya,
tapos siya, Chararat at mukhang paa!” Magalit-galit na wika nito dahil insecure
siya kay Jose.
“Pare,
baka naman yang babaeng itinitibok ng puso mo, baka hindi sa hitsura binabase,
kundi sa sarap na matatamo niya, ahahaha!” Sabi ng lasenggero nitong kaibigan.
“Tama
ka diyan pre, aanhin pa ang papogi kung ang katawan mo, di naman yummy!” Sabi
naman ng isa pa nitong kaibigan na lunod na rin sa alak at magsisipagtawanan
sila.
“Alam
mo pre, kung sineryoso mo lang ang mga babaeng dumaan sayo, hindi ka sana
magkakaganito, yung ikaw na mismo ang hahabol imbes na ikaw ang hinahabol, kasi
lalaki ka, mayaman at higit sa lahat, may potensyal kang sumali sa MR. Pogi,
ang kaso kinulang naman sa paggamit ng utak! Ahahaha!” Sabi muli ng lasenggero
nitong kaibigan.
Nabuyo
na si Rocher sa mga patutsada nila kaya hindi na nito napigil ang sariling
makipagbasag-ulo.
“Kahit
ano pang sabihin niyo, mapapasaakin din si Rose!” Nagngangalit na wika nito
sabay uundayan ng sapak ang kumpare nito at magsasapakan.
Habang
nagpapalitan sila ng lakas, biglang tutunong ang alarma at magkakagulo.
“Hoy
pre, itgil niyo na yan! Nagkakagulo na dito. Naalarma na sila!” Sabi naman ng
isa pa nitong kaibigan habang inaawat sila.
Takang-taka
sila kung bakit ganon na lamang kaingay ang alarma nang magsapakan sila, iyon
pala’y may nagaganap nang sunog at dali-daling tumakbo palabas. Samantala at
nang dumating ang kaarawan ni Jose, itnuloy nila ang balak na magtungo sa
Tagaytay at doon i-celebrate ang kaarawan nito. Habang magkasama sila at
masayang pinagmamasdan ang magagandang tanawin.
“Wow,
you see, my dear love, The taal volcano looks great.” Nahahalinang wika ni Jose
habang akbay-akbay ng kanyang bisig si Rose at sabay kukuhaan ng litrato.
Yes
exactly what you see. Once again, happy birthday to you. But wait sweetheart, I
just noticed, you’re only 23 years old but now you are mature in thinking. Nung
unang maging tayo, almost five years ago, hindi ka gaya ng kasing-edad mo kung
mag-isip. Marunong kang dumiskarte, basta parang ang mature-mature mo na!”
“Sa
hitsura rin ba mature?”
“Hindi
ah, para ka ngang baby face.” Pambobola diumano nito.
“Alam
mo Rose, gaya ng sinabi ko sayo. Ako bunso sa aming walong magkakapatid. 52 si
Papa nang ipanganak ako, in his second spouse. You’re right that I am the same
to the old people who are thinking in a mature way, kasi puro matatanda na ang
mga kapatid ko at sa kanila ko natutuhan ang ganitong pag-iisip.
“Teka
lang Jose, ilang taon na ba ngayon ang panganay niyo?”
“I
think, mga 56 na ang ate ko ngayon.”
“56
years old, ang layo naman ng agwat niya sayo?”
“Oo,
56 na siya at magugulat ka, dahil may apo na siya. Maaga kasing lumandi ang ate
ko, 16 years old pa lang siya nung una siyang manganak. Yung panganay naman
niya, which is my nephew, ayun mana kay ate at maaga ding lumandi. 19 years old
lang siya nung unang magkaanak, samantalang ako, 2 years old pa lang.”
“Grabe
naman pala ang angkan niyo, ang aaga magsipag-anak at pasa-pasa by generation,
di napigilan ang kati sa uhmm. Ibig sabihin, sa edad mong 23 pa lang, I wonder
that you’re already a Grandpa even you still young.” Gulat na gulat na wika ni
Rose.
“Tama
ka, lolo na ko at sabi nila, nasa 20 something na raw ang mga apo ko.
Nakakagulat, hindi ba? Sinong mag-aakala na sa edad kong ito, may mga apo na ko
dahil sa mga anak ng mga kapatid ko. Kaya hindi mo ko masisisi kung bakit
mature na ko mag-isip.
“Lolo
na pala ang boyfriend ko, pambihira! Eh yung tatay mo, kamusta naman?”
“Ayun,
sa awa ng diyos ay buhay pa, masamang damo kasi eh. 75 na siya ngayon at sa
edad niyang iyon ay may mga apo na sa tuhod.”
“75
na tatay mo, pambihira?! Para na kayong maglolo niyan, hindi mag-ama. In Short,
he will be referring as Super Lolo, just because he has many great
grandchildren. Kilala mo ba kung sino-sino ang mga apo mo?”
“Kilala
ko naman pero sa dami kasi, hindi lahat sa kanila ay kilala ko. Isa na roon ang
panganay. Nung malaman niyang maaga nagkaananak ang anak nito, itinakwil niya.
Mataas kasi ang pangarap niya sa kanyang panganay na anak kaya nung malamang
maagang nag-asawa’t anak, She extremely dissapointed. Teka, maiba nga tayo ng
topic Rose. Nagtataka lang kasi ako kung bakit napunta tungkol sa angkan ko ang
usapan natin.”
“Sorry,
ikaw kasi ang nag-open, nagtatanong lang naman.” At aalis na ang magkasintahan
mula sa kanilang kinaroroonan.
Chapter XIII
Rocher’s temptation
Rocher’s temptation
“Chura
ng face mo Girl, bakit parang ang hirap ipinta?” Nagtatakang tanong ng kanyang
kaoopisina habang kumakain sa isang restaurant.
“Pano,
ayaw akong tantanan ni Rocher, panay pagpapa-cute sa akin. Tapos kanina nung
nasa CR ako at habang papalabas, muntikan na siyang may gawin sa akin. Naku at
buti na lang, may dumating.”
“Diyusko
Rose, hayaan mo na lang ang lalaking iyon. Darating ang panahon na matatanggap
din niya na may nauna na sayo at hindi na kayo pwede sa isa’t isa. I swear at
kapag naisip niya iyon, titigilan ka na niya. Huwag mo na lang papansinin kapag
nagpapa-cute.”
“Basta
at kapag nasuya ako sa kanya, pasensiyahan na lang talaga!” Bigla itong
mapapabunot ng tinidor sabay madiing itatarak sa manok na nakahain sa kanila
dulot ng pagkayamot nito kay Rocher.
Hindi
pa tumigil si Rocher dahil sadyang may kati ang kanyang katawan at nang
makahanap ito ng tiyempo ay tahasan na nitong hindi pinakawalan.
“Ahehehe!
Kamusta mahal ko?” Sabi ni Rocher Habang nasa Restroom si Rose at nag-aayos.
“Bakla
ka ba, Rocher?! Hindi mo ba alam na nasa CR ka ng babae! Anong ginagawa mo dito?
Hinayupak ka!” Lalapit pa lalo si Rocher at bigla nitong hahawakan ang kamay ni
Rose.
“Kaya
ako nandito, kasi gusto ko sayo ipalasap ang nag-iinit kong pagmamahal!” Pilit
nitong Ilalapit ang nguso sa pisngi ni Rose at tila ba hindi na mapigilan ang
pag-iinit nito subalit pipigilan naman ni Rose ang unti-unting paglapit ng
nguso ni Rocher na maaaring bumaboy sa mukha nito’t sisikmuraan.
“Sugapa
ka! Sa palagay mo ba, magagawa mo yan sa akin! Hindi ako makakapayag! Wala kang
karapatang sagpangin ako ng basta-basta! Magkakamatayan muna tayo!”
Mangapoy-ngapoy na wika nito habang iniinda ni Rocher ang pananakit ng sikmura
na likha ni Rose at nang makabawi ay agad itong titindig at tahasang hahawakan
si Rose, mas mahigpit kaysa ginawa nito bago bangasan.
“Kahit
nagpapakasubsob ka sa trabaho, alam mo ang sexy-sexy mo pa rin, mahal ko! Pwede
mo ba ako samahan mamaya sa pag-uwi at doon ka na sa kwarto ko matulog, nang
masulit mo naman ang magiging gabi ko.” Mahigpit man ang pagkakahawak ni Rocher
sa magkabilang kamay ni Rose, buong lakas siyang magpupumiglas para makawala.
Nang makabitaw ito.
“Yuck
Rocher, manigas ka! Hinding-hindi ako sasama sayo, manyak! Alam mo, sa ginagawa
mo sa akin, pwedeng-pwede kitang ireklamo sa EEOC natin ng Quid Pro Quo, nang
itigil mo na ang pangha-harrash sa kin at mapatalsik ka dito, sugapa ka!
Pangit-pangit na nga ng ugali mo, ganon ka pa kamanyak!” Matapang na wika ni
Rose at dali-dali itong lalayo kay Rocher.
“Quid
Pro Quo, ano yun at saan mo naman nakuha?”
“No
need to explain na, magbasa-basa ka nga. May hitsura ka pa naman, kaso dinaig
pa ang namumurol na kutsilyo kasi pulpol kukote mo!” Tugon naman ni Rose at lalapitan
muli siya ni Rocher.
“Don’t
come any closer to me or else, you may experience my punch that’s deadly like
the weapon has! Ano, you want fight!” Paghahamon diumano nito at nasindak naman
si Rocher sa kaangasan ni Rose kaya titigil na ito at umalis.
“Duwag
din pala ang kumag na iyon, hu!” Sabay hahawiin ang buhok.
Nagawa
man ni Rocher na pagtangkaan si Rose, mas pinili pa rin ni Rose na manahimik na
lamang at huwag nang magreklamo, alang-alang sa ikaaayos ng kanyang trabaho,
pagkat mahirap maghanap ng panibagong trabaho at alang-alang na rin sa kanyang
pamilya pagkat siya na lamang ang breadwinner sa kanila.
“Alam
mo Rose, kung ako sayo, dapat inireklamo mo na yang mokong na si Rocher sa
organisasyon, kasi hangga’t nakikita niyang mahina ang loob mo, kakayan-kayanin
ka niya at maari niya pang ulit-ulitin ang gagawin sayo! Sa nakikita ko kasi sa
kanya, isa siyang dominanteng tao.” Udyok ng kanyang katrabaho.
“Pwes
ako hinde, nagkakamali siya. Although may tama siya, sa akin!”
“Iyon
naman pala Rose, magsumbong ka na hanggat maaga pa. Ipakita mo kay Rocher na
matapang ka at walang inuurungan, nang masindak siya.” Udyok pa ng isa nitong
katrabaho.
“Alam
niyo, ang pagiging matapang, inilulugar yan. Kaya hindi ko magawang magreklamo,
hindi dahil sa natatakot ako. Alam niyo kung bakit? Kasi iniisip ko ang pamilya
ko at pati itong trabaho, at ayaw kong maapektuhan iyon dahil lamang doon. Kaya
mas maiging manahimik na lang kaysa masangkot ka sa gulo. Isa pa, baka saan pa
ito mapunta.”
“Kung
wala kang balak magreklamo, papayag ka na lang ba na paulit-ulit na i-harrash
ni Rocher.”
“Siyempre
hindi noh, makikita niya! Tiwala naman ako na hindi na niya uulitin iyon, kasi
kanina tinarayan ko siya nang pagtatangkaan niya muli ako at nang gawin ko
iyon, takot na takot ang mokong na sugapa. Kaya tingin ko, never na niyang
gagawin iyon. Kahit sabihin ng karamihan sa atin na yang si Rocher, may pagkamayabang
at antipatiko, na tipong kaya niyang i-dominate ang surroundings niya dahil sa
may power ang magulang nito, nakatitiyak ako na may kahinaan din ito at nakita
ko na yon. Iyon ang gagamitin ko kapag umulit siya.”
“Irerespeto
na namin kung ano ang desisyon mo, basta Rose, kapag balak mo nang magreklamo,
tawagan mo lang kami. We only here for you, Rose.”
Lunes
ng umaga at habang papasok si Rocher sa opisina, aksidenteng matatapunan siya
ng kape ng empleyadong inutusan ng boss. Humingi naman kaagad ang empleyado
kaso itong si Rocher, naging matapobre.
“Sir,
sorry kung natapunan ko kayo ng kape, hindi ko sinasadya!” Nababalisang sambit
ng isang empleyado habang dali-dali nitong pinupunasan ang polo ni Rocher na
bakat na bakat sa kanyang katawan. Mapapabuntong hiningi si Rocher sa inis at
pagkaharap.
“Uggh!
Hindi mo ba alam na mas mahal pa ito, kaysa sa buhay mo! Ito pa naman ang
pinakaiingat-ingatan ko, dudumihan mo lang! Hindi ka kasi tumitingin sa
dinadaanan!” Nanggagalaiting bulalas nito sa empleyado.
“Grabe
naman kayo sir sa akin, hindi naman nabibili ang life, at saka hindi ko naman
po sinadya eh.” Katwiran ng Empleyado.
Habang
pinagsasalitaan ni Rocher ng hindi maganda ang empleyado ang pagdating naman ni
Rose.
“Alam
mo, kung ako lang ang boss mo, I’ll absolutely fire you!” Madiing-diing sabi
nito na may panduduro at biglang sasabat si Rose.
“At
ikaw naman Rocher, kung ako lang din ang boss mo, ipa-fired din kita! Ganyan ka
ba makitungo sa mga kasamahan mo dito, na feeling mo, hari ka?! Sa pinapakita
mong kagaspangan ng ugali, malinaw na ikaw dapat ang sisantihin, hindi siya!”
Nag-aapoy na wika nito nang makaharap si Rocher at muli ay babastusin siya.
“Alam
mo Rose, kapag nagagalit ka, lalo kang gumaganda.” Pangiting puri nito habang
hinihimas-himas ang pisngi subalit agad naman aalisin ni Rose ang mapangahas na
kamay ni Rocher.
“Alam
mo Rocher, matutuwa sana ako, kaso nakakainis ka! Sumosobra ka na sa
panggaganyan mo sa akin, kapag hindi ka tumigil, sha-shakrahin na kita!”
“Sakura,
is that you? Sige go lang po, ako naman, gagamitan siya ng Shippuden!” Sabat ng
empleyado.
“Sige,
go ahead, hindi ako natatakot sa inyo, ako yata si Naruto! Tingan ko lang kung
may laban kayo.” Dahang-dahang aalis si Rocher at sabay papagpagin ang kwelyo
ng polo nito na para bang nagyayabang.
“Yabang
mo! Butinga at natapunan ng kape!” Pasigaw na sambit ni Rose.
“Ma’am,
salamat po sa pagmamalasakit at ipinagtanggol niyo ko sa kanya. Ang bait-bait
niyo po.”
“Naku
Manang Gudang, wala iyon. Ginawa ko lang ang nararapat para sa gaya niyang
balidoso’t pintasero! Hindi niya dapat kayo ginanyan-ganyan kasi wala siyang
karapatan!” Sa halip na makinig pa sa sinasabi ni Rose ay magmamadaling aalis
si Manang Gudang.
“Teka
lang Manang, kinakausap ko pa kayo, aalis na kayo, kwentuhan muna tayo!”
“Ma’am
sensiya na po, baka hinahanap na ko ng boss ko at kailangan kong magtimpla ng
panibagong kape.”
Dahil
sa pangyayaring iyon at napag-isip-isip ni Rose na hindi na tama ang
ipinapakitang ugali ni Rocher, hindi lamang sa kanya maging sa kaopisina nito,
matutuldukan na ang kanyang pananahimik at tahasan ng magrereklamo. Karamihan
sa kasamahan ni Rose, buwisit na buwisit kay Rocher kaya nagkapit-bisig na sila
para ilakad ang reklamo laban sa kanya. Sa kabila ng mga reklamong ipinupukol
sa kanya, walang hiya lamang pagkat sa halip na sibakin na si Rocher ng
Chairman sa kompanya, sinuspinde lamang ito for one month. Paanoy isang binabae
ang Chairman at akit na akit kay Rocher.
Nakakadismaya
naman ang ibinabang hatol ng Orginasasyon kay Rocher. Imbes na sisantihin na,
matapos ang mga ginawa niyang kawalang-hiya, lalo na sayo Rose, sinuspinde lang
siya, hindi naman makatarungan yan! Ngitngit na ngitngit na wika ng katrabaho
ni Rose.
“Palibahasa,
kaya ini-hold lang si Rocher, beki ang Chairman at kita naman sa mukha na type
na type niyang daglatin! Dapat sa Chairman kung ganyan, pinapalitan!”
“Pasalamat
na lamang ang Rocher na yun at ulol na ulol sa kanya ang baklushing Chairman na
yun, kung hindi, tanggal talaga siya!” Sabi naman ni Mitche.
“Hayaan
niyo at kakausapin ko ang Chairman, baka sakaling magbago ang isip niya at
sisantehin na talaga si Rocher. Sa ngayon at habang hindi pa natatapos ang
isang buwan, subukang ipinatag ang kalooban and lets have a party.” Masayang
sambit ni Rose na pakiwaring nakawala sa pagkakagapos nang suspindihin si
Rocher
Saktong
papauwi na si Rose galing opisina nang biglang tumawag si Jose.
“Hello?
Oh Jose, napatawag ka.” Pangiting sambit ni Rose.
“Nangangamusta
lang ako kung ano na nangyari sa kaso niyo?”
“Ayun
disappointed, nakapagbaba na ng hatol ang aming organization at imbes na
hatulang matanggal na si Rocher, sinuspinde lang ito for one month. Ang sabi,
hindi raw sapat ang mga reklamong magdidiin sa kanya. Pero ang totoo, naaamoy
na may gusto ang Chairman namin sa kanya, kaya nauwi sa ganon.”
“Grabe
naman pala yung Chairman niyo, napaka-bias. Ano bang pinakain ng ga*g*ng Rocher
na yon at patay na patay siya?!”
“Pinakain?
Ng kanyang matatamis na salita, iyon ang pinakain niya kaya hulog na hulog ang
bakla. Pero maigi na rin yun para hindi na niya gawin ang binabalak sa akin at
makapagtrabaho ako ng maayos.”
“Kaso,
isang buwan lang iyon, kapag bumalik siya? Hindi malabong uulitin niya iyon
sayo at hindi ako makakapayag, mahal kita at dapat ay pinoprotektahan kita.
Alam ko na, may naisip ako para hindi maka-iskor ang kumag na yon.”
Dahil
sa pangamba ni Jose na pagtangkaan muli si Rose, oras na bumalik ang manyakis
na si Rocher na baliw na baliw sa kanya, napagpasyahan na nitong magtrabaho sa
mismong pinapasukan ni Rose para maprotektahan ito. Pumayag naman si Rose sa
naging pasya ni Jose at lalong ginanahan sa pagtatatrabaho dahil kasama na si
Sweetie Pie.
Chapter XIV
Pagpapanggap
Pagpapanggap
[After
one month, Rocher is back.]
“Nandito
nanaman ang kumag na naghahari-harian, nagbabalik.” Bulong ng katrabaho ni Rose
nang makita si Rocher na nagbabalik.
“Hello
mga Co-workers! Im back, kamusta? Na-miss niyo ba ko?!” Tanong ni Rocher
pagkapasok pa lamang nito sa opisina subalit ni isa ay walang sasagot. Magugulantang
ito sa makikita.
“Bye
Sweetie Pie, mamaya ulit!” Manamis-namis na sabi ni Rose kay Jose nang papasok
na ito sa opisina at hahalikan sa pisngi.
“Mamaya
din sayo Mahal ko.” Hahalikan naman nito ang noo Rose at sabay tutungo na sa
ibang opisina si Jose. Pagkapasok ni Rose.
“Anong
ginagawa ng Boyfriend mo dito?!” Gulat na gulat na tanong ni Rocher kay Rose at
magugulat din si Rose nang makitang nakabalik na ito.
“Shock
naman ako sayo Rocher, nakabalik ka na pala? Welcome back.” Kaplastikang bati
nito.
“Nakikita
ko sayong mga mukha na nakangiti kasi nagbalik na ko.”
“Assuming
naman nito, walang pagbabago at hambog pa rin!” Sabi ni Rose sa loob-loob na
kulang na lang ay gatungan si Rocher ng nagbabaga nitong kamao sa ulo.
“Alam
mo Rocher, nung nawala ka dito ng isang buwan, marami ng nagbago na tiyak na
ikakapanibago mo, gumanda at umayos kasi ang opisina at sana sa pagbabalik mo,
nagbago ka din. By the way, my truly love fiance is already working here for
about 2 weeks at sana ay magkasundo kayo.” Mapapakunot ang noo ni Rocher sa
sinabi ni Rose na kasama na nito si Jose sa trabaho at kukulo ang dugo.
“Make
sure na magkakasundo kami, kasi alam mo na, pareho kaming gwapings, right
Che-che? Tanong nito kay Che-che, baklang laway na laway sa kanya.
“Oo
naman Fafa Rocher, I’m glad that you come back and now you’re backed, may
pag-asa na bang maging tayo?” Tanong ng bakla na parang nakatikim ng kalamansi
pagkat nangangasim ang mukha sa kilig.
“Just
put out your dick, then I’ll court you!” Bulalas nito sa bakla at aalis na para
bang walang nangyari.
Wala
ngang pagbabago kay Rocher na isa pa ring balidoso, mayabang at lokong-loko sa
alindog ni Rose. Kahit naroroon na ang Boyfriend ni Rose, hindi pa rin ito
tumigil sa pagpapaporma sa kanya, sa pag-asang, magkakahiwalayan ang dalawa at
mapapasakanya.
“Rose,
ako na ang bahala diyan, magpahinga ka na.” Presinta ni Rocher sa kanya habang
aligaga sa pag-aasikaso ng mga papeles.
“Wow
himala, biglang bumait si Balidoso Boy! Ano kayang nakain niya?” Sabi ni Mitche
sa kausap nito nang makitang nagmamagandang-loob si Rocher.
“I
think, miracle water. Sana man lang magtuloy-tuloy na siya, kasi nagpakahirap
ang pari na basbasan iyon.” Sabi naman ng kahuntahan ni Mitche.
Sige
ayos lang, mind your own business. Baka nakakaabala pa ko sayo eh. I can manage
and no thanks.” Patumanggi diumano ni Rose.
“Eto
naman, minsan na nga lang ako nagmamagandang loob sayo, ganyan ka pa.”
“Bakit
kasi minsan lang, dalas-dalasan mo kaya nang matuwa naman ako sayo pati mga
kasamahan mo dito. At saka, ano nanamang paandar yan?!”
“Wala,
gusto ko lang makabawi sa lahat ng ginawa ko sayo, kung nagawa kitang
bastus-bastusin. Alam mo kasi, yang pangalan mo, nababagay sa katauhan mo kasi
para kang Rosas na hindi kumukupas ang kulay at ganda, magdaan man ang mahabang
panahon.”
“Talaga
Rocher, dapat sinapak mo, ganito oh!” Bigla nitong bubuntalin si Rocher.
“Masakit
ba, kaya huwag mo kong pinagloloko diyan. Tumigil ka nga, dami ko pang ginagawa
eh.”
“Kaya
nga sinabi ko para lang, hindi ko naman sinabing bulaklak ka talaga, umasa ka
naman.”
“Aba,
bastusing nilalang ka, baka gusto mong sapak-sapakin ko ang pang-ibaba mo diyan
nang magtigil ka! Umalis ka na at huwag na kong kulit-kulitin pa!”
“Kaya
nga sinabi ko, tutulungan na kita, nang matapos ka na sa ginagawa mo. Masyado
mong sinusubsob ang sarili mo sa trabaho, kaya iyan at nagiging lusyang ka na,
sayang din kasi.”
“Hindi
baleng magpakasubsob ako sa trabaho at maging lusyang, kung ikabubuhay naman
namin ito! Alam mo, kanina ka pa isturbo, pinapaalis na kita, ayaw mong umalis,
can you please go away from me as I said earlier, I have no time to talk with
you that way!” Magalit-galit na wika nito.
“Wow
English yun, nosebleed ako sayo te!”
“Hindi
ka kasi nakakaintindi ng tagalog! Ano gets mo na!”
"Hindi
pa rin eh, try mo Spanish. Te amo!"
"Te
amo your face! Pero ano yun?" Mahinahong tanong ni Rose sa kanya.
"Hindi
na mahalaga kung ano ang 'Te amo'. Ang mahalaga'y nabigkas ko sa'yo yun."
Hanggang sa malalaman ni Rose kung ano ang ibig sabihin ng binibigkas ni
Rocher.
"Yuck
kadiri ka Rocher, no way noh!"
"Bakit
ganyan ka makapag-react, bakit alam mo na ba ang ibig sabihin ng Te amo?"
Hindi agad sasagot si Rose at ilang sandali pa.
"SÃ,
lo se. Si conozo la palabra te amo." Sambit ni Rose sa wikang Spanish na
ibig sabihin ay 'Yes I know the word Te amo'. Magugulat si Rocher kung paano
natutuhan ni Rose ang magsalita ng Spanish.
"How
would you know the spanish language, may lahi ba kayong espanyol?" Tanong
nito na takang-taka.
"Secreto,
nada es importante." Na ang ibig sabihin ay 'Secret, nothing is
important.' Mangha-mangha na si Rocher sa kahusayan ni Rose na magsalita ng
Spanish hanggang sa may madidiskubre.
"Aha,
kaya pala nakakapag-spanish ka at ang tagal-tagal mo bago magsalita, gumagamit
ka nang google translation at kinakabisado mo." Sabi nito nang mabukong
naggo-google translation si Rose kaya ito nakakapag-spanish.
"So,
who cares, if I used that! Hirap-hirap kaya mag-spanish, di naman natin
ginagamit yan. So pwede ka na ba umalis? Alis!"
"Okey
bye, mon cher amour." Manamis-namis na wika nito gamit ang French bago
umalis na ang ibig sabihin ay 'Okey bye, my dear love'.
"Ano
raw?" Hindi maintindihan ni Rose ang itinuran ni Rocher kaya gagamit muli
ito ng google translation. Nang mai-translate niya sa English, magugulat ito
pagkat iba ang lumabas.
"No
Connection? Iyon ba ang ibig sabihin?" Takang-takang reaksyon nito
hanggang sa mapagtatanto niya na nawalan pala ng Internet connection ang
ginagamit nitong desktop, kaya ganon ang lumabas.
"Putik,
wala palang internet. Kaasar siya! Malaman-laman ko lang kung anong ibig
sabihin nun, babalatan ko siya!"
[Pagkalabas
ni Rocher mula sa opisina.]
“Hindi
mo ko kilala Rose. Ako yung tipong tao na wala sa bokabularyo ang pagsuko. Kaya
hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapaibig at napupunta sa akin.”
Umaatikabong sambit ni Rocher sa kanyang sarili at bigla itong makakarinig ng
boses na hindi pangkaraniwan pagkat malaki na may pagkamalumanay at bilog na
bilog.
“Rocher,
hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. May mga bagay na hindi para sa’yo kaya
huwag mo nang ipagpilitan pa, mabibigo ka lang!” Sabi ng tinig na bumubulong sa
kanya. Hahagilapin ni Rocher kung saan nagmumula ang boses na iyon.
“At
sino ka para pagsabihan ako ng ganyan! Malaman-laman ko lang kung sino ka,
yayariin ko ang pagmumukha mo!” Patuloy na hahanapin ni Rocher kung saan nanggagaling
ang ganung tinig subalit biguan ito at muli niyang maririnig.
“Gaya
nito Rocher, kahit saan ka man maghanap, hindi mo mahahanap kung saan
nanggaling ang tinig na ito, kaya tumigil ka na! May Boyfriend na si Rose,
pabayaan mo na siya at tigilan.”
“Hindi
gaya mo ang makakapigil sa akin, tandaan mo yan! Lakas din ng trip mo sa akin,
hinayupak ka!”
“Talaga
Rocher, awoooh, mumultuhin kita kapag hindi ka tumigil!” Paninindak diumano
nito. Gaanoman kapangahas si Rocher ay magagawa pa ring masindak sa tinig na
iyon na kakaiba kaya tatakbo na ito nang balisang-balisa at pawisan.
Ang
hindi alam ni Rocher, si Rose ang nasa likod ng tinig na iyom.
“Ahahaha!
Duwag din pala ang kumag na ‘yon sa multo. Siguro naman titigilan na niya ako.”
Tawang-tawang sambit ni Rose habang pinaglalaruan si Rocher.
“Bakit
ba kasi patay na patay ang gag*ng iyon sa akin, tekang may Boyfriend na ko.
Marami namang iba diyan.” Dagdag pa nito.
Sa
kabila na ginawa ni Rose na pananakot kay Rocher, hindi pa rin ito nilubayan,
bagkus ay lalo pa naging pursigido si Rocher na mapasakanya ito, dahil ito ay
matiyaga. Oras ng kanilang breaktime, masaya-masayang nanaman si Rose pagkat
makakasa muli ang pinakamamahal na si Jose. Habang masarap na nagsasama at
naglalambingan pa nga ang dalawa sa kainan, kasama na rin ang kaopisina ni
Rose, masisira nang biglang lumapit si Rocher at nakisabay sa kanila itong
kumain.
“Hello
mga officemate, may I join on your meal?” Presinta nito sa kanila at imbes na
sagutin ay paglalaanan na lamang ito ng upuan.
“Ah
gusto ko, katabi si Rose.” Hiling nito.
“Wow,
siya pa ang choosy, siya na nga binibigyan ng upuan at pinayagang makisalo sa
amin.” Sabi ni Rose sa loob-loob na nag-uumapaw ang pagkayamot at nang tumabi
ito sa kanya, lalo nitong hihigpitan ang pagkakaakap kay Jose.
“Ang
sweet-sweet naman pala nilang dalawa, ako ang kinikilig.”
“Natural
Rocher, magsing-irog eh, bakit hindi ka ba gaya nila kapag may girlfriend ka?”
Tanong ni Nikki.
“Nagka-girlfriend
na, actually sa gwapo kong ito, naka-lima ako pero honestly, wala sa kanila ang
sineryoso ko. Ang tsi-cheap kasi ng nagkakagusto sa akin at bobits pa, kaya
madali ko silang naloko. Kung tatanungin niyo ko kung ano ang tipo ko sa babae,
unang-una ay siyempre maganda, maalindog at higit sa lahat, mabait at matalino.
Gusto ko sa babae, palaban at hindi madaling maloko, yung tipong
matsa-challenge ako. Kapag naging mag-asawa kami, gusto ko, pinagsisilbihan ako
at susunod sa lahat ng gusto ko.”
“Wawa
naman pala ang makakatuluyan nito, magiging katulong.” Bulong ni Rose kay Jose.
“Sinabi
mo pa mahal ko, naku at huwag na huwag lang ‘yan duma-moves sa’yo, makakatikim
yan sa akin.” Nag-iiinit na bulong ni Jose.
Habang
nagkukwento si Rocher sa kanila ay unti-unti, mapapahawak na ito sa balikat ni
Rose.
“Ehem,
ehem, excuse me.” Sabi ni Jose nang mapansing akmang aakbayan na ni Rocher si
Rose. Hindi pa tinanggal ni Rocher ang kamay nito sa balikat ni Rose kaya
gagawa ng paraan si Jose.
“Hatching!”
Pagkukunwaring bahing nito at mababahingan ang kamay ni Rocher dahil sinadya
niya iyon.
“Pre,
sorry, hindi ko sinasadya.” Paumanhin nito kay Rocher nang mabahangin ang kamay
nito. Sa halip na magpuyos ng galit, ngingisiin lamang ni Rocher si Jose at
dali-dali nang tatanggalin ang kamay sa balikat ni Rose at iispreyan ng pabango.
Sa tapang ng pabango ni Rocher ay masusuya sina Rose.
“Ano
ba yang pabango mo Rocher, nakakabuntis!” Reklamo ni Rose sa kanya.
“Sorry
Rose, hindi ko sinasadyang buntisin este mahilo ka.” Paumanhin ni Rocher at
hihimas-himasin nito ang balikat ni Rose.
“Naku
Sweetie pie, pigilan mo ko, masasapok ko na yan.” Bulong ni Jose na nag-iinit
na ang dibdib kay Rocher.
“Naiihi
ako sweetie pie, pwede mo ba akong samahan?” Sabi ni Rose sa kanya na
gustong-gusto nang makawala mula sa kamay ni Rocher.
“Sige
sweetie pie.” At sasamahan nito si Rose sa palikuran.
“Kailangan
ba kapag iihi, dalawa. Ano taga-baba ang isa?” Pabirong hirit ni Rocher sa
kanila.
“Bakit
nangingiaalam ka, mind your own bussiness!” Pataray na bulalas ni Rose. Sa
halip na magtungo sila ng palikuran ay tutungo sa isang lugar para makapaghinga
ng inis ng loob kay Rocher.
“Alam
mo Rose, kung hindi lang natin kasama ang mga kaopisina mo, inumbag ko na yang
kumag na ‘yan, nakakaasar. Tapos kung makaakbay at himas sa’yo, akala, nobya ka
niya.”
“Naku
Jose, pareho tayo ng nararamdaman, maski ako, banas na banas sa kanya. Sarap
gadgaran ng banana sa mukha! Tapos yabang-yabang pa habang nagkukwento, akala
kung sinong gwapo!”
“Honestly,
gwapo naman siya, kaso masama ugali!”
“Mas
gwapo ka pa rin noh, walang-wala siyang sinabi sa’yo.”
“Talaga,
thanks. Basta sweetie, kapag may ginawa nanaman ang kumag na ‘yon sa’yo,
magsabi ka lang at buburahin ko na siya sa mundong ito!”
“Oo
naman, mahal ko. Kahit ano pang gawin niyang pagpapansin at porma sa akin, nasa
‘yo pa rin ang puso ko, loyal yata ito. Nakaya nga nating magsama ng apat na
taon, then I’m sure makakaya pa ang susunod pang taon at walang anuman ang
maaaring makapagpahiwalay sa atin, kahit si Rocher pa ‘yan.” Aakbayan nito si
Rose at matapos ay hahalikan, sa pisngi lang naman. Maghugis puso ang mga mata
ni Rose nang gawin sa kanya iyon ni Jose.
Isang
gabi at habang papauwi na sina Rose at Jose, may biglang grupo ng mga
kalalakihan ang sasalubong sa kanila at haharangan ang pagdaan. Nagpasintabi na
si Jose sa kanila subalit hindi pa rin tumabi at tila naghahamon ng suntukan
“Ano
ba, sabing tumabi kayo diyan!” Pasigaw na sambit nito sa kanila at bigla siyang
uundayan ng sapak sa mukha. Kaagad naman makakailag si Jose at babalikwasin ang
braso ng kalaban hanggang sa mapahiga ito. Nang mabuwal niya ito, may akma pang
susuntok sa kanya subalit inunahan nito ng makabasag-bungong sipa at mabilis na
tumilapon. May kasanayan sa pakikipaglaban si Jose dahil nag-aral ito ng
martial arts kaya kahit anim pa sila at bato-bato pa ang katawan, nakaya niyang
labanan ng mag-isa at may napuruhan pa subalit lubhang malalakas ang kalaban ni
Jose kaya naubusan na ito ng lakas at nadali na. Sinubukang bumangon ni Jose
subalit sa tindi ng sapak na kanyang tinamo, hindi na ito nakabangon pa’t
pinagtulong-tulungan nang banatan.
“Tama
na! Itigil niyo na ‘yan! Maawa kayo sa kanya!” Nagsusumamong sambit ni Rose sa
kanila habang pinagtutulungang gulpihin si Jose ng mga kawatan. Kahit duguan na
ito, hindi pa rin siya tinigilang bugbugin. Walang magawa si Rose kundi makiusap,
hanggang sa nagpakita ang taong nagpagaya nito sa kanila na ikagugulat nila ng
husto.
“Rocher?
Anong ginagawa mo dito?! Ikaw ba ang may kinalaman nito?!” Nanggagalaiting tanong nito kay Rocher pagkaharap sa kanya.
“Ako? Anong kinalaman ko diyan eh hindi ko nga sila
mga kilala! Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa akin, magagawa mo kong
pagbintangan sa bagay na hindi ko ginawa!”
“Hindi ba ikaw, sorry na!”
“Dadaan lang ako, ako na agad ang naiisip mong
nagpagawa niyan!”
“Sige daan ka na! Ah wait tulungan mo kami Rocher!”
Nagmamakaawang pakiusap nito sa kanya.
“Ayan ba, ako bahala sa inyo Rose, tuturuan ko sila ng
leksyon!” Sabi nito kay Rose na nagmamalaki at magbabanat muna ng buto na para
bang nagpapalakas.
“Tama na ang ganyan, tulungan mo na si Jose.” Lalapitan
ni Rocher ang mga lalaking umuupak kay Jose at sabay uundayan nito ng sapak.
Manghang-mangha’t hindi makapaniwala si Rose pagkat magaling din makipaglaban
si Rocher at sa tikas ng ipinakita nitong kamao, napaatras niya ang lahat ng
kawatang bumubugbog kay Jose. Nagtataka lamang si Rose kung paano nito
nalabanan ng ganun-ganun na lamang subalit nagpapasalamat na lamang siya.
“Ano babalik pa kayo! Mga ungas, wala pala kayo sa
kamao ko eh! Ugggh!” Pasigaw na wika ni Rocher sa kanila habang ipinagyayabang
ang muscle nito na kung titingnan, hindi naman halatang may Muscle.
“Salamat Rocher sa pagligtas mo sa amin, you’re our
saviour!” Sa labis na pasasalamat ay mapapayakap si Rose sa bisig ni Rocher. Duguan
na nun si Jose at halos hindi na makatindig matapos nitong tamuhin ang mga
bugbog kaya dali-dali nila itong isinugod sa hospital, siyempre para ipagamot.
Kuhang-kuha ang loob ni Rose kay Rocher matapos sila
nitong iligtas mula sa mga kawatan, pero ang lingid sa kaaalaman nina Rose,
pakulo lang iyon lahat ni Rocher. Kinabukasan nang harapin ni Rocher ang
kanyang mga katropa, ang mga lalaking bumubog kay Jose kagabi.
“Magaleng! Magaleng mga kapatid! Napaniwala natin sina
Rose sa ating palabas!” Sabi nito sa kanyang mga katropa.
“Oo nga pare, napaniwala mo nga sila, kaso nabangasan
naman kami ng husto. Hindi mo naman sinabi na magaling palang makipaglaban ang
karibal mong si Jose!” Sabi ng katropa ni Rocher.
“Okey lang yan, malayo yan sa bituka. Malay ko ba na
magaling makipagsuntukan yang si Jose, di ko naman kasi siya kilala, o sadyang
madali lang kayong madaig at matalo.”
“Sobra ka naman, ikaw na nga tinulungan diyan, para
lang makuha mo ora-orada ang loob ng babaeng pinipintig ng iyong puso, ganyan
ka pa magsalita. Edi sana hindi na lang kami sumakay pa sa plano mo! Tapos ang
sabi mo, palabas lang ang lahat ng ito pero ang pagsapak mo sa akin,
tinotohanan mo! Tingan mo ngayon at nagka-black-eyed ako!”
“Ayos lang ‘yan, ikaw naman yan. Mga unggok kasi kayo
kumilos, kaya iyan at nagalusan kayo ng todo-todo pero okey na rin ang ginawa
niyo kay Jose, doon man lang ay makaganti ako sa kanya, sa pagiging palalo niya!”
“Kamusta naman ang lagay ng binugbog namin kagabi?”
“Ayun naospital, kritikal ang kondisyon, ginalingan
niyo kasi. Dapat pinuruhan niyo na bago ako dumating, para wala na kong kaagaw
pa kay Rose. Hahahaha, ngayong nakuha ko na ang tiwala ni Rose, hindi na ko
mahihirapan na kumbinsihin siya para sagutin siya.” Pangiting sambit nito at
itututok ang kanyang daliri sa kukote, tanda na nag-iisip siya ng maayos.
Chapter XV
Revealed the truth behind Rocher
Revealed the truth behind Rocher
Makaraan ang isang araw ay nag-uumapaw ang ligayang
nadarama ni Rose sa dibdib dahil sa wakas, nagkamalay na rin si Jose.
“Kamusta mahal ko?” Natutuwang tanong nito nang
magkamalay si Jose.
“Eto, nagkamalay na. Nasaan ako?”
“Malamang nasa hospital. Natutuwa ako kasi gising ka
na.”
“Ang pagkakatanda ko, binubugbog ako ng mga kawatang
nakasalubong natin, paano ako napunta dito, sino ang nagligtas sa atin?”
“Magugulat ka, dahil si Rocher ang nagligtas sa atin.
Kundi dahil sa kanya, malamang hindi lang ganyan ang inabot mo at saka gaya mo,
magaling din siyang makipaglaban kaya natalo niya at napaalis ang mga bumubog
sa’yo. Siya rin ang tumulong sa akin na magdala sa’yo dito sa ospital kaya
laking pasalamat sa kanya. Alam mo Jose, kahit nayayabangan ako sa lalaking
iyon at naiinis dahil panay paporma sa akin, hindi ko akalain na may nakatago
palang kabaitan sa kanyang puso. Nakakagitla lamang dahil hindi ako sanay.”
“Kung mabait siya, bakit niya kasi tinatago, dapat
ilabas niya pero salamat na rin sa kanya at siya pala ang nagligtas sa atin.”
“Oh paano Sweetheart, magpahinga’t palakas ka muna
diyan, dahil kailangan ko munang kumayod.” At iiwan na ni Rose si Jose para
magtrabaho.
Dagliang nakaharap ni Rose si Rocher pagkatungtong
nito sa opisina.
“Hi Rocher, Goodmorning ay afternoon na pala.”
Pangiting bati nito kay Rocher.
“Good Afternoon din sa’yo. Bakit ngayon ka lang
pumasok?”
“Ah, dinaanan ko pa kasi si Jose sa hospital at
pasalamat ako dahil nagkamalay na siya!”
“Mabuti kung ganon. Kaya kitang-kita ko kaagad sa
mukha mo ang ligaya, kasi nagising na ang true love mo.”
“Oo naman at kung hindi dahil sa’yo iyon. Kaya salamat
at tinulungan mo kami nang gabing iyon. Sorry kung naging Judgmental ako sa’yo
at kinainisan ng husto, hindi ko akalain na may mabuti ka palang kalooban,
hindi ko kasi halata eh, ipahalata mo naman. Kung hindi ka dumating, hindi na
namin alam ang gagawin kaya Thank you so much.”
“Naku Rose, it’s okey at naiintindihan kita kung
ganyan ang tingin mo sa akin. Siyempre kaibigan kita kaya hindi ako makakapayag
na mapahamak ka.” Pangiting sabi nito at biglang aakbayan si Rose. Kaagad naman
aalisin ni Rose ang kamay ni Rocher sa balikat nito.
“Sige Rocher, marami pa akong aasikasuhin.”
Gumaan man ang loob ni Rose kay Rocher ay hindi pa rin
nito mapigilang kutuban ng hindi maganda at iniisip na may pinaplano ito sa
kanya.
“Ito lang friend ah, sa palagay mo, bakit kayo
tinulungan ni Rocher nung gabing nasa panganib kayo?” Tanong ni Mitche sa
kanya.
“Dahil may malasakit siya sa amin at hindi ba, may
gusto iyon sa akin.”
“Ah ayun, may gusto kasi siya sa’yo kaya niya ginawa
iyon. Paano kapag hindi ka niya gusto, sa palagay mo ba, magpapaka-effort pa
siya na tulungan kayo?”
“Grabe ka naman sa kanya at saka ang bait kaya ng tao,
napatunayan na niya iyon.”
“Porket siya ba ang tumulong sa inyo, mabait na para
sa’yo iyon? Napakabilis mo naman magtiwala girl. Sorry ah, pero sa nakikita ko
lang kay Rocher, pakitang tao lang ang ginawa niya sa inyo. Ni nagawa nga
niyang sigawan ang kasamahan nating empleyado nang matapunan ito ng kape, tapos
yung Janitor na hirap na hirap nang magbuhat, nakita na nga niya pero sa halip
na tulungan, dinaanan lang hanggang maglaglagan na ang mga karton, ayun at wala
pa ring pake! At saka ang timing naman, bakit nandoon siya nung gabing
nakaharap niyo ang mga kawatan?!”
“Malay mo naman Mitche, nagkataon lang iyon at buti
nga, dumating siya.”
“Nagkataon? Rose, kahit na sino magtataka kapag naisip
iyon, ikaw nagawa mo bang magtaka? Sa dami kasi ng taong pwedeng dumating,
bakit siya pa at kapag naiisip ko iyon, nakakapangduda. Isa pa Rose, paano siya
natutong makipaglaban, eh wala naman siyang naikukwento na sumasabak siya ng
Martial Arts. Oo yung BF mo, walang kadu-dudang may skills siya pagdating doon,
siyempre may history siya na sumasali doon pero yang si Rocher, wala akong
makita at nakakapangduda talaga!”
“Oo nga noh, may punto ka, paano siya naging magaling
sa pakikipaglaban, nakita mo ba Resume niya?” Sabi ni Rose na napapaisip.
“Bakit Resumé niya ang hinahanap mo? Pwede mo naman malaman
ang information niya through his Facebook account, makikita mo kung ano ang mga
skills.” Pupuntahan ni Rose ang account ni Rocher para galugarin ang
impormasyon nito, pagkatingin.
“Friend hindi ko makita, kaunti lang ang lumalabas sa
Background, birthday lang niya tapos gender.”
“Teka lang Rose, friend ba kayo ni Rocher sa FB, baka
kasi exclusive for his friend only ang other information.” At mapagtatanto ni
Rose na hindi pala sila Friend ni Rocher sa Facebook.
“Oo nga pala, hindi kami friend.”
“Oh see, excited ka kasing tingnan ang personal info
niya, samantalang di mo man lang nakita na add as friend pa ‘te.”
“Actually, hindi add as friend ang nakalagay sa bar.”
“Ano?”
“Confirm friend request.”
“Wala namang problema, i-aacept mo na!”
“Eh ayaw ko nga.”
“Akala ko ba, nababaitan ka na kay Rocher, i-confirm
mo na, nang makita natin kung tapat ba siya sa’yo.” At iku-confirm na nga ni
Rose si Rocher sa Facebook as friend. Nang maging friend sila sa Facebook, saka
makikita nina Rose ang lahat ng nilalaman ng Personal information ni Rocher.
“Interested in women, favorite food, kahit ano basta
hindi messy, favorite sport, basketball, Table Tennis, Badminton. Wow friend,
pwede na ‘to isabak sa Olympics.”
“Paralympics yata! Sige lang tingnan mo lang kung may
makikita ka bang history na sumali siya ng Martial Arts o proficient siya sa
pakikipaglaban.”
“Language, proficient in Filipino, English, Bisaya,
Waray, Bicolano, Spanish, sige lahatin mo na! Religion, Orgy. Orgy, ano yun?
I-google ko nga then image.” Isi-search niya kung ano ang ibig sabihin ng
salitang iyon subalit pipigilan ni Mitche.
“Uhm, huwag mo i-search, baka dumugin tayo dito. Alam
mo naman, marami sa atin ang maiinit ang katawan.”
“Favorite movie, fifty shades of grey, shame, spit on
the ground. Motto, katamad basahin, masyadong mahaba. Eto na friend, history.”
Sabi nito na may pagkasabik nang mapadako na sila sa History.
“Bakit wala namang nakalagay na sumali siya ng Martial
Arts o kahit sa skills man lang, sinasabi ko na ba, pinagloloko ka lang ng
Rocher na ‘yan!” Sabi ni Mitche.
“Baka hindi niya nailagay, ilalagay pa lang.”
“Sus Rose, sa sobrang hambog ng taong iyon, hindi siya
magdadalawang isip na ilagay kung ano ang meron siya!”
“Kung ganon siyang tao, bakit hindi niya inilagay ang
T*** niya?!”
“Ano ba ‘yan Rose, kababae mong tao! Mahiya ka nga
diyan. Ngayong may natutuklasan ka patungkol kay Rocher, anong naiisip mo?”
“Na siya’y kasing talino ni Jose Rizal dahil dami
niyang alam na Language at tingnan mo naman ang kanyang motto, pagkahaba-haba,
dinaig pa ang Noli Me Tangere! Tama ka Friend, kailangan ko muna siyang
kilalaning maigi bago ko masabing dapat ba siyang pagkatiwalaan. Maging ako
kasi, nitong mga nakalipas na araw, nagdududa sa kanya.”
“Tama yan, keep watching on him. Baka hindi mo alam,
astang anghel sa’yo kapag kaharap pero kapag tumalikod, devil pala. Mag-iingat
ka.” Sabi ni Mitche at aalis na ito. Pagkaalis na pagkaalis ni Mitche.
“Okey, block muna kita, baka kasi kulit-kulitin mo ko
sa chat.” Pagka-block kay Rocher ay isasarado na nito ang laptop.
Dahil sa mga natuklasan ni Rose kay Rocher na
nakakapangduda, magagawa niya itong imbestigahan, para makumpirma ang mga
haka-hakang naglalaro sa kanyang isipan at mapatunayang dapat bang
pagkatiwalaan si Rocher.
“Rocher, may gagawin ka ba ngayon?” Tanong ni Rose sa
kanya at magniningning ang tuwa nito sa loob.
“Totoo ba ‘tong nangyayari, siya pa mismo ang
kumakausap sa akin.” Sabi ni Rocher sa loob-loob.
“Bakit mo naman naitanong ‘yan?” Tanong nito kay Rose.
“Kung wala kang gagawin mamaya, pwede mo ba akong
samahan sa ground area.” Pangiting pakiusap nito sa kanya. Dahil may pagtingin
si Rocher kay Rose, hindi na ito tatanggi pa.
“Oo naman Rose, sasamahan kita!” Sabik na sabik nito.
“This is it Rocher, my plan is working it. Unti na
lang at mapapasaakin ka na Rose.” Umaasang sabi ng mokong sa loob-loob.
“Teka muna, ano bang gagawin natin dun?”
“Basta, malalaman mo.”
[Pagkatungtong nila ng Ground Area.]
“Nandito na tayo, may sasabihin ka ba sa aking
mahalaga?”
“Rocher, sa panahon kasi ngayon, hindi na ligtas at laganap
na ang mga kasamaan. Kawawa ang mga walang laban oras na sumalakay ang
masasamang loob. Kaya nandito tayo ngayon kasi magpapaturo ako sa’yo kung paano
ang makipaglaban, please. Nang maigpagtanggol ko naman ang sarili ko.” Biglang
mapapakamot ng ulo si Rocher nang hilingin iyon ni Rose.
“Patay, anong gagawin ko, tekang hindi naman ako bihasa
pagdating sa pakikipaglaban. Bakit ba kasi dinibdib ng Rose na ‘yan ang
pagpapakitang-gilas ko, kainis!” Sabi nito sa loob-loob na nababalisa na pagkat
mabubuko na ito.
“Ano Rocher, bakit nanahimik ka diyan? Mahirap ba ang
hinihiling ko sa’yo?” Lalong kakabahan si Rocher nang tanungin ito subalit
makakaisip siya ng paraan kung paano niya malulusutan si Rose.
“Ah Rose, pamilyar ka ba sa Fight and Flight
Response?”
“Teka, nagpapaturo ako sa’yo ng martial arts, ganyan
naman ang sinasabi mo. Bakit, bakit mo naitanong ‘yan?”
“Mukhang hindi niya alam ang Fight and Flight
hehehehe! Magogoyo ko na siya.” Sabi nito sa loob-loob na kampanteng-kampante.
“Sina-psycho mo ba ako Rocher?!”
“Patay, alam nga niya!” Sambit muli nito sa loob-loob
na may pangamba.
“Ah eh, magbasa ka kasi ng Psychology book o
mag-search sa internet, malalaman mo kung ano ang sinasabi kong Fight and
Flight response.”
“Pambihira, pinag-search mo pa ko, pwede mo naman
sabihin kung ano yun! Although alam kong related yun sa Psych.”
“Yare, mapilit talaga siya, paano ko ‘to malulusutan.”
Sabi nito sa loob-loob.
“Iyon kasi sikreto ko kaya magaling akong
makipagkarate, kapag nabasa mo yun, tiyak na kusa kang matututong ipagtanggol
ang sarili sa oras ng panganib kahit na hindi kita tinuturuan kung paano
makipaglaban, trust me and you might be learnt.” Palusot diumano nito.
Nagoyo naman ni Rocher ang mapangahas na si Rose
subalit nang magharap silang dalawa.
“Alam ko na yung Fight and Flight Response!”
“Kung alam mo na, sige nga paki-recite.”
“Teka-teka, ano nga ulit yun, magwi-wikipedia muna
ako.” Bubunutin nito ang Cellphone sa bag at isi-search ang Fight and Flight
response sa Wikipedia. Nang ma-search at mabasa.
“Ah Rocher, may kinatatakutan ka ba?”
“Oo, may kinakatukatan ako, takot ako sa ahas at
Spider, yung tarantula, bakit mo naman naitanong?”
“Wala, akala ko kasi, wala kang kinakatukatan. Sige
makakaalis ka na at marami pa kong gagawin.”
“Hindi mo ba sasabihin sa akin kung ano ang Fight and
Flight?”
“Mamaya na, dami ko pa kasing dapat gawin, pwede ba
huwag kang isturbo!” Wala nang ano-ano pang umalis si Rocher.
“Bakit kaya nito tinanong kung anong kinakatakutan ko,
ang weird naman niya?” Takang-takang tanong nito habang naglalakad. Kinabukasan
at nang papasok si Rocher sa opisina, masigabo itong sasalubungin ni Rose.
“Hi Rocher, Goodmorning!” Pangiti’t pasigaw na bati ni
Rose nang magharap sila.
“Goodmorning din sa’yo sa maganda kong friend,
natutuwa ako at first time mo ‘to ginawa sa akin.”
“Lalo ka pang matutuwa dahil may sorpresa ako sa’yo.”
“Sorpesa?! Anong sorpresa mo?” Tanong nito na may
pananabik at ilalabas ni Rose ang sinasabi nitong sorpresa.
“Eto oh!” Magigimbal ang loob ni Rocher nang ilabas ni
Rose ang Tarantula mula sa lalagyanan.
“Ayaw ko niyan, ilayo mo ‘yan!” Takot na takot na wika
nito nang makakita ng gagamba’t lalong ilalapit ni Rose ang gagamba kay Rocher.
“Hahahaha! Ngayong takot na takot ka na, gumana ba ang
Fight and Flight Response mo? Nagulat ka sa gagamba ko noh.”
“Ano ka ba naman Rose, tinakot mo ko. Ilayo mo yan sa
akin!” Sabi nito na halos mapaiyak na sa labis na takot. Biglang ihahagis ni
Rose ang gagambang tarantula kay Rocher at mapapakaripas ito ng takbo.
“Hahahaha! Fight and Flight response pa more.”
Matawang-tawang sabi nito na halos kabagan na ang sikmura’t pupulutin ang gagamba
na isa lamang palang laruan.
“Hahahaha, di niya halatang laruan lang ito.”
Dahil dun ay lalong magdududa si Rose patungkol sa
kakayahan ni Rocher subalit nagtataka pa rin ito at naguguluhan.
“Tingin ko, kaya ayaw niya kong turuang makipagkarate,
dahil di naman siya bihasa dun. Kung hindi siya marunong sa ganon, paano niya
napataob ang mga nakalaban nito nnong isang gabi? Nakakapagtaka lang kung
ganon. Oh baka naman ayaw niya i-share sa iba ang skills niya. Ano ba ‘yan,
mayabang na nga, madamot pa.” Tanong na hindi maipaliwanag ng kanyang isipan.
[After a week]
“Bebe ko, I’m happy na you’re really okey at nakalabas
na ng ospital.” Nag-uumapaw na tuwa nito ng dalawin siya ni Jose sa kanilang
bahay na kagagaling lang ng ospital.
“Oo naman mahal ko, hindi ako pwedeng magtagal sa
ospital, kasi alam ko naman, miss na miss mo na ko. Salamat talaga sa Rocher na
‘yon at kahit naiinis ako dahil pinopormahan ka niya, siya ang dahilan kung
bakit buhay pa ko.”
“Naku bebe ko, may naamoy na ko sa Rocher na ‘yon.”
“Anong naamoy mo, huwag mong sabihing isa siyang
bakla.”
“Hindi! Nagdududa ako sa ginawa niya nung isang gabi,
parang hindi kapani-paniwala. Basta, parang may mali. Hindi ko maipaliwanag
kung bakit.”
“Naku mahal, dala lang siguro ng stress sa trabaho
kaya kung ano-anong iniisip mo. Mabuti pa, mag-relax ka kasama ako’t magsine
tayo.”
Habang tumatagal ay patindi nang patindi ang pagdududa
ni Rose kay Rocher kaya lalo pa nitong inigtingan ang pagmamanman sa kanya.
Sadyang maingat si Rocher kaya hirap itong mahuli siya.
“Ano Rose, may natutuklasan ka na ba sa Rocher na
‘yon?” Tanong ni Mitche sa kanya.
“Naku Friend, wala eh. Baka naman tapat siyang tao
pero bakit ganon, kapag naghaharap kami’t usap, nakakapangduda ang kinikilos
niya.”
“Trust your guts Rose, hindi magtatagal at malalaman
mo rin kung ano ang totoo sa kanya.”
“Tama ka, sige, ipagpapatuloy ko ang pagmamatyag sa
kanya. Kapag nalaman-nalaman ko lang ang totoo’t pinapaikot niya lamang ulo ko,
kakantihin ko siya ng bonggang-bongga’t pasasabugan ang bungo!”
“Paano mo magagawa yun, eh masyado siyang malakas
dahil magaling makipaglaban.”
“Naku Mitche, puro hangin lang yun, napipisil ko na
wala siyang kakayahan sa pakikipaglaban, hindi gaya ni Jose.”
“Kung ganon, paano niya napataob ang lahat ng mga
lalaking kumuyog sa syota mo?”
“Iyon ang aalamin ko. Basta, hindi ako titigil
hangga’t di nalalaman ang totoo!”
Hindi magtatagal ay nagkabunga rin ang pagiging
mapagmatyag ni Rose at matutuklasan ang mga lihim ni Rocher.
“Halika ka dito Mitche, may ipapakita ako sa’yo.”
“Ano yun Rose, baka sa kaka-stalk mo sa Facebook
account ng Rocher na ‘yan, ma-fall in love ka na sa kanya.”
“Kagagahan! Tingnan mo, kung hindi ako nagkakamali,
ito yung mga lalaking humarang sa amin at bumugbog kay Jose. Bakit kasama niya
sila?” Gulat na gulat na sambit nito.
“Sila ba, paano mong nasabing sila?”
“Kamukha eh!”
“Baka magkamukha lang.” Nag-aalangan ang gaga kaya patuloy niyang
hahalungkatin ang mga photos ni Rocher at nang masigurado.
“Oo nga, sila nga! Pero bakit kasama ni Rocher ang mga
yan?” Takang-takang tanong ni Rose.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan, kasabwat niya ang
mga lalaking bumugbog kay Jose.” Sabi naman ni Mitche.
“Kung kasabwat niya ang mga iyon, bakit tinulungan
niya kami’t nakipagbugbugan pa sa kanila?”
“Tinatanong pa ba yan? Di ba may gusto sa’yo ang tao,
malamang inutusan niya ang mga yan na harangan kayo’t pagtangkaan ng masama.
Kapag ginawa na nila ang balak sa inyo, saka lalabas si Rocher, hindi upang
tulungan sila kundi ipagtanggol kayo para lang lumabas na mabuting tao siya sa
inyo at makuha ang loob mo sa kanya, lahat ng iyon, paniguradong planado. Alam
mo Rose, maganda ka naman, kaso may pagka-eng-eng ka rin mag-isip, kaya iyan at
naisahan ka ni Rocher. Ang tindi ng pagmamahal niya sa’yo, nagawa niya iyon
para lang makuha ang gusto niya.”
“Sorry siya at hindi siya nagtagumpay. Nagawa man
niyang paniwalain ako’t kuhain ang tiwala ko, hindi naman niya nagawang
sungkitin ang puso ko dahil nakatali na kay Jose, kahit ano pang gawin niya. Kaya
magbabayad ang hinayupak na ‘yon sa panlolokong ginawa sa akin! Pagsisihan niya
ito! Akala ko, nagbago na siya, hindi pa pala. Kaya pala may iba sa pakiramdam
ko na hirap ipaliwanag, iyon pala ang dahilan!” Nag-aapoy na wika nito.
“Paano yan Rose, anong balak mo?”
“Tinatanong pa ba yan? Siyempre kokomprontahin ko siya
hanggang sa atakihin sa puso at mabura na sa mundong ito! Ikaw alam mo,
matalino ka naman, kaso may pagkashunga-shunga ka rin magtanong,
paminsan-minsan.”
“Wow, gantihan tayo!”
Samantala ay parang wala nang bukas ang nadaramang
ligaya ni Rocher sapagkat batid nito na malapit ng mapasakanya ang iniibig na
si Rose.
“Pre, yung totoo, katapusan mo na ba ngayon?” Tanong
ng kanyang kumpare habang nalaklak ng alak. Lalagok si Rocher at magsasalita.
“Anong klaseng tanong yan, gusto mo mauna ka?!”
“Kasi yang mukha mo, abot langit ang tuwa. Dinaig pa
ang panahon sa pagkaaliwalas.”
“Masaya ako kasi kaunti na lang mapapasaakin na si
Rose. Binabati na nga niya ko ngayon kapag papasok ako sa trabaho, pero dati,
wala lang at isnab madalas.”
“Parang yun lang pre, iniisip mo na agad na malapit
nang mapasayo si Rose. Tingin ko, malabong mangyari ‘yun dahil may boyfriend
ang tao’t asa ka naman na hihiwalayan niya yun para lang sa’yo.” Sabi ng tropa
nito na bangag na bangag. Walang ano-anong kukutungan ni Rocher ang tropa dahil
sa sinabi nito.
“Kung makagsalita ka, parang ayaw mong magkatuluyan
kami ni Rose, pero naniniwala ako na darating ang panahon, mangyayari na ‘yon.
Bukod pa dun, walang forever sa kanila kahit na limang taon nang sila!”
“Napaka-bitter mo pre, kailan pa, kapag namuti na ang
mata mo sa kaaasa ahahaha!”
“Kapag nagkatuluyan kami, kalimutan mo nang naging
magkaibigan tayo!” Madiin-diing sabi nito sa lasenggerong kaibigan sabay aalis.
Chapter XVI
Rose and Jose True Relationship
Rose and Jose True Relationship
Nag-uumapaw ng husto ang pag-asa ni Rocher at iniisip
na kaunting panahon na lang ang hihintayin at mabibihag na nito ang puso ni
Rose subalit nagkakamali siya pagkat ang lingid sa kaalaman nito, batid na ni
Rose ang kalokohang nagawa nito. Papasok si Rocher sa trabaho na halos
mapasayaw na nga sa sobrang saya at kumpiyansang-kumpiyansa sa sarili. Lalo
pang iigting ang nadara niyang saya nang makaharap si Rose.
“Goodmorning sa’yo Rose.” Pangiting bati nito na tila
makulay ang mukha.
“Goodmorning din ulit sa’yo Rocher.” Matamlay naman na
bati nito na may tinatagong puyos sa dibdib.
“Pwede ba tayo mag-usap mamaya kapag wala nang gaanong
ginagawa?” Tanong ni Rose sa kanya.
“Tinatanong pa ba yan, basta ikaw, hindi kita kayang
tanggihan.” Masayang sabi nito na kilig na kilig.
Nang matapos ang kanilang trabaho, saka lamang
nagkaroon ng pagkakataon si Rose para komprontahin si Rocher.
“Walang hiya ka!” Naglalagablab na wika nito sabay
papaulanan ng sampal sa mukha, kaliwa’t kanan.
“Outch, bakit mo ‘to ginawa sa akin?! Masakit!”
Ekspresyon ni Rocher matapos itong sampalin ni Rose sa mukha ng kabilaan.
“Talagang masakit! Akala ko Rocher, nagbago ka na pero
nagkamali ako, hindi pa pala!”
“Ano bang pinagsasabi mo diyan? Ah alam ko na,
gino-goodtime mo ko ngayon kasi birthday ko.”
“Birthday mo ba ngayon? Happy birthday pero niloko
niyo kami’t pinaglaruan. Alam ko na ang totoo, na kasabwat mo ang mga kawatang
bumugbog kay Jose nang gabing iyon. Alam ko na rin na palabas lang ang lahat ng
iyon na pagtatanggol mo sa amin at kaya mo iyon ginawa, para makuha mo ang loob
ko, tama hindi ba?!”
“Paano mo yan nalaman Rose?!”
“Secret, hindi ko sasabihin kung paano. Napakasama mo!
At ngayong nagtagumpay ka na at halos ibigay ko na nang lubos ang tiwala ko sa’yo
dahil inakala kong nagbago ka na’t bumait-bait, masaya ka na! Grabe ka at kung
sa bagay, hindi na ko magtataka kung magagawa mo iyon dahil sa tagal ng ating
pinagsamahan, nahihunuha kong hindi mo ugaling gumawa ng kabutihan sa kapwa
mo!”
“Rose, huwag ka nang magalit, kaya ko naman nagawa
iyon kasi mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat, mapasakin ka lang.”
“Ano pang kaya mong gawin bukod pa dun ano! Magsalita
ka! Alam mo Rocher, paano kita mamahalin kung ganyan ang pag-uugali mo na
napakataas ng tingin sa sarili na akala makakayang kunin ang lahat pero hindi
naman kayang pagsisihan ang mga kasalanan, ni wala nga kong narinig na sorry
mula sa bibig mo! Ibang klase ka ring nilalang! Hindi kita kinakaya! Tapos
dahil sa inyo, muntikan ng malagay sa kamatayan ang boyfriend ko dahil sa
bugbog!”
“Edi sorry na kung nagawa ko iyon sa inyo. Sana
maintindihan mo. Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko sa’yo, mahal na
mahal kita.” Biglang itong mapapayakap nang mahigpit kay Rose.
“Kaya kung pwede lang, dito ka na lang sa tabi ko at
hiwalayan mo na si Jose. Promise at hindi ka magsisisi at kaya kong ibigay kung
anuman ang ibinibigay niya sa’yo o higit pa dun, kung makikipagtipan ka sa akin
at sisiguraduhin kong magiging maginhawa ang buhay mo.”
“Yuck Rocher, bitiwan mo nga ko. Gaya ng sinabi ko,
ayos lang sa akin kahit magdildil ng asin sa pang-araw-araw at maghikahos,
huwag ka lang makasama. Kaya pwede ba, please, utang na loob, parang awa mo na,
sampu ng aking mga kamag-anak, itigil mo na ang kabaliwan sa akin at tantanan
mo na ko dahil wala ka ring mapapala, nagpapagod ka lang! Huwag ka nang umasang
balang araw ay sasagutin kita dahil bukod sa sinira mo ang tiwala ko, hindi
kita mahal! Siguro, kailangan mong magpa-counseling, nang sa ganon umigi-igi ka’t
tumino-tino naman!” Magalit-galit na wika nito sabay magpupumiglas ito mula sa
pagkakayakap ni Rocher.
Kahit kalalaking tao kung may damdamin naman,
mapapaiyak na lamang si Rocher sa masasakit na salitang binitawan ni Rose.
“Hanggang kailan mo ako pahihirapan Rose. Mahal kita
kahit sinugatan mo ko sa sinabi mo at kahit anong mangyari at gawin mo,
mapapasaakin ka pa rin.” Mangiyak-ngiyak na wika nito na tila pinagpipilitan
talaga na mapasakanya ang sinisintang-ibig. Kaagad naman isiniwalat ni Rose kay
Jose ang mga natuklasan nito patungkol kay Rocher na siyang ikakapuyos ng husto
ng damdamin.
“Sweetie heart, kung magpakita ka nang galit, parang
masusunog ka na. Ano bang problema?” Tanong ni Jose sa kanya na takang-taka sa
reaksyon ng kasintahan.
“Alam ko na ang katotohanan mahal ko, na si Rocher na
inakala nating mabait at nagbago na, nagpapanggap lang pala!”
“Paanong nagpapanggap?” Tanong muli ni Jose at
sasabihin ni Rose ang mga natuklasan sa kanya. Maliban kay Rose ay mababalutan
na rin ng galit ang loob ni Jose matapos ang mga nalaman at parang dinaig ang
tigre sa bangis ng mukha.
“Makita-kita ko lang ang kumag na ‘yon, wawasakin ko
ang pagmumukha niya at mapapatay ko siya! Ganon na ba siya kahibang sa’yo mahal
ko?!” Naglalagablab na wika nito.
Dahil sa pangyayaring iyon at mapanganib na para kina
Rose at Jose na makasama pa si Rocher dala ng kanyang kahibangan sa pag-ibig
kay Rose na kitang hindi na maaagapan pa, napagpasyahan na nilang lumipat nang
mapagta-trabahuan para makaiwas sa kanya at sa gulong idudulot nito. Laking
gulat ni Rocher nang malaman na nag-resign na sina Rose at Jose sa kompanyang
kanilang pinagtatrabuhan.
“Nikki, nanganglahati na ang araw pero hindi ko pa rin
nakikita si Rose, pati rin si Jose.”
“Ah yung dalawa ba? Naku nakalimutan naming sabihin
sa’yo, nag-file na ng resignation letter ang dalawa, kahapon pa lang kaya wala
na sila dito ngayon.”
“Ha, nag-resign na sila?! Bakit naman sila
nag-resign?” Biglang sasabat si Mitche sa usapan nilang dalawa.
“Sa palagay mo ba Rocher, bakit nag-resign ang
dalawa?” Maanghang na tanong nito sa kanya.
“I think, nawalan na sila ng ganang magtrabaho dito,
kaya sila nag-resign. Pangit-pangit ba naman kasi ng kumpanyang ito, walang
ka-class-class.”
“Kung pangit pala, bakit dito ka nagtatrabaho?! Aber!”
“Kaya nga magre-resign na nga rin ako, maya-maya!”
“Aba’y buti naman, nang wala ng buwisit na buwitre, sa
pang-araw-araw na pagpasok namin dito, bukod pa dun, yang sina Manang Gudang
pati lahat ng inapi mo, mabibigyang hustisya na! Bakit hihintayin mo pa ang
mamaya kung pwede naman ngayon, resign na!”
“Kung gusto niyo ko mag-resign na, pwede niyo ba kong
tulungang gumawa ng resignation letter, please?”
“Nakiusap pa ang mokong, magre-resign na nga lang.”
Sabi naman ni Manang Gudang na kasama ni Mitche.
Magmula nang lisanin nina Rose at Jose ang kumpanyang
iyon at malayo mula kay Rocher, naging mapayapa na ang relasyon nila sa isa’t
isa. Bukod pa doon, hindi na sila ginuglo nito, paano’y hindi nito alam ang
kanilang kinaroroonan kaya hindi matunton. Nakahanap din sila ng trabaho, iyon
nga lang, mas maliit ang sahod kumpara sa dating pinagtatrabahuan subalit
naging ayos pa rin naman iyon para sa kanila kung magkasama naman at
nagmamahalan. Sa loob ng anim na taon na kanilang pagsasama bilang magkasintahan,
nanatiling stable ang kanilang relationship dahil never pang nag-away at
nagkaroon ng tampuhan sa isa’t isa, na siyang ipinagpapasalamat at ikinatutuwa
ni Rose. Masaya man si Rose dahil walang problema sa kanilang pag-iibigan,
napapansin nitong ilang araw nang matamlay ang kanyang ama at may dinaramdam.
Lubos na nag-aalala si Rose kaya inalam na nito ang dahilan.
“Tay, nitong mga huling araw, napapansin ko, ang
lungkot-lungkot niyo’t nanamlay. May problema po ba?” Tanong ni Rose sa kanya.
“Ah wala anak at saka hindi naman ako malungkot eh,
may iniisip lang ako. Sige na, magluto ka na diyan at huwag mo na kong
alalahanin, kailangan ko lang magpahinga.” Hanggang sa may makikita si Rose na
tangan-tangan ng kanyang tatay ang litrato na niluluma na sa tagal ng panahon.
“Teka muna tay, bakit may hawak kayong picture at sino
naman yan?” Hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang tatay ni Rose na ipakilala ang
nasa litrato maging ang kanyang nakaraan.
“Ngayong lagpas 20 year’s old ka na, panahon na
marahil para malaman kung ano ang pinagmulan ko at sino ang nasa litrato na
yan?”
“Eh sino ba yang babaeng nasa litrato at may kasama
pang bata? In fairness, cute niya tay!”
“Thank you anak!”
“Bakit ka naman nagte-thank you, hindi naman ikaw ang
pinupuri ko.”
“Ako kasi yan nung bata pa ko tapos yang babaeng
kasama ko, nanay ko ‘yan o lola mo na. Siya si Lola Clarissa mo.” Magugulat si
Rose sa nalaman.
“Lola Clarissa? Pero tay bakit hawak niyo pa ang
picture ng lola, eh matagal na po siyang patay hindi ba, sabi niyo? Bakit hindi
pa ba kayo nakaka-move-on?”
“Hindi totoong patay ang Lola mo, buhay pa siya. Kaya
hawak-hawak ko ang picture niya, kasi nami-miss ko na siya. More than 20 years
na kami hindi nagkikita.”
“Bakit tay, ano po bang nangyari at nahiwalay kayo ni
Lola?”
“Ganito kasi yan, When I was high school student,
nakilala ko ang nanay mo, maganda siya, although sa talino, parang hindi naman.
Mabait siya bukod sa maganda at marunong makisama, mga katangiang nagustuhan ko
sa kanya kaya agad na nahulog ang loob ko sa kanya. Masaya din ako at siyempre
sa pogi kong ito, nagkagusto rin ang nanay mo sa akin at naging kami bago
magtapos sa high school.” Patuloy na magkukwento ang tatay ni Rose tungkol sa
moments nilang dalawa.
“Kilig naman ako sa inyo tay, ang sweet-sweet.”
“Sweet nga kami pero nasobrahan nga lang kaya heto at
maaga akong nagkaanak sa kanya. 19 years old pa lang ako nang ipanganak ka
namin at 17 lang ang nanay mo. Nung malaman ng nanay ko na nabuntis ko ang
girlfriend ko, which is your mother, halos atakihin sa altapresyon dahil hindi
matanggap na maaga akong nag-anak. Sobrang taas kasi ng pangarap niya sa akin
at ayaw niyang matutulad ako sa kanya, kasi yung lola mo, 16 years old lang
nung ipanganak ako. Kaya iyon at itinakwil niya ko.”
“Kung ano ang puno siya rin ang bunga.”
“Wow naman anak ko, baka gusto mo itakwil din kita,
hindi ko gusto ang tabas ng dila mo.”
“Pero itay, ang bata naman ni Lola nung magkaanak
siya, tapos nagawa pa niya kayong itakwil nung malaman niyang nagkaanak kayo sa
murang edad, eh mas malala pa nga siya. Hahahaha! At saka tay, anak niya kayo
eh, bakit niya kayo itinakwil nang ganon-ganon lang?”
“Sobrang dissapointed kasi siya sa ginawa ko kaya
hindi na iyon magdadalawang isip pa na itakwil ako at hindi ko siya masisisi.
Ang sa akin lang, sana’y mapatawad na niya ko at tanggapin muli bilang anak.
Sobrang nagsisisi ako anak ko at dapat tinupad ko muna ang mga pangarap sa
buhay at kagustuhan ni Mama bago ako bumuo ng pamilya, tama siya anak ko.”
“Ibig sabihin, pinagsisihan mong nabuo ako?”
“Hindi iyon ang punto ko, bakit mo naman naisip yan,
ikaw at ang mga kapatid mo, biyaya kayo ng maykapal sa amin kaya wala kayong
kasalanan sa naging kapalaran ko. Ang tanging pinagsisihan ko, hindi ako
nagpigil.”
“Tay anong balak niyo?”
“Makikipagkita ako sa nanay, siguro naman sa
tinagal-tagal ng panahong di kami nagkikita, kumupas na ang galit niya sa
akin.”
“I think, pati rin sa ganda kumupas na rin sa
tinagal-tagal ng panahon, baka nga hindi niyo na siya makilala tay eh.”
“Basta at bahala na anak, maraming paraan at doon ako
magsisimula.”
Samantala at dahil day-off nina Rose at Jose sa
trabaho at matagal-tagal na ring hindi nadadalaw ni Jose ang kanyang kapatid na
pinakamalapit sa loob nito, naisipan niyang puntahan ito at kamustahin.
“Oh Sephie, mabuti at naisipan mo namang gumawi dito.”
Pambungad na wika ng kanyang Ate habang abala sa pagbuburda ng mga damit nang
makita niya ito.
“Ate Clarise naman, Jose ang itawag niyo sa akin,
hindi Sephie. Hindi na ko bata para tawagin niyo ko sa pangalan na yan.”
“Eh gusto ko, Sephie bakit ba, ate mo ko at ako ang
panganay sa ating magkakapatid. Kamusta ka bunso kong kapatid? Ang tagal mo na
ring hindi dumadalaw dito.” Tanong ni Aling Clarise.
“Eto naman ate, mabuti at walang sakit.” At magkukwentuhan
na sila’t kamustahan.
“Kamusta naman yang katutot mo?” Tanong ni Aling
Clarisse sa kanya.
“Lalim mo ‘te managalog, anong katutot, girlfriend ba
kamo?”
“Oo, si Rose?”
“Masaya ako dahil six years na kaming mag-live in eh,
although may mga problema talagang dumarating sa relasyon naming dalawa, still
hindi pa rin nabubuwag.”
“Kung ganon Sephie na naka-six years na kayo, ba’t
hindi na kayo magpakasal, tutal na hustong gulang ka na at kapwa na kayong
kumakayod. I’m sure na kayo niyo nang itaguyod ang isa’t isa maging ang
magiging mga anak niyo.”
“Wala pa kong balak ate na magpakasal, kasi walang
time para diyan at busy sa work. Saka na lang kapag nakaluwag-luwag, may tamang
panahon para diyan.”
“Six years is enough Sephie to make a wedding. Baka
yang kasintahan mo, naiinip na.”
“Hindi naman Ate, hangga’t mahal niya ko at mahal ko
siya, tiwala naman akong nagkakaintidihan kami. Teka muna Ate, maiba tayo,
limang buwan na ang nakakaraan, nahanap mo na ba ang panganay mo?”
“Ah, si Rudencio ba? Hindi pa bunso.” At bigla itong
magiging emosyonal.
“Kung alam ko lang na magiging ganito at kasakit sa
loob, sana hindi ko siya tinakwil at inintindi ko na lang siya. Sana tinanggap
ko na lang ang maaga niyang pag-aasawa’t anak. Nanay lang ako’t kahit ano pa
ang gusto ko sa kanya na maging, hindi ko naman hawak ang kapalaran niya. Lubos
akong nagsisisi sa nagawa ko sa kanya at
sana mapatawad niya ko. Kung saan man siya ngayon, sana nasa mabuti siyang
kalagayan at Diyos na ang bahala sa kanya. Huhuhuhu!” Sa sobrang pangugulila
nito sa anak na si Rudencio na kanyang itinakwil, mapapayakap na lamang ito
nang higpit kay Jose at lalo pang mapapahagulhol.
“May awa ang Diyos at alam kong magkikita kayong muli
ni Rudencio, sa takdang panahon nga lang. Gusto mo ate, ako na diyan?”
“Marunong ka ba sa pananahi?”
“Oo naman ate, kahit tingin mo astigin akong tao, kaya
ko rin gawin ang gawaing pambabae.” Pagyayabang diumano nito at nang kanyang
masubukan sa pagbuburda.
“Hindi ganyan Sephie, akala ko, marunong ka?”
“Pasensiya na ate, hindi pala ako marunong, pakituruan
mo na lang ako kung paano magburda.”
“Sige na nga, yabang mo kasi.”
Samantala at habang papatungo si Rose sa mall
na kakabihis lang para mag-shopping dahil nakapagsweldo, sa hindi inaasahan ay bigla
itong pinuntahan ni Rocher.
“Anong
ginagawa mo dito, bakit nandito ka?” Tanong nito na may pagkagulat ng magharap
sila ni Rocher.
“Kamusta
ka na mahal ko, masaya ka bang iniwan mo kong mag-isa?”
“Anong
iniwang mag-isang pinagsasabi mo diyan, naging tayo ba para sabihin mo ‘yan at
huwag kang assuming. Paano mo nalaman na dito ako nakatira?”
“Through
your Facebook account.”
“My
Facebook account, eh hindi naman tayo Friend at saka blinak kita, pano mo naman
malalaman ang address ko.”
“Hindi
na mahalaga kung paano ko nalaman. I’m so glad that we met.” Lalapitan nito si
Rose at akmang hahalikan, siyempre sa labing nababalutan ng makapal na
lipstick. Pagsusuntukin ni Rose si Rocher nang gawin niya iyon.
“Sugapa
ka! Makahalik ka sa ‘kin, akala mo kasintahan kita, eh kami nga ni Jose, hindi
pa namin nagagawa ‘yan, sa pisngi lang! Ang kapal talaga ng Face mo, sarap
ingudngod sa putikang inuuod!”
“Alam
mo Rose, isa lang ang ibig sabihin niyan, pinapaasa ka lang ng Jose na ‘yan,
hindi ka niya mahal!”
“Utot
mo! Kahit anong sabihin mo patungkol sa kanya, hindi ako naniniwala sa’yo!
Pwede ba, umalis ka na at huwag nang manggugulo pa, matahimik na nga kaming
nagsasama. Gaya ng sinabi ko, hindi kita mahal at hindi kita mamahalin kahit
kailan kaya umalis ka na!”
“Hindi
ako titigil Rose hangga’t hindi ka napapasaakin, alam mo naman kung gaano kita
kamahal.” Walang ano-ano’y bigla niyang hahawakan si Rose at gagapusin sa
kanyang mga bisig na mabalbon.
“Bitawan
mo ko, hinayupak ka!”
Habang
pinagtatangkaang halayin ni Rocher si Rose ay mabuti na lamang, dumating si
Jose at uundayan ng makabarag mukhang sapak.
“Bitawan
mo ang girlfriend ko!” Naglalagablab na wika nito nang undayan nito ng sapak si
Rocher at babayagan naman ni Rose ito para bumitaw sa kanya. Halos mapuruhan si
Rocher nang ipamalas nila ang kanya-kanyang lakas at kawawa siya. Kahit matindi
ang tinanggap nitong sapak at binayagan pa, nagawa pa rin nito bumangon at
sinubukang banatan si Jose subalit agad din itong nakailag at babalyahin ang
mga kamaong nakaambang sumalakay sa kanya. Walang laban si Rocher sa liksi at
husay ng pakikipaglaban ni Rocher at tiklop siya.
“Ano,
papalag ka pa?!” Nagngangalit na wika ni Jose kay Rocher na bulagtang-bulagta
at halos hindi na makabangon. Hindi na pumalag pa si Rocher at nang makabawi ito
ng lakas ay agad nang aalis.
“Salamat
sa’yo Jose, you’re my Hero at maaasahan ka talaga!” Masiglang sambit nito kay
Jose at mapapayakap.
“Tungkulin
ko na ipagtanggol kita sa mga taong handang manakit sa’yo, kahit si Rocher pa
‘yan. Naku at huwag lang ‘yon makabalik-balik at jujuntalin ko ng bongga ang
peslak niya!”
“Ahahahaha,
tama na ‘yan, ateng, wala na siya. Kainis lamang dahil kumalap ang lipgloss ko
dahil sa kanya, ni-lip to lip niya ko kanina, my gosh!”
“Bakit
kung maka-reack ka bebe ko, parang masaya ka.” Pabirong sambit nito.
“Hindi
noh, kung ikaw pa siguro, masaya ako kaso hindi siya ‘yun, The man that I hated
most. Muntikan na ngang mawala Virginity ko dahil sa kanya kung hindi ka
dumating.”
“Ah
parang gusto mo, siya ang maunang kumain ng mansanas mo, sana hindi na lang ako
dumating.”
“Hindi
ganern bebe sweetheart ko, ang ibig kong sabihin, ikaw lang may karapatang
umano sa akin!”
“Anong
umano?”
“Basta
bukas ng gabi at dahil nasa hustong gulang na tayo, tuloy na. Kapag tulog na
sina nanay.”
“Bukas
pa ng gabi, hindi ba pwedeng mamayang gabi na lang?”
“Mamayang
gabi na, bukas ang pinakamagandang pagkakataon.”
“Hindi
ko na kasi matiis, natindig na! Inip ng mangabayo.”
“Anong
natindig at mangabayo? Ikaw talaga, kung ano-anong lumalabas sa bibig mo.” At
masaya silang aalis na magkahawak kamay.
Chapter XVII
Wedding’s plan
Wedding’s plan
Pursigido
talaga si Rocher na mapasakanya balang araw ang puso ni Rose kaya gagawin nito
ang lahat, makuha lamang ang gusto nito. Batid ni Rocher na mahihirapang makuha
si Rose dahil kay Jose na magaling makipaglaban at wala itong laban kaya
naisipan na nitong sumali sa Fraternity para lumakas ito at magkaroon pa ng
kapit. Sa tikas ng kanyang katawan at dahil may determinasyon at
pinanghuhugutan pa, nakaligtas naman ito sa inisasyong isinagawa sa kanya at ganap
nang naging kasapi ng fraternity. Habang kasapi ay sinanay siyang makipaglaban
at kung paano maipagtanggol ang sarili. Isang buwan at kalahati ang makalipas
nang matutunan ng lubos ni Rocher ang pakikipaglaban, kahit mag-isa lamang ito.
Simula noon at dahil batid ni Rocher na may laban na siya kay Jose, malakas na
ang loob nito na agawin si Rose.
“At
ngayong pantay na tayo Jose ng lakas o mas higit pa nga ako sa’yo, tingnan lang
natin kung may magagawa ka pang hadlangan ako na makuha si Rose. My future
girlfriend, Ahahaha!” Natutuwang sabi nito habang sumusuntok-padyak sa punching
bag para magsanay.
Samantala
at kahit buwan na ang lumilipas ay bigo pa rin mahanap ng tatay ni Rose ang
lola nito.
“Kamusta
naman tay ang paghahanap, may lead na ba kung saan nakatira ang lola, ang ‘yong
ina?”
“Wala
pa anak, sa laki ng Pilipinas na ito, nahihirapan na nga ako maghanap pero
hindi ako susuko at darating ang araw, matatagpuan ko rin si inay.”
“Sige
tay, suportado kita diyan, sana nga mahanap mo na, nang makilala ko naman siya,
personally.”
“Oo
anak, pagkahanap at harap ko sa kanya, agad ko kayong ipapakilala sa nanay ko.”
Masayang sabi nito at aalis na pagkat may aasikasuhin.
Anim
na taon nang may relasyon sina Rose at Jose kaya binabalak na nilang mag-isang
dibdib.
“Sweetheart,
saan mo gusto kung ikakasal na tayo?” Tanong ni Jose sa kanya na nanamis.
“Malamang
sa Simabahan, saan mo ba gusto, sa kweba o huwes. Bebe ko, kahit simple lang
ang magiging kasal natin at kaunti lang magsisipagdalo, ayos lang sa akin, ang
mahalaga ay kapwa tayong maitali sa isa’t isa, kahit ano pang mangyari, hindi
ako papayag na mauudlot ang kasal natin.”
“Talaga
mahal, kahit bumagyo pa?” Pabirong sambit nito.
“Grabe
ka naman bebe ko, huwag naman bumagyo. Ano ikinasal nga tayo, mamatay naman dahil
sa sakuna.”
“Hindi
maganda at kahit sa kabilang buhay, magsasama tayo at doon na rin bumuo ng
anak.” Hindi kinakaya ni Rose ang sinasabi ni Jose kaya bigla nitong
kukutongan.
“Loko-loka
talaga, hindi ka nag-iisip, paano ang mahal natin dito sa mundo, iiwan na lang
natin ng basta-basta, para lang magsama tayo sa kabilang buhay.”
“At
saka hindi na tayo magugulo pa ng Rocher na ‘yon na patay na patay sa’yo. Kahit
naman mamatay iyon, hindi naman natin siya makakasama sa kabilang buhay dahil
sa impyerno ang bagsak nun, sa dami ba naman ng nagawa niyang kasalanan at
hindi siya nagpapakabuti. Baka nga, tostadong nilalang na kapag iniluwa ng
impyerno.” Biglang mapapahagalpak si Rose.
“Ahahahaha!
Oo nga noh, but speaking of Rocher, kailangan na talagang magpakasal, para wala
na siyang dahilan pa na agawin ako sa’yo. Ayaw ko nga mapunta doon, gwapito
nga, totoo naman kaso balidoso at maitim pa ang budhi. Kahit pinagpala ang
hitsura kung ganyan naman kapangit ang ugali, kahit haliparot na bebot ay hindi
magtatagal sa kanya. Basta Sweetie, ipangako mo na sa akin ka lang at huwag
kang maghahanap ng iba.” Mapapayakap ito kay Jose ng higpit at makakaramdam na
tila nag-iinit si Jose.
“Alam
mo Rose, dapat sa taglamig mo ‘yan gawin sa akin.”
“Bakit
naman bebe ko?”
“Kasi
nag-iinit ako kapag niyayakap mo ko.” Biglag mapapabitaw si Rose at
mapapahampas sa dibdib ni Jose.
“Manyakol
ka! By the way, kailan natin balak isagawa ang kasal?”
“Siguro,
kapag nakapag-ipon-ipon na tayo ng marami, pambili ng isusuot at panghanda.”
“Sabi
ko nga sa’yo, kahit simple lang ayos na. Pero sige at magmula ngayon, mag-ipon
na tayo at maghanda-handa na rin. Within Six Months, kailangan okey na ang
lahat. Iyon nga lang, baka maging sagabal si Rocher sa pag-iisang dibdib
natin.”
“Huwag
mo siyang alalahanin, kung siya nga, di ka niya inaalala.”
“Aba’y
dapat lang, nang itigil na niya ang pangugulo sa atin. Masyado kasi siyang
umaasa.”
[Sa
isang hideout na pinamumugaran ng ka-frat ni Rocher.]
“Ano
parekoy, kailan natin balak isagawa ang plano sa mahal mo?” Tanong ng kasapi
niya sa kapatiran.
“Kapag
na-execute ka na! Ahahahaha! Sa ngayon ay kailangan niyo kong tulungan para
isakatuparan ang plano natin kay Rose, hindi lang sa kanya, pati na rin sa
walang hiyang Jose na ‘yon. May araw din ang mokong na ‘yon!”
“Balita
ko ikakasal na raw silang dalawa.” Sabi pa ng isa pa nitong kasamahan na
humihithit-buga ng Sigarilyo.
“Huli
ka na sa balita, matagal ko nang alam!”
“Paano
mo nalaman Rocher?!” Nagtatakang tanong nito.
“Siyempre,
parati kong ini-stalk ang account niya. Sira, kung ikaw ginagawa mo ‘yan, hindi
mo pa malalaman.”
“Malala
ka na parekoy, pati sa account, ini-stalk. You know that your act is not
healthy, pagamot ka na, baka sagutin ka ng taong natitipuhan mo kapag gumaling-galing
ka.”
“Baka
gusto mong makatikim ng kamao ko nang manahimik ka diyan! Makikita nila kung
anong gagawin ko.” Sabi nito na nakangisi na halos labas na ang ngipin na
punong-puno ng ngima. Magtataka si Rocher kung bakit nagtatakip ang kausap
nito.
“Bakit
ka nagtatakip, may naamoy ka ba?”
“Oo
pre, may naamoy ako. Yang hininga mo, ilang buwan ka na bang hindi
nagto-toothbrush.” Bigla nitong kukutongan ang kausap.
“Gag*
ka! Kaka-toothbrush ko lang kanina, may kinain kasi ako.”
Nagdaan pa ang panahon at nang mabuo ang mga
plano ni Rocher kina Rose, kasama ang mga kapatiran nito ay kapwa na nilang
isinagawa.
“Alam
ko ngayon kung nasaan sina Rose at doon natin sila sasalakayin.”
“Saan,
wala ka naman nilagay na tracking device sa katawan niya.” Nagtatakang sambit
ng kanyang kasamahang frat.
“Ilang
beses ka ba inire ng nanay mo, napakabobo mo kasi! Malamang sa Facebook ko
nalaman, eto oh.” Ipapakita nito ang post ni Rose sa kanila at babasahin.
“Rose
Dela Vega is at SM Fairview, with Joseph Catutang.” Basa ng kanyang kapatiran.
“Ano
pang hinihintay natin, sugod na sa SM!”
“Kaso
ang laki-laki ng SM na yan men! How do you think that we could found them?”
“Marami
naman tayo kaya maghiwalay-hiwalay, para madali natin sila mahanap at mahuli.”
“Oo
nga pareng Rocher, ang tali-talino mo, tama yan!” Bulalas ng kasapi nitong na
walang ginawa kundi manabako at nang magtungo sila ng SM Fairview ay
tulong-tulong nilang hahanapin sina Rose. Gaano man sila karami at kahit
nalibot na ang napakalaawak na mall, bigo silang mahanap ang dalawa.
“Ano
mga pare, may nakahanap ba kina Rose?”
“Nilibot
na namin ang buong mall na ito, hindi namin sila makita.” Pagal na pagal na
balita nito. Hanggang sa may aaminin ang kasamahan ni Rocher na labis nitong
ikakairita.
“Pre,
nakalimutan kong sabihin sa’yo, 2 hours na ang nakakalipas nang makita natin
ang post ni Rose. Malamang sa mga oras na hinahanap natin sila, baka umalis na
sila.”
“Naman,
GRRRRR! Bakit hindi mo sinabing 2 hours ago na pala ang post niya, isa kang
inutil!” Nag-uumusok na wika nito sa kanila.
“Oo
nga pre, bakit ngayon mo lang sinabi, hindi sana hindi na tayo napagod pa sa
paghahanap.” Sa sobrang yamot ni Rocher sa kanya ay mababaril niya ito.
Nagkagulo sa mall nang iputok ni Rocher ang baril at mabilis silang tatakbo,
iiwang duguan at wala nang malay ang binaril na kapatiran. Isang araw at nang
pauwi na magkasintahang Rose at Jose galing sa pakikipag-date, nagkaroon na ng
tiyempo ang kapatiran ni Rocher na kidnappin sila.
“Nakikita
niyo sila, mga kapatid?” Tanong nito sa kanila nang mamataan sina Rose na
masayang naglalakad pauwi.
“Oo
naman, obvious ba. Ang sweet nila noh, nakakakilig.” Sabi ng isa nitong
kasamahan sa kapatiran na tila binabanas si Rocher.
“Tonta
ka! This is it, the show must go on!” At batalyunan na nilang susugurin sina
Rose at akmang kikidnapin. Sinubukang manlaban ni Jose para makawala sila
subalit sa dami ng kasamahan ni Rocher ay wala na rin itong nagawa’t ganap nang
dinukot. Mabuti na lamang at may nakakita na kakilala ni Rose kaya dali-dali
itong tutungo sa bahay nila para ibalita ang naganap na pagdukot sa kanila.
“Ha,
sina Rose nadukot?! Hindi maaari ito!” Gulat na gulat na sambit ng kanyang
nanay nang ipabatid nang saksi ang naganap kina Rose.
“Naku
mahal ko, hindi pwedeng nakaupo lang tayo dito, kailangang may gawin tayo. Baka
kung anong gawin sa kanila, lalo na sa anak natin.” Pag-aalalang sambit ng
tatay ni Rose.
“Teka
muna mahal ko, ba’t parang baligtad, ako ang babae at ina pero ikaw ang mas
naalala.”
“Oo
nga mareng, may punto ka, ba’t mas nag-aalala pa siya sa’yo. Bawas pagkalalaki
pa naman yun” Sabat ng saksi.
“Pati
pa naman pagkalalaki ko, pinakelaman niyo. Ba’t hindi natin isipin at pakilaman
ang kaligtasan nila. Tara na at humingi na tayo ng tulong sa mga pulis.” At
dali-dali na silang aalis para magtungo sa Police station.
Chapter XVIII
Ang pagwawakas
Ang pagwawakas
Dahil
sa pag-ibig ni Rocher kay Rose na tipong hibang na hibang, nasa panganib ang
kanilang buhay. Nang sila ay magkamalay, magugulat na lamang pagkat magkahiwalay
sila ng kwartong pinagbihagan.
“Well,
well Jose, boyfriend ng pinakatatangi’t mahal ko, gising ka na pala! Ano,
masaya kang nandito ka?!” Sabi ni Rocher sa kanya nang magising ito at
hahalakhak. Hahanapin ng paningin ni Jose kung nasaan si Rose subalit hindi
nito makikita.
“Hayop
ka talaga Rocher, saan mo itinatago si Rose?!” Magalit-galit na tanong nito.
“Hindi
na mahalaga kung saan ko siya itinago, ang mahalaga’y kung paano kita
mapapadispatsa, pero hindi ko muna gagawin sa’yo yun. Gusto ko munang pahirapan
kita para makabawi ako sa lahat ng naging atraso mo sa akin.”
“Ano
bang ispirito ang sumanib sa’yo at nagagawa mo ang ganito, oh sadyang demonyo
ka ng ipinanganak! Lakas din ng tama mo sa girlfriend ko, gagawin mo ang lahat,
mapasayo lang siya! Pwes manigas ka dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi
siya mapupunta sa’yo! Hanggang pangarap ka na lang!” Biglang sasapakin ni
Rocher sa mukha si Jose.
“Mag-ingat-ingat
ka sa pinagsasabi mo! Baka hindi mo na nakikilala kung sino na ako ngayon.”
“Aba’y
sino ka ba ngayon, ikaw na si Rocher na halang ang kululuwa at makasarili! Pero
lampa naman at duwag!”
“Ako
duwag! Makikita mo kung sino ang lampa sa atin! Guys, pakitanggal ang kadena ng
lalaking yan!” Dagliang tatanggalin ng mga kasamahan ni Rocher ang kadenang
nakagapos sa magkabilang kamay nito at maghahamon ng sparing.
“Anong
ginagawa mo?” Tanong ni Jose sa kanya nang nakaambang na ang kamao nito.
“Makikipagtuos
sa’yo.” Sabi naman ni Rocher na mayabang at sabik na sabik na makipagsuntukan
kay Jose. Mataas ang kumpiyansa ni Jose na madadaig nito si Rocher dahil sa
kakayahan nito kaya agad siyang nagpakawala ng suntok kay Rocher, subalit
mabilis itong umilag at sinalag ang braso. Nang akmang susuntukin ni Rocher si
Jose sa may sikmura, makakailag ito’t sisipain subalit nakaiwas din ito. Kapwa
magaling na sa pakikipaglaban kaya walang ni isa sa kanila ang napapataob,
bagay na ipinagtataka ni Jose at hindi niya inasahan kay Rocher. Umaatikabo ang
kanilang labanan at nang mapansin ni Rocher na hindi niya madaig-daig si Jose,
nagpatulong na ito at magkasama nilang nilabanan hanggang sa madali na ito at
mabuwal.
“Akala
ko ba, magaling ka nang makipaglaban? Bakit nag-aya ka pa ng katulong! Duwag!
Kahit kailan talaga, duwag ka at hindi patas makipaglaban!” Sabi nito na
nakabulagta na. Bigla itong sasapukin ni Rocher sa mukha.
“Tumahimik
ka!” At tulong-tulong na nila itong pagsisipain at tadyak hanggang sa manghina’t
magkagalos-galos, sugat. Nang makita nila itong wala nang malay, iiwan na
lamang ito ng basta-basta.
Matapos
patulugin ni Rocher si Jose, pupuntahan namin nito kung saang kwarto inilagay
si Rose. Nakabihis-bestida ito na makulay-kulay at may kolerete pa sa mukha na
akala’y sasali ng JS Prom at may suot pang hills kaya takang-taka ito nang
magising pagkat bihis prinsesa na siya.
“Bakit
ako nakahiga dito at nakasuot ng gown? Pagkakaalala ko, hindi naman ganito ang
suot ko?” Takang-takang tanong nito nang magising, susubukan niyang bumangon
subalit hindi magawa pagkat may nakagapos na kadena sa magkabilang kamay nito.
Magpupumiglas ito para makawala subalit sa higpit ay biugan siya. Habang
sinusubukan niyang makalas ang kadena ang pagdating naman ni Rocher.
“Gising
ka na pala. Kamusta na aking prinsesa, nagustuhan mo ba ang suot na ‘yan?” Sabi
nito nang pagkapasok.
“Ikaw
pala yan Rocher! Anong kalokohan ito’t nagawa mo pa kong pagsuotin ng ganito.
Hay naku, nasisiraan ka na talaga ng bait! Sabi ko sa’yo, patingin ka na sa
Psychiatrist kasi malala na ang sira sa tuktok mo!”
“Wala
na akong pakialam kung masiraan na ng bait, ang sa akin ay makasama ka at
mapunta sa akin! Pakakawalan ko kayong dalawa, kung hihiwalayan mo si Jose at
sasama sa akin.”
“Neknek
mo! Punggok ka! No way, hindi ako sasama sa’yo kahit ano pang gawin mo. Si Jose
lang ang mahal ko at mamatay ako na nasa kanya pa rin ang puso ko, itatak mo
yan sa kukote mong nabubulok na! Pwede ba, pakawalan mo na lang ako!”
“Ayaw
mo talaga at hindi mo talaga ako mahal, pwes tikman mo na lang ang aking
linamnam!”
“Linamnam?!
Iww, hindi ka yummy para sabihin iyan! You’re look messy!” Bigla siyang
lalapitan ni Rocher at dahan-dahang ilalapit ang labi sa mukha nito.
“Kuya
huwag po, nene pa ko!” Nagmamakaawang sambit nito at itatagilid ang mukha para
hindi mahalikan ni Rocher subalit ipipilit pa rin nito at tagumpay naman nitong
nahalikan, nang matagalan at sulit na sulit pa. Panay pagpupumiglas si Rose
habang damang-dama nito ang labi ni Rocher na lumalambutso sa labi niya.
Matapos niyang halikan ay maghuhubad na ito at ibubuka ang binti ni Rose.
“My
gosh, ayan na! Huwag!” Sabi nito nang may pagkatakot nang hubarin ni Rocher ang
panty ni Rose at nang akma na nitong gagahasain, makakarinig sila ng putok.
Iyon pala’y may nagpaputok ng pla-pla, hudyat na sisimulan nang salakayin ang
hide-out. Bukod sa mga pulis at dahil isang malaking kapatiran ang babanggain
nila, minabuti na rin ng mga magulang ni Rose na humingi ng tulong sa mga
kaopisina, mga kaibigan at naging mga kaklase nito. Kapwa pumayag naman sila
kaya magkasamang sinugod ang kaloob-looban ng hide-out at nilabanan ang mga
kaanib ni Rocher.
“Heto
sa’yo! Yah! Yah!”Bulalas ni Mitch habang nakikipagsapakan sa mga kapatiran at
nang muntikan nang madali, ipagtatanggol naman siya ng dating mga kaklase ni
Rose na sina Glenna, Jenica at Kelly ang kalaban at pagtutulungang
gulpi-gulpihin.
“Salamat
at muntikan na ko dun.” Pasalamat ni Mitch sa kanila. Bukod sa kanila ay
nandoon rin si Manang Gudang, Yaya Tutchang at Kloring na taga-tirador naman sa
mga kalaban.
“Ayan
na sila!” Bulong ni Tutchang at dagliang titiradurin ng bato. Nang matuklasan
ng mga kalaban kung sino ang naninirador ay makikipaghabulan sila Tutchang hanggang
sa makorner ng kanilang mga kasamahan at pagtutulungang bugbugin. Kahit hindi
bihasa sa pakikipaglaban ang karamihan sa kanila kung marami naman at may
pagkakaisa, nadaig pa rin nila lahat ng mga kasapi ni Rocher at naaresto ng mga
pulis. Gulat si Rocher pagkat siya na lamang ang hindi naaresto at gawa na
hindi nito matanggap ang pagkatalo, maiisipan niyang i-hostage si Rose.
“Kung
ayaw mong masaktan, sumuko ka na sa min ng maayos!” Sigaw ng pulis sa kanya.
“Hindi!
Hindi ako susuko!” Sabi nito habang tangan-tangan niya si Rose sa mga bisig
nito at nakatutok ang baril.
“Maaawa
ka sa anak namin, pakawalan mo siya!” Nagsusumamong sambit ng nanay ni Rose.
“Oo
nga, maawa ka sa akin Rocher, pakawalan mo na ko, please.” Mahinahong sambit
nito. Hanggang sa may maisipang paraan si Rose kung paano siya pakakawalan ni
Rocher.
“Hindi
ba mahal mo ko at parang langit ang turing mo sa akin. Kung mahal mo ako, bakit
mo ito ginagawa sa akin, ikaw naman masyado mo naman akong dinadaan sa
santuhang paspasan, eh mapapasayo rin naman ako balang araw, basta maghintay ka
lang. At kung hindi mo naitatanong, makikipaghiwalay na ko kay Jose, kasi ikaw
na ang mahal ko.” Matamis na sabi nito sa kanya na magpapaamo sa loob ni
Rocher.
“Talaga
Rose, tama ba ang narinig ko, mahal mo ako at hihiwalayan mo na si Jose?”
“Oo
nga, paulit-ulit at di ba matagal mo na rin gusto na magsama tayong dalawa,
paano mangyayari yun, kung ngayon pa lang ay balak mo na kong patayin.
Pakawalan mo ko at pangako, tutuparin ko lahat ng sinabi ko at iyong-iyong na
ko.”
“Talaga
Rose?”
“Oo
mahal ko.” Dahil sa matatamis na salitang binitawan ni Rose na siya pa lalong
nagpapatindi sa nararamdamang pag-ibig sa kanya at lalambot pa lalo ang puso
nito hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa bitag at hindi na natiis na
pakawalan si Rose.
“Salamat
mahal ko at pinakawalan mo ko. Ngayon mahal ko, pwede mo bang ibaba ang baril
at kapag ginawa mo yan, sasama ako sa’yo.” Susunod naman si Rocher, sa
kagustuhang matupad ang kanyang ninanais at ibaba na nito ang baril.
“Hoy
Rose, anong pinagsasabi mo diyan, sasama ka sa kutong-lupa na ‘yan?!” Bulalas
ni Mitche.
“Manahimik
ka Mitch at kayong mga pulis, ibaba niyo na rin ang lahat ng mga baril, sasama
na ko sa kanya.”
“Nasisiraan
na ba si Rose, bakit niya ito ginagawa?” Bulong ni Tutchang kay Kloring at
Manang Gudang. Nang masiguro ni Rose na nakalayo na sila mula sa baril na
pinaglapagan ni Rocher at nakukuha na rin ang tiwala, saka lamang nito
isasagawa ang naisip sa kanya.
“Alam
mo, ngayon ko lang ito sasabihin na mahal na mahal kita, kaso neknek mo!”
Tahasan nitong babayagan si Rocher at habang iniinda nito ang pananakit ng ari
ay dali-daling tatakbo si Rose palayo sa kanya at magkakaroon ng tiyempo ang
mga pulis para dakpin siya. Gulat ang mga nakasaksi sa ginawang taktika ni Rose
para matiklo si Rocher at palakpakan sila.
“Galing
talaga ng Classmate namin, kahit may pagka-shunga-shunga, naisihan mo rin
siya!” Wika ni Glenna na manghang-mangha sa ginawa ni Rose.
“Salamat
sa’yo Glenna, I’m happy na nagkita-kita tayong muli, my high school classmate.”
Masayang wika nito at nang maaresto sina Rocher, saka lamang maiisip ni Rose
kung nasaan si Jose at hahanapin nila ito. Nang makita ay gulat ito pagkat
bakas na bakas ang mga bugbog na tinamo nito. Natuwa naman si Rose nang kaagad
na nagkamalay si Jose.
“Mahal
ko, ano nangyari? Bakit naka-gown ka at nasaan sina Rocher.” Gulat na gulat na
tanong nito pagkagising.
“Matutuwa
ka, dahil naaresto na sila ng mga pulis at hindi na niya tayo guguluhin
magpakailanman dahil sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Sorry siya
at nagkamali siya ng taong inibig!”
“Bakit
ano bang ginawa mo?”
“Ginamit
ko ang kahinaan niya para maisahan siya, ayun at paniwalang-paniwala sa akin!
Muntikan na nga rin niya kong gahasain, mabuti na lamang at dumating sina Inay
at mga pulis at hindi lang yan, pati mga kaklase ko at kasamahan natin sa
opisina, nandito at nagtulong-tulong na pabagsakin ang kuta ni Rocher.” Tugon
naman nito kay Jose.
“May
masakit pa ba sa’yo, mahal ko, halika na kaya at magpagamot na ospital.” Dali-dali
na nilang lilisanin ang kwarto sa hideout.
Masaya
sina Jose at Rose nang maaresto si Rocher at wala nang taong hahadlang sa
kanilang pagmamahalan. Nang dumating ang araw na kanilang pinakahihintay, sa
wakas ay mag-iisang dibdib na sina Rose at Rocher matapos ang anim na taon
sila’y magsing-irog. Habang isinasagawa ang kasal, hindi akalain ng tatay ni
Rose na doon na nito makikita ang kanyang nanay at kaagad nitong lalapitan.
“Nay?
Nay!” Masayang sabi nito nang makapagtagpo niya ang kanyang nanay.
“Rudencio?
Ikaw nga anak ko.” Sabi naman ni Lola Clarissa na galak na galak. Dahil sa
sobrang pagka-miss sa isa’t isa ay mapapayakap na at maiiyak.
“Patawarin
mo ko sa nagawa ko sa’yo anak ko!”
“Ano
ka ba nay, matagal na kitang pinatawad.”
“Salamat,
anak ko. Kamusta ka na, hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita, sa kasal pa
ng kapatid ko?” Magugulat si Rudencio sa sinabi ni Lola Clarissa.
“Kapatid?
Sinong kapatid nay?”
“Yung
ikakasal, si Tito Sephie mo.”
“Tito
Sephie? Eh si Jose at ang anak ko na si Rose ang ikakasal, nay naman palabiro
ka pa rin.”
“Si
Tito Sephie mo at si Jose ay iisa lang anak ko at saka tama ba ang narinig ko,
anak mo ang kasintahan ng tito mo?”
“Opo
nay, anak ko yan, si Rose. At saka nagpapatawa ba kayo, paano ko magiging Tito
yan, eh mas matanda pa ko sa kanya at nakilala ko lang siya dahil kay Rose.”
“Eh
nagtataka nga rin ako na anak mo yang si Rose, paano nangyari yun?”
“Maniwala
kayo nay, anak ko talaga si Rose.”
“Kung
anak mo talaga si Rose at Tito mo naman si Sephie o Jose na kapatid ko. Hindi
maaaring ituloy ang kasal anak ko! Magkadugo sila at hindi lang magkadugo,
maglolo pa!”
Labis
na hindi makapaniwala si Rudencio sa nalaman na magkadugo pala ang anak nitong
si Rose at Jose kaya nang pagkarating nila sa pari.
“Itigil
ang kasal!” Sigaw ng kanyang tatay.
“Bakit
tay, bakit kayo tumututol?!”Nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Kaya
ako tumututol sa pag-iisang dibdib niyo, dahil magkamag-anak kayo!” Labis na
magugulat ang mga nagsipagdalo.
“Tama
ang narinig niyo, magkamag-anak sila!” Depensa ng nanay ni Rudencio na kapatid
ni Jose.
“Ate?!
Paano niyo nasabing magkamag-anak kami?”
“Dahil
ang tatay ni Rose na iyong kasintahan, anak ko, siya si Rudencio na matagal ko
nang hinahanap.”
“Ha?!
Siya si Rudencio, paanong siya si Rudencio ate, eh si Mang Javier yan!”
“Tama
ang sinabi ng ate mo, Tito, Rudencio ang totoo kong pangalan, kaya Javier ang
naisipan kong gamiting pangalan, wala lang, cute kasi eh.”
“Eh
Tay, siya na ba ang Lola ko? Bakit parang hindi naman mukhang lola, in fairness
ang bata pa’t ang puti.”
“Well
apo ko, hindi pa naman talaga ako matanda. Kaya ako mukhang bata, kasi gumagamit
ako ng produkto ni Vicky Belo.”
“Kung
kayo ang nanay ng tatay ko na lola ko at kapatid kayo ni Jose, oh my gosh
darling, hindi tayo pwedeng ikasal, maglolo pala tayo.”
“Kaya
nga eh, hindi ako makapaniwala na magkadugo pala tayo. Hindi! Hindi maaari ito!
Ate, ano bang kalokohan ito?!”
“Hindi
kami nagloloko, maglolo nga kayong dalawa Sephie. Hindi nga ko makapaniwala na
ang Girlfriend mo, apo pala natin. What a funny naman ito. I think na
pinaglalaruan kayo ng kapalaran.”
“Pambihira,
noong una, Literal na lolo ang una kong kasintahan tapos ito namang si Jose na
mas bata na halos kasing-edad ko lang, Lolo rin at kadugo ko pa. Ano ba tong
Love life ko, puro lolo ang napupunta! Saklap Men!” Wala nang nagawa pa si Rose
kundi tanggapin ang katotohanan at matawa nang matawa dahil maglolo sila ni
Jose.
-The end-